• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 24th, 2023

4 kalaboso sa shabu at pagnanakaw ng mga cable wire

Posted on: March 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ARESTADO ang apat katao matapos maaktuhan nagbabalat at nagpuputol ng mga ninakaw na cable wire ng isang telephone company kung saan tatlo sa mga ito ang nakuhanan ng hinihinalang shabu sa Valenzuela City.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang mga naarestong suspek na sina Lester Bernardo, 32, Joselito Samson, 46, Arnold  Bormate, 27, at Arsenio Hapil, 36, pawang residente ng Brgy., Malinta.

 

 

Ayon kay PCpt Doddie Aguirre, hepe ng Sub-Station-4, nakatanggap sila ng ulat mula sa isang concerned citizen na mayroong mga kalalakihang nagpuputol at nagbabalat ng mga copper wire sa 297 Gitnang Tangke St., Brgy. Malinta.

 

 

Kaagad nilang nirespondehan ang nasabing lugar kung saan naaresto nila si Samson nang maaktuhan nagpuputol ng mga kable habang nakatakbo naman ang kanyang kasama na si Bernardo at pumasok sa isang compound kaya hinabol siya ng mga pulis.

 

 

Nakorner ng mga pulis si Bernardo sa loob ng nasabing compound kung saan naaktuhan naman sina Bormate at Hapil habang nagpuputol at nagsusunog ng sari-saring copper wire subalit, nang arestuhin na ay itinulak ni Hapil si PSSg Joseff Domingo saka tumakbo ngunit nadakip din siya kalaunan.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang mga copper cable na nagkakahalaga ng P150, 078.56 habang ayon kina SDEU investigators PCpl Glen De Chavez at PCpl Christopher Quiao, nakuha kina Bernardo, Samson, at Bormate ang tatlong plastic sachets na naglalaman ng nasa 1.5 grmo ng hinihinalang shabu na nasa P10,200 ang halaga.

 

 

Ani SIDMB chief PCpt Robin Santos, kanilang napag-alaman na sa Malabon City ninakaw ang mga cable wire habang narekober pa ng mga pulis sa mga suspek ang gamit nilang isang puting Suzuki mini van, safety shoes, safety helmets, sari-saring tools at mga pekeng dokumento na may logo ng telephone company para sa gagawin nilang operasyon sa lugar. (Richard Mesa)

Tuloy na tuloy na at wala ng makapipigil: ENCHONG, isa sa groomsmen ni ARJO sa kasal nila ni MAINE

Posted on: March 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA Instagram story ni Enchong Dee makikita nga ang groomsmen invitation ni Congressman Arjo Atayde para sa inaabangang ‘wedding of the year’ nila ni Maine Mendoza.

 

 

“Yes!” ang caption na nilagay ni Enchong kalakip ang invitation na may naka-print ng ‘ERNEST DEE’ (real name ng aktor) at photo nila ni Arjo.

 

 

At base sa twitter post ng @onlymaine4ever, lumabas na nga ang groomsmen ni Arjo na pinadalhan niya ng invitation na may personal message. Na bukod nga kay Enchong kasama ang malalapit na kaibigan at kamag-anak tulad ng malapit niyang cousin na si Gab Atayde.

 

 

Makikita rin ang laman ng invitation kaya caption ng nag-post, “Ang shala ng invitation wala akong ma-say.”

 

 

Anyway, super close nga sina Arjo at Enchong na pareho pa ang birthday (November 5), kaya nga parang kapatid na ang turingan nila. Kaya nakapag-open siya sa relasyon nila ni Maine at ayon kay Enchong ang laki raw ang pinagbago ng kaibigan mula ng makilala si Maine na malapit nang pakasalan.

 

 

Super close din si Enchong kay Ria Atayde, na hindi nakalimot bumati sa dalaga last March 23, kasama ang kanilang photos.

 

 

Sa IG post niya, “Same frequency. Same Energy. Same Love.

 

 

“Thanks for adding smiles to everyone around you… you deserve nothing but the best❤️ Happy Birthday @ria 😘”

 

 

Anak na rin ang turing nina Sylvia Sanchez kay Enchong, kaya hindi ito nawawala sa mahahalagang okasyon ng pamilya, kapag libre siya sa showbiz commitments.

 

 

Kaya hindi kami nagtaka na kasama nga si Enchong sa groomsmen ni Arjo.

 

 

Samantala, narito ang ilang reaksyon ng mga netizens:

 

 

“Ay o, pak! Ayan na the “Real Wedding!” As in totoong kasal na ni Maine talaga, hindi kasal-kasalan lang na bigla na lang pinalabas na sa show may kasalan na, obviously forda views at rating lang at forda labtim na nabuild lang. Pakita mo nga Maine ang Certificate of no Marriage mo! Papayag ba naman si Cong na second hubby lang sya at may anak pa si Maine looooll!!!

 

 

“O, may paganyan ba sila? Totoong kasalan na ito, hindi delulu!”

 

 

“Wow. this going to be a grand wedding. so excited for Maine’s wedding gown.

 

 

“Mayaman ang mga Atayde at Mendoza. Hindi naman sila papayag na puchu puchu ang kasal.”

 

 

“Hintayin natin yung wedding itself, invitation pa lang nga from the groom may luxury items na. Lol. Ano pa kaya yung from the bride at yung wedding itself. Im sure Yaya would never settle for anything less.”

 

 

“Go Maine! That’s your dream wedding! Salamat na rin at Aldub happened you got to work with Arjo!”

(ROHN ROMULO)

Rep. Arnulfo Teves sinuspinde ng 60-araw ng Kamara

Posted on: March 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINATAWAN ng 60-araw na suspension si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves dahil sa pagliban sa session ng House of Representatives.

 

 

Umabot sa 292 na mga mambabatas ang bumoto na pumabor sa ulat ng House committee on ethics and previleges dahil sa hindi nito pagpasok kahit natapos na ang kaniyang authority to travel ng hanggang Marso 9.

 

 

Wala namang kumontra sa nasabing botohan.

 

 

Ang nasabing Committee Report 472 ay isinumite sa House committee on rules nitong Martes ng hapon.

 

 

Ayon kay House committee on ethics and privileges chair and COOP-NATCCO Party-list Rep. Felimon Espares na ang hindi pag-uwi ni Teves at hindi pagdalo sa duties nito sa House of Representatives ay nakakaapekto ng dignidad, integridad at reputasyo ng Kamara.

 

 

Dahil sa suspensyon ay may karapatan ang House of Representatives na magtalaga ng caretaker sa kanyang distrito. (Ara Romero)

UNLIKELY HEROES: MEET THE GUYS OF “DUNGEONS & DRAGONS”

Posted on: March 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ANY adventure worth its weight in gold requires likable characters, and Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves has plenty.  

 

 

[Watch the film’s Final Trailer at https://youtu.be/XyTz-RRzrXg]

 

 

When the movie opens, unfailingly optimistic bard Edgin (played by Chris Pine) and his best friend, the barbarian fighter Holga (Michelle Rodriguez), are locked away in the notorious prison Revel’s End, a result of the betrayal by the nefarious Forge Fitzwilliam (Hugh Grant), who took Edgin’s beloved daughter Kira to live as his ward in the great metropolis of Neverwinter where Forge installed himself as ruler.

 

 

On a mission to take back what has been lost to him, Edgin escapes together with Holga. Along the way, they are joined in their quest by an insecure sorcerer, a paladin and a Tiefling.

 

 

CHRIS PINE (EDGIN THE BARD)

 

 

Leading the cast is Chris Pine, who plays extroverted bard Edgin Darvis. “He will make the best out of any situation,” says Pine of his character. “He might seem like he has his stuff together, but more often than not, he’s winging it. It makes him, I think, a likable thief.”

 

 

Although Pine is no stranger to blockbuster filmmaking – having starred as Capt. James T. Kirk in J.J. Abrams’ trilogy of Star Trek films and having played Steve Trevor in the Wonder Woman movies – he was new to the world of Dungeons & Dragons. In an ideal confluence of events, the same week he was offered the role in the new film, Pine happened to be hosting his nephew’s D&D group at his home. He decided to sit in on the campaign and was immediately hooked.

 

 

“I ended up playing with my entire family – my parents, my sister, my nephew, the two Dungeon Masters that run the game for my nephew – and we had a blast,” Pine says. “It’s such an incredibly creative game. It’s a game that depends on performance and investment and allowing for whatever comes and not censoring yourself and having fun. It teaches so many things from camaraderie to friendship to strategizing to team building. It’s joyful.”

 

 

REGÉ-JEAN PAGE (XENK THE PALADIN)

 

 

Among the characters Edgin and his best friend Holga meet along the way is handsome paladin Xenk Yendar, played by breakout Bridgerton star Regé-Jean Page. Despite the character’s youthful appearance, Xenk is cursed with unnaturally long life after having narrowly escaped a ritual that transformed the residents of Thay into the undead. “Xenk is a very old man stuck in a young and virile man’s body,” says Page. “He is sworn to heroism. He’s infuriatingly upright, moral, a perfect paladin hero. Within D&D, paladins are known for being slightly overly heroic and showy. The joy of Xenk is that he’s all those things yet utterly unaware of them. He exists mostly to infuriate our group by being the hero that they’re not quite.”

 

 

Says Pine of the paladin member of their quest, “Xenk is the perfect man personified, and Edgin, who might like to believe himself to be a great version of the species, has to encounter the guy. He just hates the fact that Xenk has his stuff together. So, Edgin uses his nephecibility and his wit to try to cut this guy down to size—but he’s incapable of being cut down to size.”

 

 

JUSTICE SMITH (SIMON THE SORCERER)

 

 

While Xenk exudes confidence, half-elf wizard Simon Aumar does not. He often struggles to perform even basic magic, despite the fact that wizarding runs in his blood – he is descended from the great sorcerer Elminster Aumar. “He is riddled with insecurity about his magic,” says actor Justice Smith who won the role. “He has internalized that he is never going to be enough and bathes in his own self-deprecation and has resorted to using his tricks for petty thievery.”

 

 

But Simon also displays a surprising level of acceptance about his own shortcomings. “The thing that I find beautiful about Simon is that he’s not necessarily upset that he’s not good at magic,” says Smith. “He really has come to terms with it, and I love the idea of someone who’s practical about where they’re at and not in a woe-is-me kind of way. But it definitely is his obstacle throughout the story, trying to come into his own power.”

 

 

A REAL D&D BONDING EXPERIENCE

 

 

Once all the principal roles had been cast (including Rodriguez as Holga, Sophia Lillis as Doric, Chloe Coleman as Kira, and Daisy Head as Sofina), the filmmakers created a unique opportunity for the actors to bond, organizing a D&D campaign run by an experienced DM from Seattle, Wash.-based Wizards of the Coast. “We had the entire cast around the table, playing this unique one-shot adventure that she’d come up with for the team,” producer Latcham explains, noting that directors Jonathan Goldstein and John Francis Daley joined as the character Jarnathan, who represents the race of nomadic bird-people known as the Aarakocra.

 

 

“They were there for four-and-a-half, five hours around the table playing, getting to know each other, understanding each other’s sense of humor, understanding each other’s sense of timing,” Latcham says. “To see them all come together, having fun was a delight.”

 

 

Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves, distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures, opens nationwide March 29.

Connect with #DnDMovie and tag @paramountpicsph

(ROHN ROMULO)

Grupo ng guro, hinimok ang DepEd na mag-hire ng 30,000 na mga bagong guro

Posted on: March 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINIMOK ng isang grupo ng mga guro ang DepEd na mag-hire ng 30,000 na mga bagong guro taun-taon sa susunod na limang taon.

 

 

Ito’y upang matugunan daw ang kakulangan ng mga pampublikong at pang-pribadong guro sa ating bansa.

 

 

Kung matatandaan, inihayag ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na plano ng ahensya na kumuha ng mga bagong guro bawat taon.

 

 

Sa panig naman ng Alliance of Concerned Teachers, sinabi nila na maaaring bawasan din ang class size sa 35 na mga mag-aaral bawat isang guro na magreresulta sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon sa bansa.

 

 

Ayon kay Alliance of Concerned Teachers Chairperson Vladimer Quetua, kailangang kumuha ng 25,000 bagong guro taun-taon hanggang 2028.

 

 

Aniya, humigit-kumulang P14 billion ang kakailanganin para makakuha ng 30,000 bagong guro sa isang taon batay sa datos ng Department of Budget and Management.

Ads March 24, 2023

Posted on: March 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Kongreso, inaprubahan na ang panukalang batas sa pasuspinde ng Philhealth premium increase

Posted on: March 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

APRUBADO na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kongreso ang panukalang batas sa pasuspinde ng Philhealth premium increase o ang House Bill (HB) No. 6772.

 

 

Nakakuha ito ng 273 na boto, samantalang tatlong hindi pabor sa mababang kapulungan kung saan ito ay nagbibigay ng kapangyarihan sa Pangulo na suspindehin ang increase ng premiums para sa mga direct contributors na mga miyembro.

 

 

Nakapaloob sa kanilang panukala na ang Presidente, sa pamamagitan ng rekomendasyon ng Philhealth board ay maaaring mag suspend at adjust ng period ng implementasyon sa pag dagdag ng premium rates sa panahon ng kalamidad.

 

 

Ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ang HB No. 6772 ay makatutulong sa mga government at non-government employees na makapag ipon imbis na ipambayad sa contribution.

 

 

Inilatag niya na halos P50 umano ang masisave kada buwan at nasa P600 naman sa isang taon ng isang empleyado.

 

 

Layunin lamang umano nitong panukalang batas na masiguro na mabibigyan ng sapat at dekalidad na health care services ang mga tao sa mababang halaga. (Daris Jose)

Sa gitna ng babala ng China: PBBM, pinanindigan ang mga bagong EDCA sites

Posted on: March 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINANINDIGAN at kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na papayagan ang Estados Unidos na mag-station ng tropa nito at mga kagamitan sa apat pang bagong sites sa iba’t ibang panig ng bansa.

 

 

Ito’y sa gitna ng naging babala ng China na ang payagan ang mas marami pang sites sa ilalim ng PH-US Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ay makapagduulot ng malubhang pinsala sa Pilipinas.

 

 

“There are four extra sites scattered around the Philippines. There are some in the north. There are some around Palawan. There are some  further south,” ayon kay Pangulong MArcos sa pagdiriwang ng ika-126 anibersaryo ng Philippine Army.

 

 

Hindi naman binanggit ng Pangulo ang mga bagong lokasyon subalit matatandaang noong 2014 pinayagan na ng EDCA ang Estados Unidos na pansamantalang mag-station ng tropa nito sa limang sites gaya ng Basa Air Base sa Pampanga, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Lumbia Air Base sa Cagayan de Oro, Antonio Bautista Air Base sa Palawan at Benito Ebuen Air Base sa Cebu.

 

 

Winika naman ng Pangulo na malapit nang ianunsyo ng Pilipinas at Estados Unidos ang apat na bagong sites.

 

 

Binanggit din ng Chief Executive na ang karagdagang lokasyon para sa EDCA ay maaaring “defend our eastern coast.”

 

 

“That’s also something we have to look out for,” ayon sa Punon Ehekutibo sabay sabing kailangan din na protektahan ng bansa ang waters off ng eastern seaboard ng bansa partikular na ang Benham Rise.

 

 

Aniya pa, ang lokal na pamahalaan na “had interposed some objections” ay hayagan nang nagpahayag ng suporta sa posibilidad na magsilbing host sa US troops.

 

 

“We explained to them why it was important that we have that and why it will actually be good for their province,”  aniya pa rin. (BISHOP JESUS “JEMBA” BASCO)

Ngayong balik-taping na si Dingdong: MARIAN, tuloy na rin at kailangang ipaliliwanag kina ZIA at SIXTO

Posted on: March 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SEXY preggy ang sabi ng mga viewers ng “Fast Talk with Boy Abunda” kay Kris Bernal.  

 

 

Five months preggy na nga ang actress pero hindi pa masyadong halata ang kanyang tummy.

 

 

Natanong muna ni Boy si Kris sa pagsisimula niyang mag-artista, na love team lang ba sila ni Aljur Abrenica, dahil sila ang winners ng “StarStruck” noon, na 17 years old pa lamang siya.

 

 

Hindi ba siya niligawan nito?  Hindi raw, nagparamdam lang nang konti, pero hindi raw nag-work as real, hanggang loveteam lamang, hindi raw kasi siya interesado at may times daw na hindi sila nagkakasundo ng actor.

 

 

Lumpiang toge raw ang pinaglihihan noon ni Kris sa kanyang coming baby.

 

 

Ngayon na magkaka-baby na sila ng husband niyang si Chef Perry Choi, nabago na raw ang pananaw niya sa buhay.

 

 

Ngayon ay mas concern siya sa future ng bata, wala na siyang luho, gusto niyang matutunang lahat ang pag-aalaga sa baby nila.

 

 

Dalawang baby daw lamang ang gusto niya at kapag kaya na niya, muli siyang babalik sa pag-arte.  When asked kung magkakaroon sila ng gender reveal, “yes, next month sa 6th month ng baby.”

 

 

***

 

NGAYONG balik-taping na ng teleserye si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, via “Royal Blood” sa GMA Network, tuloy na rin ang paggawa na ng teleserye ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.  Wala pa naman siyang binanggit kung ano ang magiging new serye niya at kung sino ang mga makakasama niya.

 

 

Definitely, hindi sila ni Dingdong tulad nang unang nabalita, dahil may sisimulan nang serye ang asawa.

 

 

Kaya ang pinaghahandaan muna ni Marian ay kung paano sasabihin sa mga anak nilang sina Zia at Sixto, na babalik na siyang magtrabaho. Kailangan daw niyang kausapin ang mga anak at ipaliwanag kung ano ang work niya kaya kailangang maiiwanan niya sila.

 

 

Sa ngayon kasi, no problem kay Marian kung nagho-host siya ng OFW documentary na “Tadhana,” dahil kinukunan ang mga spiels niya, sa loob mismo ng bahay nila at hindi niya kailangang umalis ng bahay.

 

                                      ***

 

 

MARAMING nahu-hook sa panonood ng mga GMA teleseryes, simula pa lamang sa “Abot-Kamay Na Pangarap”.

 

 

Walang reklamo ang mga viewers kahit humaba ang story ni Jillian Ward as Dra. Analyn Santos (Tanyag), dahil gusto nilang malaman kung paano tuluyang matatanggap ng lahat na anak lamang sa labas ang genius brain surgeon na si Analyn. Nadadagdagan din ang mga bagong characters sa serye, tulad ngayong pumasok na Dina Bonnevie, as Dr. Giselle Tanyag, ang bagong President at CEO ng Apex Medical Center, ang masungit na chef played by Gabby Eigenmann, at may mga coming guests pa kayang papasok?

 

 

Sinundan pa ito ng dalawang family drama series na “AraBella” at “Underage.”

 

 

Sa GMA Telebabad naman ay hinihintay ng mga viewers ang mga action scenes nina Sanya Lopez, Gabi Garcia, Kylie Padilla, Jeric Gonzales against Vin Abrenica. Michelle Dee, Pancho Magno, Arra San Agustin sa “Mga Lihim ni Urduja.”

 

 

Very inspiring din ang “Hearts on Ice,” ang first figure-ice skating serye sa GMA na tampok ang new love team nina Ashley Ortega at Xian Lim.

 

 

May nag-post na nanay sa kanyang socmed na kasama ang dalawa niyang anak na babae, na nag-bonding sa ice skating rink dahil daw matataas ang grades ng mga ito.  Caption nga niya sa photo, “Ang mga Ponggay ng buhay Ko.”

 

‘Ponggay’ ang name ni Ashley sa serye na napapanood Mondays to Fridays sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)

DOTr naglaan ng P40 billion kontrata sa NSCR line

Posted on: March 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KINUHA ng Department of Transportation (DOTr) ang Filipino, Indonesian at Spanish builders upang magplano at magtayo ng P40 billion na Manila section ng North-South Commuter Railway (NSCR).

 

 

 

Sa isang notice of award, ang DOTr ay naglaan ng Contract Package (CP) S-01 sa isang joint venture ng kumpanyang Indonesia PT Adhi Karya (Persero) Tbk, at PT PP (Persero) Tbk.

 

 

 

Ang nasabing kontrata ay nagkakahalaga ng P11.29 billion at $6.88 million o halos P382 million na siyang gagastusin sa civil works ng Blumentritt Extension ng Malolos-Clark Railway ng northern line ng NSCR.

 

 

 

Ang kumpanyang Indonesian ay naatasang  magtayo ng railway viaduct structure at ang elevated na istasyon ng Blumentritt. Ayon sa pag-aaral, ang Blumentritt extension ay may kahabaang 1.2 kilometro at dapat ay matapos sa loob ng 1,460 calendar days.

 

 

 

Sa hiwalay na kontrata, ang DOTr ay binigay ang CP S-02 sa joint venture ng Acciona Construction Philippines Inc., ang lokal na unit ng Spanish multinational at D.M. Consunji Inc. (DMCI). Nagkakahalaga ang kontrata ng halos P29 billion kasama na ang $72.31 million at 5.07 million euros.

 

 

 

Ayon sa kontrata, ang Acciona at DMCI ay naatasan na gumawa ng railway viaduct structure, kasama ang elevated na estasyon ng Espana, Sta. Mesa at Paco. Ang nasabing bahagi ay may 7.9 kilometro at dapat ay matapos ng 1,612 calendar days.

 

 

 

Susunod naman ay ang awarding ng CP S-03A na magsisimula sa Manila hanggang Taguig line; S-03B, ang Taguig-Paranaque stretch; at S-03C, simula sa Paranaque hanggang Muntilupa segment, ngayon March.

 

 

 

Upang mapadali at maging mabilis ang pagtatayo ng NSCR, ang DOTr ay nagdesisyon na ihinto mun ang train services ng Philippine National Railways  (PNR) sa loob ng limang taon. Ayon sa DOTr, ang suspension ay makakatulong upang maging mabilis ng walong buwan at makakatulong sa pamahalaan na magkaron ng savings na nagkakahalaga ng P15.18 billion dahil ang land acquisition at relocation ng utilities ay mapapadali.

 

 

 

Ihihinto ng PNR ang araw-araw na operasyon mula Governor Pascual, Malabon City hanggang Calamba sa Laguna ganon din ang mula Alabang, Muntinlupa City papuntang Calamba sa darating na May. Susunod naman ay ang suspension ng rail services sa pagitan ng Alabang at Tutuban sa Manila sa darating na October.

 

 

 

Dahil sa ganitong kalagayan, ang DOTr ay may planong magbigay ng special franchises sa mga selected buses upang mag service sa may 30,000 na pasahero na maaapektuhan ng pansamantalang pagsasara ng PNR routes.

 

 

 

Inaasahang matatapos sa taong 2028, ang P873.62 billion na NSCR na isang railway na magdudugtong sa Malolos, Bulacan at Clark International Airport at Tutuban sa Calamba. LASACMAR