• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 29th, 2023

Gaerlan, itinalaga ni PBBM bilang AFP deputy chief of staff

Posted on: March 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. si Marine commandant Major General Charlton Sean Gaerlan bilang deputy chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

 

 

Ito ang  pangatlong pinakamataas na opisyal sa militar.

 

 

Pormal namang naupo si Gaerlan sa kanyang posisyon sa  AFP general headquarters sa Camp Aguinaldo sa isinagawang seremonya na pinangunahan ni  General Andres Centino, araw ng Lunes.

 

 

Pinalitan ni Gaerlan si Lieutenant General William Gonzales, na naupo naman bilang  acting at may concurrent capacity  bilang  AFP Inspector General  noong Marso 15 nang magretiro sa puwesto si dating AFP deputy chief of staff Vice Admiral Rommel Anthony Reyes.

 

 

Ang pinakabagong designasyon ni Gaerlan ay matapos ang pitong buwan na pagtitimon sa Marine Corps noong Agosto ng nakaraang taon. Siye ay miyembro ng Philippine Military Academy “Makatao” Class of 1989.

 

 

Nagsilbi si Gaerlan bilang commander ng  AFP Education, Training, and Doctrine Command, assistant AFP deputy chief of staff for intelligence, commander ng  3rd Marine Brigade, at Marine Inspector General.

 

 

“I am humbled and honored to stand before you as I assume as the TDCSAFP (The Deputy Chief of Staff AFP), a leadership post charged with a great amount of responsibility and a higher level of accountability,” ang sinabi ni Gaerlan sa kanyang talumpati.

 

 

Humingi  naman ng suporta si Gaerlan para sa modernisasyon ng  military upang makamit aniya ng tropa ng pamahalaan ang layunin nito na maging “world-class armed force.”

 

 

“I urge everyone to continue to support the AFP modernization and transformation programs so that we can achieve our mission to become a world-class Armed Force and continue to value the enhancement of professionalism across the organization,” anito.

 

 

Kumpiyansa naman si Centino na magiging epektibo si Gaerlan  bilang AFP deputy chief of staff, iginiit nito ang kadalubhasaan ni  Gaerlan sa larangan ng “intelligence, operations at personnel management.”

 

 

“Without doubt, his previous designations prepared him to take on greater tasks as the AFP’s third-in-command,” ayon kay Centino.

 

 

Hindi pa naman inaanunsyo ng militar kung sino naman ang magiging kapalit ni Gaerlan bilang  commandant ng  Marine Corps,  isang major sa ilalim ng Philippine Navy. (Daris Jose)

SWS: 81% ng pamilyang Pinoy pagsusuotin ng mask ang mga bata sa school kahit boluntaryo na

Posted on: March 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NASA siyam sa 10 “household heads” ng mga Pamilyang Pilipino ang sang-ayon sa boluntaryong pagpapagamit ng face masks laban sa COVID-19 kahit sa mga estudyanteng pumapasok ng paaralan — sa kabila nito, 81% ang nagsasabing pagsusuotin pa rin nila ang kanilang mga anak tuwing pupunta ng eskwela, ayon sa Social Weather Stations.

 

 

Matatandaang ipinatupad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive Order 7 (s. 2022) noong nakaraang taon, bagay na nagtatanggal sa sapilitang pagpapasuot ng mga maskara laban sa nakamamatay na virus kahit nasa loob man mga establisyamento o kahit nasa pampublikong lugar.

 

 

“[Around] 91% AGREE with the voluntary wearing of face masks for children in face-to-face classes,” paglalahad ng SWS sa isang survey na inilathala nitong Lunes.

 

 

“[However], 81% say they will ALWAYS make their child wear a face mask when going to school.”

 

 

Narito ang paghahati-hati ng Filipino households pagdating sa pagpapasuot ng face masks tuwing papapasukin sa pisikal na mga klase ang kanilang mga anak:

 

– Always: 81%

– Most of the time: 11%

– Sometimes: 5%

– Rarely: 3%

– Never: 0.5%

Ito naman ang karagdagang detalye pagdating sa mga payag sa polisiya ng voluntary masking sa face-to-face classes:

– Strongly agree: 65%

– Somewhat agree: 26%

– Undecided: 3%

– Somewhat disagree: 3%

– Strongly disagree: 2%

 

 

Ilang buwan pa lang ang nakalilipas nang payagan ng Department of Education ang pagtatanggal ng face masks sa mga estudyante kahit sa indoor settings.

 

 

Ganito ang mga resultang lumabas kahit na naglabas na noon ang Philippine Pediatric Society at Pediatric Infectious Disease Society of the Philippine ng pahayag na nagrerekomenda pa rin ng paggamit ng face masks sa loob ng mga paaralan.

 

 

Hindi lahat ng mga bata ay pwede pa ring magpaturok ng bakuna laban sa COVID-19 magpahanggang sa ngayon.

 

 

Ang mga nasabing datos ay bahagi ng harapang panayam na inilunsad ng SWS sa 1,200 katao edad 18 pataas sa buong Pilipinas.

 

 

Sa parehong survey, kung saan total adult Filipinos naman ang tinanong, lumalabas na 91% din ang sang-ayon sa boluntaryong paggamit ng face masks sa parehong indoor at outdoor settings.

 

 

Gayunpaman, 54% sa kanila ang nagsabing lagi na nila itong isusuot sa tuwing lalabas ng kani-kanilang mga bahay.

 

 

Narito naman ang opinyon ng adult Filipinos pagdating sa polisiya ng voluntary face mask use:

 

– Strongly approve: 64%

– Somewhat approve: 27%

– Undecided: 4%

– Somewhat disapprove: 3%

– Strongly disapprove: 1%

 

 

Ginawa ang survey mula ika-10 hanggang ika-14 ng Disyembre taong 2022, at sinasabing may sampling error margin na ±2.8%.

 

 

Umabot na sa 4.08 milyon ang tinatamaan ng nasabing sakit sa Pilipinas simula nang makapasok ito sa bansa noong 2020. Sa bilang na ‘yan, 8,626 pa rin ang aktibong kaso habang 66,342 na ang namamatay, ayon sa huling datos ng Department of Health.

Masaya sa loveteam nila ni Francine: SETH, humble pa rin kahit isa na sa pinakasikat na young actor

Posted on: March 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
NAKAAALIW ang kuwento ni Seth Fedelin sa pagkakakuha sa kanya bilang BNY ambassador.
Talagang kitang-kita namin sa kanya ang saya sa bagong blessing niya na ito.
At kuwento pa niya, “Kasi dati, nakikita ko lang ang BNY dahil lahat ng mall, may BNY. Tapos ang nanay ko, ‘yan talaga binibili sa amin.
“So ‘di ba, kaya sana forever na ko dito,” sabi pa niya.
Humble pa rin si Seth kahit ‘di maitatanggi na isa siya sa pinakasikat na young actor ngayon.
At masaya raw siya sa loveteam nila ni Francine Diaz. Nag-uusap nga raw sila at nae-excite sa marami pa nilang pwedeng gawin.
Open naman si Seth at alam niya na pwede silang maipareha sa iba, pero, sa ngayon daw, gusto raw niya na magtagal ang loveteam nilang talaga.
Siyempre, given na si Francine ang partner ni Seth sa Star Magical Prom sa March 30.
Nag-effort din siya na isurpresa ito ng promposal.
***
ANG promising naman pala ng baguhan at leading lady ni Carlo Aquino na si Eisel Serrano sa isa sa mga official entry para sa Summer Film Festival na “Love You Long Time.”
Na-meet namin si Eisel nang maging live guest ito sa aming podcast na Marites University.
Dito namin nalaman na 2019 nang mai-launch siya ng Star Magic at mismong si Mr. Johnny Manahan ang naka-discover sa kanya.
‘Yun nga lang, inabutan siya ng pandemic kaya masasabing naunsiyami ang sana, mga projects na niya. Kaya laking pasasalamat daw niya nang matuloy pa rin ang Love You Long Time. At thankful din siya kay Carlo na kahit alam nitong baguhan pa lang siya, pumayag na makapareha siya.
Graduate ng cumlaude sa U.S.T. si Eisel sa Travel Management course niya. At may hawig siya sa beauty ni Janine Gutierrez na ayon dito, napakarami na nga raw nagsabi sa kanya.
Ang nakakaaaliw, mismong si Mamita, ang Lola ni Janine nang makita raw siya, sinabi rin na kahawig niya ang apo.
Talent-wise, hindi lang acting, into painting at singing din si Eisel. Kaya, beauty, talent and brains. Wish namin na after this movie, mas mapansin at magtuloy-tuloy pa ang career niya.
(ROSE GARCIA)

PBBM dumalo sa groundbreaking ng bagong Disiplina Village Arkong Bato

Posted on: March 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PERSONAL na dumalo si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kasama si Valenzuela City Mayor WES Gatchalian sa ginanap na groundbreaking and capsule-laying ceremony para sa Phase 1 ng bagong Disiplina Village Arkong Bato sa M.H. Del Pilar Street, Barangay Arkong Bato na may motto “Bagong Bahay, Bagong Buhay”.

 

 

Sa suporta ng National Housing Authority (NHA) at ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), ang Disiplina Village Arkong Bato ay ang ikaapat na in-city housing relocation project ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela pagkatapos ng Disiplina Village Ugong, Bignay, at Lingunan.

 

 

Layunin nitong makapagbigay ng disenteng tahanan para sa mga pamilyang biktima ng sunog at mailipat ang mga natitirang Informal Settler Families (ISFs) na naninirahan sa mga mapanganib na lugar sa lungsod tulad ng malapit sa mga daluyan ng tubig at sa ilalim ng mga transmission lines ng National Grid Corporation of the Philippines.

 

 

Ang bagong Disiplina Village Arkong Bato ay itatayo sa isang 20,709 square meter parcel ng lupa sa kahabaan ng M.H. Del Pilar Street na bubuo ng dalawampung limang palapag medium rise buildings na naglalaman ng 1,200 units na pakikinabangan ng mga kwalipikadong pamilyang biktima ng sunog at ISFs.

 

 

“Ang pangalang Disiplina Village ay isang paalala na kailangang may disiplina ang mga naninirahan dito – mga residenteng hindi lamang disiplinado sa kanilang sarili, kung hindi pati na rin sa kanilang tahanan at kapaligiran. Sa kanilang paglipat sa Disiplina Village, hindi lamang tirahan nila ang nabago, kundi pati ang pananaw at pagkilala sa kanilang mga sarili. From informal settlers to homeowners, sila ngayon ay sagisag ng pagbangon sa kahirapan at sumasalamin sa mukha ng bagong Valenzuelano,” pahayag ni Mayor WES.

 

 

“Ang programang ito ay kasama na po sa Build, Better, More Housing Program ng ating administrasyon. Ang Valenzuela ay isang napakagandang halimbawa sa ating pagsisikap na makamit ang ating hangaring mabigyan ng maayos na pabahay ang ating mga mamamayan. Kaya naman hinihimok ko kayong lahat na ipagpatuloy ang de-kalidad at abot-kayang pabahay upang kayo ay maging sandigan ng bawat Pilipino.” pahayag naman ni Pangulong Marcos.

 

 

Dumalo rin sa event sina DSWD Secretary REX Gatchalian, Senators WIN Gatchalian at JV Ejercito, NHA General Manager Joeben Tai, DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, Vice Mayor Lorie Natividad-Borja at ilang konsehal ng lungsodPBBM dumalo sa groundbreaking ng bagong Disiplina Village Arkong Bato.

(Richard Mesa)

Construction worker himas-rehas sa pangmomolestiya sa anak na dalagita

Posted on: March 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 33-anyos na construction worker matapos ireklamo mismo ng kanyang kinakasama ng pangmomolestiya sa kanilang anak na dalagita sa Malabon City.

 

 

Hindi na nakapalag ang manyakis na ama nang posasan siya nina Pat. Zenjo Del Rosario at Pat Marc Roldan Rodriguez, kapwa nakatalaga sa Malabon Police Sub-Station 5, matapos hingan ng tulong ng ina ng 14-anyos na Grade 8 student.

 

 

Base ulat ni P/SSgt.  Mary June Belza ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) na isinumite sa tanggapan ni P/Col. Amante Daro, hepe ng Malabon Police Station, naganap ang insidente dakong alas-4 ng madaling araw, sa loob ng bahay ng pamilya sa Damata, Letre Road, Brgy. Tonsuya.

 

 

Sa pahayag sa pulisya ng biktima, nagising siya nang maramdaman ang maiinit na kamay na humihimas sa kanyang dibdib at nagulat siya nang makita na ang kanyang ama ang gumagawa ng kahalayan sa kanya.

 

 

Kaagad na isinumbong ng dalagita sa kanyang ina ang ginawa ng sariling ama kaya’t hindi na nagdalawang-isip pa ang ginang at kaagad na humingi ng tulong sa pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

 

 

Iprinisinta na ng WCPD ng Malabon police sa piskalya ng Malabon ang suspek para sa inquest proceedings kaugnay sa kakaharapin niyang kasong Acts of Lasciviousness in relation to R.A. 7610 o ang Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act. (Richard Mesa)

Rep. Teves isa sa ‘utak’ sa Degamo slay – DOJ

Posted on: March 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IKINUKONSIDERA nang isa sa masterminds ang suspendidong si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr., sa pagpatay kay Governor Roel Degamo at walong iba pa noong Marso 4, 2023.

 

 

Sa pulong-balitaan, sinabi Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hinahanap pa nila ang dalawa sa tatlong utak sa nasabing krimen.

 

 

“They can be contacted. I think meron namang nasa social media dyan. ‘Yung isa, meron nagtext sa akin. I told you last week, Cong. Teves texted me. They are being considered as masterminds,” anang kalihim.

 

 

Umuusad naman aniya ang imbestigasyon na kanilang ginagawa.

 

 

Sinabi rin ni Remulla na si dating Negros Oriental governor Pryde Henry Teves, ang nakababatang kapatid ng embattled congressman, ay maaaring masangkot din sa kaso ni Degamo kasunod ng pagsalakay sa kanyang sugar mill noong weekend.

 

 

Ilang matataas na armas, bala, at pampasabog ang narekober sa 50-ektaryang compound ni dating gobernador Teves sa Barangay Caranoche, bayan ng Santa Catalina mula Biyernes hanggang Linggo.

 

 

Sinabi ni Remulla na ang mga suspek na naaresto sa kaso ni Degamo ay nagsabing nakita nila ang paggawa ng mga pampasabog na natagpuan sa raid.

 

 

“Well this is used for terrorism, used for assassination, to create havoc, to kill people, nakita niyang ginagawa niyan, and ‘yung gumagawa noon that he said, ‘yung gumagawa non was part of the people arrested also, na kasama sa mga sumurrender,” pahayag pa niya.

 

 

Sinabi ni Remulla na sasailalim sa preliminary investigation ang nakababatang Teves at tiniyak niya na igagalang ang lahat ng karapatan ng lahat ng nasasangkot  sa kaso, kabilang ang kanilang karapatan sa due process. (Daris Jose)

LTO naka-alerto ngayong Semana Santa

Posted on: March 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAGPAPATUPAD ang Land Transportation Office (LTO) ng heighten alert sa Marso 31 bilang paghahanda sa Semana Santa.

 

 

Ayon kay LTO Chief Jay Art Tugade na ipapatupad nila ang “Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa and Summer Vacation 2023.” para matiyak na ligtas ang mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang mga probinsiya.

 

 

Ilan sa mga gagawin nila ay ang random drug testing sa mga drivers ng pampasaherong sasakyan ganun din ang pag-alalay nila sa mga pasahero.

 

 

Nakahanda na rin ang mga tauhan nila mula sa iba’t ibang rehiyon na nakakalat sa kalsada para matiyak na ligtas ang pagbiyahe ng publiko.

 

 

Hiniling nito sa publiko lalo na sa driver ng pribadong sasakyan na sumunod sa ipinapatupad na batas trapiko para maging ligtas ang paggunita ng Semana Santa. (BISHOP JESUS “JEMBA” BASCO)

1,391 motorista namultahan sa paggamit ng motorcycle lane sa Commonwealth Avenue; LTO on red alert

Posted on: March 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAY mahigit na isang libong motorista ang namultahan dahil sa paggamit ng motorcycle lane sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.

 

Sa isang ulat na nilabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) may kabuohang 1,391 na motorista ang nabigyan ng citation tickets dahlia sa paglabag sa motorcycle land policy.

 

Binigyan ng MMDA ng citation tickets ang mga nahuli at pinagbayad ng multang P500. May 859 na drivers ng pribadong sasakyan ang nahuli at namultahan at 542 na motorcycle riders. May kabuohang 21,676 na motorista ang pinahinto sa loob ng 19-day na dry run na pagpapatupad ng motorcycle lane policy.

 

“Traffic personnel were ordered to manage traffic in the area and warn, motorists attempting to enter the lane designated for the exclusive use of motorcycles,” wika ni MMDA chairman Romando Artes.

 

Lalagyan ng MMDA ang motorcycle lane ng mga reflectors upang magabayan ang mga motorcycles na gagamit nito.

 

Ang ikatlong lane ng Commonwealth Avenue ay inilaan lamang para sa mga motorcycles habang ang una at ikalawang lanes ay para sa mga bicycles at public utility vehicles. Ang natitirang lanes ay para naman sa mga pribadong sasakyan.

 

Sa kabilang dako, ang Land Transportation Office (LTO) ay naka red-alert mula March 31 hangang April 10 dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa darating na Semana Santa.

 

“More personnel of the agency would be fielded in the streets and transportation terminals to ensure the safety of passengers. They will be deployed in the streets to assist both motorists and commuters. We want to ensure a peaceful and safe observance of the Holy Week. We are asking the cooperation of the public to follow our traffic laws,” ayon kay LTO assistant secretary Jay Art Tugade.

 

Sinabi rin ni Tugade na kanilang susuriin ang roadworthiness ng mga public utility vehicles tulad ng mga buses na pupunta ng mga probinsiya ngayon Semana Santa. Ang mga drivers naman ay isailalim sa random drug tests.

 

Sa ilalim ng Republic Act 4136 ng Land Transportation and Traffic Code, ang mga LTO enforcers ay mandated na mag aresto ng mga lumalabag sa batas.

Nagkaron ng isang seminar para sa mga drivers at conductors sa LTO kahapon upang magkaron sila ng awareness sa tamang pagmamaneho.

 

Kasabay din nito, ang Philippine National Police naman ay magdedeploy ng 38,387 na mga officers upang masiguro rin ang public safety sa darating na Semana Santa. Dadamihan din ang mga police personnel sa mga simbahan, shopping malls, transportation hubs at iba pang lugar ng matao.

 

“The National Capital Region Police Office will have the most numbers of deployments with 9,585 personnel,” wika ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin.

 

Ideneklara ng Malacanang na walang pasok sa mga pribadong tanggapan at mga publikong sangay ng pamahalaan sa darating na April 6,7 at 10. LASACMAR

Kaya sa ‘Pinas na lang sila magho-Holy Week: MICHAEL V., takot na maging biktima uli ng hold-up

Posted on: March 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAY dahilan si Michael V. kung bakit mas gusto raw niyang sa Pilipinas na lang sila mag-spend ng Holy Week ng kanyang pamilya.

 

 

Ayon sa Kapuso comedian, takot daw siyang maging biktima ng hold-up ulit.

 

 

Hindi naman tinukoy ni Bitoy kung saan naganap ang pangho-hold-up sa kanya, pero nangyari daw iyon sa isang Holy Week vacation nila.

 

 

Ayon sa misis ni Bitoy na si Carol Bunagan: “Hindi siya uneventful, eh, ‘yung mga Holy Week namin. Si Bitoy na-holdap… may mga ganun e, so play it safe na lang.”

 

 

Kaya ngayong Semana Santa, sa kanilang rest house sa Batangas pupunta ang pamilya ni Bitoy.

 

 

“”Wala namang mawawala maigi rin namang mag-stay sa bahay,” sey pa ng Bubble Gang star.

 

 

Noong nakaraang February lang bumiyahe sa ibang bansa si Bitoy at Carol. Nag-celebrate sila ng kanilang 25th wedding anniversary sa Penang, Malaysia.

 

 

***

 

 

NAGLABAS ng kanyang sama ng loob ang legendary Hollywood actress na si Jane Fonda sa dating co-star na si Jennifer Lopez dahil sa hindi nito paghingi ng sorry sa kanya sa isang sampalan na eksena sa pelikulang Monster-In-Law noong 2005.

 

 

Labing-walong taon daw na kinimkim ng two-time Oscar winner ang ginawang iyon ni J.Lo na hanggang ngayon ay kinasasama ng loob niya. Dahil daw sa sampal ni J.Lo ay nasugatan ang mukha niya at nagpakita ng walang concern sa kanya ang singer-actress.

 

 

“Well, okay, the thing that comes to mind right away is, we have a slapping scene. I slap her, she slaps me, I slap her. Well, Jennifer — as per Jennifer — she had this enormous diamond ring.

 

 

“And so, when she slapped me one of the times, it cut open across my eye, my eyebrow. You know, she’s never apologized,” kuwento ni Fonda sa The Drew Barrymore Show.

 

 

Kung makarating daw kay J.Lo ang kuwento ni Fonda at mag-apologize ito, tatanggapin pa rin daw ito ng aktres. Pero sa susunod daw na magsama sila sa isang pelikula, sisiguraduhin niyang walang sampalan na eksena.

 

 

Sa edad na 85, aktibo pa rin si Fonda sa paggawa ng pelikula at TV shows. Huli siyang napanood sa comedy series na Grace & Frankie. Nasa comedy film siya ngayon na Moving On with Lily Tomlin.

(RUEL J. MENDOZA)

Nagpaunlak sa clean-up drive sa Batangas: ALDEN, nag-dive sa dagat para mangolekta ng mga plastik

Posted on: March 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
MAHUSAY palang sea diver si Asia’s MultiMedia Star Alden Richards. Tinanggap ni Alden ang invitation ng “Century Tuna’s SOS (Saving Our Seas)” campaign for a better and cleaner world, together with his co-Century Tuna Superbods, for an ocean clean up drive in Batangas last Saturday, March 25 (kaya wala siya sa “Eat Bulaga”).  
Ginawa ang kick-off clean-up drive sa Anilao, Batangas, in partnership with HOPE’S “Aling Tindera Waste-To-Cash” program.
Ipinakitang isa sa mga nag-dive sa ilalim ng dagat si Alden, para mangolekta ng mga plastik at ma-recycle ang mga ito, to prevent plastic pollution.
In-introduce din nila ang “Plastic-Palit-Pera” na kahit sinong makaipon ng mga plastics ay pwede itong ipalit ng pera sa “Aling Tindera Waste-To-Cash program.
The group aims to achieve their goal of collecting 10 metric tons of plastic by the end of the year.
Bumalik din sa Manila si Alden after the Anilao event, para tanggapin ang award niya mula sa 2022 Philippine Esports Awards at the UP Diliman campus, as the “Gaming Community Positive Influencer of the Year.”  Kasama ni Alden na nanalo rin ng award, si Kapuso actress Myrtle Sarrosa as “Best Esports Cosplayer of the Year.”
***
FIRST time ni Kapamilya actor Gerald Anderson na tumapak sa GMA studio at first time din niyang maggi-guest sa isang GMA Show, ang top-rating family show na “Family Feud.”
First time din ni Gerald na ma-meet ang Family Fued host na si Dingdong Dantes, nang mag-tape na sila ng episode last Saturday, March 25, bilang promotion ng “Unravel” nila ni Kylie Padilla na isa sa mga entries sa coming first “Summer Metro Manila Film Festival” this April.  Maglalaban sa family show ang group ni Gerald sa group ni Kylie.
“First time ko to guest sa Family Feud and first time ko rito sa GMA, so its very exciting,” sabi ni Gerald.
Mapapanood ito this April, sa week-long first anniversary celebration ng ‘Family Feud’ na napapanood daily at 5:40 PM sa GMA-7.
***
PINAGDUDUDAHAN pala noong una ang closeness ng mga bida ng GMA Afternoon Prime drama series na “AraBella” nina Althea Ablan at Shayne Sava, dahil madalas silang magkasama sa mga Tiktok dance videos nila, wearing identical bracelets.
Pero nagpaliwanag ang dalawa na talagang close na sila simula pa nang magkasama sila sa lock-in taping ng serye, kasama si Camille Prats. Sa story raw lamang sila magkaaway.
Wala raw competition sa kanilang dalawa, maliban nga lamang sa mga roles na ginagampanan nila, dahil si Shayne as Ara ay mabait at si Althea as Bella ay supladita, kaya lagi silang nag-aaway.
Kung umamin si Althea na sila na ng kapwa Sparkle artist na si Prince Clemente, mas concern pa rin daw sila sa kani-kanilang career.
Okey daw naman si Abdul Rahman, ang ka-loveteam ni Shayne, pero sa isang tabi muna ang love, darating daw iyon at the right time.
(NORA V. CALDERON)