• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 1st, 2023

Kaya tinanggap agad ang movie with Gerald: KYLIE, ‘di itinanggi na dumaan din sa mental health issue

Posted on: April 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MATAPANG na tumatalakay sa isyu ng mental health at suicide ang isa sa official entry sa Summer Metro Manila Film Festival na “Unravel” mula sa MavX Productions at kunsaan, kinunan buo sa Switzerland.

 

 

 

First time na pinagtatambalan ito nina Kylie Padilla at Gerald Anderson. At hindi itinanggi ni Kylie na siya mismo, dumaan din sa mental health issue. Inamin din niya na kinailangan din niyang kumonsulta ng professional help, lalo na sa mga pinagdaanan niya.

 

 

 

“Yes, I have… actually, I was diagnosed with post-partum depression and anxiety pagkatapos kong manganak sa pangalawa,” pag-amin niya.

 

 

 

“So I understand so much, ‘yung pinagdadaanan nila. And also, natutunan ko do’n, whenever you feel na you’re in a place na medyo dark, do’n ka dapat mag-speak-up lalo.

 

 

 

“Humingi ka ng tulong sa experts. Kasi, ‘yun ang chance to connect more. And I think, if ever na may message man, I think, that’s the message.”

 

 

 

At ito rin daw ang dahilan kung bakit nga tinanggap agad ni Kylie ang pelikula na kinuhanan buo sa Switzerland at mula sa MavX Productions.

 

 

 

Sabi pa niya, “That’s why I said yes sa movie, kasi, ‘yun ang gusto kong maramdaman ng mga tao na if ever you’re in his place, ask for help, connect with the people around you.

 

 

 

“We’re all humans and that’s something we experience together. Lahat tayo, we’ll go through it. Sana maalala natin na hindi tayo nag-iisa sa buhay.”

 

 

***

 

 

 

FIRST time pa lang pala na tumanggap ni Enchong Dee ng gay role.

 

 

 

At ito ay sa Summer Metro Manila Film Festival na “Here Comes The Groom” ng Quantum Films, Cineko Productions at Brightlight Productions.

 

 

 

It turns out, ang husay pala ni Enchong na gumanap ng isang gay, sa movie nga, transwoman pa bilang nagkapalit sila ng katawan ni KaladKaren or ni Jervi Li.

 

 

 

Sabi niya kung bakit daw siya tumanggap na ng gay role, “Bale po kasi, may mga pangyayari sa buhay natin na unexpected. Na akala ko, kapag meron nangyari sa buhay ko at nawala ‘yung mga bagay na ‘yon, I will be broken, I will be shattered, pero na-realize ko na when things started to change and fall, it was not bad.

 

 

 

“And na-realize ko na, okay, since nandito na ako sa situwasyon na ‘to ngayon at lalo na sa taong ito ngayon, I wanted to surprise my audience.

 

 

 

“I wanted to do something new to my audience that they will appreciate my craft and they will look at me as an actor and not someone who’s holding on sa past.”

 

 

 

Paulit-ulit na binabanggit ni Enchong ang “past” pero nang tanungin ito kung ano nga ang tungkol dito, sinabi na lang niya na, “Sigurado po ako na alam niyo kung ano ang nangyari sa past.”

 

 

 

Ang naiisip ng ilang press na um-attend ng premiere night ng “Here Comes the Groom” ay ang legal battle ni Enchong sa isang politician.

 

 

 

Sa isang banda, kahit ang director ng movie na si Direk Chris Martinez ay talagang hindi rin daw makapaniwala nang malaman na tinanggap ng ani Enchong ang movie kaya tuwang-tuwa raw siya.

 

(ROSE GARCIA)

Ads April 1, 2023

Posted on: April 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Papal Nuncio, umapela ng dasal sa mga Pilipino para sa mabilis na paggaling ni Pope Francis

Posted on: April 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMAPELA  ng dasal si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown sa mga Pilipino para sa mabilis na paggaling ni Pope Francis.

 

 

Una ng isinugod sa ospital ang 86 anyos na Santo Papa sa Roma dahil sa respiratory infection.

 

 

Nanawagan ang Papal Nuncio sa mga Pilipino na isama sa kanilang dasal ngayong holy week ang magandang kalusugan at mabilis na paggaling ni Pope Francis.

 

 

Una ng naglabas ng statement si Holy See Press Office director Matteo Bruni nitong hapon ng Miyerkules oras sa Roma na isinugod ang Santo Papa sa Gemelli hospital matapos na makaranas ng hirap sa paghinga sa nakalipas na mga araw.

 

 

Nilinaw naman ng Vatican na hindi ito dahil sa covid-19 kundi base sa resulta ay lumalabas na nagkaroon ng respiratory infection ang Santo Papa na nangangailangan ng ilang araw na angkop na hospital medical treatment.

SUSPEK SA PAGPATAY SA DLSU STUDENT, KILALA NA

Posted on: April 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KILALA na ng Cavite police ang suspek sa pagpatay sa isang Graduating student ng De La Salle University (DLSU) Dasmariñas  na natagpuang wala ng buhay sa loob ng isang dormitory sa Dasmariñas City Cavite noong Marso 28, 2023.

 

 

Kinilala ni PLt Coronel Jose Oruga Jr, Hepe ng Dasmarinas City Police ang suspek na si Angelito Erlano y Lacerna, alias Kulet, nasa wastong edad ng Brgy San Nicolas 2, Dasmarinas City Cavite

 

 

Si Erlano ang suspek sa pagpatay kay Queen Leanne Daguinsin, 22,  isang  Computer Science student ng DLSU, na natagpuang patay at may labin-apat na tama ng saksak sa kanyang katawan dakong alas-4:40  noong Sabado ng hapon sa loob ng Rolisa Dormitory na matatagpuan sa Blk 6 Lot 5 Brgy Sta Fe, Dasmariñas City Cavite.

 

 

Ang pagkakatukoy sa pagkakakilanlan sa suspek ay bunsod sa isinagawang patuloy na hot pursuit operation ng Dasmariñas City Police (CPS) at Cavite Police Intelligence Unit base sa isinagawang backtracking ng Close Circuit television (CCTV footages kung saan natagpuan ang bahay nito sa Brgy. San Nicolas 2, Dasmariñas City at pagkakakilanlan nito.

 

 

Narekober sa lugar ang suot ng suspek sa pinangyarihan ng krimen ang kanyang itim na short pant na may white  stripe, blue na t-shirt na may trademark na Eagle at isang itim na bag pack na hinihinalang gamit ng biktima.

 

 

Gayunman, hindi rin naabutan ang suspek sa lugar.

 

 

Ayon sa mga kamag-anak ng suspek, hindi na umano ito umuwi sa kanilang lugar dahil itinakwil na ng kanyang pamilya matapos na abusuhin ng inaanak ng kanyang tiyuhin .

 

 

Ang suspek ay may nakapatong na reward sa sinumang makakapagbigay impormasyon sa kinaroroonan nito na P1,100,000.00, mula kina Governor Jonvic Remulla (P300K); Senator Bong Revilla (P300K); City Government ng Dasmarinas City (P300K) at tig P100K mula kina Mayor Jenny Barzaga at Congressman Pidi Barzaga.

 

 

May dating kaso na robbery ang suspek  noong nakaraang taon. GENE ADSUARA

Kaligtasan muna, ayon sa mga pyro manufacturer dealers

Posted on: April 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UPANG  mapanatiling sariwa sa kaisipan ng mga stakeholder ang safety practices sa paggawa, pagbebenta, pamamahagi at tamang paggamit ng mga produktong paputok, nagsagawa ng seminar ang Philippine Pyrotechnics Manufacturer Dealers Association Inc. kasama ang Philippine National Police Civil Security Group-Firearms and Explosive Office sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito kamakailan.

 

 

Kailangan ng retailers, manufacturers, dealers, at display operators ang pagdalo sa nasabing safety seminar upang sila ay makakuha ng lisensya.

 

 

Samantala, bilang panauhing pandangal at tagapagsalita, pinaalalahanan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mga dumalo sa kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa iba’t ibang safety protocols pagdating sa pamamahala ng mga paputok.

 

 

“Iniiwasan po natin na may masaktan at mapahamak nang dahil sa hindi maayos na pag-ooperate ng mga paputok. Sa atin po nagsimula ang kaligtasan ng bawat isa kaya naman mahalaga na may karagdagang kaalaman ang ating mga retailer upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng bawat isa,” ani Fernando.

 

 

Dumalo rin sa seminar sina Chief of Staff at concurrent Provincial Cooperative and Enterprise Development Head Atty. Jayric L. Amil at ilang opisyal ng PNP kabilang sina RCSU3 PCOL Nolie Q. Asuncion, FEO Acting Chief PCOL Paul Kenneth T. Lucas, at Bulacan PPO Provincial Director Relly B. Arnedo. (BISHOP JESUS “JEMBA” BASCO)

Philippine Multisectoral Nutrition Project, ipapatupad sa 235 LGUs – DSWD

Posted on: April 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IPATUTUPAD ang Philippine Multisectoral Nutrition Project (PMNP) sa 235 local government units (LGUs) na may pinakamataas na pasanin ng childhood stunting at undernutrition, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

 

Sa ilalim ng proyekto, ang mga kalahok na munisipalidad ay tatanggap ng mga support package mula sa Philippine Multisectoral Nutrition Project sa anyo ng performance-based grants (PBG) para sa LGU at input support packages.

 

 

Ito ay tulad ng primary health care at nutrition commodities, municipal grant allocation (MGA) para sa mga sakop na komunidad o barangay, at capacity building.

 

 

Sakop din ng proyekto ang karagdagang 40 munisipalidad mula sa tatlong probinsiya sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), na tinukoy bilang bahagi ng mga priority areas ng Human Development and Poverty Reduction Cabinet Cluster (HDPRC) at Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN).

 

 

Ang DSWD at ang partner na Department of Health (DOH) ay magkatuwang na nanawagan sa mga LGU, mga pribadong sektor at komunidad na aktibong lumahok sa pagtugon sa laganap ng childhood stunting at nutritional deficiencies. (Daris Jose)

Pagbabalik sa Abril-Mayo ng summer vacation, mas akma sa klima ng Pinas

Posted on: April 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAS MAKABUBUTI sa mga estudyante at guro kung ibabalik ng Abril hanggang Mayo ang summer vacation dala na rin ng sobrang init ng panahon.

 

 

Ayon kay House Deputy Minority Leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro, sa sobrang taas ng heat index ngayong panahon ng climate change ay hindi umano ligtas para sa mga guro at estudyante ang magklase sa mga malapugon nilang mga classroom.

 

 

Inihalimbawa ng mambabatas ang naganap na insidente sa isang public school sa Laguna kung saan ilang bata ang mga nahimatay matapos na hindi kinaya ang init sa panahon.

 

 

“Halatang hindi inaral mabuti batay sa kondisyon ng Pilipinas as a climate vulnerable country ang paglipat ng school calendar. Para lang makasabay sa globalized trend , academic calendar shift agad agad. Poor planning talaga at ang kawawa na naman ay ang mga estudyante at mga guro,” ani Castro.

 

 

Ang panawagan ng mambabatas ay kasunod na rin sa lumabas na survey na ginawa ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines kung saan lumitaw ang matinding pagdurusa ng mga guro at estudyante sa loob ng classrooms tuwing tag-init.

 

 

Sa naturang survey, nasa 87% ng 11,706 public school teachers sa buong bansa na ginawa nitong March 24-27, 2023 ang nagsabing hindi makapag- focus ang mga estudyante sa pag-aaral dala na rin sa tindi ng init sa loob ng silid-paaralan.

 

 

Nasa 37% ang nagpahayag na naapektuhan ng sobrang init ang medical conditions ng mga guro at mag-aaral habang napansin ng 40% ng respondents ang pagtaas ng bilang ng pagliban ng mga estudyante sa klase nang magsimula na ang buwan ng tag-init.

 

 

Kabilang sa mga sakit na nararamdaman ng mga ito ay sakit ng ulo, pagkahilo, nosebleeding, at iba pang health issues.

 

 

Una nang nanawagan ang grupo sa Department of Education na agad tugunan ang nasabing isyu at maglaan ng solusyon para sa kaligtasan at kalusugan ng mga estudyante at guro.

 

 

Ilan sa panukalang solusyon ng mga guro ay ang paglalagay ng air conditioners sa classrooms, pagbabago sa class schedules upang maiwasan ang pinakamainit na oras sa umaga at pagpapatupad ng blended learning tulad ng pagsasagawa ng face-to-face classes sa umaga at distance learning modalities sa bahay.

 

 

Dagdag pa ang pagbabalik sa dating school calendar bago ang pre-pandemic schedule kung saan ang bakasyon ay ginagawa tuwing summer months. (Daris Jose)

Pasok sa trabaho sa mga govt offices sa Abril 5, suspendido simula alas-12:00 ng tanghali

Posted on: April 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINUSPINDE na  ng Malakanyang ang trabaho sa government offices sa Abril 5, 2023  mula alas-12 ng tanghali, araw ng Miyerkules upang bigyan ng sapat na oras at panahon ang mga empleyado ng gobyerno na bumiyahe,  papunta sa o pauwi mula sa iba’t  ibang rehiyon sa bansa.

 

 

Ito’y bilang pagtalima na rin  sa regular holidays sa Abril 6 hanggang 7, 2023 dahil sa paggunita sa Mahal na Araw.

 

 

Ang Mahal na Araw ay ang panahon ng paggunita at pagbabalik-loob ng mga Kristiyanong  Filipino sa  tagapagligtas na kumakatawan kay Hesukristo.

 

 

Sa ipinalabas na Memorandum Circular No. 16, pirmado ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, ngayong araw ng Biyernes, Marso 31, 2023, layon nito na bigyan  ang mga empleyado ng pamahalaan ng “full opportunity”  na maayos na gunitain ang mga petsa ng  Abril 6 hanggang 7, regular holidays at payagan at hayaan ang mga ito na “to travel to and from the different regions in the country, kaya’t ang Abril 5, 2023 ay idinedeklarang suspendido mula alas-12:00 ng tanghali.

 

 

Gayunman, ang mga ahensiya na ang tungkulin ay may kinalaman sa paghahatid ng ” basic at health services, preparedness/ response to disasters and calamities, and/ or the performance  of other vital services shall continue with their operations and render the necessary services.”

 

 

Samantala, ang suspensyon naman sa trabaho sa mga pribadong kumpanya  at tanggapan ay ipinauubaya na ng Malakanyang sa diskresyon ng kani-kanilang mga employers. (Daris Jose)

Administrasyon ni PBBM, patuloy na dinaragdagan ang Kadiwa stalls sa iba’t ibang panig ng bansa

Posted on: April 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY na dinaragdagan ng administrasyong Marcos ang  Kadiwa stalls sa bansa  para makatulong sa mga mamimili sa gitna ng  tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin at tulungan ang lokal at maliit na negosyo.

 

 

Personal na dumalo si Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. sa paglulunsad ng  Kadiwa ng Pangulo sa Limay, Bataan, araw ng Biyernes.

 

 

“Alam naman natin sa kasalukuyan ‘yan ang pinakamabigat na problemang hinaharap nating lahat at pataas nang pataas ang presyo ng bilihin. Naging problema ito dahil tayo ay…umaasa na tayo masyado, bago noong pandemiya, umaasa na tayo masyado sa importation… napabayaan natin ang agrikultura kaya mababa ang ani ng ating mga magsasaka,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Bukod sa ating pagdala ng mga bilihin na mas naipagbibili ng mura ay nabibigyan din natin ng pagkakataon ang ating mga local na negosyante na gumagawa na may sariling produkto,” dagdag na wika nito.

 

 

Nauna rito, sinabi ng Pangulo na mahigit sa 500 Kadiwa stalls sa iba’t ibang panig ng bansa ang magtutustos ng mga pangunahing pangangailangan ng mga mamimili sa murang halaga.

 

 

Sa katunayan aniya ay inatasan na niya ang Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, at ang  Department of the Interior and Local Government na dagdagan ng mas maraming Kadiwa stalls sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

 

Matatandaang, noong  holiday season ng nakaraang taon, sinimulan  ng administrasyon ang mahalagang bilang ng mga  Kadiwa stores at outlets sa buong bansa bilang bahagi ng hakbang nito na tiyakin ang food security at tulungan ang mga mamimili mula sa sumisirit na presyo ng mga pangunahing bilihin.

 

 

Samantala, sa hiwalay na event,  namahagi naman si Pangulong Marcos ng tulong mula sa pamahalaan sa ilang benepisaryo para tulungan na makabawi mula sa COVID-19 pandemic.

 

 

“Asahan ninyo po na ang inyong pamahalaan, hindi kayo nakakalimutan basta’t pagkasabi ninyo na kayo ay nangangailangan ay tuloy tuloy pa rin po ang aming ibibigay na tulong,” ayon sa Pangulo.  (Daris Jose)

Pabata nang pabata ang kanyang nakaka-partner: CARLO, bata pa lang ay hinangaan na ni EISEL at na-starstruck nang makita

Posted on: April 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA mediacon na ginanap sa Kamuning Bakery, litaw na litaw pa rin kaguwapuhan ni Carlo Aquino na bida sa “Love You Long Time” na kung saan makatatambal niya ang baguhang young actress na si Eisel Serrano.

 

 

Infairness, parang hindi tumatanda ang 37 years old na award-winning actor at celebrity endorser ng Beautederm, kaya hindi nalalayo ang hitsura niya kay Eisel na 24 years old naman.

 

 

Inamin ni Eisel na noong bata pa siya ang unang pelikula ng kanyang leading man na napanood niya ay ‘Kokey’ na kung saan child star pa lang si Carlo. Kaya reaction ng aktor, sobrang tagal na noon, nakakakita pa raw siya ng alien.

 

 

Pag-amin pa ng young star, bata pa lang siya ay hinahangaan na niya si Carlo at na-starstruck talaga siya nang una niya itong makita.

 

 

“Friendly siya at very sweet. Kaya hindi ko in-expect na magiging matalik na kaibigan. Nakakapag-usap po kami sa chat at natatawagan ko rin, ganun po.”

 

 

Dagdag pa ni Eisel dapat minamahal ang mga nakakapareha sa pelikula pero di kailangang umabot sa relasyon, “minahal ko pa ang pagkatao ni Carlo dahil importante na siya. This is my first film, kaya mas kinilala ko pa siya.”

 

 

Opinyon naman ni Carlo, “mas maganda talaga na magbibigay ka ng pag-ibig kahit kanino. Masarap ang feeling din na pagkita kayo ulit ng nakatrabaho mo, ‘yun ang maalala niya sa ‘yo. Na nagbigay ka ng pagmamahal sa kanya.”

 

 

Nagduda pa raw siya noong mabasa niya ang script dahil baka hindi niya mabigyan ng justice. Kaya pinag-aralan niyang mabuti ang role.

 

 

Say naman ni Carlo na pabata nang pabata ang nagiging ka-partner niya.

 

 

“Siyempre happy, saka kailangan ko nga trabaho, dahil may anak na ako,” natatawang sagot niya.

 

 

“Pero thankful din ako na dahil sa pandemic, dumami ang gumagawa ng pelikula na hindi mo iisiping gagawa sila ng pelikula. Nagkakaroon tuloy ng chance ang mga bago at mga luma na makapagtrabaho.”

 

 

Samantala sa trailer ng movie, nakalagay sa caption na, “In a world full of noise, they found each other’s signal,” na parang tinutukso ang premise ng pelikula.

 

 

Gaya ng inilalarawan sa dalawang minutong trailer, umiikot ang pelikula kina Uly (Aquino) at Ikay (Serrano), na biglaang “nagkrus ang landas” sa pamamagitan ng kanilang mga walkie-talkie, dahil magkapareho sila ng frequency.

 

 

Sa paglipas ng panahon, nagsimula silang mag-usap nang mas madalas hanggang sa wakas ay nagpasya silang magkita.

 

 

Gayunpaman, ang clip ay nag-iiwan sa mga manonood na nagtataka kung ang dalawa ay talagang magkikita at kung paano ang kanilang kuwento ay magsisimula.

 

 

Mula sa direksyon ni JP Habac, ang “Love You Long Time” ay isa sa opisyal na entry sa 1st Summer Metro Manila Film Festival na may theme na “Tuloy-Tuloy Ang Saya.”

 

 

Produced by Studio Three Sixty PH, ang pelikula ay mapapanood na sa mga sinehan simula Abril 8 at magtatapos sa April 18.

 

 

Bago magsimula ang film festival, tiyak na aabangan ang Parade of Stars sa April 2, Linggo ng Palaspas, na magsisimula ng ika-4 ng hapon na mag-uumpisa sa may Villa Beatriz, Commonwealth Avenue, Quezon City, at magtatapos sa Quezon Memorial Circle.

 

 

(ROHN ROMULO)