• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 1st, 2023

Action-Packed Quest Awaits Fans and Gamers in “The Super Mario Bros. Movie”

Posted on: April 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NINTENDO’S mustached hero Mario, along with the rest of the characters from the Super Mario Bros. that have been captivating gamers and fans for decades jump out of the game for The Super Mario Bros. Movie.

 

 

For the first time, iconic global entertainment brands Illumination and Nintendo join forces to create “The Super Mario Bros. Movie”, a new cinematic adventure starring pop culture’s most prominent plumber of the past four decades. Based on the world of Nintendo’s Super Mario games, the film invites audiences into a vibrant, thrilling new universe unlike any created before in an action-packed cinematic comedy event.

 

 

In “The Super Mario Bros. Movie”, while working underground to fix a water main, Brooklyn plumbers Mario (Chris Pratt, Jurassic World and The LEGO Movie franchises) and brother Luigi (Charlie Day, Horrible Bosses) are transported down a mysterious pipe and wander into a magical new world. But when the brothers are separated, Mario embarks on an epic quest to find Luigi. With the assistance of a Mushroom Kingdom resident Toad (Keegan-Michael Key, The Lion King) and some training from the strong-willed ruler of the Mushroom Kingdom Princess Peach (Anya Taylor-Joy, The Queen’s Gambit), Mario taps into his own power.

 

 

Directed by Aaron Horvath and Michael Jelenic, “The Super Mario Bros. Movie” features an extraordinary comedic cast, including Jack Black (Jumanji films) as Bowser, Seth Rogen (The Fabelmans) as Donkey Kong, Fred Armisen (Saturday Night Live) as Cranky Kong, Kevin Michael Richardson (Family Guy) as Kamek and Sebastian Maniscalco (Green Book) as Spike, plus a special voice appearance by Charles Martinet, who has voiced the characters of Mario and Luigi in the Super Mario games for more than 30 years.

 

 

Nintendo’s Shigeru Miyamoto, the creator of the Super Mario games and producer of The Super Mario Bros. Movie, explains that the Super Mario world connects with so many people across the globe because it has continued to evolve since its conception.

 

 

“Since I was a child, I longed to become a manga artist, and until around the time that I entered high school, my dream was to become one,” Miyamoto says.

 

 

“Around then, I was imagining the characters I drew myself appearing in my own manga. Although the rail shifted to the game instead of manga, I believe that if my first game was not fun enough, the characters which appear in it would not have remained in everyone’s memories. Fortunately, the character which appeared in Donkey Kong, the very first game I developed, was remembered and recognized by many people, and allowed me to produce many series of games after that.

 

 

“For the people who play the game, the character was recognized as an alter ego of themselves which moves around on the TV screen. And Mario evolved along with the evolvement of digital technology. As I continuously produced a game of Mario whenever a new technology came out, Mario became a very unique character which is totally one of a kind.”

 

 

From Universal Pictures International, “The Super Mario Bros. Movie” starts playing in local cinemas nationwide on April 19.

 

(ROHN ROMULO)

Nagpapagaling na matapos maoperahan: GARDO, inatake sa puso dahil sa matinding physical activities

Posted on: April 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DINALA sa ospital noong nakaraang linggo ang aktor na si Gardo Versoza matapos na atakihin sa puso.

 

 

Ayon sa misis ng aktor na si Ivy Vicencio, nanakit ang likod ng aktor, pero ayaw pang magpadala sa ospital noong una dahil may taping pa kinabukasan.
Kalaunan, nakumbinsi ni Ivy si Gardo na magpaospital, kaya dinala si Gardo sa Cardinal Santos Hospital.

 

 

Dito, natuklasang dalawang ugat sa puso ni Gardo ang barado, kaya sumailalim siya sa angioplasty. Kasalukuyang nagpapagaling si Gardo sa ICU.

 

 

Bago ito nangyari, may mga nagpapaalala na kay Gardo na maghinay sa physical activities dahil marami na siyang nararamdaman sa katawan.

 

Nagbisikleta si Gardo mula Pasig hanggang Tarlac ng siyam na oras dalawang linggo ang nakararaan. Noon namang nakaraang buwan, nagbisikleta naman si Gardo mula Maynila hanggang Laguna.

 

Nag-post naman si Gardo sa Instagram ng larawan niya habang nasa ospital kasama ang kaniyang maybahay.

 

 

“Thanks for everything shugs i love you [prayer, heart emojis] thank you LORD thank you doctors #heartattack,” caption ni Gardo sa larawan.

 

 

***

 

 

NAKAGUGULAT ang kuwento ni Coco Martin tungkol sa pagsisimula niya sa telebisyon.

 

Noong mga panahong ginawa niya ang mga sexy indie films na ‘Masahista’ at ‘Serbis’ ay nakakaranas raw siya ng rejection dahil isa siyang “bold actor.”

 

Una raw ay sa isang soap opera ng ABS na sana ay ka-love triangle siya nina Shaina Magdayao at Rayver Cruz, may inquiry na sa manager niyang si Brillante Mendoza para kunin sana siya sa show pero makalipas ang ilang araw ay nalaman niyang hindi siya natanggap dahil isa siyang bold actor.

 

 

Sumunod, sana ay gaganap siyang bading na bestfriend ni Judy Ann Santos sa isang pang soap opera; nguni’t ganoon rin ang nangyari, makalipas ang ilang araw ay nakatanggap ng tawag si Brillante upang sabihin na hindi nakapasa si Coco dahil isa itong bold actor.

 

 

Pero ngayon, si Coco na ang Hari ng ABS-CBN kung saan maraming taong umere ang hit serye niyang ‘FPJ’s Ang Probinsiyano’.

 

 

Samantala, maganda ang kuwento at twist ng ‘Apag’, masarap sa mata ang sinematograpiya at kagulat-gulat ang ending.

 

 

Nasa Apag sina Coco, Shaina, Jaclyn Jose, Gladys Reyes, Lito Lapid, Mercedes Cabral, Vince Rillon, Ronwaldo Martin, Julio Diaz at Ms. Gina Pareño.

 

 

Entry ito sa unang Summer Metro Manila Film Festival na ipapalabas sa mga sinehan simula April 8.

 

 

Mula ito sa Center Stage Productions at Hongkong International Film Festival Society at kay Brillante rin na co-producer ng pelikula.

 

 

***

 

 

Ang ‘Daig Kayo Ng Lola Ko Presents Lady & Luke’ ay tungkol sa sumpa, karma, suwerte at kamalasan kaya tinanong namin si Barbie Forteza kung naniniwala ba siya sa sumpa.

 

“Naniniwala ba ako sa sumpa? Sa sumpa siguro hindi. Pero sa suwerte at malas, sa karma? Oo.

 

 

“Pero sumpa not really,” sagot ni Barbie.

 

 

Tinanong naman namin si Barbie, bilang sariwa pa rin sa alaala ng marami ang phenomenal hit nilang ‘Maria Clara At Ibarra’, kung ano ang greatest o best lesson learned niya mula sa paggawa ng nabanggit na serye kung saan gumanap siya bilang pangunahing tauhang babae na si Klay.

 

 

“Na siguro as Klay na lang po, kahit na ano’ng course ang kinuha mo sa college o kahit anumang pinagdadaanan mo sa buhay bilang isang tao, importante pa rin na balikan ang history kasi doon babalik yung pagiging makabayan mo.

 

 

“Doon babalik yung pagmamahal mo sa bayan mo.

 

 

“So kailangan talaga, you have to know your roots and kung papaano talaga ipinaglaban ng mga kalahi natin itong bansa natin para mas mahalin natin siya,” sagot sa amin ni Barbie.

 

 

Finale na ng Lady & Luke sa GMA ngayong Linggo, April 2 alas sais ng gabi. Mula ito sa direksyon ni Rico Gutierrez.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Lolo todas sa motorsiklo sa Malabon

Posted on: April 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang 71-anyos na lolo matapos mabangga ng motorsiklo habang naglalakad sa gilid ng kalsada sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo ang biktimang si Rolando Cua ng No. 28 Tuazon St. Brgy.Bangculasi, Navotas City.

 

 

Hawak naman ng pulisya ang driver ng Suzuki Motorcycle na may plate No. 822DVG na kinilalang si Herwen Maricas, 32, line-man at residente ng No. 86 Ibaba St. Salinas I, Bacoor, Cavite na nahaharap sa kaukulang kaso.

 

 

Sa ulat ni PCpl Anthony Codog kay Malabon police chief P/Col. Amante Daro, dakong alas- 5:30 ng hapon, naglalakad ang biktima sa gilid ng kahabaan ng C4 road Brgy. Tañong, patungong Tañong Brigde nang mahagip ito ng motorsiklo na minamaneho ni Maricas.

 

 

Nagtamo ng pinsala sa ulo ang biktima na agad isinugod sa nasabing pagamutan ng rescue team ng Brgy. Tañong subalit, binawian din ito ng buhay kalaunan.

 

 

Dinala naman ng rumespondeng mga tauhan ng Sub-Station 6 ng Malabon police sa Station Traffic Investigation Unit si Maricas at sa koordinasyon sa LTO Central Office ay isinailalim siya sa Alcohol Breath Analyzer and Field Sobriety Test subalit, negatibo ang suspek sa pag-inum ng alak, gayunman isasailalim siya drug test examination. (Richard Mesa)