• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 10th, 2023

Malaki rin ang pasasalamat sa kanyang stepdad: YSABEL, grateful at nami-miss ang pagiging close nila noon ni Sen. LAPID

Posted on: April 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAPASALAMAT ang ‘Voltes V: Legacy’ star na si Ysabel Ortega sa kanyang stepfather na si Gregorio Pimentel dahil sa pagturing sa kanya bilang tunay na anak.

 

 

 

“I know na it’s not easy to treat someone else’s daughter as your own. So I’m just very grateful kasi I found a father in daddy Greg. I know it’s not easy to accept that.

 

 

 

“But he treats me as his own daughter, and I’m very happy because I’m happy to say na now, I have a family. I have a whole family,” sey ni Ysabel na ang tunay na ama ay ang veteran action star na si Senator Lito Lapid.

 

 

 

Maayos naman daw ang relasyon ni Ysabel sa kanyang biological father. Nami-miss daw niya ang pagiging close nila noon ni Senator Lapid.

 

 

 

“Growing up I was very close to my dad, I always talk about it, I’m always grateful for it. Of course there was a time, for people who knew about it, there was a rough patch po.

 

 

 

“Pero, it always happens with family. We get to talk with each other, we see each other from time to time. What matters is now, and I am grateful for what we have.”

 

 

 

Ang maganda pa raw ay suportado si Ysabel ng kanyang ama sa pag-pursue nito na magkaroon ng law degree.

 

(RUEL L. MENDOZA)

Binata isinelda sa baril at pagbabanta sa kapitbahay sa Valenzuela

Posted on: April 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
KULUNGAN ang kinsadlkan ng 29-anyos na lalaki matapos pagbantaan na papatayin ang kanyang kapitbahay habang armdo ng bari sa Valenzuela City.
Kinilala Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong suspek na si Eljin Jamon Belicario, 29, (DOB: April 8, 1993/POB: Valenzuela City), ng Blk. 39 Lot 5, Northville 2, Bignay, Valenzuela City.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) PBGen Ponce Rogelio Penones Jr, pinagmunura at pinagbabantaan ng suspek ang kanyang kapitbahay habang armado ng baril sa labas ng bahay ng biktima sa Block 52, Northville 2.
Sa pangamba sa kanyang buhay, humingi ng tulong ang biktima sa mga tauhan ng Sub-Station 7 ng Valenzuela police na agad rumesponde sa nasabing lugar na nagresulta sa pagkakakumpiska sa dalang isang cal. 22 revolver ng suspek.
Nang walang maipakitang kaukulang mga dokumento hinggil sa legalidad ng nasabing baril ay pinosasan ng mga pulis ang suspek saka dinala sa himpilan ng pulisya para masampahan ng kasong Grave Threats at paglabag sa RA 10591. (Richard Mesa)

Nagbigay ng Certificate of Commendation si Sec. Ernesto V. Perez

Posted on: April 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PERSONAL na ipinagkaloob ni Sec. Ernesto V. Perez, Director General ng  Anti-Red Tape Authority (ARTA) kay Mayor John Rey Tiangco ang certificate of commendation na igiwad ng ARTA sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pagiging isa sa mga huwarang Local Government Units (LGUs) para sa matagumpay na pagpapatupad ng electronic Business One-Stop Shop (eBOSS) ng Business Permits and Licensing Office nito. (Richard Mesa)

BACK IN THE DIRECTOR’S CHAIR: WHY BEN AFFLECK IS THE BEST PERSON TO BE AT THE HELM OF “AIR”

Posted on: April 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

FOR Ben Affleck, an avid sports fan, directing “AIR” was an honor. The film, which opens in cinemas April 19, features a topic that’s very dear to him, boasts an excellent cast, and has a passionate and creative team behind the scenes. Plus, he got to work directly with the Greatest of All Time, Michael Jordan.

[Watch the official trailer of “AIR” here: https://youtu.be/7OKPknt7EtU]

“I really believe that human excellence is a beautiful thing,” says Affleck. “The concept of genius is one of the things that’s most fascinating to me, and Michael Jordan is nothing if not a genius.”

However, “AIR” is not Michael Jordan’s story, “but there is no story without him,” explains the director. “I would not have made this movie without first reaching out to him. And I’m grateful to Michael for sharing what was important to him. His presence and influence is felt throughout the film, though we don’t see his face. Because he is such an icon—an undisputedly important and meaningful figure, someone everyone holds in such high esteem—we didn’t want to shatter the illusion, but rather let the audience invoke their own memories and experiences of what Michael Jordan means.”

One of Michael Jordan’s biggest notes? That Academy Award®-winning actress Viola Davis play his mother, Deloris.

“It turns out that Michael is a genius casting director as well,” Affleck laughs. Talking more about his meeting with the sports legend, the director shares, “He was gracious enough to sit down with me, and he had a couple of things that were important to him. Michael wanted to honor the contributions that people made, and he was quite adamant that Viola play his mother. I guess that’s very in keeping with Michael Jordan—to set the bar as absolutely high as possible and then expect to reach it.”

The perfect choice

When it came time to choose a director for “AIR,” the producers and screenwriter Alex Convery were in sync about the perfect choice to be at the helm. “Ben Affleck is whip-smart and a fantastic director,” producer Jon Weinbach, whose previous producing credits include “The Last Dance,” states. “This story clearly connected with him on multiple levels: as a legit sports fan, as a child of the ’80s, and as an astute interpreter of modern American history in films like ‘Argo.’ He also had the gravitas to elevate this story, attract an unbelievable cast, bring in some of the best professionals in the industry, and—perhaps most importantly—to approach Michael Jordan and get his thoughts on it. None of that was possible without Ben at the helm, and it was wildly exciting to see him make it all happen.”

The ticketing site for “AIR” is already live at www.airmovie.com.ph. Don’t forget to calendar your “AIR” movie date!

About “AIR”

From award-winning director Ben Affleck and starring Matt Damon, “AIR” reveals the unbelievable game-changing partnership between a then-rookie Michael Jordan and Nike’s fledgling basketball division, which revolutionized the world of sports and contemporary culture with the Air Jordan brand.

“AIR” also stars Ben Affleck, Jason Bateman, Chris Messina, Marlon Wayans, with Chris Tucker and Viola Davis in a moving story that follows the career-defining gamble of an unconventional team with everything on the line, the uncompromising vision of a mother who knows the worth of her son’s immense talent, and the basketball phenom who would become the greatest of all time.

Affleck directed from a screenplay by Alex Convery. “AIR” is produced by Peter Guber, Jason Michael Berman, David Ellison, Jeff Robinov, Madison Ainley, Damon and Affleck.

In Philippine cinemas April 19, “AIR” is distributed by Warner Bros. Pictures, a Warner Bros. Discovery company.

Join the conversation online and use the hashtag #AIRMovie



(ROHN ROMULO)

4 huli sa aktong nagtatransaksyon ng ilegal na droga sa Caloocan

Posted on: April 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
KULONG ang apat na hinihinalang drug personalities, matapos mahuli sa akto ng mga pulis na nagtatransaksyon umano ng ilegal na droga sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.
Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagsasagawa ng Oplan Galugad sa Brgy. 8 ang mga tauhan ng Sub-Station 4 ng Caloocan police sa ilalim ng pangangasiwa ni PCpt Ronald Allan Soriano dakong alas-12:05 ng madaling araw nang makatanggap sila ng impormasyon mula sa isang concerned citizen hinggil sa tatlong lalaki na nagsasagawa ng illegal drug transaction sa Salmon Street.
Agad pinuntahan ng mga pulis ang nasabing lugar kung saan naaktuhan nila ang mga suspek na nagtatransaksyon ng ilegal na droga subalit, nang mapansin ang kanilang presensya ay nagtakbuhan ang mga ito.
Hinabol sila ng mga pulis hanggang sa maaresto nina PCpl Ben Jay Catequista at PCpl Robert Louis Masalihit sina Raul Pilipil alyas Nognog, 40, pedicab driver at Rhojan Ericher Ferrer, 18, habang nakatakas naman ang isa pang suspek.
Nakumpiska sa mga suspek ang tig-isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nasa Php 4,080.00 ang halaga.
Nauna rito, naaresto naman ng mga tauhan ng Sub-Station 8 ng Caloocan police na nagsasagawa ng Oplan Galugad sa Capricorn Street, Maria Luisa Subdivision, Barangay 177, dakong ala-1:15 ng madaling araw sina Jayflord Alcantara, 44 at Manolito Pascua, 50, construction worker matapos maaktuhan nagtatransaksyon ng ilegal na droga habang nakatakas ang hindi kilalang kasabwat ng mga ito.
Nang kapkapan, nakuha sa mga suspek ang dalawang heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng aabot 1.2 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P16, 320.00.
Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Director PBGen Ponce Rogelio Penones Jr, ang Caloocan police sa pamumuno ni Col. Lacuesta sa kanilang pagsisikap para maaresto ang mga taong sangkot sa pagpapakalat ng ilegal na droga. (Richard Mesa)

Masaya sa kabila ng pagod, sugat at pagbagsak: ASHLEY, dedicated ang serye sa parents nila na very supportive

Posted on: April 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA bahay lamang nag-stay si Sparkle GMA Artist Ashley Ortega during the Holy Week break from her taping ng “Hearts On Ice.”  

 

 

Sinadya niyang huwag umalis ng bahay para makapahinga, hindi kasi biro ang mga eksena niyang ginawa lately sa serye, dahil pinaghandaan niya ang pagsabak niya sa competition.

 

 

IG post ni Ashley: “It’s been 4 months of taping Hearts On Ice and all I can say is how fulfilling it is to go home from work despite all the sleepless nights, cuts, falls, bruises and physical exhaustion.

 

 

“Sharing you some behind the scene photos/vids of Ponggay’s (her character) struggles, battle scars and gorgeous legs (btw, the production of #HOI takes good care of me and everyone on set.  All my bruises, falls and cuts are accidents and it’s normal in our sport.)”

 

 

Sa isang interview nga niya sa “24 Oras,” inamin ni Ashley na first big project niya ang serye, kaya may pressure sa kanya, alam daw niyang mataas ang expectations ng mga viewers sa kanya, dahil nga isa siyang professional figure skater, kaya ayaw rin niyang mabigo sila sa kanya.

 

 

Isa pa, dedicated ni Ashley ang serye sa parents nila, who supported her and her siblings in their sports.  Profesional figure skater din and younger sister niya at ang brother nila ay hockey player naman.

 

 

Please don’t miss ang lalong gumagandang mga eksena ng #HOI dahil nagsimula na nga ang competition ng real figure skaters na kasama sa cast, at may malaking sorpresa ring naghihintay kay Ponggay mula sa kayang inang si Libay (Amy Austria) na former figure skater din.

 

 

Papasok na rin ang love angle between her and Enzo (Xian Lim), ang childhood friend niyang hindi na niya matandaan.  Napapanood gabi-gabi ang serye, 8:50PM sa GMA-7.

 

 

                                                            ***

 

 

LAST weekend, sinurpresa ng cast ng “Mga Lihim ni Urduja” na sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Jeric Gonzales at Vin Abrenica ang mga naghihintay na pasahero ng Paranaque Integrated Terminal Exhange (PITX), na nagulat at natuwa dahil nabawasan ang inip nila sa paghihintay ng mga biyahe nila pauwing probinsiya.

 

 

Maraming nagpa-selfie at nakipagkulitan sa cast.  In return ay nag-request naman sila na panoorin sila gabi-gabi sa GMA-7, 8pm, dahil nalalapit na ang kanilang pagtatapos.

 

 

                                                            ***

 

 

SA April 13, magsi-celebrate na si Bacoor Cavite Representative Lani Mercado-Revilla ng kanyang 55th birthday.

 

 

Wala raw siyang ibang hiling kundi pasasalamat lamang niya sa Diyos.  Kung mayroon man siyang wish, ito ay ang good health para sa kanyang buong pamilya.  Thankful din siya dahil successful ang katatapos na gall bladder operation ng husband niya, si Senator Bong Revilla Jr.

 

 

At sa kanyang birthday, sa halip na siya ang tumanggap, siya raw ang maghahandog sa mga constituents nila sa Bacoor.  Sa Friday, April 14 ay may pa-free concert siya at dahil 55 years old na nga siya, mamimigay siya sa mga constituents niya ng 55 libreng pustiso, 55 wheelchairs, 55 na hair makeover, 55 na tig-P2,000 at may iba’t ibang pa-contest pa silang gagawin during the concert.

 

 

HAPPY BIRTHDAY CONG. LANI!

(NORA V. CALDERON)

Pedicab driver nalambat sa Navotas, P380K shabu, nasamsam

Posted on: April 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
NASAMSAM sa isang pedicab driver na sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga ang halos P.4 milyon halaga ng shabu matapos matimbog aa buy bust operation sa Navotas City.
Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig ang naarestong suspek na si Jayson Gacayan, 42 ng Leongson St., Brgy. San Roque.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) PBGen Ponce Rogelio Penones Jr, sinabi ni Col. Umipig na dakong alas-12:17 ng hating gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PCpt Luis Rufo Jr, ng buy bust operation sa Little Samar St., Brgy. San Jose.
Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P12,000 halaga ng shabu at nang tanggapin nito ang marked money mula sa poseur buyer ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba.
Nakumpiska sa suspek ang aabot 56 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price Php 380,800.00, buy bust money na isang tunay na P1,000 bill at 11-pirasong P1,000 boodle money at P670 recovered money.
Pinuri naman ni BGen Penones ang Navotas police sa pamumuno ni Col. Umipig sa kanilang masigasig kampanya kontra ilegal drogra na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Mga Pinoy na nasa death row, tulungan matapos ibasura ng Malaysia ang mandatory death penalty

Posted on: April 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Nanawagan ang isang mambabatas sa Departments of Foreign Affairs (DFA) at Migrant workers (DMW) na tulungan ang mga Pilipino na nasa death row sa Malaysia.

 

 

 

Ang apela ay ginawa ni Kabayan Partylist Rep. Ron Salo matapos na pagbotohan ng Malaysian government nitong Lunes (April 3, 2023) ang pagtanggal ng mandatory death penalty sa ilang opensa na magbibigay sa mga hukom na magdesisyon kung ipapataw o hindi ang nasabing capital punishment.

 

 

 

“This is certainly a welcome development, especially for our kababayans on death row in Malaysia who may have a justifiably legal cause to receive a much lesser penalty,” ani Salo.

 

 

Sinabi ng mambabatas na binigyan din nito ng pag-asa na mairerekonsidera ang maraming kaso at maibaba ang parusa.

 

 

 

Matatandaan sa isinagawang mga pagdinig sa kamara, inihayag ng ilang opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa 83 overseas Filipinos ang nahatulan ng parusang kamatayan sa iba’t ibang kaso, 56 nito ay pawang nasa Malaysia.

 

 

 

Ayon sa bagong lehislasyon, ang mga nahatulan ng death penalty o life imprisonment ay maaaring humingi ng rebyu sa kanilang hatol.

 

 

Karamihan aniya ng mga kaso ay nasa final at executor na. Kung wala ang nasabing pagbabago ay tanging presidential pardon mula sa Malaysian government ang natitirang tanging paraan.

 

 

Hinikayat pa ng mambabatas ang DFA at DMW na agad magbigay ng lahat ng kinakailangang legal assistance sa mga overseas Filipinos na ansa death row sa Malaysia upang ma-rebyu ang kanilang hatol. (Ara Romero)

Pagaganahin ang imahinasyon at interpretasyon sa movie: ROMNICK, puring-puri si ELIJAH at ‘di umaasang mananalo ng award

Posted on: April 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

WALA talagang itulak kabigin sa kahusayan sa pag-arte nina Romnick Sarmenta sa Elijah Canlas sa psychological thriller-drama na “About Us But Not About Us” na entry ng IdeaFirst Company sa 1st Summer Metro Manila Films Festival na nagsimula noong April 8 at magtatapos sa April 18, 2023.

 

 

Sa imbitasyon ni Direk Perci Intalan, napanood namin ang isa naman sa obra ni Direk Jun Robles Lana (na siya rin ang nagsulat), sa unang araw ng filmfest sa sa Gateway Cinema 4, na kung saan sa tatlong magkakasunod na screenings ay nanguna ito sa bilang mga nanood.

 

 

Gandang-ganda kami at kapuri-puri talaga sa 90-minute movie na nanalo na ng Best Film sa Critic’s Pick competition ng 26th Tallinn Black Nights Film Festival sa Estonia, last November 2022.

 

 

Napakahusay talaga ang pagganap nina Romnick bilang Eric at Elijah bilang Lance, na tututukan at hindi tatayuan. Dahil siguradong mas mami-miss ka, dahil sa dalawang karakter lang iikot ang istorya habang nag-uusap sa isang restaurant

 

 

Grabe, ang tindi ng epekto habang pinanonood ang “About Us But Not About Us” dahil pagaganahin ang inyong imahinasyon at interpretasyon. Habang gumugulong ang kuwento, ang daming kaganapan at ang mga twist na hindi mo inaasahan at mahirap hulaan. Bagay na may panggulat at lalabas sa sinehan na nag-iisip sa mga nangyari, kasama na ang ikatlong character na importante sa istorya.

 

 

At dahil nga sa kahusayan nina Romnick at Elijah, for sure, mahihirapan ang jurors sa pagpili kung sino ang pipiliin na ma-nominate at manalong Best Actor sa 1st Summer MMFF Gabi ng Parangal ngayong April 11 na gaganapin sa New Frontier Theater.

 

 

Anyway, afterng 3pm screening ng “About Us But Not About Us” nakausap namin kay Romnick at inamin ng aktor na puring-puri niya si Elijah.

 

 

“Nag-best actor internationally na ‘yun bata. Kung sa galing at galing lang, wala na tayo mahihiling,” sabi ni Nicko.

 

 

“Madali at magaan kasama sa trabaho. Alam niya ‘yun ginagawa niya. With the years to come, kung talagang pagbubutihan at tututukan niya ang sarili, gagaling pa siya lalo.

 

 

Ayaw naman umasa ni Romnick na mananalo siya ng Best Actor para sa movie nila ni Elijah, kahit marami ang nagsasabi na malaki ang laban niya.

 

 

Sapat na raw ma-nominate siya at mapansin ang performance niya sa naturang pelikula, na napanood na nga sa ibang bansa.

 

 

And hopefully, mas maraming Pilipino ang makapanood sa mga susunod na araw.

 

 

“Nagpapasalamat ako at grateful, pero hindi talaga ako umaasa, siguro ugali ko na ‘yun,” pahayag niya.

 

 

“Kung mangyari, salamat sa Diyos pero kung hindi, salamat pa rin. Kung ano ang gusto Niya, okay lang sa akin. Ano’t-ano man, I’m grateful to be part of the movie at presented in different countries.

 

 

“Sa akin, pinakamalaking gift sa isang artista, yung well-received ang pelikula n’yo kahit saan. Pag nakita sa ibang kultura, sa ibang bansa, tapos sinabi na maganda ang pelikula, okay na sa akin ‘yun.”

 

 

Goodluck Romnick at Elijah na kung pupuwede lang mag-tie at buong pelikula, na inaasahan na maghahakot ng awards…

 

(ROHN ROMULO)

4 todas sa sunog sa printing office sa Valenzuela

Posted on: April 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang apat manggagawang kalalakihan sa isang printing office matapos sumiklab ang sunog sa kanilang tanggapan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Hindi muna pinangalanan ni Valenzuela Fire Marshal Supt. Ana Mae Legaspi ang apat na nasawing trabahador na na-trap makaraang sumiklab ang sunog sa pinaglilingkurang Printing Press sa 2067 Lamesa St. Brgy. Ugong, sa naturang lungsod.

 

 

Sa panayam kay FO1 Kim Alnas ng Valenzuela Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog dakong alas-3:57 ng hapon matapos marinig ang isang malakas na pagsabog na sinundan ng mabilis na pagsiklab ng apoy.

 

 

Kaagad namang nakapag-responde ang mga bumbero ng Valenzuela BFP, pati na ang ilang mga fire volunteers kaya’t mabilis ding nakontrol ang apoy na umabot lamang sa unang alarma bago tuluyang naapula dakong alas-4:35 ng hapon.

 

 

Inaalam pa ni Arson investigator FO2 Paul Fajardo ang dahilan ng pinagmulan ng pagsabog at pagsiklab ng apoy na tumupok sa hindi pa batid na halaga ng ari-arian.

 

 

Kaagad namang nagtungo si Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian, kasama ang opisyal at kawani ng City Social Welfare and Development Office sa pinangyarihan ng sunog, upang makiramay at maghandog ng kaukulang tulong sa naulilang pamilya ng mga nasawi,

 

 

Sinabi pa ni FO1 Alnas sa panayam na isinasailalim na rin sa autopsy examination ang bangkay ng mga nasawi upang malaman kung may iba pang dahilan ng kanilang pagkamatay. (Richard Mesa)