LAGPAS kalahati ng Filipino adults ang kritikal sa pagtugon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. pagdating sa pagkontrol ng pagtaas ng presyo ng bilihin, ayon sa bagong survey ng Pulse Asia na inilabas nitong Martes.
Ito’y kahit na nakakuha ng 78% na performance rating si Bongbong sa parehong pag-aaral, bagay na mayorya pa rin ‘di hamak ng populasyon. Mas marami ang tiwala sa presidente sa kanyang 80% trust rating.
“On the other hand, most adults (52%) are critical of the present dispensation’s efforts to control inflation – an issue identified by a sizeable majority of the country’s adult population as urgent (63%),” sabi ng Pulse Asia.
“Levels of indecision regarding the performance of the administration range from 19% on the issues of protecting the welfare of overseas Filipino workers (OFWs) and fighting criminality to 33% on the issue of enforcing the rule of law.”
Bahagyang pagbaba ang dissapproval rating na ito sa inflation control kumpara sa 54% na nakuha ng administrasyon noong Nobyembre 2022.
Lumalabas tuloy na -27% ang net approval rating (NAR) ng administrasyon pagdating sa pagkontrol sa inflation. Nakuha ito sa pag-awas ng porsyento ng aprub (25%) sa aksyon ni Marcos Jr. sa pagtaas ng presyo ng bilihin sa porsyento ng hindi (52%).
Narito ang NAR ng administrasyon pagdating sa iba’t ibang isyu sa pagitan ng Nobyembre 2022 hanggang Marso 2023:
pagtugon sa naapektuhan ng kalamidad: +72
pagprotekta sa kapakanan ng overseas Filipino workers: +70
paglaban sa kriminalidad: +55
pagtaguyod ng kapayapaan: +54
pagtanggol ng teritoryo laban sa dayuhan: +51
pagpigil sa pagkasira ng kalikasan: +47
pantay na pagpapatupad ng batas: +41
paglaban sa graft and corruption sa gobyerno: +25
paglikha ng trabaho: +21
pagtaas ng sahod ng manggagawa: +20%
pagsugpo sa kahirapan: +6
pagkontrol sa inflation: -27%
Kapansin-pansing mas mataas ang aprub sa performance rating ni Bise President Sara Duterte kaysa kay Bongbong, sa 83%. Higit na mas mataas naman ang trust ratings ng bise sa 85%.
Bukod kina Marcos at Duterte, narito naman ang performance ratings ng iba pang matataas na opisyal ng gobyerno:
Senate President Juan Miguel Zubiri: 51%
House Speaker Ferdinand Martin Romualdez: 88%
Chief Justice Alexander Gesmundo: 66%
Matatandaang umabot sa 14-year high ang inflation rate nitong Enero 2023 noong umabot ito sa napakataas na 8.7%.
Matatandaang umabot sa 14-year high ang inflation rate nitong Enero 2023 noong umabot ito sa napakataas na 8.7%.
Isang buwan bago ito, pumalo sa hanggang P720 ang bentahan ng kada kilo ng sibuyas, bagay na ginagamit sa napakaraming putahe sa pagkaing Pinoy.
Kumalma na ang inflation rate pababa ng 7.6% nitong Marso 2023, ayon sa datos ng Philippine Statistics. Sa kabila nito, malayong-malayo pa ito at halos doble ng 4% inflation noong Marso 2022.
Isinagawa ng Pulse Asia ang survey na ito mula ika-15 hanggang ika-19 ng Marso, 2023 gamit ang harapang panayam ng 1,200 katao edad 18-anyos pataas.
Meron itong ± 2.8% error margin sa 95% confidence level. Ang subnational estimates para sa geographic areas na natalakay sa survey ay may sumusunod na error margins sa 95% confidence level: ± 5.7% para sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao.
“Pulse Asia Research undertakes Ulat ng Bayan surveys on its own without any party singularly commissioning the research effort,” kanilang paglilinaw.