• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 15th, 2023

Napi-pressure sa pagiging first endorser ng ‘Hey Pretty Skin’: BEAUTY, hihirit pa nang another five years bago mag-retire

Posted on: April 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ANG versatile actress na si Beauty Gonzalez ang newest face and first ever celebrity endorser ng Hey Pretty Skin.

 

Ang grand welcome at pagpapakilala sa kanya ay ginanap sa Crowne Plaza Hotel. Pinangunahan ito ng CEO ng Hey Pretty Skin na si Anne Barretto.

 

Ayon sa magandang businesswoman, “we would like to welcome Ms. Beauty Gonzalez to the Hey Pretty Skin family. Very excited kaming lahat na makatrabaho siya at napakasaya namin na pinaunlakan niya po ang imbitasyon namin na maging kauna-unahang celebrity endorser.”

 

Malaki naman ang pasasalamat ng Kapuso actress sa tiwalang binigay sa kanya.

 

“I am very thankful for the trust they have given me. Isang taon pa lang ang Hey Pretty Skin sa market and for them to pick me as their first celebrity endorser is really a big deal.”

 

Pag-amin pa ni Beauty, “medyo may pressure, I admit, but I trust Ms. Anne, her vision, and most importantly, I believe in her products and how it can really help people achieve better glowing skin and feel good inside.”

 

Si Beauty nga ang first choice ni Anne na maging endorser, dahil healthy and glowing ang aktres, inside and out.

 

Kuwento pa ni Anne, “Iba kasi ang confidence na naibibigay na glowing at alaga ang inyong skin. We believe, Beauty is an embodiment of that.

 

“She has flawless skin, she is beautiful, and she lives her best life.”

 

Ini-endorse ng newest leading lady ni Sen. Bong Revilla para sa upcoming sitcom ng GMA Network, ang iba’t-ibang produkto tulad ng top selling na Neoglow Se at Kojieko soap, Prestige Glow Set, Tinted Sunscreen, Happy Lift Serum, Facial Foam Cleanser, at Angel White Body Scrub.

 

Samantala, natanong si Beauty kung itutuloy pa ba niya ang pagre-retire sa showbiz after five years.

 

Tawang-tawa ang aktres tungkol sa nauna niyang nasabi sa isang presscon sa early retirement niya.

 

Pag-amin niya, “well, I was wrong at that time, people make mistakes.

 

Tawang-tawa rin daw ang asawa niyang si Norman Crisologo, “sinabihan ako ng asawa ko, nakakatawa ka, five years ha. Now, you have a sitcom coming, may ganito ka coming. You maybe leave abroad for a movie.

 

“So, are you sure? Kaya sabi ko, another five years. Sabi niya, ‘baby, alam mo pag may tawad, may kapalit ‘yun’. Pag humihingi ako, may kapalit ‘yun, pero secret na lang kung ano ‘yun.”

 

Pinangangatawan naman ni Beauty na okay na siya sa isang anak. Gusto raw niyang mag-travel at mag-enjoy, kasama ang nag-iisang anak.

 

“Okay na ‘yun isa, he has a lot of kids, okay na kaming dalawa.

 

“I want to travel also. Experience my life, and relax, and at this time, I want to fill up my cup.”

 

Nabibili ang Hey Pretty Skin products sa heyprettyskin.com, Shoppee, Lazada, at sa Rising Era Dynasty branches located at Metro Manila, General Santos City, Ozamis City, at Hong Kong, sa pangunguna ng president at CEO na si Red Era.

 

Para naman sa mga interested maging resellers, mag-send lang ng private message sa kanilang Facebook page na Hey Pretty Skin Official.

CELINE DION DROPS LYRIC VIDEO OF “LOVE AGAIN” ORIGINAL THEME SONG

Posted on: April 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

FALL in love with the brand new music from the one and only Celine Dion as she unveils the  official lyric video for the original theme song of Love Again, the eagerly anticipated romantic comedy from Columbia Pictures.

 

 

Check out the video below and watch the film soon in cinemas across the Philippines.

 

 

YouTube: https://youtu.be/FU7c6sJ1iYE  

 

 

In connection with the lyric video reveal, Sony Music Entertainment Canada/Columbia Records has announced that Love Again (Soundtrack from The Motion Picture) will be released on May 12. The 14-track album is available for pre-order now and features five new Celine Dion songs, including the title track “Love Again” written by Dan Wilson and Arista Records artist ROSIE. The soundtrack features the first new music from Celine since her 2019 album Courage, along with six of Celine’s past hits, as well as three of the film’s score selections.

 

 

“I had a lot of fun doing this movie. And to have the privilege of appearing with the beautiful and talented actors Priyanka Chopra Jonas and Sam Heughan in my very first feature film is a gift that I will cherish forever. I think it’s a wonderful feel-good story, and I hope that people will like it, and like the new songs too.” – Celine Dion

 

 

Starring Priyanka Chopra Jonas, Sam Heughan and Celine Dion (in her first film role), Love Again features eleven songs from Celine that are woven into the narrative of the film and its characters.  In a recent interview with People Magazine Sam Heughan shared that “Celine’s music, in a way, brings my character and Priyanka’s character together,” with Priyanka Chopra Jonas adding that Love Again is “our ode to Celine.”

 

 

[Watch the film’s trailer at https://youtu.be/t-z4j5cxAcw]

 

 

LOVE AGAIN (Soundtrack from The Motion Picture) Track List:

1. Love Again

2. I’ll Be

3. Waiting On You

4. Love Of My Life

5. The Gift

6. It’s All Coming Back To Me Now

7. Orpheus & Eurydice (Score from Love Again)

8. All By Myself

9. Where Does My Heart Beat Now

10. Celine Wisdom (Score from Love Again)

11. A New Day Has Come

12. Courage

13. That’s The Way It Is

14. Love Takes Courage (Score from Love Again)

 

 

About Celine Dion

 

 

With more than 250 million albums sold worldwide, Celine is one of the most immediately recognized, widely respected and successful performers in pop music history with number-one hits including “The Power of Love,” “It’s All Coming Back To Me Now,” “Because You Loved Me,” and “My Heart Will Go On.” She has earned five Grammy Awards, two Academy Awards, seven American Music Awards, 20 JUNO Awards and an astonishing 43 Félix Awards.  Celine remains one of the most sought-after recording artists, receiving the Diamond award at the 2004 World Music Awards recognizing her status as the best-selling female artist of all time. In 2016 the Billboard Music Awards presented her with the lifetime achievement Icon Award. In 2019 Celine was named L’Oréal Paris’ newest global spokesperson.

 

 

About Love Again

 

 

What if a random text message led to the love of your life? In this romantic comedy, dealing with the loss of her fiancé, Mira Ray sends a series of romantic texts to his old cell phone number…not realizing the number was reassigned to Rob Burns’ new work phone. A journalist, Rob is captivated by the honesty in the beautifully confessional texts. When he’s assigned to write a profile of megastar Celine Dion (playing herself in her first film role), he enlists her help in figuring out how to meet Mira in person… and win her heart. Starring Priyanka Chopra Jonas, Sam Heughan and Celine Dion and featuring multiple new songs from Dion, Love Again, written for the screen and directed by Jim Strouse, opens soon in Philippine theatres. Produced by Basil Iwanyk, Erica Lee and Esther Hornstein. Executive Producers are Doug Belgrad, Sophie Cassidy, Louise Killin and Jonathan Fuhrman and Celine Dion.

 

 

Love Again is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Connect with the hashtag #LoveAgainMovie (ROHN ROMULO)

Kahit may Master’s Degree na in Management: RONNIE, tuluy-tuloy lang ang pag-aaral para makakuha ng PhD

Posted on: April 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAKITA ni Beauty Gonzalez ang mga alahas na ipapamana niya sa kanyang anak na si Olivia balang-araw.

 

 

Isa nga rito ay ang Pangaw beads na galing pa sa Mountain Province.

 

 

Ayon sa Museo Kordilyera’s website, ang Pangaw beads ay gawa sa “glass beads encased in gold. Numerous beads strung together and worn by both Ifugao men and women as a necklace that serves as a symbol of the kadangyan class.”

 

 

Kinuwento naman ng ‘Stolen Life’ star na hilig niya talaga ang bumili ng rare jewelries na alam niya na may halaga sa paglipas ng panahon.

 

 

“So happy with today’s acquisition, finally got my hands on a second set of these Pang Aw Beads directly from the Mountain Province, they are gold foil encased in glass beads probably centuries old.

 

 

“They don’t look like much at first sight, kinda rugged and kinda dull for those used to bling but believe it or not these are most coveted by antique collectors and tribal adornment aficionados. Highly prized for their rarity and cultural significance.

 

 

“I love them for the thrill of the hunt, the search, the negotiations, then finally the responsibility of taking care of them for generations to follow. I hope one day Olivia can value these as much as I do so she can pass them on to her grandchildren. A family tradition has begun.”

 

 

***

 

 

TULUY-TULOY lang ang pag-aaral ng singer-actor na si Ronnie Liang.

 

 

Kahit na meron na itong master’s degree in management, kumukuha ito ngayon ng PhD in Development Administration majoring in Security Development sa Philippine Christian University.

 

 

Nasa plano raw ni Ronnie na kunin ang mga kursong ito noon pa. Nagkaroon lang daw ng delay dahil sa pagsabak niya sa showbiz.

 

 

“Noong nasa college pa lang ako, plan ko na talaga mag-master’s degree then mag-PhD. Naging busy lang noon kaya na-delay. Now I have all the time and means to study now, kaya talagang tatapusin ko itong PhD,” sey ni Ronnie.

 

 

Naisip nga ni Ronnie na hindi siya forever na artista. Kaya investment daw ang mga kursong ito kung sakaling magpalit na siya ng propesyon.

 

 

“This is not just another degree but also an investment in my future because I know I will not be a singer and actor forever. So now I am preparing for a career beyond my current profession.

 

 

“As someone who deeply values personal growth and lifelong learning, I know that this will require hard work, dedication, and sacrifice. But it will also transform me in many ways that I cannot even imagine.”

(RUEL J. MENDOZA)

Mga artistang Bulakenyo,magpapamalas ng angking talento sa Sining sa Hardin: Bulacan Art in the Park

Posted on: April 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TATLONG  araw na eksibit ang isinasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office – Arts and Culture Division na pinamagatang “Sining sa Hardin: Bulacan Art in the Park at Konsierto ng mga Artistang Bulakenyo” mula Abril 14-16, 2023, alas 10:00 ng umaga sa Mini Forest sa Provincial Capitol Compound sa lungsod na ito.

 

 

Dalawampu’t apat na music performers ang magtatanghal ng makulay na sining ng Bulakenyo kabilang ang Hiyas ng Bulacan Provincial Band, Frolic Nerve, The Art Corner PH, Kardobente Uno, Yort, Trixie Dayrit, Benn Music, Bagumi, Episode III, Pax Machine, Von Lucero, Daloy Kolektibo, Sweet December, Drivenback, Why Loras, Paul de Guzman, The Libras, BulSu Liveband, Kross Path, Omanaki, Acoustic Soulmate, Citrus Blend, Ferry Baltazar at Strings of Madala.

 

 

Bukod dito, 14 na art groups din ang lumahok sa nasabing eksibit kabilang ang Artists Guild of Sta. Maria (AGOS), Alyansa ng Sining Biswal ng Guiguinto, Association of Quingua Artists, Bahaghari ng Malolos, Bahaysining, Baliuag Art Group, Bulakan Artist Circle, FOCUS Bulacan, Graffiti Artists, Grocery, Lumina, San Rafael Artists Group at Sining at Galing ng Santa Maria (SINAG).

 

 

Samantala, hinihikayat ni Gob. Daniel R. Fernando ang mga mahilig sa sining at musika na suportahan ang mga lokal na artista at musikero dahil sila ay itinuturing na tanglaw na nagbibigay liwanag sa walang katulad na sining ng mga Bulakenyo.

 

 

“Tangkilikin, suportahan at pahalagahan po natin ang ating mga Bulakenyong alagad ng sining na ito man ay sa larangan ng likhang sining, musika o kasaysayan. Tulungan po natin silang itanghal ang pagpapahusay ng mga Bulakenyo upang patuloy na magliwanag ang kadakilaan ng Lalawigan ng Bulacan,” ani Fernando. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

PBBM: ASEAN, dapat tugunan ang brain drain sa healthcare sector

Posted on: April 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DAPAT na mag-adjust ng Southeast Asian countries at maghanap ng paraan para tugunan ang human capital flight, partikular na ang  healthcare sector para sa kapakanan ng rehiyon.

 

 

Ang usapin ng brain drain sa health sector ng rehiyon partikular na sa pangingibang-bayan ng mga nars at doktor ay tinalakay sa pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Temasek Foundation executives sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

“We are very proud of (our nurses and doctors) and the role they play during the height of the pandemic but as I said, we are a victim of our own success,” ang sinabi ni Pangulong  Marcos sa mga opsiyal ng Temasek sa pangunguna ng chairman nito na si  Jennie Chua Kheng Yeng.

 

 

“But you know, we have to adjust and find other ways. We have to give them at least equal opportunities at home. It is very clear that most Filipino overseas workers are willing to take less in terms of pay so long as they can stay here,” ang wika ng Pangulo sabay sabing “If Singapore can find a solution to that problem, it would immensely help the Southeast Asian region’s healthcare sector.”

 

 

Sinabi naman ni  Chua na sang-ayon ang Singapore nursing association sa  register nurses sa  Singapore na pigilin ang  human capital flight sa sektor matapos mawala sa kanilang bansa ang 400 nurses tungo sa  New Zealand, na nag-alok ng permanent residency (PR).

 

 

Sa ilalim ng  New Zealand’s PR, maaaring dalhin at isama ng mga nurse ang kanilang pamilya, payagan ang kanilang mga anak na makapag-aral sa local schools, at mag-aplay para sa pabahay.

 

 

Sinabi naman ni Temasek Foundation International chair na ayaw ng Singapore na bigyan ang mga  Filipino nurses ng  citizenship hindi aniya katulad ng alok ng  USA, Canada at New Zealand  upang “they can go back and forth during their working years.”

 

 

Pinuri naman ni Chua ang Pilipinas sa pagpo-produce ng  “good nurses and doctors”.

 

 

Sinabi nito na karamihan na doktor na  nasa Singapore’s emergency room ay mga Filipino.

 

 

Pinuri rin nito ang kanilang pagsasanay na base sa “life experience.”

 

 

Sa ulat, ang Temasek Foundation,  ay “Singapore-based non-profit philanthropic organization, is an arm of Singapore’s state sovereign fund Temasek Holdings.”

 

 

“The foundation funds and supports programs aimed at building community capabilities in Asia and beyond through philanthropic endowments. The foundation forged agreements with the Philippines to enhance competencies across industries, through the Technical and Vocational Education and Training (TVET) (Digitalization and Industry 4.0) Program, Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) with Design Thinking Programme, and Health Care Management Program,” ayon pa rin sa ulat. (Daris Jose)

Single ticketing system sa MM sisimulan sa May 2

Posted on: April 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INIULAT ng Metro Manila Council (MMC) na ang single ticketing system para sa lahat ng traffic violations ay sisimulan sa May 2.

 

 

Nilagdaan ng mga Metro Manila mayors kasama ang mga opisyales ng Land Transportation Office ang memorandum of agreement para sa pagpapatupad ng single ticketing scheme sa kalakhang Manila.

 

 

“After Labor Day, we will roll out the unified ticketing system in Metro Manila,” wika ni San Juan City Francis Zamora na siya rin president ng MMC.

 

 

Ang MMC ay binubuo ng mga mayors sa metropolis na siyang policy-making body ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

 

Nilagdaan ng mga mayors ang Metro Manila Traffic Code of 2023 na naglalaman ng 20 common traffic violations at ang corresponding multa ng bawat violations. Ang mga nasabing common traffic violations ay ang mga sumusunod: illegal parking, overloading, defective motor vehicle accessories, dress code, obstruction at disregarding traffic signs, number coding kasama rin ang truck at tricycle bans.

 

 

Ang mga traffic enforcers sa Metro Manila ay maaaring manghuli ng mga motorista na lumalabag sa batas trapiko na may multang mula P500 hanggang P10,000 depende sa frequency ng offense.

 

 

Ayon sa bagong matrix, ang mga mahuhuli ay kinakailangan magbayad ng mga sumusunod: P500 para sa number coding, tricycle ban at arrogance/discourteous conduct; P1,000 para sa disregarding traffic sign, attended illegal parking o di kaya ay kung ang driver ay nasa loob ng sasakyan, obstruction, overloading, defective motor vehicle accessories, loading at unloading sa mga bawal na lugar, overspeeding at walang seatbelt; P2,000 para sa unattended illegal parking, light truck ban at unauthorized modification at P3,000 naman para sa truck ban.

 

 

Depende naman sa kung ilan beses ginawa ang offenses, ang mga mahuhuli ay magmumulta ng P1,000 sa una, P2,000 sa ikalawa, at P2,000 na may kasamang seminar sa mga susunod na offenses para sa reckless driving.

 

 

Para naman sa dress code, P500, P750 at P1,000. Papatawan ng P2,000 at P5,000 para sa illegal counterflow; P1,000, P2,000 at P5,000 sa hindi paggamit ng child restraint system (CRS). Bibigyan naman ng multang P1,000, P3,000 at P5,000 para sa substandard na CRS; P1,500, P3,000 at P5,000 at P10,000 kung hindi gumagamit ng motorcycle helmet. Habang P3,000 at P5,000 sa paggamit ng helmet ng walang import commodity clearance o ICC marking. Papatawan rin ng P3,000, P5,000 at P10,000 kung hindi sumunod sa Children’s Safety on Motorcycles Act.

 

 

Ayon sa MMDA, ang mga law offenders ay dapat magbayad ng multa sa loob ng 10 araw pagkatapos ng pagkahuli. Aalisin ang record ng violation kapag nagbayad na ang motorista ng multa.

 

 

Ayon sa MMDa, ang mga driver’s license ay hindi na kukunin subalit magkakaron ito ng tagged sa LTO’s Land Transportation Management System.

 

 

Ang mga Metro Manila mayors na lumagda sa memorandum maliban kay Zamora ay sila QC mayor Joy Belmonte, Paranaque mayor Eric Olivarez, Manila mayor Honey Lacuna, Muntinlupa mayor Ruffy Biazon, Valenzuela mayor Wes Gatchalian, Pasay City mayor Emi Calixto-Rubiano, Malabon mayor Jeannie Sandoval, Caloocan mayor Along Malapitan, Navotas mayor John Rey Tiangco at Pateros mayor Miguel Ponce III. LASACMAR

Kakulangan ng valid ID at digital literacy, dahilan ng mabagal na SIM registration sa bansa

Posted on: April 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KAKULANGAN  sa government valid IDs at digital literacy ng mga SIM card subscribers ang itinuturong dahilan ngayon kung bakit nagiging mabagal ang pag-usad ng SIM registration sa bansa.

 

 

Sa ngayon kasi ay aabot pa lamang sa 66 million o 39 percent ng kabuuang bilang na 168 million ng mga SIM card users sa buong bansa ang nakakapagparehistro pa lamang ng kanilang mga SIM card noong Abril 11, 2023.

 

 

Ayon sa ilang eksperto, dahil dito ay kinakailangan ng hand-holing partikular na sa mga customers na nasa mga probinsya dahil nandoon aniya ang mga lugar na may mababang bilang ng registration.

 

 

Kaugnay nito ay sinabi naman ng Department of Information and Communications Technology na pinag-aaralan na nito kasama ang National Telecommunications Commission ang posibilidad ng pagpapalawig pa sa deadline ng SIM registration act.

 

Teves dadalo sa Senate probe ng Degamo slay

Posted on: April 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DADALO “virtually” si suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie Teves Jr. sa imbestigasyon ng Senado kaugnay sa pagpaslang kay Governor Roel Degamo, ayon kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa.

 

 

Si Teves ang itinuturo ng Department of Justice (DOJ) na utak at financier sa pagpatay kay Gov. Degamo batay sa mga inisyal nilang nakalap na impormasyon at testimonya ng mga nadakip na suspek sa krimen.

 

 

Ayon kay Dela Rosa, nagpaabot ng commitment at kinumpirma ni Teves sa pamamagitan ng kanyang Secretary na haharap siya sa pagdinig ng komite ‘virtually’.

 

 

Sinabi ni Dela Rosa na napakahalagang makuha ng kanyang komite ang panig ni Teves.

 

 

Wala rin umanong problema sa kanya ang pakay ni Teves sa desisyon nitong dumalo sa pagdinig ng Senado at linisin ang kanyang pangalan.

 

 

Maaaring ihayag ni Teves ang anumang gusto nitong sabihin at siya bilang chairman ng komite ay naroroon naman para kontrolin ang magiging takbo ng pagdinig.

 

 

Tiniyak din ni Dela Rosa na hindi niya hahayaang magamit ni Teves sa ‘grandstanding’ ang committee hearing.

 

 

Giit pa ng Senador na hindi niya batid kung anong motibo ni Teves na mas pinili nitong makipag-cooperate sa Senado sa halip na sundin ang panawagan ni Speaker Martin Romualdez na umuwi na ng bansa.

 

 

Nilinaw naman niya na kung biglang hindi na dadalo sa pagdinig ?sa Abril 17 si Teves ay hindi naman ito maaaring mai-cite for contempt dahil may ‘interparliamentary courtesy’ na dapat sundin at kilalanin ng Kongreso. (Daris Jose)

95,300 katao nasalanta ni ‘Amang’ — NDRRMC

Posted on: April 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HALOS 100,000 katao na ang naapektuhan ng nagdaang bagyong Ämang”sa sari-saring parte ng Pilipinas, bagay na nag-iwan ng milyun-milyong pinsala at mga residente sa evacuation centers.

 

 

Sa huling taya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, Biyernes, pumalo na sa 95,337 katao na ang naapektuhan ng naturang sama ng panahon:

 

Apektadong pamilya: 25,762

Apektadong baranggay: 162

Lumikas sa evacuation center: 122,632

Nasa labas ng evacuaton: 26

 

 

Nananatiling nasa P12.34 milyong halaga ng pinsala na ang naidudulot nito sa sektor ng agrikultura, dahilan para masalanta ang nasa 1,324 na magsasaka.

 

 

Partially damaged sa mga nabanggit ang nasa 1,096 hektaryang bukirin. Kaugnay niyan, 663,93 metric tons na ang production loss kung volume ang pag-uusapan.

 

 

Huwebes lang nang sabihin ng Department of Social Welfare and Development Region V na merong 42,717 family food packs (FFPs) at 51,284 non-food items na avilable ngayon sa kanilang warehouses pati na sa local government units.

 

 

Nakapagbigay naman na raw ng 7,000 FFPs sa PLGU-Camarines Sur bilang resources augmentation.

 

 

“Furthermore, the Field Office is continuously monitoring the status and updates from the six (6) provinces on the affected or displaced families and needs assessment,” ayon sa DSWD Region V.

 

 

“The agency is also coordinating with the LGUs for the provision of resource augmentation.”

 

 

Kahapon lang nang tuluyag humina at maging low pressure area na lamang ang dating bagyo.

 

 

Sa kabila nito, magdadala pa rin ito ng maulap na mga himpapawid at kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlap sa Metro Manila, Pangasinan, Tarlac, Pampanga, Zambales at Bataan ngayong araw.

Ads April 15, 2023

Posted on: April 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments