• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 20th, 2023

“The Boogeyman” Terrifying New Trailer and Poster Out Now

Posted on: April 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

EMBRACE the fear and mark your calendars for May 2023, as “The Boogeyman” prepares to haunt theaters near you and terrifying new trailer and a new poster is available now.

 

 

The horror-thriller from the mind of best-selling author Stephen King.
The wait is finally over, as the spine-chilling new trailer and poster for 20th Century Studios’ and 21 Laps’ “The Boogeyman” have made their eerie debut.

 

 

Watch the trailer below:

 

 

This horror-thriller, adapted from the mind of best-selling author Stephen King, is set to make hearts race exclusively in theaters come May 2023.

 

 

With the recent passing of their mother, high school student Sadie Harper and her younger sister Sawyer find themselves grappling with grief. Their father, Will, a therapist, struggles with his own sorrow and offers little support.

 

 

But when a frantic patient unexpectedly appears at their home, he unleashes a horrifying supernatural force that targets families and feasts on their suffering.

 

 

The Creative Minds Behind the Nightmare

 

 

Rob Savage, the director of “Host,” helms “The Boogeyman,” which features a screenplay by Scott Beck & Bryan Woods (“A Quiet Place”) and Mark Heyman (“Black Swan”). The story, based on Stephen King’s short story, showcases an all-star cast, including Sophie Thatcher (“Yellowjackets”), Chris Messina (“Air”), Vivien Lyra Blair (“Obi-Wan Kenobi”), Marin Ireland (“The Umbrella Academy”), Madison Hu (“Bizaardvark”), LisaGay Hamilton (“Vice”), and David Dastmalchian (“Boston Strangler”).

 

 

A Spine-chilling Collaboration

 

 

The film is produced by Shawn Levy (“Stranger Things”), Dan Levine (“Arrival”), and Dan Cohen (“The Adam Project”), with executive producers including John H. Starke (“Sicario”), Emily Morris (“Rosaline”), Scott Beck, Bryan Woods, Ryan Cunningham, Adam Kolbrenner (“The Tomorrow War”), and Robyn Meisinger.

 

 

Rob Savage’s Vision of Fear

 

 

“’The Boogeyman’ is a classic horror movie in the mold of ‘Poltergeist’ that has scares and heart in equal measure,” says director Rob Savage.

 

 

“I vividly remember the terror I felt reading King’s short story as a kid, and it’s this feeling of childhood fear that I wanted to inspire in cinema audiences around the world.

 

 

“This film was made in collaboration with an incredibly talented team of creatives, and is anchored by wonderful, soulful performances from our incredible cast – I’m in awe of them, truly. We’re incredibly proud of this movie and can’t wait to give you all a reason to fear the dark again.”

 

(ROHN ROMULO)

 

Ads April 20, 2023

Posted on: April 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Number coding suspendido sa Biyernes

Posted on: April 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSIYO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang suspensyon ng number coding sa darating na Biyernes, dahil sa obserbasyon sa Eid’l Fitr o Piyesta ng Ramadan.

 

 

Ito ay bilang pagsunod sa inilabas na Proclamation No. 201 ng Malacañang na nagdedeklara sa Abril 21 bilang regular holiday dahil sa Ramadan.

 

 

Naglabas na rin ng Facebook post sa kanilang page ang MMDA para sa pansamantalang suspensyon ng number coding scheme upang gabayan ang mga motorista.

 

 

Dahil dito, para sa mga may plano na magbakasyon sa darating na bagong long weekend, pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na planu­hing mabuti ang kanilang biyahe at maging maingat sa pagmamaneho para makaiwas sa aksidente.

 

 

Ang Eid’l Fitr ang hudyat ng pagtatapos ng isang buwang pag-aayuno dahil sa Ramadan na isinasagawa ng lahat ng Muslim sa buong mundo.

DOH handa sa COVID-19 surge

Posted on: April 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Department of Health (DOH) na handang-handa sila ngayon sa anumang uri ng surge ng COVID-19 kasunod ng pag-amin na umakyat ang positivity rate nito matapos ang paggunita ng mga Pilipino sa Semana Santa.

 

 

Sinabi ni DOH Officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na naitala na sa 7.6% ang positivity rate mula sa 6.9% noong nakaraang linggo. Lagpas ito sa ‘threshold’ o pamantayan na 5% na itinakda ng World Health Organization (WHO).

 

 

Ani Vergeire, mula 274 average na kaso kada araw ay nasa 371 na ito.

 

 

Ngunit handang-handa umano ang health system ng bansa para sa panibagong surge kung mangyayari man ito. Ito ay dahil sa maayos nang sistema na naitakda sa mga pagamutan, dagdag na kaalaman ng mga healthcare workers at presensya ng mga bakuna at gamot.

 

 

Hindi rin umano dapat gamitin ang positivity rate sa antas na sitwasyon sa COVID-19 sa bansa.

 

 

Ipinaliwanag niya na mababa ngayon ang demand sa laboratory testing dahil sa marami sa mga tao ay gumagamit ng antigen testing o nagsi-self isolate na lang kapag nakaramdam ng sama ng pakiramdam. (Daris Jose)

Teves, hari-harian sa Negros Oriental – Mayor Degamo

Posted on: April 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INILAHAD  ni Pamplona Mayor Janice Degamo ang ginagawang paghahari-harian ni suspended Cong. Arnolfo Teves Jr., at kanyang mga kaanak sa kanilang lalawigan sa Negros Oriental.

 

 

Sa pagdinig ng Senado patungkol sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo, direktang itinuturo ni Mayor Degamo si Teves na may kinalaman sa mga nangyayaring patayan sa kanilang probinsya

 

 

Ipinakita ni Mayor Degamo ang listahan ng 49 na mga biktima ng pagpatay sa Negros Oriental mula 2007 at ang mga kasong ito ay konektado dahil lumalabas sa ilang mga kaso na pareho ang suspek sa pagpaslang patunay na may private armed groups ang mga Teves.

 

 

Bukod dito, kinatatakutan din ang pamilya sa kanilang lugar dahil kapag ang mga Teves ang kalaban at inireklamo walang abogadong gustong tumanggap sa kaso at minsan pa aniya ang piskalya pa ang magrerekomenda na huwag nang ituloy ang reklamo.

 

 

Maging ang Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Environment of Natural Resources (DENR) at Commission on Elections (COMELEC) sa kanilang lalawigan ay takot din sa mga Teves dahil sa pangamba na baka raw sila ay mapatay.

 

 

Ibinahagi rin ni Mayor Degamo ang impormasyon na tuloy pa rin ang iligal na e-sabong sa kanilang probinsya na minamanduhan ng anak ng kongresista na si Kurt Matthew Teves at may proteksyon mula kay dating Gov. Pryde Henry Teves.

 

 

Itinanggi naman ni dating. Gov. Pryde Teves ang akusasyon ng Alkalde at sinabi rin nitong nakapagsumite na siya ng waiver sa Department of Justice (DOJ) para masilip ang kanyang bank accounts upang patunayan na wala siyang iligal na aktibidad. (Daris Jose)

Bagong China FM Qin Gang, darating sa bansa para sa isang official visit

Posted on: April 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG dumating sa Pilipinas si Chinese State Councilor and Foreign Minister Qin Gang para sa isang official visit simula Abril 21 hanggang 23.

 

 

Ang biyahe ni Qin ay tugon sa imbitasyon ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.

 

 

Ang planong pagbisita ni Qin  ay dahil na rin sa “troublesome time” sa pagitan ng China at Pilipinas.

 

 

Mapapalitan ng kani-kanilang pananaw  ang dalawang lider ukol sa kinalabasan ng  Philippines-China Foreign Ministry Consultations atBilateral Consultations Mechanism sa South China Sea na nangyari na back-to-back sa Maynila nitong  Marso.

 

 

Sinabi pa ng DFA sakop ng magiging pag-uusap ang implementasyon ng mga kasunduan sa  mataas na antas sa idinaos na pulong sa pagitan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Chinese President Xi Jinping noong Enero4.

 

 

“In particular, both sides will discuss increasing and strengthening cooperation in the fields of agriculture, trade, energy, infrastructure, and people-to-people relations, among others,”ayon sa kalatas ng DFA.

 

 

Nauna rito, mahigpit  na tinutulan ng  China  ang desisyon ng administrasyong Marcos na pagkalooban ang US military forces ng access sa karagdagang sites sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa northern Luzon, na ayon sa Chinese officials ay gagamitin lamang ng Estados Unidos para sa posibleng pakikialam sa Taiwan issue.

 

 

Samantala, tatlo sa apat na karagdagang lokasyon ng  EDCA na nahaharap sa Taiwan ay ang  Naval Base Camilo Osias sa Sta. Ana sa Cagayan province, Lal-lo Airport sa Cagayan, at Camp Melchos Dela Cruz sa Gamu , Isabela.

 

 

Ang pang-apat na  site ay sa  Balabac Island sa Palawan, ang Philippine island province na malapit sa pinagtatalunang Spratlys sa West Philippine Sea, kung saan ang China at Pilipinas ay mayroong matagal ng “overlapping claims.”

 

 

“Judging from the locations of the new military bases, the intention behind those sites is more than obvious,” ayon sa  Chinese Foreign Ministry.

 

 

Ang inisyal na limang predetermined EDCA sites ay matatagpuan sa Antonio Bautista Air Base sa Palawan – malapit sa pinagtatalunang South China Sea – Basa Air Base sa Pampanga, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Mactan-Benito Ebuen Air Base sa Cebu at Lumbia Air Base sa Cagayan de Oro City. (Daris Jose)

Credit card scam may bagong modus – BSP

Posted on: April 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MULING nagbigay paalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mag-ingat sa credit card scam makaraang matukoy ang mga panibagong modus ng mga scammers sa kanilang mga biktima.

 

 

Paalala ng BSP na i-check kung may mga palatandaan ng scam tulad ng tatawagan ka ng nagpapanggap na kinatawan ng credit card company at sasabihin na hindi na sila naglalabas ng card na may numero sa harap at likod.

 

 

Bantayan din kung tatanungin nila kung nagagamit mo pa ang credit card mo dahil ito ay naka-deactivate na at sasabihin din nilang ipadadala lang nila ang bago mong credit card kapag ibinigay mo ang iyong kasalukuyang credit card details.

 

 

Payo rin ng BSP na huwag ibigay ang mga detalye ng iyong credit card tulad ng number, expiry date, at card verification value (CVV).

 

 

“Tandaan, hindi tatawag, mag-tetext, o mag-e-email sa inyo ang bangko, credit card issuer, o financial institution para humingi o magpa-update ng iyong personal at bank account details,” ayon sa BSP.

 

 

Pinayuhan ang mga credit card holders na kung may tanong o reklamo tungkol sa account, agad na makipag-ugnayan sa credit card issuer o bangko. Kung nasangkot sa scam, maaari ring makipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) o sa National Bureau of Investigation (NBI) para maimbestigahan at makasuhan ang mga scammer. (Daris Jose)

Austria, bukas para mag-hire ng 200,000 Filipino sa darating na taon

Posted on: April 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LOOKING forward ang Austrian government na tumanggap ng mas maraming Filipino worker,  dahil sa  mahigit sa 200,000 job openings ang magiging available sa mga darating na taon.

 

 

Sa isang joint statement ng  Department of Migrant Workers at  Austrian Delegation on the Hiring of Filipino Workers for Austria, kailangan ng bansa  ng  75,000 healthcare workers mula sa 60,000  na may karagdagang 200,000 job openings sa lahat ng industriya.

 

 

“Our partnership with the Philippine government through the DMW will create a win-win situation, providing employment opportunities for skilled Filipino workers while contributing to the growth of Austria’s economy,” ayon kay Austrian Ambassador to the Philippines Johann Brieger.

 

 

Samantala, sinabi ni DMW Secretary Susan Ople na kailangang lagdaan ang isang memorandum of agreement kasama ang  Austrian government sa planong mag-hire ng mga Filipino worker.

 

 

“Upon the advice of the Department of Foreign Affairs, we would need to sign a Memorandum of Understanding to set the tone and define the parameters of our partnership with the Austrian Federal Economic Chamber and the Federal State of Vienna,” ani Ople.

 

 

Ayon kay Ople, ang Pilipinas at Austria ay kapuwa nabibilang sa  Tier 1 category sa US State Department’s Trafficking in Persons Report, nangangahulugan na mayroon ang mga ito ng sapat na mekanismo at batas para mapigilan ang  human trafficking.

 

 

Makikita naman sa data ng DMW na mayroong 5,824 overseas Filipino workers sa Austria, kung saan 1,220 sa mga ito ay nagtatrabaho sa “hospitality at food service sector, at 749  sa health at social work service. (Daris Jose)

SERIAL KILLER SA TONDO, FAKE NEWS– Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan

Posted on: April 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

“FAKE news.”

 

 

Ito ang pahayag ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan hinggil sa kumakalat na balita sa social media na may lumilibot na “serial killer” sa Maynila partikular na sa Tondo.

 

 

Sa ginanap na pulong balitaan sa Bulwagan Antonio Villegas sa Manila City Hall na pinangunahan nina Lacuna kasama sina Manila Police District (MPD) Director PBGen. Andre Dizon at MPD-Station 1 (Raxabago) Chief PLtCol. Rosalino Ibay Jr., nilinaw nila na walang katotohanan ang kumakalat na balita sa social media na may lumilibot na serial killer sa Tondo.

 

 

Iniharap sa mga mamamahayag ni Lacuna si Joel Justiniani alyas “Joel Blandy”, na na-tag bilang serial killer sa isang wanted poster na kumakalat sa internet ay inosente ayon sa pahayag ng mga saksi.

 

 

Kaugnay nito, iprinisinta naman nila ang suspek na si Jay-Jay Martelino alyas “Pusod” na naaresto ng mga tauhan ni LtCol. Ibay dakong alas-11:30 ng umaga nitong Miyerkules, Abril 12.

 

 

Si Marcelino ang itinuturong suspek sa pamamaril sa biktimang kinilalang si Ruel Yabao, 20, construction worker, ng Pastor St., Tondo nitong nakaraang Abril 9, dakong alas-12:20 ng madaling araw na nagresulta sa pagkamatay nito.

 

 

Ang isa pang gunman na si alyas “Ivan,” ay kasalukuyang pinaghahanap pa ng pulisya.

 

 

Kinokonsidera naman ni Lacuna na “case closed” na ang nasabing kaso ngunit tiniyak pa rin ng Alkalde ang kaligtasan ng publiko sa pamamagitan ng patuloy na police visibility sa lungsod.

 

 

Pinaalalahanan ni Mayor Honey Lacuna-Pangan ang publiko na huwag basta-basta maniniwala sa mga ipinopost sa social media, maging mapanuri at manatiling mapagbantay sa posibleng fake news gamit ang internet. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Kaya nagtagal at maituturing na iconic actress: DINA, minahal at niyakap ang talentong binigay ng Diyos

Posted on: April 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISA sa maituturing na iconic actress ng Pilipinas si Dina Bonnevie; sa palagay niya, bakit siya nagtatagal sa industriya?

 

 

“Ako simple lang, siguro kasi mahal ko yung trabaho ko, talagang niyakap ko and tinanggap ko yung binigay sa aking regalo ng Panginoon.

 

 

“Kumbaga He gave me the gift of acting, parang… hindi ko kinailangan ng acting coach, bata pa ako umaarte na ako, parang I just honed my craft, parang God gave me this talent, mas hinasa ko pa, mas pinahusay ko pa.

 

 

“And then yun, it’s just simple na I love what I do, so because I love what I do inaaral ko ang script, hindi ako nale-late, I come on time, nakikibagay ako sa mga kasama ko sa set. Nakikihalubilo ako, iniintindi ko ang bawat miyembro ng cast, kung meron man isang may pinagdadaanan diyan iniintindi ko, yung ganun.

 

 

“Parang you already know that when you belong to a cast you belong to a family, this is your new family and you have to embrace kung ano man… kung ano yung parang ‘unwritten rules’, di ba?

 

 

“Sa bawat cast merong unwritten rules, pero mababasa mo yun e, pag nakipaghalubilo ka sa kanila, nakipag-usap, malalaman mo na, ‘Ay ito pala ang parang norm sa set, ito ang unacceptable’, and makikibagay ka dun.

 

 

“So I guess rule of thumb lang talaga, love your work and you’ll do what you need to do,” pahayag ni Dina na gumaganap na Giselle Tanyag sa GMA top-rating series na ‘Abot Kamay Na Pangrap.’

 

 

***

 

 

NAGAWA ni Ken Chan ang gusto niya sa pelikulang ‘Papa Macot.’

 

 

“Nagawa ko po ang gusto kong gawin na hindi ko magawa sa TV, sa mga teleserye. At masaya po ako.

 

 

“May mga kaibigan po akong mga aktor na gumagawa ng mga ganitong pelikula po, at nakikinig po ako sa kanila.

 

 

“Lagi ko pong naririnig yung mga kuwentuhan nila, ‘Hah! Ang sarap sa pakiramdam! Grabe, ganito pala ang pakiramdam!’

 

 

“Ang sarap na magawa mo lahat ng gusto mong sabihin! Lahat ng gusto mong ikilos o ipakita sa pelikula, dahil walang limitasyon.

 

 

“Pero naiintindihan ko naman po yun. Ganun po talaga ang sistema ng pelikula at ng TV series. May mga kailangan po tayong sundin.

 

 

“Pero ako po, masasabi ko po na nagawa ko at nakalaya po ako doon sa gusto ko pong gawin.

 

 

“Pero me as an actor doing a TV series, I’m also blessed and thankful dahil de kalibre din naman po ang mga pino-produce ng GMA Network.

 

 

“And I’m just so blessed na nagagawa ko po yun, both worlds.”

 

 

Co-producer si Ken ng ‘Papa Mascot’; unang beses niya itong maging producer ng isang pelikula.

 

 

“And I’m just so proud to say na pinasok po namin ang venture na ito bilang pagiging producer with Miss April [Martin] and Miss Pauline [Publico].

 

 

“Wide International Film, this is our first project, at proud na proud po akong sabihin na I’m part of this project not only as an actor but also as a co-producer.

 

 

“And as a co-producer, may mga pagkakataon po na nakakapagbigay po kami, yung mga creative juices po namin, pinagsasama-sama po namin kung ano man yung mga materyal na gusto naming gawin, also with direk Louie Ignacio.

 

 

“Kung ano ba yung mga kuwento pa na gusto naming ipakita sa mga viewers. Ano pa ba yung mga kuwento na hindi pa naikukuwento?

 

 

“Marami! Marami kaming gustong mga plano. Romantic comedies, horror, action, more dramas, about family, about love.

 

 

“And abangan niyo po yun. Yun ang dapat niyong abangan,” masayang wika pa ni Ken, the actor/producer.

 

 

Si Dennis Evangelista ang line producer movie na ipapalabas sa mga sinehan sa April 26.

(ROMMEL L. GONZALES)