• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 20th, 2023

After four years, mapapanood na ang most epic primetime series… Direk MARK at buong cast ng ‘Voltes V: Legacy’, naging emosyonal

Posted on: April 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TEARS of joy ang hindi napigilang reaction ni Director Mark Reyes at ng cast ng most epic primetime series to land on Philippine television via “Voltes V: Legacy.”  

 

 

Paano nga naman, inabot ng four years in the making ang first-ever live action adaptation of the phenomenal Japanese ‘70s anime ‘Voltes V’ na nag-premiere night last Tuesday, April 18 sa SM Cinema The Block.

 

 

Dinaluhan ito ng buong cast, headlined by no less than five of Sparkle’s sought-after artists,  sina Kapuso Ultimate Heartthrob Miguel Tanfelix as Steve Armstrong, Ysabel Ortega as Jamie Robinson, Matt Lozano as Big Bert Armstrong, Radson Flores as Mark Gordon, and Raphael Landicho sa Little Jon Armstrong.

 

 

Present din ang cast na may special participation, like Kapuso Drama King Dennis Trillo as Ned Armstrong, the father of the three Armstrong brothers; Max Collins as Rozalia, na first wife ni Ned at si Carla Abellana as Mary Ann Armstrong, Ned’s wife from planet Earth na tumulong sa kanya para mabuo ang Voltes V.

 

 

Naroon din sina Gabby Eigenmann as Commander Robinson and Albert Martinez as Dr. Smith who assist in the development of Voltes V, plus ang bumuo ng Boazanian forces at ang members of Camp Big Falcon.

 

 

Ang live action series ay produced ng GMA Network in partnership with Toei Company, Ltd. And Telesuccess Productions Inc., na nagsidalo rin sa premiere night.  Acclaimed local animators from Riot, Inc. and GMA’S Post Video Graphics and Audio Team ang nag-handle na program’s heavy CGI and other visual effects.

 

 

Mapapanood sa mga SM Cinemas ang “Voltes V Legacy: The Cinematic Experience” hanggang April 27.  At mapapanood naman ito weeknights at 8:00 PM sa GMA Telebabad at 9:40 PM naman sa GTV, starting on May 8.

 

 

***

 

 

TULUY-TULOY ang panalo ng GMA historical fantasy portal series na “Maria Clara at Ibarra,” isa sa inilahok ng GMA Network sa New York Festivals, TV & Film Awards.

 

 

Nagwagi ang seryeng nagtampok kina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, David Licauco at Dennis Trillo, sa  New York Festivals ng Bronze Award for Entertainment – Drama.

 

 

Felicidades and muchas gracias, #MariaClaraAtIbarra.

 

 

***

 

MASAYS ang launching ng last batch ng Sparkle GMA artists, ang Sparkle Teens!

 

 

Nauna nang ini-launch ng GMA Network’s talent management arms ang three batches of stars, ang Sparkle’s Next Brightest Stars, Sparkle Love Teams and Sparkada.

 

 

Masaya ang launch sa Novotel Hotel dahil mga teens pa kaya energetic and bubbly ang 20 teens na sina Zyren Dela Cruz, Josh Ford, Charlie Fleming, Princess Aliyah, Keisha Serna, Antonio Vinzon, John Clifford, Waynona Collings, Liana Mae, Naomi Park, Aya Domingo, Gaea Mischa, Selina Griffin, Marco Masa, Lee Victor, Bryce Eusebio, Ashley Sarmiento, Aidan Veneracion, at James Graham.

 

 

Ayon sa Sparkle consultant and renowned starmaker na si Mr. M, despite their ages, these teens do have ‘it’ that certain quality to make it big and far in showbiz: “they have the enthusiasm and willingness to sacrifice for the craft, willing silang mag-workshops, kumuha ng advanced classes to improve.”

 

 

Kaya naman si Ms. Ana Feleo, Sparkle’s head acting coach, ay excited sa launch ng Sparkle Teens dahil nakita raw niya ang struggles and triumphs ng mga Sparkle Teens.  Kahit si Sparkle’s Senior Assistant Vice President Ms. Annette Gozon-Valdes ay nagsasabing busy at bright future daw ang nakikita niya sa mga Sparkle Teens.

(NORA V. CALDERON)

Kasama ang TikTok star na si Yukii Takahashi: WILBERT, magpapakilig sa newest digital show na ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile’

Posted on: April 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ANG Puregold, na nangungunang kumpanya ng retail sa Pilipinas at isang pioneer sa retailtainment, ay patuloy ang pag-usad sa mga digital space sa pamamagitan ng hit series sa mga social media platform, YouTube at Tiktok.

 

 

After the success ng kanilang YouTube series na “GVBoys” at “Ang Babae sa Likod ng Face Mask,” at ang first Tiktok series na “52 Weeks,” nagbabalik ang Puregold sa kanilang newest digital show, “Ang Lalaki sa Likod ng Profile, ” na maglalabas ng first episode sa April 22.

 

 

Ipinagmamalaki ang kahanga-hangang cast ng mga mahuhusay na aktor tulad nina Wilbert Ross na gumaganap bilang pangunahing papel ni Bryce, at Yukii Takahashi na gumaganap bilang co-lead na si Angge, ang “Ang Lalaki sa Likod ng Profile” ay tiyak na sasagutin ang puso ng mas maraming netizens sa buong bansa sa isa pang relatable and feel-good story.

 

 

Tampok din ang supporting cast ng serye na sina Kat Galang bilang Genski; Migs Almendras bilang Ketch; Marissa Sanchez bilang Bessie (nanay ni Bryce); Bida Orjaliza bilang Yaya Aimee; Moi Marcampo bilang si Chili Anne (na may crush kay Bryce); TJ Valderrama bilang Cyrus (kapatid ni Angge); at Anjo Resurreccion bilang Jerry (ex ni Angge).

 

 

Para sa Episode 1, masasaksihan ng mga manonood kung paano nag-navigate si Bryce sa buhay, ang kanyang interes at kahusayan sa video-game, at kung paano siya patuloy na inaasar ng kanyang ina na si Bessie na maghanap ng kasintahan. Samantala, nagpapagaling naman si Angge mula sa Toxoplasmosis, isang impeksyon sa utak na kasalukuyang naglilimita sa kanyang paggalaw.

 

 

Sa unang episode, magku-krus ang landas ng dalawang bida sa isang digital platform na tinatawag na Talkverse.

 

 

Sa direksyon ni Victor Villanueva, ang award-winning na direktor sa likod ng hit series ng Puregold na “Ang Babae sa Likod ng Face Mask,” ang magkasalungat na turn ng bagong digital series na ito ay maghahanda para sa isang kapana-panabik at emosyonal na paglalakbay para kina Bryce, Angge, at kanilang mga kaibigan .

 

 

Gamit ang social media bilang mahalaga sa salaysay nito, ang “Ang Lalaki sa Likod ng Profile” ay nakatakdang ilarawan ang mga realidad na maaaring makaugnay ng mga kabataang Pilipino.

 

Sa isang batikang direktor, mahuhusay na cast, at isang nakakahimok na kuwento, ito ay isang serye na masayang ibahagi ang Puregold Price Club President, Vincent Co, na nagsasabing,
“We are excited to deliver another Puregold Channel original content to our customers and audiences.”

 

 

Mag-subscribe sa Puregold Channel sa YouTube. Para sa karagdagang updates, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, sundan ang @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at @puregoldph sa TikTok.

(ROHN ROMULO)

Suplay ng bigas, sapat kahit ‘di mag-import – DA

Posted on: April 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK  ng Department of Agriculture (DA) na nananatiling sapat ang suplay ng bigas sa bansa kahit hindi mag-angkat at may banta ng posibleng shortage dulot ng inaasahang epekto ng El Niño phenomenon.

 

 

Ayon sa DA, ang ending stock ng palay para sa unang quarter ng taong 2023 ay 5.66 million metric tons na aabot ng 51 araw.

 

 

Ang naturang figure ay kapapalooban ng 3.12 million metric tons ng locally produced rice, 1.77 million MT ng bagong stock at 774,050.44 MT ng imported rice.

 

 

“We should sustain the rice needs of our country, which is pegged at 37,000 metric tons a day,” sabi ni DA Assistant Secretary Rex Estoperez.

 

 

Aniya, inaasahang madaragdagan pa ang suplay ng bigas mula sa ani ng mga palay far­mers mula Marso at Abril na maaaring magamit sa panahon na maapektuhan ang mga sakahan oras na magsimula ang El Niño.

 

 

Una nang kinansela ng DA at National Food Authority (NFA) ang pag-import ng 330,000 metric tons ng bigas dahil sa usapin ng legalidad.

 

 

Sinasabi ng Federation of Free Farmers (FFF) na iligal ang gagawin ng DA at NFA kung mag-iimport ng 330,000 MT ng bigas dahil ito ay labag sa probisyon ng Republic Act 11203 on the Rice Tariffication Law (RTL).

 

 

Pabor ang grupo na makakuha ang NFA ng buffer stock ng bigas mula sa inaning palay ng mga magsasaka sa ating bansa.

 

 

Nais din ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas na maitaas ng NFA ang dami ng bibilhing bigas sa mga magsasaka upang maisabay ito sa presyo ng bigas ng mga rice traders.

 

 

Kaugnay nito, sinabi ni Agriculture Undersecretary for Policy, Planning, and Regulations Mercedita Sombilla bukod sa ani mga bigas ng mga local farmers ay mayroon ding mga imported na bigas na papasok sa bansa na inangkat ng mga rice traders na makakatulong na makasapat para sa pangangailangan ng mamamayan sa darating pang mga buwan kahit pa may El Niño.