Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
SEE Jennifer Lawrence like you’ve never seen her before in the new posters for the outrageous comedy No Hard Feelings, in cinemas June 2023.
About No Hard Feelings
Jennifer Lawrence produces and stars in No Hard Feelings, a laugh-out-loud, edgy comedy from director Gene Stupnitsky (Good Boys) and the co-writer of Bad Teacher.
On the brink of losing her childhood home, Maddie (Lawrence) discovers an intriguing job listing: wealthy helicopter parents looking for someone to “date” their introverted 19-year-old son, Percy, before he leaves for college. To her surprise, Maddie soon discovers the awkward Percy is no sure thing.
No Hard Feelings is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with the hashtag #NoHardFeelings
(ROHN ROMULO)
INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 90-day extension ng SIM card registration.
Nakatakdang magtapos kasi sa Abril 26, 2023 o ito kasi ang deadline ng pagpaparehistro ng SIM card ng mga subscriber.
Sa Facebook page ng Radio Television Malacañang (RTVM), nakasaad dito na “Failure to register within the given period of extension will result to limited SIM services from the telecommunication companies.”
Binigyan din ng direktiba ng Pangulo ang Department of Information and Communications Technology (DICT) para magsagawa ng public announcement sa bagay na ito.
Nauna rito, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang sectoral meeting ukol sa updates kaugnay subscriber identity module (SIM) card registration sa State Dining Room sa Palasyo ng Malakanyang, ngayong araw ng Martes, Abril 25, 2023.
Bago pa ito, ipinaalam ng DICT kay Pangulong Marcos na nagpulong ito kasama ang mga stakeholders na binubuo ng public telecommunication entities at relevant agencies, araw ng Lunes, Abril 24, 2023, at ipinresenta ang panukalang palawigin o i-extend ang SIM registration period matapos ang April 26 deadline.
Sa kabilang dako, “as of 23 April 2023,” mahigit sa 82 milyong SIMs ang rehistrado na o 49.31% ng kabuuang active SIMs “as of December 2022.”
Sa kasalukuyan, mayroong 168,016,400 kabuuang bilang ng aktibong SIMs sa bansa.
Mula 82 million registered SIMs, mahigit naman sa 37 milyon ang Globe subscribers, mahigit naman sa 39 milyon ang Smart subscribers at mahigit sa five (5) milyon ang Dito subscribers.
Target ng DICT na mairehistro ang 70% ng active SIMs sa loob ng 90-day extension at magbigay ng ulat sa Pangulo na mas maraming Filipino “will enjoy social, digital and financial inclusion upon SIM registration.”
“In the weeks/days leading to the 26 April 2023 deadline, there has been a sharp increase in the number of daily registrants. To ramp up SIM registration, the National Telecommunications Commission (NTC) and other relevant government agencies have been conducting facilitated SIM registration in remote areas,” ang nakasaad pa rin sa Facebook page ng RTVM.
Ang Republic Act No. 11934 o ang SIM Registration Act ay nilagdaan ni Pangulong Marcos noong Oktubre 10, 2022 na naglalayong sugpuin ang naka-aalarmang paglaganap ng spam messages at scams sa pamamagitan ng short messaging services (SMS) o text sa bansa. (Daris Jose)
IKINOKONSIDERA ng Department of Information Communications Technology (DICT) ang unti-unti nang pag-disable ng mga featured services ng mga SIM cards, na hindi pa rin irerehistro ng mga may-ari nito, sa loob ng 90-day extension na ipinatupad ng pamahalaan sa SIM card registration.
Sa isang press briefing sa Malacañang, sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy na ito ay ilan lamang sa mga ‘insentibo’ na pinag-aaralan nila sa ngayon upang mabigyan ng ‘aral’ ang mga SIM card owners na ayaw pa ring tumalima sa deadline ng pagrerehistro ng SIM cards.
“So ‘yung matitigas ‘yung mga ulo, they wanted some convincing, whether we’re serious or not, makakatikim sila nitong mga ‘incentives’ namin,” babala pa ni Uy.
Ipinaliwanag pa ni Uy na sa panahon ng 90-day extension ay oobserbahan nila ang rate ng registration.
Matapos aniya ang 30 o hanggang 60-araw ng ektensiyon at marami pa rin ang hindi nagrerehistro ay sisimulan na nila ang unti-unting pag-deactivate ng ilang serbisyo ng SIM cards ng mga ito.
Kabilang aniya sa mga ikinukonsidera nila ay ang pagtatanggal ng access sa social media sites ng mga unregistered SIM subscribers.
Gayunman, papayagan pa rin silang makapag-text at makatawag gamit ang kanilang mga numero.
“And then after a certain period you will lose your outgoing calls so that way ramdam ninyo kung ano ‘yung effect na hindi kayo nagpaparehistro,” babala pa ni Uy.
Sa sandali naman aniyang matapos na ang 90-day period, tuluyan na nilang ide-deactivate o aalisin ang lahat ng serbisyo ng SIM cards na hindi pa rin inirerehistro ng may-ari nito.
Matatandaang ang SIM card registration ay nakatakda sanang magtapos ngayong Miyerkules, Abril 26, ngunit ipinasya ng pamahalaan na palawigin pa ito ng 90-araw dahil mahigit kalahati o 52.04% pa lamang ng kabuuang SIM cards na naipagbili sa bansa ang nairerehistro hanggang nitong Abril 24, 2023.
FIVE years old na si Elias Cruz ngayon, ang anak nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz, kaya gusto na raw ng aktres na magkaroon sila ng anak ni Derek Ramsay.
Sa grand opening ng Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center kahapon sa Ore Central Building, BGC, inamin ni Ellen na wish pa rin niya na magkaroon ng baby girl.
“Well sana, girl talaga, para tapos na ang boxing,” say ng seksi pa ring aktres.
Sa ngayon, priority pa rin ni Ellen ang kanyang pamilya at wala pang kabalak-balak bumalik sa showbiz.
Mukhang gusto pa rin ni Ellen na personal na maalagaan ang panganay na anak at masubaybayan ang kanyang paglaki at mukhang two years pa ang ilalaan bago mag-balik showbiz.
Sobrang happy rin ang married life nila ni Derek, plus ang bonding ng asawa at ni Elias. At hindi rin naman nagpapabaya si John Lloyd, sa co-parenting nila sa kanilang anak.
So, nasa magandang lugar ang lahat, at parang wala namang mahihiling pa si Ellen, kundi magpasalamat.
Say pa niya, “right now, very peaceful, and balance. The life that I have now, is the life that I always want to achieve.”
Samantala, malaki ang pasasalamat ni Ellen sa 6-minute ZPrime LASIK eye surgery na ginawa ng Shinagawa Lasik & Aesthetics Center na kung saan na-restore ang kanyang 20/20 vision.
Ayon sa naging pahayag ni Ellen, “I feel so great. The whole procedure was painless and I was surprised that I didn’t feel anything at all!”
“Watch my video and see how Shinagawa Lasik Center made a miracle out of my poor eyesight!” caption pa niya sa video pinosted sa kanyang social media accounts.
At dahil sa demands and needs sa healthcare, nag-o-offer na ngayon ang Shinagawa ng comprehensive Japanese-standard healthcare services sa kanilang specialized facility sa kaka-open pa lang na Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center.
“The global Covid-19 pandemic has changed the people’s market mindset when it comes to healthcare,” obserbasyon ni Shinagawa PH President Masako Uemori.
“Filipinos, for example, are now more concious of their health embracing the benefits of preventive healthcare. We saw this as an opputunity to offer more healthcare services in addition to our existing eye and aesthetics services.”
Dagdag pa ni Uemori, “Shinagawa’s commitment of ‘health and well-being for all’ is aligned with our continous expansions and innovations by providing Filipinos with diagnostic and preventive care.”
Matatagpuan ang center sa 8th floor at 23rd floor ng Ore Central Building, 9th Ave. cor. 31st St., BGC, Taguig City. Bukas ito Mondays to Saturdays mula 8am hanggang 5pm.
Para sa mga interesadong i-avail ang kanilang services bisitahin lang ang kanilang official website www.shinagawa-healthcare.ph.
(ROHN ROMULO)
NALAMBAT ng pulisya ang dalawang most wanted persons sa isinagawang magkahiwalay na manhunt operations sa Caloocan City.
Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-6:30 ng hapon ng magsagawa ng pagsisilbi ng arrest warrant ang mga tauhan ng IDMS – Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni P/Major Jeraldson Rivera kontra sa isang MWP sa Senate Ave., Senate Village Phase1, Brgy. 173.
Sa bisa ng dalang warrant of arrest na inisyu ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 1 noong April 17, 2023 para sa kasong Lascivious Conduct under Sec. 5 ( b ) of R.A. 7610 (2 counts) ay inaresto ng mga tauhan ng WSS ang akusadong si Ramil Sibulan alyas “Ate Camille”, 49, sa nasabing lugr malapit sa kanyang bahay.
Nauna rito, nasakote naman ng mga operatiba ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Col. Robert Sales sa ikinasang manhunt operation alas-11:30 ng umaga ang isa pang MWP na kinilala bilang si Mary Rose Sadongdong alyas “Mei-mei”, 22, Frozen Goods Distributions at residente ng 158 William Shaw Brgy. 86.
Ani Lt Col. Sales, si Sadongdong ay inaresto ng kanyang mga tauhan sa bisa warrant of arrest na inisyu ng Malabon City RTC Branch 74 noong November 23, 2021 para sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002- Possession of Dangerous Drugs (RA 9165 Art. II Sec. 11).
Pinuri naman ni NPD Director P/BGen Ponce Rogelio Penones Jr, ang DSOU at Caloocan CPS sa pamumuno ni Col. Lacuesta sa kanilang pagsisikap para tugisin ang mga taong wanted sa batas na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang MWP. (Richard Mesa)
KULONG ang dalawang e-bike driver, kabilang ang 26-anyos na dalaga matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot ng marijuana sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Cpt Mark Xyrus Santos, Sub-Station 1 commander ng Malabon police ang naarestong mga suspek na sina Eugene Emocling, 23, E-bike driver ng No. 82 Sanapo HOA Sitio 6, Brgy. Catmon at Jamaica Bigalan, 26, E-bike driver ng No. 203 Hernandez St., Brgy. Catmon.
Sa kanyang report kay Malabon police chief P/Col. Amante Daro, sinabi ni Cpt Santos na habang nagsasagawa ng foot patrol ang kanyang mga tauhan sa Mabolo Road, Brgy. Potrero nang maaktuhan nila ang mga suspek na nagsasalitan umano sa pagsinghot ng marijuana dakong alas-11:45 ng gabi.
Hindi na nakapalag ang mga suspek nang lapitan at arestuhin sila nina PSSg Paul John Agliam at PCpl Francis John Miguel kung saan nakumpiska sa kanila ang isang glass tube/improvised pipe na naglalaman ng partly burned ng pinatuyong dahon ng hinihinalang marijuana fruiting tops at isang disposable lighter.
Ani PSSg Jerry Basungit, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
ISA sa mga dapat abangan sa most epic primetime series ngayong taon ang pagkanta ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose sa theme song ng “Voltes V: Legacy.”
Para sa mga nakapanood na ng special edit ng serye via “Voltes V Legacy: The Cinematic Experience,” talaga namang amazing ang ipinakitang husay ni Julie Anne na kumanta in Japanese! Major anime vibes ba kamo?!
Komento pa ng ilang netizens sa GMA Network YouTube account, “Sobrang bagay sa boses ni Julie Anne! Multi-instrumentalist, singing multilingual songs! Limitless talaga, wala kong masabi! Congrats, Julie Anne! Versatile at napaka-talented mo!”
Very grateful naman si Julie Anne sa natatanggap na positive comments. Ayon sa kanya, “This is definitely a great opportunity that can’t be missed. And the fact that I have been receiving positive feedback from the OG fans about my rendition is such a relief and a proud moment for me.”
Aminado rin si Julie Anne na fan siya ng Voltes V kaya isa raw karangalan na maging parte ng groundbreaking project na ito ng GMA Network.
“I myself am a fan of Voltes V, especially when I was a kid. Voltes V: Legacy is one of the most anticipated GMA shows this year and I still can’t believe that they have entrusted me to sing its very nostalgic and iconic theme song. I am truly honored and grateful to be part of this remarkable project,” dagdag pa ng Asia’s Limitless Star.
***
PUMANAW na sa edad na 96 ang tinaguriang King of Calypso at nagpasikat ng awiting ‘Day-O (The Banana Boat Song)’ na si Harry Belfonte.
Ayon sa kanyang pamilya, congestive heart failure ang dahilan ng pagpanaw nito sa kanyang tahanan sa New York.
Nakilala si Belafonte bilang isa sa “most popular entertainers of the 20th century, as a singer, musician and actor”. Pero mas hinangaan siya ng marami dahil sa kanyang civil rights work noong 1960s at ang kanyang anti-apartheid work noong 1980s.
Belafonte was born Harold George Bellanfanti Jr. in Harlem, New York in 1927. Ang kanyang biracial parents ay taga-Jamaica. Noong 1950s ay sumikat ang single niyang “Day-O (The Banana Boat Song)” na mula sa third album niya na Calypso na sinulat ni Irving Burgie. Naging popular ang song sa Caribbean islands at inaawit ito ng mga Jamaican banana workers.
Bukod sa pagiging singer, pinasok din ni Belafonte ang pag-arte sa TV, pelikula at entablo. In 1954, he was the first Black actor to win a Tony Award for “John Murray Anderson’s Almanac”. Siya rin ang unang Black actor na manalo ng Emmy Award para sa TV special niya “Tonight with Belafonte” in 1960. Tinambal siya sa sikat na singer na si Dorothy Dandridge sa musical film na Carmen Jones in 1954.
Nagwagi ng tatlong Grammy Awards si Belafonte at ginawaran siya Grammy Lifetime Achievement Award noong 2000. He was awarded the National Medal of Arts in 1994 at binigyan siya ng Humanitarian Oscar in 2015.
(RUEL J. MENDOZA)