• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 28th, 2023

NTC, pinag-aaralan ang legalidad ng deactivation ng ilang internet services sa mga unregistered SIM cards

Posted on: April 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ng National Telecommunications Commission (NTC), na kasalukuyang nakikipagtulungan ito sa mga telecommunication companies upang tingnan ang legalidad ng panukalang i-deactivate ang ilang application at serbisyo ng mobile phone para sa mga user na ang mga SIM ay nananatiling hindi nakarehistro sa panahon ng 90-day na extension.

 

 

Ayon kay NTC deputy commissioner Jon Paulo Salvahan, pinag-aaralan na nila kung legal at technical itong magagawa at kung may sapat na oras upang ipatupad ang nasabing internet services deactivation sa mga unregistered SIM.

 

 

Kung matatandaan, sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na tinatalakay ng ahensya sa mga telcos ang posibilidad na limitahan ang pag-access ng mga hindi rehistradong subscriber sa ilang aplikasyon at serbisyo sa social media sa loob ng 90 araw upang maranasan ng mga mamimili ang kahihinatnan ng hindi pagrehistro ng kanilang mga numero.

 

 

Sinabi ni Salvahan na maaaring maglabas ng pinal na pag-aaral o resolusyon sa usapin ngayong linggo hanggang sa susunod na linggo.

 

 

Kung maaprubahan, ang telcos ang mananagot sa pag-deactivate ng mga app o ilang serbisyo para sa kanilang mga subscriber na may mga hindi rehistradong SIM. (Daris Jose)

Panukalang nagbabawal sa ‘no permit, no exam’ bill, ipasa agad

Posted on: April 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMAPELA ang isang mambabatas sa kamara na bigyang prayoridad ang pagpasa sa panukalang nagbabawal sa “no permit, no exam” policy sa mga educational institutions.

 

 

Ayon kay Deputy Speaker at Las Pinas Rep. Camille Villar, batay sa lumabas na mga social media posts kung saan may ilang mga estudyante ang kailangang pumila hanggang hatinggabi para makakuha ng  permit upang makapag- exams, kung kaya kailangang maipasa na ang panukala.

 

 

Sinabi ng mambabatas na hindi dapat mahadlangan ang mga estudyante na makakuha ng pagsusulit dahil hindi sila makabayad ng tuition at iba pang school fees sa araw ng kanilang examinations.

 

 

Hindi lamang aniya sa kolehiyo nangyayari ito ngayon kundi pati na rin sa elementary at high school.

 

 

Isa si Villar sa pangunahing awtor ng House Bill 7584 o An Act Allowing Elementary and Secondary Learners with Unpaid Tuition and Other School Fees to Take the Periodic and Final Examinations on Good Cause and Justifiable Grounds.

 

 

Paliwanag ng mambabatas na kapag naging ganap na batas ay makakatulong ito sa mga pamilya na dumaranas ng kagipitan kaya hindi makapagbayad ng tuition ng kanilang anak.

 

 

Sa pagbabalik ng sesyon sa Mayo 8 pagkatapos ng recess, umapela si Villar na maisama sa matatalakay agad ang panukala.

 

 

Nakapaloob sa panukala na ang mga private basic educational institutions ay magbubuo ng polisiya para mabigyan ang mga estudyante na dahil sa emergencies, force majeure, at iba pang justifiable reasons na hindi makapagbayad ay payagang makakuha ng kanilang scheduled periodic exams.

 

 

Gayunman, kailangang magsumite ang magulang o guardians ng promissory note para sa babayarang obligasyon. Ang alinmang deferment of payment ng unpaid balance ay hindi dapat lumagpas ng school year, maliban kung papayagan ito ng eskwelahan.

 

 

Naaprubahan na ang panukala sa ikalawang pagbasa bago pa man mag-break ng Marso.

 

 

Habang ang counterpart measure nitong Senate Bill 1359, ay naaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa. (Daris Jose)

Procurement ng plastic cards para sa driver’s license, hinihintay na lamang ng LTO

Posted on: April 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYANG diin ng Land Transportation Office na ang kakulangan sa supply ng mga plastic card na ginagamit para sa mga driver’s license ay maaaring napigilan.

 

 

Ayon kay LTO chief Jay Art Tugade, pinaalalahanan nila ang mga opisyal ng transportasyon tungkol sa pagkaantala sa pagbili ng mga plastic card.

 

 

Idinagdag niya na hinihintay na lamang nila ang Department of Transportation na i-finalize ang pagbili nito ng mga plastic card para hindi na sila makapag-isyu ng paper-based driver’s license.

 

 

Aniya, kung gusto umano talagang lumikha ng mga ahensya ng procurement activities, ay dapat hindi na daw nila hinintay na humantong sa ganitong sitwasyon.

 

 

Ang mga driver’s license kasi sa bansa ay ipi-print na lamang muna sa papel.

 

 

Nauna nang binanggit ng LTO ang pagnipis ng suplay ng mga plastic card sa kanilang mga tanggapan sa buong bansa. (Daris Jose)

Netizens, inaabangan na ang nakaaaliw na second episode: WILBERT at YUKII, nagpakilig at nagpasabik sa una nilang pagtatagpo

Posted on: April 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAKILIG at nagpasabik ang unang episode ng newest digital series ng Puregold, Ang Lalaki sa Likod ng Profile, nang ipakita ang kakaibang chemistry sa tambalan nina Bryce (Wilbert Ross) at Angge (Yukii Takahashi) sa una nilang pagtatagpo.

 

 

Lalo pang matutuwa at ma-i-inlove ang mga tagasubaybay sa ikalawang episode, habang hinihintay kung ano ang mangyayari sa lalo pag paglalim ng pagkakakilala nina Angge at Bryce sa isa’t isa.

 

 

Maging pang-totoo na buhay kaya ang digital na pag-usbong ng tambalan ng dalawa? Makikialam kaya ang makulit na nanay ni Bryce na si Bessie (Marissa Sanchez)?

 

 

Saya at tawa ang sasalubong sa mga tagapanood, dahil sa ikalawang episode, marami pang kulitan sa pagkakaibigan nina Bryce, Genski (Kat Galang) at Ketch (Migs Almendras).

 

 

Sa opisyal na trailer pa lamang ng Ang Lalaki sa Likod ng Profilelutang na lutang na ang pagkasabik ng mga netizen, dahil sa kapana-panabik na kuwento at mahusay na mga artista.

 

 

Sa unang episode na pinamagatang “Hello From the Other Side”, nakilala ng mga tagapanood si Bryce, habang pinalilipas niya ang oras bilang manlalaro ng video games, at ang kaniyang nanay na si Bessie na kinukulit na siyang maghanap ng girlfriend.

 

 

Ipinasilip din ng unang episode ang buhay ni Angge, at ang pagsusumikap niyang gumaling mula sa sakit na Toxoplasmosis, isang impeksyon sa utak na nakaapekto sa kaniyang pagkilos. Nakilala rin ng netizens ang mabait na kuya ni Angge na si Cyrus (TJ Valderrama) at ang Yaya Aimee (Star Orjaliza) ni Bryce.

 

 

Ang inaabangang unang episode ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile ay humakot ng napakaraming tagapanood sa opisyal na YouTube channel ng Puregold, na nakatutok sa pag-unlad ng kuwentong pag-iibigan nina Bryce at Angge.

 

 

Mukhang magiging hit na hit na serye ang Ang Lalaki sa Likod ng Profile, base sa reaksyon ng mga netizens.

 

 

Abangan ang kapana-panabik na ikalawang episode sa YouTube channel ng Puregold, sa Abril 29, 7 pm.

 

 

(Nais mo ba ng libreng entertainment? Mag-subscribe na sa Puregold sa YouTube. Para sa mga update, i-like lang ang @puregold.shopping sa Facebook, i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at ang @puregoldph sa Tiktok.)

(ROHN ROMULO)

Poster ng ‘Voltes V: Legacy’, spotted sa tren sa Japan: Direk MARK, feeling grateful at tinawag na ‘priceless’ moment

Posted on: April 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SPOTTED sa Tokyo, Japan ang balita tungkol sa upcoming megaserye ng GMA Network na “Voltes V: Legacy.”

 

 

Sa Instagram post ni Direk Mark Reyes, makikita ang screen sa isang tren kung saan inilabas ang poster at news tungkol sa live-action adaptation ng Kapuso Network.

 

 

Dahil diyan, feeling “grateful” si Direk Mark at tinawag itong “priceless” moment. “When your movie is appreciated in the motherland of #anime,” saad ni Direk Mark sa kanyang caption.

 

 

Talaga namang #ProudToBePinoy at excited na ang lahat para sa nalalapit na world premiere ng “Voltes V: Legacy.” Abangan ‘yan sa GMA Telebabad this May 8 na!

 

 

***

 

 

KASALUKUYANG nagpapagamot si Miles Ocampo na na-diagnose na may papillary thyroid carcinoma.

 

 

Alam ni Elijah Canlas na mahirap daw na pilitin si Miles na magpa-checkup sa doktor dahil takot ito sa mga ospital. Siya raw ang nagtiyagang nag-push kay Miles na magpatingin sa doktor.

 

 

“Takot po kasi ‘yon sa mga ospital. ‘Yung tipong kapag nasa car kami at may dumaan na ambulance, nagtatakip po talaga siya ng tainga kapag may wang-wang. So matagal ko na po siyang pinipilit or tinutulungan na i-convince to go to the hospital to have a check-up.

 

 

“So I am proud of her for having the courage to do it finally, to have herself checked and to even face those procedures na pinagdaanan niya. Kasi hindi po madali ‘yon for someone who has a phobia of hospitals and needles.”

 

 

Samantala, isang taon pala bago isinapubliko nina Elijah at Miles ang kanilang relasyon.

 

 

Ayon sa award-winning actor, talagang nilihim daw nila ni Miles ang kanilang relatonship dahil ayaw nilang may mga makialam sa kanila.

 

 

“For the first year po ng relationship namin, nobody knew about it. We just choose what to share, and you have to save yourself sometimes from certain things,” sey ng aktor na pinahahalagahan ang privacy nila ni Miles.

 

 

Ngayon, masaya raw sila ni Miles na ibahagi ang ilang impormasyon tungkol relasyon nila. Naging open na sila sa kanilang relasyon noong nakaraang taon at sa birthday ni Miles nila ginawa ang revelation.

 

(RUEL J. MENDOZA)

PBBM VOWS TO ESTABLISH MORE KADIWA CENTERS IN THE COUNTRY

Posted on: April 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
PRESIDENT Ferdinand R. Marcos Jr. has vowed to establish more ‘Kadiwa ng Pangulo’ centers in the country to help local producers earn a higher income by eliminating intermediaries and, at the same time, allow consumers to buy agricultural products and other goods at a lower price.
The President made this remark in an interview with broadcaster and former Social Welfare Secretary Erwin Tulfo on Monday.
“Ang aming ginagawa sa Kadiwa [ay] talagang pinaparami natin ‘yan. Ang nangyayari ay kailangan na rin talaga nating bantayan ‘yung supply ng mga agricultural commodities dahil kinukuha nga natin lahat nung mga mura, dinadaan natin sa Kadiwa. Eh very popular sa tao, siyempre at mas maganda talaga ang presyo kaysa sa ibang lugar,” President Marcos pointed out.
While the goal is to reduce the price of rice to PHP20 per kilo, the President said the government has stepped up efforts to improve the supply chain efficiency and make food and other essential commodities affordable, especially in the provinces.
“Hindi pa tapos ‘yung pag-aayos natin ng Department of Agriculture. Ngunit, dahan-dahan alam na namin ‘yung kailangan natin gawin. Alam na natin kung saan ‘yung matibay ang sistema, kung saan ‘yung medyo mahinang sistema, kung saan puwede talagang… kailangan talagang tulungan, ‘yun ang aming mga tinitingnan ngayon,” the President said.
“Kaya’t siguro naman ‘yung PHP20, siguro down the road mapapaabot natin ‘yan. Ngunit mas mahalaga kaysa…‘yung mga specific na produkto ay makaabot ang Kadiwa sa maraming lugar,” the chief executive stressed.
President Marcos said the long-term plan is to lower prices of goods not just by expanding ‘Kadiwa ng Pangulo’ outlets across the country but by making them affordable in local markets.
“Kasi lagi natin kung minsan, nakakalimutan natin, lagi natin iniisip pataasin‘yung production. Kailangan din, sabi ko, huwag niyong kakalimutan na maganda ang kinikita ng magsasaka. Kaya natin ginagawa ito para may magandang hanapbuhay ang mga nagsasaka,” the President said.
“Kaya’t ‘yun, dahan-dahan ay pinapaganda natin at sana… darating [ang] oras na hindi lang tayo sa Kadiwa nakakaramdam ng mababang presyo kung hindi sa lahat na ng mga palengke, dahil marami na tayong supply, marami na tayong produksyon. Hindi na tayo umaasa sa importation lamang,” the President added.
Kadiwa is a market linkage facilitation program of the DA aimed at making products such as rice, fish, poultry and livestock, fruits and vegetables, and other basic commodities accessible and affordable to the poor.
Kadiwa centers, now numbering 300 nationwide, also seek to establish an additional market for small farmers and fisherfolk to sell their products and increase their income, as well as ensure a stable price and supply of food and other basic commodities in areas where poor families live.
Initially launched as Kadiwa ng Pasko, the program was rebranded as the Kadiwa ng Pangulo, with the first outlet launched last February 27 in Cebu City. (BISHOP JESUS “JEMBA” BASCO)

Young Japanese officer ang role ni David: BARBIE, gaganap na vaudeville actress sa historical series na ‘Pulang Araw’

Posted on: April 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS na rin ng kanyang saloobin si former Senator Tito Sotto at nagpa-interview na siya tungkol pagkadismaya niya sa kontrobersiyang nangyayari sa longest-running noontime show na “Eat Bulaga” na nasa 44th year na sila ngayon.  

 

 

Isa nga rito ay ang usapin tungkol sa mga plano raw na pagbabago na gagawin sa show at ang gusot sa pamumuno ng TAPE, Inc.

 

 

“I am disappointed at the very least, I am disappointed of what is happening,” pag-amin ni Tito Sen kung sino talaga ang may-ari ng “Eat Bulaga.”

 

 

“If it is a copyright issue, definitely it is owned by Joey de Leon, the three of us, ni Vic (Sotto).  Si Joey ang nag-imbento ng pangalan, copyrighted or not, may copyright sila ng merchandising ang TAPE, Inc.. meron din kaming mga naka-file, ask the lawyers,”  sabi ni Tito Sen sa nag-interview sa kanyang si Nelson Canlas ng “Updated with Nelson Canlas.”

 

 

Ayon pa kay Tito Sen, kung pag-uusapan ang “EB,” it’s owned by Tito, Vic and Joey.  Pero kung TAPE, Inc. ang tatanungin, it is owned by them (the corporation ng mga Jalosjos) na co-owner din si Tony Tuviera.  Mali raw ang sinabi ni Mayor Bullet Jalosjos sa interview na tahimik lamang nilang pinangangasiwaan ang “Eat Bulaga.”

 

 

Natanong si Tito Sen kung saan hahantong ang usaping ito, dalawa raw lamang ang option na dapat gawin, “una, leave it as it is. Let sleeping dogs tie, ika nga.  It’s doing well, leave it alone. The other road is, hindi na tayo pwedeng magsama kapag ganoon.

 

 

“In short, if you’re talking of the corporation TAPE and Eat Bulaga, my answer would be, let’s cross the bridge when we get there.”

 

 

Sa ngayon ay patuloy pa ring napapanood ang “Eat Bulaga,” 12NN daily and at 11:30 AM every Saturday.

 

***

 

 

MUKHANG sabik na sabik na ang mga followers nina Barbie Forteza at David Licauco na muling mapanood sa isang serye ang FiLay/BarDa loveteam.

 

 

Sila ang nagtu-tweet at nagpo-post sa kanilang mga social media accounts ng “Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza is set to star in GMA’s new historical series #PulangAraw, portraying the role of a vaudeville actress, who is a Filipino spy at the same time.  Ang Pambansang Ginoo na si David Licauco will play a young Japanese officer.  The upcoming historical series is set during the Japanese colonial period in the Philippines.

 

 

Sa pagtatanong-tanong, nalaman naming hindi pa raw kinakausap sina Barbie at  David tungkol sa gagawin nilang GMA Teleserye, dahil may movie pa silang nasimulan nang gawin at sabi’y magsu-shoot pa ang production sa Vienna, Austria.

 

 

May balita ring may gagawin daw si Kathryn Bernardo na isang Japanese period movie, pero wala pang details kung sino ang makakatambal niya at kung ano ang character na kanyang gagampanan.

 

***

 

 

UNCONVENTIONAL love story ang “The Seed of Love,” na ibibigay  ng GMA Network sa mga televiewers na muling pagtatambalan nina Sparkle prime actress Glaiza de Castro and her leading man Mike Tan.

 

 

Ang story ay tumatalakay tungkol sa in-vitro fertilization using the preserved sperm cell.  Kaya natanong si Glaiza kung siya raw ba ay ready na ring magkaanak, dahil matagal-tagal na rin silang kasal ng husband niyang si David Rainey from Ireland.

 

 

Sagot ni Glaiza, kailangan daw niya munang maging prepared mentally, physically, spiritually, dahil nakikita naman niyang hindi madaling magkaroon ng anak.  “Sa ngayon kasi, honestly, takot pa akong magkaanak.”

 

 

Ang “Seed of Love” ay mapapanood na GMA Afternoon Prime simula sa May 8, 4:05 PM sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)

Plaka sa mga sasakyan, paubos na rin – LTO

Posted on: April 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MATAPOS  na sumingaw ang problema sa kawalan ng plastic driver’s license ng mga motorista, inamin din kahapon ng Land Transportation Office (LTO) na paubos na rin ang plaka ng mga sasakyan na maibibigay sa mga motorista.

 

 

Ayon sa LTO, ubos na ang plaka para sa mga motorsiklo sa buwan ng Hunyo at ubos na rin ang plaka para sa mga four-wheeled vehicles sa buwan ng Hulyo ngayong taon.

 

 

Sinabi ni LTO chief Jay Art Tugade na naipaalam na ito ng ahensiya ang problema sa Department of Transportation (DOTr) kahit na ang LTO ang naatasang mangasiwa sa pagbili ng license plates na may halagang P4.5 bilyon.

 

 

“Insofar as the license plates are concerned, based on the forecast of the LTO, license plates will run out for motorcycles by June, and by July, the license plates for motor vehicles will be depleted as well,” sabi ni Tugade.

 

 

Sinabi ni  Tugade  na bilang solusyon, papayagan ng ahensiya ang mga may -ari ng motorsiklo  at ibang sasakyan na maglagay ng kanilang pansamantalang license plate at lagyan ito ng  kanilang file number.

 

 

“For example, motorcycle owners, in the absence of a plate number, they can create a plate number and on the plate number, it will say the motor vehicle file number of the motorcycle,” sabi pa ni Tugade.

 

 

Gayunman, nangangamba si Tugade na posibleng maging prone ang Pilipinas sa krimen kung hahayaan ang sinuman na maglagay ng  sari­ling plate number sa kanilang sasakyan.

 

 

Ani Tugade na gagawa sila ng paraan upang may pagkakilanlan sa isang sasakyan tulad ng conduction sticker.

 

 

“Similar to a brand-new motor vehicle, a car, wherein the identification mark is the conduction sticker. We will be applying the same concept to motorcycles in the event that we fully run out of motorcycle plates,” paliwanag ni Tugade.

 

 

Sinabi ni Tugade na susu­riin ng LTO ang Certificate of Registration ng car owner na mayroong file number para madetermina ang pagkakilanlan sa sasakyan.

 

 

Noong October 2022, nangako ang LTO na kakayaning matapos ang may 90 percent ng backlog sa plaka ng mga sasakyan sa pagtatapos ng taong 2023. (Daris Jose)

LTO: Processing ng drivers’ licenses patuloy pa rin sa gitna ng kakulangan ng plastic cards

Posted on: April 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
PATULOY pa rin ang pag proseso ng mga drivers’ licenses ng mga bagong aplikante sa gitna na kakulangan ng supply ng plastic cards.
Ito ang sinabi ni Land Transportation Office (LTO) assistant secretary at chief Jay Art Tugade matapos niyang ipagutos ang extension ng validity ng mga drivers’ licenses na nag expire noong April 24 hanggang Oct. 31.
“For students who want to apply for initial driver’s license, they can proceed with the processing at the LTO offices. What they will get is a photocopy of their official receipt. At the back of the OR will be their printed driver’s license,” wika ni Tugade.
Noong nakaraang linggo pa naireport na may shortage ng plastic driver’s license cards. Ayon sa kanya isang unique QR code ang ibibigay sa mga may-ari ng driver’s license. “The OR codes can be presented to traffic enforcers in case they are apprehended,” saad ni Tugade.
Maaari rin ang may mga may-ari ng printed na driver’s license ay magkaron ng access sa mga information sa pamamagitan ng LTO website kung ang kanilang printed na OR ay nawala. Sinigurado naman ni Tugade ang publiko na ang personal na information ng mga motorista sa LTO website ay ligtas.
Ang Department of Transportation (DOTr) ay nangako na matatapos nila ang procurement ng mga plastic cards sa darating na July.
Dagdag ni Tugade na halos ang supply ng mga driver license cards sa lahat ng sangay ng LTO sa regional, district, extension at renewal offices ay halos paubos na. Ang natitirang supply ng mga license cards ay nakalaan na lamang sa mga overseas Filipino workers. Sinabi pa ni Tugade na noong dumating siya sa LTO noong November ay kanyang nalaman na ang inventory ng plastic cards ay paubos na.
Noong nakaraang January, ang DOTr ay nagbigay ng order kung saan pinaguutos na ang lahat ng attached agencies nito na bibili ng supplies na nagkakahalaga ng P50 million at pataas ay kailangan gawin ng DOTr central office.
Ayon kay Tugade, ang LTO ay gumagamit ng mahigit sa 30,000 plastic cards kada araw para lamang sa mga drivers’ licenses. Mayron na lamang 147,000 na inventory ang LTO ng mga plastic driver’s license sa buong bansa.
Samantala, sinabi ni Senator Grace Poe na kailangan bigyan ng pansin sa lalong madaling panahon ng LTO ang shortage ng driver’s license plastic cards bago ito maging malala at mag lumika ng malaking problema.
“The shortage in driver’s license plastic cards should be nipped in the bud before it could create another gargantuan backlog for the LTO. Issuing a license printed on paper is prone to wear and tear, tampering and could compromise the security of the holder,” sabi ni Poe.
Noong 2017 ay tinulak ni Poe ang isang batas na magkaron ng extension ng validity ang driver’s license hanggang limang (5) taon o kahit sampung (10) taon upang mabigyan ng incentive ang drivers, mawala ang red tape at nag magkaron ang mga driver license holders ng isang ID card na kanilang magagamit conveniently sa lath ng official transactions.
Tinawagan din ni Senator Christopher “Bong” Go ang LTO at DOTr upang bigyan ng solusyon sa lalong madaling panahon ang shortage ng driver’s license plastic cards. Ayon kay Go ay dapat napaghandaan ang kakulangan ng mga drivers’ licenses.
“I am concerned over the possible inconvenience of issuing temporary paper-based drivers’ licenses since license holders need to go back to the LTO just to have these replaced,” wika ni Go. LASACMAR

AYALA MALLS CINEMAS EXCLUSIVELY PRESENTS THE JOURNEY OF ONE OF SPORTS’ GREATEST IN “BIG GEORGE FOREMAN” AND THE ICONIC HORROR “EVIL DEAD RISE”

Posted on: April 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MADE to be experienced best in cinemas, the larger-than-life true story of “Big George Foreman” and the viscerally chilling “Evil Dead Rise” will open on May 10 exclusive at Ayala Malls Cinemas.

 

 

The films are part of the A-List Series, a curation of films exclusively offered at Ayala Malls Cinemas where film enthusiasts and movie fans enjoy the best cinema viewing experience.

 

 

See and feel the grit, passion and drama unfold at Ayala Malls Cinemas, taking you back in time into the journey of one of sports’ most admired figures in history in “Big George Foreman”. The inspiring true story of George Foreman in “Big George Foreman: The Miraculous Story of the Once and Future Heavyweight Champion of the World” is based on one of the greatest comebacks of all time and the transformational power of second chances.

 

 

Fueled by an impoverished childhood, Foreman channeled his anger into becoming an Olympic Gold medalist and World Heavyweight Champion, followed by a near-death experience that took him from the boxing ring to the pulpit. But when he sees his community struggling spiritually and financially, Foreman returns to the ring and makes history by reclaiming his title, becoming the oldest and most improbable World Heavyweight Boxing Champion ever. Directed by acclaimed filmmaker George Tillman Jr. from a story by Dan Gordon and Frank Baldwin & George Tillman Jr, and a screenplay by Baldwin & Tillman, the film stars Khris Davis (Judas and the Black Messiah) as Foreman and also stars Academy Award® winner Forest Whitaker as Foreman’s trainer and mentor Doc Broadus.

 

 

A chilling experience is about to take over this summer with “Evil Dead Rise”. As the movie’s action moves out of the woods and into the city, Ayala Malls Cinemas brings to life in cinematic detail the film’s nightmarish experience of the twisted tale of two estranged sisters whose reunion is cut short by the rise of flesh-possessing demons, thrusting them into a primal battle for survival as they face the most frightening version of their family imaginable. The movie stars Lily Sullivan (“I Met a Girl,” “Barkskins”), Alyssa Sutherland (“New Gold Mountain,” “Vikings”), Morgan Davies (“The End,” “Storm Boy”), Gabrielle Echols (“Reminiscence”) and introducing Nell Fisher (“Northspur”).

 

 

Catch “Big George Foreman” and “Evil Dead Rise” opening on May 10 with sneak previews on May 1 and 2. Slip into the first-rate movie viewing experience at Ayala Malls Cinemas, where amazing times at the movies with families and friends happen.

 

 

#WhereAmazingReelsAreReal and book your tickets bundled with delectable popcorn at www.SureSeats.com

 

 

(ROHN ROMULO)