• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 4th, 2023

PBBM, tinitingnan ang ‘cutting-edge” micro nuclear fuel technology para resolbahin ang powers crisis sa bansa

Posted on: May 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINITINGNAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang “cutting-edge” micro nuclear fuel technology bilang bahagi ng pagsisikap ng kanyang administrasyon na  lutasin ang power crisis sa bansa.

 

Ito’y matapos na makipagpulong ang Pangulo sa mga opisyal ng  Ultra Safe Nuclear Corporation, isang US-based firm global leader at vertical integrator ng  nuclear technologies at services.

 

Sa  meeting sa Washington, nagpahayag ng kanyang interest si Francesco Venneri, CEO ng  Ultra Safe Nuclear Corporation, magdala ng malinis at reliable nuclear energy sa Pilipinas, inilarawan ang nasabing hakbang bilang  “probably a very important way for us to enter the market.”

 

Sinabi ng USNC  na seryoso nitong kinokonsidera ang Pilipinas para sa  “first nuclear energy facility” nito sa Southeast Asia at nangakong tutulong na tugunan ang serye ng  blackouts na tumama sa ilang lugar sa bansa.

 

“We also note that there’s a great deal of discussion about Mindoro having blackouts and that might be an excellent….a good science [solution],”  ani Venneri, tinukoy ang ilang  power outages sa Occidental Mindoro.

 

Nauna rito, agad namang inaksyunan ng administrasyong Marcos ang  power crisis sa lalawigan sa pamamagitan ng pag-operate sa tatlong power stations para makapagbigay ng 24-hour electricity power service sa lalawigan.

 

Ayon sa mga opisyal ng USNC, ang  micro modular reactor (MMR) energy system ay pang-apat na generation nuclear energy system na naglalayong makapaghatid ng ligtas, malinis at cost-effective electricity sa mga users.

 

Ang MMR ay nakakuha ng lisensiya sa Canada at US, kinonsiderang first “fission battery” pagdating sa  commercialization.

 

“The company anticipates eventual heavy demand for its MMRs and its nuclear fuel, and envisions the Philippines as its nuclear hub in the region,” ayon sa Malakanyang.

 

“Ensuring an unhampered supply of energy alongside the promotion and utilization of renewable energy sources are top priorities of the Marcos administration in an aggressive bid to realize a sufficient and clean energy supply in the future,” ang wika pa rin ng Malakanyang. (Daris Jose)

Dito sila ng naglalagi ni Malia para magbakasyon: POKWANG, ipinasilip ang bonggang private resort sa Mariveles, Bataan

Posted on: May 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINOTOO pala ni Rita Avila ang pagsampal niya sa baguhang aktres na si Roxie Smith sa madramang eksena nila sa GMA teleserye na ‘Hearts On Ice’.

 

Kuwento ni Rita na gumaganap bilang istrikto at mapanakit na stage mother, pinaghandaan daw nila ni Roxie ang eksenang iyon. Kaya ready daw si Roxie sa mararamdaman niyang sampal mula kay Rita.

 

“Yung eksena namin ni Roxie, marami ang naawa noong pinagsasampal ko siya. Since Roxie is a pro, hiniling niya talaga sa akin na totohanin ko para raw maramdaman niya. Kasi minsan talaga kapag fake ang hirap mag-react ng totoo, so it helps kung totoo.

 

“Pero mayroon ding instances na kung kakayanin naman talagang may medyo kaunting daya, ang hirap baka naman mabugbog na ‘yung mukha ng bata.”

 

Tulad ni Roxie, nakatikim din ng totoong sampal si Rita sa isang veteran actress noong baguhan pa lang siya sa showbiz. Nakatulong daw iyon para mas lumabas ang mga emosyon niya sa eksena.

 

***

 

SUMMER na summer ang aura ni Pokwang dahil sa pag-share niya ng photos at videos ng kanyang private resort sa Mariveles, Bataan.

 

Overlooking ng dagat ang naturang private resort na ang pangalan ay Casa Malia. Dito raw sila pumupunta ng kanyang mga anak kapag gusto nilang makatakas sa ingay ng siyudad.

 

Bukod kasi sa tahimik ang kinalalagyan ng private resort ni Pokwang, presko at malinis ang hangin kaya nawiwili silang mag-weekend vacation.

 

May four bedrooms, malaking garden, malaking kitchen at swimming pool ang Casa Malia. Isang taon din daw ang naging construction ng naturang private resort dahil gusto ni Pokwang na para siyang nasa isang bansa. Kaya naman panay ang aura nila sa swimming pool ng kanyang anak na si Malia.

 

At mukhang for family use lang ang Casa Malia at hindi ito ipapa-rent ni Pokwang sa ibang mga bakasyonista. Knowing Pokwang na masinop at malinis sa kanyang pamamahay, hindi niya basta-basta ipapagamit ang Casa Malia.

 

***

 

PABONGGAHAN ang aura ng mga stars na dumalo sa 2023 Met Gala na nag-honor sa legacy ng late designer na si Karl Lagerfeld.

 

This year’s Met Gala was co-chaired by Anna Wintour, Dua Lipa, Michaela Coel, Penélope Cruz and Roger Federer. Ang $50,000 ticket price ay napupunta sa Met Costume Institute and its collection of more than thirty-three thousand objects that represents seven centuries of fashionable dress and accessories for men, women, and children, from the fifteenth century to the present.

 

Ginaganap tuwing first Monday of May and Met Gala and this year’s theme ay monochromatic looks – black and white – na may reference sa signature flower ni Karl na the Camellia. Nandyan din ang pearls, a touch of tweed and thousands upon thousands of crystal embellishments.

 

Heto ang Top 10 favourite looks from the 2023 Met Gala mula sa Harper’s Bazaar ay sina Naomi Campbell, Lily Collins, Rihanna, Michaela Coel, Anok Yai, Nicole Kidman, Anne Hathaway, Lily Aldridge, Camilla Morrone at Allison Williams.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Muntik nang mapaiyak sa last taping day ng ‘Daddy’s Gurl’: CARLO, ‘di makalilimutan ang karanasang nakatrabaho sina Bossing VIC at MAINE

Posted on: May 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MUNTIK na raw mapaiyak si Carlo San Juan sa last taping day nila para sa sitcom na ‘Daddy’s Gurl’ na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Maine Mendoza.

 

Gumanap si Carlo sa naturang comedy show bilang si CJ.

 

Malapit na ang pagtatapos sa ere ng sitcom at ayon mismo kay Carlo ay napamahal na sa kanya ito dahil maganda raw ang samahan nila sa taping.

 

Noong una raw na sabihan sila na aalisin na ang show ay hindi pa gaanong nagsi-sink in sa kanya ang feeling pero iba raw nang natapos na nila ang last scene para sa naturang sitcom.

 

Ang bigat raw ng pakiramdam nilang lahat.

 

“Kasi, weeks before nang kunan yung last episode namin, parang wala lang. Kasi, parang naging ano na sa amin, e. Parang every Tuesday, Daddy’s Gurl taping.

 

“Naka-program na sa katawan namin. So, parang hindi pa kami ready.

 

“Nung nandun na kami sa last scene… panoorin niyo na lang kung ano.

 

“Talagang ano… ako, parang nati-teary eyed talaga ako tapos after sabihin ni direk na, ‘Guys, it’s a wrap.’ Dun na talaga tumama sa akin.

 

“Hindi naman sa nag-iyakan, pero ramdam ko yung lungkot sa set.

 

“Kahit sabihin natin na, okay, last taping… parang successful ang Daddy’s Gurl, successful ang last episode, ganyan.
“Para sa amin, ano e… ayaw namin ng ganun. Parang ano… parang puwede, ano pa, tagalan pa natin?”

 

Hindi naman makalilimutan ni Carlo ang karanasan niya na makatrabaho sina Bossing Vic at Maine.

 

“Kay Bossing Vic, hinding-hindi ko makakalimutan on and off camera, napakuwela niya.

 

“Tapos kahit konti lang ang sabihin, pupunahin ka niya nang konti. Hindi yung puna na bad. Pupunahin ka lang niya, ‘CJ, kaya mo yan!’ Masaya talaga.

 

“And kay Maine, sobrang gaan katrabaho kaya parang pag nagwo-work kami, hindi kami nagtatrabaho talaga.
“Kasi, bago mag-take, nagtatawanan kami. After mag-take, nagtatawanan. Pagkakain, masaya.

 

“So, ayun din ang isa sa parang nanghihinayang ako na mawawala, yung bonding namin sa Daddy’s Gurl,” ang malungkot na pahayag pa ni Carlo.

 

Hindi alam ni Carlo kung ano ang ipapalit na sitcom, hindi raw siya kasali doon.

 

Naniniwala siya na hindi naman siya pababayaan ng Sparkle, panigurado raw na may ibibigay muli na show sa kanya ang GMA.

 

Heto nga at ipinagkatiwala muna siya sa pelikulang ‘Lola Magdalena’ ni Dennis Evangelista na siyang producer at writer ng movie.

 

Sa direksyon ito ng batikang si Joel Lamangan.

 

Gaganap si Carlo bilang si Daks na kontesero sa mga bikini contest.

 

So rarampa siya sa harap ng kamera na naka-skimpy trunks? Papatunayan ni Carlo na bagay sa kanya ang pangalang “Daks”?

 

Bida sa ‘Lola Magdalena’ si Gloria Diaz na gaganap na faith healer sa umaga at pokpok sa gabi.

 

Nasa cast din ng movie sina Perla Bautista, Liza Lorena, Pia Moran, Sunshine Cruz, Angel Guardian, Jim Pebanco, Marcus Madrigal, Harlene Bautista, Dorothy Gilmore, Angela Cortez, Myrna Castillo, at Joonee Gamboa at ang producer ng pelikula ay si Amelia OJA Zuniga ng Hiro Hito Film Production.

Matandang dalaga kulong sa P340K shabu sa Caloocan

Posted on: May 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISANG 39-anyos na dalaga na itinuturing bilang isang high value individual (HVI) ang dumayo pa umano para magbenta ng ilegal na droga ang arestado matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek na si Asliah Sambitory, 39 ng Putok 1, Mangohig Street, Calapacuan Subic Zambales.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Lacuesta na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan police na nagbebenta umano ng shabu ang suspek.

 

 

Kasama ang Intelligence Section sa pangunguna ni PMAJ John David Chua at 3rd MFC, RMFB, agad ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Cpt Ronald Allan Soriano ang joint buy bust operation sa Sta Rita St., Brgy. 188 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong ala-1:10 ng madaling araw.

 

 

Ani Col. Lacuesta, nakumpiska sa suspek ang isang medium heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng humigi’t kumulang 50 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price value na P340,000, 00 at buy bust money na isang tunay na P1,000 bill, kasama ang 64-pirasong P1,000 boodle money at brown envelope.

 

 

Pinuri naman ni NPD Director Peñones ang Caloocan police sa pamumuno ni Col. Lacuesta sa kanilang masigasig na kampanya kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Abalos, ipinag-utos sa LGUs na maghanda para sa posibleng epekto ng El Niño

Posted on: May 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
IPINAG-UTOS ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na maghanda para sa at pagaanin ang posibleng epekto ng El Niño  sa kanilang lugar. 
Ang kautusan ni Abalos ay  matapos na magpalabas ng El Niño alert  ang  state weather bureau  na Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)  na nagpapakita na maaaring lumutang at maramdaman ang  phenomenon sa susunod na tatlong buwan na maaaring pumalo sa 80% at puwedeng magtagal sa unang quarter ng susunod na taon.
Ayon sa DILG, dapat na ikonsidera ng  local government units (LGUs) ang mga mitigation efforts gaya ng “Urgent enactment of ordinances curbing illegal connections and encouraging prudent water usage, Allowing water concessionaires and water utilities to conduct emergency leak repairs, Lifting of number coding schemes for water tankers used by concessionaires, Implementing and updating existing contingency plans related to El Niño, Stockpiling of relief goods (food and non-food items) for immediate relief assistance at Information, education, and communication campaigns on water leaks, rainwater harvesting and storage, water conservation, and air-conditioning.”
Sinabi ni Abalos  na ang mga hakbang na ito ay maaaring magpagaan sa epekto ng  El Niño sa agrikultura,  water resources, marine resources, human health, at kapaligiran.
“Conserving water is one of the key actions needed to be taken to mitigate effects of El Niño and as public servants, we must set an example. These precautionary steps, albeit small, can make a big difference that can affect our communities,” ang paliwanag ni Abalos.
Hiniling naman ng Kalihim sa mga Alkalde na makipagtulungan sa regional offices ng  Department of Agriculture  para sa “cloud seeding, irrigation, water-saving technology,  paggamit ng  drought-resistant at early-maturing seed varieties, cropping calendar changes.”
Samantala, pinayuhan naman ni Abalos ang Bureau of Fire Protection (BFP)  na iwasan ang hindi kinakailangang pagkuha ng  tubig mula sa  fire hydrants at i-limit lamang ito sa pag-apula sa sunog.
Ang El Niño phenomenon ay  mailalarawan bilang ” abnormal warming of sea surface temperatures in the central and eastern equatorial Pacific Ocean and below-normal rainfall.”
“Recent conditions and model forecasts indicate that El Niño may emerge in the coming season (June-July-August) at 80% probability and may persist until the first quarter of 2024. With this development, the PAGASA El Niño Southern Oscillation (ENSO) Alert and Warning System is now raised to EL NIÑO ALERT,” ayon sa kalatas ng PAGASA.
“When conditions are favorable for the development of El Niño within the next two months at a probability of 70% or more, an El Niño ALERT is issued,” ang paliwanag ng PAGASA.

PBBM ADMIN NAGLAAN NG P2.39 BILYON PARA PONDOHAN ANG MALAWAKANG FOREST REHABILITATION PROGRAM

Posted on: May 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
Para makamit ang sustainable, green, at climate-resilient economy, naglaan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng P2.39 bilyon para sa National Greening Program sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act (GAA).
“Bilang mandato po ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., mananatili kaming nakatuon sa pagkamit ng inclusive at sustainable transformation patungo sa tinatawag na greener economy. Ngunit hindi po natin matatamasa ang layuning ito kung pababayaan natin ang ating kalikasan. Kaya sa pagbuo natin ng ating national budget, binigyang prayoridad po natin ang mga pondo sa pangangalaga sa kalikasan. Kaya naman ngayong taon, mas tinaasan pa natin ang budget para sa climate change programs and activities,” ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman.
Isa sa mga pangunahing proyekto ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang programa ay isang malawakang rehabilitasyon ng mga kagubatan na layong itaguyod ang sustainable development para mabawasan ang kahirapan, magkaroon ng sapat na pagkain, biodiversity conservation, matatag na kapaligiran, at tugunan ang climate change o pagbabago ng klima.
Sakop ng programa ang lawak ng kalupaan na nasa 13,565 ektarya; 7,249,642 na binhing itatanim; at 158,843 ektaryang lupa na pananatilihing alagaan.
“Kita naman po natin ngayon pa lamang, ramdam nating lahat ang epekto ng climate change, lalo na ang pagpasok ng El Niño. Kaya paulit-ulit din pong panawagan ng DBM sa bawat ahensya na maglaan sa kanilang budget proposal ng mga provision para sa pagtugon sa climate change,” dagdag pa ni Secretary Pangandaman.
Matatandaang para sa 2023, naglaan ang PBBM administration ng P464.5 bilyon para tugunan ang climate change. Higit na mas mataas ang naturang budget ng 60.1 porsyento kumpara sa 2022 budget nito na nasa P289.7 bilyon.
(Daris Jose)

US firms, magha-hire ng 75K pinoy seafarers

Posted on: May 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
NAKATAKDANG mag-hire ang isang US firms ng 75,000 Filipino seafarers sa susunod na tatlo hanggang apat na taon. 
Sa isang pulong kasama si Pangulong  Ferdinand R. Marcos  Jr. sa Washington,  sinabi ni John Padget, presidente at CEO ng Carnival Corp.  na ang  kanyang “group of companies” ay nakatakdang mag-hire ng  mga Filipino seafarers.
Si Padget, kumakatawan din sa Carnival Cruise Line, Holland American Airlines and Seaborn,  pinuri ang mga manggagawang filipino para sa kanilang “hospitality at competitiveness” sa  global workforce.
“It doesn’t matter whether it’s the marine, deck, hospitality, restaurant…everything is based on the happiness, the smile, and the greatness of the Filipino employees,” ani Padget.
Sa nasabi pa ring pulong, inilatag naman ni  Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople sa US firms “the interest of 200,000 Filipinos”  na  “adhere to fair and ethical standards and principles.”
Pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang  US employers para sa kanilang patuloy na kumpiyansa sa mga Filipino professionals at skilled workers.
“When you say that the — the ladies and gentlemen that we have here today represent 200,000, you do not represent 200,000 employees, you represent 200,000 families and you represent 200,000 communities in the Philippines,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga  employers.
Sa ulat, tinatayang mahigit na apat na milyong  Filipino immigrants (temporary at permanent) ang nasa Estados Unidos, kumakatawan sa  4th largest immigrant group matapos ang  Mexicans, Indians at Chinese.
Sa pamamagitan ng kanilang remittances, ang mga Filipino workers ay  nakapag-ambag sa  economic development, kapuwa sa Estados Unidos at Pilipinas, gamit ang kanilang  “kasanayan, talento at kadalubhasaan.”
Samantala, sa nasabi pa ring miting kasama ang mga  employers, kasama ng Pangulo sina  Ople, Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Trade Secretary Alfredo Pascual, Philippine Ambassador to the US Jose Manuel G. Romualdez, at Department of National Defense Officer-in-Charge, Senior Undersecretary Carlito Galvez, Jr.
(Daris Jose)

QUEZON CITY AT MWSS LUMAGDA SA 3 MOA

Posted on: May 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
LUMAGDA sa tatlong Memorandum of Agreement o MOA ang pamahalaang lungsod ng Quezon City sa katauhan ni Mayor Joy Belmonte at Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS na kinatwan naman ni Administrator Leonor Cleofas kahapon sa punong tanggapan ng MWSS sa Katipunan, Quezon City.
Kabilang sa mga napagkasunduan ng QC at MWSS ang pag renew ng Usufruct Agreement sa paggamit ng mahigit 10,000 square meter na property ng MWSS na kasalukuyang ginagamit ng Balara Elementary School at Balara High School, pagtatayo ng multi-purpose gymnasium sa Brgy. Pansol, at pagbigay ng right of way access sa Bistekville 5.
Nakipagpulong din si Mayor Joy sa pamunuan ng MWSS, Mr. J. V. Emmanuel De Dios ng Manila Water, Mr. Ramoncito Fernandez ng Maynilad, Rep. Franz Pumaren ng District 3, at mga kinatawan ng QC Government sa pangunguna ni City Administrator Michael Alimurung upang talakayin ang iba’t ibang proyekto para sa pagpapaunlad ng La Mesa Eco Park at conservation efforts para sa La Mesa Watershed.
Makakaasa ang mga mamamayan ng Quezon City na walang patid ang pakikipag-ugnayan ng QC, MWSS, at mga water concessionaires para makapagbigay ng sapat at ligtas na inuming tubig, mahusay at maayos na serbisyo para sa mga mamamayan. (Paul John Reyes)

Walang sektor ang hindi napag-usapan sa PH-US partnership-PBBM

Posted on: May 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

WALANG SEKTOR ang hindi nabanggit sa “partnership” sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

 

Sa katunayan ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pulong kasama ang United States-Philippines Society (USPS), ikinatuwa niya ang  makabuluhang progreso na nagawa kapuwa ng Maynila at Washington para mas palakasin ang security alliance.

 

“Yes now, prominent are the security defense issues, but if you look at what do we do in partnership, in coordination with the United States, and there’s no part of—there’s no sector that isn’t touched by that partnership,” ayon sa Pangulo.

 

Winika pa ng Punong Ehekutibo na ang pagpapalakas at pagpapalalim sa relasyon ng dalawang bansa ay  “a big step forward with all the developments that have been happening.”

 

“It has been terribly useful for us to talk about redefining our Mutual Defense Treaty and this, I think, has given us the opportunity to layout as you say that roadmap for the economy and for another big issue in the Philippines – climate change and all the other big issues,”  aniya pa rin.

 

Sa kabilang dako, nangako naman ang USPS para sa  “greater cooperation and partnership in the development and economy of the Philippines.”

 

Ito’y non-profit, bi-national organization ng prominenteng civic at business leaders ng Estados Unidos at Pilipinas.

 

Samantala, binigyang diin naman ni Pangulong Marcos ang papel ng pribadong sektor sa economic development kung  saan  umaasa siya na “to see more engagements involving both the government and the private sector, especially in mobilizing financial resources for investments in key areas.”

 

Sinabi naman ni Top IBM executive Michael DiPaula Coyle na  sila ay  “very, very bullish” sa  Philippine economy at “looking forward” na makatrabaho ang gobyerno para mamuhunan sa digitalization.

 

“We’re also very heavily invested in helping grow your talent pool through skills development programs, we’ve had a number of partnerships with the US government with your government to improve skills development particularly in areas like… AI and cybersecurity where I think the Philippines has an enormous opportunity to position yourselves as very competitive economy particularly in the IT services sector,” ani Coyle.

PBBM, BIDEN pinalawak ang security, environment protection, trade ties; pinagtibay ang commitment sa international law

Posted on: May 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
PINAGTIBAY nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at US President Joseph Biden ang serye ng “partnerships” na naglalayon na palakasin ang alyansa ng Maynila at Washington. 
Sa isang joint statement, kapuwa pinuri nina Pangulong Marcos at Biden ang  “remarkable ties of friendship, community, and shared sacrifice that serve as the foundation of the U.S.-Philippines alliance.”
“In efforts to promote inclusive and broad-based prosperity, invest in the clean energy transition and the fight against climate change, uphold international peace and stability, and ensure respect for human rights and the rule of law, the United States and the Philippines will remain the closest of allies, working together to deliver a better future for our citizens and tackle the emerging challenges of the twenty-first century,” ang nakasaad sa joint statement.
Sa kabilang dako, kapuwa naman winelcome nina Pangulong Marcos at Biden ang  identification o pagkakakilanlan sa  mga bagong  sites sa ilalim ng  US-Philippines Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Sa joint statement, kapuwa sinabi ng dalawang lider na “this will strengthen Philippine security and support the Armed Forces of the Philippines’ modernization goals, while driving US investment to local communities across the Philippines and improving our shared ability to rapidly deliver humanitarian assistance and disaster relief.”
Kapuwa binigyang diin ng dalawang lider ang kanilang  “unwavering commitment” sa freedom of navigation at overflight sa South China Sea, at maging ang kahalagahan ng paggalang sa sovereign rights ng estado sa loob ng exclusive economic zones (EEZ) nito alinsunod sa  international law.
“The leaders support the right and ability of Filipino fisherfolk to pursue their traditional livelihoods. The leaders note the ruling of the 2016 arbitral tribunal, constituted pursuant to the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS),” ayon sa kalatas.
Pinagtibay din ng mga ito ang kahalagahan na panatilihin ang kapayapaan at katatagan sa kabilang panig ngTaiwan Strait, kung saan  inilarawan ito bilang  “indispensable element of global security and prosperity.”
Kapuwa naman ipinaabot nina  Biden at Pangulong Marcos ang kanilang suporta para sa  Ukraine sa laban nito sa  Russia para sa sobereniya, independence, at territorial integrity sa loob ng  “internationally recognized borders, “noting that the conflict (with Russia) has adversely affected food and energy security in the Indo-Pacific.”
Sa kabilang dako, kapuwa naman nilutas nina Pangulong Marcos at Biden ang “expand cooperation on environmental protections,  kabilang na ang pinalakas na domain awareness, marine conservation, at pagprotekta sa  coastal areas mula sa  environmental degradation.
Kapuwa naman nangako sina Pangulong Marcos at Biden  na “to promote increased cooperation and knowledge sharing between the United States and the Philippines through the Science and Technology Agreement (STA). They also  welcomed US plans to establish an Open-RAN Interoperability Lab in Manila.”
Pareho namang binigyang diin nina Pangulong Marcos at Biden ang pangangailangan  na palakasin ang “democratic institutions, rule of law, at paggalang sa human rights, kabilang na ang freedom of expression, press, at association.”
Binigyang diin din ng dalawang lider ang pangangailangan na kontrahin o tutulan ang anumang uri ng karahasan gaya ng laban sa  sambayanan, kababaihan, kabataan at  marginalized groups.
Samantala, winelcome naman ng mga lider ang paglikha sa  bilateral Labor Working Group bilang bahagi ng  US-Philippines TIFA, nakikitang makapagbibigay ng mahalagang oportunidad para sa Estados Unidos  at Pilipinas  para “work together on implementation of internationally recognized labor rights,” at pabilisin ang pagpapalitan at dayalogo sa hanay ng  US at Philippine governments at labor unions, at maging ang  employer organizations.
(Daris Jose)