• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 1st, 2023

120 araw na feeding program sa Maynila

Posted on: June 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAGKAKALOOB  ng mga masustansiyang pagkain ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa lahat ng ‘undernourished’ na bata sa loob ng 120 araw sa isang taon makaraang maipasa ang ordinansa ng Sangguniang Panglungsod.

 

 

Sinabi ni Vice Mayor Yul Servo na naipasa na sa ikatlo at huling pagbasa sa regular session nitong Mayo 25 ang ‘localized version’ ng Republic Act 11037 o ang Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act, na layong masolusyunan ang malnutrisyon sa mga kabataan.

 

 

Tatawagin ang ipinasa nila na ‘Masustansyang Pagkain para sa Batang Maynila Ordinance’, na magtatag sa Manila City Local Feeding Program sa mga daycare centers at pampublikong paaralan.

 

 

Dito magbibigay ng ‘fortified daily meals’ sa mga bata sa loob ng 120 araw o hi­git pa sa isang taon.

 

 

“Most children eat just to satisfy their hunger, without proper regard to their food’s nutritional value”, paliwanag ni 4th District Councilor Louisito “Doc Louie” Chua, ang principal author ng ordinansa.

 

 

Popondohan ang programa ng Special Education Fund at ipatutupad ng Manila Department of Social Welfare at may koordinasyon sa City Health Department at nasyunal na mga ahensya.

 

 

Ibinahagi naman ni Servo ang kaniyang sariling karanasan nang tumanggap din siya noong bata pa ng nutribun at gatas nang siya ay nasa elementarya pa.

P900 milyong puslit na sigarilyo, iba pang goods, nadiskubre sa inspeksiyon ng BOC

Posted on: June 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMAABOT  sa P900 milyong halaga ng mga puslit na imported na si­garilyo at iba pang general merchandise, ang nadiskubre ng mga awto­ridad sa isinagawang pag-iinspeksiyon ng Bureau of Customs (BOC) sa isang bodega sa Plaridel, Bulacan noong Biyernes.

 

 

Sa isinasagawang quick inventory sa mga goods na mula sa China, ay natuklasang nagkakahalaga ang mga illicit cigarettes ng hanggang P50 milyon.

 

 

Habang nadiskubre rin ang iba pang general merchandise, na kinabibilangan ng mga including intellectual property rights (IPR) infringing goods na daang milyon din ang halaga.

 

 

Nag-ugat ang operasyon matapos na maglabas si Customs Commissioner Bien Rubio ng Letter of Authority (LOA) at Mission Order (MO), na kaagad namang inimplementa ng mga ahente ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP), Enforcement and Security Service (ESS), at ng Philippine Coast Guard (PCG). “The team inspected the warehouses and found to contain imported illicit cigarettes, and other imported general merchandise, housewares, kitchenwares, and IPR-infringing goods,” ani Rubio.

 

 

Idinagdag pa niya na ang approximate value ng mga goods na nadiskubre sa bodega ay humigit kumulang sa P900 milyon.

 

 

Ayon kay CIIS-MICP chief Alvin Enciso, na siyang nanguna sa naturang operasyon na “our team showed the LOA to the warehouse representatives and they proceeded with the inspection after it was acknowledged.”

 

 

Pinuri naman ni Deputy Commissioner for Intelligence Group Juvymax Uy ang operasyon at sinabing hindi ito magi­ging posible kung wala ang maayos na kooperasyon mula sa mga respective government agencies.

 

 

Nabatid na ang mga may-ari ng mga goods ay pagpiprisintahin ng Customs authorities ng mga importation documents o proof of payment. (Daris Jose)