• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 26th, 2023

Bagong LTO chief tutukan ang license plate backlog

Posted on: July 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
ANG BAGONG talagang chief ng Land Transportation Office (LTO) ay nangako na tutukan ang backlog ng mga license plates sa harap ng mga opisyales at empleyado ng ahensiya noong nakaraang Lunes.
“The license plate backlog and the issue of funding are an unending cycle of problems in the LTO. We will do a thorough review and then put accountability. Who is at fault here? Somebody should be made accountable. I am here to fix the problem in one year, the better,” wika ni LTO assistant secretary Vigor Mendoza II.
Pormal nang nagsimula sa panunungkulan si Mendoza kahapon. Ayon sa kanya ay hihingi siya ng pagliliwanag sa mga taong sangkot sa problema tungkol sa backlog ng mga license plates matapos ang gagawing pagtukoy sa mga problema.
Sinabi ng Commission on Audit (COA) sa kanilang report na may 1.7 million na license plates ang hindi pa nadedeliver.
“We have a backlog of 1.8 million motor vehicle license plates. If the data is correct the backlog should be addressed already. If there is a shortage, it should be minimal as far as motor vehicle license plates are concerned. We need really to look into why this happened. I want to know the exact number – how many is the backlog and how many are undelivered,” dagdag ni Mendoza.
Saad pa ni Mendoza na gagamitin niya ang private stakeholders upang maging isang “mystery customers” upang malaman ang katangian ng mga serbisyo na bininibigay sa mga iba’t ibat LTO district offices.
“These mystery customers will go to the LTO district and extension offices so that they will know the time being consumed in getting licenses. We want to reduce the timeline,” sabi ni Mendoza.
Tinitingnan rin niya kung puwedeng gayahin ang sistema katulad sa pagkuha ng passport. “I am considering adopting the process of getting a passport so that we can prevent long lines. We can schedule the application to minimize the waiting time. This is something we would to review, when it comes to driver’s license application,” pagliliwanang ni Mendoza.
Dagdag pa ni Mendoza na gusto sana niya na maayos na ang backlog sa lalong madaling panahon sapagkat tapos na ang bidding na ginawa ng Department of Transportation (DOTr).
Sinabi rin ni Mendoza na may maganda silang working relationship ni DOTr Secretary Jaime Bautista. Ang dating LTO chief na si Jay Art Tugade ay nabalitang may  differences sa kanyang working relationship kay Bautista ng siya pa ang namumuno sa ahensiya.  LASACMAR

Wagi ng dalawang special awards: JILLIAN, apat ang naging escort sa ‘GMA Gala 2023’

Posted on: July 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ANG bongga naman ni Kapuso Teen actress Jillian Ward, nang mag-attend siya ng GMA Gala 2023 sa Marriot Hotel last Saturday, July 22.  

 

 

Sa halip kasing isa lamang ang escort niya, isinama niya lahat ang mga boys na kasama niya sa GMA Afteernoon drama series nilang “Abot-Kamay na Pangarap,” sina Ken Chan, mga Sparkle stars na sina Jeff Moses, Michael Sager at Raheel Bhyria.

 

 

Sa IG caption ni Jillian: “Choose your fighter, #AbotKamayNaPangarap boys with Dra. Analyn at the #GMAGala2023!”

 

 

Tama nga naman, para hindi na magkapaproblema si Jillian kung sino ba sa apat ang dapat na maging partner sa gabing iyon.

 

 

Sa afternoon drama series kasi, away-away sila.  Si Jeff kasi ay janitor sa hospital, na matagal nang nagpaparamdam kay Analyn pero best friend lang ang turing niya rito.

 

 

Si Michael ay pasyente ni Analyn na na-in love sa kanya at si Raheel naman ay siya ang tumulong kay Analyn nang pumunta ito sa Amerika at na-in love din kay Analyn.

 

 

Si Ken ay malapit lamang kay Analyn dahil pareho silang neurosurgeon, pero malalaman din na magpinsan sila sa story dahil anak sila ng magkapatid na Dr. RJ Tanyag (Richard Yap) at Giselle (Dina Bonnevie).

 

 

Ang top-rating series ay napapanood Monday to Saturday at 2:30 pm, after “Eat Bulaga” sa GMA-7.

 

 

Meanwhile, sa GMA Gala 2023 pa rin, Jillian wore a shimmery silver gown by Mak Tumang.  She also won two awards from the event – as Premier Star of the Night and Sparkling Smile of the Night.

 

 

***

 

 

SALAMAT at masipag mag-IG post sina Direk Mark Reyes at Kapuso actor Gabby Eigenmann ng mga happenings sa San Diego Comic Con 2033 na ginanap naman sa Marriott Marquis, San Diego Marina, in California last July 22 and 23, 2023, dala nila roon ang “Voltes V: Legacy.”

 

 

IG post ni Direk Mark: “It’s been on my bucket list to make it to San Diego Con.  Little did I know that that dream will come true this 2023.  What’s more is that I am not just attending as a casual convention goer but an official panelist to represent the first South East Asian Live Action series for #voltesvlegacy!

 

 

Pinost din ni Direk Mark kung gaano karami ang mga nag-attend ng Comic Con 2023 at sina Gabby, Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega came in their costume na sadyang dinala nila sa pag-attend ng convention.

 

 

Several attendees even took pictures with the cast and talked with them.  Caption naman ni Gabby: “Full house here at the VVL panel in SDCC… was not able to contain my emotions.  Felt so proud.”

 

 

May mga na-meet din silang mga Pinoy na matagal nang nakatira roon at natuwang nakipag-bonding sa kanila during the convention.

 

 

***

 

 

SA isa pang IG post ni Direk Mark: “Officially revealed at San Diego ComiCon 2023 ang the first concept art for “Sang’gre, Encantadia Chronicles 2024.”  Mukhang tuloy na tuloy na ang isa pang episode ng “Encantadia” na sabi ay magtatampok sa lahat ng mga gumanap na Sang’gre sa fantasy series like Marian Rivera, Iza Calzado, Karylle, Diana Zubiri, Glaiza de Castro, Sunshine Dizon, Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez.

 

 

Dito na ba makakasama ng mga unang Sang’gre ang young actress na si Bianca Umali?

 

 

Hindi kaya sa susunod na Comic Con ay ang “Sang’gre, Encantadia Chronicles 2024” naman ang maiimbitahan nila?

(NORA V. CALDERON)

Top 6 most wanted person ng Mandaon, Masbate nalambat sa Valenzuela

Posted on: July 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
NAGWAKAS na ang pagtatago sa batas ng isang lalaki na nakatala bilang top 6 most wanted sa bayan ng Mandaon, Masbate matapos masakote ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City.
Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong akusado bilang si Mario Rubis, 43, tubong Mandaon, Masbate at residente ng Area 4, Pinalagad St., Brgy. Malinta.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police hinggil sa pinagtataguang lugar sa lungsod ng akusado.
          Kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng WSS sa pangunguna ni P/Lt. Ronald Bautista, kasama ang Detective Management Unit (DMU), 5th MFC, RMFB, NCRPO, at Warrant PNCO ng Mandaon MPS, Masbate PPO ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado sa kanyang tinutuluyang bahay sa Brgy. Malinta, dakong 12:30 ng hapon.
          Ani Lt. Bautista, dinakip nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Mary Flor D. Tabigue-Logarta ng Regional Trial Court Branch 44, Masbate City, Masbate noong September 16, 2021, para sa kasong Murder. (Richard Mesa)

PBBM, sa kondisyon ng Pinas: ‘Dumating na ang Bagong Pilipinas’

Posted on: July 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
Ito ang kumpiyansang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pangalawang State Of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa sa Lungsod ng Quezon. 
Ayon sa Pangulo, ang kalagayan ng bansa ay matatag at mabuti at ang bagong Pilipinas ay dumating na.
Tinuran ng Pangulo na ang kanyang kumpiyansa ay “further buoyed by the world-class Filipino workforce’s demonstration of love for their homeland.”
“Every Filipino has unanimously risen to the challenge that we have made to them to be part of the nation’s future. Handa silang maghandog ng tulong, dahil mahal nila ang kanilang kapwa-Pilipino, at mahal nila ang Pilipinas,” ang pahayag ng Pangulo.
“With this in my heart, I know that the state of the nation is sound, and is improving. Dumating na po ang Bagong Pilipinas,” aniya pa rin.
Sa nakalipas na taon, ang malaman ang presensiya ng  napakalaking bilang ng “highly competent at dedicated workers” na nagsisilbi sa pamahalaan ay sinasabing “source of great hope and optimism” para sa kanya.
Idagdag pa rito, bahala na aniya ang burukrasya na magbigay sa kanila ng mabuting pamumuno at patnubay.
“They love the Philippines, and have responded to our call,” ayon kay Pangulong Marcos.
Ang pangalawang SONA ng Pangulo ay nakatuon sa mga accomplishments ng administrasyon sa iba’t ibang aspeto gaya ng ekonomiya, infrastructure development, agriculture, peace and order, tursimo, enerhiya, Mindanao peace efforts at marami pang iba.
Inisa-isa rin ng Pangulo ang mga plano na nais ng kanyang gobyerno na bitbitin sa hinaharap para panatilihin ang development ng bansa. (Daris Jose)

Ads July 26, 2023

Posted on: July 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DIRECTOR BEN WHEATLEY TALKS ABOUT WHY HE WANTED TO HELM “MEG 2: THE TRENCH”

Posted on: July 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DIRECTOR BEN WHEATLEY TALKS ABOUT WHY HE WANTED TO HELM “MEG 2: THE TRENCH”

 

 

BEN Wheatley is known for directing horror, but his best-known work include the quiet sort of horror from psychological thrillers like “Kill List” and thrilling mysteries like “Rebecca” – as opposed to screamfests such as “Meg 2: The Trench.”

 

 

Watch the trailer: https://youtu.be/HwokLHOYd5c

 

 

What made Wheatley want to direct the sequel to the surprise 2018 hit “The Meg”?

 

 

“There’s something very blue-collar about all of it, the nuts and bolts, and they’re not superheroes,” Wheatley told Total Film magazine in 2021 of the characters of the “Meg” movies. “Even though they do quite outlandish stuff, there’s a vulnerability to them, which is exciting. There’s something about the superhero genre where, much as I enjoy it, as it gets bigger and bigger and bigger, there’s problems with the way they’re just invulnerable. That lessens the tension. I like human risk. That side of it is interesting to me.”

 

 

More than the characters, Wheatley is also all praises for the casting because the international makeup of the cast reflects back the nature of global scientific ventures. “Our cast is based around the realism found in the world of science,” says Wheatley in another interview. “Usually, an oceanic research group would be pulling the best people from all over the globe, with a mix of people from everywhere.”

 

 

Wheatley is also known for the dark comedy and action in some of his films, and with “Meg 2” starring Jason Statham and global action icon Wu Jing, expect plenty of heart-pounding action! Jason Statham is always keen to do as many of his own stunts as possible, and about Wu Jing, Wheatley shares that at one point while filming an explosive sequence, Jing volunteered to have a camera strapped to him to get an up-close shot of the actual explosions.

 

 

 

Wheatley explains, “We did that a few times with Wu Jing and it always turned out well. It really puts the viewer into the action when you do that. He was always ready to do anything, and never a complaint. I think he could break his leg and he’d still be going, ‘Yeah, I’m fine.’”

 

 

Watch “Meg 2: The Trench,” opening in Philippine cinemas August 2.

 

 

About “Meg 2: The Trench”

 

 

Dive into uncharted waters with Jason Statham and global action icon Wu Jing as they lead a daring research team on an exploratory dive into the deepest depths of the ocean. Their voyage spirals into chaos when a malevolent mining operation threatens their mission and forces them into a high-stakes battle for survival. Pitted against colossal Megs and relentless environmental plunderers, our heroes must outrun, outsmart, and outswim their merciless predators in a pulse-pounding race against time.

 

 

Jason Statham and Wu Jing lead an ensemble cast that also includes Sophia Cai (“The Meg”), Page Kennedy (“The Meg”), Sergio Peris-Mencheta (“Rambo: Last Blood”), Skyler Samuels (“The Gifted”), and Cliff Curtis (“Avatar” franchise).

 

 

“Meg 2: The Trench” is directed by Ben Wheatley (“In the Earth,” “Free Fire”), from a screenplay by Jon Hoeber & Erich Hoeber (“The Meg,” “Transformers: Rise of the Beasts”) and Dean Georgaris (“The Meg,” “Lara Croft: Toom Raider – The Cradle of Life”), and a screen story by Dean Georgaris and Jon Hoeber & Erich Hoeber, based on the novel The Trench by Steve Alten. The film is produced by Lorenzo di Bonaventura (“The Meg,” “Bumblebee”) and Belle Avery (“The Meg,” “Before the Devil Knows You’re Dead”), and executive produced by Jason Statham, Cate Adams, Ruigang Li, Catherine Xujun Ying, Wu Jing, E. Bennett Walsh, Erik Howsam, Gerald R. Molen and Randy Greenberg.

 

 

In Philippine cinemas starting August 2, “Meg 2: The Trench” is distributed by Warner Bros. Pictures, a Warner Bros. Discovery company.

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #Meg2

 

 

Photo & Video Credit: “Warner Bros. Pictures”

(ROHN ROMULO)

Unregistered SIM cards hanggang Hulyo 25, madedeactivate na – DICT

Posted on: July 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
SINABI ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na mawawalan ng connectivity ang mga indibidwal na hindi nakapagrehistro ng kanilang Subscriber Identity Module (SIM) pagsapit ng alas-12:01 ng Hulyo 26.
Kapag na-deactivate ang isang SIM, sinabi ni Uy na mawawalan ng access ang isang user sa kanilang numero.
Ang mga user ay hindi makakatawag o makakapag-text at mawawalan din sila ng access sa kanilang mga e-wallet.
Kung matatandaan, noong Oktubre 10, 2022, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang Republic Act No. 11934, An Act Requiring the Registration of Subscriber Identity Module (SIM), o ang SIM Registration Law.

PBBM, itutulak ang mas maraming buwis, military pension reform

Posted on: July 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
UMAPELA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso na suportahan ang  mga  priority legislations kabilang na ang  tax measures at ang reporma sa military pension.
Sa kanyang pangalawang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa, Lungsod ng Quezon, nanawagan ang Pangulo sa mga mambabatas na isulong ang  tax measures sa ilalim ng  Medium-Term Fiscal Framework (MTFF) kabilang na rito ang  excise tax sa single-use plastics, ar value-added tax (VAT) at digital services.
Kasama sa MTFF  ang rasyonalisasyon ng mining fiscal regime at  motor vehicle user’s charge o road user’s tax, kung saan inaasahan ng  Development Budget Coordination Committee (DBCC)  na makabubuo ng karagdagang P12.4 bilyong piso  at P15.8 bilyong piso, ayon sa pagkakabanggit, sa unang taon ng implementasyon.
Nanawagan din ang Pangulo ng reporma sa military and uniformed personnel (MUP) pension, na kabilang sa unang marching orders kay Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr.
Nitong Mayo, itinulak  ng Pangulo ang “self-regenerating” pension plans para sa  Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa pagsisikap ng mga ito na iwasan ang senaryo kung saan ang pondo ay naubos na o nasaid na.
Ang economic team, pinamunuan ni  Finance Sec. Benjamin Diokno, ay nagbabala ng consequences ng pension payments,  na may kabuuang yearly payouts inaasahan na tatama sa P1-trillion mark sa  2035 mula  P213 billion sa 2023.
Ang iba pang key legislations na tinukoy ng Pangulo ay kinabibilangan ng pag-amiyenda sa Fisheries Code,  Anti-Agricultural Smuggling Act, at Cooperative Code, kasama ang  New Government Procurement Law at  New Government Auditing Code.
Ipinanawagan din ng Pangulo ang Anti-financial accounts scamming,  Tatak-Pinoy (Proudly Filipino) law,  Blue Economy law,  Ease of Paying Taxes,  LGU Income Classification, at Philippine Immigration Act.
“Hinihiling ko ang inyong tiwala at pakikiisa. Sa ganitong paraan, makakamtan natin ang ating tanging hangarin: ang maginhawa, matatag, at panatag na buhay para sa lahat ng Pilipino,” ayon kay Pangulong Marcos.
Alinsunod ito sa  AmBisyon Natin 2040 na  aniya  “unveiled by the National Economic and Development Authority (NEDA) in 2015, covering goals for the next 25 years.”
Nanawagan din ang Pangulo para sa pagpapasa ng Department of Water Resource Management, habang ang bansa ay nahaharap sa dry El Niño phenomenon.
“Ang tubig ay kasing-halaga rin ng pagkain. Kailangan nating tiyakin na may sapat at malinis na tubig para sa lahat at sa mga susunod na salinlahi. Kasama na rito ang tubig na ginagamit natin para sa sakahan,” ayon kay Pangulong Marcos.
“Considering its fundamental importance, water security deserves a special focus. Our efforts must not be scattershot, but rather, cohesive, centralized, and systematic,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.
Habang ang Kongreso ay  hindi pa inaaprubahan ang paglikha ng departamento, si Pangulong Marcos noong Abril ay nag-utos ng paglikha ng Water Resources Management Office, na naitala sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Naglaan ang pamahalaan ng  P14.6 bilyong piso para sa water supply projects ngayong taon at nagtayo ng  6,000 rainwater collection systems sa iba’t ibang bansa, sa layuning palakasin ang suplay bago pa ang  dry spell. (Daris Jose)

IMMIGRATION MODERNIZATION ACT, IPASA NA

Posted on: July 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
MISMONG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang humikayat na  sa mga mambabatas na ipasa na ang Immigration Modernization Act, kapalit ng 82-taon nang lumang immigration law.
Sa kanyang second State of the Nation address, inulit ni Pangulong Bongbong na kinakailangan nang ipasa ang bagong batas.
Nagpapasalamat naman ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco sa Pangulo sa pag-eendorso sa nasabing batas.
Sa bagong batas, naglalayon ito na mabago at mapaunlad ang kakayahan sa Immigration kasama dito ang pagpapabuti ng travel experience at paghihigpit sa border security.
“The passage of the new law is another step forward towards the President’s vision of Bagong Pilipinas,” ayon kay Tansingco.
Kasama rin dito ang pag-authorize sa BI na gamitin ang kanilang kita upang makabili ng mga bagong gamit at teknolohiya upang magamit sa pag-detect at paghadlang sa mga illegal na aktibidad  kabilang ang human trafficking at illegal cross-border operation.
“The new law could not have come at a better time.  This milestone legislation reflects the commitment of the Marcos administration to fortify our national security and combat illegal activities,” paliwanag pa ng BI Chief. GENE ADSUARA  

DUMATING NA PO ANG BAGONG PILIPINAS — PBBM

Posted on: July 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
IPINAGMALAKI ni Pangulong Ferdinand Bongbong R. Marcos, Jr. Sa kanyang ikalawang SONA na Dumating na po ang Bagong Pilipinas.”
” Global prospects were bleak but the Philippine economy posted highest growth rate. The Philippine financial system remains strong and stable,” Marcos said.
” Inflation rate is moving in the right direction. We are transforming the economy,” he added.
“Puspusan ang ating ginagawa. Pinapalakas natin ang kakayahan ng mamamayan upang mapaganda ang kanilang pamumuhay,” sabi ng Pangulo.
“We envision tax collection to increase by 2028, revenue generation improved this year,” the President said.
Hiningi ng Pangulong Marcos ang suporta ng Kongreso pagdating sa fiscal framework ng Pilipinas.
Ibinida rin ni Marcos ang Kadiwa ng Pangulo’ Program.
Nagsanib pwersa ang mga ahensya ng pamahalaan, ayon sa Pangulo.
Ayon sa Pangulo, tumaas ng 2.2% ang sektor ng Agrikultura sa unang 3 buwan.
“We will seek Congress support to guarantee sustainable gains for fisherfolk,” the President said.
“Pinalakas natin ang agri sa pamamagitan ng farm & fisheries clustering. Pinapalakas din natin ang mga magsasaka.
Namigay ang pamahalaan ng bagong makinarya at kagamitan,” sabi ng Pangulo.
“Hahabulin at ihahabla natin ang mga smuggler at hoarder,” aniya.
“Mahalaga ang imprastraktura para maidugtong ang mga sakahan sa mga pamilihan. Naghahanda tayo sa epekto ng El Niño,” aniya.
“Pinagpatuloy natin ang repormang pangsakahan. Naisabatas na ang Agrarian Emancipation Act,” dagdag ng Pangulo.
Ang tubig ay kasing halaga rin ng pagkain. We are creating water resources office to handle this precious resource.
We have installed 6,000 rainwater collection across the country.
We will build better and more. 123 proyekto sa build better more program ay bago.
Infrastructure spending will stay at 5-6% of the Gross Domestic Product.
Mega bridge program to connect islands, areas separated by water.
Roads, bridges, mass transport systems will be interconnected.
Maharlika Investment Fund to fund infrastructure projects.
Internationally-recognized economic managers will oversee Maharlika Investment Fund to guarantee transparency.
We are relentless in pushing for renewable energy.
Renewable energy is the way forward.
We have opened renewable energy projects for investment.
Malampaya project a boom to the Philippines.
Isinusulong ang unified national grid.
We look to National Grid Corporation of the Philippines to complete deliverables.
Walang mamamayang Pilipino ang maiiwan.
DSWD, DOLE, DepEd, TESDA, at ChEd tumutulong sa nangangailangan.
We are augmenting school workforce and added administrative personnel.
Learners will be made more resilient.
We are calibrating the K-12 curriculum
We continue to exhaust efforts to keep youths from dark corners of society.
More higher education institutions have world class standards.
State universities and colleges will remain free for qualified students.
Philippines launched two additional satellites into space
Bane of skills mismatch among Philippine workforce being rectified.
European Union recognition of Philippine training for seafarers finally resolved.
The Saudi crown prince has resolved the unpaid claims of overseas Filipino workers.
On universal healthcare, We are refocusing our health programs.
We introduced pilot food stamps program for poor Filipinos.
Philippines must exert efforts vs. Tuberculosis and AIDS.
Philippine Healthcare system undergoing structural changes.
We are working for a more direct, efficient delivery of healthcare system.
Presyo ng mga pangunahing gamot bumaba na.
Ang dating 90 free dialysis sessions ay 106 na. Libre na ang dialysis sa karamihan ng Pilipino.
Ipapamahagi na sa health workers ang kanilang covid health emergency allowance.
We will generate additional jobs for unemployed and underemployed Filipinos.
Economic reforms underway.
We will continue to forge more international cooperation for a more healthier economic condition.
We will solidify Philippine reputation as attractive investment destination.
Government must fully embrace digitalization.
It is here and it is needed.
National ID system crucial in digitalization
Mobile internet speed ng Pilipinas bumubuti na.
We will relentlessly continue fight against drug syndicates.
We cannot tolerate corruption or incompetence in government.
We will protect our sovereign rights and preserve our territorial integrity. (PAUL JOHN REYES)