• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 27th, 2023

Nahulog sa kama at nabagok: Sikat na impersonator na si WILLIE, pumanaw na

Posted on: July 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PUMANAW na ang impersonator, satirist, and comedian na si Willie Nepomuceno sa edad na 75.

 

 

Sa Facebook in-announce ang pagpanaw ni Willie Nep.

 

 

“To our family, loved ones, and friends, it is with deep sadness and heavy heart to announce the passing of our beloved father, WILLIE NEPOMUCENO on July 26, 2023, at the age of 75. He has peacefully joined our creator.”

 

 

Ang anak ni Willie na si Willie Wilsson Nepomuceno ang nagkuwento sa pag-rush nila sa kanyang ama sa emergency room ng Marikina Valley Medical Center noong Monday morning pagkatapos nitong mahulog sa kama at tumama ang ulo sa sahig.

 

 

“CT Scan showed he had subdural hematoma. On that same day, he underwent craniotomy to evacuate the hematoma and relieve pressure to his brain.

 

 

Following the surgery, his vital signs became stable but he was still in comatose.

 

 

“The following day, his vitals deteriorated and another CT scan showed recurrence of hematoma and new sites of bleeding. By Tuesday afternoon, he was presumed brain dead and was put on a respirator. By 8 p.m., his vitals dwindled further,” ayon kay Willie Wilsson.

 

 

Nagpaalam si Willie Wilsson sa kanyang ama via Facebook.

 

 

“Farewell, Tatay. Though it’s incredibly hard to say goodbye, I am grateful for the time we had together. Your love, guidance, and presence in my life have shaped me into the person I am today. Your legacy will forever be engraved in my heart. Rest well, knowing that you are deeply loved and missed.”

 

 

Naging pillar of Philippine entertainment si Willie Nep ng higit sa apat na dekada. Nakilala ito bilang singer, stand-up comedian at stage performer hanggang sumikat siya sa pag-impersonate ng maraming sikat na celebrities at ng mga political personalities.

 

 

Nagkaroon siya ng sariling comedy show na Ispup noong 2002 sa ABC-5 at naging bahagi rin siya ng noontime show na It’s Showtime noong maging judge ito sa celebrity look-alike contest.

 

 

May sariling YouTube channel si Willie Nep kunsaan pinapakita niya ang pag-transform niya sa mga sikat na celebrities tulad ni Dolphy, Fernando Poe, Jr., Manny Pacquiao, at sa mga presidente na sina Erap Estrada, Noynoy Aquino, Rodrigo Duterte, and Ferdinand Marcos Sr.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Dahil palaging nakatuon kay Baby Bean: ANGELICA, nag-emote dahil ‘di madalas kamustahin ng mga dumadalaw

Posted on: July 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
MAY emote pala ang actress na si Angelica Panganiban. 
Although, hindi naman niya tinukoy sa kanyang Instagram stories kung sino o kung kaibigan ba o kapamilya ang tila pinaparinggan niya.
Tila naghahanap si Angelica ng “dalaw” pero yung dalaw na siya talaga ang pinunta, hindi raw para makita lang ang anak nila ni Gregg Homan na si Baby Bean.
Nag-post kasi ito ng video na nagsasabing dapat, kapag dinadalaw ang kapapanganak lang na nanay, mas maiparamdam dito na siya ang talagang dahilan ng pagbisita.
At may laman ang caption niya na, “Hmmm… until now hindi pa din ako madalas kamustahin ng mga fersons. All they want is to see my baby. But not really “visiting” me. Not a single text about how my hip injury.
“If I still have postpartum blues. But nasasanay naman ko. Pero walang gulatan kung lumalayo loob ko ha?”
Hala… may warning na.
***
DINALAW namin ang actress na si Angelu de Leon na ngayon ay number 1 Councilor ng Pasig City sa kanyang opisina.
Aliw na aliw kami kasi, parang ibang mundo since first time namin siyang nakita in action as councilor. Ilang meeting din ang na-witness namin.
Nakatutuwa kasi, kahit ibang-iba sa mundo ng showbiz, ang bilis na naka-adapt ni Angelu sa public service. Araw-araw raw siyang pumapasok dahil sey pa niya, “mahihiya kang hindi magsipag dahil ‘yung Mayor mo, napakasipag.”
Ang Mayor na tinutukoy niya ay si Pasig City Mayor Vico Sotto.
After nga ng halos dalawang taon na tutok siya talaga sa pagiging Konsehal ng Pasig City and since nakapag-adjust na rin siya, tumatanggap na rin si Angelu ng ilang acting offer.
Nakagawa siya ng “Magpakailanman” at excited siya sa gagawing Philippine adaptation ng Korean movie na “Sunny.”
Kuwento ng pitong magkakaibigan from High School at maganda ang role niya, parang sa character niya naka-angkla ang tatakbuhin ng kuwento.
But what really excites her, para raw itong reunion ng 90’s VIVA stars from “Kadenang Bulaklak” to “T.G.I.S.” dahil kasama rin sina Sunshine Dizon, Tanya Garcia, Ana Roces, Vina Morales at iba pa.
(ROSE GARCIA)

PBBM, tinanggap ang pagbibitiw ng 18 pulis na di umano’y sangkot sa illegal na droga

Posted on: July 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tinanggap nito ang pagbibitiw sa serbisyo ng 18 Third-Level Officers ng Philippine National Police (PNP) na di umano’y sangkot sa illegal drugs activities.

 

 

Base na rin ito sa naging rekumendasyon ng National Police Commission Ad Hoc Advisory Group na masusing nag-imbestiga sa usaping ito.

 

 

Sa isang liham kay Pangulong Marcos, ipinaalam ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr.  sa Pangulo na ang Ad Hoc Advisory Group ay nagsagawa ng masusing imbestigasyon kaugnay sa di umano’y  pagkakasangkot ng 953 Third Level Officers sa illegal drugs activities.

 

 

Sinabi nito na nagsumite ng kani-kanilang courtesy resignation ang mga nasabing opisyal  kahit pa may nakabinbing imbestigasyon ang mga ito.

 

 

Sa 953, inirekomenda ng grupo ang  non-acceptance sa 935 courtesy resignations at  acceptance sa resignation ng mga sumusunod na 18 officers:

  1. PBGEN Remus Balingasa Medina O-10038
  2. PBGEN Randy Quines Peralta O-05124
  3. PBGEN Pablo Gacayan Labra II O-03734
  4. PCOL Rogarth Bulalacao Campo O-08477
  5. PCOL Rommel Javier Ochave O-08085
  6. PCOL Rommel Allaga Velasco O-08084
  7. PCOL Robin King Sarmiento O-03552
  8. PCOL Fernando Reyes Ortega O-07478
  9. PCOL Rex Ordoño Derilo O-10549
  10. PCOL Julian Tesorero Olonan O-12395
  11. PCOL Rolando Tapon Portera O-07520
  12. PCOL Lawrence Bonifacio Cajipe O-12905
  13. PCOL Dario Milagrosa Menor O-07757
  14. PCOL Joel Kagayed Tampis O-08180
  15. PCOL Michael Arcillas David O-07686
  16. PCOL Igmedio Belonio Bernaldez O-12544
  17. PCOL Rodolfo Calope Albotra Jr O-08061
  18. PCOL Marvin Barba Sanchez O-08043

 

 

Ayon sa PNP Chief, patuloy na mino-monitor ang mga nasabing opisyal.

 

 

Sinabi pa nito na ang kinakailangang “orders for their relief from their present positions will be immediately issued and the (resigned) officers will be assigned to the Personnel Holding and Accounting Unit, DPRM (Directorate for Personnel and Records Management) to preclude them from exerting further influence and/or performing illegal activities using their positions.”

 

 

Sa simula pa lamang ng kanyang administrasyon, nangako na ang Pangulo na  “to clean up the ranks of the PNP, saying that the drug problem would not exist without the involvement of police officials.”

 

 

Samantala, sa SONA pa rin ng Pangulo, sinabi nito na magtatalaga siya ng mga indibidwal na may “unquestionable integrity” para pangunahan ang kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga. Lalagyan aniya ng kanyang administrasyon ng bagong mukha ang nasabing kampanya.

 

 

“In their stead, we will install individuals with unquestionable integrity, who will be effective and trustworthy in handling the task of eliminating this dreaded and corrosive social curse. We cannot tolerate corruption or incompetence in government,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Binigyang diin ng Pangulo na ang pamahalaan ay “will relentlessly continue our fight against drug syndicates, shutting down their illegal activities. We will shut down their activities and dismantle their network of operations.” (Daris Jose)