• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 5th, 2023

Bata pa ay nag-struggle na sa mental health niya: Bunsong kapatid nina ELIJAH na si JM, pumanaw na edad na 17

Posted on: August 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAPAKABATA sa edad na 17 ay pumanaw na ang dating child actor na si JM Canlas.

 

 

 

Bunsong kapatid nina Elijah Canlas at Jerom Canlas. Pumanaw ito noong Huwebes, August 3 ng umaga.

 

 

 

Walang binigay na dahilan o sanhi ng kamatayan, pero ang kapatid niya na si Jerom ay nag-post na diumano’y may mental health issue ang nakababatang kapatid.

 

 

 

Ayon sa post nito, “In his adolescence, JM struggled with his mental health. If you are experiencing current distress and are in need of URGENT ATTENTION, please proceed to the emergency room of the hospital nearest you.”

 

 

 

Nagbigay rin siya ng mga links for counseling services as well as hotline numbers for mental health. These include: DOH-NCMH Hotline: 0917-899-8727 or 02-7989-8727; Natasha Goulbourn Foundation Hopeline: 0917-558-4673, 0918-873-4673 and 02-8804-4673; and In Touch Crisis Line: 0917-800-1123, 0922-893-8944 and 02-8893-7603.”

 

 

 

Nang silipin namin ang account ni Elijah, wala pa itong ano mang post tungkol sa nangyari sa kapatid. Kasalukuyan, ang wake ni JM ay nasa St. Peter Chapels, Quezon Avenue at sa unang araw ay madadatnan daw si Elijah at ang kanyang kapatid at mga magulang, gayundin ang girlfriend nito na si Miles Ocampo.

 

 

 

Ayon kay Direk Arman Reyes na isa sa nakadalaw na, mararamdaman daw ang labis na pamimighati ng pamilya.

 

 

 

Ang amin pong pakikiramay.

 

 

 

***

 

 

 

NAGSALITA na si Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson Lala Sotto tungkol sa issue ng “It’s Showtime” at sa kanyang mga magulang na si dating Senate President Tito Sotto at si Helen Gamboa.

 

 

 

Ipinatawag ng MTRCB ang producers ng “It’s Showtime” noong July 25, ng taong ito, matapos makatanggap ng mga reklamo mula sa mga diumano’y concerned citizens hinggil sa umano’y malaswang inasal nina Vice Ganda at Ion Perez sa “Isip-Bata” segment ng show.

 

 

 

Dahil dito ay katakot-takot ding batikos ang natanggap ni Chair Lala at pinaratangan siyang “unfair” and “biased” dahil hindi niya pinatawag ang “E.A.T.” sa episode na naghahalikan ang kanyang magulang.

 

 

 

Sa interview ni Cristy Fermin kay Chair Lala sa kanyang “Cristy Ferminute,” isa-isang sinagot ng anak ni Tito Sen ang mga issue.

 

 

 

Ayon dito, “Alam n’yo po, lumaki po akong ganu’n. Na halos araw-araw ng buhay naming magkakapatid, ganu’n po talaga ang aming mga magulang, mapa-telebisyon, Nay, maski saan. Mula pa po nun’g bata kami.

 

 

 

“They have been married for 55 years now and katulad nga ng sinasabi ko, ‘yung mga lambingan nilang ganyan, simula pa nang may show sila, ‘yung ‘C.U.T.E.,’ kapag naggi-guest ang mommy sa ‘Iskul Bukol’ at ‘yung dating ‘Eat Bulaga.’ All through the years, ginagawa po nila talaga ‘yan.

 

 

 

“At wala namang naging problema kasi, in fact, ito po ay isa pa ring ehemplo ng mag-asawa,” mahabang paliwanag ni Chair Lala.

 

 

 

Tungkol naman sa issue ng “It’s Showtime,” mahaba ang naging paliwanag niya rito at may proseso raw na sinusunod bago i-call ang isang production o show.

 

 

 

Kaya sa mga nagde-demand na dapat ipatawag din ang “E.A.T”, sinagot niya ito na, “Wala pong dahilan para ipatawag ang ‘E.A.T.’ dahil hindi po sila deserving of a notice to appear. Ang binigyan namin ng notice to appear ay ang programang Showtime that is rated PG, it is a live noontime variety show that is automatically rated PG.”

 

 

 

Sinabi rin ng anak ni Tito Sen na ilang warnings na rin ang ibinigay nila sa “It’s Showtime.”

 

 

 

“Ang programang ‘Showtime’, I hope they don’t take it personally, lalo na yung kanilang supporters. Naiintindihan ko po ‘yun dahil ako ay lumaki sa isang noontime show. So, naiintindihan ko po ‘yan.

 

 

 

“That is why, I believe the board has been very tolerant, napakahaba po ng aming pisi,” pahayag niya.

 

(ROSE GARCIA)

DOTr: Humihingi ng P164 B pondo para sa proyekto sa railways

Posted on: August 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Humihingi ang Department of Transportation (DOTr) sa Mababang Kapulungan ng pamahalaan ng pondong nagkakahalaga ng P164 billion para sa construction at maintenance ng pitong (7) rail lines sa Metro Manila sa taong 2024.

 

 

 

Nakalagay sa 2024 National Expenditure Program ng pamahalaan, ang DOTr ay humihing sa Mababang Kapulungan ng kabuohang budget na P187.21 billion na gagamitin sa mga proyekto at programa na gagawin sa susunod na taon.

 

 

 

Ang pinakamalaking pondo na nagkakahalaga ng P163.74 billion ay gagamitin sa programa sa rail transport upang mapadali ang takbo ng civil at rehabilitation works ng mga rail lines.

 

 

 

Sa proyektong North-South Commuter Railway (NSCR), ito ay makatatangap ng P76.34 billion sa 2024 kung saan ang DOTr ay nagsisikap na matapos ang proyekto ayon sa target na 2028. Ang DOTr ay gagastos ng P53.26 billion para lamang sa procurement ng right-of-way (ROW).

 

 

 

Ito ay bibigyan din ng pondo mula sa Japan na nagakakahalaga ng P873.62 billion. Ang NSCR ay dadaan sa tatlong (3) rehiyon ng Central Luzon, Metro Manila at Southern Tagalog, galing sa New Clark City sa Pampanga hanggang Calamba, Laguna.

 

 

 

Sa taong 2024, ang Metro Manila Subway Project (MMSP) ay bibigyan ng alokasyon na nagkakahalaga ng P68.37 billion kung saan naman ang pamahalaan ay magbabayad ng P21.68 billion para sa ROW at tax expenses.

 

 

 

“Set to become the first underground rail in the Philippines, the MMSP will extend for around 33 kilometers across seven cities in Metro Manila and will cut travel time between Quezon City and the Ninoy Aquino International Airport to 35 minutes,” wika ng DOTr.

 

 

 

Habang ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) ay bibigyan naman ng alokasyon na nagkakahalaga ng P10.29 billion na gagamitin sa maintenance at rehabilitation kasama na rin ang equity rental sa groupo ng Sobrepena led na Metro Rail Transit Corp. (MRTC).

 

 

 

Ang DOTr ay nagbabayad ng monthly fee mula P600 million hanggang P900 million sa MRTC bilang kabahagi ng fare collection mula sa operasyon ng MRT 3. Matatapos ang pagbabayad ng yearly equity sa MRTC sa pagtatapos ng build-lease-transfer contract sa taong 2025.

 

 

 

Maliban dito, ang DOTr ay gagamit din ng budget upang bayaran ang kabahagi nito sa ginagawang Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension. Gagastos din ang DOTr sa pre-construction works ng Metro Rail Transit Line 4 at Philippine National Railways South Long Haul.

 

 

 

Kasama rin pondong hinihingi sa Congress ang P6.4 billion para sa expansion at upgrading ng land transport sector, P6.09 para sa aviation facilities at P987.56 million para sa proyekto sa maritime sector.

 

 

 

“The agency will also appropriate P500 million for the development of active transport in urban areas, particularly for the construction of bike lanes and pedestrian walkways,” dagdag ni DOTr undersecretary Cesar Chavez.  LASACMAR

72 DRINKING FOUNTAINS IPINAGKALOOB SA MGA PAMPUBLIKONG ESKWELAHAN SA LUNGSOD QUEZON

Posted on: August 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BILANG bahagi ng ika 26 anibersaryo ng Manila Water ngayong Agosto, inilunsad nito sa pamamagitan ng Manila Water Foundation (MWF) ang “Project Drink 72” na nagkaloob ng refrigerated drinking fountains (RDFs) sa 72 pampublikong eskwelahan sa lunsod Quezon.

 

 

Ipinagkaloob ng Manila Water ang RDFs sa unang 20 pampublikong iskwelahan na ginanap sa Balara Elementary School sa Lunsod Quezon.

 

 

Dumalo sa seremonya sina Manila Water President at CEO Jocot De Dios, QC Mayor Joy Belmonte, MWSS Administrator Bobby Cleofas, Department of Education Quezon City Schools Division Superintendent Carleen Sedilla, MWF Executive Director Reginald Andal, Manila Water East Zone Business Operations Group Director Shoebe Caong, at mga prinsipal, titser at mga mag-aaral.

 

 

Kabilang sa mga unang tumanggap na paaralan ang Balara Elementary School, Balara High School, Batino Elementary School, Camp Crame Elementary School, Camp Crame High School, Krus na Ligas Elementary School, Krus na Ligas High School, Malaya Elementary School, Sto. Cristo Elementary School, Culiat Elementary School, Pinyahan Elementary School, Quirino High School, San Francisco High School, Bungad Elementary School, New Era Elementary School, Old Balara Elementary School, Pasong Tamo Elementary School, Project 3 Elementary School, Tandang Sora Elementary School, at Teodora Alonzo Elementary School na may kabuoang 59,000 mag-aaral.

 

 

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, umaasa ang Manila Water na makabahagi sa pagkakaroon ng magandang kalusugan at kapakanan ng mga estudyante, gayundin sa paggawa ng conducive learning environment na may sapat na access sa malinis at inuming tubig, safely-managed sanitation facilities at hygiene supplies.

 

 

“Hopefully, ang mga bata, maiiwasan ang mga matatamis na inumin. Tubig po ang tunay na kailangan natin for our health. Ang mga fountain na ito will hopefully deter or prevent us from using plastic kasi masama po talaga yan sa ating environment,” ani De Dios.

 

 

Sa kanyang talumpati naman, ipinahayag ni Mayor Belmonte ang kanyang pasasalamat sa Manila Water sa pagsuporta sa mga adbokasiya na pinaprayoridad din ng Pamahalaan ng Lunsod Quezon.

 

 

“Alam naman natin na isa sa mga adbokasiya natin ay siguraduhing malulusog ang ating mga kabataan. Kayo rin ang nagsimula ng Wash Program kung saan sinisiguro natin na may handwashing facilities ang ating mga paaralan. Ngayon naman, drinking fountains, alam nyo ito rin ay aking adbokasiya because we really believe that water is a basic human right that every Filipino family should have,” ani Belmonte. (PAUL JOHN REYES)

Time out muna sa pagtulong kay Dingdong: BENJIE, magtuturo sa aspiring basketball players sa Cebu

Posted on: August 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TIYAK na mapapa-‘shoot that ball’ ang mga Cebuano young hoopers sa pagdayo ni Benjie Paras sa Lapu-Lapu City ngayong araw, August 5 para sa ‘GMA Masterclass: The Sports Series.’

 

 

Time out nga muna si Otep (Benjie) sa pagtulong kay Napoy (Dingdong Dantes) resolbahin ang pagkamatay ni Don Gustavo (Tirso Cruz III) sa ‘Royal Blood’ dahil magtuturo muna si Benjie sa aspiring basketball players sa Lapu-Lapu Auditorium, Brgy. Poblacion, Lapu-Lapu City.

 

 

Makakasama rin ni Benjie na kilala as “The Tower of Power” sa pro basketball, ang NCAA athlete at San Sebastian Golden Stags player na si Alex Desoyo Jr.

 

 

Noong July 15, nagtungo sa Bacolod City ang ‘GMA Masterclass: The Sports Series’ kasama si basketball legend Noli “The Tank” Locsin at Miggy Corteza ng Benilde Blazers. Very successful ang naging event dahil pinuntahan ito ng mga aspiring young athletes na talaga namang natuto, nag-enjoy at na-inspire.

 

 

***

 

 

SA kabila ng tagumpay, kasikatan at kayamanan ay hindi nagbabago si Alden Richards, base na rin sa opinyon ng mga taong nakatatrabaho at nakasasalamuha niya.

 

 

Kaya tinanong namin si Alden, bakit hindi siya nagbabago, bakit nananatiling nakatuntong ang mga paa niya sa lupa?

 

 

“Utang na loob po.  Yung utang na loob ko sa mga tao na gumawa para maging… na tinulungan po ako para maging posible yun.

 

 

“Yung hindi ko siya nakuha, of course, by myself alone, hindi ko po kine-credit na ako lang lahat ito, e. Hindi.

 

 

“Kumbaga itong success ko po is a collective effort of all the people who love me and supported me.

 

 

“And I think isa po yun sa mga reasons na nagga-ground po sa akin, para hindi… kasi ganun yun e, kapag, feeling ko po kasi, from my point of view lang po ito, opinyon ko lang po, kapag lahat ng bagay, lahat ng mga success mo in-attribute mo sa sarili mo, dun ka yayabang.

 

 

“Parang ‘pag… dahil sa akin kaya may ganito, dahil sa akin kaya ganyan, dahil sa akin kaya naging successful ito. So… actually kinikilabutan po ako ‘pag pumapasok sa isip ko na i-credit yung sarili ko.

 

 

“Hindi ko kaya. So yon po yung isa sa mga napangalagaan ko sa sarili ko, yung utang na loob. Napaka-importante, kahit na itong mga taong ‘to hindi humihingi ng kapalit, I think those people are the ones na dapat talagang alagaan sa buhay mo.

 

 

“Yung tumutulong ng walang kapalit. Iyon po yung mga dapat inaalagaan. And those people are the ones who are keeping me grounded most of the time.

 

 

Nakatituwa naman ang sagot ni Alden sa tanong kung sino pang personalidad ang nais niyang i-portray o gampanan sa ‘Magpakailanman’.

 

 

“Sa ngayon po siguro, si FLG, si Mr. Gozon! Okay yun, kung papayag po si Boss,” ang tumatawang sagot ni Alden sa amin na ang tinutukoy ay ang Chairman at CEO ng GMA Network.

 

 

Ang apat na episodes ng ‘Magpakailanman’ ni Alden ay ang “A Runner to Remember: The Jirome de Castro Story” kung saan kasama niya si Sanya Lopez, sa direksyon ni Neal del Rosario, pangalawa ang “Epal Dreamboy: The Richard Licop Story”, kasama rito si Lotlot de Leon, sa direksyon ni Irene Villamor, pangatlo ang “The Lost Boy” (sa direksyon rin ni Irene Villamor) kung saan gaganap si Alden bilang isang lalaking mapapadpad sa buhay na puno ng krimen na tiyak na magpapakita ng “the other side” ni Alden at pang-apat ang “Sa Puso’t Isipan: The Andrew Cantillana Story” sa direksyon ni Gina Alajar.

 

 

Ang month-long special ng ‘Magpakailanman’ ay magsisimula na ngayong 8:15 ng gabi sa GMA. Naka-livestream din ito nang sabay sa official YouTube channel at website ng GMA Network.

 

 

***

 

 

PAGKAKATAON na ng mga bayaning delivery riders para maging artista at makasama ang mga bigating Kapuso stars!

 

 

Naghahanap kasi ang GMA Public Affairs ng mga delivery riders na mapapabilang sa upcoming primetime series na ‘Black Rider’ starring Ruru Madrid.

 

 

Para sa chance na mapili, kinakailangan lamang i-post sa social media ang audition video na nagpapakita ng talent or skill at kumbinsihin ang screening team kung bakit karapat dapat na maging bahagi ng series. Huwag ding kalimutang gamitin ang hashtag na #SamaAkoBlackRider.

 

 

Anong pang hinihintay ninyo, mga Kapusong delivery riders? Malay ninyo, kayo na ang susunod na makakatrabaho ng iba pang ‘Black Rider’ stars gaya nina Kylie Padilla at Matteo Guidicelli.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Two-night concert naging matagumpay: ICE, na-starstruck sa idol na si ALANIS at labis ang pasasalamat

Posted on: August 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KAHIT maulan naging matagumpay ang two-night concert ng international artist na Alanis Morissette na ginanap sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City, na kung saan naki-jamming ang Filipino fans sa mga hit songs niya.

 

 

Inaabangan din ng mga music lovers ang isa sa mga highlight ng Manila leg ng “Jagged Little Pill”. Ito ay ang pag-front act ng OPM Icon at singer-songwriter-director na si Ice Seguerra, na ‘di nakapagtatakang palakpakan din nang husto, dahil napahusay naman talang mag-perform ng hubby ni Liza Dino-Seguerra.

 

 

Makikita rin sa IG post ni Ice ang mga photos nila ng Canadian-American singer-songwriter, na kitang-kita ang pagka-starstruck niya.

 

 

After ng two-night successful concert, nag-post naman si Ice na kanyang letter para sa iniidolo niya na si Alanis, simula noong bata 12 years old pa lang siya….

 

 

“Dear @alanis
Thank you so much for making time to meet us today. When I told you you were my hero, I wanted to let you know that Mary Jane made me feel better during rough times in my teenage years. Perfect was my companion when I felt like I wasn’t good enough.

 

 

“During my late 20s, You Learn made me feel like all the shit I had to endure made me stronger. Now that I’m almost in my 40s, Thank You sums up my gratitude for my life journey.

 

 

“I have been singing your songs way before I had a music career, and since finding my way as a singer and musician, I have grown to appreciate your songs on a deeper level.

 

 

“I was in the audience when you first came to the Philippines; I watched the JLP anniversary tour a few years back in California. I bought concert tickets when it was announced that you were coming here. I just wanted to relive the songs that are a big part of my core. But I never thought I would open the concert and meet you.

 

 

“Thank you for the past two nights that we get to sing the songs with you, that has been our comfort, and inspiration for the past 25++ years. We grew along with your songs…

 

 

“We are grateful to have you here in the Philippines. You and your band were awe-inspiring.

 

 

“Have a great tour!!!

 

 

“Your forever fan,
Ice

 

 

Ilan nga sa mga sikat na kanta ni Alanis Morissette ay ang “You Oughta Know,” “You Learn,” “Head Over Feet,” “All I Really Want,” “Thank You,” “Mary Jane,” “Uninvited,” “Perfect,” “Forgiven,” “Right Through You,” “Wake Up,” “Hand in My Pocket” at “Ironic.”

 

(ROHN ROMULO)

Delivery rider, 1 pa kulong sa 470K shabu sa Caloocan

Posted on: August 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT P.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang delivery rider na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

 

 

Sa report ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y  illegal drug activities ni Janreb Lucero, 34, delivery rider ng Phase 5A Package 1 Block19 Lot 35, Brgy. 176 kaya isinailalim siya ng mga operatiba sa validation.

 

 

Nang positibo ang ulat, ikinasa ng mga operatiba ang buy bust operation sa pangunguna ni P/Cpt Ronald Allan Soriano, katulong ang 3rd MFC, RMFB ang buy bust operation sa Phase 7B Package 1, Brgy. 176 na nagresulta sa pagkakaaresto kay Lucero matapos bintahan ng P74,500.00 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer dakong alas-4:00 ng madaling araw.

 

 

Ani Col. Lacuesta, nakuha kay Lucero ang humigi’t kumulang 50 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price value na P340, 000.00, at buy bust money na isang P500 bill at 74-pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Nauna rito, nadakma naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation din sa Domato Avenue, Phase 12, Brgy. 188 bandang alas-11:00 ng gabi, si Jhonna Molinas, 33 ng Phase 12, Riverside, Tala.

 

 

Ayon kay Cpt. Soriano, nakumpiska sa bebot ang nasa 20 grams ng hinihinalang shabu na may SDP value na P136,000, marked money na isang P500 bill, kasama ang 6-pirasong P1,000 boodle money at coin purse.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

 

 

Nang makarating naman sa kaalaman ni BGen Gapas ang matagumpay na drug operation ng Caloocan City Police Station sa pamumuno ni Col. Lacuesta ay kaagad siyang nagpaabot ng papuri sa mga ito dahil sa kanilang pagsisikap para labanan ang ilegal na droga. (Richard Mesa) 

Administrasyon ni PBBM, humirit ng P31-B calamity fund para sa susunod na taon

Posted on: August 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HUMIRIT ang administrasyong Marcos sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ng  P31 billion calamity fund para sa taong 2024.

 

 

Nais kasi ng gobyerno na mas maraming pondo ang maipamahagi sa panahon ng kalamidad.

 

 

Kilala rin bilang  National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF), ang panukalang  calamity fund ay mas mataas ng 51.2% kumpara sa kasalukuyang  P20.5-billion appropriation.

 

 

Saklaw ng P31 billion  ang  P17.9 billion na angkop para sa “aid, relief and rehabilitation services to communities/areas affected by calamities, including training of personnel, and other pre-disaster activities.”

 

 

Ang  pigura ay tumaas mula sa P12.3 billion na alokasyon ngayong taon.

 

 

Kabilang din ang  P13.05 billion, mula sa kasalukuyang  P7.1 billion,  para sa “repair and reconstruction of permanent structures, including capital expenditures for pre-disaster operations, rehabilitation and other related activities.”

 

 

Hindi naman kasama sa  panukala ng  NDRRMF ang ‘ line item’ para sa  Marawi Siege Victims Compensation Fund, na mayroong P1 billion alokasyon para ngayong taon.

 

 

Ang Republic Act 11696 o  Marawi Siege Victims Compensation Act ay nilagdaan upang maging ganap na batas noong April 2022, lumikha ng  Marawi Compensation Board.  Ang  board ay nakalista ng hiwalay sa ilalim ng “Other Executive Offices” at may panukalang budget na P1,117,555,000 para sa taong 2024.

 

 

Samantala, ang panukalang calamity fund ay naglalaman ng P7.425 billion Quick Response Fund (QRF) para sa “Department of Agriculture (P1 billion, kahalintulad ngayong 2023), Department of Education (P3 billion, tumaas mula sa  P2 billion ngayong taon), Department of Health  (P500 million, kapareho ngayong taong 2023), Department of Interior and Local Government (DILG)-Bureau of Fire Protection (P50 million, kaparehong ngayong taon),  DILG-Philippine National Police  (P50 million, kapareho ngayong taon), Department of National Defense-Office of Civil Defense  (P500 million, kaparehong ngayong 2023), Department of Public Works and Highways  (P1 billion, bumaba mula sa  P11 billion ngayong taon), Department of Social Welfare and Development  (P1.25 billion, bumaba mula sa  P1.75 billion ngayong taon) at  Department of Transportation-Philippine Coast Guard  (P75 million) (Daris Jose)

Klase sa public schools sa Agosto 29 na

Posted on: August 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PORMAL nang inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) kahapon ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

 

 

Sa abiso ng DepEd, magbubukas ang klase para sa School Year 2023-2024 sa lahat ng public schools sa Agosto 29, 2023.

 

 

Samantala, ipinauubaya naman ng DepEd sa mga pribadong paaralan ang pagtatakda ng petsa ng pagsisimula ng pasok ng kanilang mga mag-aaral.

 

 

Anang DepEd, maa­aring magbukas ng klase ang mga private school simula sa unang Lunes ng Hunyo, ngunit hindi dapat na lampas sa huling araw ng Agosto. (Daris Jose)

P215.64-B budget, inihirit para sa flood control projects sa 2024 – DBM

Posted on: August 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINITINGNAN ng administrasyong Marcos ang budget allocation na P215.643 billion para pondohan ang  flood mitigation projects para sa taong 2024.

 

 

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ang panukalang budget ay kasama sa 2024 National Expenditure Program (NEP) para sa  Department of Public Works and Highways (DPWH) Flood Management Program.

 

 

“In 2023, for this year, we have a budget of P185 billion and for 2024, we proposed P215.643 billion under the Department of Public Works and Highways’ Flood Management Program,” ayon sa Kalihim.

 

 

Sinabi pa ni Pangandaman na sa ilalim ng panukalang 2024 project ng  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), tinatayang may P1.3 billion ang gagastusin para sa  flood mitigation projects.

 

 

Mayroon din aniyang  “foreign-assisted” projects gaya ng Pampanga Integrated Disaster and Risk Resiliency Project at ang  Bulacan Angat Water Transmission Project.

 

 

“For Pampanga, it’s a loan so we just funded the government counterpart. So for the Pampanga, it’s P1.397 billion and for Bulacan, it’s P7.4 billion,” dagdag na wika ni Pangandaman.

 

 

Samantala, humirit  naman ang administrasyong Marcos ng P543.45 billion para sa implementasyon ng climate change mitigation at adaptation projects at mga programa para sa susunod na taon.

 

 

Ang panukalang budget para sa  climate change expenditure tagging ay katumbas ng 9.4% ng kabuuang panukalang budget, lampas sa  commitment  ng gobyerno na 8% share sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023-2028.

 

 

“Much of the projects is for water sufficiency (P294.46 billion); for sustainable energy (P180.72 billion); for climate-smart industries and services (P6.02 billion); for ecosystem and environmental sustainability (P5.95 billion),” ayon pa rin sa Kalihim.

 

 

“Another P12.97 billion [will be] for knowledge and capacity development; food security (P40.18 billion); human security (P2.58 bilion); and cross cutting actions (P550 million),” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Ads August 5, 2023

Posted on: August 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments