• November 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 9th, 2023

Matapos ang pakikipaglaban sa stage 4 cancer: Ama ni LIZA na si ex-DILG undersecretary Martin Diño, pumanaw na

Posted on: August 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PUMANAW na kahapon, ika-8 ng Agosto, ang 66 year-old father ni Liza Diño-Seguerra na si former Department of Interior and Local Government Undersecretary Martin Dino matapos ang pakikipaglaban sa stage 4 cancer.

 

 

Sa kanyang FB post, kinumpirma ng former chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang malungkot na balita.

 

 

Una rito ang kanyang mensahe sa namayapang ama…

 

 

“My dear Papa,
“You fought until the end; we all did. And you were surrounded by prayers of countless people whose lives you’ve touched. Only God knows why, despite all the outpour of love and support, things have to come to an end—but for now, at least no more pain na papa ko.
“I love you so much. You’re always in my heart.”
Kasunod naman ang official statement ng kanilang pamilya…
“It is with profound sadness that we announce the passing of our beloved Martin Diño, Former Undersecretary of the Department of the Interior and Local Government (DILG).
“Bobot,” as he is fondly called, peacefully died at 2:15 am on August 8, 2023, surrounded by his family. He suffered from acute respiratory failure and has been battling with stage IV lung cancer for more than a year. He was 66.
“He is survived by his spouse Marissa B. Diño, mother of former FDCP Chair Liza Diño, and sister Marybell Diño.”
Sa pagpapatuloy ng statement, “Martin Diño was not only a dedicated public servant but also a loving husband, father, brother, and friend. His unwavering commitment to his responsibilities, his tireless work ethic, and his passion for service defined his life’s journey. His contributions to our nation’s progress, particularly on local governance and barangay development, will forever stand as a testament to his commitment to a better society.
“Former Undersecretary Martin Diño’s legacy extends beyond his distinguished role in government. As the former Chairman of the Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) organization, he epitomized the spirit of advocacy, using his voice to champion the rights of the oppressed and fight against injustice.
“Through VACC, he stood unwaveringly by the side of the marginalized, his dedication and commitment leaving an indelible mark on the fight for a better world.
“During this challenging time, our hearts are heavy with grief, but we are comforted by the outpouring of love and support from friends, colleagues, and well-wishers. We extend our heartfelt gratitude to all those who have offered their prayers.
“His legacy of resilience, compassion, and a deep sense of duty will forever guide us.
“We shall share details about his funeral arrangements soon. Thank you.
Martin Badulis Diño July 25, 1957-August 8, 2023.”
Nag-post din ng mensahe ng pasasalamat at pagmamahal ang asawa ni Liza na si Ice Seguerra…
“Thank you so much, Papa Martin, for accepting and embracing me as one of your own.
“I remember our conversation when I asked you if you would allow me to marry your daughter; you readily said yes and that you were happy because you knew that I would take good care of Liza and Amara. Thank you for trusting me.
“Matagal ka rin lumaban, Papa. Lumaban para sa bayan, para sa mga anak mo, at sa cancer. Pero ngayon, pwedeng pwede ka na magpahinga.
“I love you, papa!”
Mula sa bumubuo ng People’s Balita, ang aming taos pusong pakikiramay.

(ROHN ROMULO)

Kahit business course ang gustong kunin: JILLIAN, dumating na sa puntong papasukin ang medical field

Posted on: August 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAKATUTUWA dahil makalipas ang labing-tatlong taon ay muling nagkita sina Jillian Ward at Jessica Soho.

 

Limang taon lamang si Jillian at bida sa ‘Trudis Liit’ nang nakapanayam ni Ms. Jessica ang noo’y child wonder.

 

Ngayon, at eighteen at bida sa top-rating na ‘Abot-Kamay Na Pangarap’ ng GMA ay muling nainterbyu ni Ms. Soho si Jillian sa mismong set ng kanilang drama series.

 

Napag-usapan nila ang tungkol sa edukasyon ng aktres at naikuwento ni Jillian kay Jessica na dumating na raw sa punto na naisipan niyang pasukin ang medical field.

 

“Ngayon po, naiisip ko na po siya kasi sabi po sa amin ng consultant po namin na doctor, pupuwede raw po akong mag-aral ng medicine kasi raw po yung memorization ko raw po bagay daw po sa field nila.”

 

Gumaganap si Jillian bilang si Dra. Analyn Santos sa AKNP.

 

Ibinahagi rin ni Jillian kung ano talaga ang balak niyang kunin na kurso sa kanyang college life.

 

“Pero ako po kasi gusto ko po talagang i-pursue law kapag may time na po. Pero ngayon ang course na kukunin ko is business.”

 

Mahalaga kay Jillian ang pag-aaral kahit abala sa taping para sa hit GMA medical drama series, hindi niya napabayaan ang kanyang pag-aaral.

 

Kamakailan lang, nakatapagtapos sa senior high school si Jillian at ginawaran pa siya ng highest honor.

 

Abangan pa ang mga susunod na tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

 

***

 

HALOS dalawang taon na sa Pilipinas ang Koreanong doktor na si Dr. Young Cho na siyang nagma-may-ari at head doctor ng Hernel Korean Aesthetic Clinic.

 

Nais niyanh ipakilala at i-promote nang husto sa mga Pilipino ang Korean Aesthetic services.

 

 “I’ve been here a year and a half and the purpose of me going to the Philippines is to operate a Korean aesthetic clinic, which I believe no one ever has done before, to promote Korean aesthetic program to the Philippine market.”

 

Ang nagtulak raw sa kanya upang gawin ito ay ang matinding pagkagusto ng mga Pilipino sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa Korean, partikular na ang Korean drama o K-drama, bukod pa s apagkahilig ng mga Pinoy sa mga K-pop artists, maging artista man o singer, boy band man o girl group.

 

“My motivation was there is a Korean wave, culture wave is starting to boom in the Philippines and I was just trying to introduce all these Korean aesthetic programs.”

 

Dagdag naman ni Tristan Cheng na Marketing Head ng Hernel…

 

“I think the intention of Hernel is very clear, bringing in how they do it in Korea readily available here in the heart of Manila, is just…it’s a bonus for us, we all are… I would say, a part of us are patronizing Korean waves, even for food, even for entertainment, music especially, you guys know about it.

 

“And of course Filipinos are very ‘metikuloso’, if I may use that word, we are very vain when it comes to our skin, and Koreans are…if I may say, if not the best, they are the number one when it comes to taking care of their skin.

 

“So, I think it’s just good that Hernel is here, and it is an advantage for everyone, and hopefully bringing in better service by bringing in more branches to come.”

 

Si Dr. Cho ay matalik na kaibigan ng dating manager ng Korean superstar na si Hyun Bin kaya naman personal niya ring kilala si Hyun Bin at ang asawa nito.

 

Kaya tiyak na ikakatuwa ng mga Pinoy fans ni Hyun Bin na may posibilidad na dalhin ni Dr. Cho dito sa Pilipinas ang Korean superstar.

 

Ang Hernel Aesthetic Clinic ay nasa ground floor ng Seibu Tower, 26th Ave. corner 1634 Durian St, Taguig.

(ROMMEL L. GONZALES)

DepEd, pangungunahan ang 2023 National ‘Brigada Eskwela’ kick-off sa Tarlac

Posted on: August 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ng Department of Education (DepEd) ang  National “Brigada Eskwela” (BE) kick-off program  ngayong taon sa mga pampublikong paaralan sa lalawigan ng Tarlac.

 

 

Ang “Brigada Eskwela” ay inisyatiba ng DepEd sa ilalim ng Adopt-A-School Program na nananawagan para sa  “engagement and collaboration” ng iba’t ibang  personnel at stakeholders,  gaya ng subalit hindi limitado sa estudyante, guro, school officials, pribadong indibidwal, community members, local government officials, non-government organizations (NGOs), religious groups, at iba pang private sector para sa pagiging handa ng mga paaralan sa pagbubukas ng klase.

 

 

Gaya ng inanunsyo ng DepEd, ang  national kick-off program  ay ginawa noog Lunes, Agosto 7, sa  Tarlac National High School.

 

 

Pinayagan naman ng DepEd  ang Regional Offices (ROs) at Division Offices (DOs) nito na magdaos ng kanilang sariling kick-off ceremonies at advocacy activities matapos ang national kick-off program. Mula Agosto 8 hanggang 11, maaaring maglunsad at ikampanya ng ROs at DOs  ang “Brigada Eskwela” sa kani-kanilang mga lugar.

 

 

“Known as the National Schools Maintenance Week, the BE also refers to a week dedicated to the conduct of activities to prepare the school for the opening of classes,” ayon sa DepEd.

 

 

Para sa  School Year (SY) 2023-2024, ang DepEd, sa pamamagitan ng External Partnerships Service (EPS), ay magpapatupad ng “Brigada Eskwela” Program sa Agosto  14 hanggang  19 na may temang  “Bayanihan Para sa MATATAG na Paaralan.”

 

 

Matatandaang, tinintahan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang  DepEd Order No. 21 series of 2023, may petsang Agosto 3 o  2023 Brigada Eskwela Implementing Guidelines.

 

 

“School heads, teachers, and other school personnel were “strictly prohibited” from soliciting or collecting any form of contribution including volunteers, partners, and stakeholders,” ang nakasaad sa DO.

 

 

“The Brigada Eskwela activities shall focus on voluntary work and participation to ensure that schools are adequately prepares for the upcoming school year,” ang wika ng DepEd.

 

 

Ang paghahanap para sa ‘best implementing schools’ at iba pang aktibidad ay hindi na bahagi ng BE, sinabi ng  DepEd na ang hakbang na ito ay naglalayong tiyakin na ang programa ay magiging “true to the spirit of volunteerism.”

 

 

Sa kabila nito,  pinayagan naman ng DepEd ang  “recognition and appreciation of partners and stakeholders that “contributed to the success” ng BE.” Gayunman, pagdedesisyunan aniya ito ng ‘school, district, o division levels only.’

 

 

Samantala, sinabi pa ng DepEd  na ang lahat ng  Covid-19 restrictions, kabilang na subalit hindi limitado sa pagsusuot ng face masks at pagdistansiya ay binawi na sa pamamagitan ng ipinalabas na  Presidential Proclamation No. 297,  nagsasaad nang pagbawi sa State of Public Health Emergency sa buong bansa  dahil sa  Covid-19.  (Daris Jose)

PBBM conducts aerial inspection, relief distribution in Bulacan

Posted on: August 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

CITY OF MALOLOS – To further assess the situation of the Province of Bulacan following the onslaught of Typhoons Egay and Falcon, President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. conducted an aerial inspection over the province followed by a situational briefing in Balagtas Hall and disaster relief distribution for the affected Bulakenyos at The Pavilion in Hiyas ng Bulacan Convention Center here respectively.

 

 

Coming from Pampanga via a helicopter, PBBM surveyed the areas in Bulacan to assess the extent of damages and gain a comprehensive overview of its current state especially those that are still submerged with flood water.

 

 

The President was welcomed by Bulacan Gov. Daniel R. Fernando, Vice Gov. Alexis C. Castro, municipal mayors from the 20 towns and three cities in the province, heads of different departments from the Provincial Government of Bulacan headed by Provincial Administrator Antonia V. Constantino, and other concerned agencies.

 

 

Fernando presented to PBBM the gathered reports regarding accumulated damages from all sectors as well as the conducted efforts of different agencies including Provincial Agriculture Office, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Provincial Veterinary Office and Provincial Social Welfare and Development Office.

 

 

Furthermore, the President also passed by the relief distribution to witness and hear firsthand the situation of affected Bulakenyos.

 

 

Along with this, the Department of Labor and Employment also distributed a total of P770,924.00 for the 154 beneficiaries of Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantage Workers (TUPAD), which is part of the total of 9,465 beneficiaries in the province with allotted total amount of P41, 697, 600.00 who will receive their payout in their respective municipalities.

 

 

Other than that, DOLE Secretary Bienvenido E. Laguesma facilitated the downloading of an additional fund allotment for emergency employment under the TUPAD program amounting to P80,000,000.00, while a portion of it amounting to P31,500,913.68 was allotted for the PGB to benefit some 6,100 TUPAD beneficiaries which is set for identification in accordance to the new DILEEP Guidelines.

 

 

Also, the DOLE Regional Office III granted DILP grant checks to six Local Government Units amounting to P3,800,000 through their respective Local Chief Executives including the Municipality of Angat with P500,000 for its 50 beneficiaries of livelihood starter and enhancement kits; P300,000 for the 15 beneficiaries from the Municipality of Obando; P500,000 for the 20 beneficiaries of the Municipality of San Miguel; P500,000 for the 25 beneficiaries from Municipality of Paombong; PP1,000,000 for the 50 beneficiaries from Municipality of San Rafael and P1,000,000 for the 66 beneficiaries from the City of Meycauayan.

Dengue, leptospirosis, TB mas delikado na kaysa COVID-19

Posted on: August 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAS DAPAT mabahala ngayon ang mga Pilipino sa dengue, leptospirosis at iba pang sakit kaysa COVID-19 dahil mas nakamamatay na ito ngayon lalo ngayong pagtama ng tag-ulan sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

 

 

Sa kasalukuyan, ikinatwiran ni Health Secretary Teodoro Herbosa na mas mababa na ang bilang ng tinatamaan ng COVID-19 kumpara sa dengue at leptospirosis. Mas mababa na rin umano ang bilang ng mga naoospital at namamatay dito.

 

 

Mula nitong Enero hanggang Hulyo 22, nakapagtala na ng higit 85,000 kaso ng dengue sa buong bansa. Nag-umpisa ang pagtaas ng bilang ng kaso sa pagpasok nitong buwan ng Abril at lumala pa nitong Hunyo.

 

 

Sa naturang bilang, nasa 299 ang iniulat na nasawi o may fatality rate na 0.37%.

 

 

Sa kaso ng leptospirosis, nakapagtala na ng kabuuang kaso na 2,079 mula Enero hanggang Hulyo 15, na may nasawi na 225 sa buong bansa.

 

 

Nitong Agosto 4, mayroon na lamang 3,832 aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa makaraang madagdagan ng 154 bagong kaso.  Nitong Agosto 2, 50 ang nadagdag sa talaan ng nasawi sa naturang sakit.

 

 

Sa mga nasasawi dahil sa COVID-19, karaniwan umano na mga may edad na o may comorbidity ang dinadapusan ng virus.

 

 

“’Yung COVID-19… para na siyang isa sa mga sakit natin. At mas nakamamatay pa ang dengue tsaka [leptospirosis tsaka tuberculosis],” saad ni Herbosa.

 

 

Ngunit hindi pa rin umano dapat magpabaya dahil sa anumang oras ay maaari pa rin na magkaroon ng outbreak. Kaya payo niya, magpaturok pa rin ng bakuna at palagiang magsuot ng face mask sa mga matataong lugar para makaiwas makakuha ng COVID at maging ibang mga sakit na naihahawa.

May book signing and tour sa ibang bansa: PIA, pinasilip na ang magiging book cover ng upcoming novel

Posted on: August 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINASILIP ni Pia Wurtzbach ang magiging book cover ng kanyang upcoming novel na may titulong ‘Queen of the Universe: A Novel: Love, Truth, Beauty.’

 

 

Sa kanyang Instagram account, nag-share si Miss Universe 2015 ng photos na hawak niya ang kanyang libro na may pink cover at white silhouette ng isang babae.

 

 

“Here’s my book cover and I can’t wait for you to meet Cleo, the main character in my book,” sey ni Queen Pia na magiging available ang book sa Pilipinas sa September. Ngayon ay available na ito for preorder via Amazon.

 

 

Inaayos na rin ni Pia ang kanyang magiging schedule kapag na-launch na ang libro niya next month.

 

 

Magkakaroon din siya ng book signing at book tour sa ibang bansa.

 

 

Ang ibang celebrities na nag-publish ng sarili nilang libro tulad ni Pia ay sina Heart Evangelista, Alden Richards, Mark Bautista, Maine Mendoza and Michael V.

 

 

***

 

 

GRATEFUL ang Filipino-American rapper na si Ez Mil matapos ang collaboration nila ng idolo niyang si Eminem para sa bago niyang track na “Realest.”

 

 

Surreal nga raw ang feeling na natupad ang dream niyang naka-collab si Eminem.

 

 

Sa kantang “Realest,” ibinahagi ni Ez Mil ang tungkol sa pagsisimula ng kaniyang career at mga tagumpay sa hinaharap, habang nagbitaw naman si Eminem ng isang powerful verse tungkol sa pagbangon mula sa mga kritisismo at ang pagpapatuloy bilang isang artist.

 

 

Sinabi ni Ez Mil na malaki ang kanyang pasasalamat sa oportunidad, at honored siyang maka-collab ang Grammy and Oscar-winning American rapper.

 

 

Hiling ni Ez Mil na masilayan pa sana ng buong mundo ang galing ng musikang Pinoy.

 

 

“Keep going. Ipagpatuloy mo lang. Huwag mong susukuan ang pangarap mo, kaya mo ‘yan, kaya natin ‘to,” sabi ni Ez Mil.

 

 

Si Ez Mil, na si Ezekiel Miller sa tunay na buhay, ay ipinanganak sa Olongapo pero nakabase na siya ngayon sa Las Vegas, Nevada.

 

 

***

 

 

KABILANG na ang Hollywood film na ‘Barbie’ sa billion-dollar club!

 

 

Nalagpasan ng pinik-coated fantasy comedy ni Greta Gerwig ang $1 billion mark sa global box office. Barbie has earned about $1.03 billion worldwide as of Sunday, according to Box Office Mojo.

 

 

Nag-gross naman ito ng $459 million in North America. Si Gerwig ang first-ever solo female filmmaker with a billion-dollar film.

 

 

Tatlong billion-dollar blockbusters naman ang co-directed by women: Frozen ($1.3 billion) and Frozen 2 ($1.45 billion) both co-directed by Jennifer Lee and Chris Buck. Captain Marvel ($1.1 billion), co-directed by Anna Boden and Ryan Fleck.

 

 

Narating ng Barbie ang billion-dollar mark in just 17 days, becoming the fastest Warner Bros. release (and eighth in the studio’s 100-year history) to join the $1 billion club. Ang may hawak ng record na ito ay ang pelikulang Harry Potter and the Deathly Hallows: Part 2 na may record na 19 days.

 

 

Ang Barbie ang second blockbuster this year and the sixth of the pandemic-era to cross $1 billion, following Spider-Man: No Way Home, Top Gun: Maverick, Jurassic World Dominion and Avatar: The Way of Water.

 

 

Barbie has remained No. 1 at the box office for three consecutive weekends kalaban ang mga pelikulang Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem, Meg 2: The Trench and Oppenheimer.

 

 

Barbie is now the second-highest grossing movie of 2023, behind Universal and Illumination’s The Super Mario Bros. Movie, which earned $574 million domestically and $1.35 billion worldwide.

(RUEL J. MENDOZA)

Ads August 9, 2023

Posted on: August 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

US, EU, Japan diplomats nagpahayag ng pagkabahala sa akyon ng Tsina sa PCG boats

Posted on: August 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAY ilang foreign diplomats ang nagpahayag ng pakabahala sa ginawang pagharang at paggamit ng water cannon ng China Coast Guard sa isang sibilyan na barko na inarkila ng militar para magdala ng suplay sa mga sundalong naka station sa BRP Sierra Madre sa bahagi ng Ayungin Shoal.

 

 

Sa tweet ni Australian Ambassador to the Philippines HK Yu, sinabi nito na ang kanyang bansa ay  “concerned by the latest actions directed against the Philippines,” inilarawan ito bilang “dangerous and destabilizing.”

 

 

“We reiterate our call for peace, stability, and respect for UNCLOS (United Nations Convention for the Law of the Sea) in the South China Sea – a vital international waterway,” ayon kay Yu.

 

 

Sa tweet  naman ng Canadian Embassy in the Philippines  na  ito’y  “unreservedly condemns the dangerous and provocative actions”  sa ginawa ng CCG.

 

 

Ang naging aksyon aniya ng  CCG ay “unacceptable and inconsistent witht the obligations of the People’s Republic of China (PRC) under international law.”

 

 

“Canada reiterates its support for international law, including the 2016 arbitral dedcision on the South China Sea, which is final and binding, and calls on the PRC to comply with its obligations under international law,” ayon sa embahada.

 

 

Muling ipinanawagan naman ng  British Embassy Manila ang naging panawagan ng ibang diplomat na “peace and stability” sa rehiyon. Sinabing ipagpapatuloy ng  United Kingdom na panindigan ang commitment  nito sa international law,  tinukoy ang UNCLOS.

 

 

Winika naman ni Luc Véron,  European Union’s (EU) ambassador to the Philippines, sa kanyang tweet na suportado ng EU  ang Pilipinas dahil patuloy na  pinaninindigan nito ang rules-based international order  at nagpahayag ng suporta sa “legally binding nature of the 2016 South China Sea arbitration.”

 

 

Nagpahayag naman ng suporta si Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa sa Pilipinas at nagsabing  ang  ginawa ng  CCG ay “totally unacceptable.”

 

 

Suportado rin nito ang nasabing  maritime order batay sa UNCLOS at 2016 arbitral award.

 

 

Nagpakita rin at nagpahayag ng suporta ang  German Embassy in the Philippines, hinikayat ang lahat ng partido na igalang ang  UNCLOS, kasama ang 2016 arbitral award. center.

 

 

“In light of recent events, Germany stresses that disputes must be resolved peacefully not by force or coercion,” ayon sa kalatas nito.

 

 

Nauna rito, nagpahayag din ng suporta ang Estados Unidos sa Pilipinas sabay sabing ang naging asal at pagkilos ng China ay  “unwarranted interference in lawful Philippine maritime operations.”

 

 

“The United States reaffirms an armed attack on Philippine public vessels, aircraft, and armed forces—including those of its Coast Guard in the South China Sea—would invoke U.S. mutual defense commitments under Article IV of the 1951 U.S. Philippines Mutual Defense Treaty,” ayon sa kalatas ng US Department of State.

 

 

Samantala, para naman sa China, ginawa lamang nito ang “necessary controls” laban sa Pilipinas na ilegal na pumasok sa inaangkin nitong katubigan.

 

 

“Two repair ships and two coast guard ships from the Philippines illegally broke into the waters… in China’s Nansha Islands,” ayon kay China Coast Guard spokesperson Gan Yu  sabay sabing ipinatupad lamang ng Beijing ang  “necessary controls in accordance with the law and stopped Philippine ships carrying illegal building materials.” (Daris Jose)

Agri damage dahil sa Habagat, Egay, Falcon, pumalo na sa P2.9 billion –NDRRMC

Posted on: August 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT na sa P2.9 bilyong piso ang pinsala at pagkalugi sa sektor ng agrikultura dahil sa  Southwest Monsoon (Habagat) na pinalakas ng mga bagyong  Egay at Falcon.

 

 

Base sa pinakabagong situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang  Department of Agriculture (DA) ay nakapagtala ng P2,944,689,603.82 sa production loss o halaga ng pinsala sa  Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Bangsamoro Region, at Cordillera Administrative Region (CAR).

 

 

Tinatayang may 108,729 mangingisda at magsasaka ang apektado ng  napinsalang 153,268.39 ektarya na lugar ng pananim.

 

 

Habang 132,074.62 ektarya ang  partially damaged at nananatiling may tsansa na makabawi. May 20,104.44 ektarya ang totally damaged at wala ng pag-asa na makabawi pa.

 

 

Sa kabilang dako,  ipinaskil naman ng National Irrigation Administration (NIA) ang P137,781,000 halaga ng danyos sa Mimaropa at CAR.

 

 

Dahil sa masungit at masamang panahon pa rin, nawasak ang  573 istraktura, nagkakahalaga ng  P3,631,012,164.44 sa infrastructure damage.

 

 

Nakapagtala naman ang CAR ng pinakamataas na  infrastructure damage na may 347 structures na may halagang P2,261,635,339.74.

 

 

Ang napaulat na casualty ay nananatili naman sa  29, dalawa rito ang kumpirmado. Mayroon namang 11 iba pa na nawawala at 165 ang sugatan.

 

 

Dahil sa bagyong  Egay at Falcon at Habagat, naapektuhan ang  3,032,077 katao o 806,836 pamilya sa 4,833 barangay sa buong bansa.

 

 

Mayroon ding 648 evacuation centers na pinagdalhan sa  51,000 displaced individuals o 13,000  pamilya habang mahigit naman sa 233,000 katao o 57,000 pamilya ang nanunuluyan sa labas ng evacuation centers.

 

 

Nakapagtala naman ang NDRRMC ng  60,991 nawasak na bahay dahil sa  weather disturbances. Sa mga nasabing bahay, mayroong 58,610 ang partially damaged, at 2,381 ang totally damaged.

 

 

Mayroon ding 62 mga kalsada at apat na tulay ang hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nadadaanan.

 

 

Sinabi pa ng  NDRRMC na may  P269,448,936.61 na tulong ang ipinagkaloob sa mga apektadong rehiyon.  (Daris Jose)

PBBM, tikom ang bibig sa naging meeting kay dating Pangulong Duterte

Posted on: August 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TUMANGGI si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na idetalye ang naging pakikipagulong nito kay dating Pangulong  Rodrigo Roa Duterte.

 

 

Matatandaang, nagpunta ng Palasyo ng Malakanyang noong nakaraang linggo si Duterte para makapulong si Pangulong Marcos at pag-usapan ng mga ito ang naging meeting ng una kay  Chinese President Xi Jinping in China.”

 

 

Inusisa kasi  ng mga mamamahayag si Pangulong Marcos sa isang event sa  Bulacan ukol sa naging pulong nila ni Duterte, ang naging sagot ni Pangulong  Marcos  ay mas nais nito na panatilihing confidential ang kanilang naging pag-uusap dahil may kinalaman ito sa ‘operational aspects’ ng Philippine military.

 

 

“There are other things na napag-usapan  which I think need to remain confidential, that’s between President Digong and myself. Again, these are operational aspects of our military, of our Navy, of our Coast Guard, kaya’t mahirap masyado pag-usapan. I hope you will indulge me there,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Ang video  mula sa Presidential Communications Office (PCO) at mga larawan mula sa official Facebook ni Senador Bong Go ay nagpapakita na bumalik sa Malakanyang ang mga dating miyembro ng gabinete ni Duterte noong Agosto 2.

 

 

Kabilang dito sina Go, dating special assistant to the President; at dating Executive Secretary Salvador Medialdea.

 

 

Noong nakaraang buwan, nakipagpulong si dating Pangulong Duterte kay Chinese President Xi Jinping sa Beijing Lunes, ayon sa state media ng China.

 

 

Iniulat na sinalubong ni Xi si Duterte sa Diaoyutai State Guesthouse.

 

 

Kasama ni Duterte si dating executive secretary Salvador Medialdea, habang kasama ni Xi si State Counselor Wang Yi, Communist Party of China (CPC) Committee ng Ministry of Foreign Affairs member Ma Zhaoxu, Vice Minister of Foreign Affairs Sun Weidong, at Assistant Foreign Affairs. Ministro Hua Chunying.

 

 

Ayon kay Hua ­Chunying, tagapagsalita ng Chinese Ministry of Foreign Affairs, sinabi ni Xi na pinahahalagahan niya ang piniling strategy ni Duterte upang mapabuti ang relasyon ng Pilipinas at China sa panahon ng kanyang pagkapangulo.

 

 

Pinahahalagahan din ng China ang relasyon nito sa Pilipinas at handang makipagtulungan sa Maynila sa pagpapanatili ng paglago ng bilateral relations.

 

 

Nagpahayag din si Xi ng pag-asa na ang da­ting pinuno ng Pilipinas ay patuloy na magsusulong ng “friendly cooperation” sa pagitan ng dalawang bansa.

 

 

Samantala, sinabi ni Pangulong Marcos na batid niya ang byaheng ito ni Duterte sa China at malugod niyang tinanggap ang  anumang bagong linya ng komunikasyon sa  Asian power sa gitna ng mga usapin sa  South China Sea.  (Daris Jose)