• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 10th, 2023

Kawalang trabaho tumalon sa 4.5% nitong Hunyo, ayon sa PSA

Posted on: August 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
UMAKYAT ang bilang at porsyento ng walang trabaho sa work force ng Pilipinas matapos itong humataw sa 2.33 milyon nitong Hunyo, mas mataas ng 159,000 kaysa noong Mayo 2023.
Ito’y matapos lumobo 4.5% ang unemployment rate para sa naturang buwan, mas mataas kumpara sa 4.3% bago ito, sabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Miyerkules.
“The number of unemployed persons in June 2023 decreased to 2.33 million from 2.99 million in June 2022, posting a year-on-year decline of 663 thousand unemployed persons,” sabi ng ahensya kanina.
“However, the number of unemployed persons in June 2023 was higher by 159 thousand compared with the number of unemployed persons in May 2023.”
Naitala sa naturang June 2023 ang mga naturang datos:
unemployment rate: 4.5%
unemployed: 2.33 milyon
underemployment rate: 12%
underemployed: 5.87 milyon
employment rate: 95.5%
employed: 48.84 milyon
labor force participation rate: 66.1%
Kapansin-pansing mas mataas ang underemployment rate sa ngayon kumpara noong Mayo sa 11.7%. Tumutukoy ito sa milyun-milyong Pilipinong naghahangad pa ng dagdag na oras sa trabaho o dagdag na trabaho.
Karaniwang ginagawa ito sa tuwing naghahanap nang mas maraming kita ang tao.
Sumabay ang mas mataas na unemployment rate at mas maraming walang trabaho sa pagbaba ng employment rate sa 95.5%. Matatandaang nasa 95.7% ito noong Mayo 2023.
“By broad industry group, the services sector continued its dominance among the sectors in terms of number of employed persons with a share of 58.2 percent,” dagdag ng PSA.
“The agriculture and industry sectors accounted for 23.8 percent and 18.0 percent share, respectively.”
Hulyo lang nang ibida ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang pag-igi ng kawalang trabaho nitong Mayo, bagay na malayo na raw sa naramdaman ng ekonomiya sa gitna ng COVID-19 lockdowns.
Bilang tugon, agresibo raw ang pamahalaan sa investment at business promotions and facilitations.
Nangyayari ang lahat ng ito matapos iulat ng Social Weather Stations na umakyat sa 10.4% ang bilang ng mga pamilyang Pilipinong nagsabing nakaranas sila ng kawalang pagkain bago nagtapos ang Hunyo.

Tax amnesty extension, naging ganap na batas

Posted on: August 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGING ganap na batas na  ang ipinasang panukalang batas na layong palawigin ang deadline ng pagkuha ng estate tax amnesty ng dalawa pang taon o hanggang June 2025.

 

 

Kahit wala ang pirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., “the availment of the estate tax amnesty  lapsed into law on August 5.

 

 

Nakasaad sa Republic Act No. 11956, pinalalawig ang Estate Tax Amensty  period  ng hanggang Hunyo 14, 2025 at kasama rito ang estates  o  ari-arian ng mga namatay sa araw mismo o bago ang  Mayo 31, 2022.

 

 

Naka-uploaded ito sa Official Gazette, araw ng Martes, Agosto 8.

 

 

Nakapaloob sa Section 4 ng batas na pinahihintulutan ang pagbabayad ng installment sa loob ng dalawang taon mula sa original payment date na walang kaukulang civil penalty at interest.

 

 

Ang pagbabayad ng amnesty tax  ay maaaring gawin sa pamamagitan ng  “electronically o manually, at the time the Return is filed with any authorized agent bank, Revenue District Officer through the Revenue Collection Officer or authorized tax software provider.”

 

 

Inaatasan naman ang  Secretary of Finance, na makipag-ugnayan sa Commissioner ng Bureau of Internal Revenue, sa pagbalangkas ng rules and regulations sa loob ng 30 araw mula sa effectivity ng batas.

 

 

Ang nasabing  batas ay magiging epektibo, 15 araw matapos ang publikasyon sa  Official Gazette o sa dalawang pahayagan na may general circulation. (Daris Jose)

PBBM, tiniyak na may sapat na stock ng bigas ang Pinas

Posted on: August 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr.  na may sapat na  stock o imbak ng bigas  ang Pilipinas na tatagal hanggang matapos ang El Nino phenomenon sa susunod na taon.

 

 

Nauna rito, nakipagpulong si  Pangulong Marcos sa pangunguna ng Private Sector Advisory Council at Philippine Rice Stakeholders Movement (PRISM) sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

“The rice situation is manageable and stable. There is enough rice for the Philippines up to and after the El Niño next year,” ayon sa Pangulo.

 

 

Bago pa ang pahayag na ito ng Chief Executive, nag-presenta muna sa kanya ang Department of Agriculture (DA) at PRISM ng rice supply outlook para sa bansa hanggang sa pagtatapos ng  2023.

 

 

Nagpatawag ng miting ang Pangulo  kasama ang mga stakeholders para pag-usapan ang kalagayan ng  rice industry at mga hakbang para masiguro na sapat ang suplay ng bigas sa bansa.

 

 

Sa nasabing pagpupulong, sinabi ni DA Undersecretary Merceditas Sombillo na “with the low scenario with the assumption of a maintained level of production, the projected ending stock for 2023 is 1.96 million metric tons (MMT), enough to last for 52 days.”

 

 

Tinuran pa ni Sombillo  na  “the ending stock projection based on data from the Philippine Statistics Authority presents an even better scenario as the ending stock is projected at 2.12 MMT, which would last for 57 days.”

 

 

Ang pag-aani ng  palay ay nakatakdang magsimula sa Setyembre  hanggang Nobyembre.

 

 

Sa isang panayam, tiniyak naman ni  Rowena del Rosario-Sadicon, lead convenor  PRISM, sa publiko na may sapat na suplay ng bigas sa pagtatapos ng taon.

 

 

Aniya, naging positibo ang kinalabasan ng pakikipagulong nila kay Pangulong Marcos kasama ang  Private Sector Advisory Council (PSAC).

 

 

“We don’t need to panic for anything else. Kalma lang po tayo. It’s very important that we are one in our objective to be positive on this. Mayroon po tayong sapat na bigas,” ayon kay Del Rosario-Sadicon. (Daris Jose)

15 HANGGANG 20 MAMBABATAS PABOR NA GAWING LIGAL ANG MEDICAL CANNABIS

Posted on: August 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
ISINIWALAT ng scientist inventor na si Dr. Richard Nixon Gomez nitong Lunes na 15 hanggang 20 mambabatas pa ang pabor na gawing ligal ang paggamit ng medical cannabis.
Matatandaang ang mga nangunguna sa pagsusulong ng ligalisasyon ng medical cannabis ay sina dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, House Committee on Dangerous Drugs Chairman Congressman Ace Barbers at Congressman Pantaleon Alvarez, at Senador Robinhood “Robin” Padilla.
“Dapat nating gawing ligal ito (medical cannabis), sabi ng karamihan sa mga mambabatas last week,” wika ni Dr. Gomez.
“Mayroon ng compassionate special permit (from FDA), di na kailangang gawing ligal ang medical cannabis, ayon naman sa mga mambabatas,” dagdag ni Dr. Gomez.
Sa Media Health Forum sa Lungsod Quezon, si Dr. Gomez, na president at chief executive officer ng Bauertek Corporation, ay nagsabing siya ay miyembro na ng Technical Working Group sa Joint Committee on Health at Committee on Dangerous Drugs ng Kamara de Representantes ng 19th Congress.
Si Dr. Gomez, na siya ring general manager ng Bauertek Corporation, ay nagsiwalat na sa joint congressional hearing ng House of Representatives last week, ipinunto ng Food and Drug Administration (FDA) na sa mahigit na 1,000 aplikante pagkatapos ng maraming taon, isang aplikante lang ang naaprubahan ng FDA para sa importasyon ng medical cannabis.
Idinagdag nya na ang isang pasyente ay mangangailangang gumastos ng mga 1.7 milyong piso kada taon para sa importasyon ng medical cannabis, subalit walang importer na gagawin ang importasyon para lamang sa isang pasyente.
Ipinaliwanag ni Dr. Gomez na sa United States, ang ligalisasyon ng medical cannabis ay nagsimula sa Sacramento, California na may dalawang ektaryang manufacturing facility. Ang ligalisasyon ng medical cannabis ay isinasagawa sa bawat City o State.
Idinagdag ni Dr. Gomez na “ang multi-milyong-dolyar na pasilidad sa Sacramento ay di kayang makapagsagawa ng Step 7 or culture of medical cannabis — ang pinakamahirap, pero kayang gawin yun ng Bauertek.”
“Libo-libo o milyon-milyong kababayan natin ang ating matutulungan sa pamamagitan ng medical cannabis,” wika ni Dr. Gomez.
“Kapag tinanggal ang THC, di na makaka-high ang medical cannabis at pwedeng ireseta ng ordinaryong doktor at di kailangan ng ‘S2 prescription’ dahil hindi siya nakaka-high o habit forming,” ipinunto ni Dr. Gomez. (PAUL JOHN REYES)

PBBM, ipinag-utos sa DPWH na lutasin ang problema sa pagbaha sa NLEX sa Gitnang Luzon

Posted on: August 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KASUNOD nang pagbisita sa mga lugar na binaha sa Bulacan at Pampanga, inatasan ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr.  ang  Department of Public Works and Highways (DPWH) na kaagad na gumawa ng aksyon kaugnay sa mga alalahanin  ng mga residente partikular na sa pagbaha sa mga kalsada tungo sa mga lalawigan.

 

 

Sinabi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan  na inatasan ng Pangulo ang departamento na lutasin ag pagbaha sa isang bahagi ng  North Luzon Expressway (NLEX) bridge na kumokonekta sa dalawang lalawigan.

 

 

“Well, that’s the instruction that we got yesterday so we are now going to look for the funds actually to be able to gawin namin iyong pagtaas ng existing na tulay,” ayon kay Bonoan.

 

 

Sinabi pa nito na kinokonsidera ng Pangulo ang proyekto  bilang “urgent matter” na personal nitong dadaluhan.

 

 

Inaasahan naman na ang proyekto ay makukumpleto sa loob ng ilang buwan.

 

 

“Medyo itataas po namin ay iyong existing tulay that crosses over the NLEX ‘no but itataas lang po namin iyong tulay and then NLEX will also raise their carriage wing nila,” ayon kay Bonoan nang tanungin ukol sa consensus sa pagitan niya at ng Panulo sa kung paano reresolbahin ang pagbaha sa  NLEX.

 

 

“One of the ideas or the concepts that had been floated up during the discussion is actually (the) impounding area in the Candaba swamp,” aniya pa rin.

 

 

“There’s going to be a technical study that will be undertaken to implement the impounding area program with the objective to be a more permanent and long-lasting solution,” dagdag na wika nito.

 

 

Samantala, tinugunan naman ni Bonoan  ang tanong hinggil sa blockage ng  waterways sa Bulacan, sinang-ayunan na dapat na panatilihin itong nakabukas at libre sa debris.

 

 

“Iyong mga ginagawa naming mga bypasses, we make sure na hindi ka talaga nakakabara ng mga waterways,” ayon kay Bonoan.

 

 

Binigyang diin naman ni Bonoan ang pangangailangan na itaas ang “carrying capacity” ng ilog sa Bulacan upang mapabilis ang daloy ng  tubig-baha  tungo sa Manila Bay.  (Daris Jose)

Unang pagkikita nila bilang Monique at Carding: BARBIE at DAVID, ipinakita na latest photo para sa ‘Maging Sino Ka Man’

Posted on: August 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IPINAKITA na ng Sparkle GMA Artist Center ang latest photo nina Barbie Forteza at David Licauco para sa upcoming series nilang “Maging Sino Ka Man.”

 

Totally contrasting ang looks nila dito sa dati nilang characters bilang sina Klay at Fidel sa fantasy historical portal series nilang “Maria Clara at Ibarra.”

 

Ibang-iba rin ang suot na damit ni Barbie at si Pambansang Ginoo naman ay naka-all-khaki look at may suot pa siyang earring.

 

Nag-post na rin ang GMA Network ng short video ng “Maging Sino Ka Man” remake, na Barbie will play the role of Monique na ginampanan noon ni Sharon Cuneta. And David will play the role of Carding na unang ginampanan ni Robin Padilla.

 

Bale first meeting iyon nina Monique at Carding sa isang dance hall, na nagkabanggaan sila pero nasalo ni Carding si Monique. Bago ang start ng taping. David shared na he is working on his manner of speech and sling-shot skills para sa role niya as the bad boy Carding.

 

Bukod sa bagong series ng BarDa, may upcoming movie sila, titled “That Kind of Love” na partly shot in South Korea. Ang “Maging Sino Ka Man” ay mapapanood sa primetime slot ng GMA Network, very soon.

 

***

 

FORMER actress Kate Gomez at mommy ng actor na si Rob Gomez, ang umamin na may anak na si Rob sa ka-live nitong si Miss Multinational Philippines 2021 Shaila Robortera. Nagsimula ang issue, matapos mag-guest si Rob sa “Fast Talk with Boy Abunda” at sinabing single pa siya pero happy ang kanyang lovelife. Hindi ito nagustuhan ni Shaila, kaya last August 4, umamin siya sa kanyang Facebook account na may anak sila ni Rob – ang eight-month old daughter nilang si Amelia. Inamin ni Kate na gusto ni Shaila na mag-post si Rob sa sariling socmed account nito ng happy family picture at doon daw medyo sila naguluhan dahil sinabihan silang huwag muna.

 

Pero nanindigan si Kate na hindi totoong itinatago ni Rob sa publiko ang pagkakaroon niya ng girlfriend at anak, dahil sa ospital daw, sa mga check-up sa doctor, kahit sa bakasyon, magkakasama sila, hindi niya itinatago. Ayon pa rin kay Kate, inalok agad ni Rob ng kasal si Shaila nang magdalangtao, hindi lamang natuloy ang pagpapakas dahil namatay ang father-in-law niya na isang pure Chinese at kailangan nilang sundin ang Chinese tradition na bawal silang magpakasal, mag-celebrate ng birthdays, bawal ding magsuot ng pula.

 

That time din si Shaila pa ang bagong crowned na Miss Multinational Ph. Nalungkot si Kate nang magpasya si Shaila na makipaghiwalay kay Rob last Monday, August 7. Tanggap na tanggap daw ng family nila si Shaila at anumang oras pwede silang bumalik sa kanila. Si Rob ay napapanood daily sa “Magandang Dilag” with Herlene Budol and Benjamin Alves, 3:20p.m. sa GMA-7.

 

***

 

VERY entertaining ang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” last Tuesday, na special guests ni Boy ang mga hosts ng “It’s Showtime” na sina Jhong Hilario and Korean comedian na si Ryan Bang na laging sumasagot ng funny, unexpected answers sa mga tanong ni Boy.

 

Isa nga sa nagpahalakhak sa viewers ay nang tanungin si Ryan kung sino ang gusto niyang makatambal kapag gumawa siya ng project sa GMA-7, sagot niya, “si Annette Gozon” Mukha raw kasing Korean si Ms. Annette kaya bagay silang dalawa. Si Ms. Annette, bukod sa humahawak ng mataas na positions as President ng GMA Films and serves as a judge in “Battle of the Judges.”

(NORA V. CALDERON)

Tiktok serye na ’52 Weeks’ wagi sa Hashtag Asia: KYCH at MICHAEL, maghahatid ng kilig sa unang BL series ng Puregold

Posted on: August 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY na nagbabago ang digital na mundo pagdating sa mga pelikula, palabas, at paraan ng video streaming, at patuloy ding sinisikap ng Puregold na manguna sa paglikha ng mga seryeng bago at kakaiba, ngunit papatok at kagigiliwan ng mga manonood dahil lapat sa kanilang mga buhay–ganito ang handog ng retailtainment ng Puregold.

 

 

Nitong mga nagdaang taon, ipinakita ng Puregold ang kakayahan nitong itampok ang kapangyarihan ng mahusay na pagkukuwento, sa pamamagitan ng nauna nitong mga seryeng GVBoys: Pangmalakasang Good Vibes. 

 

 

Sumunod dito ang Ang Babae sa Likod ng Face Mask, at ang katatapos lang na Ang Lalaki sa Likod ng Profile, na talaga namang pumukaw sa atensyon ng mga Pilipino dahil damang-dama nila ang danas ng mga tauhan sa bawat palabas.

 

 

Sa husay ng Puregold, nanalo ang Tiktok serye nitong 52 Weeks ng “Best Social Media Campaign for Tiktok” sa Hashtag Asia.

 

 

Ngayon, handa na muli ang Puregold Channel na sorpresahin ang mga manonood, sa tulong ng una nitong Boy-Love (BL) serye na My Plantito. Sa pinakabagong serye ng Puregold, hangad nito na bigyang-pokus ang mga Kuwentong Panalo ng lahat ng Pilipino, ano man ang estado nila sa buhay.

 

 

Ipinalabas ang opisyal na trailer ng My Plantito noong Agosto 8, eksaktong 8:08 nang gabi, habang nakatakda namang ipalabas ang unang episode ng serye sa Agosto 23, sa Tiktok at YouTube Channel ng Puregold.

 

 

Itinatampok ang tambalan nina Kych Minemoto at Michael Ver, dadalhin ng My Plantito ang mga manonood sa isang paglalakbay na puno ng pagmamahal at pagkilala sa sarili.

 

 

Ipinapangako ng serye na ipapakita nito ang halaga ng pagkakaiba, pagtanggap, at pagiging inklusibo, bilang pagpapatibay sa pangarap ng Puregold na magbigay plataporma sa mga Kuwentong Panalo.

 

 

Ibinahagi ni Ms. Ivy Hayagan Piedad, Marketing Senior Manager ng Puregold, ang kaniyang pagkasabik sa bagong serye: “Layunin ng Puregold na maging aksesibol ang mga kuwentong mahalaga at makapangyarihan. Noon pa man, ang pag-ugnay sa aming mga suki ang nagtutulak sa amin patungong pagtatagumpay. Isang paraan ang mga digital serye na katulad ng My Plantito.

 

 

Pinangungunahan ang My Plantito ng mahusay na tambalan ng premyadong si Chris Cahilig bilang producer at ang talentadong si Lemuel Lorca bilang direktor. Tampok din sa serye sina Ghaello Salva, Elora Espano, Derrick Lauchengco, and Devi Descartin.

 

 

Binigyang-diin din ni Piedad ang halaga ng paglalaan ng espasyo sa mga kuwentong gaya ng My Plantito, na ipinapakita ang importansya ng pagkilala sa sarili, pagmamahal sa pamilya, at pakikisama sa mga kaibigan.

 

 

“Hangad namin na magsimula ang palabas ng mga pag-uusap tungkol sa pagiging ligtas ng mga espasyo para sa lahat, at sinisiguro namin na tumutulong ang Puregold Channel na marinig ang lahat ng uri ng mga tao.”

 

 

Panoorin ang opisyal na trailer sa link na ito: https://vt.tiktok.com/ZSL4CxufB/

(ROHN ROMULO)

Malakanyang, inanunsyo ang mga bagong appointees sa NBI, NIA, LTO, DTI at DILG

Posted on: August 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ng Malakanyang ang mga bagong appointees sa Land Transportation Office (LTO), National Bureau of Investigation (NBI), Department of Interior and Local Government (DILG), National Irrigation Administration (NIA) at Department of Trade and Industry (DTI).

 

 

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) ang mga bagong appointees ay sina:

 

*Robert Victor Seares Jr.- Deputy Administrator, NIA

*Eric Mercado-  Director II, NBI

*Ma. Lourdes Pancho- Provincial Trade and Industry Officer, DTI

*Robert Kiunsala- Director I, LTO

* Jose Tomas Sr.- miyembro, Sangguniang Panlalawigan, Province of Nueva Vizcaya, DILG. (Daris Jose)

75k trabaho sa mga Pinoy, nakaabang na sa ngayon- DOLE

Posted on: August 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG nasa may 75,000 na mga potensiyal na trabaho ang naghihintay sa mga Filipino.

 

 

Bunga ito ng mga naging  pagbiyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  sa labas ng bansa.

 

 

Sinabi ni  DOLE Secretary Bienvenido Laguesma sa press briefing sa Malakanyang na  manggagaling ito sa sektor ng enerhiya kabilang na ang renewable energy.

 

 

Aniya, nagma-materialize na ang naging pakikipag- usap ng Pangulo sa mga pinuntahan nitong bansa.

 

 

Malaki  aniya ang posibilidad na magbibit ito ng job generation sa mga manggagawang filipino.

 

 

Kabilang aniya rito ang  mga bansang Germany, Singapore , Estados Unidos at The Netherlands na nagpahayag ng kanilang commitment para maglagak ng kanilang negosyo sa bansa.

 

 

Samantala, sa kasalukuyan, nakikipag -ugnayan na ang DOLE sa  DTI at DOT ukol dito para matingnan din naman ang available manpower para sa naturang malaking job  demand na naghihintay sa mga mamamayan. (Daris Jose)

Ads August 10, 2023

Posted on: August 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments