• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 18th, 2023

Sa nalalapit na pagtatapos ng top-rating na ‘Dirty Linen’… JANINE at ZANJOE, parehong nalulungkot at nagkaka-sepanx

Posted on: August 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INAABANGAN na ng mga manonood ang huling anim na gabi ng sikat na Kapamilya teleseryeng “Dirty Linen” kung saan masasaksihan ang walang katapusang ganitihan na mauuwi sa patayan ng dalawang pamilya nina Alexa (Janine Gutierrez) at Aidan (Zanjoe Marudo).

Tutukan ang laban ng mga nais makamit ang hustisya at ng mga sakim sa kapangyarihan ng “Dirty Linen” sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.

Malalagay sa alanganin ang buhay ng mga karakter dahil itotodo na ni Carlos (John Arcilla) ang kanyang kahibangan bilang nag-iisang “hari” ng pamilya Fiero matapos niyang malaman na sa kanya lang ipinamana ang milyon-milyong pera at ari-arian ng buong pamilya.

Babawian naman ni Alexa at ng kanyang mga kasabwat na sina Rolando (Joel Torre), Max (Christian Bables), at Lala (Jennica Garcia) ang pamilya Fiero dahil mapipilitan silang gumawa na rin ng karahasan upang mapaamin ang mga ito sa patong-patong nila mga krimen, kabilang na ang matagal nang palaisipan kung sino nga ba ang totoong pumatay kay Olivia (Dolly De Leon), ang kabit ni Carlos at nanay ng half-sisters na sina Alexa at Chiara (Francine Diaz).

Ipinasilip din sa makapigil-hiningang finale teaser ng “Dirty Linen” ang tila pagkamatay ng ilang mga karakter. Magugulantang din si Aidan sa sunod-sunod na matitinding rebelasyon at ang paglitaw ng mga baho ng sarili niyang pamilya.

Makakamit na ba ni Alexa ang hustisya laban sa mga Fiero? Sino-sino ang mananatiling buhay pagkatapos ng lahat ng ito?

Samantala sa naging pahayag ni Janine, “Grabe nalulungkot talaga ako na matatapos na kasi bukod sa inaabangan ko talaga siya at ako mismo kahit kasama ako sa cast eh nilu-look forward ko na mapanood ang eksena nina Adan nina Chiara, nina Tatay Joel, lahat.

“Mami-miss ko rin ‘yung reaction ng mga tao. Grabe sa Twitter, sa Instagram. Kung sino man ang makasalubong namin. May mga meme pa. So, iba talaga ang samahan na nabuo ng ‘Dirty Linen’ sa audience and sa amin na cast”

Inamin naman ni Zanjoe na, “Nakakalungkot at nakaka-sepanx na ito na nga patapos na. Kasi after naming mag-last taping, parang relaxed ka lang kasi alam mo ang haba-haba pa ng show, ang haba pa ng tatakbuhin.

“Pero nung eto na, ito na nga at mag-fi-finale na kami, wala pa kaming proper get-together na parang tapos na ‘yung show, maghihiwalay.

“Kasi naging maganda talaga ‘yung samahan sa show dahil start pa lang napag-usapan na hindi tayo pwedeng magkanya-kanya.

“Nagpa-meeting si Kuya Epy (Quizon), kailangan natin itong pagtrabahuhan lahat, sama-sama. Lahat ng characters mula sa taas hanggang sa pinakabata kailangang magpantay-pantay.

“Kaya ‘yon ang pinakamaganda sa show na ito ‘yung cast talaga at naghanda, nagtulungan sa mga scenes na gagawin at mga characters.”

Huwag palampasin ang pasabog na finale ng “Dirty Linen” sa Agosto 25 (Biyernes) ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Dirty Linen.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

(ROHN ROMULO)

Gal Gadot’s Netflix Failure, A Bad Sign for Disney’s live-action ‘Snow White’ Reboot

Posted on: August 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

GAL Gadot’s casting in Disney’s next live-action offering, Snow White, could be a bad sign after her recent Netflix failure, Heart of Stone.

 

 

Audience and critic enthusiasm for Disney remakes has been flagging in some quarters as the movie giant continues to release mostly uninspired remakes of its classic animated films.
This means next year’s Snow White could already be on precarious footing, and Gadot’s casting as the Evil Queen only raises more questions about how it will be received.
Snow White‘s prospects could be rescued with a strong cast, but the filmmakers’ choice of lead actresses isn’t a particularly good omen. West Side Story Rachel Zegler is playing the Disney Princess herself, but her role comes after her recent movie, Shazam! Fury of the Gods, crashed at the box office. Similarly, Gal Gadot, who has been cast as the villainous Evil Queen, recently struggled to impress critics with her latest major role in the Netflix movie Heart of Stone, a glossy spy thriller that largely failed to make a dent on the movie scene.  Heart of Stone, which follows Gadot as an international agent in the vein of Mission: Impossible, did not have the latter’s skill in winning over audiences and critics. Currently, Heart of Stone has a 32% critics score on Rotten Tomatoes, and while audiences generated a kinder 61% rating, the numbers were decidedly lackluster. This could signal tides being against the Wonder Woman star, making her a risky choice for Disney’s Snow WhiteSnow White follows a lackluster performance from this year’s live-action adaptation of The Little Mermaid, starring Halle Bailey, which found itself lagging behind other Disney remakes at the box office. In another worrying sign, adapting 1937’s Snow White and the Seven Dwarfs has already proven controversial, with actor Peter Dinklage calling Snow White“backwards”for its casting of people without dwarfism. Disney responded that it was “taking a different approach” to the dwarfs.
Although casting a big-name actress like Wonder Woman star Gadot might initially seem to be a strategy to paper over some of these problems, it could in fact actually make matters more risky.  Snow White‘s prospects could be rescued with a strong cast, but the filmmakers’ choice of lead actresses isn’t a particularly good omen. West Side Story Rachel Zegler is playing the Disney Princess herself, but her role comes after her recent movie, Shazam! Fury of the Gods, crashed at the box office. Similarly, Gal Gadot, who has been cast as the villainous Evil Queen, recently struggled to impress critics with her latest major role in the Netflix movie Heart of Stone, a glossy spy thriller that largely failed to make a dent on the movie scene. (Source: screenrant.com)
(ROHN ROMULO)

Ads August 18, 2023

Posted on: August 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Malakanyang, idinepensa ang pagtaas ng travel expenses ni PBBM

Posted on: August 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IDINEPENSA ng Malakanyang ang makabuluhang pagtaas ng  travel expenses ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Sa katunayan, sa isang kalatas, sinabi ng Presidential Communications Office  na ang ‘increase’  o paglaki ng  travel expenses ay sumasaklaw sa local at foreign travels.

 

 

Nauna rito, iniulat ng Commission on Audit (COA) ang pagtaas ng 1,453% sa naging travel expenses ng Office of the President (OP) sa taong 2022.

 

 

Sa ulat ng COA – sumipa sa mga nagastos ng OP sa travel mula P25.2Milllion noong 2021 – sa halos P400 Million noong nakaraang taon.

 

 

“The Office of the President’s (OP) traveling expenses in 2022 increased by P367 million compared with 2021 due to Marcos’ official trips in at least six countries,” ayon sa COA.

 

 

Tinuran naman ng PCO na ang OP “has received a huge volume of invitations for international events, conferences, high-level meetings, and state visits, among others.”

 

 

“The OP has acceded to some of these requests, knowing that the country and the public, in general, will benefit immensely from the President’s participation in these engagements,” dagdag na pahayag ng PCO.

 

 

Matatandaang sinabi ni Go Negosyo Founder Joey Concepcion  na kailangang puntahan ni Pangulong Marcos ang mga biyahe sa labas ng bansa lalo’t may kinalaman ito hinggil sa paghikayat ng mga mamumuhunan sa bansa.

 

 

Ang Pangulo, bilang CEO ng Pilipinas ay kailangang maging visible lalo’t marami ang kalaban sa paghikayat ng mamumuhunan.

 

 

Bukod dito, nais ding marinig ng iba pang mga lider at mga foreign investors ang bisyon ng Pangulo, istilo sa pamamahala, maging ang line up ng kanyang gabinete, gayundin ang pribadong sektor na sumusuporta sa kanya.

 

 

Kaya ang Presidente bilang CEO ng Pilipinas, ani Concepcion, ay hindi talaga makaiiwas sa biyahe sapagkat mahalagang mailatag nito ang kanyang bisyon sa mga mamumuhunan. (Daris Jose)

PBBM, itinalaga si dating DFA Sec. Locsin bilang special envoy to China for special concerns

Posted on: August 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si dating  foreign affairs Secretary  bilang kanyang special envoy to the People’s Republic of China for Special Concerns.

 

 

Inanunsyo ito ng Presidential Communications Office (PCO) sa social media page nito.

 

 

Hindi naman malinaw kung ano ang saklaw ng special concerns.

 

 

Matatandaang, buwan ng Setyembre ng nakaraang taon, itinalaga ng Pangulo si  Locsin  bilang  ambassador to the United Kingdom ng Pilipinas.

 

 

Itinalaga rin ni Pangulong Marcos  si Locsin bilang Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary ng Pilipinas sa United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland.

 

 

Magugunitang, si Locsin ay nagsilbing DFA secretary, Ambassador to Washington at Permanent Representative of the Philippines to the United Nations sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Kung maalala si Locsin ay naging speechwriter ni dating yumaong Pangulong Cory Aquino at naging masugid din na lumaban noon sa rehimeng Marcos.

 

 

Naging journalist din ito at publisher. (Daris Jose)

PBBM, pinagpapaliwanag DOLE, DSWD sa underspending

Posted on: August 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINATAWAG  ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sina Department of Labor (DOLE) Secretary Benny Laguesma at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian para pagpaliwanagin tungkol sa underspending ng kanilang mga ahensiya.

 

 

Sinabi ni Laguesma na, pinabibilisan ng Pangulo ang paggastos sa pondo para sa mga programang may kinalaman sa social protection.

 

 

Nauna nang sinabi ng Department of Budget and Management na ang DSWD at DOLE ang may mababang disbursement sa pondo.

 

 

“Mayroon na pong tagubilin sa amin na mahigpit ang Pangulo na naririyan ang pondo, lalo na ang may kinalaman sa social protection programs ng pamahalaan, dapat maipagkaloob natin iyan sa mga intended beneficiaries,” sinabi pa ni Laguesma.

 

 

Partikular umanong pinatututukan ni Marcos kay Laguesma ang employability ng mga Filipino youth para maging handa ito sa pagharap sa mundo.

 

 

Sinabi naman ni Gatchalian na bibilisan na ngayon ng DSWD ang disbursement sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na ngayon ay nasa P9 bilyon na ang pondo. (Daris Jose)

Rep. Arnie Teves, pinatalsik na sa Kamara

Posted on: August 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINANGGAL  na ng Kamara si Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves, Jr., mula sa Kamara dahil sa “disorderly behavior” at “for violation of the Code of Conduct of the House of Representatives.”

 

 

Sa botong 265-0-3, ipinasa sa plenary ang rekomendasyon ng House Committee on Ethics and Privileges na patawan ng pinakamabigat na parusang expulsion si Teves.

 

 

Sa kanilang report sa plenary, inihayag ng komite ang malinaw at hindi maitatangging ebidensiya na nilabag ni Teves ang kanyang Oath of Office at nagpakita umano ito ng disorderly behavior.

 

 

Ilan sa malinaw na ginawang paglabag ng mambabatas ang patuloy na pagtatangka nitong makakuha ng political asylum sa Timor-Leste at ang mahaba at unjustified absence nito na nangangahulugan nang abandonment ng kanyang opisina.

 

 

“The prolonged unauthorized absence of Rep. A. Teves Jr. deprives the 3rd District of Negros Oriental of proper representation and undermines the efficiency of the legislative process. Instead of actively participating in deliberations on important legislative measures pending in the House, the representative refuses to return to the country and perform his duties as House Member. All these actuations of a legislative district representative weakens the institution’s effectiveness in serving the public and tarnishes the integrity and reputation of the House,” paliwanag ng komite.

 

 

Sa Committee Report No. 660, kinumpirma ng komite na nag-aplay si Rep. A. Teves, Jr. ng political asylum sa Timor-Leste na tinanggihan ng naturang bansa dahil “no facts are known to confirm the existence of any kind of persecution or serious threat to his citizen’s rights, freedom and guarantees.”

 

 

Ang tatlong mambabatas na nag-abstain sa pagboto ay sina ACT Teachers party-list Rep. France Castro, Gabriela Party List Rep. Arlene Brosas at Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel. (Ara Romero)

Balitang pabalik na ng ‘Pinas si Tom: CARLA, lumipat na ng management para walang conflict

Posted on: August 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NGAYONG August 2023 ay ipinagdiriwang ni Sen. Bong Revilla Jr. ang ika-50 anibersaryo sa  show business, na sa kabila ng napakaraming pelikulang nagawa ay nananatili pa rin ang kakisigan at tila hindi tumatanda.

 

 

 

Bukod sa kanyang anibersaryo ay ipagdiriwang din ni Sen. Bong ang kanyang ika-57 kaarawan sa darating na Septyembre 25 na kahit abala sa kaniyang pagiging Senador ay nagagawa pa rin nitong isingit na gumawa ng sitcom.

 

 

 

Katunayan ay last episode na sa darating na Linggo (Agosto 20) ang nag-hit na ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’ na napapanood tuwing Linggo sa GMA 7 ganap na alas 7:15 ng gabi.

 

 

 

Ayon kay Sen. Bong abangan daw ang Season 2 na kasalukuyan nang pinaplantsa at dahil sa mataas na ratings ng naturang weekly mini-series ay may mga planong balak na umano itong gawing araw-araw ngunit wala pang kumpirmasyon.

 

 

 

Si Sen. Bong ay unang nagkaroon ng exposure sa pelikula noong siya ay 7 anyos lamang nang isama siya sa pelikulang ‘Tiagong Akyat’ noong 1973 sa ilalim ng Imus Production na pinagbidahan ng kaniyang amang si Ramon Revilla Sr at ang kaparehang si Aurora Salve.

 

 

 

Nagmarka rin ang role ni Sen. Bong noong siya ay 14 anyos lamang sa pelikulang ‘Bianong Bulag’ na pinagbidahan din ng kaniyang ama at ni Charito Solis nang gumanap siya bilang batang Bianong Bulag.

 

 

Actually, si Sen. Bong na mahal na mahal ng kanyang mga katrabaho sa pelikula ay hindi nali-late sa shooting o taping na isa sa mahigpit na kabilin-bilinan umano ng kanyang ama upang magtagumpay at magtagal sa showbiz industry.

 

 

 

Ngayong Linggo, abangan ang finale episode ng ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’ at ang FB Live ng 5 pm kunsaan, magkakaroon naman ng gender reveal si Jolo Revilla at 5:30 pm at mamimigay siya ng maraming pa-premyo.

 

 

 

***

 

 

 

WALA na pala si Carla Abellana sa pangangalaga ng management ni Popoy Caritativo na Luminary Talent Management.  

 

 

Kung matatandaan, bago ikinasal sina Carla at Tom Rodriguez, nagpa-manage na si Carla under Popoy, happened to be Tom’s longtime manager.

 

 

Mula sa aming source, posibleng hindi na nag-renew ng kanyang management contract si Carla at lumipat naman ito sa isang talent management na kunsaan, pwede naming sabihin na ang dating sikat na talent din ni Popoy ay contract artist ng naturang agency.

 

 

Kung tama ang nakarating sa aming balita, diumano’y malapit na raw kasing bumalik ng bansa si Tom.  

 

 

So, siguro for Carla, para wala na lang conflict o hindi maging uncomfortable na nasa isang management sila, baka nag-decide na ang huli na lumipat na lang ng ibang manager.

 

(ROSE GARCIA)

Pinas, Ethiopia nagkasundo na magtulungan sa kalakalan, teknolohiya, Manila-Addis Ababa Air Linkage

Posted on: August 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

“AFRICA positioning itself as an emerging major economy has brought global excitement, and the Philippines could seize the opportunity by forging stronger partnership with Ethiopia, one of the region’s major economies.”

 

 

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos na mainit na tinanggap si Ethiopian Ambassador Dessie Dalkie Dukamo sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

“I think the whole world is very excited about — how most of Africa is positioned in terms of — now coming and emerging… as major economy, as they already are,” aniya pa rin.

 

 

Ani Pangulong Marcos, ang Pilipinas at Ethiopia ay maaaring mag-explore ng maraming bagay pagdating sa larangan ng kalakalan, transfer of technology at iba pang  exchanges o pagpapalitan.

 

 

Sinabi pa nito na kinilala ng Pilipinas ang agrikultura bilang priority sector dahil sa pangangailangan na suportahan ang mga kailangan ng mga mamamayang Filipino at panatilihing maayos ang ekonomiya kabilang na ang serbisyo at manufacturing sectors, bilang batayan ng developmet o pag-unlad ng bansa.

 

 

Para naman kay Dukamo, kinokonsidera ng Ethiopia ang development trajectory ng Pilipinas bilang  “something to look at.”

 

 

“We know how the Philippines is growing from traditional agriculture to services and manufacturing industry, especially in the area of technical and vocational training. The way how the Philippines makes its people…skilled and dedicated and productive,” anito sabay papuri sa mga manggagawang Filipino para sa kanilang dedikasyon, hard work at disiplina.

 

 

“We know well the Philippines through its workers. We are so grateful and we can share a lot in the area of trade and industry. From the fastest growing economy, we can share a lot. Ethiopia is also now growing larger, step by step (becoming) a large country and the largest economy in East Africa with huge potential in trade and investment,” ayon kay Dukamo.

 

 

“Philippine businessmen can invest in Ethiopia’s industrial area, particularly with their expertise in manufacturing especially electronics, which they could introduce to Ethiopia,” ang winika ni Dukamo sabay sabing maliban sa pagiging malaking bansa sa Africa, ang kanyang bansa ay isa ring “gateway” sa nasabing rehiyon.

 

 

“It’s geographically located bridging the Middle East and the rest of Africa and also Western countries. So, if Filipino businessmen come and invest in Ethiopia, it’s possible to take advantage of Africa market,” ayon kay Dukamo.

 

 

Binanggit din nito ang pangangailangan  na  itatag ang  air linkages sa pagitan ng  Ethiopia at Pilipinas para palakasin ang  bilateral cooperation sa iba’t ibang larangan na maaaring lumawig ‘regionally’ sa  Africa.

 

 

“Let’s work on that. Let that be the first job that we give ourselves. We make that connection easier. I think it’s never a bad thing to start with people-to-people relations that are always so important,” ang naging tugon ni Pangulong Marcos.

 

 

“Sometimes I say that foreign diplomacy is best conducted by ordinary people rather than diplomats. Which I’m sure you’re happy about. Because we are proud of our citizens They are all good ambassadors for our country. Any good contact for us is necessarily a good thing,” aniya pa rin.  (Daris Jose)

Naniniwala si Eugene na magiging sikat na artista: POKWANG, kinumpirma na papalitan niya ang apelyido ni MALIA

Posted on: August 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA si Eugene Domingo na magiging sikat na artista ang anak ni Pokwang na si Malia.

 

 

Sa kanilang pictorial ng pelikulang ‘Becky at Badette’ ay isinama raw ni Pokwang si Malia sa set. Ikinatuwa ito ni Eugene dahil lahat daw ng tao roon ay nagsasabing artistahin si Malia.

 

 

“Our sunshine! The set is always livelier and lovelier whenever you are around my dearest inaanak, Malia! Thanks sis @itspokwang27 for bringing my inaanak to our shoot! She is our star!” caption ni Uge sa Instagram post niya.

 

 

Samantalang kinumpirma ni Pokwang na papalitan niya ang apelyido ni Malia mula O’Brien, gagawin niya itong Subong.

 

 

“Yes na yes. Siyempre, deserve ng anak ko ‘yung pangalan na inaalagaan at minamahal siya at binibigyan siya ng oras,” sey ni Pokwang.

 

 

Hindi naman daw sila kasal ng ex-partner niyang si Lee O’Brian at hindi naman din daw siya hinahanap ng anak nilang si Malia.

 

 

“Mas umiiyak siya ‘pag wala ako sa tabi niya. Siguro kasi nga kagaya ng sinabi ko wala siyang naipundar na bonding sa anak ko, walang emotional investment.”

 

 

***

 

 

ENGAGED na ang comedian na si Zooey Deschanel sa HGTV reality star na si Jonathan Scott na nakilala sa sa HGTV reality show na ‘The Property Brothers.’

 

 

Nag-propose si Jonathan habang nagbabakasyon sila sa Scotland. Humingi ng tulong si Jonathan sa dalawang anak ni Zooey na sina Elsie at Charlie para masorpresa ang mother nila.

 

 

Ang twin brother ni Jonathan na si Drew Scott ay natuwa sa ginawang proposal ni Jonathan.

 

 

The star of New Girl posted a pic of her with the engagement ring, which includes pink and purple stones. Nilagyan niya ito ng caption na “Forever starts now!!!”

 

 

Zooey and Jonathan met in the summer of 2019 on an episode of James Corden’s “Carpool Karaoke.” They made it Instagram official in October 2019.

 

 

Unang kinasal si Jonathan Scott kay Kelsy Ully noong 2007 at nag-divorce sila noong 2013.

 

 

Si Zooey ay dalawang beses nang kinasal. Una kay Ben Gibbard noong 2009 hanggang 2012. Pangalawa ay kay Jacob Pechenik noong 2015 hanggang 2020.

(RUEL J. MENDOZA)