• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 4th, 2023

DTI, mahigpit na imo-monitor ang presyo ng bigas sa gitna ng pagpapataw ng price caps

Posted on: September 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGPIT na imo-monitor ng  Department of Trade and Industry (DTI) ang  retail prices ng bigas sa gitna ng  price ceilings para sa mga pangunahing pagkain sa buong bansa.

 

 

“We acknowledge the need to take immediate action on the rising prices of rice in the market. Relatedly, imposing strict monitoring of its price and supply to prevent the possibility of hoarding and overpricing among traders and retailers is of equal importance,” ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual sa isang kalatas.

 

 

“Pursuant to this, DTI will regularly conduct strict monitoring of prices of rice nationwide and ensure that the price ceiling set by the Department and DA (Department of Agriculture) will be followed,” dagdag na pahayag ng Kalihim .

 

 

Nauna rito,  inaprubahan ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang  joint recommendation ng  DA at  DTI na magtakda ng price ceilings sa bigas sa bansa ayon sa  Executive Order No. 39, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

 

 

“The mandated price ceiling for regular milled rice is P41 per kilo while the mandated price cap for well-milled rice is P45 per kilo,” ayon sa EO.

 

 

“These prices were computed based on the average rice prices for the last three months (May, June, July) following Section 8 of Republic Act No. 7581 or the Price Act for the setting of price ceiling,” ang pahayag ni Pascual.

 

Sa Palawan, nanawagan ang Pangulo sa publiko na Isumbong o i-report sa mga awtoridad ang mga vendors at retailers na hindi sumusunod sa mandated price ceiling sa bigas.

 

 

“I would encourage anyone who finds that someone or retailer is selling at above the price ceiling, i-report po ninyo. I-report po ninyo sa pulis, i-report po ninyo sa DA (Department of Agriculture) doon sa lugar ninyo, i-report ninyo sa local government para matingnan po namin,” ayon sa Pangulo.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Pascual na ang price ceilings ay “ekslusibong ipinapataw sa “regular- at well-milled rice” dahil ang mga ito ang   “commonly consumed by the public.”

 

 

Ang pag-apruba ni Pangulong Marcos sa price ceiling ay nag-ugat sa surge sa retail prices ng bigas sa lokal na pamilihan.

 

 

Ang kasalukuyang presyo ng bigas per kilo ay  P45 hanggang  P70.

 

 

“We are also coordinating with the local government units (LGUs) to activate their Local Price Coordinating Councils (LPCCs) in support of this endeavor,” ang wika ni Pascual.

 

 

Sa kabilang dako, nanawagan naman si Pascual sa mga   consumers na i-report ang anumang kaso ng overpricing orl hoarding Sa  DTI Sa pamamagitan ng kanilang One-DTI (1-384) hotline o mag- email sa ConsumerCare@dti.gov.ph.

 

 

“The imposition of this price ceiling is aimed at protecting Filipino consumers from unjust or unfair sales practices,” ani Pascual.

 

 

“We at the DTI and the entire Philippine government aim to protect lower-income individuals and the vulnerable population who often bear a disproportionate burden when prices of goods rapidly rise,” aniya pa rin.

 

 

Gayunman, sinabi ni Pascual na ang  special at  premium rice ay hindi dapat na “subjected to price ceiling.”

 

 

“Further, price ceiling for imported rice shall be based on the Bureau of Customs’ (BOC) reference price. This is likewise close to the three-month average price of well-milled rice,” anito. (Daris Jose)

Inalis na P3.8 billion sa health facilities enhancement fund, ibalik

Posted on: September 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINABABALIK  ni Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto ang tinanggal na P3.8 billion sa health facilities enhancement fund at gamitin ito para sa medical specialty centers law.

 

 

Ang apela ay ginawa ng mambabatas matapos lagdaan ni Pangulong Marcos ang batas na magtatayo ng mga Specialty Centers sa mga piling DOH hospitals.

 

 

“Kung hindi ‘yan mapopondohan sa 2024 budget, ibig sabihin sa 2025 pa ang implementasyon n’yan. If that happens, then it is akin to a patient who will stay in the emergency room for a long time while waiting to be admitted,” ani Recto.

 

 

Sa ilalim ng Medical Specialty Centers Law, nasa 17 specialization hospitals ang maidadagdag sa kasalukuyang mga special health facilities.

 

 

Ayon pa sa mambabatas, merong Health Facility Enhancement Fund (HFEP) sa national budget na isang regular feature sa annual health expenditures ngunit para sa taong 2024 ay kinaltasan ito ng P3.82 billion. Mula sa kasalukuyang P26.81 billion, naging P22.98 billion para sa susunod na taon.

 

 

Maaari aniyang pondohan ang Specialty Centers Act sa pamamagitan ng pagbabalik sa P3.82B na ibinawas.

 

 

“May bahay na po sa national budget na pwedeng buhusan ng dagdag pondo para ipatupad ang Medical Specialty Centers Law. In fact, DOH hospitals in which the specialty centers will be established have specific, line-item funding in the HFEP. What the House can do is simply augment it,” pagtatapos ni Recto. (Ara Romero)

Ads September 4, 2023

Posted on: September 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Waging Best Actress sa ‘AIFF’ para sa ‘Kargo’: MAX, minsan lang gumawa ng movie at nanalo pa ng award

Posted on: September 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAKABIBILIB si Max Eigenmann dahil minsan lang ito gagawa ng pelikula at nanalo pa ng award.

 

 

 

Kelan lang ay nagwagi itong Best Actress sa ASEAN International Film Festival (AIFF) para sa pelikulang ‘Kargo.’

 

 

 

Ang iba pang awards ni Max ay mula sa 2022 Cinemalaya (Best Actress for ’12 Weeks’), 2019 Asia Pacific Screen Award (Best Actress for ‘Verdict’) at 2016 CineFilipino Film Festival (Best Supporting Actress for ‘Ned’s Project’).

 

 

 

Hindi naman nakakapagtaka ang husay ni Max sa pag-arte dahil nasa dugo niya ang pagiging isang Eigenmann. Halos lahat sa Eigenmann family ay humahakot ng awards, lalo na ang ama ni Max na si Mark Gil at ang mga kapatid niyang sina Gabby Eigenmann at Sid Lucero. Award-winning din ang kanyang uncle na si Michael de Mesa at ang auntie na si Cherie Gil.

 

 

 

“Of all the awards na napanalunan ko po, very special sa akin itong AIFF because back in 2015, Tita Cherie was honored with a best actress award for ‘Sonata.’ Kaya ang sarap lang ng feeling na pareho kaming nabigyan ng best actress ng AIFF,” sey ni Max na kasama sa GMA afternoon series na ‘The Missing Husband’.

 

 

 

Bilang isang Eigenmann, inamin ni Max na minsan ay nape-pressure siya to always give a good performance dahil kilala ang pamilya nila na mahuhusay na artista.

 

 

 

“It’s neither easy nor hard because my family has always made sure to make each other feel we are our own person in terms of our careers. This is kinda funny pero ‘pag magkakasama kami hindi talaga namin pinag uusapan ‘yung trabaho.

 

 

 

“But I’m proud to be an Eigenmann because I love my family and I’m proud to be part of this legacy that my grandfather (Eddie Mesa) had started building a long time ago.”

 

 

 

***

 

 

PARARANGALAN si Beyonce Knowles bilang honorary mayor ng Santa Clara, California.

 

 

 

Bibigyan nga si Queen Bey ng key to the city bago maganap ang kanyang ‘Renaissance Tour’ sa Levi’s Stadium.

 

 

 

“The city of Santa Clara is excited about Beyoncé’s upcoming visit to the world-renowned Levi’s Stadium. Her concerts will certainly bring a great deal of energy and excitement. She has had a tremendous cultural impact as one of the most influential pop culture figures,” ayon sa Santa Clara spokesperson Michelle Templeton.

 

 

 

Hindi ito ang unang beses na pinarangalan bilang honorary mayor ang isang celebrity. Noong i-stage ang ‘The Eras Tour’ noong nakaraang July, binigyan din ng key to the city of Santa Clara si Taylor Swift at tinawag ang city na “Swiftie Clara” for two days.

 

 

 

Nagkaroon naman ng “Beyonce Day” sa cities of Atlanta at Minneapolis.

 

 

 

Mag-turn 42 si Queen Bey on September 4 at ni-request nito on Instagram na magsuot ng “something sparkly” ang kanyang fans sa gabi ng kanyang tour.

 

 

 

“Virgo season is upon us. This tour has been such a joy and as we approach the last month, my birthday wish is to celebrate with you wearing your most fabulous silver fashions to the shows 8.23 – 9.22!”

 

(RUEL J. MENDOZA)

HORROR GAME PHENOMENON “FIVE NIGHTS AT FREDDY’S” BECOMES LATEST BLOOD-CHILLING CINEMATIC EVENT, RELEASES LATEST TRAILER

Posted on: September 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

FROM Blumhouse, producer of horror hits M3gan, The Black Phone and Invisible Man comes the latest game to film horror event – Five Nights at Freddy’s starring Josh Hutcherson, Elizabeth Lail, Kat Conner Sterling and Piper Rubio, with Mary Stuart Masterson and Matthew Lillard, directed by Emma Tammi. The film’s iconic animatronic characters is created by Jim Henson’s Creature Shop.

 

 

 

This Halloween, Freddy and the gang are dying to meet you at the cinemas – the terrifying horror game phenomenon jumps on the big screen that follows a troubled security guard, played by Hutcherson, Mike (Josh Hutcherson; Ultraman, The Hunger Games franchise) a troubled young man caring for his 10-year-old sister Abby (Piper Rubio; Holly & Ivy, Unstable), and haunted by the unsolved disappearance of his younger brother more than a decade before.

 

 

 

Recently fired and desperate for work so that he can keep custody of Abby, Mike agrees to take a position as a night security guard at an abandoned theme restaurant: Freddy Fazbear’s Pizzeria. But Mike soon discovers that nothing at Freddy’s is what it seems. With the aid of Vanessa, a local police officer (Elizabeth Lail; You, Mack & Rita), Mike’s nights at Freddy’s will lead him into unexplainable encounters with the supernatural and drag him into the black heart of an unspeakable nightmare.

 

 

 

Can you survive five nights of horror? From Universal Pictures International (Ph), Five Nights at Freddy’s will open in cinemas nationwide on November 1.

(ROHN ROMULO)

Maraming natuwa na classmate nila si Little John: RAPHAEL, na-miss kaya enjoy na muling mag-face-to-face classes

Posted on: September 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SIKAT sa kanyang school ang ‘Voltes V: Legacy’ star na si Raphael Landicho.

 

 

 

Sa first day of school ng Kapuso child actor na gumaganap na si Little John Armstrong sa VVL, nagulat ang kanyang mga classmates nang pumasok siya sa classroom.

 

 

 

“Natuwa at nagulat po sila kasi classmate daw nila si Little John. Nanonood daw po sila ng ‘Voltes V: Legacy’ gabi-gabi. Happy po ako kasi mga fan din sila ng show,” sey ni Raphael.

 

 

 

Na-enjoy naman daw ni Raphael ang first time na mag-face-to-face classes ulit after three years dahil sa COVID-19 pandemic.

 

 

 

“Iba rin po kasi yung kasama mo sa isang classroom ang teacher at mga classmate kesa naka-online classes. Na-miss ko po ang magkaroon ng mga bagong friends at yung magkukuwentuhan kayo.”

 

 

 

Marami pa raw ang mga pasabog sa VVL sa nalalapit na pagtatapos nito.

 

 

 

***

 

 

 

SA tagal na palang nag-aartista ni Kiray Celis, ngayon lang siya nakabili ng sarili niyang sasakyan.

 

 

 

Sa pinost na video ni Kiray via Instagram, makikita siyang nasa isang car dealership kunsaan niya binili ang kanyang bagong sasakyan.

 

 

 

“Dream come true! MY FIRST CAR!!! Thank you, Lord!” caption pa niya.

 

 

 

Nasabi naman ni Kiray sa video: “Today ko matutupad ‘yung isa sa pangarap ko. Excited ako kasi matagal ko tong ginusto kaso syempre inuna natin ‘yung kailangan ng family, kailangan ng mga ibang tao.

 

 

 

“And sabi ko, ang pinaka-least na pwede kong matulungan is ‘yung self ko, but this time, I am spoiling myself. I am rewarding my hard work.”

 

 

 

Tama lang naman ang ginawa ni Kiray na inuna niya muna ang pangangailangan ng kanyang pamilya bago ang sarili niya. Simula nga noong mag-artista si Kiray sa edad na 4, natuto itong mag-ipon ng kanyang mga talent fees at ngayon sa age of social media, kumikita ng malaki si Kiray sa kanyang YouTube channel.

 

 

 

Tuwing birthday ng parents niya, may pasabog ito parati na regalo. Tulad sa mga nakaraang birthday ng tatay niya, niregaluhan niya ito ng P62,000 at P63,000.

 

 

 

Sa kanyang nanay naman, niregaluhan nito ng lechon na ang laman ay P56,000. Noong nakaraang April, isang milyong piso in cash ang niregalo nito sa nanay niya.

 

 

 

Ngayon at nasa maayos na pamumuhay na ang pamilya ni Kiray, dasurv na niyang gastusan ang sarili niya at isang brand new car ang napili niya na matagal na niyang pinapangarap na bilhin.

 

 

 

***

 

 

 

TWO years na raw ang relasyon nila Zendaya at Tom Holland simula noon magkasama sila sa pelikulang Spiderman.

 

 

 

Pero mas gusto raw sana ni Zendaya na mas pribado pa ang relasyon nila.

 

 

 

Sey ng two-time Emmy Award winner: “Parts of my life, I accept, are going to be public. I can’t not be a person and live my life and love the person I love. But also, I do have control over what I choose to share. It’s about protecting the peace and letting things be your own but also not being afraid to exist. You can’t hide. That’s not fun, either. I am navigating it more than ever now.”

 

 

 

Malaking challenge daw para sa kanila ni Tom na magkaroon ng relasyon lalo na’t parati silang nakukunan ng photo at mabilis na napagpipistahan sa social media. Minsan daw ay pinapasyal niya ang kanyang pet dog sa Italy at alam niyang may mga kumuha ng photos.

 

 

 

“I had this idea of, like, I can walk around Venice. No, I can’t. I had to pick up his poo, and I was like, Lord, please, don’t take a picture of me picking up my dog’s sh*t. There’s a picture of me holding the bag, but thankfully they spared the grabbing and the putting it in the bag part,” tawa pa niya.

 

 

 

Mapapanood si Zendaya sa upcoming film na ‘Challengers’ kunsaan kasama niya sina Mike Faist and Josh O’Connor.

(RUEL J. MENDOZA)

DIRECTOR MICHAEL CHAVES INVITES FANS TO “THE NUN II” AS HORROR FILM GEARS UP FOR MIDNIGHT SCREENINGS SEPT 6

Posted on: September 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IN a newly released video, “The Nun II” director Michael Chaves shares that this year marks the tenth anniversary of the “The Conjuring” Universe, adding that “The Nun’s” demonic Valak is hands-down his most favorite movie monster of all.  He then proceeds to invite all horror fans to watch “The Nun II.”

 

 

 

Watch the Michael Chaves video at https://youtu.be/fs4lXxM0N_g

 

 

 

New Line Cinema brings you the horror thriller “The Nun II,” the next chapter in the story of “The Nun,” the highest grossing entry in the juggernaut $2 billion “The Conjuring” Universe.  As a treat to fans of scary movies, “The Nun II” will hold simultaneous midnight screenings in participating cinemas on September 6 (also the film’s opening day). Fans can get their tickets now at https://www.nun2.com.ph/

 

 

 

“I’m really excited for audiences to see this movie, and I think that it is nightmarishly scary,” says Michael Chaves in an interview provided by the studio. “I love the theater-going experience, especially with horror movies. Being in a packed theater with friends and strangers is such an incredible and powerful experience. Along with the scares, it is filled with truly unique set pieces and a compelling story that takes characters whom we love further on their journey and into really hard places while making tough choices. The times that I’ve seen it with an audience have been really special and exciting, and I can’t wait for moviegoers to see this film.”

 

 

 

On his fascination with Valak, Chaves shares, “I think that the Demon Nun is one of those iconic movie monsters. I mean, you see it on a poster and it’s like a little bit of a throwback to Dracula. You see a little bit of Pennywise. You see a little Nosferatu. It’s so timeless and has such an iconic look. It’s one of the ultimate horror movie icons and one of the ultimate movie villains. With this film, I just wanted to take it further. I wanted to explore the manifestations. And I also just wanted to dig more into the story, or at least the myth or the theories, of what its origins could be. I think it’s really important to do that, but to never be too specific. I think that part of the mystery and part of not knowing what it is, that’s really powerful. It’s what makes it truly scary.”

 

 

 

Watch the trailer: https://youtu.be/NNhtX4gtoiI

About “The Nun II”

 

 

 

1956 – France. A priest is murdered. An evil is spreading. The sequel to the worldwide smash hit follows Sister Irene as she once again comes face-to-face with Valak, the demon nun.

 

 

 

Taissa Farmiga (“The Nun,” “The Gilded Age”) returns as Sister Irene, joined by Jonas Bloquet (“Tirailleurs,” “The Nun”), Storm Reid (“The Last of Us,” “The Suicide Squad”), Anna Popplewell (“Fairytale,” “The Chronicles of Narnia” trilogy) and Bonnie Aarons (reprising her role from “The Nun”), surrounded by an ensemble cast of international talent.

 

 

 

Michael Chaves (“The Conjuring: The Devil Made Me Do It”) directs, from a screenplay by Ian Goldberg & Richard Naing (“Eli,” “The Autopsy of Jane Doe”) and Akela Cooper (“M3GAN,” “Malignant”),with a story by Cooper, based on characters created by James Wan & Gary Dauberman.

 

 

 

The Safran Company’s Peter Safran and Atomic Monster’s James Wan produce, continuing their collaboration as filmmakers on all of the previous “Conjuring” films. “The Nun II” is executive produced by Richard Brener, Dave Neustadter, Victoria Palmeri, Gary Dauberman, Michael Clear, Judson Scott and Michael Polaire.

 

 

 

In cinemas September 6, “The Nun II” is distributed in the Philippines by Warner Bros. Pictures, a Warner Bros. Discovery company.

 

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #TheNun2

(ROHN ROMULO)

“Gat Marcelo, who holds the esteemed title of National Hero, should be our guide and beacon” – Fernando

Posted on: September 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – “Si Gat Marcelo H. Del Pilar na ating pangunahing bayani na may hawak ng titulong Pambansang Bayani, siya ang gawin nating gabay at tanglaw. Ang kanyang kaisipan, paninindigan, at mariing pagtutol sa katiwalian at pag-abuso sa kapangyarihan ay patuloy na nagbibigay inspirasyon sa atin na ipaglaban ang tama at makatarungan.”

 

 

Ito ang mensahe ni Gob. Daniel R. Fernando sa mga Bulakenyo sa paggunita ng Ika-173 Guning Taong Pagsilang ni Gat Marcelo H. Del Pilar na ginanap sa Dambanang Marcelo H. Del Pilar sa San Nicolas, Bulakan, Bulacan kaninang umaga.

 

 

Nakaangkla sa temang “Marcelo H. Del Pilar: Liwanag ng Nakaraan, Tanglaw natin sa Kasalukuyan”, pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Fernando at ng Bise Gob Alexis C. Castro ang pag-aalay ng bulaklak sa harap ng bantayog ni Del Pilar kasama ang Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan, Sangguniang Bayan ng Bulakan, DILG Provincial Director na si Myrvi Apostol-Fabia, mga kinatawan mula sa National Press Club of the Philippines, Bulacan Press Club, Central Luzon Association, Senior Grand Warden, Free and Accepted Masons of the Philippines, PNP-Bulakan, at iba pa.

 

 

Bilang panauhing pandangal, ikinintil ni Kalihim Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. ng Department of the Interior and Local Government sa mga puso at isipan ng mga Bulakenyo ang mga dakilang katangian ni Del Pilar habang nagbabalik-tanaw sa kanyang mga kabayanihan.

 

 

“Kung sinasabi nila na there will always be change, I will tell you this: kung may isang bagay man na talagang hindi magbabago ay ang katangian ng katapangan; ang katangian ng kadakilaan; ang katangian ng pagmamahal; ang katangian ng pakikipagkapwa-tao. Tandaan niyo ‘yan at iyan ang itatanim natin,” ani Abalos.

 

 

Gayundin, inihalintulad ni Fernando ang mga katangian ni Del Pilar sa mga katangian na dapat taglayin ng mga lingkod bayan.

 

 

“Nakatuon tayo, hindi sa pansariling-interes kundi sa kapakanan ng higit na nakararami. Kung ating susuriin, ang adhikain ng ating dakilang bayani ay tugma at angkop pa rin sa mga pangangailangan ng ating panahon; ang pagpapalakas ng lokal na pamahalaan; ang pagpapalaganap ng aktibong partisipasyon ng mga mamamayan,” ani Fernando.

 

 

Ayon sa Republic Act 11699, ang ika-30 ng Agosto ay ipinagdiriwang din bilang “Araw ng Malayang Pamamahayag” bilang pag-alaala sa kadakilaan ni Del Pilar bilang isang mamamahayag.

DepEd, iginiit na ginamit ang P150M confidential funds nito para kumalap ng impormasyon

Posted on: September 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IPINALIWANAG ng Department of Education (DepEd) kung paano nito ginastos ang P150 million confidential funds nito.

 

 

Ayon kay DepEd spokesperson at Undersecretary Micahel Poa, bahagi ng mandato ng DepEd na magbigay ng ligtas na kapaligiran para sa mga estudyante.

 

 

Aniya, ilan sa mga isyu na kinakaharap ng mga guro at mga mag-aaral ay sexual abuse, pangre-recruit ng mga bayolente at ekstremistang grupo, teroristang grupo, komunistang rebelde at mga insidente may kinalaman sa iligal na droga.

 

 

Kung kaya’t humihiling aniya ang ahensiya ng confidential funds para makakalap ng impormasyon kung saan talamak ang mga ganitong iligal na gawain.

 

 

Una ng inihayag ni VP Sara Duterte na ang pangangailangan at layunin ng confidential funds sa DepEd ay dahil nakatali ang basic education sa seguridad ng bansa. (Daris Jose)

Nang mapanood ang movie nila ni Julia: ALDEN, ilang minutong ‘di nakapagsalita at naluha

Posted on: September 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

AMINADO si David Licauco na noong bata pa, hindi naman daw niya naisip na magiging artista siya kaya hindi niya rin masabi na pinangarap niyang talaga ang maging action star.

 

 

 

Pero, mahilig na raw siyang manood ng mga action films.

 

 

 

“Siguro growing-up, pangarap kong maging Jackie Chan or Jet Li. Kasi, pinapanood ‘yon ng Dad ko. Pero, hindi ko naman siya naisip na parang magiging artista ko.

 

 

 

“Walang moment in my life na magiging dream ko na maging artista. But I remember one time, nanonood lang ako sa bahay, parang sabi ko, bakit kaya ganito ang buhay ng mga artista? Akala ko that time, nasa TV talaga sila. Buong buhay nila, nandoon sila.

 

 

 

“Kasi, hindi naman natin alam ‘yung sequence guide. Hindi naman literally na nasa TV lang,” natawang kuwento niya.

 

 

 

Mula sa phenomenal hit na ‘Maria Clara at Ibarra’, hindi rin naman daw nagulat si David na action/drama ang sumunod na ibinigay sa kanila ni Barbie Forteza na teleserye.

 

 

 

Ayon dito, “Hindi naman ako nagulat. Kasi, kung ano man ang ibigay nila sa akin, tinatanggap ko naman, e. Parang hindi naman siya nag-cross ng mind na, ‘ano kaya ang next project ko?’ Hindi naman gano’n”

 

 

Ang ‘Maging Sino Ka Man’ ay adaptation ng 1991 movie na pinagbibidahan nina Sharon Cuneta at Robin Padilla. Si David nga ang gumaganap sa karakter na dating ginampanan ni Robin na kilala sa pelikula bilang ‘Bad Boy of Philippine Cinema.’

 

 

 

 

Hindi naman daw na-pressure si David portraying the role of Robin. Although, alam niya raw na it’s a big shoe to fill-in para sa kanilang dalawa ni Barbie.

 

 

Ang ‘Maging Sino Ka Man’ ang papalit sa ‘Voltes V: Legacy’ sa GMA Primetime simula sa September 11.

 

 

***

 

 

IBA ang style ngayon ng bagong movie na pinagbibidahan nina Alden Richards at Julia Montes.

 

 

Ilang teaser drops kaya ang ilalabas nila bago sila maglabas ng full trailer?

 

 

Sa first teaser na inilabas, pwede naming sabihin na nakuha na nina Alden at Julia ang interes ng ilang netizens na mapanood ang kanilang movie na ‘5 Break-Ups and a Romance.’

 

 

Matagal-tagal na walang ganitong klaseng movie mula sa mainstream. At sa teaser pa lang na ‘yon, ibang Alden at Julia ang nakita namin. Naalala tuloy namin ang sinabi ni Alden na, ilang minuto siyang hindi nakapagsalita at naluha nang mapanood niya ang kabuuan ng pelikula dahil sa ganda raw nito.

 

 

So, sa October this year, mahuhusgahan na nga kung tulad ni Alden, gano’n din ang mararamdaman ng mga manonood at kung sa pamamagitan ng pelikula nila, maibabalik talaga ang sigla sa sinehan.

 

 

Sa isang banda, mukhang matured ang atake ng mga karakter nila rito at balita na nga na may controversial kissing scene ang dalawa.

 

(ROSE GARCIA)