• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 7th, 2023

Masaya sa tinatakbo ng career ni Dolly: JAKE, gumagawa na rin ng ingay sa Hollywood

Posted on: September 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAG-CELEBRATE ng kauna-unahang drag journey anniversary ang Drag Race Philippines Season 1 winner na si Precious Paula Nicole. 

 

 

Isang thanksgiving show ang hinandog ni Precious na may title na “Precious Journey-versary” sa Empty Stomach noong nakaraang linggo.

 

 

On Instagram, pinost ni Precious ang ilang unforgettable moments ng gabing iyon.

 

 

“Lubos na pasasalamat sa lahat ng dumalo sa ating first Precious Journey-versary. Sana ito ay una lang sa marami pa. Life is short, kaya i-enjoy natin lagi ang buhay natin kasi hindi natin alam kung sa’n tayo dadalhin nito. Basta ako, I’m really grateful na dinala kayong lahat sa ‘kin,” sey ni Paula.

 

 

Sinamahan at sinuportahan si Precious ng ibang drag artists tulad nila Popstar Bench, O-A, Aries Night, Kieffy Nicole, Ally Nicole, and Winter Sheason.

 

 

Kinoronahan bilang first ever Drag Race Superstar Philippines si Precious noong October 2021. Nagtayo si Precious ng Precious Foundation, isang non-governmental organization dedicated to helping and supporting the Golden Gays.

 

 

Matagal nang tumutulong si Precious sa Golden Gays na mga nagsimula ng drag culture sa Pilipinas.

 

 

***

 

 

MASAYA ang international Filipino actor na si Jake Macapagal sa tinatakbo ng career ni Dolly de Leon.

 

 

Naikuwento ni Jake na naging instrumento siya kung bakit nakasama sa cast ng international film na ‘Triangle of Sadness’ si Dolly kunsaan nakitaan ito ng husay sa pag-arte at tumanggap ng kabi-kabilang parangal at acting nominations.

 

 

“I was part of the casting process. I acted as a casting director, I put a roster of theater actors in my list, and one of them is Dolly de Leon. The film’s casting director Pauline Hansson created a team of casting directors here in the Philippines,” sey ni Jake na noon pa raw ay bilib na sa husay ni Dolly.

 

 

Si Jake naman ngayon ang gumagawa ng ingay dahil sa pagkakasama niya sa cast ng Hollywood series na ‘No Escape.’ Isa itong “fast-paced mystery-thriller about travelers on a yacht whose blissful lives turn into a nightmare when one of them disappears.”

 

 

Ginagampanan ni Jake ang role bilang si Justin Reyes at kinunan ang series sa Thailand. Nag-premiere ito sa Paramount+ sa United Kingdom.

 

 

“If you’ve been deprived for years, you visualize yourself to be on an international set with an international cast. With diverse people in the community working together to create a TV series or film, it was surreal,” sey ni Jake na nagbida sa cirtically-acclaimed British films na ‘Metro Manila’ in 2013.

 

 

Big break ni Jake ay noong mapasama siya sa cast ng Miss Saigon in Germany and the U.K. noong 1994. Nakagawa naman siya ng mga magagandang pelikula sa Pilipinas tulad ng Compound, Foster Child, Kid Kulafu, Posas, Sa Gabing Nanahimik Ang Mga Kuliglig, at Watch List.

 

 

Sa edad na 56, patuloy pa rin daw ang dasal ni Jake na makilala ang husay ng Filipino actors globally.

 

 

“We’re all catching the wave. I hope it paves the way for more Filipinos. I know that Filipinos are very talented and hardworking so whatever we’re doing, you’re doing, I’m doing my part, it will lead to an opening or a window for other people.”

(RUEL J. MENDOZA)

Ads September 7, 2023

Posted on: September 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Pinatitigil ni Angelica dahil ayaw mainggit: ANNE, kakaiba magpasabog ng kagandahan at nananatiling ‘Diosa’

Posted on: September 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IBA talaga magpasabog ng kagandahan si Anne Curtis na kung saan marami talaga ang nag-init na kalalakihan at napa-wow ang followers niya.

 

 

Makikita sa kanyang IG post ang series of photos na halos lumuwa na ang kanyang boobey.

 

 

Nilagyan ito ni Anne na caption, “Iconic runway piece in time for the opening of the new @gucci house in Manila.” na ngayon at may million views na at libu-lbong comments.

 

 

Hindi lang mga netizens ang nag-react sa pasabog na pictorial ng aktres, pati ang mga kapwa niya celebrities sa pangunguna ng kaibigan na si Angelica Panganiban, Hirit ni Angge, “Tigil mo na to kambal. Ayoko na mainggit.”

 

 

Na sinagot naman ni Anne ng, “KAMBAAAAL. Naniniwala ako na gagawin mo din to pag 3 na si Amila Sabine (white heart emoji)”

 

 

“Anne Curtis FOREVER!!!!!” comment naman ni Mariel Padilla.

 

 

Napa-wow naman si Karen Davila at napa-OMG naman si  Ruffa Gutierrez.

 

 

Say naman ni Isabelle Daza, “Boobs (fire emoji).” May fire emojis comment din sina Iza Calzado at Maine Mendoza.

 

 

Maging ang mga beauty queens ay napa-reak tulad ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, “Giiiiirl (clapping hands emojis).”

 

 

“QUEEN” naman ang nai-comment ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee.

 

 

Marami pang celebrities at nag-comment at nag-react sa pagiging hot ni Anne na say ng netizens ay tinapos na niya ang laban, dahil siya talaga ang nanalo at nananatili pa ring Diosa kahit may asawa’t anak na siya.

(ROHN ROMULO)

“CONCRETE UTOPIA,” STARRING LEE BYUNG-HUN, PARK SEO-JUN AND PARK BO-YOUNG, TO HOLD SNEAK PREVIEWS ON SEPT. 11 & 12

Posted on: September 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

READY to fight for survival?

 

 

Be among the first to see Concrete Utopia in the Philippines! Catch sneak previews in your favorite cinemas on September 11 and 12, one week before the regular showing on September 20.

 

 

Directed by Um Tae-hwa, Concrete Utopia is loosely based on Part 2 of the hit webtoon “Joyful Outcast” (“Pleasant Neighbors”) and stars an ensemble of A-list Korean actors including Lee Byung-hun, Park Seo-jun, Park Bo-young, Park Ji-hu, Kim Do-yoon and Kim Sun-young. It is a disaster thriller about the aftermath of a devastating earthquake. The film will follow the story that begins when the survivors gather at Hwang Gung Apartments, the only building left standing in an earthquake-ravaged Seoul.

 

 

The film is a sobering parable, following its characters’ gradual descent into ruthless tribalism in a way that eerily mirrors so many contemporary global events.

 

 

Watch the main trailer: https://youtu.be/LB7Dtqm4zo8

 

 

Concrete Utopia has been picked by the Korean Film Council (KOFIC) to represent South Korea in the selection for Best International Feature Film at the 2024 Academy Awards, and will soon have its North American premiere and gala presentation at the 48th Toronto International Film Festival (TIFF) on September 9.

 

 

Connect with the hashtag #ConcreteUtopiaMoviePH

 

 

Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”

 

(ROHN ROMULO)

PBBM, nakapagbulsa ng $22M investment mula sa mga “top companies” ng Indonesia

Posted on: September 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPAGBULSA na si Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. ng $22 million na investments kasunod ng kanyang mga pakikipagpulong sa mga nangungunang kompanya sa Indonesia para pataasin ang partnership sa animal health, artificial intelligence (AI), at digital connectivity.

 

 

Sa katunayan, nakipagpulong ang Pangulo sa mga top executives  sa mga kompanya sa Jakarta sa sidelines ng kanyang naging partisipasyon sa  43rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits.

 

 

Kabilang sa mga nakapulong ng Pangulo ay ang mga top executives ng PT Vaksindo Satwa Nusantara, PT WIR Asia Tbk, at Pasifik Satelit Nusantara (PSN).

 

 

Nais ni PT Vaksindo Satwa Nusantara na makipagtulungan sa  local partner nito, Univet Nutrition and Animal Healthcare Company (UNAHCO Inc.) Philippines, pagdating sa veterinary vaccines at isusulong ang isang pagbubuhos ng US$2 million na  investments  ngayong taon.

 

 

Magpo-provide din ito sa Pilipinas ng isang avian influenza vaccine.

 

 

Ang isa pang kumpanya na nakapulong ng Pangulo ay ang  PT WIR Asia Tbk., kung saan ang subsidiary nito ay nangako na magi-invest ng  US$20 million. Ang WIR  ay isang  Indonesian publicly listed company na nagdi-develop ng augmented reality (AR) technology kasama ang virtual reality (VR) at artificial intelligence (AI). Kinonsidera ito bilang unang Metaverse company sa Indonesia.

 

 

Sa kabilang dako, nakapulong din ng Pangulo ang  Pasifik Satelit Nusantara (PSN) na nagbigay ng update hinggil sa naging bunga ng memorandum of understanding (MOU) na tinintahan noong nakaraang taon na may kinalaman sa paglulunsad ng  satellite ngayong Disyembre 2023, makatutulong na mapahusay ang  digital connectivity sa Pilipinas.

 

 

Lumagda ang PSN ng  MOU kasama ang WIT Philippines Inc. noong Setyembre ng nakaraang taon sa panahon ng state visit ng Pangulo (Marcos) sa Indonesia.

 

 

Ang alokasyon ng  13.5 Gbps ng bandwidth para sa Pilipinas mula sa bagong satellite  na nakatakdang ilunsad ng PSN ngayong taon ay  naglalayong payagan ang  WIT na tuparin ang intensyon nito na i-develop ang “bigger market” para sa pamahalaan at consumer markets sa Pilipinas. (Daris Jose)

Kaya iba ang atake bilang Monique: BARBIE, aminadong ‘di kayang pantayan ang pagganap ni SHARON

Posted on: September 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
AMINADO si Barbie Forteza na hindi niya mapapantayan ang Megastar na si Sharon Cuneta sa pagganap nito sa pelikulang “Maging Sino Ka Man,” na kanilang gagawin sa telebisyon ni David Licauco.

Ayon pa kay Barbie ay iba ang kaniyang magiging atake bilang si Monique, na iba sa ginawa ni Sharon sa pelikula.

 

 

“Hindi naman po siya conscious effort na ibahin, kasi definitely iba po talaga ‘yung magagawa ko dahil wala naman talagang makakapantay sa ating Megastar,” pahayag ni Barbie.

 

 

“So ako na lang po siguro, pressure on my part na hindi nila makita si ‘Klay,’” na papel niya sa phenomenal Maria Clara At Ibarra.
“Hindi dahil sa para ma-compare roon sa original, kasi walang taong magko-compare, hindi siya ka-compare compare,” sabi pa ng Kapuso actress.

Sinadya ni Barbie na panoorin ang movie version ng ‘Maging Sino Ka Man’ nina Sharon at Robin  na ipinalabas sa mga sinehan noong 1991.

 

 

“Pinanood ko po ‘yung pelikula, hindi dahil pressured ako, [kundi dahil] kasi gusto ko siyang mapanood kasi hindi ko siya time eh… So I really loved the film!

 

 

“Sobrang nakakatawa sina Mr. Dennis Padilla, si Senator Robin, tapos iba ‘yung presence talaga ng ating Megastar doon sa pelikula,” kuwento ni Barbie.

 

 

Gagampanan naman ni David ang karakter bilang si Carding, na ginampanan sa movie version ni Robin.

 

 

Mapapanood na ang ‘Maging Sino Ka Man’ sa Setyembre 11 ng 8 p.m. sa GMA Telebabad at 9:40 p.m. sa GTV.

 

 

***

 

 

KUNG hindi bilang si Prinsipe Zardoz ang ginampanan ni Martin del Rosario at papiliiin siya ng ibang papel, kaninong role ang nais niya at bakit?

 

 

“Ako siguro gusto kong gampanan si Mark Gordon kung hindi ako si Zardoz. Kasi originally sa audition dalawang scripts yung binasa ko, Zardoz and Mark.

 

“Interesting din yung character ni Mark so parang ang sarap din siyang paglaruan kung hindi ako si Zardoz siguro.”

 

Si Radson Flores ang gumanap bilang Mark Gordon na isa sa mga piloto ni Voltes V kasama sina Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong, Ysabel Ortega bilang Jamie Robinson, Matt Lozano bilang Big Bert Armstrong at Raphael Landicho bilang Little Jon Armstrong.

 

Sa Instagram account ni Martin ay makikita ang mga post niya ng patuloy niyang pagpapaganda at pagpapalaki ng katawan sa pamamagitan ng regular workout sa gym.

 

May pinaghahandaan pala kasi si Martin na proyekto.

 

“Hindi ko pa po puwedeng sabihin, confidential pa pero may pinaghahandaan po ako, kailangan medyo malaki ang katawan ko.

 

Finale na ng Voltes V:Legacy ngayong Biyernes, September 8, sa GMA.

(ROMMEL L. GONZALES)