• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 21st, 2023

Ads September 21, 2023

Posted on: September 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Hahanapin nila ang ‘the best of the best’ sa ‘Pinas: RUFA MAE, mag-a-apply bilang receptionist sa isang ‘secret place’

Posted on: September 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MULING magsasanib-puwersa ang GMA Public Affairs at YouTube Philippines para sa espesyal na digital series – ang “Philippines’ Number 1,” tampok ang ilan sa mga pinakahinahangaang content creators sa bansa. Eksklusibong mapapanood ito sa GMA Public Affairs YouTube channel simula Setyembre 22.

 

 

Ang Pilipinas, tila isang bansang hitik sa ‘pinaka’ at ‘numero uno.’ Ito lang naman ang tahanan ng most perfect cone-shaped volcano sa buong mundo, ng pinakamataas na kawayang estatwa, ang pinakamahabang ilog sa ilalim ng lupa, at kung anu-ano pa. Ngunit saan nga ba mahahanap ang ‘the best of the best’ sa Pilipinas?

 

 

Matapos ang hit online series na “Pinoy Christmas in our Hearts,” muling magko-collab ang GMA Public Affairs at YouTube para sa “Philippines’ Number 1.”

 

 

Ang Palawan Island ay hindi matatawaran bilang isa sa mga pinakamagandang tourist destination hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

 

 

Ang kilalang aktres at komedyante na si Rufa Mae Quinto, mapapadpad sa isang “secret place” sa El Nido na ayon sa mga lokal ay isa sa mga lugar kung saan mararanasan mo ang ultimate island vacation. Mag-a-apply rin si Rufa Mae bilang isang receptionist upang tuklasin ang mga lihim ng eksklusibong destinasyong ito.

 

 

Sa Tuguegarao City sa Lalawigan ng Cagayan naman, magtutungo ang “Philippines’ Number 1” para sa tanyag nilang Pancit Batil Patung Festival. Susuyurin ni celebrity chef JR Royol ang mga lansangan ng Tuguegarao para mahanap ang pinakalumang pancit batil patung recipe at susubukan ang tradisyunal na paraan ng pagluluto ng pansit na tinatawag na kinabayu. Samantala, ang sikat na vlogger na si Agassi Ching ay matapang na haharap sa Ultimate Pancit Batil Patung Mukbang Challenge dito sa Metro Manila.

 

 

Wala pa mang opisyal na dinedeklarang pambansang ulam ang mga Pilipino, ngunit malamang isa sa mga nangunguna rito ang Adobo. Para sa mga taga-Silay City sa Negros Occidental, halos lahat ay maaaring gawing Adobo — manok, baboy, gulay, kuneho, pato, atbp.

 

 

Nagdaraos pa sila ng festival kung saan iba’t ibang bersyon ng adobo ang inihahain. Nagtungo rito ang mga sikat na chef vlogger na sina RV Manabat at Abi Marquez para sa one-on-one adobo cooking showdown. Ngunit ang twist, hindi sila bibigyan ng anumang sangkap dahil kailangan nila mismo itong anihin. Ano ang magiging lasa ng “adobo of their labor?”

 

 

Tuklasin ang ‘the best of what Philippines has to offer’ sa mata ng ilan sa mga pinakakilalang content creators sa bansa. Abangan ang “Philippines’ Number 1,” na eksklusibong mapapanood sa GMA Public Affairs’ YouTube Channel (https://www.youtube.com/gmapublicaffairs) simula Setyembre 22.

 

(ROHN ROMULO)

Kahit magkakasabay ang shows at movies: DINGDONG, nakuha pa ring mag-report sa duty bilang reservist

Posted on: September 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NGAYONG Biyernes na ang finale episode ng isa sa consistent top-rater sa primetime ng GMA-7, ang “Royal Blood.”  

 

 

Nakaaaliw lang ang iba na kinukuwestiyon pa ang pagiging top-rater ng serye, e, isa yata ito sa magandang primetime series na nagawa ng GMA-7, huh!

 

 

So ‘yun nga, kung totoo raw talaga na mataas ang rating ng “Royal Blood”, bakit daw hindi ito extended?  

 

 

Naku, hindi ba talaga pwedeng walang extension dahil pwedeng mas makapangit pa sa kuwento? 

 

 

Pero ang totoo, parang imposible na talaga itong ma-extend pa kahit na sabihing nagre-rate.

 

 

Ang bida nito na si Dingdong Dantes bilang Napoy e, sobrang dami nang nag-aabang na proyekto na kailangan na rin niyang bigyan ng focus.  

 

 

So, malabo, ‘di ba?  Kung totoo nga ang nabalitaan namin na medyo nagkasakit na rin si Dingdong kaya may ilang araw itong nagpahinga raw.

 

 

 

Pero hayan, obviously, back to work agad. At sa rami ng magkakasabay niyang shows at movies, nakuha pa rin niyang mag-report sa duty bilang reservist.  

 

 

 

Ang caption niya sa kanyang Instagram stories, “AFP duties before the taping of Family Feud.”

 

 

 

So ‘yun nga, balik taping na ulit si Dingdong ng “Family Feud”, “Amazing Earth”, “The Voice Generations” at simula na rin sila ni Marian Rivera ng shooting ng kanilang MMFF movie na “Rewind” at sa “FireFly” naman, ang alam namin, parang special appearance lang din siya rito.

 

 

 

***

 

 

 

KAHIT na puyat, tutok ang buong oras sa kanyang anak, ramdam sa Instagram message ni Angelica Panganiban kung gaano siya kaligaya ngayon.

 

 

 

Hindi nga siguro mapapantayan ng kahit ano pang malaking proyekto, trophy ang pagiging isang ganap niyang nanay.  Eh, ever since pa naman, ito talaga ang pangarap ni Angelica, ang maging isang ina.

 

 

 

Sa actual first birthday ng anak nila ng fiancé na si Gregg Homan, sa Australia nila ito ipinagdiwang. Kaya siguro, to follow ang pa-first birthday party. 

 

 

 

Ang emote nga ni Angelica na baliw na baliw sa anak nila na si Baby Bean, “Punong puno ng takot ang buong pagkatao ko ng ganitong oras last year.  Marahil dahil sa dami ng mga hindi ko alam gawin.  

 

 

 

“Sa lahat ng duda.  At nang sa hindi ko na mapigilan ang grand entrance mo.  Pero sa kabila ng lahat ng kaba, ikaw ang nag gabay sa akin kung paano maging isang ina.

 

 

 

“Hindi perpekto, pero sapat. ‘Yun naman ang mahalaga. Salamat, salamat, salamat ng paulit-ulit sa pinakamasayang chapter ng buhay ko. 

 

 

 

“Happy birthday love.  Isang taon na kong baliw sa ‘yo. Ilang taon pa kaya tayo magiging baliw sa isa’t-isa? Mahal na mahal kita ng wagas.”

 

 

 

Siyempre, dahil sa post na ito ni Angelica, ang daming mga kapwa niya celebrities ang bumati sa kanilang mag-ina. Kabilang na si Kim Chiu na isa sa mga ninang at hiniritan ni Angelica na pakipadala na lang daw sa bahay nila ang regalo ng inaanak nito.

 

 

 

Gayundin sina Bela Padilla, Anne Curtis, Jodi Sta. Maria, Agot Isidro, Ryza Cenon, Angeline Quinto at iba pa.

 

(ROSE GARCIA)

Napagkuwentuhan din nila ni Iñigo: RURU, natuwa na alam ni PIOLO na inaanak siya sa binyag

Posted on: September 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KAHIT kami ay nagulat nang malaman namin na ninong pala ni Ruru Madrid sa binyag si… Piolo Pascual!

 

 

Sa mga hindi nakakaalam, dating modelo ang ama ni Ruru na si Bong Madrid, na noong kabataan ay napakaguwapo ring tulad ni Ruru.

 

 

At nagkataon na matalik na magkaibigan sina Bong at Piolo noon pa man, base na rin sa rebelasyon ni Ruru sa guesting niya sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda”.

 

 

“My dad and si … talagang magkaibigan po sila, so parang ‘Oh, inaanak mo yung anak ko ha’,” kuwento ni Ruru.

 

 

Maging sila raw ni Iñigo Pascual na anak ni Piolo ay nagkakuwentuhan na tungkol dito.

 

 

“Si Iñigo, sabi niya, ‘Bro alam mo ba na inaanak ka ni papa?’

 

 

“Sabi ko, ‘Oo bro. Alam mo ever since alam ko yan’,” ang nakangiting pagbabahagi pa ni Ruru tungkol sa minsang pagkikita nila ni Iñigo sa isang event.

 

 

“Tapos parang, natuwa ako na alam ni Mr. Piolo Pascual.”

 

 

Samantala, lagare si Ruru sa mga proyekto; malapit na siyang mapanood sa upcoming action series ng GMA, ang “Black Rider” with Yassi Pressman.

 

 

Silang dalawa rin ang mga bida sa pelikulang palabas ngayon sa mga sinehan ang “Video City”.

 

 

***

 

 

HINDI na nakagugulat nang aminin ni Alden Richards na natakot siyang tumanggap ng pelikula pagkatapos ipalabas ang ‘Hello Love, Goodbye’ nila ni Kathryn Bernardo four years ago.

 

 

Gumawa ng history ang naturang pelikula nila ni Kathryn dahil ito ang highest grossing Filipino film of all time, kaya hindi maiaalis kay Alden ang matinding expectations at pressure na nakaamba sa kanya tuwing gagawa ng bagong pelikula na kasunod ng HLG.

 

 

“I was fearful, you know, coming from the success of ‘Hello, Love, Goodbye’ siyempre, it broke records.

 

 

“Natakot po ako to accept projects in terms of movies kasi lalo pa’t yung pagtingin ko sa details ng gagawing projects is medyo, of course, tumaas din ‘yung standards ko,” pahayag ni Alden in an interview sa kanya ni Nelson Canlas sa 24 Oras.

 

 

At ngayong may bago siyang pelikula na ‘Five Breakups And A Romance’ with Julia Montes, for sure kabado si Alden habang nalalapit ang shlowing ng pelikula, lalo pa nga at isa siya sa mga producers ng movie with his Myriad Entertainment together with GMA Pictures and Cornerstone Studios.

 

 

By the way, personal choice ni Alden, bukod kay Julia, si Lotlot de Leon para gumanap na ina niya sa pelikula, na ang sumulat at nagdirehe ay si Irene Villamor.

(ROMMEL L. GONZALES)

TAKE A SNEAK PEEK AT THE RESIDENTS OF HWANG GUNG APARTMENTS IN THE CHARACTER TRAILER FOR “CONCRETE UTOPIA” (PART 2)

Posted on: September 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

RULES for survival: Obey or leave. Watch the character trailer for Concrete Utopia. 

The critically acclaimed film is now showing in Philippine cinemas.

https://youtu.be/1vY5TwZaRb0

Get to know more about the characters of Concrete Utopia and the actors and actresses that portrayed them, as described by director Um Tae-hwa.

GEUM-AE, the head of Hwang Gung Apartments women’s association

Played by: Kim Sun-young

A resident of room 207, who serves as the head of the women’s association at Hwang Gung Apartments. When it comes to the safety of residents and herself, Geum-ae does not hesitate to take action. She’s the one who recommended Young-tak as the Resident Delegate and she firmly believes in following Resident Regulations no matter what. She plays a central role in bringing residents together while remaining extremely vigilant against any potential threats.

Director Um says that Kim Sun-young perfectly embodies the ordinary yet profound nature of the character of Geum-ae, enabling audiences to be fully immersed in the movie.

HYE-WON, who has returned from the hellish outside

Played by: Park Ji-hu

A resident of room 903, who miraculously survives the earthquake and returns alone to Hwang Gung Apartments. Under a new set of regulations, living with residents is never the same as before. Observing residents being bizarrely optimistic as if they don’t care about the hellish outside, Hye-won experiences an inexplicable sense of unease.

“She embodied the character just right even in situations where she had to convey a wealth of emotions through facial expressions and gazes alone,” the director says of Park Ji-hu.

DO-KYUN, an uncooperative resident

Played by: Kim Do-yoon

A resident of room 809 in Hwang Gung Apartments. Dissatisfied with the approach of the residents’ committee led by Young-tak and Geum-ae, he starts making excuses for himself and is uncooperative. He complies with the basic rules so as not to go against the current, but he refuses to do any more. Amidst each of the residents’ various struggles to survive, he becomes more and more isolated.

Director Um says of Kim Do-yoon, “Kim Do-yoon excelled at portraying this character whose neat and smart appearance gradually begins to fray and collapse.”

Directed by Um Tae-hwa, Concrete Utopia is loosely based on Part 2 of the hit webtoon “Joyful Outcast” (“Pleasant Neighbors”) and stars an ensemble of A-list Korean actors including Lee Byung-hun, Park Seo-jun, Park Bo-young, Park Ji-hu, Kim Do-yoon and Kim Sun-young. It is a disaster thriller about the aftermath of a devastating earthquake. The film will follow the story that begins when the survivors gather at Hwang Gung Apartments, the only building left standing in an earthquake-ravaged Seoul.

Connect with the hashtag #ConcreteUtopiaMoviePH


(ROHN ROMULO)