• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 23rd, 2023

Jason Statham Thinks Sylvester Stallone Has A Great Hand On The ‘Expendables’ Team

Posted on: September 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ACTOR Jason Statham, who has been playing Lee Christmas, the right-hand man on the ‘Expendables’ team, in the franchise since 2010, has said that the movies from the franchise are essentially escapism.

 

 

Talking about the success of the franchise, Statham said that he thinks Sylvester Stallone has a great hand in it.

 

 

Jason Statham said: “He has created these characters, and given us the identity within these characters. We are these guys that can’t navigate through life in general, and they are only good when they are together saving the world.”

 

 

Jason Statham thinks there is an appeal when it comes to the “dysfunctional guys with the same problems, as everyone else has in their life; they can’t hold a relationship down, one goes to therapy because he can’t think properly, the other one is just a bit of a whack job.

 

 

“Everyone has their cross to bear, and as long as you have these characters relatable, instead of them being these indestructible robots that don’t feel pain and never get hit. I think people can relate to that and these movies are essentially escapism.”

 

 

The actor also shared his opinion on the world of cinema and music being slightly related.

 

 

“Some people like rock and roll, some people like country music, people don’t always have the same taste. If you like action movies, you like the ‘Expendables’, because we try and interject into these franchises what the expectations are for action movie junkies.

 

 

“We try to give a bit of care and attention, not just the action, but to some of the lesser stuff that is relevant.”

 

 

‘Expend4bles’ now showing in PH cinemas nationwide. (source: koimoi.com)

 

(ROHN ROMULO)

Lorna at Ria, apektado rin dahil sa ‘Monster’: SYLVIA, nadurog ng todo ang puso bilang isang ina

Posted on: September 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments
NAGSAMA-SAMA sina Sylvia Sanchez, Ria Atayde, at Lorna Tolentino sa kauna-unahang pagkakataon para sa nalalapit na showing sa Pilipinas ngayong ika-11 Oktubre ng internationally acclaimed Japanese drama na ‘Monster.’ 
Nagsimula ang partnership ng mag-inang Sylvia at Ria ng Nathan Studios at ni Lorna last summer nung sama-sama silang bumiyahe sa Cannes Film Festival sa France para sa espesyal na screening ng ‘Topakk’ na pinagbibidahan ni Arjo Atayde at dinirek ni Richard V. Somes.
Maliban sa screening ng ‘Topakk’ sa Cannes, dito rin nagsosyo ang Nathan Studios at si Lorna sa pagbili ng mga pelikulang kanilang ire-release for theatrical showing dito sa Pilipinas.
Sa ilalim ng direksyon ng nirerespeto at multi-awarded direktor na si Hirokazu Kore-eda, tampok sa ‘Monster’ ang mahuhusay na Japanese actors gaya nina Sakura Andō, Eita Nagayama, Sōya Kurokawa, Hinata Hiiragi, at Yūko Tanaka.
Umiikot ang istorya ng ‘Monster’ sa isang pamilya na humaharap sa pagsubok laban sa pambu’bully at sinusulong nito ang kahalagahan ng malusog na pag-iisip o ng mental health.
“Kakaiba itong pelikulang ito,” ayon kay Sylvia na kilala para sa kanyang powerful performances bilang isang ina sa pelikula at telebisyon.
 “Mahilig akong manood ng pelikula at sa dinami-rami ng aking napanood, isa itong ‘Monster’ na talaga namang dumurog ng todo sa puso ko bilang isang ina.”
Ayon naman kay Ria, na tumatayo bilang President and CEO ng Nathan Studios, isa ang ‘Monster’ sa mga uri ng pelikula na angkop sa personalidad at mission-vision ng kanilang kumpanya.
“We are really aspiring and working very hard to offer cutting edge content that would challenge the minds and touch the hearts of viewers,” sabi ni Ria.
Karapat-dapat ding banggitin na ang Nathan Studios ang nasa liood ng mga delakidad na proyekto gaya ng ‘Cattleya Killer’ na mapapanood ngayon sa streaming platform na Amazon Prime Video; at ang ‘Topakk’ na isang action-thriller genre film na kasalukuyang umiikot sa mga iba’t-ibang prestihiyosong international film festivals sa iba’t-ibang panig ng mundo gaya sa Switzerland, Japan, at Amerika.
Katatapos lang ito mag-premiere sa Fantastic Fest sa Austin, Texas last September, na balitang nag-sold out kaya nag-add pa ng isang theater para ma-accomodate ang gustong makapanood.
Para kay Lorna naman, na tinaguriang Grand Slam Queen ng Pilipinas, mahalaga at napapanahon ang mensahe ng ‘Monster’, “Dapat talagang ma-address natin ang laban sa bullying at ang pagpapalaganap ng malusog na pag-iisip para sa lahat ng tao, bata man o matanda.”
Aminado ang tatlong premyadong aktres na malaki ang naging epekto sa kanila ng ‘Monster’ sapagkat talagang pinukaw at dinurog ng pelikulang ito ang kanilang mga puso.
“Isa na ito sa pinaka-magandang mga pelikula na napanood ko. Mapapa-isip ka talaga kung sino ba talaga ang Monster,” paglalarawan ni Sylvia sa movie na lumaban para sa Palm d’Or sa katatapos lamang na 76th Cannes Film Festival. Dito rin pinarangalan ang pelikula ng Best Screenplay award.
Bilang isang mga magulang at ina, nagkakaisa sina Sylvia at Lorna na karapat-dapat panoorin ng bawat Pilipino ang ‘Monster’ dahil sa mga aral ng buhay na kanilang matutunan dito gaya ng pagmamahal sa anak at pagpapahalaga sa pamilya.
Para naman kay Ria, may matinding kurot sa puso ang Monster para sa kanya bilang isang anak na may sariling mga pangarap at minimithi sa buhay.
“Iba ang pagmamahalan ng isang ina at ng kanyang anak. Malalim ito at napakasakit kung ito ay mawawasak,” paliwanag ni Ria.
Nagkakaisa rin ang tatlong aktres na major shocker ang ending ng pelikula matapos nitong yanigin ang buong mundo sa husay ng storytelling at acting na mapapanood dito.
Ipapalabas ang ‘Monster’ sa mga sinehan sa buong bansa sa darating na Oktubre 11 at kasalukuyang naghahanda ang Nathan Studios kasama ang isa pa nitong partner — ang 888 Films International — para sa isang red carpet special screening na dadaluhan ng mga bigating industry personalities gaya ng mga direktor, mga artista, press at online influencers, at mga kritiko ng pelikula.
Para sa karagdagang impormasyon at exciting news updates ukol sa Monster at sa ibang pang mga proyekto ng Nathan Studios, sundan ang @nathan.studios sa Instagram at i-like ang Nathan Studios Inc. sa Facebook.
(ROHN ROMULO)

Itatagal volcanic smog mula sa Bulkang Taal, hindi pa matukoy – PHIVOLCS

Posted on: September 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pa matukoy sa ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology kung hanggang kailan magtatagal ang nararanasan volcanic smog mula sa Bulkang Taal.

 

 

Ayon sa PHIVOLCS, hangga’t nagpapatuloy ang pagbubuga ng sulfur dioxide ng Bulkang Taal ay magtutuluy-tuloy din ang nararanasang vog sa ilang bahagi ng Luzon.

 

 

Ayon sa ahensya, batay sa kanilang monitoring ay patungong kanluran ang direksyon ng mga ibinubugang sulfur dioxise ng nasabing bulkan na nakakaapekto sa mga bayan ng Tuy, Calaca, Balayan, at Nasugbu sa Batangas.

 

 

Kaugnay nito ay mayroong discretion ang mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng evacuation sa mga residente kung kinakailangan.

 

 

Batay sa bulletin ng PHIVOLCS, limang volcanic tremors lamang na tumagal ng hanggang 575 mins. ang kanilang naitala mula alas-5 ng umaga kahapon, hanggang alas-5 ng umaga kanina.

 

 

Habang ang sulfur dioxide emission naman ay tumaas mula 4,322 tonelada noong Martes hanggang 4,569 tonelada noong Huwebes. (Daris Jose)

Phivolcs, pinagsusuot ng N95 mask ang publiko vs Taal volcanic smog

Posted on: September 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS  ng babala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Biyernes ukol sa volcanic smog o vog na mula sa Bulkang Taal, bagay na nakataas sa Alert Level 1.

 

 

Ayon sa state volcanologists, ang “vog” ay uri ng gas na acidic at nagdudulot ng irritation sa mata, lalamunan, at sa respiratory tract depende sa kung gaano kadaming gas ang malalanghap at haba ng exposure dito.

 

 

“Vog has been affecting the Taal Region since the first week of September 2023 as an average of 3,402 tonnes/day SO2 has been degassed from Taal Volcano for the month,” sabi ng Philvolcs sa isang abiso sa kanilang Facebook page.

 

 

Naglabas ang Bulkang Taal ng higit 4,569 tonelada ng sulfur dioxide (SO2) sa nagdaang araw habang may isang malaking ulap nito ang namataan sa bandang kanluran ng bulkan nitong Huwebes.

 

 

Nagbabala rin ang ahensya na maaaring malaki ang maging epekto nito sa mga taong mayroong asthma, lung at heart disease, sa mga nakatatanda, mga buntis, at mga bata.

 

 

Pinagbabawalan pa rin ang mga sumusunod kaugnay ng bulkan:

Pagpasok sa Taal Volcano Island o TVI, lalo na sa Main Crater at Daang Kastila fissures, at pamamalagi sa lawa ng Taal

Paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan

 

 

Bukod pa riyan, maaari pa rin daw asahan ang mga sumusunod:

biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions

volcanic earthquakes

manipis na ashfall

pag-ipon o pagbuga ng mga nakalalasong gas

 

 

Inabisuhan ng Philvolcs ang mga lugar na apektado ng vog na:

Limitahan ang exposure dito sa pamamagitan ng pag-iwas sa outdoor activities, pananatili sa loob ng bahay, at pagsara ng mga bintana at pinto upang maiwasan ang vog

 

 

Protektahan ang sarili sa pamamagitan ng facemask, partikular na ang N95 facemask.

 

 

Pag-inom ng tubig upang maiwasan ang irritation sa lalamunan at paghingi ng tulong sa mga doktor o lokal na health unit kapag naapektuhan nito.

 

 

Kaugnay nito, sinuspinde ang klase sa ilang mga lugar sa Metro Manila, Cavite, Batangas, at Laguna dahil sa panganib sa kalusugan na dulot ng vog.

 

 

Ipinaalala rin ng DOST-Phivolcs na nananatiling “abnormal” ang kondisyon ng Taal Volcano ngayong nakataas ang Alert Level 1, at hindi raw maaaring tignan bilang pagtatapos ng eruptive activity.

 

 

Maaari raw itong itaas pabalik ng Alert Level 2 kung sakaling magkaroon ng uptrend o pronounced change sa mga binabantayang parameters.  (Daris Jose)

Mula sa nakatatakot na si Padre Salvi: JUANCHO, level-up ang pagiging kontrabida sa ‘Maging Sino Ka Man’

Posted on: September 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MULA sa nakatatakot na pagganap bilang si Padre Salvi sa ‘Maria Clara At Ibarra’, muling katatakutan si Juancho Triviño sa bagong role niya as Gilbert sa Kapuso special series na ‘Maging Sino Ka Man.’

 

 

Sey ni Juancho ay mag-level up pa ang inis ng mga tao sa bagong kontrabida character niya dahil gusto niyang ipaligpit si Monique na ginagampanan ni Barbie Forteza.

 

 

Nakakikilabot nga ang dialogue ni Juancho na: “Find her now and finish her!”

 

 

Pinost ni Juancho sa Instagram ang kanyang bagong Villain Squad na kinabibilangan nina Jeric Raval, Antonio Aquitania at Juan Rodrigo.

 

 

“My villain era diary… Na eenjoy ko itong kontrabida roles ah, to be honest. Im sure iba ang experience nyo pag napapanood ako, pero IRL bati tayo ah? Sports lang,” caption pa ni Juancho.

 

 

***

 

 

IPINAKILALA na ang star-studded cast ng upcoming Philippine adaptation ng hit K-drama series na Shining Inheritance sa naganap na story conference kamakailan.

 

 

Ang Shining Inheritance ay kilala rin bilang Brilliant Legacy na napanood sa Kapuso network noong 2009.

 

 

Isa sa lead stars ng upcoming series ay ang Sparkle actress na si Kate Valdez.

 

 

Ibinahagi ni Kate na palaban ang kanyang gagampanang karakter sa Philippine adaptation ng Shining Inheritance.

 

 

“Palaban po ‘yung character ko rito pero hindi pa-kontrabidang palaban. Palaban siya because of survival instincts,” pagbabahagi niya.

 

 

Masaya si Kate na mapabilang sa cast ng Shining Inheritance at excited na siyang makatrabaho ang kanyang co-stars.

 

 

“Excited ako and I feel so blessed and happy na isa po ako sa napili na mag-portray ng isang role dito sa Shining Inheritance. Excited ako sobra na makatrabaho ‘yung mga actors na hindi ko pa nakakatrabaho.

 

 

“Mostly dito, si Kyline and si Paul pa lang ‘yung nakaka-work ko and the rest hindi pa. So I’m very excited and happy and blessed.”

 

 

Ayon pa kay Kate, kabilang sa kanyang gagawin na paghahanda para sa role niya sa serye ay ang pagsailalim sa acting workshop.

 

 

“Memorizing the script, familiarization, workshop, and relationship workshop with the other actors din,” sey ng Kapuso star.

 

 

Ang Shining Inheritance ay pagbibidahan nina Kate Valdez, Kyline AlcantaraMichael Sager, , Paul Salas, at Ms. Coney Reyes.

 

 

Makakasama rin sina Glydel Mercado, Wendell Ramos, Aubrey Miles, Roxie Smith, Seth Dela Cruz, at Charlize Ruth Reyes.

 

 

***

 

 

MABILIS  na sinagot ni Joe Jonas ang pagsampa ng kaso ng kanyang estranged wife na si Sophie Turner tungkol sa pagkuha nito sa kanilang dalawang anak.

 

 

Ang hiling ni Sophie ay ang “immediate return of children wrongfully removed or wrongfully retained.” Inakusahan pa niya si Joe na tinatago nito ang passports ng dalawang bata.

 

 

Heto ang sagot ng legal team ni Jonas:

 

“This is an unfortunate legal disagreement about a marriage that is sadly ending. When language like ‘abduction’ is used, it is misleading at best, and a serious abuse of the legal system at worst.

 

 

“The children were not abducted. After being in Joe’s care for the past three months at the agreement of both parties, the children are currently with their mother. Sophie is making this claim only to move the divorce proceedings to the UK and to remove the children from the U.S. permanently

 

 

“Joe has already disavowed any and all statements purportedly made on his behalf that were disparaging of Sophie. They were made without his approval and are not consistent with his views. His wish is that Sophie reconsider her harsh legal position and move forward in a more constructive and private manner. His only concern is the well-being of his children.”

(RUEL J. MENDOZA)

First time na magkasama sa isang project: DONNY, naging dahilan para pumayag bumalik sa pelikula si MARICEL

Posted on: September 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments
MAGKASAMA sa unang pagkakataon sa isang proyekto ang mag-ina na sina Maricel Laxa at Donny Pangilinan. 
Sa pelikulang ‘GG’ (Good Game) ng Mediaworks Inc., Cignal Entertainment at Create Cinema.
Piling-pili lang ang mga proyektong tinatanggap at ginagawa ni Maricel.  At nang matanong nga ito sa naging mediacon ng GG, ang mga anak ang itinurong dahilan kung bakit siya napapayag itong gawin.
“I think, this is product of obeying your children,” natatawang sabi ni Maricel.
“Kasi, sila naman ang nagpilit sa akin na bumalik sa pelikula.  Akala ko, wala na talaga sa sistema ko ang showbiz.
“Pero, once an actor will always be an actor, I guess.   It was very special in my heart, so, here I am,” nakangiti pa rin niyang turan.
Bukod kay Donny na siyang bida ng pelikula, ang anak na si Hannah Pangilinan naman ang Executive Creative.
Natawa si Donny sa sagot ng ina nang tanungin ito kung kumusta ang naging working relationship nila.
Sabi kasi ni Maricel, “Well, basta lang sumusunod ako kanila, walang problema.
“Ibig sabihin kasi, maayos ko naman siguro silang pinalaki.  And they’re experts on their field.  So, respeto na lang ang maibibigay ko.”
Ayon pa kay Maricel pagdating sa kanilang mga ginagampanang karakter, “Magkaibang-magkaiba sa totoong buhay. So, makikita niyo ang mga bagay na kailangan naming mag-adjust.  We’re not portraying ourselves.
“Bagamat mag-nanay, hindi kami ‘yon.”
Ipinagmamalaki naman ni Maricel kung gaano kalaki ang paniniwala ng anak sa pelikulang GG.  Malaki rin daw ang naging investment nito.
“Donny believes in this movie so much that he’s a major investor and stakeholder of this film.  He has been part of it from beginning to end and it continues to be part of it whether it is behind-the-scenes or with the cast, crew, every single detail, he’s part of.
“And I’m very proud to be part of this film because his whole heart and soul in it.”
 Ang GG ay isang barkada sport drama movie na ang goal ay maipakita ang landscape ng Filipino esports. Maipakita rin na kahit madalas, may negatibong konotasyon ang larong ito, ang gaming ay pwedeng maging daan din para mas maging malalim at matatag pa ang relasyon ng isang pamilya at friendly competition din.
***
TINANONG namin si Andrea Torres kung ano ang ‘what if’ niya sa mga naging relasyon.
Pero sabi niya, “Wala akong what if… kasi, feeling ko lahat may reason talaga,” nakangiting sabi niya.
“Light lang ako magdala ng mga nangyayari sa buhay ko.  Hindi ko iniisip masyado yung mga gano’ng bagay.  Basta go with the flow lang ako.
“Happy lang always.”
Si Andrea ang tila ‘kontrabida’ sa ‘Love Before Sunrise,’ ang bagong GMA primetime series na pagtatambalan nina Bea at Dennis Trillo at mapapanood na simula ngayong Lunes sa GMA Primetime. At aminado itong kinabahan siya.
“For me, special ‘to, kasi unang-una—kanina nga, nagko-compare notes na kami ni Sid (Lucero) habang ini-interview si Bea at saka si Dennis. Kasi, si Dennis, Sid at ako, kami ‘yong tatlong kabang-kaba na pumunta sa set.
“Pressured na pressured kami kay Bea,” natawang pag-amin ni Andrea sa ginanap na mediacon ng ‘Love Before Sunrise’ sa SM Megamall Cinema 2.
Nang malaman pa lang daw niya na Kapuso na si Bea, talagang pinangarap na niya na makasama niya ito sa isang proyekto.
Sabi pa ni Andrea, “Talagang noong lumipat siya sa GMA, talagang winish ko na maka-work siya.  Si Dennis, sa mga interview ko before, talagang palagi ko naman siyang binabanggit na gusto ko siyang maka-trabaho.  So, third time na namin.
“Itong si Sid, nagbabalik after ‘Millionaire’s Wife’ so, grabe talaga. Grabe silang maka-trabaho. Kita mo yung dedication and ang ganda na dini-discuss yung scene bago i-atake, also with Direk.”
Ang director ng Love Before Sunrise ay si Mark Sicat Dela Cruz.
(ROSE GARCIA)

Ads September 23, 2023

Posted on: September 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

92 milyong balota para sa BSKE, tapos na

Posted on: September 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NATAPOS nang iimprenta ng National Printing Office (NPO) ang higit sa 92 milyong balota na gagamitin sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

 

 

 

Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na nasa kabuuang 92,054,974 opisyal na balota ang gagamitin sa halalan.

 

 

 

Itinurn-over na ng NPO sa Comelec nitong Huwebes ang certification of completion para sa pag-imprenta ng mga naturang balota, gayundin ang iba pang accountable forms para sa halalan.

 

 

Marso pa natapos ng NPO ang pag-imprenta ng higit sa 90 milyong balota. Nadagdag ngayon ang higit sa 1.6 milyon na balota dahil sa mga bagong rehistradong botante noong Disyembre 12, 2022 hanggang Enero 31, 2023.

 

 

Bukod dito, nakapag-imprenta na rin ang NPO ng 2,092,147 official ballots para sa plebisito upang ratipikahan ang conversion ng City of San Jose Del Monte, Bulacan bilang isang highly-urbanized city (HUC).

 

 

Magkasabay na isasagawa ang BSKE at plebesito sa San Jose Del Monte City sa Oktubre 30.

71% ng Metro Manila commuters tutol sa taas pasahe

Posted on: September 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MADAMI ang tutol na mga pasahero na nakatira sa Metro Manila ang tutol sa gagawing pagtataas ng pasahe ng mga pampublikong jeepneys (PUJs) na tinatayang may 70 porsiento ng kabuohang bilang ng mga pasahero.

 

 

 

Ito ay ayon sa ginawang survey na ginawa ng transport advocacy na The Passenger Forum (TPF) mula Sept. 16 hanggang Sept. 17.

 

 

 

“There is no doubt that regular commuters simply do not have the budget space to allow any fare hikes. This confirms what we have been asserting that the government should look for other solutions such continuous and effective fuel subsidy for PUJs rather than simply giving the go signal for a fare increase,” wika ni TPF convenor Primo Morillo.

 

 

 

Karamihan sa 100 respondents ay galing sa lungsod ng Quezon na may naitalang 20%, Manila 14% at Caloocan na may 9%.

 

 

 

Tinatayang may 29 % ng mga sumali sa survey ay sumasakay ng PUJs ng 10 hanggang 14 na beses kada linggo habang ang 20% naman ay sumasakay ng mas madaming beses pa.

 

 

 

Mas mataas pa sa 72% sa kinuhang sample ng populasyon ang nagsabing dapat ang pamahalaan ay limitahan ang hinihinging fare increase sa P1 lamang na may naitalang 43% o dapat ay mas kaunti pa sa P1 na may bilang na 29%.

 

 

 

Samantala, sa ngayon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay nahaharap sa petisyon ng transport group na humihing ng P5 sa pagtaas ng minimum na pasahe ng jeepneys at provisional hike na P1. Ito ay magkaibang petisyon pa na humihinging P2 na increase.

 

 

 

Ayon kay LTFRB chairman Teofilo Guadiz III na maaaring mangyari ang pagtataas bago matapos ang taon. Humihingi ang mga grupo sa transportasyon na tumaas ang pasahe dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo.

 

 

 

Diniin naman ni Morillo na dapat ang LTFRB ay nagbibigay sa publiko ng liquidation ng P3 billion na fuel subsidy na sa ngayon ay pinamimigay sa mga drivers at operators ng mga sasakyan ng pampublikong transportasyon tulad ng jeepney, buses, TNVS, at iba pa.

 

 

 

“As the main rationale for the fuel subsidies is to cushion the effects of oil price hikes to the transport sector, it should also eliminate, or at least minimize, the need for fare hikes. We just cannot understand how LTFRB chief Guadiz media statement after distributing 3 billion pesos is to announce that they will soon approve a fare hike. In fact, they should explain first how the P3 billion was spent,” dagdag ni Morillo.

 

 

 

Ayon kay Morillo na malaking halaga ang P3 billion kung kayat dapat ipaliwanag ng muna ng LTFRB ang tungkol dito. LASACMAR