• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October, 2023

Skilled sexy assassin pala ang magiging role… KATRINA, super shocked at nahirapan sa mga trainings para sa ‘Black Rider’

Posted on: October 31st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NATATAWANG kinuwento ni Katrina Halili na hindi niya kaagad nalaman na skilled sexy assassin ang magiging role niya sa upcoming Kapuso drama-action series na Black Rider.

 

 

 

Kinuwento ni Katrina ang kanyang naging paghahanda sa kanyang role bilang si Romana.

 

 

 

“Medyo nahirapan po ako kasi kailangan kong dumaan sa mga trainings, sa big bikes, mixed martial arts, kung anu-ano,” sabi ni Katrina.

 

 

 

“Noong unang tinanggap ko po ito, wala akong idea na ganyan. Ang alam ko po, drug lord lang na mag-uutos-utos.

 

 

 

“Super shocked po ako na ang daming trainings po tapos ako po pala ‘yung gagawa ng action, akala ko taga-utos lang po!” tawa pa niya.

 

 

 

Nagduda tuloy sa sarili si Katrina kung magagampanan niya ang role.

 

 

 

“Una, skeptic po ako sa sarili ko kasi nasanay na po ako sa hapon na nanay, iyak-iyak. Pero noong ginagawa ko na po siya, na-e-enjoy ko po siya. Happy po ako, medyo umiksi-iksi na nga po ang katawan ko.

 

 

 

“Siyempre kinokondisyon ko ‘yung sarili ko na pumayat ako. Noong nalaman ko na sexy assassin, na-stress na po ako lalo. Tapos kasama ko sina Ruru tapos Matteo, mas lalo po akong na-stress. Sobrang stressed po ako noong nalaman ko kung sino ‘yung mga kasama ko.

 

 

 

“Pero okay lang, sa stress na ‘yun, at least pumayat po ako, naging maliksi ulit po ang aking katawan. Ang laking tulong na ibinigay sa akin ang role na Romana para lumapit-lapit ulit ako sa timbang ko dati.”

 

 

 

***

 

 

 

NAGULAT ang marami sa biglang pagpanaw ng komedyanteng si Joey Paras sa edad na 45.

 

 

 

Ang nagkumpirma nito ay ang pamangkin ni Paras na si Zciara Shyne Sinchon-Fabian at pinost niya ito sa Facebook.

 

 

 

Hindi binanggit ang dahilan ng pagpanaw ni Joey pero matagal na ito may sakit sa puso. Noong 2018 ay kinabitan ito ng pacemaker.

 

 

 

Napag-alaman na hindi iyon ang unang pagkakataon na inoperahan siya sa puso. Noong October 2016, sumailalim na rin siya sa angioplasty.

 

 

 

Bumuti umano ang kanyang kondisyon matapos ang unang operasyon hanggang nakaranas siya biglang pag-black out o nawalan ng malay habang may ginagawang eksena.

 

 

 

Nang sumailalim siya sa ilang pagsusuri, nakitang mataas ang sugar level sa kanyang dugo at may irregularity sa tibok ng kanyang puso. Nakaranas din daw siya nang matinding palpitations kaya minabuti na niyang magpaospital noong 2018.

 

 

 

Nagbida si Paras sa comedy film na Bekikang noong 2013. Ilan pang pelikulang nagawa niya ay Sisterakas, Working Beks, Momzillas, Dance of the Steel Bars, Bromance, Bwakaw, Born Beautiful at mga indie films na Last Supper No. 3 at Babagwa kunsaan nanalo siya ng best supporting actor sa Cinemalaya.

 

 

 

Sa TV ay lumabas si Paras sa Sunday Pinasaya, Princess in the Palace, The Last Prince, Flordeliza, Galema, Mulawin Vs. Ravena, Daldalita, Ikaw Sana, Hindi Ka Na Mag-iisa, at I Heart You Pare.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Bagong tagapangalaga ng brilyante ng hangin: ANGEL, personal na nakausap si IZA at nakuha na ang basbas

Posted on: October 31st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGANAP ang pagbibigay-basbas ng orihinal na Sang’gre sa bagong Sang’gre at ito ay sa katauhan nina Iza Calzado at Angel Guardian.

 

 

Tulad ng inanunsiyo na, isa si Angel sa mga bagong Sang’gre sa upcoming fantaserye ng GMA na Sang’gre: Encantadia Chronicles.

 

 

Tiyempo naman na magkasama sina Iza at Angel sa pelikulang Shake Rattle & Roll Extreme kaya doon ay nagkita sila at nagkausap ng personal.

 

 

“When I got the call that I’d been casted as Sang’gre Deia, I prayed to see her on our taping kahit one day lang cause I really wanted to talk to her if given a chance. God made it happen,” paglalahad ni Angel sa kanyang Instagram account.

 

 

“Nilakasan ko ang loob ko and asked her, I found out they’d asked for her permission to use her daughter’s name, Deia. We got emotional, I saw how special Deia is to Ms. Iza. It made me realise how lucky I am to be carrying such a deeply special name.

 

 

“We talked and hugged a lot, I felt as if I was on cloud nine and dreaming, so she told me to take a picture and this was it. Haha.”

 

 

Si Iza ang unang naging tagapangalaga ng brilyante ng hangin na si Amihan sa Encantadia na umere sa GMA noong 2005 samantalang si Angel naman ang bagong tagapangalaga ng brilyante ng hangin na si Deia kasama sina Bianca Umali, Faith Da Silva, at Kelvin Miranda.

 

 

Sa Instagram post pa rin ni Angel ay ibinahagi niya ang pagbati ni Iza sa kanya.

 

 

“Hello, anak! I saw online that they have already announced the characters for Sang’gre and your participation in it.

 

 

“I wish you all the best as you embark on this journey of playing/being Deia. May it bring you the break you so deserve! Alagaan mo si Deia ha. Hehe! Love you,” ang mensahe ni Iza.

 

 

Ang pangalan ng karakter ni Angel ay mula sa pangalan ng anak na babae ni Iza na si Deia Amihan.

 

 

“The very first thing I saw when I woke up the next day after our cast reveal. And the very thing I would be praying to see. A message from the mom of Deia Amihan, Ms. Iza Calzado,” umpisang sagot naman ni Angel sa mensahe ni Iza.

 

 

“I don’t ever want to start saying I’m Sang’gre Deia without acknowledging the real reason why the name Deia exists. To Ms. Iza, thank you so much for this very beautiful name and thank you sa pagpayag na gamitin ang pangalan ng pinaka espesyal na tao sa buhay mo–your beautiful baby, Deia Amihan.

 

 

“I’m beyond grateful na nagkaroon ako ng chance makausap ka personally, and makuha ang basbas mo. Thank you for being you, a very warm and wonderful person. Thank you for sharing your knowledge, compassion, and words of encouragement to me with portraying this role.

 

 

“I know how special Deia is to you, and I want to say it again… I won’t disappoint you. I’ll take good care of Deia and carry this name with kindness, power, and grace. Thank you my forever favorite, Amihan @missizacalzado.”

 

 

Nagkasama na sina Angel at Iza sa dalawang horror films; una ay sa White House noong 2010 at pangalawa naman ay sa Shake Rattle & Roll Extreme na ipapalabas ngayong Nobyembre 29 dahil hindi ito nakapasok sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre.

 

 

***

 

 

HINDI nauubusan ng pasabog si Ms. Jessica Soho.

 

 

Sino ba naman kasi ang mag-aakalang marunong siyang… mag-Tiktok?!

 

 

Sa recent na guesting ni Herlene Budol sa “Kapuso Mo Jessica Soho” ay nagkulitan sina Jessica at ang Magandang Dilag star na si Herlene kung saan napapayag ni Herlene, na mahilig gumawa ng Tiktok videos, si Miss Jessica na maki-Tiktok sa kanya!

 

 

Dalawang Tiktok videos ang in-upload ni Herlene sa kanyang Tiktok app kung saan buong ningning na napasayaw, napakembot at napagiling niya si Ms. Soho, huh!

 

 

First time, sa pagkakaalam namin, na napa-Tiktok si Miss Jessica kaya naman naaliw nang husto ang publiko dahil nakita nila ang isang cool and chill side ng batikan at multi-awarded broadcast journalist.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Josh Hutcherson Tackles Darkness and Animatronic Terror in “Five Nights at Freddy’s”

Posted on: October 31st, 2023 by @peoplesbalita No Comments
Josh Hutcherson tackles darkness and animatronic terror in “Five Nights at Freddy’s.” Dive deep into the suspense, with a touch of Jim Henson magic, hitting cinemas November 1.

FROM the global box-office hit “Hunger Games,” Josh Hutcherson stars in Five Nights at Freddy’s, a thrilling survival movie as he takes on the role of Mike, an unemployed security guard with a checkered past who has stepped up to become the guardian to his young sister.

 

 

From the horror game, the film now introduces the audience to a seemingly harmless set of animatronic stage performers in an abandoned amusement park that comes to life when darkness strikes.

 

With a lot on his plate, Mike accepts an overnight watchman gig at a shuttered Freddy Fazbear’s Pizzeria, where the animatronic stage performers have a strange habit of moving about in the night.  When Mike was 12, his younger brother Garrett (Lucas Grant) was taken by an unknown man from a park while Mike and his parents were only yards away. Mike has been haunted by that event—and searching for his brother and his brother’s kidnapper—ever since. Even in his dreams.

 

 

“Mike’s a guy with the weight of the world on his shoulders,” Hutcherson says. “He’s acting as this father figure, while at the same time dealing with his own deeply personal trauma.”Jim Henson’s Creature Shop, the world’s premiere creature effects house, created the animatronic and puppet effects for the film. They are the iconic creators behind such cultural touchstones as Sesame Street, Dark Crystal, Teenage Mutant Ninja Turtles and Babe.

 

As for performing with the animatronic creations from the legendary Jim Henson’s Creature Shop, Hutcherson says the experience was nothing less than jaw-dropping. “Watching them come to life was incredible,” Hutcherson says. “They have this texture and quality that only Henson can do. As an actor you actually get something physical and real to interact with. My character is supposed to be haunted by these things, and now I have a creature in front of me that, in the right light, is terrifying.”Although the film has plenty of fantastical moments, Hutcherson focused on the humanity inside the story. “Because the world of Five Nights is larger-than-life, we wanted to find a way to ground these characters,” Hutcherson says.

 

 

Game creator and film producer Scott Cawthon was wowed. “Josh Hutcherson brought such a grounded realness to his role,” Cawthon says. “When I watch him, I really believe that this is a guy just doing his best to take care of his little sister. He is immediately likeable and relatable, and you want him to be successful in what he is setting out to do.”

 

 

From Universal Pictures (Ph),  Five Nights at Freddy’s opens November 1 in cinemas nationwide.

(ROHN ROMULO)

Tuloy na tuloy na sa Nov. 26 sa Aliw Theater: PIOLO, magho-host pa rin sa awards night ng ‘6th The EDDYS’

Posted on: October 31st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TULOY na tuloy na ang inaabangang ika-anim na edisyon ng The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ngayong taon. Matapos ma-postpone ang nakatakda sanang awards night nitong nagdaang October 22, inanunsyo na ng pamunuan ng SPEEd, sa pamamagitan ng Presidente nitong si Eugene Asis, magaganap na ang Gabi ng Parangal sa November 26, Linggo.

 

 

Ang pagbibigay parangal at pagkilala ng 6th The EDDYS sa mga natatanging pelikulang Pilipino nitong nagdaang taon ay magaganap sa Aliw Theater, CCP Complex, Pasay City. Ito’y mula sa direksyon ng award-winning actor-director na si Eric Quizon. Magsisilbing host naman ng awards night ang premaydong aktor at producer na si Piolo Pascual. Ang sixth edition ng The EDDYS ay ihahatid ng Airtime Marketing Philippines ni Tessie Celestino-Howard. Magkakaroon din ito ng delayed telecast sa A2Z Channel.

 

 

Ang limang pelikulang Pilipino na nagmarka noong nakaraang taon ang maglalaban-laban sa 6th EDDYS.
Ang mga nominado sa Best Film ay ang “Bakit ‘Di Mo Sabihin?” ng Firestarters at Viva Films; “Blue Room” mula sa Heaven’s Best Entertainment, Eyepoppers Multimedia Service at Fusee; “Doll House” ng MavX Productions; “Family Matters” ng CineKo Productions; at “Nanahimik ang Gabi” mula sa Rein Entertainment. Nominado naman sa pagka-Best Director sina Marla Ancheta (Doll House); Ma-an L. Asuncion-Dagñalan (Blue Room); Real S. Florido (Bakit ‘Di Mo Sabihin?); Nuel Crisostomo Naval (Family Matters); at Shugo Praico (Nanahimik ang Gabi). Magpapatalbugan para sa Best Actress category sina Kim Chiu (Always); Max Eigenmann (12 Weeks); Janine Guttierez (Bakit ‘Di Mo Sabihin?); Nadine Lustre (Greed); Heaven Peralejo, (Nanahimik ang Gabi); at Rose Van Ginkel (Kitty K-7).

 

 

Bakbakan naman sa pagka-Best Actor sina Elijah Canlas (Blue Room); Baron Geisler (Doll House); Noel Trinidad (Family Matters); Ian Veneracion (Nanahimik ang Gabi); at JC de Vera, (Bakit ‘Di Mo Sabihin?). Paglalabanan naman nina Mylene Dizon (Family Matters); Matet de Leon (An Inconvenient Love); Althea Ruedas (Doll House); Ruby Ruiz (Ginhawa); at Nikki Valdez (Family Matters) ang tropeo para sa kategoryang Best Supporting Actress. Para sa Best Supporting Actor, nominado sina Nonie Buencamino (Family Matters); Mon Confiado (Nanahimik ang Gabi); Soliman Cruz (Blue Room); Sid Lucero (Reroute); at Dido dela Paz (Ginhawa). Ang annual event na ito na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema.

 

 

 

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas. Ang pamamahagi ng parangal ng SPEEd ay isang paraan din para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pang kasama sa pagbuo ng isang matino at dekalibreng pelikula.

(ROHN ROMULO)

Witness The Return of an Avenger: Marvel Studios’ “The Marvels” Arriving on November 8

Posted on: October 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IN just two weeks, experience this year’s most epic superpowered team-up in Marvel Studios’ “The Marvels ” arriving in cinemas on November 8, Wednesday. Book your tickets in advance by checking the showtimes: https://www.disney.ph/movies/the-marvels

 

In Marvel Studios’ “The Marvels,” an Avenger heads back to cinemas as Captain Marvel teams up with the Marvel Cinematic Universe’s most powerful heroines as they enter a new chapter in their story.

 

After confronting the rebellious Kree, the legendary Carol Danvers (Brie Larson) gets sucked into a wormhole, causing her powers to become entangled with those of young Ms. Marvel, Kamala Khan (Iman Vellani), and Danvers’s niece, S.A.B.E.R. astronaut Captain Monica Rambeau (Teyonah Parris).

 

To keep the universe safe, the three of them have to team up and utilize their newfound abilities to fend off a new kind of epic threat. This film also sees the return of beloved MCU characters, Nick Fury (Samuel L. Jackson) and Goose, and the big-screen debut of Prince Yan (Seo-jun Park).

 

Don’t miss this incredible super-team for Marvel Studios’ “The Marvels” only in cinemas – showing in 2D, 3D, 4DX, and IMAX 3D.

 

Follow Marvel Studios Philippines on Facebook, Instagram, Twitter, and YouTube for the latest news and promos. Join the conversations online using #TheMarvelsPH.

(ROHN ROMULO)

Kasama na bibida sina Bianca, Faith at Angel: KELVIN, labis ang pasasalamat na nakuhang pang-apat na ‘Sang’gre’

Posted on: October 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAGUGULAT ang marami sa role ni Carla Abellana sa upcoming teleserye niya na ‘Stolen Life’.

 

 

Tinaguriang Primetime Goddess si Carla pero totoo bang kontrabida siya sa bago niyang soap opera?

 

 

“May pagka-fantasy po itong ‘Stolen Life’ nagre-revolve siya around the story or concept of astral travel or astral projection.

 

 

“Kami po ni Beauty Gonzalez dito ay mag-aagawan ng buhay, so nagsu-switch po yung aming soul, lumilipat po sa katawan nung isa.

 

 

“Nagsu-switch po kami dito – mabait, salbahe, kontrabida, bida, very challenging, kasi parang tig-dalawang role po kami ni Beauty dito.”

 

 

Ayon pa kay Carla ay “may pagka-salbahe” ang karakter niya.

 

 

“Kakaibang Carla Abellana yung aabangan nila sa Stolen Life. Kasi, first time ko mag-salbahe, e, first time ko po mag-kontrabida-ish.

 

 

“So, sagad yung mga eksena and very intense po ‘yung mga eksena. Ito na po siguro yung heaviest.”

 

 

Samantala, nakalipat na pala si Carla sa bago niyang bahay.

 

 

“Actually, kakalipat ko lang po ng aking bagong bahay. So, medyo busy siyempre may mga konti pang repairs pa po.

 

 

“May mga kulang pang gamit, so iyon yung medyo nakatutok po ako sa bahay. Pag-decorate, mga furniture.”

 

 

Si Carla ang pinakabagong talent ng All Access To Artists management o Triple A.

 

 

Bukod sa ‘Stolen Life’ kung saan makakasama rin ni Carla si Gabby Concepcion at dinirehe ni Jerry Sineneng ay may cameo appearance si Carla sa ‘Black Rider’ Ni Ruru Madrid na mapapanood na sa November 6, 8 pm. Sa GMA Telebabad.

 

 

***

 

 

SO ginulat ng GMA ang publiko dahil sa halip na apat na babae ang mga Sang’gre sa bagong Sang’gre TV project ay tatlo lamang sila; sina Bianca Umali, Faith Da Silva at Angel Guardian.

 

 

At ang pang-apat na Sang’gre, this time ay lalaki, walang iba kundi si Kelvin Miranda!

 

 

Si Bianca ang mangangalaga sa Brilyante ng Lupa, si Faith naman sa Brilyante ng Apoy, si Angel naman ang magmamana ng Brilyante ng Hangin at si Kelvin sa Brilyante ng Tubig.

 

 

Inialay ni Faith, na gaganap bilang si Flamarra, ang kanyang bagong blessing sa ina niya.

 

 

“Siya yung nagbigay ng inspirasyon sa akin para galingan ko palagi. Para ipakita ko sa mga tao na I’m deserving of this position right now.”

 

 

Samantala, nagkita na pala sina Angel at ang unang naging tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin na si Iza Calzado.

 

 

Nakatutuwa dahil kinuha ang pangalan ng kanyang karakter sa Sang’gre na si Deia sa pangalan ng anak na babae ni Iza na si Deia Amihan.

 

 

Labis ang pasasalamat ni Kelvin sa bagong big break niyang ito.

 

 

“Hindi po kasi natin sigurado kung kailan darating sa iyo yung ilaw mo, yung spotlight mo. Parang ang dami munang pagsubok na darating para makita mo siya,” wika ni Kelvin na gaganap bilang Sang’gre na si Adamus.

 

 

Ang ‘Sang’gre’ ay pagpapatuloy ng istorya ng phenomenal GMA telefantasya na ‘Encantadia’.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Ikinuwento ang aksidente nilang pagkikita… ‘Black Rider’ ni RURU, inaming pinaghahandaan na nina COCO

Posted on: October 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MASAYANG ikinuwento ni Ruru Madrid ang aksidenteng pagkikita nila ni Coco Martin sa isang event.

 

 

 

Ayon sa Kapuso Primetime Action Hero, niyakap siya nang mahigpit ng bida ng ‘Batang Quiapo’.

 

 

 

“Sakto nandoon si sir Coco. Nilapitan ko po siya, nakaupo siya, sabi ko, ‘Sir Coco magandang gabi po!’ Tapos bigla siyang tumingin sa akin, tapos tumayo, tapos niyakap niya ako nang mahigpit.

 

 

 

“As in mahigpit na mahigpit, sabi ko, ‘Sir Coco, malaking karangalan pong makilala kita!’” sabi ni Ruru.

 

 

 

Ayon kay Ruru, si Coco pa ang nagsabing pinapanood niya ang ‘Lolong.’

 

 

 

“Sabi niya, ‘Hindi! Ako ang dapat magsabi nu’n!’ Lagi kitang pinapanood, ang galing-galing mo. Napanood ko ‘yung ‘Lolong.’’ Sabi niya, ‘Sobrang husay mo, pagbutihin mo ‘yan,’”

 

 

 

Nabanggit din daw ni Coco na pinaghahandaan na raw nila ang ‘Black Rider’ dahil pareho sila ng oras sa primetime.

 

 

 

Ayon pa kay Ruru, labis din ang paghanga niya kay Coco na hindi umano madali ang ginagawang pagdidirek at siya rin ang artista.

 

 

 

“Sobrang iniidolo ko siya kasi nga nakikita ko ‘yung pagmamahal din niya sa trabaho. Hindi po biro ang ginagawa niya na mag-direk, hindi biro na habang nagdi-direk siya, siya rin ang artista, may fight scenes. So ang taas po ng respeto ko sa kaniya,” ayon kay Ruru.

 

 

 

***

 

 

 

ISANG certified billionaire na si Taylor Swift ayon sa Forbes. May estimate worth ang singer-songwriter na $1.1 billion!

 

 

 

Galing ang assets ni Taylor mula sa kanyang music catalog na nagkakahalaga sa ngayon ng $400 million. Hindi pa kasama dyan ang kaka-drop lang na ‘1989 (Taylor’s Version)’ album.

 

 

 

Ang kanyang kinita sa downloads on Spotify at subscribers sa YouTube ay umabot na sa $120 million. At umabot naman sa $370 million ang kinita niya sa ticket sales and merchandises ng The Eras Tour.

 

 

 

Kasama rin sa assets ni Taylor ay ang worth ng kanyang limang bahay na ang pinakamahal ay umabot sa $250 million. May ilang endorsements din ang singer na umaabot mahigit sa $150 million.

 

 

 

Ang kanyang concert film na ‘The Eras Tour’ ang highest grossing concert tour movie of all time na kumita na ng $178 million sa US domestic box-office.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Ads October 30, 2023

Posted on: October 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Reunion concert nila ni Gabby, mega successful: SHARON, ‘di napigilang maging emosyonal at nag-sorry kay KC

Posted on: October 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NASAKSIHAN namin ang mega successful na historical reunion concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na ginanap sa SM MOA Arena last Friday (Oct. 27), kung saan nagkaroon ng special participation ang kanilang only daugther na si KC Concepcion.

 

 

Si KC nga ang unang pinakita sa kanyang recorded spiel, na nagpakilala sa dating Prince and Princess of Philippine Movies.

 

 

Unang lumabas si Sharon at kinanta ang pamosong version niya ng ‘I Don’t Want You To Go’, kasabay ng pagpapakita ng clips mula sa pelikulang pinagsamahan nila.

 

 

Lalong nagsigawan ang kanilang supporters sa paglabas ni Gabby habang ‘Kumusta Ka’ (Nonoy Zuniga), na nauwi sa kanilang first duet. Kinanta din nila ang ‘Kumusta Ka’ ni Rey Valera.

 

 

Kasunod nito ay binalikan nila ang themesong ng ‘P.S. I Love You’, ‘My Only Love’ at ‘Dapat Ka Bang Mahalin?’

 

 

Pinasilip din nila ang footages ng wedding nila habang kinakanta ang ‘Don’t Ever Say Goodbye’. Kasunod ang pagkanta ni Sharon ang hugot song na ‘A Long, Long Time Ago’.

 

 

Sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid naman ang nag-interview kina Sharon at Gabby, na nagpakilig lalo sa mga fans.

 

 

Kinanta ni Gabby ang ‘Nandito Ako’ para Sharon na lumuhod pa, na napunta rin sa duet. Naki-join na rin sina Ogie at Regine sa bandang huli.

 

 

Mapanakit naman ang next duet nila na ‘One More Try’, na naitawid naman nila ng maayos.

 

 

Next segment ng concert ang pagkanta ni Sharon ng mga themesongs ng mga movies with other leading men kaya nag-exit na muna si Gabby.

 

 

Una na rito ang ‘Maging Sino Ka Man’ na sinundan ng ‘Kahit Konting Pagtingin’ kasama sina Ogie, Jeremy Glinoga at Erik Santos. Kasunod ang mga duet nila para ‘Pangako’, ‘Pangarap na Bituin’, Bituing Walang Ningning’ at ‘Sana’y Wala Nang Wakas’. Solo naman kinanta ni Sharon ang ‘Ngayon at Kailanman.”

 

 

Sumunod naman ang solo numbers ni Gabby, ang ‘Mula Sa Puso’, ‘Iisa Pa Lamang’ at sing and dance siya medley ng ‘Manila’ at ‘Awitin Mo at Isasayaw Ko’.

 

 

Pagbalik nina Sharon sa stage, kinanta naman ang ilang pang themesong ng movie nila ni Gabby, ‘Pati Ba Pintig ng Puso Ko?’, ‘Sa Hirap at Ginhawa’ at ‘Bakit Ikaw Pa Rin?’

 

 

Pagbalik ni Gabby, kinanta naman niya ang ‘Kung Kailangan Mo Ako’ na kanta niya kay Sharon na ibinirit talaga niya at feel na feel, ito ang ginamit na themesong ng movie nilang ‘Una Kang Naging Akin’.

 

 

Kasunod ang much awaited song na ‘Dear Heart’ na kung saan nakisabay sa pagkanta si Gabby.

 

 

Isa nga sa inabangan ng kanilang mga fans na dumagsa sa naturang concert, ang pakikipag-duet ni KC sa kaniyang mga magulang, at magkasama-sama silang tatlo sa isang stage.

 

 

Ikinuwento nga nina Sharon at Gabby, na bukod sa mga supporters nila at isa talaga si KC sa natuwa sa pagsasama nila pagkalipas ng ilang dekada.

 

 

Sinundo ni Gabby si KC na nasa harapan ng VVIP section, para mag-join sa kanila ni Sharon, matapos nilang mag-duet sa kantang ‘Dear Heart’.

 

 

Para sa amin ito talaga ang pinaka-highlight ng ‘Dear Heart: The Concert’, at sobrang nakaka-touch ang pag-aalay ni Sharon sa anak ng awiting ‘Ikaw’…

 

 

Say ni Mega, “I have a song for KC, you (Gabby) have a song for KC. Usually this song is a love song for weddings, for someone you love.

 

“Tonight, I will sing it for my eldest daughter.”

 

Pagdidiin pa niya, “I have four children. I do not have three. I have four.

 

“The first child to come and make me feel like a mother was this not-so-little girl beside me. She made my life complete. ”

 

Dagdag pa niya, na nagiging emosyonal na, “And if there’s anything that I regret…”

 

Pinutol siya ni KC at sabay sabing, “Tigilan n’yo yan,” na nakatingin din sa kanyang Papa Gabby.

 

Pagpapatuloy ni Sharon, “Sorry KC, we couldn’t give you that complete family. But you have two families that love you. But Papa and I, we never stopped loving you. You were never the problem.”

 

 

At nagsabihan sila ng “I love you”.

 

 

Hirit naman ni Gabby na nakamasid lang sa nagaganap, “Okay na kayo ha? Alam n’yo ho, makita ko lang silang okay, okay na ako. I’m happy.”

 

 

Kaya nasambit na lang ni KC na, “Grabe para naman akong nasa isang panaginip.”

 

 

Ramdam na ramdam namin ang bawat lyrics ng “Ikaw” habang kinakanta ito ni Sharon sa harap ni KC, kaya sobrang nakaka-touch sa simula pa lang, kaya for sure, marami ang pumatak ang mga luha habang pinapanood.

 

 

At sa kalagitnaan ng ng kanta ay hindi na napigilan na maiyak ni Sharon, at sinalo na siya ni KC sa pagkanta, at natapos naman nila ang kanilang duet.

 

 

Nagbiro pa si ng KC, “Teka lang, moment ko ito. My gosh! Ang sarap niyong makita together sa isang stage.”

 

 

Ang ganda rin ng song na pinili nila na kantahin ni Gabby for KC, ang ‘You Are the Sunshine of My Life’, na kung saan naki-jamming rin si Sharon, matapos na maging kampante na siya sa kanyang pag-iyak.

 

 

After ng sama-samang pagkanta nilang tatlo, may binitawang pahayag si KC sa kanyang parents…

 

 

“Para pong isang panaginip talaga. I just thank God, na nagkaroon tayo ng time na ganito. And ang dami kong natutunan, sa napapanood namin dito.

 

 

“Ma, i love you so much. Pa, i love you so much.”

 

 

Dagdag pasasalamat pa niya, “Ma, thank you for… sa lahat ng single mom na nandito ngayon, or naging single mom dati. Thank you for loving your children tulad ng minahal ako ng mommy ko.

 

 

“And sa lahat ng mga fathers out there, na talagang mahal na mahal ang mga anak nila. Papa, thank you for being there, just like mom, sa buhay ko nung lumaki na ako.

 

 

“And you know, yung past, past na ‘yun eh. What matter is, yung ngayon and ‘yung bukas. Pareho ko kayang mahal na mahal na mahal.

 

 

“You both are my ‘dear heart’, i love you!”

 

 

Malaking bahagi nga ng concert si KC, na may opening at closing spiel pa.

 

 

Nagustuhan din naman ang pag-duet nila sa painful song na ‘Tayong Dalawa’ at ‘Kahit Maputi na ang Buhok Ko’ na bagay na bagay sa kanila.

 

 

Of course, hindi matatapos ang historical concert kung hindi nila kakantahin ang first duet nila na ‘Come What May’, na for sure manghihinayang ang mga nauna nang umalis at hindi nahintay ang encore songs, kasama ang ‘Tonight, I Celebrate My Love’ at ‘Maybe’.

 

 

After ng concert nina ShaGab sa MOA Arena, magkakaroon naman ng “Dear Heart VIP Night” ngayong gabi (October 30) sa Okada Manila Grand Ballroom. habang ang “InLife’s Dear Heart in Cebu” ay mapapanood sa November 17 sa NUSTAR Convention Center.

 

 

Abangan na lang nating kung magkakaroon ng world tour ang ‘Dear Heart’ na wish ng mga ShaGab fans sa iba’t-ibang bansa.

 

 

Congrats Sharon at Gabby at sa buong team ng ‘Dear Heart: The Concert’, this is one for the books.

 

(ROHN ROMULO)

Most awarded female artist ng BBMAs: TAYLOR SWIFT, naghakot ng nominations sa ‘2023 Billboard Music Awards’

Posted on: October 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAKOT ng nominations in 20 categories si Taylor Swift sa 2023 Billboard Music Awards (BBMAs).

 

 

 

Magaganap ito on November 19 sa MGM Grand Garden Arena in Las Vegas.

 

 

Si Taylor ang most awarded female artist ng BBMAs with 29 wins. Kung mahakot niya ang lahat ng awards, matatalo na niya ang record ni Drake na may 34 BBMAs.

 

 

Mga makakalaban ni Taylor sa iba’t ibang categories ay sina Morgan Wallen, SZA, Weeknd, Zach Bryan, Luke Combs, 21 Savage, Metro Boomin, Miley Cyrus, Rema, Bad Bunny and Peso Pluma, Ariana Grande, David Guetta, Eslabon Armado, Karol G, NewJeans, Selena Gomez and Beyonce.

 

 

***

 

 

INAALALA ng dating aktres na si Nanette Medved ang namayapang Da King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. na ilang beses niyang nakatambal sa pelikula.

 

 

Isa sa pelikulang hindi malilimutan ni Nanette ay ang “Dito sa Pitong Gatang,” na siya ang leading lady ni FPJ.

 

 

“I subsequently did two more movies with him, but I loved my time, any time I’m spending with FPJ is just golden. I love the man. He was a complete gentleman, larger than life personality, just really amazing,” sey ni Nanette.

 

 

Ikinuwento rin ni Nanette na bumalik siya sa Pilipinas mula sa Hong Kong para gumawa lang ng pelikula kasama muli si FPJ.

 

 

“I came back and said, ‘Ronnie, I’ll only come back for you,’ and I did because he is just such an amazing man. I feel really bad that we’ve lost him, but he is incredible.”

 

 

Pumanaw si FPJ noong 2004.

 

 

Noong 2011, itinatag ni Nanette ang Friends of HOPE, Inc., isang non-profit organization para sa education, agricultural initiatives, at carbon sequestration sa Pilipinas.

 

 

Ang proceeds mula sa Generation HOPE ay ginagamit sa pagpapatayo ng mga public school classrooms sa Pilipinas.

 

(RUEL J. MENDOZA)