• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 6th, 2023

Higit 8 milyong pasaherong naitalang dumating sa bansa – BI

Posted on: October 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPAGTALA  ang Bureau of Immigration (BI) ng higit sa walong milyong passenger arrivals mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon, tanda ng pagsigla muli ng turismo at ekonomiya ng bansa.

 

 

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na nakapagproseso sila ng kabuuang 8,117, 286 Filipino at dayuhang pasahero sa mga paliparan at port sa bansa.  Higit na malaki ito sa naitalang 2,873,423 sa parehong mga buwan noong 2022.

 

 

Pero malayo pa rin ito sa 11 milyong arrivals sa parehong period bago pa tumama ang pandemya ng COVID sa bansa.

 

 

Binanggit din ng BI ang naitala ng Department of Tourism (DOT) na higit apat na milyong dayuhang turista na dumating sa bansa mula nitong Enero.

 

 

“Palapit na tayo doon.  Ang malaking pagtaas sa mga dumarating na pasahero ay nagpapakita na ang turismo at international travel ay nasa rebound na,” ayon kay Tansingco.

 

 

Para mapabilis ang pagproseso sa mga pasahero, kasalukuyang bumibili ang BI ng dagdag na mga e-gates, dahil sa pamamagitan umano nito ay mapapataas ang bilang ng napo-proseso kahit sa maliit na espasyon nila sa mga paliparan. (Daris Jose)

Sa sobrang intense ng eksena nila ni Maricel: LA, nahirapang bumitaw sa role kaya dinala sa ospital

Posted on: October 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAHIRAPANG bumitaw si LA Santos sa sobrang intense ng ‘breakdown scene’ niya kasama si Diamond Star Maricel Soriano, na naging dahilan para dalhin siya sa ospital.

 

 

Hinangaan nga si LA sa naturang eksena sa ipinalisip na teaser ng ‘In His Mother’s Eyes’ na produce ng 7K Entertainment.

 

 

Gumaganap silang mag-ina sa pelikula, na kung saan pinag-aralan mabuti ni LA ang role na bilang isang special child.

 

 

Kuwento ni Mommy Florita Santos, na producer ng film, “sobrang bigat kasi ng eksena.  Kaya whole da na nag-internalize si LA.  After ng scene, hindi na niya makontrol ang sarili, dahil hindi siya agad bumitaw.”

 

 

Kaya naman nag-palpitate si LA at sumakit ang ulo ng anak, kaya dinala na nila sa ospital, hanggang kumalma at bumuti na ang kanyang pakiramdam.

 

 

Ang “In His Mother’s Eyes”, ang reunion movie nina Maricel Soriano at Roderick Paulate, na ang ganda ng sagutan nila sa isang eksena, na kung saan gumaganap silang magkapatid.

 

 

At revealation nga dito LA na hindi talaga nagpakabog dahil nakipagsabayan siya sa husay sa pag-arte with Marya at Dick.  Kaya pupuwede siyang ma-nominate bilang Best Actor.

 

 

Kitang-kita rin ang napakahusay na pagkaka-direk nito ni FM Reyes, na teaser pa lang ay maiiyak ka na, dahil tagos sa puso ang movie na mula sa panulat nina Gina Marissa Tagasa at Gerry Gracio.

 

 

At maging ang theme song ng movie na may title na ‘Inay, Patawad” na kinompos ni Jonathan Manalo at inawit ni LA, na collaboration nila ito, na nagkaiyakan pa habang tinatapos ang naturang kanta.

 

 

Natanong si Mommy Flor, kung bakit si Maricel ang napili nilang maging nanay ni LA sa movie.

 

 

“Nung ‘Ang sa Iyo ay Akin’, di ba lock-in sila, tapos wala ako, I was in China for eleven months,” kuwento ng mommy ni LA.

 

 

“Si LA kasi sobrang mama’s boy, alam naman ng lahat ‘yun. Iyakin din siya.

 

 

“Tapos sobra siyang nagpa-panic at dahil kasama niya si Sis Maricel, nakakalma siya. Pinag-uusapan nila mga dogs, minsan in the middle of the night, magbi-video call, sasabihin niya, ‘Ma, si Inay po.’

 

 

“Kaya ko nga siya naging ‘sis’, tapos noong nabuo na, sabi ko, ituloy na namin ang pelikula.”

 

 

Hindin rin makapaniwala si Mommy Flor na, “imagine, Maricel Soriano, isi-share kay LA, parang imposible, di ba? Sino lang ba si LA para samahan ni Ms. Maricel?

 

 

“Kaya sobrang thankful ako, ‘di ko akalain that Maricel Soriano will share her name sa isang LA Santos.”

 

 

Sa October 16, 2023 na ang sinasabing announcement ng final four na bubuo sa Top 8 entries sa 2023 Metro Manila Film Festival, at marami talaga ang nagdarasal at nagwi-wish na makapasok ang “In His Mother’s Eyes”, na super deserving talaga.

 

 

***

 

 

PUMAPASOK sa mundo ng “boy-love” ang pinakabagong digital hit ng Puregold Channel sa Tiktok, ang My Plantito, at itinatanghal din ng serye ang suporta at pagtanggap mula sa pamilya at mga kaibigan.

 

 

Hindi tipikal na kuwento ng pag-ibig ang My Plantito, lalo na sa konteksto ng mga tradisyon at halagahang Pilipino. Sa di-kombensyonal na tema, hinahamon ng Puregold Channel ang nakasanayan, at naglalakbay ito tungo sa hindi pa napupuntahan ng iba: isang istorya ng boy-love kasama ng mga komplikadong aspekto gaya ng mga kapamilya at kaibigan, at ang kanilang mga reaksyon.

 

 

Itinatampok ng My Plantito si Kych Minemoto, na binibigyang-buhay si Charlie na puno ng karisma, at si Michael Ver, bilang misteryosong kapitbahay at plantito na si Miko.

 

 

Sa kasalukuyan, mainit ang pagtanggap ng mga tagapanood sa Tiktok serye, at bawat episode ay nakakakuha ng higit sa milyong views.

 

 

Ayon pa kay  Ms. Ivy Hayagan-Piedad, Puregold Senior Marketing Manager, ipinagpapasalamat ng Puregold na nakauugnay ang mga tagapanood sa serye.

 

 

“Umaasa kaming nagsisimula ang My Plantito ng mga dayalogo hindi lamang tungkol sa pamilya, kung hindi sa kabutihan, pagtanggap, at ang dinamiko ng pamilyang Pilipino.”

 

 

Sa nakaraang mga episode, ipinakita ang pagkakaibigan nina Charlie at Miko, at ang nagsisimula nilang pag-iibigan, kasama ang nakatutunaw ng puso na interaksyon ng pamilya, lalo na sa pagganap ni Ghaello Salva bilang Janong, ang mapagmahal at sumusuportang ama ni Charlie.

 

 

Dahil nangangarap na maging mahusay na content creator, hindi-sinasadyang naipakilala ni Charlie si “Miko Plantito” sa kaniyang mga tagapanood, at naging viral naman ito agad.

 

 

Sa pag-udyok ng kaniyang BFF na si Bianca (Devi Descartin), ipinagpatuloy niya ang lihim na pagkuha ng bidyo kay Miko, na nagsilbing posibleng hadlang sa pagsisimula ng kuwento ng pag-ibig.

 

 

Marami pang nakatutuwang mga eksena ang mapapanood sa susunod na mga episode ng My Plantito. Isa rito ang pagpapakita ng emosyonal na suporta nina Janong at Bianca dahil nahihirapan si Charlie na lumikha, kasunod ng away nila ni Miko.

 

 

Pag-asa at pagkasabik ang mararamdaman ng mga fan at tagapanood, dahil handog ng My Plantito hindi lamang romansa at kilig mula kina Charlie at Miko, kung hindi isang malalim na eksplorasyon ng pag-ibig at ang iba-iba nitong mukha at aspekto.

 

 

Abangan ang mga darating pang episode ng My Plantito, eksklusibo sa opisyal na Tiktok account ng Puregold, @puregoldph.

(ROHN ROMULO)

Quezon City tinanghal na Most Competitive LGU

Posted on: October 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA IKATLONG pagkakataon, itinanghal ang Quezon City government na ‘Most Competitive Local Government Unit’ sa ilalim ng Highly Urbanized Cities category ng Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI).

 

 

Taong 2020 nang maging Hall of Famer ang lungsod sa naturang parangal.

 

 

Nabatid na anim na parangal ang hinakot ng Quezon City go­vernment mula sa Department of Trade and Industry (DTI).

 

 

Kabilang dito ang;   1st Overall Most Competitive City recognition; 1st Place bilang Most Competitive in Innovation; 1st Place bilang Most Competitive in Infrastructure; 1st Place bilang Most Competitive in Resiliency; 2nd Place bilang Most Competitive in Economic Dynamism; at 1st Place bilang Top Intellectual Property Fi­lers (special citation).

 

 

Mismong si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang tumanggap sa parangal sa Manila Hotel.

 

 

“These awards are a testament to the commitment and dedication of the city government in crafting programs and policies for all QCitizens, including startup businesses,” pahayag ni Belmonte.

 

 

“We offer the recognition to all our QCitizens who continue to support and trust the city go­vernment, and who pay their taxes and dues religiously. We assure them that every centavo they pay will be properly accounted for, and will be used to finance meaningful projects for their benefit and the growth of our city,” pahayag ni Belmonte.

COA, isiniwalat ang mahigit P37.1 milyong halaga ng mga relief goods na nanatiling hindi naipamahagi at naaksaya

Posted on: October 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISINIWALAT  ng COA na mayroong mahigit P37.1 milyong halaga ng mga relief goods na nanatiling hindi naipamahagi at naaksaya.

 

 

Sa 2022 audit nito sa Disaster Risk Reduction Management (DRRM), sinabi ng COA na ang pag-iimbak at napapanahong pamamahagi ay naging pangunahing alalahanin sa nakalipas na dalawa hanggang walong taon.

 

 

Sa pagbanggit ng isang halimbawa, sinabi ng COA na ang Office of Civil Defense (OCD) ay mayroong iba’t ibang inventories na nagkakahalaga ng P37.104 milyon na binubuo ng sleeping kits, medical supplies, portable water filtration systems, tents, generator sets, portable toilet, at water pumps bukod sa iba pang mga item.

 

 

Ang mga item ay nanatiling hindi naipamahagi mula dalawa hanggang walong taon at, sa gayon, nalantad sa pag-aaksaya, o maling paggamit.

 

 

Binanggit nito na sa ilalim ng Seksyon IV ng Circular No. 2014-002 nito, ang mga naibigay na relief goods ay dapat ma-sort at sumailalim imbentaryo bago i-repack.

 

 

Dapat din umanong isagawa kaagad ang pamimigay ng mga donasyon, lalo na ang mga nabubulok na bagay o pagkain. (Daris Jose)

Ads October 6, 2023

Posted on: October 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Foreign vessel na bumangga sa mga Pinoy papanagutin – PBBM

Posted on: October 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO si Pangulong Ferdinand “Bongbong Marcos Jr. na papanagutin ang foreign commercial vessel na bumangga sa sinasak­yang bangka ng mga Pinoy na mangingisda na ikinasawi ng tatlo katao sa Bajo Masinloc, kamakalawa ng madaling araw.

 

 

Ayon kay Marcos, gagawin lahat ng pamahalaan ang paraan para mabigyang hustisya ang pagkamatay ng tatlo.

 

 

“We assure the victims, their families, and everyone that we will exert every effort to hold accountable those who are responsible for this unfortunate maritime incident,“ pahayag pa ng Pangulo sa kanyang post sa X (dating twitter).

 

 

Iginiit pa ng ­Pangulo na sa ngayon ay nagsasagawa na ang Phi­lippine Coast Guard (PCG) ng back tracking at checking sa lahat ng monitored vessels sa Bajo de Masinloc.

 

 

Hahayaan na lamang umano ang PCG na gawin ang kanilang trabaho na mag-imbestiga at iwasan muna ang anumang espekulasyon sa ngayon.

 

 

Kasabay nito, nagpahayag naman ng pagkalungkot ang Pangulo sa pagkamatay ng tatlong mangingisda kabilang ang kapitan ng fishing vessel matapos itong banggain ng isang fishing commercial vessel.

 

 

Siniguro naman ni Marcos na bibigyan ng suporta at ayuda ang mga biktima ng naturang insidente. (Daris Jose)

4 bodega sa rice smuggling, hoarding pinangalanan ni Marcos

Posted on: October 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINANGALANAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang apat na bodega na kinasuhan ng Bureau of Customs (BOC) dahil sa hinihina­lang sangkot sa hoarding at smuggling ng bigas.

 

 

Tinukoy ng Pangulo ang San Pedro warehouse; Blue Sakura Agri Grain Corporation; FS Ostia Rice Mill at Gold Rice Mill matapos na mamahagi ng smuggled na bigas sa Taguig City.

 

 

Sinabi ni Marcos na ang mga nabanggit ay sinampahan ng patong patong na kaso kabilang dito ang paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act, Rice Tariffication Law at Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 o Republic Act No. 10845.

 

 

Pinangalanan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang apat na bodega na kinasuhan ng Bureau of Customs (BOC) dahil sa hinihina­lang sangkot sa hoarding at smuggling ng bigas.

 

 

Tinukoy ng Pangulo ang San Pedro warehouse; Blue Sakura Agri Grain Corporation; FS Ostia Rice Mill at Gold Rice Mill matapos na mamahagi ng smuggled na bigas sa Taguig City.

 

 

Sinabi ni Marcos na ang mga nabanggit ay sinampahan ng patong patong na kaso kabilang dito ang paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act, Rice Tariffication Law at Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 o Republic Act No. 10845.

 

 

Matatandaan na sina­lakay ng mga tauhan ng BOC ang mga bodega ng bigas sa Bulacan kasunod na rin ng pinaigting na kampanya kontra smuggling at hoarding.

GOBYERNO NG AMERIKA, HUMINGI NG DOKUMENTO SA COMELEC

Posted on: October 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINILING ng gobyerno ng Amerika sa Commission on Elections (Comelec) na magbigay ng mga dokumento para sa kaso laban kay dating Comelec Chairman Andy Bautista na iniulat na nahaharap sa money-laundering at bribery charges sa Amerika.

 

 

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia sa panayam ng ANC na nakipag-ugnayan ang US government at hiningi ang tulong ng Comelec.Aniya, hiniling ng gobyerno ng Amerika sa komisyon ang ilang mga dokuemnto at hiniling din na kunan ng pahayag ang ilang indibidwal mula sa komisyon .

 

 

Katunayan ayon sa poll chef, ang poll body ay tumulong at ganap na nakipagtulongan at ibinigay ang lahat ng hinihiling ng Amerika dahil nais aniyang maging transparent hanggat maari at ito ay para malaman ang katotohanan.Sinabi ni Garcia na bagamat hiningan sila ng ilang testimonya at dokumento, hindi sila na-inform tungkol sa background ng reklamo laban sa dating Comelec chairman.

 

 

Dahil dito, umapela si Garcia sa Amerika na magbigay ng impormasyon sa kaso na kinakaharap ni Bautista upang ang Comelec ay hindi nangangapa sa dilim.“Sana po ma-i-provide din sa amin para malaman natin what’s the real reason for the indictment, ‘yung puno’t dulo po para hindi naman in the dark a commission,“ dagdag pa ng poll chief.

 

 

Noong Lunes, ibinunyag ni Garcia na bumuo ng fact-finding task force upang suriin lahat ng kontrata at maghanap ng mga kaugnay na impormasyon kaugnay sa pagbili ng automated election system (AES) machines noong 2016.Itinanggi ni Bautista ang alegasyon sa X o dating Twitter.

 

 

Sinabi nito na handa niyang sagutin ang umanoy mga kaso laban sa kanya sa tamang forum at oras.  GENE ADSUARA 

Mas nagiging future-oriented na siya: JILLIAN, ibinenta na ang sports car kapalit ng mga lupain

Posted on: October 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IBINENTA na ni Jillian Ward ang iba niyang mga sasakyan.

 

 

Noon ay napabalitang bumili si Jillian ng mga (yes, mga dahil mahigit isa o dalawa) mamahaling kotse o sports car na milyun-milyon ang halaga.

 

 

Kinabiliban nga si Jillian ng mga netizens at maging kapwa niya artista dahil bago pa man mag-eighteen years old ang Kapuso star this year ay may naipundar na itong mga mamahaling sasakyan.

 

 

Pero nitong isang araw lamang, sa mediacon ng nagbabalik sa ere na ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’, ibinulgar ni Jillian na ibinenta na niya ang iba sa mga sasakyan niya.

 

 

Pero iyon ay hindi dahil naghihirap na si Jillian, on the contrary ay mas matindi ang mga bagong investments ni Jillian… mga lupain.

 

 

“Well, sa totoo lang po dati, medyo magastos po ako. Kumbaga meron pong endorsements tapos bibili po ako ng car.

 

 

“Pero ngayon po na mas marami na po ako nakakasalamuha, medyo mas nagiging mature na po naisip ko na po yung long-term.

 

 

“Actually, ibinenta ko na po yung ibang mga cars ko at kapalit po nun, bumili ako ng lote.

 

 

“Sini-secure ko na rin po yung future ko. Mas naging future-oriented na po talaga ako, kasi iniisip ko po 13 years na po ako nagwo-work, since baby pa po ako so sayang naman kung parang hindi ko po maalagaan yung mga earnings ko,” pahayag ni Jillian.

 

 

“Sina Mama at Papa, nandidiyan po sila. Gina-guide po nila ako. So, ayun lang po mas medyo careful po ako ngayon,” dagdag pa niyang sinabi.

 

 

Samantala, si Jillian ang bida sa Captain Kitten episodes ng ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’ kasama sina Gabby Eigenmann, Shuvee Etrata, Angela Alarcon, Archie Alemania, at Kim Perez.

 

 

Magsisimula na itong umere sa October 7, Sabado, 6:15 pm, sa direksyon ni Rico Gutierrez.

 

 

***

 

 

EXPECTED na namin na ihahalintulad ni Kylie Padilla sa ama niyang si Robin Padilla si Ruru Madrid.

 

 

Magkasama sila sa ‘Black Rider’ na upcoming action series ng GMA.

 

 

At dahil aksyon-aksyon si Ruru sa serye, bumilib raw si Kylie kay Ruru.

 

 

“May mga kilos si Ruru na nakikita ko talaga yung tatay ko,” ang tila gulat na sinabi ni Kylie.

 

 

“Sinasabi ko nga sa kanya, ‘You look like my dad.’

 

 

“Actually, nakakatawa kasi nagku-compete kaming dalawa kung sino ang mas magaling gumaya sa dad ko,” at tumawa si Kylie.

 

 

For sure flattered si Ruru sa mga papuri ni Kylie dahil vocal naman si Ruru sa pagsasabing super-idol niya si Senator Robin.

 

 

Gaganap si Ruru bilang si Elias sa ‘Black Rider’ at si Kylie ay ang misis niyang si Berniece.

 

 

Leading ladies rin sina Katrina Halili bilang si Romana at Yassi Pressman na gaganap naman bilang Vanessa.

 

 

Nasa ‘Black Rider’ rin sina Matteo Guidicelli, Gary Estrada, Rio Locsin, Raymart Santiago at marami pang iba.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

JOAQUIN PHOENIX IS VICTORIOUS AS “NAPOLEON” IN NEW FEATURETTE

Posted on: October 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

THE authenticity and passion of Academy Award® winner Joaquin Phoenix is what makes him the perfect Napoleon. From acclaimed director Ridley Scott and starring Phoenix, Napoleon opens in Philippine cinemas November 29. Watch the “Unique Genius of Joaquin Phoenix” in this newly released featurette: 

About Napoleon

Napoleon is a spectacle-filled action epic that details the checkered rise and fall of the iconic French Emperor Napoleon Bonaparte, played by Oscar®-winner Joaquin Phoenix. Against a stunning backdrop of large-scale filmmaking orchestrated by legendary director Ridley Scott, the film captures Bonaparte’s relentless journey to power through the prism of his addictive, volatile relationship with his one true love, Josephine, showcasing his visionary military and political tactics against some of the most dynamic practical battle sequences ever filmed.

Directed by Ridley Scott, with screenplay by David Scarpa, the action epic is produced by Ridley Scott, Kevin J. Walsh, Mark Huffam and Joaquin Phoenix.

Starring Joaquin Phoenix as the titular character, and Vanessa Kirby.

Opening in cinemas November 29, Napoleon is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with the hashtag #Napoleon

(Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”)


(ROHN ROMULO)