• December 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 11th, 2023

Grateful sa ka-loveteam at sa ‘Eat Bulaga’: ALDEN, ‘di itinanggi na na-in love siya dati kay MAINE

Posted on: October 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SIGURADONG nagdiwang ang AlDub fans nina Alden Richards at Maine Mendoza sa sagot ni Asia’s Multimedia Star sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” last October 9. 

 

 

Tinanong ni Boy Abunda si Alden kung na-in love ba siya kay Maine noong nabuo ang kanilang love team na “AlDub” sa “Eat Bulaga?”

 

 

“Yes, hypocrite po ako kung hindi,” sagot ni Alden.

 

 

“Ayoko pong sabihing alam niya but I did confess.  I’m very grateful to Maine and ‘Eat Bulaga’ for opening a door of opportunities for me. Ang daming dumating sa buhay ko because of it (AlDub), and I’m very grateful to Maine.”

 

 

Tungkol naman sa pagkabuwag ng AlDub, parang “break-up” na rin daw ito sa kanya pero nilinaw naman niya agad na hindi lahat ng break-up ay masama at masakit.

 

 

Kailangan daw lamang talaga ni Maine ng growth at mag-move forward ito noon.

 

 

Meanwhile, ilang araw na lamang ang hinihintay ng mga fans nina Alden at Julia Montes dahil ang opening day ng “Five Breakups and a Romance” ay sa October 18, pero may premiere night muna sila sa Tuesday, October 17.

 

 

The movie was written and directed by Irene Villamor, produced by GMA Pictures, Cornerstone  Studio and Myriad Productions.

 

 

                                                            ***

 

 

PUMAYAG pala ang new Triple A actress na si Carla Abellana na mag-guest sa “BlackRider,” ni Action-Drama Prince Ruru Madrid for GMA Network.  Gaganap si Carla bilang si Becky, isang teacher na maho-hostage ng isang grupo ng sindikato kasama ang kanyang tatlong students.

 

 

Feeling blessed ang aktres nang i-offer sa kanya ang said character dahil bukod sa naiiba ang role na ibinigay sa kanya ay makakatrabaho pa niya ang ilang veteran at award-winning stars.

 

 

“Maraming pagdadaanan yung role ko bilang teacher,” kuwento ni Carla sa “24 Oras Integrated News.”

 

 

Gagawin niya yung best niya na protektahan ang tatlo niyang estudyante. Kaya sasabak siya sa ilang action scenes dahil bilang hostage, makatitikim siya ng sampal, suntok, tadyak at iba pang pisikal na eksena kaya naman nakaranas siya ng mga minor injuries.

 

 

“Kaya nga lalo akong bumilib sa mga artistang nag-aaksyon, kabilang nga ang cast members ng Black Rider.”

 

 

Inamin din ni Carla na kahit guest role ang ginawa niya ay may ganitong occupational hazards din siyang nakuha kaya saludo raw siya sa mga regular cast ng serye, dahil hindi biro ang mga ginagawa nila.  Nakita raw niya kung gaano sila kaseryoso sa kanilang trabaho.

 

 

Samantala, malapit na rin ang world premiere sa November ng bagong GMA Afternoon Prime drama series na “Stolen Life” ni Carla na makakasama niya muli si Gabby Concepcion at kasama rin nila si Beauty Gonzalez.

 

 

                                                         ***

 

 

NAG-CELEBRATE na rin pala sina Barbie Forteza at David Licauco ng kanilang first year anniversary as a love team, nang gawin nila ang “Maria Clara at Ibarra” sa GMA Network.

 

 

Patuloy namang tumataas ang rating ng bago nilang pinagtatambla na, ang “Maging Sino Ka Man” na napapanood gabi-gabi, after “24 Oras” sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)

“KILLERS OF THE FLOWER MOON” CHARACTER CHRONICLES: ROBERT DE NIRO AS WILLIAM KING HALE, AND LILY GLADSTONE AS MOLLIE BURKHART

Posted on: October 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Apple Original Films has unveiled two more Character Chronicle featurettes, “Character Chronicles: Robert De Niro as William King Hale”, and “Character Chronicles: Lily Gladstone as Mollie Burkhart”, for Martin Scorsese’s highly anticipated “Killers of the Flower Moon.” Starring Leonardo DiCaprio, De Niro and Gladstone, “Killers of the Flower Moon” will premiere in theaters around the world, including IMAX® theaters, on October 18.

“Killers of the Flower Moon” marks Scorsese’s tenth feature with De Niro, here cast as Ernes’s cattle farming uncle, William “King” Hale, the chief architect of the Reign of Terror. Though ultimately convicted of murder, Hale is a mass of contradictions: an extortionist and intimidator but also someone who truly believes himself to be a friend to the Osage, the “most beautiful people in the world,” he calls them.

“It’s very complicated,” Scorsese says. “He’s like a prophet. He believes their time has come: ‘I’ll help them. I’ll ease them into their graves. I’ll make it easier for them. Civilizations come and go.’ But the point is that he did like them. Also, from what I understand, at Bill Hale’s funeral back in the ’60s, there were some Osage who attended. So it’s not as simple as villain and hero.”

For the role of Mollie Burkhart, both DiCaprio and Scorsese found themselves quickly resonating with Native American actress Lily Gladstone.

“It was so interesting to see the effect that her presence and her silent reactions had on Leo, and on the development of his character: it really helped define the relationship between Mollie and Ernest,” says Scorsese of Gladstone. “For me, exploring that emotional territory with Lily and Leo was quite an eye opening experience, and an enriching one. Her silences, as Mollie, were often more powerful than her words – what she didn’t say, what she withheld, spoke even more eloquently than her words.”

At the turn of the 20th century, oil brought a fortune to the Osage Nation, who became some of the richest people in the world overnight. The wealth of these Native Americans immediately attracted white interlopers, who manipulated, extorted, and stole as much Osage money as they could before resorting to murder. Based on a true story and told through the improbable romance of Ernest Burkhart (Leonardo DiCaprio) and Mollie Kyle (Lily Gladstone), “Killers of the Flower Moon” is an epic western crime saga, where real love crosses paths with unspeakable betrayal. Also starring Robert De Niro and Jesse Plemons, “Killers of the Flower Moon” is directed by Academy Award winner Martin Scorsese from a screenplay by Eric Roth and Martin Scorsese, based on David Grann’s best-selling book.

Hailing from Apple Studios, “Killers of the Flower Moon” was produced alongside Imperative Entertainment, Sikelia Productions and Appian Way. Producers are Martin Scorsese, Dan Friedkin, Bradley Thomas and Daniel Lupi, with Leonardo DiCaprio, Rick Yorn, Adam Sommer, Marianne Bower, Lisa Frechette, John Atwood, Shea Kammer and Niels Juul serving as executive producers.

Director: Martin Scorsese

Cast: Leonardo DiCaprio, Robert De Niro, Jesse Plemons, Lily Gladstone, Tantoo Cardinal, John Lithgow, Brendan Fraser, Cara Jade Myers, JaNae Collins, Jillian Dion, William Belleau, Louis Cancelmi, Tatanka Means, Michael Abbot Jr., Pat Healy, Scott Shepard, Jason Isbell, Sturgill Simpson

Writers: Eric Roth, Martin Scorsese

Producers: Martin Scorsese, Dan Friedkin, Bradley Thomas, Daniel Lupi

Exec. Producers: Leonardo DiCaprio, Rick Yorn, Adam Somner, Marianne Bower, Lisa Frechette, John Atwood, Shea Kammer, Niels Juul

“Killers of the Flower Moon” is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures. Connect with #KillersOfTheFlowerMoon and tag paramountpicsph

**The interviews for this article were done before the writers and actors strikes.**

Photo and Video Credit: “Apple Original Films / Paramount Pictures International”

(ROHN ROMULO)

PBBM sinuspinde ang LTFRB chairman

Posted on: October 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINUSPINDE  ni President Ferdinand R. Marcos si Land Transpotation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz dahil sa alegasyon ng korupsyon na binabato sa kanya.

 

 

 

Ang Presidential Communications Office (PCO) ang nagbigay ng anunsiyo sa kanyang suspensyon. Nag-utos naman si President Marcos ng isang imbestigasyon sa nasabing alegasyon.

 

 

 

“The President does not tolerate any misconduct in his administration and has instructed the immediate investigation on this matter. He strongly condemns dishonesty and duplicity in public service,” ayon sa PCO.

 

 

 

Si Guadiz ay sinuspinde dahil sa pagsisiwalat ng mga katiwalian ng kanyang dating senior executive assistant na si Mr.  Jeffrey Tumbado sa isang press conference ang ginawa noong Lunes na pinangunahan ng grupong Manibela.

 

 

 

Ayon kay Tumbado ay kanilang pinagusapan noong nakaraang March ni Guadiz kung paano sila makakakuha ng “benefit” sa mga “lagayan scheme” sa ahensiya habang kanya rin inakusahan ang ibang ahensiya at ang Malacanang na kasama rin sa korupsyon.

 

 

 

“I do not believe that he is the only one, there is also instruction from higher ups… I believe this chairman is also a victim,” saad ni Tumbado.

 

 

 

Sinabi rin niya ang mga “under-the-table” na transaksyon na ginagawa sa LTFRB ay ang modipikasyon ng ruta, pagbibigay ng priority sa mga papales tungkol sa prangkisa at pagbibigay ng special permits. Dagdag pa niya ang bawat illegal na transaksyon ay umaabot ng P3 million ang lagayan kung saan puwedeng mayroon dalawang hulugan ang bayaran.

 

 

 

Nilinaw naman ni Tumbado na wala sa mga miyembro ng LTFRB board ang deritsahang humihingi ng pera sa mga aplikante at sa halip ay tumatangap sila sa ibang tao o ang tinatawag na fixer. Hindi naman niya pinangalanan ang mga nasabing tao.

 

 

 

Binigyan diin niya na di siya isang “bag man” subalit tumanggi siyang sabihin kung ano ang eksaktong partipasyon niya sa mga nasabing illegal na transaksyon.

 

 

 

Nang tanungin siya sa ginawang press conference kung bakit siya ay lumantad sa publiko at kung saan niya tinukoy ang mga impormasyon tungkol sa korupsyon, sinabi niya na gusto lamang niya na ituwid ang mga maling bagay at upang makatulong sa mga taong naaagrabiyado na apektado ng illegal na transaksyon.

 

 

 

Saad din niya na may pakiramdam siya na magiging “sacrificial lamb” siya kapag mas naging maiinit ang issue tungkol dito.

 

 

 

Isa sa mga ebidensya na nasa kamay niya ngayon sa mga nasabing kurupsyon maliban sa mga personal statements, ay ang mga screen shots din at audio recordings ng mga pag-uusap ng mga taong kasangkot sa mga illegal na transaksyon.

 

 

 

Maghahain naman siya ng kaso tungkol sa paglabag ng Republic Act 3019 o ang tinatawag na Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at RA 11032 o mas kilala sa Ease of Doing Business Act ngayon linggong ito.

 

 

 

Si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista naman ay nagutos na rin kay Guadiz na magpaliwanag sa mga alegasyon ng korupsyon na nangyayari sa LTFRB. LASACMAR

Bypass project, mapapalakas ang farming industry sa Bulacan

Posted on: October 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAPAPALAKAS  ng  infrastructure projects sa  Bulacan ang pagiging produktibo ng pagsasaka sa lalawigan.

 

 

Ito’y matapos na pasinayaan ang  Arterial Road Bypass Project Phase III (ARBP III) Contract Package 4 sa  San Rafael, Bulacan.

 

 

Winika ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang talumpati na binasa ni  Special Assistant to the President Antonio Ernesto Floirendo Lagdameo Jr. na ang proyekto ay mahalagang hakbang “towards the realization of our dream of a better Philippines that is filled with hope, brimming with optimism, and teeming with boundless opportunities.”

 

 

“With the enhanced road capacity and the substantially shortened travel time, this project will revolutionize not only the movement of people, but also of agricultural products and services, thereby boosting the productivity of the farming industry in Bulacan,” ayon pa rin sa talumpati.

 

 

“In time, this will attract even more investments, create more employment opportunities, and perpetuate a positive cycle of development that will benefit the province of Bulacan and its residents,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Tinuran pa ni Pangulong Marcos na tinitingnan ng administrasyon na kompletuhin ang ARBP III sa Marso 2024.

 

 

Kaugnay nito, inatasan ng Pangulo si  Department of Public Works and Highways na tiyakin na ang lahat ng ‘outstanding issues’ partikular na ang may kinalaman sa road right-of-way—ay kaagad na matutugunan.

 

 

Nagpasalamat naman ang Pangulo sa  Japan International Cooperation Agency o JICA  para sa suporta nito sa proyekto.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ng Presidential Communications Offic na ang  ARBP III ay isa lamang sa ilang road projects sa iba’t ibang bansa.

 

 

Samantala, may 197 infrastructure flagship projects, kabilang ang transportation connectivity projects, sa iba’t ibang  “stages of development” sa ilalim ng  Build-Better-More Programpara suportahan ang nilalayon nito. (Daris Jose)

Pinoy sugatan, 7 pa nawawala sa Hamas attack sa Israel

Posted on: October 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISANG Pinoy ang kumpirmadong sugatan habang pito pa ang nawawala, kasunod nang naganap na pag-atake ng Palestinian terrorist group na Hamas sa Israel nitong Sabado.

 

 

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, kinilala ni Overseas Workers Welfare Admi­nistration (OWWA) Deputy Administrator Arnell Ignacio ang nasugatan na si Joey Pasulingan na tinamaan ng bala.

 

 

Isang Pinoy naman ang nahirapan huminga o na-suffocate matapos sunugin ng mga terorista ang bahay nito at kanyang employer.

 

 

Inilabas din ni Ignacio ang pangalan ng ilan sa mga Pinoy na unaccounted for o nawawala pa rin sa Israel na sina Grace Cabrera; Shelly Morillo; Norilyn Babadilla; Gallenor Leandro Pacheco at Loreta Alacre.

 

 

Dalawa aniya sa mga ito ang magkasamang nagtatrabaho sa isang farm habang ang tatlo pa ay sa hiwa-hiwalay na lugar naman nagtatrabaho.

 

 

Habang natagpuan na sina Loreta de Costa; Buena Besol; at Marilyn Magana.

 

 

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge Hans Leo Cacdac, nasa maayos na kondisyon ang naturang Pinoy na nadaplisan umano ng bala sa braso at nilalapatan na ng lunas sa pagamutan.

 

 

Paglilinaw naman ni Cacdac na hindi nila iniisip na napahamak ang mga nawawala at sa halip ay maaari aniyang nasa isang safe room o ligtas na tahanan na malapit sa kanilang pinagtatrabahuhan at hindi sa lugar kung saan sila unang nairehistro.

 

 

Hindi naman inaalis ni Israel Consul General at Deputy Chief of Mission Anthony Mandap ang posibilidad na marami pang Pinoy ang nasugatan sa pagsalakay ng Hamas habang wala pang iniulat na nasawi sa tinatayang 30,000 Pinoy sa nasabing bansa.

 

 

Patuloy pa rin umanong inaalam ng mga otoridad ang ulat na may mga Pinoy na kabilang sa hinostage ng teroristang Hamas.

 

 

Kasabay nito, sinabi ni (DFA) Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo de Vega na patuloy nilang inaalam ang ibinahagi ng Israel-based OFWs na walong Filipino ang nawawala.

 

 

Ayon kay De Vega, may posibilidad na ang mga nawawalang Pinoy ay hindi lang makontak dahil naiwan o nawala ang kanilang mga telepono dahil sa pagmamadali sa pag-evacuate ng biglang umatake ang Hamas.

 

 

Nilinaw naman ni Mandap na wala pang plano kung ililikas ang mga Filipino sa Israel dahil sa ngayon ay nanatili pa sila sa kanilang mga bahay at bomb shelters.

 

 

Muli naman nagbukas ng operasyon ang Philippine embassy sa Tel Aviv nitong Lunes at pinayuhan ang sinumang Filipino na may pangangailangan na tumawag sa +972-54-4661188 / +972-50-911-4017. (Daris Jose)

Libreng sakay program sa Metro Manila ibabalik simulan Nobyembre 1

Posted on: October 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IBABALIK ng gobyerno ang libreng sakay program sa mga public utility jeepneys at buses sa Metro Manila.

 

 

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magsisimula ang nasabing programa sa Nobyembre 1.

 

 

Inaprubahan na kasi ng Department of Budget and Management ang P1.3 bilyon na funding para sa nasabing libreng sakay sa EDSA Carousel at ilang bahagi ng Metro Manila.

 

 

Inaasahan na ngayong buwan ay mailalabas ang nasabing pondo ng programa.

 

 

Ang nasabing programa ay bahagi ng service contracting system ng Marcos Administration.

 

 

Bibigyang prioridad ng LTFRB ang mga modern jeepneys at kooperatiba na unang nakapag-enroll na sa nasabing service contracting scheme.

Ads October 11, 2023

Posted on: October 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Umano’y pagpapalayas ng China sa PH Navy, propaganda lamang ayon kay AFP Chief Brawner

Posted on: October 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MARIING itinanggi ng Armed Forces of the Philippines ang naging pahayag ng China hinggil sa umano’y pagpaalis nito sa barko ng Philippine Navy sa bahagi ng Bajo de Masinloc shoal.

 

 

Ito nga ay matapos ang inilabas na statement ni China Coast Guard spokesman Gan Yu kung saan sinabi nito na tinaboy daw ng kanilang coast guard ang barko ng Philippine Navy na naglalayag sa nasabing lugar nang dahil sa naging paglabag daw nito sa international law at sa territorial sovereignty ng kanilang bansa.

 

 

Sa isang pahayag ay sinabi ni Armed Forces of the Philippines chief of staff Gen. Romeo Brawner Jr., na walang katotohanan ang mga ulat na ito at tanging propaganda lamang aniya ito ng China.

 

 

Sa palagay ng heneral, posibleng layunin lamang ng propagandang ito ng China na magpapogi at ipakita sa kanilang “Internal audience” na may ginagawa sila sa naturang lugar.

 

 

Paglilinaw pa ni Brawner, sa ngayon ay tanging Philippine Coast Guard lamang at walang presensya ng Philippine Navy sa bahagi ng Bajo de Masinloc kung kaya’t malabo talagang mayroong itinaboy ang China coast guard sa lugar.

 

 

Samantala, kasabay nito ay iginiit naman ng hepe ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na anuman ang mangyari ay hindi nito pahihintulutan na palayasin ng China ang presensya ng ating bansa sa lugar sapagkat ito ay nasasakupan ng exclusive economic zone ng Pilipinas, at karapatan aniya ng mga Pilipinong mangingisda na magtungo at pumalaot sa nasabing lugar. (Daris Jose)

Hepe ng LTFRB, sinuspinde ni PBBM

Posted on: October 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINUSPINDE ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang puwesto si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz III sa gitna ng usapin ng korapsyon sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

 

 

Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO)  na ipinag-utos ng Pangulo ang agarang imbestigasyon sa usapin lalo pa’t hindi nito kinukunsinti ang anumang maling pangangasiwa  sa kanyang administrasyon.

 

 

Hayagan din nitong kinokondena ang pagsisinungaling at pandaraya sa public service.

 

 

Sa ulat, ibinunyag  ng dating opisyal ng LTFR­B ang diumano’y talamak na korapsiyon sa ahensiya para makakuha ng permit, prangkisa at iba pa.

 

 

Sa isang press confe­rence na inihanda ng grupong Manibela sa Quezon City, sinabi ni Jeffrey Tombado, dating executive assistant ni Guadiz, mabilis ang pagkuha ng special permit, route permit, franchise at iba pa kung maglalagay ang mismong aplikante.

 

 

Inamin ni Tombado na siya ang nag-aasikaso ng mga permit sa halagang P5 milyon pero hindi lang taga-LTFRB ang nakikinabang kundi hanggang sa Malakanyang.

 

 

Binanggit ni Tombado na may mga hawak siyang ebidensiya ng korapsyon sa LTFRB at ihaharap niya ito oras na maisampa ang kaso sa mga sangkot na opisyal.

 

 

Dahil dito, inihayag ng grupong Manibela na maglulunsad sila ng transport strike sa Oktubre 16 bilang protesta sa talamak na korapsiyon sa LFTRB. Hihilingin din ng grupo na mapalawig ang deadline sa extension ng prangkisa ng mga traditional jeepney na nakatakdang matapos sa Disyembre 31, 2023.

 

 

Hindi umano sila titigil sa transport strike hangga’t hindi nagbibitiw sina Guadiz, Transportation Secretary Jaime Bautista at iba pang sangkot sa korapsiyon. (Daris Jose)

Contingency funds makakatulong sa mga OFW sa Israel

Posted on: October 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAAARING  gamitin ng gobyerno ang contingency funds para tulungan ang mga apektadong Pilipino sa Israel matapos pag-atake ang Palestinian Islamist group na Hamas noong Sabado.

 

 

“Contingent fund may be used for their repatriation and generate jobs for affected Filipinos. The government must come up with economic plans to cushion their abrupt termination of work,” ani Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin.

 

 

Idinagdag nito na ang contingency ay mahalaga para sa mga emergency situation.

 

 

Hinimok din ng mambabatas ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) na siguruhin ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Israel, at idiniin na ito prayoridad ng pamahalaan.

 

 

Nauna nang sinabi ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na “closely monitoring” ang kalagayan ng 24,807 Filipino sa Israel.

 

 

Sinabi ni OWWA Administrator Arnelle Igancio na nasa 200 empleyadong Pilipino ang nakabase sa Gaza Strip, na sinasalakay na lugar ng militanteng grupo ng Hamas.

 

 

Samantala, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na nagbukas ang DMW ng hotline at ilang Viber at WhatsApp hotline numbers na tatanggap ng mga tawag at katanungan mula sa ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at Filipino community na nangangailangan ng tulong ng gobyerno. (Ara Romero)