Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
PINAG-UUSAPAN pa rin hanggang ngayon ng mga netizens sina David Licauco at Jak Roberto matapos nilang rumampa na parehong nag-cosplay bilang Roronoa Zoro ng ‘One Piece’ sa ginanap na GMA Sparkle Spell 2023 noong October 22.
Nagtalo-talo nga sila kung kanino mas bagay at bakit kailangan pareho ang kanilang costume.
Ilang nga sa naging komento…
“Jak and David parehong nag Zoro costume….para mapag usapan na naman.”
“Walang coordination yata ng costumes. Parang di alam nung tagagawa ng caption kung sino yung roles ng iba tapos yan may nadoble pa.”
“Parang sinadya naman ng mga boylets ni barbie na mag-roronoa para pag-usapan sila. Pero bet ang costume ni Sanya. Grabe naman effort ni (Derrick) Monasterio, may pa horse talaga?
“David Licauco and Jak Roberto’s costumes looks like a class project nung my high school days đ đ đ Economy is not great but dudes… how about spending a little.”
“Mas bagay kay David since mas malapit features niya sa actor na nagpi-play ng character ni Zoro.”
“He looks malamya at payatot mas bagay kay Jak.”
“Sa video nong pagrampa mas bagay kay Jak Roberto dalang-dala niya si Zoro at medyo hawig din sila ni Mackenyu.”
“Dahil sa high cheekbone… yun isa naman TH.”
“Jak roberto looks like Ji Chiang Wook.”
“Bagay kay David ung costume nya. Tumugma sa built ng katawan nya.”
“Parang nagkasakit na Zoro yung David, at expectation vs reality yung Jak.”
Nakatanggap din ng panlalait si Barbie Forteza na isa sa ‘Stars of the Night’ ng naturang event ng GMA Network, sa kanyang character bilang Daenerys Targaryen ng “Game of Thrones.”
Ayon sa obserbasyon ng netizens:
“Yung costume naman ni Barbie na Daenerys fail! Halatang ‘di pinaghandaan panget ng tela.”
“Yung tela ng custume ni Barbie parang kukurtinahin from divi. Hehe.”
“Nagmukha siyang maliit lalo sa totoo lang.”
“Nag-Google ako kung meron bang costume si daenery na blue meron naman pero hindi ganitong tela at hindi ganitong style. Di ko alam kung fan talaga siya ng GOT dahil kung ako sa kanya madi-disappoint ako ganyan ipapasuot sa akin.Tinignan ko ulit costume ni angel locsin na daenery at iyon talaga ang kuhang kuha and even expression ng mukha ginaya ni angel.”
“True! Sorry yung outfit ni Barbie parang pinatahi lang sa tabi tabi. Wala rin akong natatandaan na ganyang damit ni Daenerys and yung wig di man lang inayos ang paglagay.”
Oh well, kanya kanya lang naman ‘yun taste. Ang importante nag-enjoy sila sa pag-attend ng ‘Sparkle Spell 2023’.
(ROHN ROMULO)
MAY mga artistang ayaw gumanap bilang nanay lalo pa at hindi pa nagkakaroon ng anak.
Pero dahil mahusay na aktres, kesehodang dalaga pa siya ay pumayag si Alessandra de Rossi na gumanap bilang isang ina sa pelikulang ‘Firefly.’
Pasok ang ‘Firefly’ (ng GMA Public Affairs at GMA Pictures) sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Disyembre.
Sa interbyu ni Kuya Kim Atienza kay Alessandra sa âNot Gonna Lieâ segment ng âDapat Alam Mo!â tinanong si Alessandra o Alex kung na-challenge o nahirapan ba siya mag-portray bilang ina (na si Elay) ng child actor na si Euwenn Mikaell.
âIâm not gonna lie, hindi totoo! Hindi ako nahirapan âno! Madali,â ang kuwelang sagot ni Alex.
Ayon kay Alex, para na rin kasi siyang isang ina sa mga alaga niyang ibon. Yes, kung karamihan sa atin ay may pet dogs o cats, si Alex ay matagal nang nag-aalaga ng mga ibon na mahal na mahal niya.
âI have birds. Sila yung inspiration ko.
âSi Euwenn, yung anak ko doon [sa Firefly], tingin ko sa kaniya si Kitten. âAyoko siyang mapahamak, ayoko siyang masaktan,â pagtukoy ni Alex sa pet bird niyang si Kitten.
Kaya ang dayalog pa ni Kuya Kim kay Alex, tiyak naman na hindi siya hirap gumanap bilang nanay, na buong kuwelang sinagot ni Alex ngâŠ
âOo. Mahihirapan siguro ako kung ang role ko tatay!â
O di ba, karakter talaga si Alessandra?
Samantala, nasa ‘Firefly’ rin sina Cherry Pie Picache, Epy Quizon, Yayo Aguila, Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Max Collins, at Kokoy de Santos, with special participation ni Dingdong Dantes, sa direksyon ni Zig Dulay.
***
NAGING co-host ng Wowowee (2005-2007) ni Willie Revillame si Janelle Jamer, kaya hiningan namin siya ng opinyon tungkol sa suspensyon ng ‘Itâs Showtime’ dahil sa icing incident nina Vice Ganda at Ion Perez.
âAko bilang naging host ako ng isang live show, actually mahirap talagang maging host ng isang live show because minsan nadadala ka ng kasiyahan ng grupo or kung sino yung kaeksena mo or co-host mo sa isang show.
âKung ano yung ibato siyempre minsan nagre-reciprocate ka or bumabato ka rin. Minsan dahil nadadala ka ng sobrang kasiyahan hindi mo na naiisip kung lumalampas ka ba dun sa boundaries mo.
âKung sa tingin mo wala namang, hindi din siya ganun katinding or below-the-belt na joke parang⊠ide-deliver mo siya.
âBut then dahil nga nasuspinde sila based sa MTRCB, pagkain nila ng icing, ako, kasi MTRCB iyon e, pananaw ng MTRCB yun, siguro bilang galing ako sa isang comedy bar at isang noontime show, for me wala akong nakikitang masama.â
Naging regular performer si Janelle sa comedy bar na Punchline sa Quezon City noong 2004 hanggang 2008.
âSiguro nahaluan lang talaga ng intriga lalo kasi may mga bata dun sa tabi nila.
âPero kung hindi talaga siya masyadong, siguro puwede naman sana siyang, what do you call this, pinalusot, or isang eksenang puwedeng ihingi ng tawad, di ba?â
Nakatsikahan namin si Janelle sa 3rd SamLo Cup ng matalik na kaibigan ni Janelle na si Samantha Lopez.
Ang taunang celebrity golf tournament, na nasa ikatlong taon na, ay isang fund-raising event bilang selebrasyon ni Samantha ng kanyang kaarawan (Oktubre 18) na ang beneficiary ay ang mga kabataan ng Kids For Jesus Foundation na pinamumunuan ng bestfriend ni Samantha na si Jessica Guevara Everingham.
(ROMMEL L. GONZALES)
IPAPAKALAT ng Manila Police District (MPD) ang may 800 na kapulisan sa mga sementeryo sa lungsod bilang paghahanda sa Undas 2023.
Ayon kay MPD Chief Police Col. Thomas Ibay, nasa 450 ang kanyang idedeploy sa loob at labas ng Manila North Cemetery habang 350 naman sa Manila South Cemetery.
Dagdag pa ng bagong talagang Direktor ng MPD na maagang ipapakalat sa Sabado ,Okt.28 ang kanilang mga kapulisan.
Ayon pa kay Ibay, bukod sa idineploy na mga pulis sa semeteryo, may mga karagdagang nakalatag ding pwersa ng MPD at NCRPO kaugnay ng BSKE 2023.
Nakakatulong din sa dalawang aktibidad ang iba’ t ibang hanay ng mga force multipliers mula sa pribado at pampubliko.
Habang nakatutok at nakaalerto rin ang mga nag-iikot na bike, mobil, motorcycle, patrol unit ng mpd sa mga pamilihan, pampublikong lugar o pasyalan upang mapanatili ang kaligtasan ng mga Manileño sa lungsod. GENE ADSUARA
NGAYONG Biyernes ay pumunta sina Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr., Laguna Rep. Dan Fernandez, Patrol Party-list Rep. Jorge Bustos, at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, ang chairman ng House Committee on Dangerous Drugs sa Cavite upang saksihan ang ginawang pagsunog sa may P6 bilyong halaga ng iligal na droga na nasa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
âOur presence there was part of our job as House members who are looking into recent drug confiscations and the trade in illegal drugs in general upon the instruction of Speaker Martin Romualdez,â ani Gonzales.
âOur inquiry is in consonance with the bloodless anti-drug campaign of President Ferdinand âBongbongâ Marcos Jr., which has so far netted more than P30 billion worth of illegal substances,â dagdag pa ni Gonzales.
Iniimbestigahan ng komite ni Barbers ang nakumpiskang P3.6 bilyong halaga ng shabu sa isang warehouse sa Barangay San Jose Malino, Mexico, Pampanga, at ang shabu extender na nakuha sa isang abandonadong sasakyan sa parking lot ng isang supermarket sa Mabalacat City, Pampanga.
Ayon sa PDEA kasama sa sinunog ang 274 kilo ng shabu na nakumpiska sa Manila International Container Port noong Oktobre 6 at ang 208 kilo ng shabu extender na narekober sa Mabalacat City.
Sinunog umano ang mga ito dahil hindi na kailangan bilang mga ebidensya.
Hindi naman sinunog ang 530 kilo ng shabu na nakuha sa warehouse sa Barangay San Jose Malino dahil hindi pa umano tapos ang isinasagawang imbestigasyon dito.
Pinatitiyak naman ni Barbers sa PDEA na malakas ang kasong isinampa nito laban sa mga nagpasok ng ipinagbabawal na gamot sa bansa.
Tiniyak naman ng mambabatasna suportado ng Kongreso ang mga law enforcement agency sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga. (Ara Romero)
NASAWI ang isang rider habang sugatan ang dalawa pang back rider nang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Malate, Maynila kahapon ng madaling araw.
Sa ulat mula sa MPD-Traffic Enforcement Unit, nakilala ang nasawi na si Orlie Magtibay y Villanueva, rider ng Honda click na my plakang 7330 IW .
Sugatan naman sina Aldrin Magtibay ,23; at Kristine Marie Templa,21 taong gulang.
Nangyari ang insidente ala 1:30 ng madaling araw ng Lunes sa Eastbound ng Quirino Ave.,corner Mabini St,Malate Manila .
Sa imbestigasyon, binabagtas ni Magtibay ang eastbound lane ng Quirino avenue at pagsapit sa kanto ng Mabini St, ay nabangga nito ang kanang bahagi ng motorsiklo na minamaneho naman ni Regine de Leon,30, na galing ng westbound ng nasabing lugar na dapat sana ay liliko pakaliwa patungong southbound lane ng Quirino Avenue.
Dahil sa malakas na impact o pagkakabangga, tumilapon si Magtibay kaya nagtamo ng matinding pinsala sa ulo na nagresulta ng agarang nitong pagkamatay.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng traffic bureau para sa pagsasampa ng kaukulang kaso sa Manila Prosecutors Office.GENE ADSUARA
TINATAYANG nasa 1,615 gun ban violator na ang nadakip ng Philippine National Police (PNP) simula nang ito ay ipatupad kasabay ng isasagawang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa bansa.
Kampanya ito ng PNP upang masiguro na maaÂyos at payapa ang barangay eleksyon ngayong taon.
Lumilitaw sa datos na inilabas ni PNP-Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo, bukod sa lumalaking bilang ng naaresto, umabot na rin sa 1,210 armas ang nakumpiska ng mga awtoridad.
Nasa 2,194 na mga armas ang idineposito para sa safekeeping; at 1,483 naman ang kusang isinuko.
Samantala, nakapagtala rin ang PNP ng 97 crime incidents bago ang takdang halalan sa Oktubre 30.
Sa kabuuang bilang, 18 dito ang may kaugnayan sa BSKE na kinabibilangan naman ng 12 insidente ng pamamaril; dalawang kidnapping; isang grave threat; isang indiscriminate firing; isang gun ban violation; at isang armed encounter.
Patuloy pang isinasailalim sa balidasyon ang 13 suspected election-related incidents na kinabibilangan ng dalawang pamamaril; dalawang physical injuries; dalawng assault; dalawang paglabag sa gun ban; dalawang pambubugbog; isang harassment; isang pananaksak, at isang armed encounter.
Taylor Swift: The Eras Tour has broken a major box office record, despite only played in theaters for five days.Â
The concert documentary is a recorded version of the global pop star’s blockbuster Eras Tour, in which she performs a series of mini-sets featuring music and costumes from various periods throughout her career, which has now spanned more than a decade and a half.
In its opening weekend, the movie took the No. 1 spot with a humongous domestic gross of $92.8 million.
Per Deadline, the Taylor Swift: The Eras Tour box office has broken a huge record this weekend. In its second weekend, it added $32.4 million to its domestic total, bringing its cumulative gross to $131.1 million and becoming the first concert documentary to pass $100 million in the U.S.
Because the movie has an unusual release pattern and doesn’t play on most weekdays, this means that it has surpassed this record in just five nonconsecutive days of showings.
There are no longer many movies that can be used as yardsticks to measure the possible future success of the Taylor Swift: The Eras Tour release. This domestic total of $131 million is already more than 50% higher than the previous highest-grossing concert movies on the U.S. chart. Those titles would be 2011âs Justin Bieber: Never Say Never at $73 million and 2010âs Michael Jackson documentary This Is It at $72 million.
In fact, Never Say Never didnât even crack $100 million at the global box office, only grossing $99 million overall and thus still falling behind The Eras Tour.
However, at the time of writing, This Is It remains the highest-grossing concert movie of all time worldwide at $261 million. The movieâs international appeal far outstrips The Eras Tour, which has made considerably less overseas than in the U.S., meaning Taylor Swift still has a long way to go to have earned the No. 1 concert movie of all time.
The Taylor Swift: The Eras Tour theatrical run still has plenty of time to work toward that gross, as it is engaged for a 13-week minimum in theaters. Unfortunately, if this weekend’s week-on-week drop of 66% continues to be the norm for the movie, it likely won’t be able to match that total.
However, it could potentially see a resurgence in early November, which has a dearth of other blockbuster releases until The Marvels debuts on November 10. (source: screenrant.com)
(ROHN ROMULO)
MULING hinarang ng China Coast Guard ang resupply mission vessel ng Philippine Coast Guard kahapon ng umaga sa may bahagi ng Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Ito ang kinumpirma ngayon ng National Task Force for the West Philippine Sea.
Sa isang statement ng Task Force sinabi nito na ang ginawa ng China Coast Guard ay isang âdangerous blocking maneuversâ laban sa resupply boat.
Binangga naman ng Chinese Maritime Militia vessel ang BRP Cabra (MRRV 4409) sa kasagsagan ng resupply mission.
Ang pagharang at ang delikadong maniobra ng China Coast Guard vessel 5203 laban sa resupply boat na Unaiza Mayo 2 ay nangyari 13.5 nautical miles silangan hilagang-silangan ng kung saan naroroon ang BRP Sierra Madre. (Daris Jose)
DISMAYADO ang mga netizen nang makita nila kung ano ang suot ni Alden Richards sa ginanap na ‘Sparkle Spell 2023’.
Casual na casual lang kasi ang suot niya na naka-black shirts, sneakers, maong pants na may dalang bouquet ng bulaklak.
Tipong parang napadaan lang daw ito habang ang ibang mga Sparkle artists ay todo nag-effort tulad nina Kyline Alcantara, Sanya Lopez at iba pa.
May paliwanag naman si Alden kung bakit yun ang isinuot niya. Sa mga nakapanood na ng pelikula nila ni Julia Montes na ‘Five Breakups and a Romance’, makokonek agad na ito ang suot ni Alden sa isang scene sa movie.
At dito nga niya sinabi na since Godzilla ang naka-print sa shirts, Godzilla bilang destroyer, may kakabog pa raw ba na nakakatakot sa isang destroyer?
At base rin sa movie, nasira nga raw ba ni Lance (character niya sa movie) ang buhay ni Justine, played by Julia.
Daming negative comment ng mga netizens. Nandiyang âdi man lang daw nag-effort mag-costume habang ang iba, todo effort. Nag-promote pa raw kahit nasa event na.
Pero ang iba naman, lalo na ang mga fan ni Alden ay pinupuri pa rin ito na guwapo at hot. May nagsabi rin na smart boy.
May mga nagdepensa rin kay Alden na sobrang ngarag na raw ni Alden na kaliwaât-kanan ang mga block screening na pinupuntahan, para makapag-prepare pa.
***
ISA-ISA nang ipinakikilala ang mga gaganap na bagong ‘Sangâgre’.
May isang Sang’gre na ipinakilala na sa ’24 Oras’, ito ay si Bianca Umali bilang Terra, ang anak ni Sang’gre Danaya.
Siyempre, given naman na mga Sparkle artists ang mga bagong cast. Nagtanong-tanong kami, pero ayaw pang kumpirmahin ng mga napagtanungan namin.
Though, ilan pa sa naririnig nilang mga bagong Sangâgre bukod kay Bianca ay sina Faith da Silva, Angel Guardian at Kate Valdez. Habang si Glaiza de Castro ay mapapanood pa rin.
Sa 2024 pa naman ang ‘Sangâgre’ na siguradong isa sa aabangan sa Kapuso network.
(ROSE GARCIA)