• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October, 2023

Kamara tiniyak patuloy na tututukan ang presyo ng pagkain – House agri panel chair

Posted on: October 25th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng House committee on agriculture and food na tuloy tuloy ang gagawing pagbabantay sa presyo ng bigas, sibuyas at iba pang produktong agrikultural.

 

 

Ayon kay House Committee on Agriculture and Food Chairman Rep. Mark Enverga magpapatawag aniya ang komite ng mga pagdinig at pagsisiyasat at magdaraos ng konsultasyon sa mga stakeholder kung kinakailangan, upang mapigilan ang hindi makatwirang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

 

 

Iginiit ni Enverga na hindi magpapatinag ang Kamara sa mga kritisismo matapos nitong ilipat ang confidential and intelligence funds (CIF) ng ilang ahensya para mapalakas ang paninindigan nito sa West Philippine Sea.

 

 

Sa unang bahagi ng taon, ikinasa ng komite ni Enverga ang apat na buwang pagsisiyasat sa biglang pagtaas ng presyo ng sibuyas ng umabot ng hanggang hanggang P800 kada kilo.

 

 

Nagresulta naman ito sa pagbaba ng presyo na naging P160 kada kilo. (Daris Jose)

LTO: Gagawing online lahat ng transakyon

Posted on: October 25th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAY PLANO ang Land Transportation Office (LTO) na gawin ng online ang lahat ng transaksyon upang maalis ang korupsyon at fixers sa loob ng ahensya.

 

 

 

Sa isang pahayag ni LTO assistant secretary Vigor Mendoza II ay kanyang sinabi na ang lahat ng pagrerehistro ng sasakyan at aplikasyon para sa lisensya ay gagawin na sa LTO’s online platform.

 

 

 

“We will do it double time in all the regions so that more motorists will now have their vehicles registered online and not face-to-face,” wika ni Mendoza.

 

 

 

Ang mga drivers’ licenses at rehistro ng sasakyan ay ipadadala na lamang sa pamamagitan ng courier para hindi na pumunta ang motorista sa opisina ng LTO.

 

 

 

“Once the system is fully online, it would resolve the LTO’s long-standing problem with fixers or individuals who offer to process LTO applications for a fee to avoid hassle,” saad ni Mendoza.

 

 

 

Ang online portal ng LTO na tinatawag na Land Transportation Management System ay matatagpuan sa pagbisita sa website na https://portal.lto.gov.ph/

 

 

 

Sa ngayon, ang nasabing website ay ginagamit ng mga motorista upang mag log-in sa kanilang personal account at makita ang digital na kopya ng kanilang driver’s license, listahan ng kanilang violations, education materials para sa mga drivers, at iba pa na mga transaksyon na may kinalaman sa LTO.

 

 

 

Samantala, sinabi rin ni Mendoza na ang mga lisensya na mag e-expire sa susunod na tatlong buwan ay baka gagamit pa rin ng paper-based na official receipt (OR) bilang isang pansamantalang driver’s license.

 

 

 

Ayon sa LTO noong Lunes ay may P1.8 milyon na plastic cards na lamang ang natitira dahil sa pagkaantala ng desisyon sa inihain na court case ng All Cards Inc laban sa LTO.

 

 

 

“600 thousand of that will be used this October, so 1.3 million will be left for November and Decembe3r. That is only enough for the licenses that expired last May and June 1,” dagdag ni Mendoza.

 

 

 

Sa ngayon ang LTO ay nagbibigay ng 300,000 na lisensya kada araw kung saan  binibigyan nila ng prioridad ang mga OFWs at ibang aplikante na kinakailangan na magsumite ng kasalukuyan nilang licenses para sa kanilang trabaho.

 

 

 

Ang kontrata sa plastic cards ay dati pang ini-award ng LTO sa Banner Plastic Card Inc. na may bid na P219 million. Ito ay kabaliktaran sa binigay ng AllCard Inc. na may bid na P177 million lamang subalit ang kumpanya ay na disqualified dahil sa alegasyon na ito ay may mga proyektong naantala sa central bank at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

 

 

 

Dahil dito ang All Cards Inc. ay naghain ng demanda laban sa LTO dahil sa alegasyon na pinaboran nila ang nanalong bidder na Banner Plasticards Inc. para sa pagbili ng 5.2 milyon na piraso ng plastic na cards.

 

 

 

Subalit ang Quezon City court ay nagsabi na ang rason sa disqualification ay hindi nagkaroon ng verification.

 

 

 

Dahil dito, ang nasabing court ay nagpataw naman ng 20-day restraining order (TRO) laban sa delivery ng plastic cards. Sa ngayon ay wala pang nilalabas na desisyon ang korte. LASACMAR

Cyber security office, itatag vs hackers! – Tulfo

Posted on: October 25th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NANANAWAGAN si House Deputy Majority Floor Leader at ACT-CIS Cong. Erwin Tulfo sa pamahalaan na magtatag na ng isang ahensya para protektahan at labanan ang anumang pag-atake ng mga hackers, o mas malala pa, ng mga cyber terrorists, sa mga computer at data systems sa bansa.

 

 

Ito’y matapos ang sunud-sunod na pag-atake ng mga hackers sa mga computer data system at websites ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng PhilHealth, Department of Information, Communication and Techno­logy at maging ng House of Representatives.

 

 

Ayon kay Cong. Tulfo, “nakita natin na kung gaano ka-vulnerable at helpless ang mga ahensya natin sa pag-atake ng mga hacker sa mga websites o mga computer files ng mga government agencies natin.”

 

 

Aniya, marami ng bansa ang nagtatatag na ng cyber security agency dahil online o digital na ang halos lahat ng transaction pati ang komunikasyon sa buong mundo.

 

 

Para kay Tulfo, ang itatag na cyber security office o agency ay may kakayahan na pangalagaan at protektahan ang mga digital files ng gobyerno laban sa mga pag-atake ng mga ordinaryong hackers at posibleng cyber terrorists.

 

 

Ang nangyari raw sa isang bangko at isang e-wallet company na napasok ng mga hacker ilang buwan na ang nakakaraan ay isang paalala raw na nasa cyber space na rin ang mga sindikato. (Daris Jose)

Ads October 24, 2023

Posted on: October 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Para raw sinadya para mapag-usapan: DAVID at JAK, parehong nag-Zoro costume kaya iba-iba ang naging reaksyon

Posted on: October 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-UUSAPAN pa rin hanggang ngayon ng mga netizens sina David Licauco at Jak Roberto matapos nilang rumampa na parehong nag-cosplay bilang Roronoa Zoro ng ‘One Piece’ sa ginanap na GMA Sparkle Spell 2023 noong October 22.

 

Nagtalo-talo nga sila kung kanino mas bagay at bakit kailangan pareho ang kanilang costume.

 

Ilang nga sa naging komento…

 

“Jak and David parehong nag Zoro costume….para mapag usapan na naman.”

 

“Walang coordination yata ng costumes. Parang di alam nung tagagawa ng caption kung sino yung roles ng iba tapos yan may nadoble pa.”

 

“Parang sinadya naman ng mga boylets ni barbie na mag-roronoa para pag-usapan sila. Pero bet ang costume ni Sanya. Grabe naman effort ni (Derrick) Monasterio, may pa horse talaga?

 

“David Licauco and Jak Roberto’s costumes looks like a class project nung my high school days 🙂 🙂 🙂 Economy is not great but dudes… how about spending a little.”

 

“Mas bagay kay David since mas malapit features niya sa actor na nagpi-play ng character ni Zoro.”

 

“He looks malamya at payatot mas bagay kay Jak.”

 

“Sa video nong pagrampa mas bagay kay Jak Roberto dalang-dala niya si Zoro at medyo hawig din sila ni Mackenyu.”
“Dahil sa high cheekbone… yun isa naman TH.”

 

“Jak roberto looks like Ji Chiang Wook.”

 

“Bagay kay David ung costume nya. Tumugma sa built ng katawan nya.”

 

“Parang nagkasakit na Zoro yung David, at expectation vs reality yung Jak.”

 

Nakatanggap din ng panlalait si Barbie Forteza na isa sa ‘Stars of the Night’ ng naturang event ng GMA Network, sa kanyang character bilang Daenerys Targaryen ng “Game of Thrones.”

 

Ayon sa obserbasyon ng netizens:

“Yung costume naman ni Barbie na Daenerys fail! Halatang ‘di pinaghandaan panget ng tela.”

 

“Yung tela ng custume ni Barbie parang kukurtinahin from divi. Hehe.”

 

“Nagmukha siyang maliit lalo sa totoo lang.”

 

“Nag-Google ako kung meron bang costume si daenery na blue meron naman pero hindi ganitong tela at hindi ganitong style. Di ko alam kung fan talaga siya ng GOT dahil kung ako sa kanya madi-disappoint ako ganyan ipapasuot sa akin.Tinignan ko ulit costume ni angel locsin na daenery at iyon talaga ang kuhang kuha and even expression ng mukha ginaya ni angel.”

 

“True! Sorry yung outfit ni Barbie parang pinatahi lang sa tabi tabi. Wala rin akong natatandaan na ganyang damit ni Daenerys and yung wig di man lang inayos ang paglagay.”

 

Oh well, kanya kanya lang naman ‘yun taste. Ang importante nag-enjoy sila sa pag-attend ng ‘Sparkle Spell 2023’.

(ROHN ROMULO)

Para nang isang ina sa mga alagang ibon: ALESSANDRA, ‘di nahirapang gumanap na nanay kahit wala pang anak

Posted on: October 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAY mga artistang ayaw gumanap bilang nanay lalo pa at hindi pa nagkakaroon ng anak.

 

 

Pero dahil mahusay na aktres, kesehodang dalaga pa siya ay pumayag si Alessandra de Rossi na gumanap bilang isang ina sa pelikulang ‘Firefly.’

 

 

Pasok ang ‘Firefly’ (ng GMA Public Affairs at GMA Pictures) sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Disyembre.

 

 

Sa interbyu ni Kuya Kim Atienza kay Alessandra sa “Not Gonna Lie” segment ng “Dapat Alam Mo!” tinanong si Alessandra o Alex kung na-challenge o nahirapan ba siya mag-portray bilang ina (na si Elay) ng child actor na si Euwenn Mikaell.

 

 

“I’m not gonna lie, hindi totoo! Hindi ako nahirapan ‘no! Madali,” ang kuwelang sagot ni Alex.

 

 

Ayon kay Alex, para na rin kasi siyang isang ina sa mga alaga niyang ibon. Yes, kung karamihan sa atin ay may pet dogs o cats, si Alex ay matagal nang nag-aalaga ng mga ibon na mahal na mahal niya.

 

 

“I have birds. Sila yung inspiration ko.

 

 

“Si Euwenn, yung anak ko doon [sa Firefly], tingin ko sa kaniya si Kitten. “Ayoko siyang mapahamak, ayoko siyang masaktan,” pagtukoy ni Alex sa pet bird niyang si Kitten.

 

 

Kaya ang dayalog pa ni Kuya Kim kay Alex, tiyak naman na hindi siya hirap gumanap bilang nanay, na buong kuwelang sinagot ni Alex ng…

 

 

“Oo. Mahihirapan siguro ako kung ang role ko tatay!”

 

 

O di ba, karakter talaga si Alessandra?

 

 

Samantala, nasa ‘Firefly’ rin sina Cherry Pie Picache, Epy Quizon, Yayo Aguila, Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Max Collins, at Kokoy de Santos, with special participation ni Dingdong Dantes, sa direksyon ni Zig Dulay.

 

 

***

 

 

 

NAGING co-host ng Wowowee (2005-2007) ni Willie Revillame si Janelle Jamer, kaya hiningan namin siya ng opinyon tungkol sa suspensyon ng ‘It’s Showtime’ dahil sa icing incident nina Vice Ganda at Ion Perez.

 

 

“Ako bilang naging host ako ng isang live show, actually mahirap talagang maging host ng isang live show because minsan nadadala ka ng kasiyahan ng grupo or kung sino yung kaeksena mo or co-host mo sa isang show.

 

 

“Kung ano yung ibato siyempre minsan nagre-reciprocate ka or bumabato ka rin. Minsan dahil nadadala ka ng sobrang kasiyahan hindi mo na naiisip kung lumalampas ka ba dun sa boundaries mo.

 

 

“Kung sa tingin mo wala namang, hindi din siya ganun katinding or below-the-belt na joke parang… ide-deliver mo siya.

 

 

“But then dahil nga nasuspinde sila based sa MTRCB, pagkain nila ng icing, ako, kasi MTRCB iyon e, pananaw ng MTRCB yun, siguro bilang galing ako sa isang comedy bar at isang noontime show, for me wala akong nakikitang masama.”

 

 

Naging regular performer si Janelle sa comedy bar na Punchline sa Quezon City noong 2004 hanggang 2008.

 

 

“Siguro nahaluan lang talaga ng intriga lalo kasi may mga bata dun sa tabi nila.

 

 

“Pero kung hindi talaga siya masyadong, siguro puwede naman sana siyang, what do you call this, pinalusot, or isang eksenang puwedeng ihingi ng tawad, di ba?”

 

 

Nakatsikahan namin si Janelle sa 3rd SamLo Cup ng matalik na kaibigan ni Janelle na si Samantha Lopez.

 

 

Ang taunang celebrity golf tournament, na nasa ikatlong taon na, ay isang fund-raising event bilang selebrasyon ni Samantha ng kanyang kaarawan (Oktubre 18) na ang beneficiary ay ang mga kabataan ng Kids For Jesus Foundation na pinamumunuan ng bestfriend ni Samantha na si Jessica Guevara Everingham.

(ROMMEL L. GONZALES)

800 PULIS IPAPAKALAT SA UNDAS SA MAYNILA

Posted on: October 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IPAPAKALAT ng Manila Police District (MPD) ang may 800 na kapulisan sa mga sementeryo sa lungsod bilang paghahanda sa Undas 2023.

 

 

Ayon kay MPD Chief Police Col. Thomas Ibay, nasa 450 ang kanyang idedeploy sa loob at labas ng Manila North Cemetery habang 350 naman sa Manila South Cemetery.

 

 

Dagdag pa ng bagong talagang Direktor ng MPD na maagang ipapakalat sa Sabado ,Okt.28 ang kanilang mga kapulisan.

 

 

Ayon pa kay Ibay, bukod sa idineploy na mga pulis sa semeteryo, may mga karagdagang nakalatag ding pwersa ng MPD at NCRPO kaugnay ng BSKE 2023.

 

 

Nakakatulong din sa dalawang aktibidad ang iba’ t ibang hanay ng mga force multipliers mula sa pribado at pampubliko.

 

 

Habang nakatutok at nakaalerto rin ang mga nag-iikot na bike, mobil, motorcycle, patrol unit ng mpd sa mga pamilihan, pampublikong lugar o pasyalan upang mapanatili ang kaligtasan ng mga Manileño sa lungsod. GENE ADSUARA

Mga miyembro ng Kamara tuloy sa trabaho kahit naka-recess

Posted on: October 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NGAYONG Biyernes ay pumunta sina Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr., Laguna Rep. Dan Fernandez, Patrol Party-list Rep. Jorge Bustos, at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, ang chairman ng House Committee on Dangerous Drugs sa Cavite upang saksihan ang ginawang pagsunog sa may P6 bilyong halaga ng iligal na droga na nasa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

 

 

“Our presence there was part of our job as House members who are looking into recent drug confiscations and the trade in illegal drugs in general upon the instruction of Speaker Martin Romualdez,” ani Gonzales.

 

 

“Our inquiry is in consonance with the bloodless anti-drug campaign of President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., which has so far netted more than P30 billion worth of illegal substances,” dagdag pa ni Gonzales.

 

 

Iniimbestigahan ng komite ni Barbers ang nakumpiskang P3.6 bilyong halaga ng shabu sa isang warehouse sa Barangay San Jose Malino, Mexico, Pampanga, at ang shabu extender na nakuha sa isang abandonadong sasakyan sa parking lot ng isang supermarket sa Mabalacat City, Pampanga.

 

 

Ayon sa PDEA kasama sa sinunog ang 274 kilo ng shabu na nakumpiska sa Manila International Container Port noong Oktobre 6 at ang 208 kilo ng shabu extender na narekober sa Mabalacat City.

 

 

Sinunog umano ang mga ito dahil hindi na kailangan bilang mga ebidensya.

 

 

Hindi naman sinunog ang 530 kilo ng shabu na nakuha sa warehouse sa Barangay San Jose Malino dahil hindi pa umano tapos ang isinasagawang imbestigasyon dito.

 

 

Pinatitiyak naman ni Barbers sa PDEA na malakas ang kasong isinampa nito laban sa mga nagpasok ng ipinagbabawal na gamot sa bansa.

 

 

Tiniyak naman ng mambabatasna suportado ng Kongreso ang mga law enforcement agency sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga. (Ara Romero)

1 RIDER, PATAY, 2 SUGATAN SA SALPUKAN

Posted on: October 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang isang rider habang sugatan ang dalawa pang back rider  nang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa  Malate, Maynila kahapon ng madaling araw.

 

 

Sa ulat mula sa MPD-Traffic Enforcement Unit, nakilala ang nasawi  na si Orlie Magtibay y Villanueva, rider ng Honda click na my plakang 7330 IW .

 

 

Sugatan naman sina Aldrin Magtibay ,23; at Kristine Marie Templa,21 taong gulang.

 

 

Nangyari ang insidente ala 1:30 ng madaling araw ng Lunes sa Eastbound ng Quirino Ave.,corner Mabini St,Malate Manila .

 

 

Sa imbestigasyon, binabagtas ni Magtibay ang eastbound lane ng Quirino avenue at pagsapit sa kanto ng Mabini St, ay nabangga nito ang kanang bahagi ng motorsiklo na minamaneho naman ni Regine de Leon,30, na galing ng westbound ng nasabing lugar na dapat sana ay  liliko pakaliwa patungong southbound lane ng Quirino Avenue.

 

 

Dahil sa malakas na impact o pagkakabangga, tumilapon si Magtibay kaya nagtamo ng matinding pinsala sa ulo na nagresulta ng agarang nitong pagkamatay.

 

 

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng traffic bureau para sa pagsasampa ng kaukulang kaso sa Manila Prosecutors Office.GENE ADSUARA

Gun ban violators sa BSKE, pumalo na sa higit 1,600

Posted on: October 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG  nasa 1,615 gun ban violator na ang nadakip ng Philippine  National Police (PNP) simula nang ito ay  ipatupad kasabay ng isasagawang  Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa bansa.

 

 

Kampanya ito ng PNP upang masiguro na maa­yos at payapa ang barangay eleksyon ngayong taon.

 

 

Lumilitaw sa datos na inilabas ni PNP-Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo, bukod sa lumalaking bilang ng naaresto, umabot na rin sa 1,210 armas ang nakumpiska ng mga awtoridad.

 

 

Nasa 2,194 na mga armas ang idineposito para sa safekeeping; at 1,483 naman ang kusang isinuko.

 

 

Samantala, nakapagtala rin ang PNP ng 97 crime incidents bago ang takdang halalan sa Oktubre 30.

 

 

Sa kabuuang bilang, 18 dito ang may kaugnayan sa BSKE na kinabibilangan naman ng 12 insidente ng pamamaril; dalawang kidnapping; isang grave threat; isang indiscriminate firing; isang gun ban violation; at isang armed encounter.

 

 

Patuloy pang isinasailalim sa balidasyon ang 13 suspected election-related incidents na kinabibilangan ng dalawang pamamaril; dalawang physical injuries; dalawng assault; dalawang paglabag sa gun ban; dalawang pambubugbog; isang harassment; isang pananaksak, at isang armed encounter.