• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 4th, 2023

NEW SECRETARY OF AGRICULTURE

Posted on: November 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
President Ferdinand Marcos, Jr. has appointed Frabelle Fishing Corp. President Francisco Tiu Laurel Jr. as the new Secretary of the Department of Agriculture (DA).

Magaling, generous at down-to-earth: JENNYLYN, hinangaan nang husto ni SAMANTHA

Posted on: November 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

VIRAL sina Jak Roberto at Celeste Cortesi!

 

 

As in trending at kinaaaliwan ng napakarami ang Tiktok video ng Miss Universe Philippines 2022 at ‘The Missing Husband’ actor.

 

 

Imagine, mahigit 3.9 million na ang views ng video nina Celeste at Jak?!

 

 

Naka-post ang naturang dance video ng dalawa sa Tiktok account ni Celeste at ayon pa sa caption ng beauty queen, sa Roxas City pa kinunan ang naturang dance video.

 

 

“A little TikTok break with @Jak Roberto here at the beautiful Roxas City #fyp #foryoupage #celestecortesi #jakroberto”, ang caption ni Celeste.

 

 

Pero knowing kung gaano katibay ang relasyon nina Jak at Barbie Forteza,

 

 

For sure ay hindi magseselos si Barbie Forteza dahil matibay ang nila ni Jak, at si Celeste naman ay may karelasyong hunky at guwapong football player.

 

 

Maisipan kaya ng GMA na pagsamahin sa isang serye sina Celeste at Jak lalo pa at pumirma na si Celeste (pronounced as Cheleste) sa Sparkle ng GMA bilang isa sa mga bagong talent ng Signed for Stardom 2023 kamakailan?

 

 

Samantala, si Jak Roberto ay featured artist rin sa Kapuso Profiles ng GMANetwork.com.

 

 

***

 

 

BALIK-TAPING na nga ang  ‘Love. Die. Repeat’ na bagong drama series ng GMA kung saan isa sa mga cast members si Samantha Lopez.

 

 

First time na gaganap si Samantha bilang isang ina sa isang proyekto.

 

 

Ano ang pakiramdam maging nanay ng isang Jennylyn mercado sa isang TV project?

 

 

“Ay, honored,” ang bulalas ni Samantha. 

 

 

“Napakabait na bata, one of my favorite actresses.

 

 

“Magaling, mabait, generous!”

 

 

At isa sa mga reyna ng GMA at kabilang rin sa mga top actresses ng Pilipinas.

 

 

“Hindi siya ganun kapag kasama mo, hindi niya ipinararamdam na, ‘Ay sikat ako, big star ako!’

 

 

“Hindi. Napaka-down-to-earth.

 

 

“Tsaka mommy talaga ang tawag niya sa akin, kaya anak din talaga ang treatment ko sa kanya.

 

 

“And we share the same passion, nagpi-Pilates kami pareho.”

 

 

Marami na sila ni Jennylyn na eksenang nakunan sa ‘Love. Die. Repeat.’

 

 

Biro nga mas gusto talaga niya kapag kontrabida siya dahil hindi siya kailangang umiyak sa maraming eksena.

 

 

“Salbahe pero drama, may iyakan, asawa ko pa Nonie Buencamino, hello, ang galing rin.”

 

 

Nahinto ang taping ng ‘Love. Die. Repeat’ noong September 2021 dahil nabuntis si Jennylyn sa anak nila ni Dennis Trillo na si Baby Dylan.

 

 

At ang naging reaksyon ni Samantha na early this year ay tuloy na ulit sila sa taping ng nabanggit na drama series?

 

 

“Ay e di masaya! Blessing naman yung bakit hindi natuloy dahil nabuntis si Jen, e di ba matagal na nilang gustong magkaroon ng baby?”

 

 

Samantala, season 3 na ng Good Will sa NET25 na isa pa ring TV show kung saan kasali rin si Samantha.

(ROMMEL L. GONZALES)

Anim na taon na sa pagbibigay ng inspirasyon: MARIAN, lubos ang pagpapasalamat sa patuloy na pagsuporta ng viewers sa ‘Tadhana’

Posted on: November 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ANIM na taon na ang Tadhana, ang award-winning drama anthology program ng GMA Public Affairs na pinapangunahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

 

 

Sa patuloy ng pagbibigay-inspirasyon sa mga manonood, handog ng programa ang isang three-part special episode na nagsimula nitong Nobyembre 4.

 

 

Pinamagatang “Secrets,” tampok sa anniversary special ang Sparkle artists na sina Lexi Gonzales at Gil Cuerva, kasama sina Annalyn Barro, Jelai Andres, Ella Cristofani, Ms. Jackie Lou Blanco, at Ms. Jean Garcia.

 

 

Lubos ang pagpapasalamat ni Marian sa patuloy na pagsuporta ng viewers sa ‘Tadhana.’

 

 

“Yung anim na taon ng Tadhana, hindi siya magiging posible kung hindi rin dahil sa viewers na walang sawang sumusuporta sa programa,” pagbabahagi ni Marian.

 

 

“At hindi lang manunuod ang nai-inspire sa mga kuwento, ako mismo, talagang nai-inspire ako sa mga kuwento ng ating kababayan na kahit mahirap ang buhay, puno ng pagsubok, ay di sumusuko.

 

 

“Sana ay patuloy n’yo kaming samahan tuwing Sabado, at sabay-sabay nating pagtagumpayan ang hamon ng buhay,” saad pa nito.

 

 

“Sa loob ng anim na taon, nanatili pa rin ang mensaheng ipinapaabot ng Tadhana – na sa huli, ang kabutihan ay nakatadhanang masuklian. Kaya naman pinapangako namin na mas marami pang mga kwentong malapit sa puso at kapupulutan ng aral ang ihahandag namin sa inyo,” pagbabahagi ni Tadhana Supervising Producer Carlo Balaquiot.

 

 

Mula 2017, ipinagdiriwang na ng ‘Tadhana’ ang kuwento ng tagumpay ng mga Pilipino. Bukod sa mga aral, nagbibigay inpirasyon din ang bawat epsiode sa mga manunuod. Kaya naman hindi nakapagtataka na ang Tadhana ay isa sa highest rating shows tuwing weekend.

 

 

Online, nananatili itong isa sa mga pinakasinusubaybayang local TV show. May 9.3 milyong followers na ang Tadhana sa Facebook. Bawat episode ay pinagbibidahan ng ilan sa mga pinakamalaking artista sa bansa. Ngayong taon, nagwaging National Winner bilang Best Single Drama/Telemovie/Anthology Episode ang programa sa 2023 Asian Academy Creative Awards sa Singapore.

 

 

Isang kuwento ng pag-ibig, pagkakaibigan at pagbabalat-kayo ang tampok sa ika-anim na anibersaryo ng Tadhana na pinamagatang “Secrets.”

 

 

Bagong salta sa eskwelahan ang Senior High student na si Ayen (Lexi). Magkukrus ang landas nila ng campus heartthrob/ rockband leader na si Rave (Gil), na kinahuhumalingan ng mga kababaihan. Agad na magkakagustuhan ang dalawa na ikakagalit ni Olivia (Analyn), ang #1 fan girl ni Rave at number one rin sa pambu-bully ng mga kaklase. Lalong gugulo ang buhay ni Ayen sa pagdating ng childhood sweetheart ni Rave na si Valerie (Ella). Naniniwala si Valerie na sila ni Rave ang itinadhana para sa isa’t isa dahil na rin sa kasunduan ng mga magulang nila.

 

 

Isang misteryosang babae ang lilipat malapit sa bahay nina Ayen at ng kanyang ina na si Stella (Jean). Ito ay si Claris Lucas (Jelai), isang negosyante na agad na makakapalagayan ng loob ng mag-ina. Lalong matutuwa sina Stella at Ayen kay Claris nang ipagtanggol nito si Ayen sa mga bullies. Pero ano nga ba ang koneksyon nina Claris kina Rave at Ayen? Ano ang kanyang tunay na pakay?

 

 

Huwag palampasin ang anniversary special ng ‘Tadhana’ na “Secrets” ngayong November 4, 11, at 18, 3:15 PM sa GMA Network.

 

 

May live streaming din ito sa GMA Public Affairs social media accounts. Para sa mga Globay Pinoy, mapapanood ang Tadhana via GMA Pinoy TV.

 

(ROHN ROMULO)

Universal Pictures Drops The Fall Guy trailer starring Ryan Gosling and Emily Blunt

Posted on: November 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BRACE yourselves for full-on action in theaters as Barbie’s Ryan Gosling and Oppenheimer’s Emily Blunt join forces in the upcoming action-comedy The Fall Guy, directed by David Leitch who previously helmed Deadpool 2 and Atomic Blonde.

 

 

The jaw-dropping explosive action-comedy movie is a love letter to Hollywood’s stuntmen and its crew who create magic behind the cameras for an exhilarating experience best seen in cinemas. The Fall Guy stars Gosling as Colt, a stuntman who’s serviced A-list star Tom Ryder (Aaron Taylor-Johnson) for years.  Working anew alongside his ex-girlfriend Jody Moreno (Blunt) in her directorial sci-fi movie debut where Colt’s stunt expertise is needed. But when the movie’s main star, Tom disappears, Colt’s reel skills gets real when he’s tasked to find the missing actor in order to save Jody’s film.  As Colt tracks Tom’s whereabouts, he takes an all-too familiar route for real this time, from dodging bullets to speeding cars in order help Jody bring her vision to the big screen.

 

 

The movie is a big screen adaptation of the 80s classic action show of the same title that harks back to big Hollywood feels on how movies are made while bringing Gosling and Blunt’s palpable chemistry on screen as ex-lovers, and old sparks start to light in the midst of the set’s explosions. Director Leitch knows the genre all too well being a stunt performer in previous movies such as Fight Club, Daredevil, Bourne Ultimatum and Matrix movies, making him the ideal helmer of The Fall Guy.  Gosling, from his appearance at CinemaCon earlier this year when they showed the film’s first footage mentioned that “In most films, the actors get all the credit, but the stunt performers do all the work, and that ends today”.

 

 

From Universal Pictures, “The Fall Guy” will open on February 28, 2024 in Philippine cinemas.

 

 

Follow Universal Pictures Ph – FB page for more updates.

(ROHN ROMULO) 

Gobyerno ng Israel, pinayagan na ang mga pinoy na tumawid sa Egypt; gobyerno ng Pinas, nangako na iuuwi ng ligtas ang mga Filipino

Posted on: November 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
TINIYAK ng  Israeli government  sa Pilipinas na pinapayagan na nito ang mga Filipino na makatawid at makadaan sa Rafah Crossing patungong Egypt. 
Siniguro naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  na handa ang Pilipinas na ialis ang mga filipino mula sa  war zone.
Sinabi ni Pangulong Marcos na nagawang makipag-ugnayan ni Ambassador to the Philippines Ilan Fluss  sa Foreign Minister of Israel at Philippine Ambassador Junie Laylo.
Si Laylo, sa kabilang banda ay nakipagpulong sa  Israeli Foreign Minister, araw ng Huwebe, nangako na papayagan ang mga Filipino na makatawid sa crossing.
“So, may pangako sila sa atin na maipapalabas na ang mga Pinoy, ang mga Pilipino, maipapalabas na by today or tomorrow. That is what they promised us. Saturday daw at the latest,” ayon kay Pangulong Marcos sa press briefing sa isinagawa niyang pag-anunsyo sa bagong Kalihim ng Department of Agriculture sa Palasyo ng Malakanyang.
“Nakahanda naman lahat ng ating mga bus. Nakahanda na ‘yung mga embassy natin sa Cairo na napunta… Nandoon lang sila. Matagal na silang nag-aantay doon sa tawiran, ‘yung Rafah crossing. And they are ready for when the time comes na tumawid na ang mga Pinoy dadalhin at pauuwiin,” ang litaniya ng Punong Ehekutibo.
Sa ulat, ang Rafah Crossing Point ay ang tanging “crossing point” sa pagitan ng  Egypt at Gaza Strip, matatagpuan sa  Gaza-Egypt border.  kinilala ito ng  1979 Egypt–Israel peace treaty.
Nag-alok naman ng tulong ang gobyerno ng Pilipinas sa mga Thais, Vietnamese at iba pang mamamayan mula sa Southeast Asian countries na na-stranded sa crossing at nais na makaalis ng  Gaza, “telling other ASEAN countries to collaborate for the safety of their nationals,” ayon sa Pangulo.
“And it looks like we are the ones there first because ang presence naman ng Pinoy in the area is much higher than the others. So, that is the latest news that I received today, early this (Friday) morning from our Secretary of the DFA,” ayon kay Pangulong Marcos.
“And sana naman matotoo na para mailabas na natin lahat ng gustong lumabas and bring them back home to safety,” aniya pa rin.
Winika pa ng Pangulo na naging komplikado ang situwasyon dahil hindi pinayagan ang mga Palestinian husband ng ilang  Filipino na lisanin ang Gaza.
Maraming mga filipino naman ang hindi makapagdesisyon kung iiwanan ng mga ito ang kanilang asawa at mga anak sa  Gaza, na nasa ilalim ng matinding pambobomba at atake ng Israeli forces.
 “Siyempre ayaw naman nilang iwanan ang asawa nila, ayaw nilang iwanan ‘yung kanilang anak. So, these are the problems that we are facing,” ayon kay Pangulong Marcos.
Samantala, inanunsyo ng  Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at  Philippine embassy ang pagpapauwi sa ilang batch ng mga  Filipino mula Israel. (Daris Jose)