• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 9th, 2023

Acclaimed Director John Woo and Joel Kinnaman Team Up in a Gripping Quest for Revenge in ‘Silent Night’

Posted on: November 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

THE legendary Hong Kong action-thriller director John Woo is finally making movie magic again with Silent Night, set to premiere in Philippine cinemas on November 29.

 

 

This film marks Woo’s much-anticipated return to the Hollywood scene after a two-decade hiatus, in collaboration with producer Basil Iwanyk, known for explosive blockbusters like the ‘Expendables’ and ‘John Wick’ franchises. ‘Silent Night’ stars formidable Swedish actor Joel Kinnaman, best known for his roles in the Netflix series ‘House of Cards’, the 2014 ‘Robocop’ remake, and the ‘Suicide Squad’ films. Kinnaman portrays a father seeking justice for the death of his son, who was caught in the crossfire of a gang shootout during the Christmas season.

 

 

The emotional depth of the story resonated with Woo, who told media outlets, “It was a very smart script and the story really touched me because I have three children.” Kinnaman’s character undergoes a radical transformation, honing his fighting skills and preparing for a showdown with the gang member responsible for killing his son. Woo praised Kinnaman’s dedication to the role, noting that when filming started, the actor hit the ground running and didn’t let up.

 

 

“He was very in character. always pushing himself so hard to work out. He did ninety-nine percent of his stunts, and he also trained with our fight coordinator every day, just rehearsing and training for all of the action sequences. I was so happy to work with him,” Woo added. Adding to the star-studded cast is Scott Mescudi, also known as rapper Kid Cudi, who steps into the role of a cop. As it happens, Mescudi is a massive fan of the director’s. Recalling their conversation, Woo said, “When he came on the set he told me, ‘All I want to do is John Woo action.’ I asked him, ‘What is John Woo action?’ ‘It’s firing with two guns.’ So I gave him two guns.” Nathan Studios and 888 Films International, the film’s Philippine distributors, are known for their commitment to bringing gritty, edgy content to local audiences. Their track record with the thrilling series ‘Cattleya Killer’ and film ‘Topakk’ known to international audiences as ‘Triggered’, underscores their dedication to delivering cutting-edge entertainment. ‘Silent Night’ is sure to be a pedal-to-the-metal experience, filled with high-octane action sequences that will leave audiences breathless. Filipino moviegoers are in for a major treat as they witness the return of John Woo’s signature style to the big screen. Get ready for a film that will deliver pure, unadulterated action and a story that will keep you riveted until the last credit rolls. For more information and exciting updates on the Philippine showing of Silent Night, follow @nathan.studios on Instagram and like Nathan Studios Inc. on Facebook.

(ROHN ROMULO)

SC hinimok ideklarang unconstitutional P125-M transfer sa OVP confidential funds

Posted on: November 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAIN  ng petisyon sa Korte Suprema ang isang grupo ng mga abogado, atbp. para ideklarang labag sa Saligang Batas ang paglipat ng P125 milyong confidential funds para sa Office of the Vice President.

 

 

Sa 49-pahinang petisyong isinumite ngayong Martes, inilalaban ngayon ng naturang grupo na maibalik ng OVP ang kontrobersyal na halaga sa Treasury.

 

 

“WHEREFORE, premises considered, it is most respectfully prayed that this Honorable Court declare the transfer of the amount of Php 125 million to the Office of the Vice PResident as UNCONSTITUTIONAL and that the [OVP] be ordered to return the money to the government’s treasury,” sabi ng petisyon.

 

 

“Other reliefs that are just and equitable under the premises are likewise prayed for.”

 

 

Kabilang sa mga petitioner ang dating tagapagsalita ni Bise Presidente Leni Robredo na si Barry Gutierrez, dating commissioner ng Comelec na si Augusto Lagman, 1987 Constitution framer na si Christian Monsod, dating Department of Finance Undersecretary Cielo Magno atbp.

 

 

Matatandaang sinabi na noon ni Albay Rep. Edcel Lagman na labag sa konstitusyon ang paglilipat ng pondo mula sa Office of the President patungo sa OVP batay sa Section 25(5) of Article 6 ng Saligang Batas.

 

 

Aniya, ang transfer para sa augmentation ay kinakailangang manggaling sa savings ng opisinang tinutukoy. Lumalabas na P50 milyon lang ang savings ng OP ngunit P125 milyon ang nakarating sa OVP.

 

 

Napupunta ang naturang P125 milyong confidential funds, na hindi pa nadedetalye kung saan ginastos, lalo na’t kinumpirma ng Commission on Audit na naubos ito sa loob ng 11 araw noong 2022. Gayunpaman, umabot naman daw ito ng 19 araw, sabi ng OVP.

 

 

Kabilang sa mga respondents ng reklamo sina Bise Presidente Sara Duterte, Executive Secretary Lucas Bersamin, at Budget Secretary Amenah Pangandaman.

 

 

Oktubre lang nang magdesisyon ang isang komite sa Kamara na gawing “zero” ang confidential funds ng OVP, Department of Education, atbp. sangay ng gobyerno para sa 2024 at sa halip ilipat na lang ito sa mga nagtitiyak ng seguridad sa West Philippine Sea. (Daris Jose)

Opisyal nang residente ng Spain ang family niya: BEA, three weeks na magbabakasyon kasama si DOMINIC sa iba’t ibang lugar

Posted on: November 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA Instagram ipinaabot ni Direk Mark Reyes ang ‘Congratulations!’ kay Kapuso Primetime Action Hero Ruru Madrid pagkatapos ng pilot telecast ng “Black Rider”.  

 

 

“Nice to see you and Kylie Padilla together on screen again,  See you both sa Lireo very soon for “Encantadia Chronicles: Sang-gre.” Hasne Evo Live Rama Ybrahim”

 

 

Sinagot din agad ito ni Ruru ng, “Mahal na Emre! Avisala Eshma po! Di na din ako makapaghintay na manumbalik sa mundo ng Encantadia.”

 

 

Offcially confirmed na palang babalik sa “Sang’gre” sina Amihan (Kylie) at Ybrahim (Ruru), kaya excited na rin ang kanilang mga fans.  At matatandaan na ipinakilala na rin ng GMA Network ang mga bagong gaganap na Sang’gre na sina Bianca Umali, Faith Da Silva, Angel Guardian at Kelvin Miranda, na siyang mangangalaga sa mga bato.

 

 

Humanga naman ang mga viewers kay Ruru dahil sa mga stunts na ginawa niya sa “Black Rider.” Pinuri rin nila ang mabilis na phasing ng mga eksena.

 

 

Full trailer pa lamang nito ay umabot na sa 2.5 million views sa Facebook.  Gabi-gabing napapanood ang “Black Rider” at 8 p.m. sa GMA-7 after ng “24 Oras.”

 

 

***

 

 

NAKABIBILIB naman na at her young age, marunong nang magpasalamat si Jillian Ward sa mga taong nangangalaga sa kanyang career.

 

 

Isang brand new car pala ang ineregalo niya sa handler niya sa Sparkle GMA Artist Center, bilang pagpapakita niya ng taos-puso niyang pasasalamat sa taong nag-aasikaso sa kanya, na itinuturing na rin niyang pamilya.

 

One of the prized possessions naman kasi si Jillian sa GMA na lead star ng “Abot-Kamay ng Pangarap” na nagsimulang mapanood sa hapon since September 5, 2022 at balitang matatagalan pa ang pagtatapos nito hanggang sa 2024.

 

 

Bukod sa afternoon series, may dalawa pa palang movies siyang gagawin, one with Senator Bong Revilla, Jr. na balitang malapit nang simulan ang shooting.

 

 

Ang isa pa ay pagsasamahan nila ng kapwa niya dating child star na si Zaijian Jaranilla na naka-schedule nilang gagawin sa 2024.

 

 

Dahil sa success ng “Abot-Kamay na Pangarap,” #FeelingBlessed Ngayong Pasko ang mga global Pinoy sa Japan dahil makakasama nila ang cast ng top-rating drama show this December.

 

 

Magaganap ito sa “Ang Saya-Saya ng Pasko,” sa Angel Park, Nagoya, Japan, sa December 16-17, na dadaluhan nina Carmina Villarroel, Richard Yap, Ken Chan at Jillian.

 

 

Hindi lamang iyon, ayon kay Carmina, magti-taping sila ng ilang eksena para sa serye sa Japan.

 

 

***

 

 

TAMANG-TAMANG patapos na ang taping ng GMA Primetime series na “Love Before Sunrise” nina Bea Alonzo at Dennis Trillo, nang dumating ang balitang opisyal nang residente ng Spain si Bea at ang family niya.

 

 

Ibinalita ito ni Bea sa kanyang YouTube vlog at ibinalita rin niyang three weeks silang magbabakasyon ng boyfriend na si Dominic Roque at lilibutin nila ang iba’t ibang lugar sa Italy, Switzerland at Spain.

 

 

Makukuha na rin daw niya ang kanyang residency card na nagsasabing official resident na sila ng Spain at maninirahan na siya ng Spain at matitirahan na niya ang bahay na nabili niya roon na nagkakahalaga ng 500,000 euros or P30 million sa Madrid, Spain.

 

 

Ang “Love Before Sunrise” ay napapanood gabi-gabi, 8:50 p.m. sa pagkatapos ng “Black Rider.”

(NORA V. CALDERON)

Gobyerno, “on the right track” para magbigay ng affordable rice-NEDA

Posted on: November 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

“ON the right track” ang admkinistrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para magbigay ng affordable o abot-kayang halaga ng bigas sa merkado.

 

 

Sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon sa press briefing sa Malakanyang na magpapalabas ang administrasyong Marcos ng “economies of scale” na sa kalaunan ay magiging daan para maisakatuparan na makapagbigay ng affordable rice sa merkado.

 

 

Inulit naman ni Edillon ang ipinahayag ni Pangulong Marcos sa sectoral meeting na ang agricultural production ay dapat na nasa commercial scale upang sa  gayon, ang mga magsasaka ay magawang makapaglagay sa tamang investment at ang “research at development” ay dapat na mapanatili sa iba’t ibang panig ng bansa.

 

 

“That is the general direction that we will be going to – kumbaga may economies of scale ka. So, kung ganun, going forward, yes, we can attain that pero, ayon nga, marami pang kailangan mangyari muna,” anito.

 

 

Hiningan kasi si Edillon ng reaksyon ukol sa naunang pahayag ni  Department of Agriculture (DA) Secretary Franciso Tiu Laurel Jr. na malabo pa sa ngayon ang P20.00 kada kilo ng bigas.

 

 

“But for now, rice prices in the market will remain the same, “At this time, hindi pa talaga pwede.” ayon kay Edillon sabay sabing “So, with respect to improvements ng R&D (research and development), ‘yung irrigation natin. Sa ngayon, ang ginagawa natin is ‘yung clustering of farms, farm consolidation, para maging malalaki ang mga, you know farm sizes. We should be able to replicate that across the country.

 

 

At nang tanungin kung ang presyo ng bigas ay maaaring gawing  P20.00 kada kilo bago matapos ang termino ni Pangulong Marcos, ang tugon ni Edillon ay ‘isa itong mithiin’ ni DA Secretary Laurel,  giit  ni Edullon na mas maalam o marunong ang DA Secretary  pagdating sa agriculture sector(Daris Jose)

Ads November 9, 2023

Posted on: November 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Speaker Romualdez, ikinalugod ang pagbagal ng inflation; Kamara, patuloy na magbabantay

Posted on: November 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

POSITIBO ang pagtanggap ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa naging pagbaba ng inflation rate ng bansa.

 

 

Kasabay nito ay muling iginiit ni  Romualdez ang patuloy na pagsuporta ng Kamara sa administrasyong Marcos upang mapalakas ang ekonomiya ng bansa at pagtiyak na abot-kaya ng mga bilihin.

 

 

Ayon sa House leader, ang pagbaba sa inflation ay may malaking benepisyo sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga pamilya sa bansa dahil kabawasan ito sa kanilang gastusin dahil mas abot kaya at accessible na ang mga batayang bilihin.

 

 

Pinapalakas umano ng pagbaba ng presyo ang purchasing power o kapangyarihan ng mga Pilipino na makabili at nakatutulong din para sila ay makapag ipon at mailaan ang pera sa mga iba pang mahahalagang bagay gaya ng edukasyon at kalusugan.

 

 

Bilang tugon naman sa mga global economic headwinds, mananatiling nakatuon ang Kamara, ayon kay  Romualdez sa pagbuo ng mga polisiya para suportahan ang matatag na ekonomiya ng bansa, pagpaparami sa pamumuhunan at palakasin ang produksyong pang-agrikultural bilang suporta sa pro-poor programs ng Pang. Marcos nang ma-protektahan ang bansa mula sa mga hamong pang ekonomiya mula sa labas.

 

 

Maliban dito ay palalakasin din aniya ng Mababang Kapulungan ang supply chain infrastructure upang maiiwas ang bansa at domestic prices mula sa epekto ng kakulangan sa global supply.

 

 

Batid ni Romualdez na nakaka-apekto ang inflation sa lahat ng asepto ng pamumuhay ng mga Pilipino kaya’y desidido ang Kamara na palawigin ang social safety nets para protektahan ang mga vulnerable mula sa lokal at panlabas na inflationary pressure.

 

 

Binigyang-diin din nito ang kahalagahan na patuloy na pagbabantay sa gitna na rin ng nagpapatuloy na kaguluhan sa labas ng bansa at supply chain disruptions. (Ara Romero)

Orihinal na mga Sang’gre, muling nagsama-sama: SUNSHINE, gumanda at bumata, habang hot pa rin si DIANA

Posted on: November 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MULING nagsama-sama sa “It’s Showtime” stage ang orihinal na mga Sang’gre ng “Encantadia”

 

Noong Martes, Nob. 7, muling nagkita-kita sina Iza Calzado, Diana Zubiri, at Sunshine Dizon para sumama sa team ni Karylle para sa kanilang pagtatanghal sa “Magpasikat”.

 

Ibinalik ng apat na Sang’gre ang mga manonood noong 2005 gamit ang kanilang phenomenal fighting skills, kumpleto sa kanilang mga costume na hango sa hit GMA fantasy television series.

 

Ayon pa kay Karylle, lumipad pa si Diana mula Australia para lang makasama sila sa performance nila.

 

Nagpasalamat din si Karylle sa direktor ng “Encantadia” na si Direk Mark Reyes sa pagtulong sa kanya na magawa ang sorpresa.

 

“Shoutout sa aming direktor, Direk Mark Reyes, isa sa talagang bumuo sa aming grupo! Thank you so much for helping me with the big surprise,” pahayag ni Karylle.

 

Matatandaang nagpadala sina Karylle, Iza, at Diana ng kanilang taos-pusong mensahe sa cast ng upcoming spin-off series na “Encantadia” na “Sang’gre” na pagbibidahan nina Bianca Umali bilang Terra, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa; Faith Da Silva bilang Flamarra, tagabantay ng Brilyante ng Apoy; Angel Guardian bilang Deia, ang bagong tagapangalaga ng “Brilyante ng Hangin” at Kelvin Miranda bilang Adamus, ang bagong tagapagtanggol ng Brilyante ng Tubig.

 

Bida rin dito si Rhian Ramos, na gaganap bilang Mitena, ang kambal ni Cassiopeia.

 

Malapit nang magsimula ang produksiyon para sa “Sang’gre,” ayon kay Direk Mark, na kung saan nagsasanay na ang cast para sa kanilang mga fight scenes.

 

Samantala, marami naman ang nakapansin na netizens sa litaw na litaw pa rin ang kagandahan ni Diana, pero mas marami ang bumilib kay Sunshine, na bumata raw at gumanda dahil pumayat.

 

Ilang sa naging komento nila…

 

“Bakit gumanda ng husto at bumata ang itsura ni Sunshine? May pinagawa ba sya?”

 

“Pumayat lang talagang maganda na sya nuon pa.”

 

“She’s diagnose with depression at pumayat sya ng husto.”

 

“The wonders of losing weight.”

 

“Ang gaganda nila!”

 

“Korek blooming sila lahat.”

 

“Love their enduring friendship.”

 

“Yung hindi mega post and may pinatutunayan on socmed but staying strong pa rin sila. Haha!”

 

“Ang payat ni shine she looks like a doll!”

 

“Ang ganda nila lahat! Sunshine looks great. Ang slim na nya.”

 

“Ang payat ni Sunshine she looks great!”

 

“Iconic talaga sila. Hindi na kayang Sundan yung ganitong casting kasi iba ang ex factor ng mga unang gumanap.

 

Perfect talaga yung casting ng original Encantadia.”

 

“Pinaka-sexy at payat pa ngayon si Sunshine sa lahat.”

 

“Ang fresh looking ni Sunshine, so pretty.”

 

“Ang hot pa rin ni Diana Zubiri. Anyway, iba talaga ang OG sanggres.”

 

“Yan kaya yung costume nila sa upcoming release? Bakit kaya si Diana naka blue instead of brown. Si Iza naka purple instead of blue.”

 

“Ang gaganda nila. Ang fresh and pretty ni Sunshine in fairness!”

 

“Ang ganda ni Diana Zubiri! Yung mukha nya wala masyado kamukha e kaya pag nakita mo maalala mo talaga.”

 

“Awww!! I love the OGs! The best pa rin talaga.”

 

“Karylle’s only shot at relevance is every Sanggre reunion.”

 

Reaction pa ng iba…

 

“Pumayat. Grabe. Kakatuwa sila. Pero bakit parang di man lang sila binigyan ng highlight ng mga hosts.”

 

“Napansin ko sa mga hosts hindi man lang binigyan ng importance un mga Sanggres. Grabe. Mas binigay n pa ng sobrang airtime si MC na kasama naman nila weekly.”

 

“Bakit hindi kunin ng GMA ang mga original Sanggres. They still look good. Lahat fit and ang mga face fresh pa din. They still have it. Imbes na magsugal sa mga da who. Well pwede sila gawing anak or something.”

 

“Nakakakilabot kanina kayang kaya pa nila, malay nyo may scene na nag time travel sila sa new sangre na show parents fighting beside their kids OMG!”

(ROHN ROMULO)

Christmas theme sa mga tren, inilunsad na ng DOTR

Posted on: November 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INILUNSAD na ng Department of Transportation ang mga Christmas Trains sa MRT-3 at Light Rail Transit Line 2.

 

 

Naglagay ang ahensiya ng mga dekorasyon na pang-pasko ang DOTr sa mga train ng LRT at MRT-3.

 

 

Sinabi ni DOTr Asec. Jorjette Aquino na ito ang tradisyon na kanilang ginagawa para maramdaman ng mga pasahero ang diwa ng Pasko.

 

 

Ilan sa mga gimik nila ay ang pagbibigay ng mga kendi sa mga pasahero ng train station sa Metro Manila.

DPWH at DSWD, kapwa nanguna sa Q3 gov’t spending

Posted on: November 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KAPWA nanguna ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa paggasta ngayong third quarter ng taon.

 

 

Ito ang isiniwalat ni  National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon sa Palace press briefing, araw ng Martes matapos ang sectoral meeting kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Bagama’t una nang tumanggi si Edillon na  sagutin kung ano ang mga ahensiya ng pamahalaan ang nag-improve ang kanilang paggasta, kalaunan ay sinabi nito na nanguna ang DPWH pagdating sa capital spending na sinundan naman ng DSWD.

 

 

Ang government spending,  ang sinasabi ng mga  economic managers ng bansa na siyang makakapagpa-improve sa growth rate sa pagtatapos ng taon, isa sa tatlong agenda na tinalakay ni Pangulong Marcos.

 

 

Ang dalawang iba pa ay ang food inflation at non-food inflation.

 

 

“Iyong sa spending, ni-report ng DBM iyong naging progress natin na actually for this third quarter, mataas ang naging spending ng mga ahensya,”  ayon kay Edillon.

 

 

Ipinaliwanag pa nito na nagawang isumite ng mga ahensiya ang kanilang “catch-up plans, habang marami sa mga ito ang nag- improve ang kanilang paggasta para sa  third quarter.

 

 

“So, we’re expecting,  yeah.. actually that’s until end of September na pala iyong datos nila. So, talagang  we’re able to plug naman those holes,” ang pahayag ni Edillon.

 

 

Matatandaang, buwan ng Agosto ngayong taon ay sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na ang pagpapabilis sa implementasyon ng mga proyekto at programa ay mapakikinabangan ng ekonomiya para sa  second half ng 2023.

 

 

Isiniwalat din nito na ipinresenta ng ahensiya ang  catch-up plans at action plans para sundin ng mga ahensiya ng gobyerno.

 

 

Samantala, tinalakay naman ni  Edillon ang  report  mula sa Sub-committee on Inflation and Market Outlook, nilikha ni Pangulong  Marcos na may layuning  “to provide advice anticipating the developments either in the country and especially outside.”

 

 

“The directive from the subcommittee was to prepare for the El Niño phenomenon, especially in the agricultural sector since there are ways to ramp up the production in provinces that will be less likely to be affected by the extreme climate,” ayon kay Edillon.

 

 

Binigyang diin din nito ang pangangailangan na masusing i-monitor ang presyo ng langis pagdating sa larangan ng epekto sa non-food items  sa  overall inflation ng bansa.

 

 

“With respect to non-food inflation, ang nakita namin na medyo kailangan nating bantayan  is still the fuel prices which hindi naman natin masyadong magagawaan ng paraan except really to manage the demand in which case it’s really energy conservation,” ang litaniya ni Edillon.

 

 

Samantala, kumpiyansa naman si Edillon na maging ang epekto ng  Israel-Hamas conflict sa fuel at energy prices sakali’t umigting  ay maaaring ma-contain ng pagtatapos ng ilang  energy power plants at transmission projects ngayong taon o sa unang bahagi ng susunod na taon.

DOTr, itutuloy ang naudlot na railway projects sa tulong ng South Korea, Japan at India

Posted on: November 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-AARALAN ng Department of Transportation (DOTr) na ipagpatuloy ang dating mga railway projects na suportado ng China.

 

 

Ito ay sa pamamagitan ng official development assistance (ODA) mula sa South Korea, Japan, India.

 

 

Gayundin sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga pribadong sektor.

 

 

Sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista na ang mga kasunduan sa pagpopondo para sa tatlong proyektong suportado ng China ay hindi natapos sa ilalim ng administrasyong Duterte.

 

 

Aniya, ang mga proyektong kabilang dito ay ang Mindanao Railway Project (MRP), ang Philippine National Railways (PNR) South Long Haul, at ang Subic-Clark Railway.

 

 

Bukod sa mga official development assistance, pinag-aaralan din ang mga kasosyo mula sa pribadong sektor at maaaring magsilbi bilang mga kontratista na katulad ng kasalukuyang North-South Commuter Railway (NSCR) at Metro Manila Subway.