• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 13th, 2023

Walang dapat i-explain at i-satisfy na curiosity: XIAN, dedma lang balitang naghiwalay na sila ni KIM

Posted on: November 13th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IKINAGULAT ni Kapuso Actress Carla Abellana nang may magtanong sa kanya sa mediacon ng “Stolen Life” ng GMA Network tungkol sa balitang may sikat na actor siyang boyfriend ngayon.

 

 

Kaya naisagot niya agad ay, “wala naman po, walang artista o actor or anything, wala pong ganoong eksena.”

 

 

Pero kung sakali ba ay handa na siyang magkaroon ng bagong boyfriend?

 

 

“Hindi ko po masasabi na open na ako or ayaw ko ring sabihing ayaw ko na. Siguro, kung ano na lamang ang dumating, or go with the flow. Ayaw ko ring mag-close ng doors at ayaw ko namang basta na lamang magkaroon ng isang bagong relationship.”

 

 

Natatawang sagot ni Carla. Lalo siyang natawa nang kumustahin ang mga dating nagpaparamdam daw sa kanya?

 

 

“Nawala na silang lahat! Hindi ko naman sila binasted!”

 

 

Pero inamin ni Carla ang tungkol sa divorce proceedings nila ni Tom Rodriguez, na iba nga raw ang proseso rito sa Pilipinas at iyon ang hinihintay niya para masabing malaya na nga siya talaga.

 

 

Technically raw ay divorce na sila, pero sa Pilipinas, in the process pa rin ang pag-recognize dito.

 

 

Maganda ang teaser ng “Stolen Life” na muling pagtatambalan nina Gabby Concepcion at Carla, kasama nila si Beauty Gonzalez. Kaabang-abang ang mga eksenang nagpapalit siya ng character bilang Lucy into Farrah dahil magkaibang-magkaiba ang pagkatao ng dalawa. Kontrabidang-kontrabida kasi si Farrah.

 

 

Mapapanood ang “Stolen Life,” simula ngayong after “Abot-Kamay na Pangarap,” sa GMA-7.

 

 

***

 

 

NAG-GUEST si Diana Zubiri sa “Fast Talk with Boy Abunda” last Friday, at doon nalaman ng mga netizens kung bakit biglang nawala ang isa sa original na Sang’gre ng “Encantadia.”

 

 

Nag-migrate na raw ba siya sa Australia with her family?

 

 

“Lumipat muna kami roon nang magkaroon tayo rito ng Covid-19 pandemic, three years ago, dahil doon mababa ang cases nila,” kuwento ni Diana.

 

 

“Simpleng buhay lamang kami roon, nag-aalaga ako ng three kids ko and my husband Andy. Nag-try kami ng three months, then six months, hanggang sa nagustuhan na namin living there.

 

 

“Thankful ako na naroon ako habang lumalaki ang mga anak namin. Ang nakakatuwa at ipinagtataka ko rin kung minsan, napakaganda ng relationship namin ni Andy, hindi kami na-aaway.”

 

 

Kaya maraming nagulat nang biglang mag-appear si Diana, na lalong gumanda at sumeksi, sa “It’s Showtime” last Wednesday, kasama ang mga original na Sang’gre na sina Iza Calzado, Karylle at Sunshine Dizon.

 

 

Sa tanong ni Boy Abunda kung may possibility raw na makakasama ang original Sang’gre sa “Encantadia Chronicles: Sang’gre”, ang sagot ni Diana, “Iyon ang aabangan, kung kasama kami.”

 

 

Meanwhile, nagsimula nang mag-taping si Direk Mark Reyes ng “Encantadia Chronicles: Sang’gre” at isa-isa nang nakikita ang mga bagong bubuo sa cast na pangungunahan nina Bianca Umali, Faith Da Silva, Angel Guardian at Kelivn Miranda, matapos ang ilang buwan na nilang pagti-training ng martial arts.

 

 

***

 

 

IWAS si Xian Lim na pag-usapan ang tungkol sa balitang break-up nila ng girlfriend na si Kim Chiu.

 

 

Nag-post siya ng sagot sa kanyang Instagram account ng paliwanag, “I am here in the entertainment industry but I am not here to entertain.

 

 

“Gusto ko lamang i-express na ginagampanan ko ang characters na ibinibigay sa akin. Wala ako rito para i-explain at i-satisfy ang inyong curiosity, hindi para humingi ng sympathy or spread hate. Hindi ako iyon.

 

 

“Mahal ko ang mga tao sa paligid ko, mahal ko ang pagkakataon na naibigay sa akin ng tadhana at patuloy kong gagamitin ang boses ko para i-share ang purpose ko.

 

 

“Patuloy kong hahanapin ang the best ng version of me that I can become and hopefully leave a mark in this lifetime.”

 

 

(NORA V. CALDERON)

BGYO RECORDS CHORUS VERSION OF *NSYNC’S NEW SINGLE “BETTER PLACE” FOR FILIPINO AUDIENCE FROM THE MOVIE “TROLLS BAND TOGETHER” SOUNDTRACK

Posted on: November 13th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

“I’m so excited to see you excited”… goes the chorus of “Better Place,” lead single from the official soundtrack for Trolls Band Together, and the first musical release in two decades by one of the most successful boy bands in pop music history, *NSYNC.

 

 

Well, P-pop fans, get ready to be even more psyched! Popular P-pop boy band BGYO has recorded their own official version of the “Better Place” chorus to celebrate the release of the much-awaited Trolls Band Together in the Philippines on November 15.

 

 

“I enjoyed listening to the music in the past Trolls movie so we are very excited to be a part of this one!” says Nate Porcalla, the youngest of the group. His BGYO brothers – Gelo Rivera, Akira Morishita, JL Toreliza and Mikki Claver are just as excited to share their version of the catchy “Better Place” chorus with their fans, the ACEs.

 

 

Beloved for its signature psychedelic joy-bomb of new and classic pop hits, the latest sequel in the Trolls movie franchise puts the spotlight on band music. And when it comes to Pinoy pop music or P-pop – our own version of deliciously catchy pop band music in the same vein as K-pop and J-pop – who knows better than BGYO? Dubbed as the “Aces of P-pop,” BGYO has taken the Philippine music industry (and then some) by storm.

 

 

The band, whose name stands for “Becoming the change, Going further, You and I, Originally Filipino,” released their debut single, “The Light,” in January 2021, and in less than two weeks after its release, it had already surpassed 100,000 streams on Spotify. The song’s music video was also the fastest P-pop music video to reach 1 million views.

 

 

Their second single, “The Baddest,” also made quite a splash. It ranked #1 on two global charts, Billboard’s Next Big Sound and Pandora Predictions Chart. And earlier this year, BGYO was included by the US Recording Academy or the Grammys on its list of exciting Asian artists to check out, for “redefining what it means to be a boy band in the Philippines.”

 

 

“This might be the best movie yet so I hope everybody can watch it. Bring the whole family!”, Nate says.

 

 

In Trolls Band Together, Poppy (Anna Kendrick) and Branch (Justin Timberlake) are back for an action-packed, all-star, rainbow-colored new chapter in the beloved Trolls franchise. After two films of true friendship and relentless flirting, Poppy and Branch are now officially, finally, a couple (#broppy)!

 

 

 

As they grow closer, Poppy discovers that Branch has a secret past. He was once part of her favorite boyband phenomenon, BroZone, with his four brothers. BroZone disbanded when Branch was still a baby, as did the family, and Branch hasn’t seen his brothers since. But when Branch’s bro Floyd is kidnapped for his musical talents by a pair of nefarious pop-star villains, Branch and Poppy embark on a harrowing and emotional journey to reunite the other brothers and rescue Floyd from a fate even worse than pop-culture obscurity.

 

 

Trolls Band Together stars a dazzling cast of musical superstars and comedic powerhouses as new franchise characters, including Troye Sivan, Eric Andre, Daveed Diggs and Kid Cudi, as Branch’s brothers and BroZone bandmates; Amy Schumer and Andrew Rannells, as the pop-star villains who kidnap Branch’s brother Floyd; as well as Zosia Mamet, RuPaul Charles, and four-time Grammy nominee and Latin Grammy winner Camila Cabello.

 

 

The returning cast includes Zooey Deschanel, Christopher Mintz-Plasse, Kenan Thompson, Aino Jawo, Caroline Hjelt, Anderson .Paak, Ron Funches and Kunal Nayyar.

 

 

Get ready for another dose of infectious pop music when Trolls Band Together opens in cinemas November 15.

(ROHN ROMULO) 

“Real queens support each other”: HEART, nagsalita na tungkol sa pagkakaayos nila ni MARIAN

Posted on: November 13th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MARAMI ang nagdiwang na nagkaayos na sina Heart Evangelista at Marian Rivera.

 

 

Panahon ng shooting nila noong 2011 ng pelikulang ‘Temptation Island’ nagsimulang umikot ang balitang magkagalit ang dalawang reyna ng GMA.

 

 

Pero kamakailan, makalipas ang labingdalawang taon ay nagulantang ang marami dahil biglang pina-follow na nina Heart at Marian ang isa’t-isa sa Instagram.

 

 

At kailan lang, mismong si Heart ang nagsalita tungkol dito ng mainterbyu sa isang event.

 

 

“I don’t want it to be anything that’s for publicity because something like that should be from your heart,” ani Heart.

 

 

“Marian and I, we’ve always liked each other,” bulalas pa ni Heart.

 

 

Positibo ang dating nito sa publiko lalo pa nga at parehong reyna ng GMA ang muling naging magkaibigan.

 

 

Bongga nga ang sinabi ni Heart na, “Real queens support each other. It’s a testament that it’s really the people around us that makes things bad.”

 

 

Kung happy ang netizens, siyempre pa ay masaya rin si Heart sa nangyari.

 

 

“I guess it’s just a matter of time and honestly, I really appreciate her.

 

 

“She has a very strong character but I really appreciate her kindness and her, just her heart,” wika pa ni Heart.

 

 

At siyempre, tiyak na hihintayin ng publiko na (muling) magkasama sa isang proyekto sina Heart at Marian.

 

 

“I don’t know kasi siya kasi, busy din siya. But I think for me what’s important is, in the real world, we’re okay. And that for me is a true queen,” binitiwang salita pa ni Heart.

 

 

***

 

 

FROM two queens to another queen, this time ay tungkol naman kay Claudine Barretto ang magandang balita.

 

 

Binisita kasi si Claudine ng kanyang mga anak sa unang araw ng taping niya para sa bago niyang serye sa GMA, ang ‘Lovers/Liars.’

 

 

Sinorpresa si Claudine ng mga anak niyang sina Santino, Sabina, Quia, at Noah sa unang araw ng taping nito nabanggit na serye na pinakabagong collaboration drama series ng GMA Network at Regal Entertainment.

 

 

Bukod sa pagbisita sa kanya sa set ay may pa- bulaklak pa para kay Claudine ang mga anak niya.

 

 

Idinaan ni Claudine sa kanyang Instagram post ang pasasalamat niya sa kanyang mga anak.

 

 

“Thank you so much my babies for surprising me on my 1st day of taping @sab_barretto @santinosantiago12 [I love you] all so much. This is for [you] kiddos and for all my #claudinians,” caption ni Claudine sa larawan nilang mag-iina.

 

 

Gaganap sa ‘Lovers/Liars’ si Claudine bilang Via Laurente na CEO ng isang real estate company.

 

 

Kasama rin sa serye sina Shaira Diaz, Yasser Marta, Rob Gomez, Kimson Tan, Michelle Vito, Sarah Edwards, Polo Ravales, Christian Vasquez, at Lianne Valentin.

 

 

Sa direksyon ni Crisanto Aquino, likha nina Jose Javier Reyes at Noreen Capili mapapanood na ito ngayong November 20, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.

(ROMMEL L. GONZALES)

FILMING A GREAT KILL SCENE IN A HORROR MOVIE IS A BADGE OF HONOR FOR “THANKSGIVING” DIRECTOR ELI ROTH

Posted on: November 13th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

THE heart of any slasher movie is the kills, and Eli Roth – the genre’s maestro – would make sure that Thanksgiving reflected his best work. 

 

 

 

“Every kill had to meet our standards of scare and gore,” says the Thanksgiving director. “If the movie didn’t deliver on its promise, we’d be dead.” And Roth had the added pressure of having done it already when he made a fake Thanksgiving movie trailer upon the request of his friend Quentin Tarantino, as part of the latter’s Grindhouse double-feature with another fan-favorite director Robert Rodriguez. “I found myself not just trying to match what I did in the trailer, but trying to top it in every way possible,” continues Roth.

 

 

 

Which is why early on, Roth began discussing the project with prosthetics genius Adrien Morot (The Whale, for which he won the Best Makeup and Hairstyling Oscar®). “His craftsmanship is second to none,” shares Roth. “Adrien and his wife Kathy made the most incredibly realistic and beautiful heads and body parts I have ever seen. They were so beautiful! But of course, no matter how beautiful the fake head, it must be smashed in with a meat tenderizer.”

 

 

 

Watch the cast of Thanksgiving share their favorite kills in the movie. Don’t worry, there are no spoilers! https://www.youtube.com/watch?v=WZKod4t-1xc

 

 

 

Getting to make a horror movie is, for Roth, standing on the shoulders of giants. “We look at the kills and say, okay, how can we outdo ourselves? And not just ourselves, but every other movie?” he says. “It’s a badge of honor for us to get the best kill. Every time you make a horror movie, you have a chance to enter into the pantheon of horror greats. The opportunity is there if you take it. So with every death, we try to truly make it a classic.”

 

 

 

How does he know when a kill has that special something? “I have to have that ‘ugh’ feeling… I have a very, very, very high tolerance for movie gore, so if a scene is upsetting me, then I know it’s gonna work for a general audience,” says Roth.

 

 

 

Filming a classic kill is a responsibility the director takes very seriously. “I’m always most excited on a day when we’re filming a kill scene, I have this nervous pit in my stomach and I can’t relax until I know we have the kill on camera,” Roth says. “The timing of the head falling off, the swing of the axe, the way the blood pumps – a million things can go wrong. But when they go right there’s nothing like it.”

 

 

 

This November, a new horror legend will emerge. Thanksgiving, starring Patrick Dempsey, opens in cinemas November 22.

 

 

 

About Thanksgiving

 

 

 

After a Black Friday riot ends in tragedy, a mysterious Thanksgiving-inspired killer terrorizes Plymouth, Massachusetts – the birthplace of the infamous holiday. Picking off residents one by one, what begins as random revenge killings are soon revealed to be part of a larger, sinister holiday plan. Will the town uncover the killer and survive the holidays…or become guests at his twisted holiday dinner table?

Directed by Eli Roth, and written by Roth and Jeff Rendell. Produced by Roth, Roger Birnbaum and Rendell.

Starring Patrick Dempsey, Addison Rae, Milo Manheim, Jalen Thomas Brooks, Nell Verlaque, Rick Hoffman and Gina Gershon.

In Philippine cinemas November 22, Thanksgiving is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with the hashtag #ThanksgivingMovie (Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”)

(ROHN ROMULO)

Kaabang-abang ang maningning na ‘Gabi ng Parangal’: IZA, makakasama ni PIOLO bilang mga host ng ‘6th The EDDYS’

Posted on: November 13th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAS magniningning pa ang inaabangang gabi ng ika-anim na edisyon ng The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ngayong Nobyembre 26, 2023 sa Aliw Theater, CCP Complex, Pasay City.

 

 

Bukod sa Ultimate Leading Man at award-winning actor-producer na si Piolo Pascual, isa pa sa magsisilbing host sa 6th The EDDYS ay ang premyadong aktres na si Iza Calzado.

 

 

Ang pagbibigay parangal at pagkilala ng 6th The EDDYS sa mga natatanging pelikulang Pilipino nitong nagdaang taon ay mula sa direksyon ng award-winning actor-director na si Eric Quizon.

 

 

Ito’y ihahatid ng Airtime Marketing Philippines ni Tessie Celestino-Howard. Magkakaroon din ito ng delayed telecast (Disyembre 2, 2023, Sabado) sa A2Z Channel.

 

 

Samantala, limang pelikulang Pilipino na nagmarka at nang-agaw ng eksena noong nakaraang taon ang maglalaban-laban sa 6th The EDDYS. Ang mga nominado sa kategoryang Best Film ay ang “Bakit ‘Di Mo Sabihin?” ng Firestarters at Viva Films; “Blue Room” mula sa Heaven’s Best Entertainment, Eyepoppers Multimedia Service at Fusee; “Doll House” ng MavX Productions; “Family Matters” ng CineKo Productions; at “Nanahimik ang Gabi” mula sa Rein Entertainment.

 

 

Nominado naman sa pagka-Best Director sina Marla Ancheta (Doll House); Ma-an L. Asuncion-Dagñalan (Blue Room); Real S. Florido (Bakit ‘Di Mo Sabihin?); Nuel Crisostomo Naval (Family Matters); at Shugo Praico (Nanahimik ang Gabi).

 

 

Magpapatalbugan para sa Best Actress category sina Kim Chiu (Always); Max Eigenmann (12 Weeks); Janine Guttierez (Bakit ‘Di Mo Sabihin?); Nadine Lustre (Greed); Heaven Peralejo, (Nanahimik ang Gabi); at Rose Van Ginkel (Kitty K-7).

 

 

Bakbakan naman sa pagka-Best Actor sina Elijah Canlas (Blue Room); Baron Geisler (Doll House); Noel Trinidad (Family Matters); Ian Veneracion (Nanahimik ang Gabi); at JC de Vera, (Bakit ‘Di Mo Sabihin?).

 

 

Paglalabanan naman nina Mylene Dizon (Family Matters); Matet de Leon (An Inconvenient Love); Althea Ruedas (Doll House); Ruby Ruiz (Ginhawa); at Nikki Valdez (Family Matters) ang tropeo para sa kategoryang Best Supporting Actress.

 

 

Para sa Best Supporting Actor, nominado sina Nonie Buencamino (Family Matters); Mon Confiado (Nanahimik ang Gabi); Soliman Cruz (Blue Room); Sid Lucero (Reroute); at Dido dela Paz (Ginhawa).

 

 

Bibigyang-pugay din ng SPEEd ngayong taon ang hindi matatawarang kontribusyon sa industriya ng pelikulang Filipino ng mga napiling EDDYS Icon awardees na kinabibilangan nina Aga Muhlach, Richard Gomez, Gabby Concepcion, Niño Muhlach, Snooky Serna, Jaclyn Jose, Barbara Perez at Nova Villa.

 

 

Kabilang naman sa bibigyan ng Isah V. Red Award sina Herbert Bautista, Coco Martin at Piolo Pascual para sa walang sawa nilang pagtulong at pagbibigay ng inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan. Igagawad ang Joe Quirino Award sa veteran entertainment columnist, former TV host at content creator na rin ngayon na si Aster Amoyo habang ang beteranong manunulat at dati ring entertainment editor na si Ed de Leon ang tatanggap ng Manny Pichel Award.

 

 

Ngayong taon, ipagkakaloob ang Producer of the Year sa Viva Films habang ang Rising Producer of the Year ay ibibigay sa MavX Productions.

 

 

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas, sa pangunguna ng presidente nitong si Eugene Asis ng People’s Journal.

 

 

Ang pamamahagi ng parangal ng SPEEd ay isang paraan din para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pang kasama sa pagbuo ng isang matino at dekalibreng pelikula.

(ROHN ROMULO)