• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 15th, 2023

Samahan sa makabuluhang usapan sa ‘Heart-2-Heart’: ARNOLD, masaya na kasama na uli ang kanyang mentor na si DJ LAILA

Posted on: November 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LAST month lang pala lumipat si Arnold Rei dela Cruz na kilala ring DJ Poy sa Radyo5 TRUE FM na kung saan binigyan agad siya ng sariling radio program, ang ‘Heart-2-Heart’.

 

 

Kaya masayang-masaya siya dahil kasama na niya uli sa istasyon ang isa sa itinuring na mentor na si DJ Laila Chikadora.

 

 

Kuwento nga ni DJ Laila, “na-excite din ako, pero ayaw ko muna siyang i-message, ginawa ko na lang yun, ilang days bago siya sumalang.”

 

 

Sagot naman ni DJ Poy, “ang plano ko kasi, gulatin na siya na, ‘na mare nandito, pero alam na pala niya.”

 

 

Dagdag pa ni DJ Laila, “masaya kasi ako, dahil isa-isa na sila… yun mga kapatid ko sa DWRR. Dati kasi mag-isa lang ako dito, dumating si DJ Chacha, may bonus pa na Manong Ted (Failon) ng DZMM.

 

 

“Pagkatapos nag-Dr. Love, tapos ito naman (Arnold). Mamaya baka paggising ko, nandito na silang lahat, ang saya. So, happy ako for Arnold, ang dami na naming pinagdaan.”

 

 

18 years na si Arnold radio industry dahil nagsimula siya noong 2005 sa DWRR.

 

 

Pagbabalik-tanaw pa niya, “noong nag-aaral pa ako ng college, ang gusto ko talaga magtrabaho sa likod ng camera.

 

 

“I took up Mass Communication major in Broadcasting. Kaya ang trinatrabaho ko ay ang scriptwriting at paghawak ng camera.

 

 

“And then, nakalimutan ko na, noong bata ako, mahilig ako sa mga radio shows na katulad ni Deo Macalma. Yun ang pinakikinggan ko, bukod sa pag-abang ng balita, ‘yun mga blind items ni Sir Deo, na ayon sa kanyang mga bubwit…

 

 

“Aliw na aliw ako sa pangingiliti niya, kasi it tickles your mind.

 

 

“Doon ko naalala na gusto kong magtrabaho sa TV, pero tinutulak ako sa radyo.

 

 

“Nag-apply ako sa DZBB bilang field reporter, natanggap naman kami, dalawa kami noon. Pero sa training pa lang, umayaw na ako.

 

 

“And then, dumating ang DWRR, pasok din naman agad. Pero dito pinag-igi ko na kasi it an FM, mas bata ang mga audience. For 18 years, since 2005 ganun ang ginagawa ko.

 

 

“Saka that time, nakikita ko ang sarili ko na mas na patawa at sa entertainment. Nasa morning ka, nanggigising, sa evening naman, nag-e-entertain ka, na hindi masyadong seryoso.

 

 

“‘Yun talaga ang gusto kong iwasan, ayoko na masyadong seryoso, sa totoo lang. Pero dahil sa mga nagko-comment, I need to explore, sinubukan ko seryosohin ang pag-a-advice, kahit mabigat ang loob ko.

 

 

“Hanggang sa natutunan ko na siyang mahalin, na pag sineryoso ko pala ang sasabihin ko na. Sometimes kasi dalang-dala ka rin ng mga kuwento. Hindi mo naman puwedeng gaguhin yun at gawin katatawanan.

 

 

“It is your responsibility rin na bigyan sila ng avenue at magandang response.”

 

 

Ano nga ba ang istilo niya sa pagbibigay ng advice, “There’s no template sa pagbibigay ng advice,” sabi niya.

 

 

“We heard some personalities before sa radio na masyado rin naman aggressive. I’m not aggressive. I don’t have to be aggressive. Doon lang ako sa assertive na may may respeto pa rin. You have to be responsible sa pag broadcast.”

 

 

Kuwento pa ni Arnold, “I get it from personal experience, sa exposure natin. Lumaki rin ako sa simbahan. I’m a son of an Aglipayan bishop. They can marry. So my orientation is pipiliin mo kung ano yung lumalabas sa bibig mo. Parang pari. Sabi ko nga dapat nasa pulpito ako but sometimes, my dad would text me.

 

 

“Sasabihin niya, ‘nak, medyo green yata yung jokes mo.’ Sabi ko, ‘Daddy our difference is nagse-sermon ka sa pulpito, ako naman nagsesermon sa radyo. Iba na ang audience ko.'”

 

 

Dagdag pa ni DJ Poy, “I love this job. I realized being on the radio was flexible, entertaining, and satisfying. It’s not about the price but what you can contribute to your listeners. Dapat passionate and dedicated ka sa ginagawa mo.”

 

 

Samantala, may handog na “12 Gifts of TRUE Christmas” ang newly-awarded Best Radio Station ng bansa, ang Radyo5 TRUE FM, bilang maagang pamasko para sa mga listeners.

 

 

Sinimulan ito sa launch ng mga bagong programang layunin ang maging safe space ng mga listeners para sa mga heartfelt conversations at mga payo mula sa mga pinagkakatiwalaang radio hosts.

 

 

Sa mga humaharap sa relationship challenges o naghahanap ng open discussions, ipinagmamalaki ng Radyo5 TRUE FM ang Heart-2-Heart, isang bagong radio program kung saan maaaring i-share ng mga listeners ang kanilang deepest thoughts at emotions sa host nga si Arnold, na kilala sa kanyang malasakit at compassionate na pagharap sa iba’t ibang isyu.

 

 

Inaanyayahan ang lahat na mag-tune in sa 92.3 Radyo5 TRUE FM para magbahagi ng kanilang daytime thoughts at makisali sa makabuluhang usapan araw-araw, mula 12NN hanggang 1:00PM.

 

 

Bukod sa Heart-2-Heart, mae-enjoy din ng TRUE FM listeners ang isang all-new evening hangout kasama si DJ Laila Chikadora sa SHOUTOUT, na maghahatid ng heartwarming stories, beautiful music, at touching connections.

 

 

Tampok sa SHOUTOUT ang mga engaging segments tulad ng ‘Love Note Hour,’ ‘Love Stories,’ at ‘Dedication Corner,’ kung saan pwedeng naman magbahagi ng heartfelt messages ang mga listeners.

 

 

Para sa mga gusto namang mag-chill sa gabi, si DJ Laila naman ang perfect companion for sharing love notes sa SHOUTOUT, araw-araw mula 8:00PM hanggang 9:30PM.

 

 

Abangan kung ano pa ang mga Pamaskong handog ng Radyo5 TRUE FM mula sa kanilang “12 Gifts of TRUE Christmas.” Tumutok lamang sa 92.3 Radyo5 TRUE FM at manatiling updated sa mga latest na impormasyon ng Best Radio Station ng bansa.

 

 

I-follow ng kanilang social media pages sa Facebook, X app, at TikTok.

 

 

(ROHN ROMULO)

De Lima pinayagan nang magpiyansa

Posted on: November 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAYAGAN na ng Muntinlupa regional trial court na makapagpi­yansa sa halagang P300,000 ayon sa korte si dating senadora Leila de Lima matapos ang halos pitong taong pagkakakulong dahil sa mga kasong may kaugnayan sa droga.

 

 

Sa pagdinig nitong Lunes, Nobyembre 13, 2023 sa natitirang kasong may kaugnayan sa droga, pinayagan ni Judge Gener Gito ang mosyon ng senadora na makapaglagak ng piyansa. Si Judge Gito ang bagong hukom na may hawak ng kaso.

 

 

Una nang ibinasura ni Judge Romeo Buenaventura ang petition for bail na inihain ni De Lima.

 

 

Itinakda ang piyansa sa halagang P300,000.

 

 

Una nang napawa­lang-sala sa dalawa niyang kaso si De Lima.

 

 

Inaresto si De Lima noong Pebrero 24, 2017 dahil sa mga drug-related charges na nag-ugat sa aktibidad ng mga drug lord sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) noong 2021 at 2022 nang siya pa ang kalihim ng DOJ.

 

 

Ayon sa legal counsel ni De Lima na si Atty. Filibon Tacardon, nakuha na nila ang release order mula sa korte.

 

 

Tiniyak naman ng Phi­lippine National Police (PNP) na daraan pa sa proseso bago tuluyang palayain si De Lima.

 

 

Sinabi ni PNP Public Information Office chief Police Col. Jean Fajardo, sinabi nito na hinihintay nila ang kautusan ng Muntinlupa RTC para sa pagpapalaya sa dating senadora.

 

 

Sa sandaling matanggap na ng PNP Headquarters Support Service sa Camp Crame ang Court Order, agad itong sasailalim sa medical procedures at debriefing saka ite-turnover sa kanyang pamilya o sa kanyang abugado.

 

 

Halos 7 taon ding nakulong si De Lima sa PNP Custodial Center sa Camp Crame. (Daris Jose)

TINANGGAP ni Dr. Spica Acoba

Posted on: November 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINANGGAP ni Dr. Spica Acoba, Navotas City Hospital (NCH) Medical Director, at Dr. Roan Salafranca, Chief of Clinics, ang parangal sa seremonya ng 2023 Department of Health (DOH) Hospital Star Awards na ginanap sa Iloilo City kung saan kinilala ng DOH, sa pamamagitan ng Health Facilities and Services Regulatory Bureau, ang NCH bilang isa sa Top 15 Level 1 na ospital sa bansa. Nagpasalamat naman si Mayor John ReyTiangco sa mga healthcare worker para sa kanilang pangangalaga sa kalusugan at kagalingan ng mga Navoteño. (Richard Mesa)