HINIRANG bilang isa sa Asia’s Most Influential ng Tatler Asia Magazine ang global fashion icon na si Heart Evangelista.
Na-unveil ang list sa naganap na Tatler Ball 2023 sa Shangri-La The Fort noong nakaraang November 20.
Kasama ni Heart sa list ay sina John Lloyd Cruz, Anne Curtis, Dolly De Leon, Erwan Heussaff, Vanessa Hudgens, Bretman Rock, Nadine Lustre, Bella Poarch, Clint Ramos, Liza Soberano, and Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
Tinawag nga ang 12 entertainment personalities as the people who “wield the power of pop culture.”
Sa naturang magazine, Heart was described as “the actress who has reinvented herself as an international A-list celebrity and fashion influencer.”
Sa naturang ball, nirampa ni Heart ang suot niyang custom couture gown na gawa ng Italian fashion designer na si Giambattista Valli. Ilan sa mga international celebrities na dinamitan ni Valli ay sina Jennifer Lopez, Sarah Jessica Parker, Lady Gaga, Reese Witherspoon, Penelope Cruz, Lizzo, Olivia Wilde, Demi Moore, Naomi Campbell, Iman, Emma Stone, Kendall Jenner at Rihanna.
Napabilang din sa Tatler list as “people shaping Asia” ay sina Dr. Vicki Belo, Jordan Clarkson, Kenneth Cobonpue, Karen Davila, Hidilyn Diaz, Lav Diaz, Small Laude, Rajo Laurel, EJ Obiena, BJ Pascual, Maria Ressa, and Ms. Lea Salonga.
***
MAY rason kung bakit laging malungkot ang lyrics ng mga Christmas songs ng
Barangay LS 97.1 radio dj na si Papa Obet.
Kapag nakaririnig daw siya ng sad Christmas song, nababalikan niya ang kanyang simpleng buhay noong kabataan niya.
“I believe that sad songs have a stronger impact. Music is more powerful when it evokes emotions. Kapag sumulat ako ng sad Christmas song, I am transported back to my childhood, when I was a kid with no problems, just receiving gifts, eating, and having fun. I want to feel and relive that feeling. And that longing feeling is also what they will hear in the songs that I write,” sey ni Papa Obet.
Na-release na ang ikatlong holiday track ni Papa Obet titled “Paano Ang Pasko” na tulad ng nauna niyang dalawang Christmas songs na “Una Kong Pasko” at “Regalo”, ay dedicated sa kanyang anak na two years niyang hindi nakakasama.
Pasok ang “Paano Ang Pasko” sa Top 30 list on iTunes PH sa buwan na ito.
“The song is for people who need companionship this Christmas, especially those in faraway places, like yung mga OFWs na malayo sa pamilya nila this Christmas. Yung pangungulila. It’s the time of the year when we’re supposed to be surrounded by the people we love, but for some people, that’s not the case. Iba-iba ang feelings ng tao tuwing Pasko. May masaya, may malungkot.”
***
PROUD mama si Paris Hilton sa kanyang new baby girl.
Sa social media winelcome ni Paris ang baby girl nila ng mister na si Carter Reum.
Hilton posted a photo of a pink baby outfit with a pair of heart-shaped sunglasses and a brown teddy bear. Ang name ng baby ay London.
“Thankful for my baby girl,” caption ni Hilton na ang unang baby ay boy named Phoenix.