• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 1st, 2023

Kaya super react ang mga netizen: KYLINE, tila may sagot na tungkol sa pagkakalabuan nila ni MAVY

Posted on: December 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TILA mas sagot na si Kyline Alcantara sa lumalabas na tsismis na nagkakalabuan na sila Mavy Legaspi at parang nadadamay pa si Carmina Villrroel. 

 

 

Bagamat pareho pa silang tahimik sa isyu… May pinost si Kyline tungkol sa pananahimik… “I was taught that keeping quiet kept the peace.  Until I realized, who’s peace is it keeping.” Kasunod nito ang makahulugang, “*whose.”

 

 

Dahil dito, super react ang netizens sa kanyang pinost… Lalo na yung maka-Mavy…

 

 

“Totoo nmn tlga ang Mothers know best. Tried and tested na yan, na ang nanay pag umayaw sa manliligaw. alam na.

 

 

“Hindi rin. Minsan may nanay tlaga na pakialamera. Hindi mo na alam kung saan kinukuha ang lakas ng loob na magsalita ng hindi maganda. Hindi rin naman tumutulong. 😂 Experience ko kasi yan. Kung gusto nya bawiin ang anak nya. Gow! Lol

 

 

“So pretty ni Carmina na u wouldnt think na pakialamera siya but yeah. she seems like it kasi ngpopost sya. Wag na sana makisawsaw sa away ng mga bata. tama na yung napagsabihan ang anak. tuloy it seems like the mother is fighting her son’s battle. Hello, he is not 12!

 

 

“honestly, totoo ang mother knows best. I had this jowa na pinakisamahan ng family ko then nung naghiwalay na kami, doon lang sinabi sakin ng aking nanay na ayaw nya talaga doon sa tao.”

 

 

“Maldita din si Carmina nung kabataan niya. mahirap lang hanapan ng ebidensya kasi hindi pa online lahat nun, baka naipambalot na ng tinapa. hahaha. nadala na niya hanggang sa pagtanda.”

 

 

“Boomer mentality! Tama ba yung nanay nakikisawsaw sa away/break up ng magjowa?? Ang crass, girl. Ano ba yang anak niya, 12??”

 

 

True baks. Halos yata lahat ng serye nya may nakakaaway sya. Well, except dun sa serye nya with Heart kasi feel na feel nya kasi c Heart.”

 

 

“Na confuse ako sa statement nya. ibig nya bang sabihin she was taught (asked/told) to be quiet para peaceful, tas na realize nya, kaninong peace ba yung pinoprotect ng pananahimik nya? Not on anyone’s side dahil di ko din bet yung mavy pero yung aura ni kyline masyadong intense. ”

 

 

“Kyline has always been vocal and bitter. Same as her immature and toxic fans. Feeling ni starlet mature siya but she’s childish like the rest of her peer group. She’s infamous for being maldita and pa bida. Just be quiet and stop using soc med to gain more sympathy.”

 

 

“Di naman sya naging quiet ever, puro cryptic posts and patama sa exes. Ang perfect siguro ni ate gurl ano, laging sa kabilang party yung main reason ng breakups. ”

 

 

“Makes you realize that mothers do know best ;-)”

 

 

tanda ko pa ang inis ko sa kaartehan nya when she first announced na sila na ni mavy sa kanilang vlog 😂😂😂 feel na feel nya ugh at too pasosyal! no wonder may aura syang maldita hay.

 

 

“Attitude rin kasi tong si girl. Kung ako talaga c Carmina, makielam ako sa lovelife ng anak ko. ”

 

 

“Para kay carmina ba to?”

 

 

“You know you’re an oversized toddler when..

 

 

This one is a kath wannabee. ”

 

 

.”Nakikisabay sa issue nila kath. This one is a kath wannabee.”

(ROHN ROMULO) 

Maglive-in partner na tulak isinelda sa higit P.1M shabu sa Malabon

Posted on: December 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng maglive-in partner na tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina Robert Rivera, 50, at Ivy Miro, 33, (pusher/listed), kapwa ng No. 115 Manapat St., Brgy. Tañong.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police Ditrict (NPD) P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Baybayan na nakatanggap ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon hinggil sa illegal drug activities ng mga suspek kaya isinailalim nila ang mga ito sa validation.

 

 

Nang makumpirma na positibo ang ulat, kaagad nagsagawa ang SDEU ng buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos bintahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer dakong alas-2:00 ng madaling araw sa C4 Road corner Manapat Street, Brgy. Tañong.

 

 

Ayon kay PSSg Kenneth Geronimo, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 20.5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P139, 400.00 at isang P500 bill na ginamit bilang buy bust money.

 

 

Nagpaabot naman ng papuri si BGen. Gapas sa Malabon police dahil sa kanilang masigasig na kampanya kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

ALBANO, DY SABIT SA KATIWALIAN SA ISABELA PROVINCE

Posted on: December 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAMPA ng reklamo sa Senate Committee of Ethics si dating Angadanan, Isabela Mayor Manuel Noli Siquian Sr. laban sa tatlong senador kamakailan.

 

 

Ito ay bunsod ng kawalan ng aksyon sa ipinarating na reklamo kaugnay ng nangyayaring talamak na katiwalian sa Isabela Province.

 

 

Kabilang sa inirereklamo sina Senador Francis Tolentino na siyang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, Sen. Joel Villanueva at Sen. Raffy Tulfo.

 

 

Ayon kay Siquian, ginawa ang naturang hakbang dahilan sa pagbalewala ng tatlong senador sa isyu ng katiwalian na ginagawa ng ilang matataas na opisyales ng Isabela.

 

 

Sinabi pa ng dating alkalde na ilang beses niyang sinulatan ang mga naturang senador upang ipaabot ang nagaganap di umanoy korupsyon sa Isabela province subalit tila hindi pinapansin ng mga senador ang kanyang reklamo.

 

 

“Dapat nilang inaaksiyunan yang reklamo na yan, P2.9 bilyon ang involved na nalustay na pondo dyan sa Isabela,” saad ni Siquian.

 

 

      Nagsimula ang reklamo ng dating alkalde makaraang matuklasan nitong nagkaroon umano ng anomalya sa rehabilitasyon at mayroong overpricing sa mga kagamitan na may kaugnayan sa naturang proyekto.

 

 

      Nauna rito, nagsampa ng reklamong katiwalian sa Office of the Ombudsman noon pang 2020 si Siquian laban kina Isabela vice governor Faustino Dy III at Governor Rodolfo Albano at iba pa kaugnay ng Ilagan-Divilacan Road Rehabilitation and Improvement Project na nagkakahalaga ng P2.9 bilyon.

 

 

“Nanumpa sila sa taumbayan dapat gawin nila ang trabaho nila, this is in aid of legislation,” dagdag pa ni Siquian.

 

 

      Bukod pa rito, nagbanta rin si Siquian sa iba pang senador na kanyang kakasuhan sa Ethics committee sakaling hindi kumilos at magpatawag ng imbestigasyon sa Senado kaugnay ng naturang reklamo. (PAUL JOHN REYES)

Libreng sakay mananatili sa gitna ng welga sa transportasyon

Posted on: December 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA ISANG pahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay sinabi ng ahensiya na patuloy pa rin na manantili ang libreng sakay na binibigay ng national at lokal na pamahalaan kapag patuloy na magkakaron ng welga ang mga public utility jeepneys (PUJs) sa Metro Manila.

 

 

 

“The LTFRB will coordinate with concerned agencies and local government units (LGUs) as standard operating procedure during transport strike,” wika ng LTFRB.

 

 

 

Pinakiusapan naman ng LTFRB na huwag pigilan at gambalin ang mga drivers ng mga PUJs na gustong pumasada kahit na may welga.

 

 

 

“They are making a living as they need to provide for their families and wish to help and provide transport to commuters,” saad ng LTFRB.

 

 

 

Nagpahayag ang LTFRB ng ganitong pakiusap matapos ang isang interview na ginawa kay Manibela president Mar Valbuena na nagsabing patuloy silang maglulunsad ng protesta upang hindi sangayunan ang deadline na binigay ng LTFRB  kahapon para sa consolidation sa ilalim ng PUV Modernization Program.

 

 

 

Nagkaroon ng welga ang dalawang grupo ng PISTON at Manibela mula noong nakaraang Nov. 20 hanggang 24 upang iprotesta ang nasabing deadline sa consolidation sa ilalim ng PUVP ng pamahalaan.

 

 

 

Nakipag-usap naman sa dalawang grupo ang LTFRB kung saan napagkasunduan na aalisin ang mga penalties sa mga PUV drivers at operators, palalawigin ang validity ng prangkisa hanggang limang (5) taon, at pag-aalis ng ibang provisions sa Omnibus Franchising Guidelines (OFG) sa ilalim ng PUVMP.

 

 

 

Subalit sinabi ng LTFRB at Department of Transportation (DOTr) na “non-negotiable” ang deadline sa consolidation ng PUVMP. LASACMAR

PBBM suportado ang panukalang batas na magpapalakas sa cyber security program ng gobyerno

Posted on: December 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK  ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kaniyang suporta sa rekomendasyon ng Private Sector Advisory Council Digital Infrastructure Group na sertipikahang priority legislation ang tatlong panukalang batas na makapagpapalakas sa cyber security efforts ng gobyerno.

 

 

Ayon sa Pangulo, kanyang kakausapin ang pamunuan ng lehislatura at mula Dito ay matingnan kung paano uusad ng mabilis ang panukalang batas sa Kongreso at sa huli ay makapasa sa dalawang kapulungan.

 

 

Ang tatlong bills ay na pending sa kasalukuyan sa Senado ay Cybersecurity Act, ang Anti-Mule Act at ang Online Site Blocking Act.

 

 

Ayon sa DICT, makakatulong ang Cybersecurity Act sa cybersecurity resilience ng bansa habang sa ilalim ng Anti-Mule Act ay magiging krimen na Ang pagbubukas ng account gamit ang pekeng identity at pamimili ng gamit na Hindi naman pala siya ang tunay na nagma- may ari ng account.

 

 

Ang Online Site Blocking Bill naman ay naglalayong protektahan ang industriya ng sining at mga mamimili mula sa likas na panganib ng online content piracy. (Daris Jose)

Kaabang-abang ang bawat performances sa epic concert: JULIE ANNE, pangungunahan ang pasabog na solo number nila sa ‘Queendom Live’

Posted on: December 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NGAYONG Sabado (December 2) na mapapanood ang sinasabing epic concert na “Queendom: Live.” na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater.

 

 

Magsasama-samang mag-perform sa concert stage ang Kapuso stars na sina Rita Daniela, Jessica Villarubin, Thea Astley, Mariane Osabel, Hannah Precillas, and Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose.

 

 

Hatid ito ng GMA Network’s Synergy, in partnership with Entertainment Group, na may gawa rin ng “Limitless: A Musical Trilogy” ni Julie Anne na nagwagi ng Silver sa New York Festivals TV & Film Awards.

 

 

Sa zoom presscon, natanong ang mga singing queens kung sinu-sino ang mga queens sa pagkanta na kanilang hinahangaan at naging influences nila…

 

 

Ayon kay Julie Anne, “locally of course si Ate Regs, Regine Velasquez, sa international scene naman si Beyonce sa performance. Sa artistry si Lady Gaga at Rihanna.”

 

 

Para kay Rita, si Lani Misalucha, dahil sobrang avid daw siya at nanonood ng concert at napapapirma sa album. Sa international scene naman si Barbra Streisand, Nancy Wilson, dahil mahilig siya sa jazz at marami pang iba tulad ng Earth, Wind and Fire at Stevie Wonder.

 

 

Si Jaya naman ang choice ni Thea, hinahangaan din niya si Lady Gaga.

 

 

Si Mariane naman, “si Sarah Geronimo dahil grabe ang influence niya sa akin. International naman si Jennifer Hudson na grade din influence niya.”

 

 

Ayon naman kay Jessica, “sa local naman, marami kasi akong idol, una kong kinanta ang ‘To Love You More’ ni Sarah G, tapos naging Regine Velasquez naman gusto kong kantahin. Sa international naman, contest piece ko ang ‘Listen’, kaya gusto ko rin si Beyonce.”

 

 

Ayon naman kay Hannah, kinakanta rin niya ang Regine V. songs bilang panlaban niya, pero si Rachelle Ann Go talaga ang idol niya. Pagdating sa international, tulad ng ibang queens, type din niya si Beyonce.

 

 

Kuwento pa ng mga queens, dapat abangan ang kani-kanilang pasabog na solo numbers na karamihan at first time pa lang nilang gagawin.

 

 

May special song din na ni-request nila na mai-perform at napagbigyan naman ang anim na member ng Queendom.

 

 

Kaabang-abang din kung sinu-sino ang kanilang special guests at isa nga inaasahan ng mga fans ni Julie Anne ang paglabas ni Rayver Cruz.

 

 

Sorpresahin kaya sila ni Asia’s Songbird, well, abangan natin yan ngayong Sabado.

 

(ROHN ROMULO)

NAKATANGGAP ng maagang pamasko mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas

Posted on: December 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAKATANGGAP ng maagang pamasko mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas, sa pangunguna ng Public Employment Service Office, katuwang ang Department of Labor and Employment – National Capital Region at ang Navotas Tripartite Industrial Peace Council ang 75 na profiled child laborers sa lungsod sa pamamagitan ng Project Angel Tree. Ani Mayor John Rey Tiangco, nag-uwi ang mga bata ng mga gift packs, grocery packs, at school supplies. (Richard Mesa)

High-class male prosti ang papel sa ‘Lovers/Liars’: KIMSON, maraming beses nang naligawan ng bading pero walang pinatulan

Posted on: December 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA panahon ngayon, lalo sa showbiz, na very much accepted ang mga members ng LGBTQ+ community, isa sa mga out and proud na lesbian, tulad rin nina Michelle Marquez Dee at Klea Pineda, si Rikki Mae Davao na anak nina Ricky Davao at Jackielou Blanco.

 

Nasa high school si Rikki Mae noong nag-out siya sa kanyang mga magulang.

 

Sabay ba niyang kinausap sina Jackielou at Ricky tungkol dito?

 

Rebelasyon ni Rikki Mae, “Medyo sabay pero nauna lang si Mama ng konti.

 

“When I told both of them wala naman talagang isyu. “Thankfully! Hindi naman ako initsa-puwera or pinagalitan or what. Siyempre may getting used to certain ano lang. Pero wala naman pong naging main issue or nag-away kami or something.”

 

Wala raw mala-telenovelang kumprontasyon o anuman.

 

“Buti na lang. Baka sa mga shows ko in the future iyon yung puwede maging theme,” at tumawa si Rikki Mae, pero in real life thankfully wala.”

 

Hindi naman raw as in totally happy-happy ang senaryo noon.

 

“Actually hindi naman sa walang problema, meron namang having to get used to it, or may mga questions na baka, some things na hindi pa nila maintindihan or naa-accept completely.

 

“Pero open communication kasi siya e, so it took a couple of years to really be like… wala ng awkwardness, yung, ‘Oh, this is my partner.’

 

“It took a couple of years din to really be like, very comfortable na ganun,” pahayag pa ni Rikki Mae na alaga na ngayon ni Rams David ng Artist Circle Talent Management Services.
Si Shyr Valdez, na alaga rin ni Rams, ang nag-mediate para makapasok si Rikki Mae sa ahensiya ni Rams.

 

Sa acting at hosting nais malinya ni Rikki Mae; mahusay na host si Jackielou sa mga shows noon ni German ‘Kuya Germs’ Moreno at isa ring mahusay na aktres sa mga pelikula ng Viva Films.
Si Ricky naman ay magaling na direktor at multi-awarded actor rin.

 

***

 

HIGH-CLASS male prostitute ang papel ni Kimson Tan sa ‘Lovers/Liars.’

 

 

Kuwento ng Sparkle male artist, “Oo, kaya it was challenging, kasi siyempre bawat customer mo iba yung atake mong kailangan e, kasi you need funds, you need money.”

 

Ayon pa rin kay Kimson, wala siyang anumang against sa mga lalaking sa tunay na buhay ay nagbebenta ng katawan at aliw.

 

“Sa totoo lang po, honestly, pinag-uusapan namin ni Tito Joey [Abacan ng GMA] iyan minsan, sabi ko ako I don’t have anything against them, kasi I respect their hustle, I respect their grind in life.
Pagpapatuloy pa ni Kimson, “And sabi ko nga lagi, no matter what path you’re going through in life, kung ano man yung ginagawa mo, as long as you’re not stepping on other people, I don’t see any wrong in what you do.

 

“That’s why I respect the LGBTQ communities, nag-BL ako, kaya sabi ko kumbaga sa ganung bagay I don’t have anything…”

 

Ang BL o Boys’ Love project ni kimson dati ay ang “In Between”.

 

 

At umamin si Kimson na maraming beses na siyang naligawan ng bading sa totoong buhay, pero siyempre, wala siyang pinatulan sa mga ito.

 

 

Si Kimson ay si Kelvin Chong sa ‘Lovers/Liars’.

 

 

Bida rito si Claudine Barretto bilang Via Laurente sa Lovers/Liars at nasa cast rin sina Shaira Diaz bilang Nika Aquino, Lianne Valentin bilang Hannah Salalac; Polo Ravales bilang Ronnie San Diego, Rob Gomez bilang Joseph Mentiroso, Christian Vasquez bilang Victor Tamayo; Michelle Vito bilang Andrea Segreto at Yasser Marta bilang Caloy.

 

 

Sa direksyon ni Crisanto Aquino, napapanood ito sa GMA Telebabad at sa mga nasa abroad, sa GMA Pinoy TV.

(ROMMEL L. GONZALES)

13 milyong motorsiklo sa Pinas ‘di rehistrado – LTO

Posted on: December 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG 13 milyong motorsiklo na tumatakbo sa lansangan sa buong bansa ang hindi rehistrado.

 

 

Ayon kay Land Transportation Office (LTO) Plates Unit officer-in-charge Nivette Amber Pastorite sa pagdinig ng Senate Committeee on Justice and Human Rights na pinamumunuan ni Sen. Francis Tolentino, 12.9 milyon motorsiklo ang tumatakbo sa mga ­lansangan na hindi rehistrado.

 

 

Pero sinabi ni Tolentino na mayroon tinatayang 4 milyon karagdagang hindi rehistradong motorsiklo ang hawak ng komite noong Pebrero.

 

 

Kukuwestyunin sana ng senador ang immediate superior ni Pastorite na si Danilo Encela tungkol sa sa backlogs sa bawat rehiyon partikular sa Metro Manila subalit inamin nito na wala siyang hawak na impormasyon ngayon at nangako na babalik sa komite para dito.

 

 

      Nauna ng sinabi ni  LTO chief Asec. Vigor Mendoza  nq maraming delingkwenteng may-ari ng mga motorsiklo ang nakakalimutang magrehistro o bigo na i-transfer ang ownership matapos na bilihin ang sasakyan.

 

 

Ayon pa kay Mendoza sa pinakahuling datos ng LTO noong 2003 ay mayroong 38 milyong 4-wheeled vehicles at motorcycles sa kalsada subalit 13.9 milyon lang ang nakarehistro.

 

 

Bigo rin umano ang mga may-ari ng motorsiklo na irehistro ang kanilang mga sasakyan lalo na kung ito ay nasa 3-5 taon hulugan.

Gonzales sinagot patutsada ni Bato sa ICC probe ng Kamara

Posted on: December 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IGINAGALANG umano ni House Deputy Speaker at Pampanga  Rep. Aurelio Gonzales Jr. ang pahayag ni Sen. Ronald dela Rosa subalit dapat din umano nitong igalang ang ginagawang pagganap ng kamara sa mandatong ito.

 

 

“As the senator very well knows, the House of Representatives is mandated to act on resolutions filed by its members regardless of political affiliations in the same manner that the Senate takes action on measures presented by senators,” giit ng kongresista.

 

 

Ayon kay dela Rosa, ginagamit ng kamara ang imbestigasyon ng ICC upang patahimikin ang mga Duterte.

 

 

Isa sa mga trabaho ng Kamara ay dinggin ang mga inihahaing resolusyon ng mga kongresista.

 

 

Tatlong resolusyon ang nakahain ngayon sa kamara na nananawagan sa gobyerno na payagan ang International Criminal Court (ICC) na makapagsagawa ng imbestigasyon kaugnay ng madugong war on drugs campaign ng administrasyong Duterte.  (Ara Romero)