• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 21st, 2023

Malabon LGU ginawaran ng Seal of Good Local Governance Award ng DILG

Posted on: December 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MASAYANG tinanggap ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval, kasama si City Administrator Alexander Rosete at iba pang opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang Seal of Good Local Governance Award mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) sa isinagawang National Awarding Ceremony na ginanap sa Manila Hotel.

 

 

Bukod sa SGLG, pinagkalooban din ang pamahalaang lungsod ng incentive fund subsidy na nagkakahalaga ng P2.3 milyon.

 

 

Lubos namang nagpasalamat si Mayor Jeannie sa DILG at sa suporta ng kanyang mga kababayan sa Malabon dahil sa pagkilalang nakamit na hindi lamang aniya tagumpay ng lokal na pamahalaan kundi pati na rin ng buong komunidad. (Richard Mesa)

El Niño, maaaring mas tumaas sa April 2024, 63 lalawigan puwedeng maapektuhan – DOST

Posted on: December 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAAARING dumating sa rurok o pinakamataas ang El Niño phenomenon sa  April ng susunod na taon habang  63 lalawigan ang posibleng makaranas ng matinding tag-tuyot.

 

 

“The drought will come one month earlier than the previous forecast of May, with two less provinces to be affected,” sinabi ng Department of Science and Technology (DOST).

 

 

“So essentially, the effects of El Niño will still be covering the first and second quarters of 2024,” ang sinabi ni  DOST Secretary Renato Solidum Jr.  sa press briefing sa Malakanyang.

 

 

“But the peak of El Niño, in terms of drought, will be April of 2024, which is slightly different from the forecast last week or two weeks ago, that it will be May,” aniya pa rin.

 

 

Iyon nga lamang, nilinaw ng DOST  na ang matinding tag-tuyot sa susunod na taon ay hindi tatama sa CARAGA at iba pang bahagi ng  Davao Region.

 

 

Samantala, sinabi naman ni Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro  na maglalabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa lalong madaling panahon ng  executive order  na muling bubuo sa  Task Force El Niño.

 

 

Ang  task force, pamumunuan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, ay nakatuon sa seguridad sa tubig, pagkain, enerhiya at kalusugan at maging kaligtasan ng publiko.

 

 

“The President made this a presidential task force so that adequate importance and urgency is given the initiative,” ani Teodoro.

 

 

Para naman sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), masusi nitong mino-monitor ang  water supply sa urban centers at sa  agricultural sector.

 

 

Winika ni DENR Secretary Toni Yulo-Loyzaga na ang Angat Dam sa Bulacan,  nagsu-suplay ng  potable water sa Kalakhang Maynila, sa kasalukuyan ay may sapat na suplay ng tubig  dahil may water level ito na  212 meters.

 

 

Mayroon din aniyang infrastructure projects ang nakapila para sa water treatment.

 

 

“So ang instruction din ng pangulo  is to have our infrastructure investments be multi-purpose,” ayon kay Yulo-Loyzaga.

 

 

“So that one investment in a kind of infrastructure can generate several values, whether they are for flood control in the end, whether for irrigation, or eventually for water supply and distribution as well,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

QUEZON CITY LOCAL GOVERNMENT UNIT MULING PINARANGALAN

Posted on: December 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINARANGALANG muli ng Seal of Local Good Governance bilang Distinguished Local Government Unit ang Quezon City mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

 

 

Alinsunod sa Republic Act 11292 o ‘The Seal of Good Local Governance Act of 2019’ na nagbibigay pagkilala sa mga Local Government Unit na may masinop at malinis na paggamit ng pera ng bayan.

 

 

Tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang parangal para sa lungsod na iniabot nina DILG Sec. Benjur Abalos, Assistant Sec. Elizabeth De Leon, Regional Director Maria Lourdes Agustin, at Assistant Regional Director Atty. Ana Lyn Baltazar-Cortez.

 

 

Samantala, isang parangal bilang Best Fire Safety Agency sa taong 2023 ang iginawad sa lungsod mula sa Department of the Interior and Local Government – Bureau of Fire and Protection (BFP) – National Capital Region.

 

 

Ito ay bilang pagkilala sa mga inisyatibo ng lokal na pamahalaan upang maging maayos at matagumpay ang mga operasyon ng BFP sa Quezon City.

 

 

Ang parangal ay tinanggap ni Assistant City Administrator for Operations Albert Kimpo sa idinaos na BFP 50th Recognition Day. (PAUL JOHN REYES)

‘Di nakaligtas nang tanungin ni Maricel: KIM, inaming naka-hang ngayon ang kanyang lovelife

Posted on: December 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NABIGYAN na rin ng sagot ni Kim Chiu ang bali-balitang naghiwalay na sila ni Xian Lim.

 

 

Sa latest YouTube vlog ni Diamond Star Maricel Soriano, na in-upload noong December 16, 2023, kung saan naging ‘yaya for a day’ siya ni Kim habang nasa ‘It’s Showtime’.

 

 

Kaaliw ang eksena nilang dalawa, habang nagmistula talagang yaya ang award-winning actress. Lalo na nang umeksena na si Vice Ganda.

 

 

Pero hindi napigilan ni Marya na tanungin si Kim tungkol sa kanyang lovelife.

 

 

Sa gitna ng naturang vlog, nakahirit si Maricel ng, “Ang dami-daming nagbubulungan. Kumusta daw ang love life mo?

 

 

“Tinatanong nila lovelife mo, hindi naman ako makasagot kasi hindi naman ako ikaw.”

 

 

“Sino naman ang nagtatanong sa ‘yo?” tanong ni Kim kay Maricel halatang nagulat.

 

 

“Mga fans mo, ‘Day, nagtatanong sila kung kumusta na raw ang love life mo,” sagot ni Marya, at napahalakhak na lang si Kim.

 

 

Say ni Kim, “Ang love life ko ngayon ay ano…”

 

 

“Bat natatawa ka, may nakakatawa ba?,” say pa ng aktres.

 

 

“Ang love life ko ay naka-hang ngayon,” sagot ni Kim.

 

 

Kaya ang reaction ni Maricel, “Parang telepono, ‘Day, naka-hang?”

 

 

Na sinangayunan naman ni Kim, sabay iwas sa isyu at sinabing, “kumain tayo yaya, daanin natin sa kain ‘to.”

 

 

Ilang linggo na ngang pinag-uusapan ang relasyon ngayon nina Kim at Xian, na ayon sa mga nakakapansin, lalo na ang kanilang fans ay parang ‘on the rocks’ na.

 

 

At dahil sa rebelasyon ni Kim na naka-hang pa ang relasyon nila ni Xian, nawa’y magawan pa nila ito ng paraan para sila’y magkaayos.

 

 

At ‘yun ang ating ipagdasal, lalo na ngayong sasapit na ang Kapaskuhan.

 

 

***

 

 

PINATAWAN ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng Preventive Supension Order ang dalawang programa ng SMNI na “Gikan Sa Masa, Para Sa Masa” at “Laban Kasama ang Bayan,” mula 18 Disyembre 2023. Ang desisyon ay bunga ng masusing pagsusuri at imbestigasyon hinggil sa paglabag sa Batas 1986.

 

 

Nakatanggap ang MTRCB ng mga reklamo hinggil sa alegasyong umano’y death threats mula sa isang panauhin sa episode ng “Gikan Sa Masa, Para Sa Masa” noong 10 Oktubre.

 

 

Matapos ang Preliminary Conference ng MTRCB noong 08 Nobyembre, nangako ang SMNI na magpre-record sila ng kanilang palabas at susuriin nilang mabuti ang kanilang mga episode bago ito magpalabas. Ito’y matapos balaan ng Board ang SMNI na ang mga katulad na insidente ay bibigyan ng mas mabigat na kaparusahan.

 

 

Noong 30 Nobyembre naman, ang Board ay nakatanggap ng reklamo hinggil sa umano’y death threats at pagmumura mula sa isang panauhin sa “Gikan Sa Masa, Para Sa Masa” ng SMNI. Muling inilabas ng Board ang isang Notice para sa SMNI upang humarap sa Hearing and Adjudication Committee noong 07 Disyembre 2023, na dinaluhan ni Atty. Mark Tolentino ng SMNI.

 

 

Samantala, noong 30 Nobyembre, ang Board ay nakatanggap ng reklamo hinggil sa hindi-beripikadong balita ng “Laban Kasama ang Bayan” patungkol sa umano’y paggastos ng PhP1.8 bilyon bilang travel funds ni House Speaker Martin Romualdez. Kasunod ng ipinadalang Notice sa SMNI, nagkaroon ng Hearing and Adjudication Committee meeting noong 07 Disyembre 2023.

 

 

Matapos ang maingat na pagsusuri ng Board sa samu’t saring reklamo na natanggap nito, natuklasan ng Board na ang ilang aspeto ng nabanggit na mga programa ay maaaring lumabag sa itinakdang pamantayan na itinakda ng Presidential Decree No. 1986 at ng Implementing Rules and Regulations (IRR) nito.

 

 

Upang mapigilan ang posibleng pag-ulit ng mga paglabag na maaaring magdulot ng negatibong epekto sa kapakanan ng publiko, ethical considerations, at pag-protekta sa pangkalahatang reputasyon ng industriya ng broadcasting, nagdesisyon ang Board na pansamantalang suspendihin ang dalawang programa sa bisa ng Section 3, Chapter XIII of the IRR of P.D. No. 1986.

 

 

Noong 13 Disyembre, unanimous ang naging boto ng Board sa pagpataw ng labing-apat na araw na preventive suspension sa “Laban Kasama ang Bayan” at majority vote naman para sa programang “Gikan Sa Masa, Para Sa Masa.” Ang dalawang desisyon ay ayon sa kapangyarihang iniatang sa MTRCB ng Presidential Decree No. 1986, na layong ilagay sa lugar ang mga programa sa telebisyon alinsunod sa makabagong kulturang Filipino.

 

 

Ang nasabing utos na preventive suspension ay isang aktibong hakbang na naglalayong solusyonan ang mga alalahanin at siguraduhin ang pagtalima sa pamantayan ng Board epektibo sa loob ng labing-apat (14) na araw, panahong inaasahan na tutugon at bibigyan solusyon ng SMNI ang mga natalakay na isyu.

 

(ROHN ROMULO)

P18K SRI sa halip na P20K ang maibibigay lang ng DepEd

Posted on: December 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng  Department of Education (DepEd) na P18k lamang sa halip na P20,000  halaga ng Service Recognition Incentive (SRI)  ang maibibigay nito sa mga kuwalipikadong  guro at iba pang teaching personnel.

 

 

“Ayon po sa ating AO (Administrative Order) ‘no, talagang ito SRI, we will source it sa PS (personal) savings or ‘yung ginagamit natin for personnel. At ‘yun lang po talaga. We really tried to look at the numbers, we tried to see if we could give P20 [thousand] pero P18 [thousand] po yung maximum na mabibigay natin,” ayon kay Education spokesperson Undersecretary Michael Poa.

 

 

“Ganoon pa man, it’s significantly higher sa nabigay natin last year,” dagdag na wika nito.

 

 

Sinabi pa ni Poa  na ang  tax deductions sa P18,000-SRI ay dahil sa tax laws at hindi  DepEd policy.

 

 

“‘Yung tax naman po ay nasa tax laws talaga natin ‘yan, ‘no, na kapag nag-exceed ng P90,000 ang benefits na natatanggap ng kahit sinong empleyado ay nagiging taxable po siya. So hindi po DepEd policy ‘yung tax. It is really in our tax laws,” aniya pa rin.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Poa na hindi maiko-convert ng DepEd ang  budget para sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng departamento sa  Personal Services (PS) dahil gagamitin ito sa susunod na taon.

 

 

“Siguro ang nasasabi nila ‘yung mga programa na MOOE ay pwedeng i-convert to PS. Kaya lang po, ‘no, ‘yung mga budget kasi natin ay continuing. Gagamitin pa po natin siya next year,” ani Poa.

 

 

Nauna rito, sinimulan na ng school division offices at iba pang  implementing units ang pagbabayad at pamamahagi ng cash.

 

 

Pinaalalahanan naman ng  DepEd ang regions na gawing maayos ang distribusyon.

 

 

“We are constantly monitoring. Siyempre kinausap po natin ‘yung mga regions to make sure that they have procedures in place para hindi naman po mahirapan ang ating mga teachers,” anito.

 

 

May 7 rehiyon na ang nagsimula ng kanilang distribusyon.

 

 

“Sa NCR ang latest update po natin ay they are just checking, ‘no, ‘yung amount and, of course, ‘yung tax reductions and all that. And they are looking to distribute as soon as possible,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Ordanes at Arquiza, nagkasundo at nagkamayan

Posted on: December 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Tuluyan ng nagkasundo at nagkamayan ang kinikilalang kinatawan ng Senior Citizens Party-list na si Cong. Rodolfo Ompong Ordanes at si dating Cong. Godofredo Arquiza matapos pagtibayin ng dalawa ang isang kasunduan na nagtatapos ang kanilang sigalot na sinaksihan ng kanilang mga abugado sa ginanap na seremonya nitong Dec.19, 2023 sa Seda Hotel, Quezon City. (PAUL JOHN REYES)

Same sex couples, may blessing na sa Vatican

Posted on: December 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

APRUBADO na ng Vatican noong Lunes ang mga pagpapala para sa same-sex couples, isang pinagtatalunang isyu sa Simbahang Katoliko, hangga’t wala sila sa mga kontekstong nauugnay sa mga civil union o kasal.

 

 

Sa dokumentong aprubado sa ni Pope Francis , sinang-ayunan ng Vatican ang posibilidad ng pagpapala para sa magkapareha sa irregular na sitwasyon at para sa magkapareha ng same sex.

 

 

“One should not prevent or prohibit the Church’s closeness to people in every situation in which they might seek God’s help through a simple blessing,” saad ng papa.

 

 

Ngunit sa dokumento na inilathala ng Vatican faith department ay hindi nagbabago sa paninindigan ng Simbahang Katoliko sa mga kasal o unyon ng parehong kasarian.

 

 

Inulit nito ang matagal nang paninindigan na ang kasal ay sa pagitan lamang ng isang lalaki at isang babae, para sa layunin ng pagkakaroon ng mga anak — at nagsasabing walang mga pagpapala ang dapat ibigay na nakakalito sa isyu.

 

 

Ngunit ito ang unang pagkakataon na binuksan ng Vatican ang daan nang malinaw sa pagpapala ng magkaparehas na kasarian, na naging pinagmulan ng tensyon sa loob ng simbahan.

 

 

Karaniwang isinasagawa ng isang pari ang isang pagpapala na binubuo ng paghingi ng kabutihan ng Diyos sa isang tao.

 

 

Ang mga konserbatibong Katoliko partikular sa Amerika ay mahigpit na tinututolan ang pagpapala sa same-sex couples. GENE ADSUARA

No. 7 top most wanted person ng NPD, nalambat sa Malabon

Posted on: December 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BINITBIT sa selda ang isang lalaki na nakatala bilang No. 7 top most wanted person sa Northern Police District (NPD) matapos madakip sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalaqa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong akusado bilang si alyas “Beejay”, 41, construction worker, residente ng Brgy., Tugatog at nakatala naman bilang No. 8 Top MWP ng Malabon City.

 

 

Sa kanyang report kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Baybayan na nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Maj. Jo-Ivan Balberona na nakita ang presensiya ng akusado sa kanilang lugar.

 

 

Bumuo ng team ang WSS sa pangunguna ni PCMS Edwin Castilo,kasama ang 4th MFC RMFB-NCRPO saka nagsagawa ng joint manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong ala-1:35 ng hapon sa P. Concepcion St., Brgy. Tugatog.

 

 

Ayon kay Maj. Balberona, pinosasan ng kanyang mga tauhan ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Malabon City Regional Trial Court, Branch 170 Presiding Judge Zaldy Balagat Docena noong December 7, 2023 para paglabag sa B.P. 881 (Omnibus Election Code of the Philippines) in Rel. to COMELEC Reso. No. 10918 Sec. 261(Q ) atSec. 28(A) in Rel. to Sec. 28(E) of R.A. 10591.

 

 

Pinuri naman ni BGen Gapas ang Malabon police sa kanilang matagumpay na manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado na pansamantalang nakakulong sa Custodial Facility Unit ng Malabon CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. (Richard Mesa)

Aminadong may mga guy na nagpaparamdam: SANYA, gusto niya na faithful, maunawain at totoo ang pagmamahal

Posted on: December 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGING game si Sanya Lopez na pag-usapan ang tungkol sa estado ng kanyang lovelife.

 

Inamin ng Kapuso leading lady na may pumoporma sa kanya ngayon.

 

“May mga guys naman na lumalapit sa atin. ‘Di ko kasi alam kung nanliligaw ba talaga. Ayokong pangunahan,” sagot ng Sparkle star.

 

Hindi binanggit ni Sanya kung sino ang nanliligaw sa kanya. Nag-share na lang siya kung ano ang ideal man na gusto niya.

 

Ayon kay Sanya ang gusto niya ‘yung “faithful at totoo ang pagmamahal” na binibigay sa kanya.

 

Mahalaga rin daw na irerespeto siya lalong lalo na sa kanyang pamilya at sa mga taong nagmamahal sa kanya.

 

Gusto rin ni Sanya na maunawain ang kanyang ideal partner tungkol sa trabaho niya bilang aktres, lalo’t sa pagpasok ng 2024 ay dalawang malalaking projects ang gagawin niya para sa GMA: ‘Pulang Araw’ at ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre’.

 

***

 

IN-ENJOY ng husto ni Solenn Heussaff ng ang pagiging nanay bago siya bumalik sa trabaho sa 2024.

 

Si Solenn pa rin ang gaganap na Cassiopeia sa GMA telefantasya na Encantadia Chronicles: Sang’gre.

 

Hindi tumanggap ng anumang projects si Solenn pagkatapos niyang manganak sa second baby nila ni Nico Bolzico na si Maelys Lionel. Nag-turn one-year old ito noong December 13.

 

Sa France mag-celebrate ng Pasko ang Bolzico family at doon din nag-celebrate ng 1st birthday si Maelys.

 

“1 year old today time flies too fast! Te amoooo,” post pa ni Solenn sa Instagram.

 

Ito naman ang IG post ni Nico: “Happy 1 year to the one who completed the family! I am pretty sure she wouldnt have wanted any other way than spending it hugging her favorite person… Ate Tili! On a different note, it is exactly 1 year ago that Argentina made it to the WC [World Cup] Finals, it is actually related because after that game, Maëlys second name became officially Lionel (for real!)”

 

Mag-turn 3-years old naman ang panganay nilang di Thylane Katana or Tili on January 1, 2024.

 

***

 

SI Barbra Streisand ang ika-59th recipient ng SAG Life Achievement Award.

 

Ginagawad ang highest tribute na ito dahil sa career achievements and humanitarian accomplishments.

 

Tatanggapin ng 81-year-old music and film icon ang parangal sa 30th annual Screen Actors Guild Awards on February 24 sa Shrine Auditorium & Expo Hall in Los Angeles.

 

“This award is especially meaningful to me because it comes from my fellow actors, whom I so admire,” sey ni Streisand na kakalabas lang ng kanyang 992-page memoir, My Name is Barbra na nasa New York Times’ bestseller list.

 

Sa anim na dekadang career ni Barbra, nakatanggap ito ng 2 Oscars, 4 Emmys, 10 Grammys, 3 Peabodys, an honorary “Star of the Decade” Tony, an AFI Live Achievement Award, a Cecil B. DeMille Award, a Justice Ruth Bader Ginsburg Woman of Leadership Award and the Presidential Medal of Freedom.

 

Si Barbra rin ang only recording artist to achieve a No. 1 album in each of the past six decades.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

COVID-19 outbreak sa Pinas, malabo

Posted on: December 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MALABO umanong makaranas muli ang Pilipinas ng malakihang COVID-19 outbreak, sa kabila nang naitatalang pagtaas ng mga bagong kaso ng sakit nitong mga nakalipas na araw.

 

 

Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa, sa kanyang palagay ay hindi na mauulit pa ang COVID-19 outbreak na nakita noong kasagsagan ng pandemiya, kung kailan na-stress ang health system ng bansa.

 

 

Sinabi ni Herbosa na ito’y dahil sa ngayon ay mahigit 74 milyong Pinoy na ang nakatanggap ng proteksiyon mula sa COVID-19 vaccines.

 

 

Mayroon na rin aniyang nasa limang milyong indibidwal ang nakakuha na rin ng natural na depensa ng katawan laban sa coronavirus matapos na dapuan sila ng naturang karamdaman.

 

 

“I don’t think there will be large or huge outbreak that will stress the health system,” ayon kay Herbosa, sa panayam ng Headstart ng ANC nitong Martes.

 

 

Dagdag pa niya, ang takot ng mga tao laban sa COVID-19 ay hindi na katulad noong panahon ng pandemiya lalo na at marami nang alam ang tao tungkol sa naturang virus, at alam na rin nilang proteksiyunan ang kanilang mga sarili.

 

 

Tiniyak din ni Herbosa na mas kumpiyansa na ngayon ang mga doktor kung paano nila gagamutin ang mga bagong kaso ng sakit.

 

 

Hindi aniya tulad noong kasagsagan ng pandemya na takot ang lahat, at hindi lamang mga pasyente, kundi maging mga doktor at nurses ang namamatay dahil sa virus.

 

 

Sa inilabas na National COVID-19 Case Bulletin, nakapagtala ang DOH ng 2,725 bagong kaso sa bansa simula Disyembre 12 hanggang 18.

 

 

Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 389. Ito ay mas mataas ng 50 percent kung ikukumpara sa mga kasong naitala noong Disyembre 5-11.

 

 

Sa mga bagong kaso, 16 ang may malubha at kritikal na karamdaman at 16 na pumanaw.

 

 

Noong Disyembre 17, 2023, mayroong 211 na malubha at kritikal na pas­yente na naka-admit sa mga ospital dahil sa COVID-19.

 

 

Kaugnay nito, mahigpit na pinapaalalahanan ng DOH ang publiko na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.

 

 

“Laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maaari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, agad na mag-isolate,” dagdag nito.