MAY naitalang 97.18 porsiento ang bilang ng mga public utility jeepneys (PUJs) sa Metro Manila ang sumailalim sa consolidation noong 2023, ito ay ayon sa datus ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Sinabi ni LTFRB regional director Zona Russet Tamayo na walang magiging problema ang pampublikong transportasyon sapagkat may sapat na contingency plans ang LTFRB kung magkaron ng hindi inaasahang pangyayari dala ng consolidation.
“Right now, we have coordinated with Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) as well as different LGUs in case that there be need. But right now, we have mapped out for NCR and we already determined that there will be sufficient supply of public transportation,” ayon kay Tamayo.
Sinigurado ng LTFRB na may sapat na mga PUJs upang magbigay ng serbisyo sa mga pasahero matapos ang may 70 porsiento ng mga prangkisa ay sumailalim na sa consolidation sa buong bansa.
Dagdag pa ni Tamayo na karamihan sa ruta sa NCR ay may consolidation na rin at may iba pang modes ng transportasyon ang may operasyon tulad ng buses, UVs at PUJs.
“The routes in NCR which have not consolidated were considered as short distance routes. However, these short distances can already be covered by longer routes,” saad ni Tamayo.
Matapos ang binigay na deadline noong Dec. 31, 2023, ang board ay nagbigay na ng circular order para sa mga non-consolidating na mga prangkisa kung saan nila rerepasuhin ngayon January kung ang mga nasabing ruta ay may 60 porsiento or mas mababa pa ang bilang ng consolidated na prangkisa o kung wala talagang consolidation na nagawa.
Binigyan diin ni Tamayo na ang mga PUJs na walang consolidation ay hindi na puwedeng magbiyahe simula February 1 sa kanilang ruta.
Samantala, ang Department of Transportation (DOTr) ay nagbibigay ng tulong sa mga drivers at operators na hind sumali sa consolidation. May programa ang pamahalaan tulad ng “EnTSUPERneur” initiative ng Department of Labor and Employment (DOLE) at “Tsuper Iskolar” ng Technical Education and Skills Development (TESDA) na naglalayon na mabigyan ng kabuhayan ang mga drivers at operators na naapektuhan ng PUVMP.
“We have allocated funding to the EnTSUPERneur program to aid DOLE in rolling out its DOLE Integrated Livelihood Program (DILP), aimed to provide capital and capacity building on livelihood and entrepreneurship for affected workers,” wika ng DOTr.
Ang “Tsuper Iskolar” naman ay magbibigay ng scholarships at livelihood training sa mga drivers at operators kasama ang kanilang pamilya. LASACMAR