• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 5th, 2024

‘Firefly’, big winner sa ‘Manila International Film Festival: DINGDONG at PIOLO, tie sa Best Actor at si VILMA pa rin ang Best Actress

Posted on: February 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BIG winner ang ‘Firefly’ sa kauna-unahang Manila International Film Awards na ginanap noong Sabado, Feb. 3 (oras sa Pilipinas).

 

 

Ang 10 pelikulang Pilipino ay umeksena sa Hollywood, idinaos ang MIFF mula Enero 29 hanggang Pebrero 2 sa TCL Chinese Theaters sa Los Angeles, USA.

 

 

Ang ‘Firefly’ ang nagwagi ng Best Screenplay at Best Picture. Nasungkit ng bida ng pelikula na si Alessandra de Rossi ang Best Supporting Actress award, habang si Zig Dulay ay tinanghal na Best Director.

 

 

Ang makasaysayang pelikulang ‘GomBurZa’ ay humakot ng tatlong parangal, habang ang ‘Rewind’, ang first Pinoy movie na nakaabot sa P900 milyon sa takilya, ay humakot ng dalawang parangal.

 

 

Narito ang buong listahan ng mga nanalo:

 

Best Actors – Dingdong Dantes (Rewind); Piolo Pascual (Mallari)

Best Actress – Vilma Santos (Nang Nakilala Kita Sa Tokyo)

Best Supporting Actress – Alessandra de Rossi (Firefly)

Best Supporting Actor – Pepe Herrera (Rewind)

Best Director – Zig Dulay (Firefly)

Best Cinematography – Carlo Mendoza (GomBurZa)

Best Screenplay – Angeli Atienza (Firefly)

1st Best Picture – Alitaptap

2nd Best Picture -GomBurZa

Special Jury Prize – Becky at Badette

Audience Choice Award – GomBurZa

Trailblazer Awards – Mark Dacascos, Atty Romando Artes, at Rochelle Ona

Lifetime Achievement Award – Hilda Koronel

 

 

Ang iba pang celebrities na dumalo sa MIFF awards night ay sina Janella Salvador, Eugene Domingo, John Arcilla, Christian Bables, Piolo Pascual, at Alden Richards.

 

 

***

 

 

PATULOY sa pag-arangkada sa primetime ang “Black Rider” at mas lalo pang dapat abangan ang mga malalaki at maaaksyong eksena gabi-gabi – kasama na ang pagkakalantad sa tunay na pagkatao ni Elias!

 

 

Pinagbibidahan ni Primetime Action Hero Ruru Madrid bilang Black Rider / Elias, parami nang parami ang tumututok sa Black Rider sa primetime.

 

 

Lalong nagiging kapana-panabik ang mga plot twist habang nabubunyag ang mga lihim ng pamilya. Sa DNA test, malalaman na ni Señor Edgardo (Raymond Bagatsing) na si Elias ang kanyang nawawalang anak.

 

 

Samantala, handa na ring ibunyag ni Hugo (Archie Adamos) ang malagim na kuwento sa likod ng Palanga massacre. Pero lingid sa kanyang kaalaman, si Elias din ang nasa likod ng matagal na nilang tinutugis na si Black Rider.

 

 

At sa pagharurot ng lihim ng nakaraan, unti-unti ring lalamunin ng galit ang isa pang anak ni Señor Edgardo na Calvin (Jon Lucas). Paano nga ba haharapin ng tatlo ang kanilang sangandaang kapalaran?

 

 

Mismong si Ruru, nasasabik para sa mga manonood habang lalo pang lumalalim ang kuwento ng Black Rider.

 

 

“Expect bigger scenes, stunts, mas makabagbag-damdamin na mga eksena, mga drama. Pakikiligin din kayo ng mga eksena dito, patatawanin din kayo. Marami rin kaming mga guest na papasok dito sa Black Rider,” ayon sa kanya.

 

 

Ayon pa sa kanya, nais lang nilang makapag handog sa  mga manonood ng isang mahusay na palabas.

 

 

“Gusto lang din namin talagang ikuwento kung ano yung mga pagsubok na pinagdadaanan ng bawat Pilipino sa araw-araw. I guess ‘yun ‘yung secret ng Black Rider. Hindi lang siya basta action lang or drama lang kundi marami ka pang mapupulot na aral,” dagdag niya.

 

 

Kasama rin sa “Black Rider” sina Matteo Guidicelli, Yassi Pressman, at Katrina Halili. Tampok din ang mga iconic action star na sina Zoren Legaspi, Raymart Santiago, Gary Estrada, Isko Moreno, at Roi Vinzon, gayundin ang mga beteranong aktor na sina Rio Locsin, Gladys Reyes, Maureen Larrazabal, at Almira Muhlach.

 

 

Kasangga naman ni Elias bilang Biyaheros sina Empoy Marquez, Jayson Gainza, Janus del Prado, at Rainier Castillo habang ang tinik sa dibdib ang Golden Scorpion Boys na sina Dustin Yu, Joaquin Manansala, Kim Perez, Vance Larena, at Savior Ramos. Kasama rin sa cast sina Michelle Dee, Herlene Budol, Prince Clemente, Mariel Pamintuan, Ashley Sarmiento, Marco Masa, Shanti Dope, Pipay, Ashley Rivera, at Turing.

 

 

Tutok lang sa Black Rider, 8 PM sa GMA Prime. Abangan ang simulcast sa Pinoy Hits at livestreaming sa pamamagitan ng Kapuso Stream, at delayed telecast sa GTV sa 9:40 PM.

 

 

Mapapanood din ito ng mga Global Pinoy sa GMA Pinoy TV.

 

 

Para sa iba pang kwento tungkol sa Kapuso Network, bisitahin ang https://www.GMANetwork.com.

(ROHN ROMULO)

Tinupad ang pangakong ‘di iiwan ang ABS–CBN: KATHRYN, naging emosyonal sa pagpirma ng bagong kontrata

Posted on: February 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAY mga negatibong reaksiyon ang nga netizen sa napanood nilang trailer ng “Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko” na pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Julia Barretto.

 

Kung may mga kinilig pero higit na nakararami ang hindi sang-ayon sa “love angle” ng mga roles na ginampanan nila.

 

Malaking agwat ng edad ng dalawang bida na parang impossible raw. Pero may pahayag naman si Julia hinggil dito.

 

“We’re not trying to normalize anything. We’re not trying to advocate anything. We are storytellers. We wouldn’t have jumped into this production if we knew this would send the wrong message in any way,” katwiran pa ni Julia sa isang interview sa kanya.

 

Dagdag pa rin ni Julia ginawa lang daw nila ni Aga ang mga roles na ibinigay sa kanila. Kumbaga artista lang sila pero binigyan rin naman nila ng timbang ang anumang magiging opinion ng mga nanonood ng pelikula nila.

 

***

 

EMOSYONAL ang si Kathryn Bernardo nang mag-renew ng kanyang exclusive contract bilang talent ng Star Magic ng ABS-CBN.

 

Sa pagpirma ni Kathryn ay natapos na rin ang mga agam-agam at mga bulong-bulungan na iiwan na niya ang pagiging Kapamilya kasunod ng paghihiwalay nila ng ilang taong boyfriend na si Daniel Padilla.

 

Present halos lahat ng mga “bosing” ng Kapamilya network sa pagpirma ni Kathryn bilang suporta nila sa rating dyowa ni Daniel na nasa Siargao daw with Andrea Brillantes.

 

Present sa contract signing ni Kath sina Sir Carlo Katigbak (President and CEO), Chairman Mark Lopez, Maam Cory Vidanes (COO for broadcast), Direk Laurenti Dyogi (Star Magic head and entertainment production) Allan Real (Star Magic marketing head and senior talent manager), Rick Tan (chief finance officer) at si Kriz Gazmen (head of ABS-CBN films).

 

Pahayag pa ng aktres na malaki raw ang kanyang utang na loob sa ABS-CBN. Na itinuring niyang second home na naging daan para sa naging katuparan sa mga pangarap para sa sarili at sa mga mahal niya sa buhay.

 

Dagdag pa niya na tinupad lang daw naman niya ang naging pangakong hindi iiwan ang pagiging Kapamilya.

 

At hindi dahil sa sinasabing pera ang dahilan sa muli niyang pagpirma ng kontrata.

 

***

 

KAGAYA ng Metro Manila Film Festival ay maituring ding success ang first ever Manila Intenational Film Festival na ginanap sa America.

 

Umani ng mga papuri mula sa jam packed crowds na tumangkilik sa mga pelikulang naging entries din sa 2023 MMFF na kung saan nangunguna sa pinipilan ang nga movies na ‘Rewind’, ‘When I Meet You In Tokyo’, ‘Mallari’ at iba pa.

 

Kahit wala sa America ay naramdaman din naman ng mga nanood sa pelikulang WIMYIT ang presensiya ng Star for All Seasons.

 

Sa pamamagitan ng live feed ng dating artista ng kapatid ni Sharmaine Arnaiz na si Bunny Paras nag-video call si Vilma Santos.

 

Ito ay habang nasa stage si Christopher de Leon para sa ‘Talk Back’ na kung saan nagsilbing host si Bunny.

 

Kaya instant na nakausap ni Ate Vi Ang mga nanood ng pelikula nila ni Bro. Boyet na pinipilahan hanggang sa ngayon.

(JIMI C. ESCALA)

Ads February 5, 2024

Posted on: February 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Kapuso pa rin sa muling pagpirma ng kontrata: CARLA, ‘di alam na nakabalik na si TOM at ready na muling makaharap

Posted on: February 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINULDUKAN na ni Carla Abellana ang isyu na diumano ay lilipat sa ibang network dahil sa pagpirma niya ng bagong kontrata sa GMA.

 

 

Ginanap ang renewal ng kontrata ni Carla nito lamang January 29 kung saan present ang mga bosses ng GMA Network na sina GMA Network’s Chairman Atty. Felipe L. Gozon, President and CEO Gilberto R. Duavit Jr., Executive Vice President and CFO Felipe S. Yalong, at Senior Vice President for Entertainment Group, Lilybeth G. Rasonable.

 

 

In attendance rin siyempre ang boss ng Triple A Management’s President and CEO na si Michael Tuviera dahil co-managed nila si Carla with GMA.

 

 

Labis ang tuwa at pasasalamat ni Carla sa patuloy na tiwala sa kanya ng GMA bilang isang Kapuso.

 

 

Lahad ng aktres matapos ang contract signing niya, “Kanina pa po ako nagpipigil ng iyak sa VTR pa lang.

 

 

“Today is a very special day po for me… This is very, it’s valuable po sa akin, napakaimportante po into.

 

 

“Hindi ko po makakalimutan ito and I will take good care of it po. I will continue to grow and evolve and do my best yung pagiging artista po at Kapuso. Maraming maraming salamat po for this opportunity.”

 

 

Unang napanood si Carla sa GMA noong 2009 kung saan nagbida siya sa Pinoy remake ng Mexicanovela na ‘Rosalinda’ ni Thalia.

 

 

Sa naturang serye rin ay nanalo si Carla bilang Best New Female TV Personality sa 24th Star Award for Television noong 2010.

 

 

Bonggang-bongga ang career ni Carla dahil napapanood pa siya sa ‘Stolen Life’ with Beauty Gonzalez at Gabby Concepcion ay nagte-taping na rin si Carla para sa upcoming series na ‘Widow’s War’ with Bea Alonzo.

 

 

Samantala, hindi alam ni Carla na bumalik na sa Pilipinas si Tom Rodriguez.

 

 

Dalawang taon mula nang sila ay maghiwalay at pansamantalang mamalagi si Tom sa Amerika, naririto na muli ang aktor upang ituloy ang kanyang showbiz career bilang Kapuso.

 

 

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News “24 Oras”, sinabi ni Carla na, “I didn’t even know ngayon ko lang nalaman.

 

 

“I don’t feel intimidated, scared, nervous,” lahad pa ng Kapuso actress tungkol sa kung ano ang emosyong nararamdaman niya tungkol dito.

 

 

“Wala namang ganoon.

 

 

“Of course artista siya may obligation siya. He’s a Kapuso, darating naman talaga yung day na babalik siya sa trabaho.

 

 

“Hindi naman maiiwasan yan. I’ve thought about it many times, expected naman yan, nobody just knew when.

 

 

“I think naman okay lang. Ready naman ako. Hindi naman ako yung type na, ‘Ay ayoko!’ or avoidance or what. It’s inevitable, ‘ika nga.”

 

 

***

 

 

SAYANG at wala si Lianne Valentin sa mediacon ng ‘Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis Season 2’ kaya hindi namin siya natanong kung kumusta ang pagganap niya for the first time bilang isang abogada sa serye nina Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. (as Tolome) at Beauty Gonzalez (as Gloria).

 

 

Sa interbyu kay Lianne ng GMANetwork.com nagkuwento ang aktres.

 

 

Lahad ni Lianne, “Isa akong attorney dito and isa ako sa mga katulong nila kapag kailangan nila ng isang attorney. “Iba ito sa mga nagawa kong role before so kailangan ko talagang mag-research, pag-aralan nang mabuti yung role ko talaga, and paano ako mag-i-incorporate ng mga pasundot-sundot na comedy dito sa role ko na ‘to.

 

 

“Happy ako and very excited!”

 

 

Masaya siyempre si Lianne working with Senator Bong and Beauty at iba pang cast members ng serye.

 

 

“Very happy,” sabi ni Lianne.

 

 

“Si Ate Beauty, matagal ko na siyang nakikita, matagal ko na siyang napapanood. Actually, nasabi niya sa akin na nanonood siya ng Apoy Sa Langit before. Happy ako na finally makakatrabaho ko na siya.

 

 

“Si Senator Bong, excited akong makatrabaho siya. “Actually noong nag-taping kami, sobrang fun lang niya kausap, sobrang light lang ng environment kapag kasama sina Senator Bong.

 

 

“Ang sarap lang na makatrabaho sila kasi very friendly, very collaborative, and very creative rin sa eksena na talagang tatawa ka.”

 

(ROMMEL L. GONZALES)

The cast and crew weigh in on filming the exciting conclusion to an epic two-part sequel. “Tokyo Revengers 2: Bloody Halloween- Decisive Battle” in PH cinemas

Posted on: February 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

When writing the script for the Tokyo Revengers live action adaptation sequel, led by original manga author Ken Wakui, the idea was to just make one movie. “But it ended up being a blockbuster script that was over three and a half hours long. We all had a lot of discussions about the best way to present it,” producer Okada Shota explains. The final script took twice as long to complete as the first movie.

It was decided then for the sequel that it be split to two parts, with the first one, Tokyo Revengers 2: Bloody Halloween- Destiny building up suspense.  “’Bloody Halloween’ has a strong mystery element,” says Ken Wakui while discussing the film with producer Okada. The mystery of part one will then lead into a thrilling conclusion with  Tokyo Revengers 2: Bloody Halloween- Decisive Battle.

As filming began, it’s clear that the cast were putting their all into the movie. “We greeted the first day with a good sense of nervousness. I think there was some pressure on whether we could bring ourselves to our best condition,” says producer Okada, recounting the early days of filming. Takumi Kitamura, who plays the main protagonist Takemichi Hanagaki, has been a constant source of strength to the cast and crew. Producer Okada says, “Kitamura-kun is the kind of person who can overcome even the most difficult scenes with a smile on his face. Even when we stumbled on something on set, the English team was all about lifting us up to try to complete the project somehow, and Kitamura-kun was always at the center of that.”

The other cast members also brought not only their skills to the table, but camaraderie that helped filming become an enjoyable experience. Ryo Yoshizawa embodied his role as Mikey, dominating scenes and bringing the cast together with what producer Okada describes as his “tremendous sense of stability”. Mio Imada, who plays Takemichi’s girlfriend Hinata, had a lovely presence during filming and producer Okada believes that in Tokyo Revengers 2: Bloody Halloween- Decisive Battle, her character has ”She has more personality as a heroine than in the previous work.”

Watch how it all ends as Tokyo Revengers 2: Bloody Halloween- Decisive Battle opens in cinemas starting February 7, an Encore Films film distributed by Warner Bros.
(ROHN ROMULO)