SA halip na isang bonggang birthday bash pala ay isang renewal of vows ang magiging selebrasyon ni Heart Evangelista sa Pebrero 14.
Sa sosyal na Balesin Island gaganapin ang double celebration na isang intimate na ganap at piling family members at friends lamang ang imbitado.
Lahad ni Heart, “This time around my heart is definitely complete. I was 30 when I got married. But it’s different now, I know what marriage is now, so it’s very meaningful for me.
Naging emosyonal si Heart Evangelista nang mapag-usapan ang pagiging ina niya sa kambal ng anak ng kanyang mister na si Senator Chiz Escudero na sina Chesi at Quino.
“I didn’t give them the gift of life but they gave me, you know, the feeling of really what love is and they really accepted me,” pahayag ni Heart.
Sinabi rin ng Kapuso actress na nais niyang magkaroon ng sariling mga anak at handa na siya.
“It’s so hard when you question yourself of all these things but when I look back at my life, you know, with the people, and the experiences I had, all the hardships of being alone, it makes sense now.
“And I feel like if there’s any moment that I should be blessed with a baby, it should be now because I feel like I’m ready as a person and I would be able to give more.”
***
MAY mga nilalang talaga na dapat tanggalan ng wi-fi o internet connection.
Tulad na lamang ng mga walang magawa kundi magkalat ng fake news at mambiktima ng mga artista.
Latest victim si Marian Rivera kung saan may isang inimbentong social media post na may kinalaman sa kanyang biyenan.
Pinost ito ng GMA Primetime Queen sa kaniyang Facebook page, ang screenshot ng nabanggit na pekeng social media post na may mukha at pangalan niya.
Edited diumano ang nakalagay na mga salita lalo pa nga at walang X account, na dating Twitter, si Mrs. Dantes.
“Hindi ko ‘to sinasabi bakit ba may mga taong hilig mag edit!!! nakakarami na po kayo. tama na!,” as is na reaksyon ni Marian sabay pakiusap na tigilan na ang mga peke o manipulated posts.
As usual, matapos makapanggulo ng kung sino mang may gawa noon ay deleted na ang nasabing pekeng post.
(ROMMEL L. GONZALES)