• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 15th, 2024

Bigas sa halip na pera sa 4Ps, isinusulong

Posted on: February 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-AARALAN na ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala ng Department of Agriculture (DA) na magbigay ng bigas sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa halip na tulong pinansyal o pera mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

 

Sinabi ni Agriculture Undersecretary Roger Navarro na iminungkahi nila sa meeting nila sa Pangulo na kung maaari ay i-convert na lamang sa bigas mula sa National Food Authority (NFA) ang binibigay na pera sa 4Ps benificiaries.

 

 

Paliwanag ni Navarro ito ay upang maibsan ang bigat sa mga mahihirap na Filipino na kailangan pang bumili ng bigas na mayroong mataas na presyo.

 

 

Sa ganitong paraan ay babagal ang inflation sa bansa at mapapababa rin ang presyo ng bigas.

 

 

Mayroon umanong 20% na mahihirap na Pinoy sa buong bansa na nasa ilalim ng 4Ps ng DSWD na bini­bigyan ng tulong pinansyal o pera subalit kanila rin pinapambili ng bigas.

 

 

“These are 20% all over the country which are the vulnerable poor under the DSWD that is beneficiary for 4Ps. And we’re giving them money, and unfortunately because that is not rice, they’re going to buy rice in the market price; and that put pressure and inflationary in the market because they’re going to compete with the people who have money and then with only 4Ps. If we can convert the 4Ps by way of supplying them rice instead of money through NFA, then probably the inflation for rice will go down,” ayon pa kay Navarro.

 

 

Sinabi naman umano ni Pangulong Marcos na ikokonsidera nila ang nasabing panukala at titing­nan kung paano ito ipapatupad. (Daris Jose)

DIRECTOR ZELDA WILLIAMS WOULD LOVE FOR AUDIENCES TO FEEL “A BIT MORE COMFORTABLE IN THEIR WEIRDNESS, A BIT MORE SEEN” AFTER WATCHING “LISA FRANKENSTEIN,” NOW SHOWING IN CINEMAS

Posted on: February 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

When director Zelda Williams and her team first screened Lisa Frankenstein, the host asked the focus group at the end what they thought the main message of the movie was. 

 

 

 

“There was of course mention of flying body parts,” shares Williams. “But one of them, who seemed to be around 18, raised their hand and confidently answered, ‘that you can be a completely unhinged weirdo and still deserve to be loved!’ This movie won’t be for everyone, but if anyone leaves it feeling THAT way, then in my eyes, I’ve more than done my job!”

 

 

 

Watch the trailer: https://youtu.be/NIm_DkLGAk4?si=kAeFby0RwFg4tQmh

 

 

 

In Lisa Frankenstein, it’s 1989 and Lisa Swallows (Kathryn Newton), an awkward 17-year-old, is trying to adjust to a new school and a new life after her mother’s death and her father’s hasty remarriage. Despite the unwavering support offered by her plucky cheerleader step sister Taffy (Liza Soberano – who has earned local and international praise, including from Hollywood director Joe Russo, for her performance!), Lisa only finds solace in the abandoned cemetery near her house, where she tends to the grave of a young man who died in 1837 – and whose corpse she unwittingly reanimates (Cole Sprouse). Feeling obligated to help the poor soul regain his humanity, Lisa embarks on a quest to breathe new life into her long-dead new companion. All she needs to succeed are some freshly harvested body parts and Taffy’s broken tanning bed.

 

The film, inspired by 1935’s Bride of Frankenstein and ’80s favorites including Weird Science, was written by Academy Award winner Diablo Cody (Juno, Jennifer’s Body). Cody found an ideal collaborator in Williams, an actress turned filmmaker known for her voice-over work on such projects as Nickelodeon’s animated series The Legend of Korra and Teenage Mutant Ninja Turtles. Williams also starred in Freeform’s anthology series Dead of Summer and enjoyed recurring roles on the hit series Teen Wolf, before writing and directing her first short film, 2018’s Shrimp. Lisa Frankenstein is the feature film directorial debut of Williams, daughter of the late Robin Williams and part-Filipina Marsha Garces.

 

 

 

Cody was ceaselessly impressed by the atmosphere Williams fostered on set. “Zelda ran one of the most warm, welcoming and efficient sets I’ve ever seen,” says Cody. “She also grew up in the industry, so instead of seeing the usual first-film jitters, I saw a director calmly and smoothly operating inside her comfort zone. She was an ally to the actors, and to the script as well.”

 

 

Adds Kathryn Newton, who plays Lisa: “The world in the script is so heightened, but Zelda managed to inject so much heart and love into it. She’s really in the moment, thinking about every little detail. Zelda’s fun and cool and I trust her, and that’s really all you want in a director – someone you trust. She always had my back.”

 

 

 

In making a story that is a darkly funny, bizarrely romantic and gleefully gory celebration of love, Williams says she hopes to remind audiences to embrace their own eccentricities. In a world hellbent on telling people to be curated, perfect and small, it’s important to remember that sometimes, bigger and wilder is just better. “I would really love them to leave feeling maybe a bit more comfortable in their weirdness, a bit more seen in whatever way they thought made them too odd to be lovable,” says the director.

 

 

 

This Valentine’s Day, watch the funniest, goriest undead horror romance you’ll see all year. Lisa Frankenstein, distributed by Universal Pictures International, is now showing in cinemas. #LisaFrankensteinPH

 

 

 

Follow Universal Pictures Ph (FB) and universalpicturesph (IG) for the latest updates on Lisa Frankenstein.

 

(ROHN ROMULO)

FDA, bukas sa medical use ng marijuana

Posted on: February 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BUKAS si Food and Drug Administration (FDA) director general Dr. Samuel Zacate sa paggamit ng marijuana para sa  panggagamot subalit kailangan na hindi makasasama sa taong gagamitan nito.

 

 

”My take is medicine is an innovation, we cannot guarantee na ito lang po tayo at darating sa future eh wala na, hanggang dito na lang,” ayon kay Zacate sa press briefing sa Malakanyang.

 

 

”My take on marijuana is that I am open, basically, Filipinos must have a wide range of therapeutic indication, drug of choice so ako po ay for the record, to the Food and Drug Administration, as the director general is very much open for the marijuana as long as this has been streamlined as long as di makakasama sa ating mga kababayan,” dagdag na wika ni Zacate.

 

 

Aniya pa, ang panukalang batas ukol sa medical use ng marijuana ay “subject to the wisdom of the legislative branch of government.”

 

 

Sa ulat, inaprubahan na ng House Committee on Dangerous Drugs at House Committee on Health ang panukalang batas sa paggamit ng marijuana sa paggamot sa mga malalang karamdaman.

 

 

Inihayag ni House Committee on Dangerous Drugs Chairman at Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers na ang mga panukalang batas patungkol sa medical cannabis o marijuana ay pinagtibay ng kanyang komite at committee on Health.

 

 

Nilinaw naman ni Barbers na eksklusibo lamang ito sa paggamit sa medisina at hindi para sa recreational o pangliwaliw tulad ng mga sakit na insomnia, ­matinding pagkabalisa, kanser at iba pa pero dapat ay may preskripsyon ng mga accredited na mga physicians.

 

 

Ang sobrang preskripsyon ng medical cannabis ay may katapat namang kaparusahang P500,000 na hindi hihigit sa P1 milyon at pagkakakulong ng anim na buwan hanggang anim na taon.

 

 

Ang nasabing panukala ay sasailalim sa pagsusuri ng Mother Committee bago ito pagdebatehan.

 

 

Hindi naman pinahihintulutan dito na mag-export ng marijuana sakaling tuluyan na itong mapagtibay sa plenaryo ng Kamara. (Daris Jose)

Expansion ng PGH, itinulak ni Bong Go

Posted on: February 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISINULONG ni Senator Christopher “Bong” Go, chair ng Senate committee on health and demography, ang legislative bill na naglalayong dagdagan ang bed capacity ng Philippine General Hospital (PGH).

 

 

Mula sa kasalukuyang 1,500 beds nais ni Go na gawing 2,200 bed capacity ang PGH bilang bahagi ng ang kanyang layunin na palakasin ang imprastraktura ng healthcare service sa bansa para sa mga kapus-palad na pasyente.

 

 

Inihain ni Go noong Miyerkules, Pebrero 7, ang Senate Bill No. 2539 bilang tugon sa lumalaking pangangailangan para sa mga serbisyong medikal. Titiyak din ito na mas maraming Pilipino ang magkakaroon ng access sa de-kalidad na healthcare services.

 

 

Binibigyang-diin din nito ang mahalagang papel ng PGH bilang pangunahing pasilidad ng pampublikong kalusugan sa bansa.

 

 

Ayon kay Go, ang PGH ay kinukunsidera bilang pinakamalaking government tertiary hospital sa bansa at nangunguna sa pagbibigay ng panganga­lagang medikal sa libu-libong Pilipino, lalo sa mga mahihirap, sa pagtaas ng populasyon at pagtaas ng saklaw ng iba’t ibang mga kondisyon ng kalusugan.

 

 

Anang senador, panahon na para matulungan ang ospital na makatugon sa lumalaking pangangailangan ng mga Pilipino.

 

 

Dahil dito, hinikayat ni Go ang mga kasama niya sa Senado at iba pang sektor na suportahan ang panukalang batas na ito.

Asawa ni Roque, out na bilang Pag-IBIG exec

Posted on: February 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

OUT na si Mylah R. Roque bilang miyembro ng ng Board of Trustees ng Home Development Fund / Pag-IBIG Fund.

 

 

Sa katunayan, itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Maria Lourdes D. Doria-Velarde bilang kapalit ni Roque, asawa ni dating presidential spokesperson Harry Roque.

 

 

Si Doria-Velarde ang magiging kinatawan ng pribadong sektor sa Pag-IBIG.

 

 

Tinuran pa ng Malakanyang, si Doria-Velarde ay dating deputy general manager for administration ng Duty Free Philippines, at miyembro ng Board of Trustees ng Nayong Pilipino Foundation at Intercontinental Broadcasting Corp.

 

 

“She is also a content creator and culinary arts expert,” ayon pa rin sa Malakanyang.

 

 

Samantala, sinasabing di umano’y ang dahilan ng pagpapalitan at pagkakatalaga ay matapos magbatuhan ng akusasyon ukol sa paggamit ng droga sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. (Daris Jose)

PBBM, pag-aaralan ang pagtatatag ng “PHARMA-ZONES” para mabawasan ang presyo ng mga medisina

Posted on: February 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga health officials na pag-aralang mabuti ang pagtatatag ng tinatawag na pharmaceutical economic zones o “pharma-zones” para maibaba ang presyo ng medisina at masiguro ang episyenteng proseso ng regulasyon.

 

 

Sa isinagawang sectoral meeting sa Malakanyang, araw ng Martes  ukol sa pag-streamline sa drug regulatory  processes sa bansa, sinabi ni Pangulong Marcos na ang pharma-zones ang tutugon sa development at pag-manupaktura ng common generic drugs  na magpapalakas sa local na suplay at ibaba ang presyo sa “true generic level similar to India.”

 

 

“Pharma-zones should reduce prices. For the moment, ‘yung mga critical sa atin ngayon, we are hoping to follow the one that has been introduced in India, for example, naibaba talaga nila ‘yung presyo ng kanilang drugs at saka nakapag-export pa sila,” ayon sa Pangulo sa naturang pagpupulong.

 

 

“So, we want to be in the same place so that the cost of medicines is a little too high, it’s not a little too high, it’s too high. Kailangan natin maibaba ang presyo to true generic. So, if we produce it locally, we are going to bring down, but we have to get the accreditation, we have to get the authority to be able to produce those drugs and to be able to distribute them as quickly as possible,” aniya pa rin.

 

 

At upang magawa ito, winika ng Pangulo na kailangang hikayatin ng pamahalaan ang foreign at local investors na ilagay ang kanilang pera sa Philippine pharmaceutical sector sa pamamagitan ng pagpapatayo ng pharma-zones na kahalintulad ng ecozones na mino-monitor at sinusuri ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) kung saan ang mga investors ay nakakukuha ng siguradong buwis at iba pang financial incentives upang sa gayon at maibaba ang halaga ng manufacturing.

 

 

“We are talking to foreign, hopefully foreign investors, but we are also talking to the locals. My theory here is that, at the very least, we provide the locals and the foreign investors with an equal playing field. We give everyone a chance to do that. To do whatever they want. But now, it’s not really regulated,” ayon sa Pangulo.

 

 

Sinasabing, pinagsama-sama ng Pharma-zones ang mga kompanya na kaugnay sa lahat ng aspeto ng drug manufacturing kabilang na ang “research and development, clinical testing at trials at maging ang regulasyon.”

 

 

Sa kabilang dako, dinaluhan naman nina Executive Secretary Lucas Bersamin, Health Secretary Teodoro Herbosa, Budget Secretary Amenah Pangandaman, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo, Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Frederick Go, Director General Samuel Zacate of the Food and Drugs Administration at Director General Ernesto Perez of the Anti-Red Tape Authority ang sectoral meeting.

 

 

Samantala, sa press briefing sa Malakanyang matapos ang sectoral meeting, binigyang-diin ni Zacate ang paglikha ng pharma-zones na makatutulong na palakasin ang local drug production sa tatlong aspeto na kinikilala ng  PEZA.

 

 

“So it will have a role, the FDA will have a role so that pagpasok po ng isang gamot, deretso testing, deretso registration para po magkaroon po ng mabilis at malaki ang lawak ng coverage especially those essential medicines, like for example the generic drugs and the antibiotics that has been approved by the stringent regulatory authority of the different countries,” ayon kay Zacate.

 

 

“Napakaganda po ng proyekto ng ating Presidente kasi kung tatlo po iyan, it will give more influx of essential and generic drug. As of now, there are three main, but iyong isa is I think the Clark, but the two has yet to be determined by the PEZA itself kasi hindi pupuwede makapag-determine iyong FDA. We just there to streamline the process,” aniya pa rin.

 

 

Samantala, inatasan ng Pangulo ang FDA na gawing “more accessible and efficient” ang drug application process sa pamamagitan ng one-stop shop scheme upang hikayatin kapuwa ang local at foreign pharmaceutical firms na maging bahagi ngi drug manufacturing para gawing mas abot-kaya ang medisina. (Daris Jose)

Isang taon na ‘di nag-usap bago naibalik ang friendship: RITA, pinaghandaan ang pagsasabi ng nararamdaman niya para kay KEN

Posted on: February 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINASOK na rin ni Glaiza de Castro ang pag-produce ng pelikula at ang unang venture niya ay co-producer niya si Ken Chan sa mystery-thriller film na ‘Slay Zone’.

 

 

 

Kakaibang Valentine movie raw ang ‘Slay Zone’ dahil panggulat daw ito sa mga magde-date sa Araw ng mga Puso. Kasama rito ni Glaiza ay sina Pokwang at Abed Green.

 

 

 

“Okey naman ang pag-produce namin ni Ken at wala namang naging problema sa ngayon. Hopefully maging maayos din sa mga susunod naming gagawin pa.

 

 

 

“Bilib ako kay Ken kasi kahit sobrang busy siya, nakakabisita pa siya sa location namin sa Bulacan. Kaya dun pa lang alam kong seryoso siya sa ginagawa namin,” sey ni Glaiza.

 

 

 

Kasalukuyang tinatapos ni Glaiza ang ilang araw na lang na taping sa South Korea ng ‘Running Man Philippines’.

 

 

 

***

 

 

 

NAGKABATI na ulit ang dating magka-loveteam na sina Ken Chan at Rita Daniela.

 

 

 

Kinuwento nila kung paano naganap ang aminan ng feelings sa isa’t isa, ang kanilang hindi pagkakaunawaan, at pagbabalik ng maganda nilang samahan bilang magkaibigan.

 

 

 

Ayon kay Rita, pinaghandaan niya ang pagsabi ng nararamdaman niya para kay Ken.

 

 

 

“Gumastos ako. Nagpa-reserve lang naman ako ng isang cottage tapos kami lang naka-reserve that day so sa amin ‘yung buong bundok. Para kaming nasa pelikula tapos may naka-set up na picnic,” sey ni Rita.

 

 

 

Sey naman ni Ken: “Through letters, tapos ‘yung sulat sobrang liliit, tapos binasa niya sa harap ko while she’s crying.”

 

 

 

Inamin ng dalawa na mahal nila ang isa’t isa pero pinili raw ni Ken na hindi mapunta sa relasyon ang kanilang samahan.

 

 

 

“Ang sabi ko, thank you. But I’m sorry. I was not ready. I was starting my businesses. Sabi ko sa kanya, hindi pa ako handa. Kasi kung magsisinungaling, sige let’s do this, and I am not ready, mas lalo ko siyang masasaktan.”

 

 

 

Sey ni Rita: “May part na kahit trinay lang ng kaunti, hanggang saan aabot. At least nagawa kaysa marami kang what ifs.”

 

 

Pag-amin ng dalawa, may isang taon silang hindi nag-usap bago mabalik ang kanilang friendship.

 

 

“It really took us time bago kami maging ganito ulit na nakakapag-usap kami, na puwede kami magtabi,” sey ni Rita.

 

 

 

Sumikat ang tambalang BoBrey at RitKen dahil sa teleserye nila Ken at Rita na ‘My Special Tatay’ noong 2018. Nasundan ito ng mga teleseryeng ‘One Of The Baes’ (2019) at ‘Ang Dalawang Ikaw’ (2021).

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Patuloy na lalaban kahit mas lumala pa ang sakit: KRIS, gusto pang mabuhay para kina BIMBY at JOSH

Posted on: February 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KATULAD ng ipinangako ni Boy Abunda noong February 13, for the first time, magla-live si Queen of All Media Kris Aquino mula sa Amerika, sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’, sa mismong araw ng kanyang birthday, February 14.

 

Ini-reveal nga ni Kris ang makadurog-pusong detalye tungkol sa kanyang medical conditions na gusto niyang ipaalam lahat.

 

Nabanggit nga niya sa bandang huli ng interview na, “I refuse to die.

 

“Talagang pipilitin ko, because my next chapter is to become a stage mother.”

 

Matapos siyang sabihan ng kapatid na si Viel, na mag-ayos ng bihis, dahil ayaw nitong kaawaan ng tao at matakot na parang ililibing na siya.

 

“Happy Valentine’s day and I’m 53 now, I want to still be here when I’m 63,” positibong pananaw pa ng aktres.

 

Ikinuwento ni Kris ang nagkapatong-patong na sakit, na ngayon ay pati ang kanyang puso sa may problema, dahil namamaga na raw.

 

Kinumpirma ni Kris na meron na siyang limang autoimmune disease kaya lalong lumalala ang kanyang kalagayan. Ang ikalima raw ang pinakakontrabida sa lahat sa buhay niya, ang Churg-Strauss syndrome na kilala rin na EGPA(Eosinophilic granulomatosis with polyangiitis).

 

 

Matapos magkaroon ng comorbidity at magpositibo sa COVID-19, may tama na rin daw ang kanyang lungs.

 

 

Puwede rin daw siyang ma-stroke anytime, at side daw ng daddy niya ay matindi ang pagkakaroon ng cardiovascular disease.

 

“I would have been okay, kung hindi ako nagkaroon ng autoimmune disease.

 

“I was treated for this in San Francisco, December 2016. So, I was fine noong panahon na ‘yun. It was only nagka-problema na naman after ng COVID.”

 

Sabi ni Kuya Boy, ang susunod na anim na buwan ay magiging crucial sa kalagayan ni Kris, kaya tanong niya, ano ang magiging susunod na hakbang sa kanyang pagpapagamot.

 

“On Monday (Feb. 19) papasok ako sa ospital at may susubukan kaming biological na gamot,” mahinahong sagot ni Kris.

 

“This is my chance, but to save my heart. Because kung hindi ito tumalab Boy, I have a very strong chance of having cardiac arrest.

 

“As in puwedeng in my sleep. Kung ano man ang ginagawa ko, puwedeng tumigil na lang ang pagtibok ng puso.

 

“May gamot na susubukan, pero there is a big risk with this medicine. Dahil hindi binibigay ang gamot na ‘to, na hindi muna binibigyan ng steriods.

 

“Kaya on Monday, magbi-baby dose muna ako. Titingnan nila kung kakayanin ko, saka ko bibigyan ng pangalawang dose.”

 

Very honest naman si Kris sa pagsasabi sa maaaring mangyari sa kanya sa darating na buwan.

 

“I am very very upfronted honest at hinarap ko na ito. Because alam ko, na bawat araw, especially now birthday ko pa, pahiram na lang ito ng Diyos.

 

“Binigyan Niya ako ng bonus. Kaya kung ano man ang natitira, it’s a blessing.

 

“But I really want to stay alive. I mean, sino ba naman ang magsasabi na, handa na akong mamatay.

 

“Bimby is only 16, I made a promise to him na, until he becomes an adult, I will do everything, lahat gagawin ko.

 

“Ang kuya niya falls under autism spectrum. Ako lang ang nagpalaki sa kanila, kaya kailangan pa nila ako.

 

“But on the flipside of that, after Monday, wala akong immunity. Puwede na akong dapuan ng kahit na anong sakit at wala akong panlaban doon.”

 

Tanong tuloy ng mga netizen, bakit daw ang hirap gumaling ni Kris sa kanyang mga sakit.

 

“Ang daming hindi puwede gamitin sa akin. Kumbaga, papasok ka sa giyera, ang mga kalaban mo lahat naka-armalite, lahat sila may assault rifle, ikaw, binigyan ka ng butter knife or tinidor.

 

“Pero buhay ako ngayon, at alam ko, dahil tiwala ako sa dasal na kakayanin pa ‘to.

 

“Ito lang ang sinabi ko sa Ate ko, ‘Ate if something happens to me, it will show people na prayers, hindi pinapakinggan ng Diyos ang napakaraming dasal ng mga tao.”

 

 

Huling tanong ni Kuya Boy, ang dasal ngayon ni Kris?

 

“I just wanna thank God. Gusto kong magpasalamat, because people that I don’t know, people that I never met. Yung hindi ko kakilala, everywhere.

 

“Wala akong na-encounter na hindi nagsabi sa mga anak ko, mga kapatid ko at mga kaibigan, ‘na ipinagdarasal nila at sinasabi nilang kailangan siyang gumaling. Kasi meron pa kaming hinihintay na galing sa kanya. Gusto pa namin siyang mapanood’.

 

“But, I cannot promise you that. Kasi ang dami ko nang hindi kayang gawin.

 

“Pero ito po ang pangako ko sa inyo, hindi ko kayo bibiguin dahil sumuko ako. Wala sa pananaw ko sa buhay na puwedeng sumuko, kailangang lumaban.

 

“Hindi ko ipapahiya ang sarili ko sa inyo dahil binigyan n’yo ako ng pinakamagandang regalo. ‘Yung pagmamahal ninyo, pagsuporta at pagdarasal ninyo.

 

“Kasi, wala naman akong nagawa para sa inyo. Pero kayo sobra ang binibigay n’yo sa akin na lakas. I know that you’re praying for me and that’s the biggest gift that anyone can give.”

 

Dagdag pahayag pa ni Kris para kanyang mga kapatid.

 

“I missed them so much! I loved them so much and it’s so hard.”

 

Nagpasalamat din si Kris sa mga kaibigan niya, lalo na yung nag-effort na puntahan siya sa Los Angeles, dahil nalaman niya kung sino talaga ang totoong kaibigan.

 

Panghuli niyang pasasalamat kay Boy at sa GMA, “I want to say thank you also to you for making this happened.

 

“Thank you to Mr. Duavit, Ms. Annette and everybody in GMA dahil kayo ang nagbigay sa akin ng venue para mag-explain sa mga tao kung ano ang nangyayari sa akin.

 

“And also to our friend, Ms. Jessica Soho, kasi Boy, alam mo naman na kanya nakapangako ang interview na ‘to. Pero noong nalaman niya sa ‘yo ko binigay, wala talaga siyang pag-aalinlangan.

 

“Dahil alam niya you are like a brother to me.”

 

May God bless you Kris, patuloy kaming magdarasal na malampasan mo ang pagsubok na ito.

(ROHN ROMULO)

Ads February 15, 2024

Posted on: February 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Malinta pumping station, 2 school buildings binuksan sa Valenzuela

Posted on: February 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ALINSUNOD sa pagdiriwang ng 26th Charter Day ng Valenzuela City, pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian ang pagpapasinaya at pagbabasbas sa bagong gawang Malinta Pumping Station, at dalawang bagong gusali ng Pinalagad Elementary School sa Barangay Malinta.

 

 

Ang bagong gawang pumphouse ay matatagpuan sa Barangay Malinta na isang mahalagang proyekto ng Lungsod bilang solusyon para maiwasan ang mga pagbaha sa panahon ng tag-ulan sa mababang lugar ng Malinta at mga karatig barangay ng Lungsod ng Malabon.

 

 

Sa kasalukuyan, may kabuuang bilang na 24 pumping station ang lungsod kabilang itong bagong bukas na pumphouse na may tatlong unit ng 270-horsepower water pump na may kapasidad na 2 cubic meters para sa bawat pump at isang 500 KW electric generator para sa backup.

 

 

Bukod dito, pinangunahan din ni Mayor WES ang pagbubukas ng dalawang bagong 4-storey school building sa Pinalagad, Barangay Malinta na nakatayo sa 300-square-meter na lote na donasyon ng pamilya Gan kung saan mayroon itong 24 na silid-aralan, isang activity center, isang cafeteria, at isang administrative at faculty office.

 

 

Ang bagong Pinalagad Elementary School na ito ay maaaring tumanggap ng humigit-kumulang 1,000 mag-aaral bawat araw at tumutugon sa pangangailangang magtayo ng bagong paaralan sa loob ng komunidad ng Pinalagad.

 

 

Sa kanyang maikling pahayag, ibinahagi ni Mayor WES ang kanyang inspirasyon kung paano siya nakabuo ng mga makabuluhang proyekto para sa Pamilyang Valenzuelano sa Sitio Pinalagad.

 

 

“Sa totoo lang, hindi ko po nakikita ang vision noong panahon, dahil alam kong napakasikip ng lugar natin. Nagsisikipan ang mga bahay dito, nagsisiksikan ang mga tao dito, dahil wala po tayong lupa. Pero pwede palang mangyari ang isang bagay na akala natin ay imposible. Dito sa Pinalagad ay nagtayo po tayo ng gusali na maaaring magbigay ng classroom sa mahigit isang libong estudyante,” aniya.

 

 

Nagpahayag din ng pasasalamat si Mayor WES kay Mr. Kelvin Gan at sa kanyang pamilya sa pagbibigay ng lote kung saan matatagpuan ang bagong pampublikong paaralan. (Richard Mesa)