• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 20th, 2024

Ads February 20, 2024

Posted on: February 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Tax break sa e-motorcycles posible sa pagrepaso sa EV incentives

Posted on: February 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG repasuhin sa susunod na linggo ang executive order na nagbabago sa tariff rates para sa electric vehicles (EVs), kung saan posibleng maisama ang e-motorcycles sa listahan ng mga sasakyan na nakikinabang sa tax breaks.

 

 

Naunang sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) chief Arsenio Balisacan na ang Executive Order No. 12, series of  2022 na nagbibigay ng tax breaks sa ilang uri ng EVs ay magkakaroon ng mandatory review ngayong buwan.

 

 

Ang EO12 ay na-upload sa Official Gazette noong January 19, 2023, at nagkabisa noong February 20, 2023. Isasailalim ito sa pagrepaso simula February 21, 2024.

 

 

Ang EO12 ay inilabas upang palakasin ang Electric Vehicle Industry Development Act (EVIDA), sa layuning maisulong ang EVs sa bansa para matulungan itong maitulak ang green transport at mabawasan ang carbon emissions.

 

 

Maliban sa e-motorcycles, na hindi kasama sa tariff suspension at pinapatawan pa rin ng 30% import charge, ang iba’t ibang uri ng electric vehicles at mga component nito ay nakakuha ng mas mababang taripa sa ilalim ng EO12 mula sa dating 5% hanggang 30% sa kasalukuyang 0% import duty.

 

 

Ang NEDA ang ahensiya na nagrekomenda sa pagpapatupad ng EO12 sa loob ng limang taon upang baguhin ang tariff rates para sa ilang EVs at mga parts at components nito.

 

 

Nagpahayag ng alalahanin ang EV industry stakeholders sa EO12 buhat nang simulan ito noong 2023, binigyang-diin na hindi makatarungan na i-etsa-puwera ang e-motorcycles sa mga tumatanggap ng tax breaks mula sa pamahalaan kahit na ang motorsiklo ang bumubuo sa karamihan sa mga motorista sa bansa, ayon sa datos mula sa Land Transportation Office (LTO).

 

 

Sa datos ng Statista Research Department, nasa 7.81 million private motorcycles at tricycles ang nakarehistro sa Pilipinas noong 2022.

 

 

Ito rin ang nagtulak kay Albay Rep. Joey Salceda na ihain ang House Bill 9573, na naglalayong rebisahin ang EO12, upang isama ang  e-motorcycles ss EVs na nabibigyan ng tax breaks. (Daris Jose)

Nag-react si Oyo sa photo na pinost: KRISTINE, buntis uli sa ika-anim na anak at parang laging first time

Posted on: February 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
SA Instagram post ng aktres na si Kristine Hermosa-Sotto, in-announce nito na ipinagbubuntis niya ang ika-anim na baby nila ni Oyo Sotto.

Makikita sa post ang solo photo ni Oyo na kuha sa shooting na may hawak na baril at ang ultrasound image ng kanilang baby.

 

Kahit na pang-anim na niya itong pagbubuntis, pero parang first time pa rin daw ang nararamdaman ni Kristine.

 

“I have never doubted Gods power and faithfulness in my life — I may at times feel discouraged but I always have a strong sense of security that only God gives I know He’s got our backs all the time.

 

“To be honest, I was hopeful but never really expected He would bless us with children.. like.. lots of them and another one on the way..”

 

Pagpapatuloy pa ni Kristine, “funny as it may seem, but I still get those butterflies evertime I see double lines on the PT, kahit pa na ang dami na nila, parang laging 1st time.. ibat ibang level ng overwhelming emotions each stage of every pregnancy. ibang level din when you can already see and hear the heartbeat Iba lang talaga ang peace and joy pag galing kay God.

 

“One things for certain, we really cannot limit God’s power.. even how impossible it may seem — God’s plans will always come into completion whether we like or not. akala ko noon, last na si Isaac… ngayon, hindi ko na talaga alam kay God..

 

“I praise the Lord for whatever plan He has for me and my super growing family– after all He is my creator, my Lord and saviour, my provider, my peace & joy, my eternal hope & ultimately my heavenly Father…

 

“I am His. He definitely knows best and I know how much He loves me and you. Keep on believing!”

 

Natatawang komento naman ni Oyo, “Grabe naman yun picture ko dyan. ”

 

Na sinagot naman ng aktres ng, “@osotto alam mo na kung bakit ganyan! ”

 

Ang sister naman niyang si Kathleen Hermosa-Santos na ikinasal last year, ay nagkomento ng,  “AKO NA NEXT!!!LORD!!!”

 

Say naman si Kaye Abad-Castillo, “Isa pa???? Hahaha! Congrats!!!!”

 

Post naman ni Ara Mina, “Wow! Another blessing! Yes Kath sunod ka na kay Tin. Congrats Tin and @osotto.

 

Three hearts emoji naman ang comment ni Maine Mendoza-Atayde, na hinuhulaan nabubuntis this year.

 

Kaya comment ng netizen, “@mainemendoza at dahil sa pa [three red hearts] mo ikaw na susunod.?”

 

Comment pa ng isang netizen, “Grabe ang lahi ng mga sotto taon-taon may na dadagdag.”

 

Marami pang bumati na showbiz friends nina Oyo at Tin tulad nina Mariel Padilla, Joross Gamboa, Carla Abellana, Rodjun Cruz, Jason Abalos, Baron Geisler at marami pang iba.

 

Turning three na pala this year ang bunsong anak ng mag-asawa na si Vittorio Isaac. Ang apat pa nilang anak ay sina Kiel, 16, Ondrea Bliss, 13, Kaleb Hans, 10, at Marvic Valentin, 8.

 

Congrats Kristine and Oyo!

(ROHN ROMULO) 

Ginanap sa Coron kasama ang pamilya at piling kaibigan: LUIS, natupad ang plano na tahimik at solemn ang church wedding nila ni JESSY

Posted on: February 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
SA first anniversary ng “Dear SV” sinorpresa ni Kapuso aktres Rhian Ramos si Cong. Sam Verzosa. 
Last February 6 ay isang memorable date yun kay Sam at siyempre ng programa niyang  “Dear SV” kung saan ipinagdiwang ng programa ang first year anniversary.
Nakuha agad ng programa ang puso ng mga manonood, na unang ipinalabas sa CNN, sa pamamagitan ng mga nakaka-inspire na kuwento ng kababayan nating salat sa buhay pero patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay.
“Iba po itong programa natin dahil tumutulong po tayo sa mga taong gustong tulungan ang kanilang sarili,” paliwanag ni Sam.
Ayon pa rin sa mambabatas ay gagawin daw nilang mas memorable ang episode ng anibersaryo, kung saan nagbigay-sorpresa si Rhian Ramos.
Si Rhian ang pinakamalapit na babae kay Sam at ang aktres ang  host ng episode. Kung kaya nakadagdag daw para panoorin ng mga televiewers ang “Dear SV”, huh!
Sa buong episode, ang mga indibidwal na natulungang mabago ang buhay ni SV ay nagbahagi ng kanilang taos-pusong papuri at pasasalamat sa pamamagitan ng mga nakaka touch na video messages.
Hindi napigilang tumulo ang luha ni SV habang nakatutok sa mga emosyonal na testimonial, na nagpapatibay sa positibong epekto na naidulot ng show sa ating mga kababayan sa loob ng isang taon.
Ang “Dear SV” ay magpapatuloy na tumulong at bumabo ng buhay ng mga kababayan natin, nananatiling tapat si Sam “SV” Verzosa sa paglikha ng programa na magbibigay inspirasyon at pagasa sa mga tao.
“Mas lalo pang lumalim ang dahilan ko para ipagpatuloy ang Dear SV. Magandang regalo sa akin ito hindi lang dahil nandito si Rhian kundi pati na din sa mga taong natulungan natin.
“Tunay na nakatataba ng puso na makita silang umaahon at patuloy na lumalaban sa buhay dahil lang sa munting tulong na naibigay ko,” mensahe pa niya.
Ang “Dear SV” ay mapapanood tuwing Sabado 11:30 pm sa GMA 7 at online.
***
NATUPAD ang plano ni Luis na gawing tahimik at solemn ang church wedding ng asawang si Jessy Mendiola.
Sa isang simbahan sa Coron, Palawan naganap ang kasalan nung Huwebes Feb. 15, 2024.
Bukod tanging saksi sa kasalang naganap ang malalapit na pamilya at ilang piling piling kaibigan sa loob at labas ng showbiz.
Kung hindi nakadalo sa kanilang garden wedding na ginanap sa San Benito Farm sa Batangas last Feb. 21, 2021 ay present this time sa kanilang church wedding ang pamilya ni Jessy, huh!
Siyempre kumpleto pa rin ang pamilya ni Luis sa pangunguna ng inang Star for All Seasons Vilma Santos, amang Edu Manzano, step father na si Sec. Ralph Recto ang kapatid na si Ryan Christian.
Kabilang naman sa principal sponsors sina ABS-CBN Chief Executive and President Carlo Katigbak, COO for Broadcast Cory Vidanes at ang manager ni Luis na si June Rufino.
Sina Alex Gonzaga at Mikee Morada na nagsilbing secondary sponsors ng dalawa.
Congratulations Luis and Jessy!
(JIMI ESCALA) 

“DOING HORROR MOVIES IS A WAY OF TAKING CONTROL OF MY FEARS,” SAYS AMÉLIE HOEFERLE, WHO PLAYS ONE OF THE WALLER CHILDREN IN THE SUPERNATURAL THRILLER “NIGHT SWIM”

Posted on: February 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

“The children were great!” says Academy Award nominee Kerry Condon of Amélie Hoeferle and Gavin Warren, who play her character’s children in Night Swim, a new supernatural thriller opening in cinemas this week. 

In Night Swim, based on director McGuire’s acclaimed 2014 short film of the same name, Ray Waller (Wyatt Russell) is a former major league baseball player forced into early retirement by a degenerative illness. Secretly hoping, against the odds, to return to pro ball, Ray persuades his wife, Eve (Condon), that their new home’s shimmering backyard swimming pool will be fun for the kids (Hoeferle and Warren) and provide physical therapy for him. But a dark secret in the home’s past will unleash a malevolent force that will drag the family under, into the depths of inescapable terror.

Watch the trailer: https://youtu.be/hgnUYV330cA?si=I447yv_uA3Bt25du

To Hoeferle, who plays 15-year-old Izzy Waller in the film and who first captured Hollywood’s attention with an award-winning horror short, The Boogeywoman, horror vibes come easy. “It’s funny that I keep getting drawn into these scary stories, I find it amusing,” Hoeferle says. “I used to be an anxious child. I still am in some ways. I used to fear a lot of things. So doing horror movies is a way of taking back that fear and taking control of it.”

Despite her experience in the genre, reading the script for Night Swim proved to be a chilling experience. “When I first got the script, I was so scared reading it,” Hoeferle says. “It was night, the lights in my house were dim, and I remember reading it at my desk and feeling like someone was behind me. Just in general, the script captures that scary feeling that there’s something lurking in the shadows, hunting you, and more specific to the movie, it captures that dread you feel when you’re in the water, whether it’s the ocean or in a pool, and you let yourself wonder: Is there something underneath me? It’s such a potent, primal fear.”

The role of 12-year-old Elliot Waller was the toughest to cast, according to director Bryce McGuire. Luckily, they found Warren, who is “an absolute fish, an amazing swimmer who loved the water,” says McGuire.

But the water work wasn’t always easy for Warren, especially if the scenes involved interacting with the pool’s ghoulish entities. “Whenever Elliot goes into the pool, things get creepy,” Warren says. “He seems to be able to see the weird, monstrous things that haunt the pool that no one else can. But for me, seeing these monsters was rather scary, because the make-up on them was so good. I did not want to get in the water with them.” But Warren’s experience in the post-apocalyptic world of Fear the Walking Dead served him well. “I had an awesome time making this movie,” Warren says. “I love scary movies and TV shows, and I love doing them, whether it’s doing scenes with monsters or getting dragged around by them. I love doing my own stunts, when they let me.”

Dare to take a dive when Night Swim, distributed by Universal Pictures International, opens in cinemas February 21. #NightSwimMoviePh

Follow Universal Pictures PH (FB)UniversalPicturesPH (IG) and UniversalPicsPH (TikTok) for the latest updates on Night Swim.

(ROUND ROMULO) 

Valenzuela magtatayo ng Command Center at nagbigay ng 2 SWAT vans

Posted on: February 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng ika-26th Charter Day ng Lungsod ng Valenzuela, pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian ang groundbreaking ng One Valenzuela Command Center na magsisilbing satellite office ng ALERT sa Barangay Paso de Blas.

 

 

Ang apat na palapag ng gusali na ito ay maglalaman ng Valenzuela City Command, Control, and Communication Center (VCC3), Traffic Management Office (TMO), Valenzuela City Disaster Risk Reduction and Management Office (VCDRRMO). ), Philippine National Police (PNP) Office, Anti-Cyber Crime Unit, Electric Vehicle Charging Station, at Radio Tower.

 

 

Makakatulong ang command center sa layunin ng lokal na pamahalaan na itaguyod sa lungsod ang kaayusan at katahimikan.

 

 

Kasabay nito, nagturn-over din si Mayor WES ng mga service vehicle sa Valenzuela Police at sa Brgy. Gen. T. de Leon at dalawang van para sa Special Weapon ang Tactics (SWAT) team.

 

 

Ang dalawang SWAT van na ito ay partikular na idinisenyo upang mag-imbak ng kanilang mga kagamitan o arsenal para bigyang kapasidad ang mga tauhan ng SWAT na tumugon nang mabilis sa mga high-risk na misyon.

 

 

May jump seat sa likuran ng passenger area, bench seats na may aluminum cabinet, pin lights, mga cabinet na may arm racks, overhead grab handle, roof rack para sa sniper, grill bars sa magkabilang gilid ng bintana, grab bars at foothold, run flat na gulong at mags, blinkers, sirena at 360-degree camera na may monitor ang SWAT vehicles.

 

 

Habang ambulansiya naman ang naipamahagi ng pamahalaang lungsod sa Brgy. Gen. T. de Leon bilang karagdagang sasakyan sa pagkakaloob ng serbisyo. (Richard Mesa)

Cancer survivor pens open letter to PBBM: ‘Give importance to cervical cancer’

Posted on: February 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Reggie Mutia Lambo Drilon, cervical cancer survivor, outspoken patient rights advocate, and current president of the Cancer Survivors Organization at the Philippine General Hospital (PGH), is calling the attention of President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. to the plight of cancer patients, particularly female patients battling cervical cancer who are highly dependent on the government’s cancer health services for their treatment and survival.

 

 

 

In an open letter to the President that Ms. Drilon published on their organization’s Facebook Page, just in time for the 5th anniversary of the enactment of the National Integrated Cancer Control Act (NICCA), she spoke of her hope that the President will recognize the physical, emotional, and financial burden of cancer and find the means to help the many Filipinas who are already afflicted, as well as those who will still be afflicted, by the disease.

 

 

 

“Pagbabakuna ng mas marami pa, malawak na screening para sa mga kababaihan, at sapat na suporta sa mga hindi naiwasan ang kanser at kasalukuyang nakikipaglaban sa sakit na ito ang aming idinudulog sa inyo (Vaccination for many more [women and girls], expanded screening, and sufficient support for the patients who contracted cancer and are currently struggling to manage the disease, these are what we petition from you),” she implored the President.

 

 

 

She harked back to her personal experience as a cervical cancer survivor, describing a decade-long pain-filled fight that rendered her unable to work and mired in debt—a common plight for many cancer patients. She also spoke of how cancer impacts the lives of not just the female cancer patients like her, but also the extended networks that provide what little support they can, only to feel helpless when the person they cherish—mother, wife, sister, friend—struggles to recover her health, or worst-case scenario, loses her life.

 

 

 

Cervical cancer is the second most frequently diagnosed cancer among Filipino women, said Ms. Drilon. Moreover, 11 women die from the disease on a daily basis; she says her own sister was one of the women lost to cancer. She expressed regret for learning too late that some types of cancer can be prevented, and that there is a vaccine that would have kept them both safe from cervical cancer.

 

 

 

Dinggin nyo po sana ang aming hinaing, bigyan po sana ninyo ng importansya ang sakit na cancer upang maiwasang dumami pa ang kababaihan na magkaroon nito o kaya’y lumala pa ang karamdaman (Please hear our plea, and give importance to cancer so that we prevent more women from contracting the disease, or from experiencing worsened symptoms and progressively deteriorating health due to the disease),” said Ms. Drilon.

 

 

 

This Cancer Awareness Month of February, Ms. Drilon is raising awareness of the challenges experienced by cervical cancer patients, but also of the very real possibility that more women and girls will be saved through effective preventive measures such as expanded coverage for vaccination and screening, as well as quality and affordable cancer care, under a well-funded government initiative. The NICCA serves as the framework for all cancer-related activities of the government, including the National Cancer Control Program and the Cancer Assistance Fund.

 

 

 

Isa lang po ako sa maraming umaasa sa benepisyo ng National Integrated Cancer Control Act ng Pilipinas. Umaasa po kami na magkakaroon ng Bagong Pilipinas para sa amin, at para sa iba pang pasyenta ng cancer na nangangailangan pa. (I am just one of many who are counting on the benefits under the National Integrated Cancer Control Act of the Philippines. We are hopeful that there will be a New Philippines for us, and for the cancer patients who still need assistance)” said Ms. Drilon.

 

 

 

Read the complete letter on: https://bitly.ws/3d5Xn.

 

 

 

Ms. Drilon’s petition is aligned with the global initiative for cervical cancer elimination devised by the World Health Organization, where 90% of girls should be fully vaccinated with HPV vaccine by 15 years of age by 2030; 70% of women are screened with a high-performance test by 35 years of age and again by 45 years of age; and 90% of women identified with cervical disease receive treatment (90% of women with precancer treated, and 90% of women with invasive cancer managed). After a slow start during the pandemic, the Philippines needs to accelerate its efforts to meet these targets. ###

Medical Assistance for Indigent and Financially-Incapacitated Patients (MAIP) umakyat sa ₱58 billion ngayong 2024

Posted on: February 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TUMAAS ng 78% o P58 bilyon ang Medical Assistance for Indigent and Financially-Incapacitated Patients (MAIP) ngayong taon ng 2024.

 

 

Ang MAIP ay isang national initiative na naglalayong magbigay ng tulong pinansiyal para sa mga  underprivileged patient.

 

 

Matatandaan na umabot lamang sa ₱32.6 billion budgetary provision sa 2023 General Appropriations Act (GAA).

 

 

Ang pagtulong ay mas mataas kaysa sa 2024 General Appropriations Bill level na P22.264 billion.

 

 

“Among the many things that the pandemic underscored the past few years, not just in the Philippines but all over the world, is our need for equity-focused health care. Historically, health discrepancies endure among marginalized groups, which is why our government is doing its best to give every Filipino, especially the most vulnerable, access to fair and quality medical care,” ang ibinahagi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Mina F. Pangandaman.

 

 

Ang MAIP ay ginagamit para sa pagpapa-ospital at medical support ng indigent at financially incapacitated patients kabilang na ang “in-patient, out-patient, comprehensive check-ups at emergency services” at maging ang droga, medisina at professional fees. Maliban sa mga indigent individuals, iyong mga ipinakita ang kanilang walang kakayahan na magbayad o gumastos sa mga kiinakailangang gastusin  para sa kanilang medical treatment ay makatatanggap ng medical assistance.

 

 

Sa ilalim ng Bagong Pilipinas, masigasig si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para i-improve ang pangkalahatang healthcare system ng bansa at gawing mas accessible ang tulong medical sa mga Filipino, kapwa ay instrumental para makamit ang socio-economic goal ng kasalukuyang administrasyon.

 

 

Sakop ng programa ang DOH Hospitals, Specialty Hospitals, State Universities and Colleges (SUC), Local Government Units (LGUs) at iba pang health facilities, kapuwa pribado at pampubliko.

 

 

“Subject to the guidelines issued by the DOH. For accountability and research purposes, the Department of Health (DOH) posts on its website the name of recipient hospitals and the age, gender, city, municipality, and the disease of indigent and financially incapacitated beneficiaries,” ayon sa ulat. (Daris Jose)

Dahil priceless yun at ipagmamalaki hanggang tumanda: ALLEN, nalungkot din sa ginawang pagbenta ni JIRO sa kanyang Best Actor trophy

Posted on: February 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGING malaking balita ang tungkol sa pagbebenta ni Jiro Manio ng kanyang 2004 Gawad Urian Best Actor trophy (para sa ‘Magnifico’) sa kolektor at Pinoy Pawn Stars vlogger na si Boy Toyo.

 

 

Dahil sa pangangailangan sa pera ay ibinenta ni Jiro kay Boss Toyo sa halagang seventy five thousand pesos ang acting trophy.

 

 

At bilang may limampung acting trophies na mula sa iba-ibang award-giving bodies dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa, ay hiningan namin ng reaksyon tungkol dito si Allen Dizon.

 

 

“Hindi ako si Jiro e,” umpisang sinabi ni Allen. “Hindi ako ang nasa posisyon niya, e. Hindi ko alam kung ano yung nasa isip niya, ano ang nasa utak niya, kung kailangan niya ng pera, kailangan niya ng ganito.

 

 

“Pero siyempre kung ikaw artista ka, kumbaga ipagmamalaki mo na yan hanggang tumanda ka na, hanggang sa mga apo mo, at kapag namatay ka na meron kang legacy na, ‘Ito si Jiro Manio Best Actor ng Urian!’

 

 

“It’s priceless, hindi mo puwedeng ibenta ng kahit magkano yan.”

 

 

Kaya nga nalungkot si Allen ng nalaman ang nangyari.

 

 

“Siyempre ako… I can’t imagine na yung mga anak ko ibebenta nila yung trophy ko kapag namatay ako. Di ba?

 

 

“Kumbaga hindi mo sila puwedeng bigyan ng idea na, ‘O pag namatay na ako benta niyo ‘to para magkapera kayo.’

 

 

“Hindi, e! Kumbaga priceless yun, hindi mo mabibili ng pera yun. Kumbaga pinaghirapan mo yun mula nung time na nag-artista ka, iyon yung validation mo, iyon yung pagkilala sa iyo na magaling kang artista.”

 

 

Gipit sa pera si Jiro kaya nagawa nito ang magbenta ng tropeyo.

 

 

Lahad ni Allen, ”Iyon nga, wala kasi ako sa ano ni Jiro, wala ako sa posisyon niya pero hindi ko siya masisisi.

 

 

“Pero sa akin as an actor, sa akin, hindi ko puwedeng ibenta yung alam kong priceless sa akin, e.

 

 

“Kasi parang binenta ko yung pagkatao ko. Parang, wow!

 

 

“So lahat na lang pala ng trophy puwedeng ibenta? So ikaw ang Best Actor, pero wala kang proof.”

 

 

Nakausap namin si Allen kamakailan sa birthday party ni Baby Go na isang film producer sa pamamagitan ng kanyang BG Productions International na siyang producer ng AbeNida nina Allen at Katrina Halili na malapit nang ipalabas sa mga sinehan.

 

 

Isa sa mga nakaplanong gawin ng BG Productions International this year ang isang horror family drama ng direktor na si Joel Lamangan kung saan ang nais sana nilang maging cast members kung matutupad ay sina Carmina Villarroel, Richard Yap at Beauty Gonzales also hopefully with Jillian Ward, Ken Chan, Seth Fidelin at Juan Carlos Labajo.

 

 

Naka-lineup na rin ang pelikula nina Allen at Bela Padilla na kukunan sa Australia sa direksyon ni Adolf Alix, Jr;  isang pelikula with Pokwang to be directed by Louie Ignacio  at isang comedy flick directed by Neal Tan na bida ang mga  music icons na si Pilita Corrales, Imelda Papin, Eva Eugenio at Dulce.

 

 

***

 

 

HINDI tutol si Celeste Cortesi na pasalihin ang mga transwomen, mga dating lalaki na babae na ngayon dahil sa operasyon, sa anumang beauty pageant, tulad ng Miss Universe.

 

 

“Well I think that’s not even like, like a news, we had it before, and there’s nothing wrong with it, to be honest. It’s not about the sex, the age, the beauty anymore, it’s more about what you can bring in the table,” pahayag ni Celeste (Che-leste ang bigkas) na Miss Universe Philippines winner noong 2022.

 

 

Pagpapatuloy pa ni Celeste, ”And these women they have such inspirational backgrounds that’s why they join Miss Universe, that’s why they the chance to be Miss Universe.

 

 

“So I think I will always choose to see the positive side to it and this is positivity and it gives more chances for more women.”

 

 

Hindi raw siya masasaktan kapag tinalo siya ng isang transwoman sa isang beauty pageant.

 

 

“I wouldn’t be mad about it, I cannot be mad about it, I cannot be mad about it.

 

 

“It’s her space, it’s her right to win,” sinabi pa ni Celeste na gumaganap bilang si Diamond Ricci sa season 2 ng ‘Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis’ ng GMA tuwing Linggo, 7:15 pm.

(ROMMEL L. GONZALES) 

Unlocking Healthier Future: Renal Denervation Makes Waves as New Hypertension Treatment

Posted on: February 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Are you struggling to keep your blood pressure in check despite medications and lifestyle changes? Turning off some kidney nerves might just be for you.

 

 

 

At a recent medical consensus forum titled ‘Renal Denervation: A Blood Pressure Procedure,’ top hypertension specialists and interventionalists spotlight a new and promising approach for managing difficult-to-treat high blood pressure. The event was organized by the Philippine Society of Hypertension and the Philippine Heart Association, with support from Medtronic.

 

 

 

Over the years, hypertension continues to be a health crisis in the Philippines. It is estimated that nearly every family is touched by high blood pressure in some way. Based on recent studies, 7 out of 10 older Filipinos are living with high blood pressure.

 

 

 

With a high salt diet, coupled with a sedentary lifestyle, excess weight, and inadequate primary prevention care, hypertension has remained challenging to control for many Filipinos – a problem compounded by low health literacy on maintaining healthy blood pressure.

 

 

 

Alarmingly, about 20-35% of patients have resistant hypertension-meaning their BP remains uncontrolled despite taking three or more blood pressure pills.

 

 

 

“Hypertension is a silent killer here in the Philippines, leading to strokes, kidney failure, heart attacks. Unfortunately, some patients do not respond well to treatments even with multiple medications,” said Dr. Dolores Bonzon, President of the Philippine Society of Hypertension.

 

 

 

Hypertension experts, nephrologists, cardiologists and interventionalists from leading medical institutions convene for the first Philippine consensus forum on Renal Denervation as an innovative treatment approach for difficult-to-control high blood pressure. The forum marks an important milestone in evaluating the potential for this therapy amid rising rates of resistant hypertension across the country.

 

 

 

The future of hypertension treatment

Luckily, this might not be the case anymore. Now, an innovative blood pressure-lowering therapy called Renal Denervation (RDN) is making waves in medical communities worldwide, offering new hope for millions of people struggling to control their blood pressure.

 

 

 

Designed for patients who do not respond well to conventional treatments, this 1 hour minimally invasive procedure uses radiofrequency energy to disable nerves surrounding the arteries to the kidneys that send signals to increase blood pressure. Disrupting these nerves helps relax the blood vessels, leading to a lasting decrease in blood pressure within 48 hours after the RDN procedure.

 

 

 

“We’ve seen remarkable and long-term blood pressure reductions in patients treated with Renal Denervation. Many also felt improvement in their outlook and quality of life.” Said Dr. Jhoanna Marcelo, an Interventional Cardiologist from the Philippine Heart Center who has successfully performed multiple RDN procedures herself.

 

 

 

In focus: Dr. Jhoanna Marcelo shares her expertise in conducting renal denervation procedure and it’s impact on patients with other comorbidities like chronic kidney diseases.

 

 

 

This novel approach to controlling high blood pressure expands choices beyond just pills and diet and exercise for patients with lifetime maintenance medications for hypertension.

 

 

 

“With better blood pressure despite less medication, patients were able to exercise without fear of blood pressure spikes and fewer risks for strokes.”

 

 

 

Is it safe? Is it good for you?

Thanks to the recent development of a consensus statement and guidelines for using Renal Denervation in the Philippines, more medical doctors now have a solid framework for offering this innovative treatment to suitable patients.

 

 

 

“The procedure is proven safe based on studies. Early patient cases locally have already shown remarkable results, too. Most importantly, the guidelines clearly describe which patients can benefit most from getting this treatment.” Said Dr. Raymond Oliva, a Hypertension Specialist at Philippine General Hospital and one of the authors of the Consensus Statement for Renal Denervation Treatment.

 

 

 

Renal Denervation is recommended for the following patients:

  • Uncontrolled blood pressure
  • Unwilling or unable to adhere to medication due to side effects or intolerance
  • Higher risks for stroke, diabetes, heart failure, and other cardiovascular diseases
  • Willing to undergo RDN

 

 

 

Currently, Renal Denervation procedure is available in the following institutions in the country: Philippine Heart Center, St. Luke’s Medical Center, Cardinal Santos Medical Center, Manila Doctors Hospital, ManilaMed Medical Center Manila, Asian Hospital and Medical Center, and Cebu Doctors University Hospital.

 

 

 

Start a conversation today. You have nothing to lose and potential years to gain. To learn more about how Renal Denervation can help reduce blood pressure, discuss your options with your physician or cardiologist.

 

 

 

Representatives from Philippine Society of Hypertension and the Philippine Heart Association, professional medical societies, and leading hospitals unite to advance a comprehensive dialogue for the first time about the potential role of renal denervation in managing hypertension.

 

 

References:

  1. Abalos, J. B., Saito, Y., Ramos, M. A., Jr, & Cruz, G. T. (2024). Prevalence, Awareness, Treatment, and Control of Hypertension Among Older Adults in the Philippines. The journals of gerontology. Series A, Biological sciences and medical sciences, 79(2), glad155. https://doi.org/10.1093/gerona/glad155
  2. Oliva, R., & Bakris, G. L. (2022). Resistant hypertension: recognition and treatment. In Springer eBooks (pp. 351–366). https://doi.org/10.1007/978-3-030-95734-6_25