INIULAT ng Government Service Insurance System (GSIS) na tumaas ng 70% ang net income nito para sa nakalipas na taon sa gitna ng makabuluhang paglago ng ‘equity holdings at fixed income portfolio” nito sa nasabing panahon.
Sinabi ng GSIS na ang net income nito ay tumaas ng P113.3 billion mula P66.4 billion noong 2022, habang ang kabuuang comprehensive income ay tumalon sa P143.4 billion mula sa P3.6 billion, tumaas din ang kinita ng 33% o P311.3 billion mula P234.9 billion.
Tinuran pa ng GSIS na ang equity holdings nito ay nakitaan ng P8.2-billion mark sa market growth noong 2023 kontra sa P37.4-million loss noong 2022, habang ang akumulasyon na 3.6 billion shares sa Metro Pacific Investments Corp. (MPIC) ay nagresulta naman ng “one-time gain” na P13.6 billion.
Idinagdag pa nito na ang $300-million investment sa Global Infrastructure Partners Emerging Markets Fund sa nasabing panahon ay sumasalamin sa pagtutok sa oportunidad sa private equity market.
Pagdating sa loans o pautang, winika ng GSIS na ang multipurpose loan segment nito ay nakitaan ng paglago sa P209.6 billion mula sa P157.7 billion sa nakalipas na taon, inilunsad ng ahensiya ang MPL Flex retail loan, kasama ang muling pagbisita sa pagkakaloob ng corporate loans at project finance transactions.
Iniulat din ng GSIS ang record-high P9.8 billion sa gross premiums nakapaloob para sa non-life insurance business nito sa nakalipas na taon, nagmarka ng 44% pagtaas mula sa P6.8 billion noong 2022. Ang net worth nito ay nananatili sa P51.26 billion.
“Other comprehensive income, excluding the remeasurement on insurance and contract reserves, increased to P30 billion. This marks a P93-billion increase, which includes P57 billion from mark-to-market gains on the back of high-interest rate peso-denominated fixed income products,” ayon sa ulat.
“GSIS remains to be strong as we continue to search for yield to boost its generation of revenue. To this end we have increased focus on alternative investment including PE and real estate,” ayon kay President and General Manager Jose Arnulfo “Wick” Veloso.
“We continue to push and do our best to boost long-term profitability of the GSIS and support the overall economy. We strive to establish a diversified portfolio by securing new investment opportunities,” dagdag na wika nito.
Sa ilalim ng charter nito, ang GSIS ay may mandato na tiyakin na ang mga miyembro nito ay nakasisiguro laban sa paglitaw ng ilang kaganapan kapalit ng kanilang monthly premium contributions.
Entitled ang mga ito sa benepisyo gaya ng “life insurance, separation or retirement benefits, at disability benefits.”
Ito rin ang magsisilbing administrator ng General Insurance Fund, mangangasiwa sa insurance coverage hanggang government assets at properties na mayroong government-insurable interests. (Daris Jose)