Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
“Dune: Part Two” takes the audiences back to the desert as the action-epic directed by Denis Villeneuve takes the story to greater heights. Timothée Chalamet returns as the hero Paul Atreides, the son of a Duke born into a destiny greater than his royal title. Paul is now fully entrenched in the epic adventure that has taken him across the galaxy to the barren and inhospitable Planet Arrakis, where even greater danger awaits at every turn. With his father dead, his mother on a journey of her own and Chani by his side, Paul must earn the respect of the skeptical local population, the Fremen, face his fears and, ultimately, face his most brutal enemies, in order to defend Arrakis and exact revenge upon the people who destroyed his family.
Timothée has received various accolades throughout his career, including nominations for an Academy Award, three Golden Globe Awards, and three BAFTA Film Awards. He rose to fame in his role in Luca Guadagnino‘s Call Me By Your Name, and recently starred in the musical film Wonka.
In the following interview, he talks about his thoughts on returning to the world of Dune, working with Zendaya once more and Paul’s relationship with Chani, and training for his action scenes, including his battle sequence with Austin Butler.
On returning to the world of “Dune” for “Dune: Part Two”…
Timothee Chalamet: “It was a dream to return to the world of ‘Dune,’ not only returning to castmates I had a beautiful working experience with the first time, but also getting to see their characters expand, like Chani. And getting to work with new, super-talented actors, like Austin Butler, and Florence Pugh, who I’d done a film with before. And of course getting to see Denis bring his full vision to life.”
On Paul’s journey within the story…
TC: “This part of the story, for Paul Atreides, is about a young man not wanting to accept his destiny, or fate, that’s unfolding before him—a duty, a responsibility to lead that feels greater than what he’s capable of, and what he wants to do. It will require so much of him that his immediate preoccupation, his immediate desire to love and be loved by Chani, will be superseded by this responsibility. And because of what happened in the first movie, he’s struggling with what it is to become a man without a father or father figure, without his friends and family, who have been obliterated by the Harkonnen. Also, what it means as an outsider to be chosen, whether by destiny or by people, to lead.”
On Paul’s evolution within the Fremen…
TC: “Paul is meant to go down a path that he’s reluctant to. He still has visions, which are not entirely clear to him, but which are destructive; he doesn’t want to go anywhere near them. As he becomes more a part of the Fremen, he becomes the Muad’Dib—a namesake he chooses for the desert mouse that lives on Arrakis. This is actually one of my favorite parts of the book and of the film because often we see the lion or tiger or cheetah as the animalistic metaphor for our leaders, our heroes. And there’s something apt about this small desert mouse that moves in the cracks and is self-sustaining with its moisture— barely—that works for this young man whose circumstance is so beyond him, whose life story is something of a tragedy, having lost his father and his people, but he has to persevere. It’s not Paul the Braveheart or Paul the Lionheart, it’s Paul the Muad’Dib. There’s something that I always found powerful about that.”
On connecting to Paul having to accept his destiny…
TC: “Paul is reluctant. He’s not a person who has delusions of grandeur and power. So, I had to think, what would that actually mean, if that was your fate? What would that actually feel like? What would it be like to stand in the middle of a room and declare yourself a leader, and be entirely within your rights doing so? And what would that entail?”
On Paul’s changing relationship with Chani…
TC: “Chani is sort of Paul’s moral compass. Her strong ethics add to her great character, and Paul feels that he’s similar to her, that he’s worthy, ethically, and he’s trying to become a partner to her, the man he wants to be to her, and they grow incredibly close. Chani’s so sure of herself, so on her heels. She knows who she is, her heart’s in the right place.”
On working with Zendaya again…
TC: “Zendaya is strong, like Chani, in many ways. We only had a couple of days working together on the first film, but we became quite close and good friends after that. But I think the friendship that had grown between the films helped us grow Paul and Chani for this one. It was a wonderful experience to get to work with the actor she’s become—she’s firing on all cylinders! She was a real partner in crime and I’m grateful we had such a great experience.”
On working with Florence Pugh again…
TC: “Florence Pugh is amazing in this movie. She brought a steeliness, a fierceness, to this role that is just incredible. It was inspiring to be working with her.”
On training for his fight scene with Austin Butler in the film…
TC: “Training started from day one. I started learning the fight choreography in Los Angeles, I think Austin was already in Budapest. So, as soon as I got there, we were working on the fight. He was a dedicated scene partner and fight partner. Not only is he an incredible actor, he’s a super hard worker, he really cares about the work. And that whole sequence was just epic—no other way to put it.”
On the sandworm riding sequence and its significance in the film…
TC: “The sandworm sequence—scene 62!—was shot over the course of three months. There was an entire worm unit dedicated to it that our producer Tanya Lapointe, who was also our second unit director, directed, and she was hugely passionate about it. It’s such an important moment in Paul’s entry to the Fremen world, his acceptance by them—other than Chani and Stilgar, of course—and it was so important to get it right. It was incredibly complex. Paul learning how to ride the sandworm is akin to coming of age. It’s a rite of passage and one of the main reason Paul is accepted amongst the Fremen, because someone who wasn’t one with Shai-Hulud, which is the Fremen word for the sandworm, would have died in that predicament, and Paul doesn’t. He rides the worm.”
Distributed by Warner Bros. Pictures, Dune: Part Two is now showing in Philippine cinemas.
(ROHN ROMULO)
HINIKAYAT ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang mga opisyal ng National Food Authority (NFA) na iniimbestigahan sa di umano’y hindi tamang pagbebenta ng NFA buffer stock rice sa subsidized price na boluntaryong mag- leave of absence (LOA).
Sinabi ni Laurel sa mga kinauukulang opisyal na pahintulutan ang investigating panel ng Department of Agriculture’s (DA) na rebisahin at i-assess mabuti ang bagay na ito ng “without hindrance.”
“The best thing is, and I strongly advise them, to take a leave of absence… at least the heads, the accused, and the accuser,” ayon sa Kalihim.
Gayunman, tiniyak ni Laurel na ang sinuman ay ipinapalagay na inosente, kinokonsidera ang pagpapalitan ng alegasyon sa loob ng NFA.
“Until proven guilty, everyone is innocent. But this internal investigation is very important so let’s give it time,” ang tinuran ni Laurel.
Sinabi pa nito na ang imbestigasyon ay unang hakbang lamang at ang mga susunod na aksyon ng departameno ay ikakasa lamang sa oras na lumabas na ang resulta ng imbestigasyon.
Hindi naman nagbigay ng deadline si Laurel, gayunman, inaasahan ng Kalihim ang mabilis at tamang assessment result.
Nauna rito, sinabi ni NFA Assistant Administrator for Operations Lemuel Pagayunan na mayroon di umanong bentahan ng 75,000 bags ng NFA rice na hindi dumaan sa public bidding.
May kinalaman di umano ito sa mahigit na P93.7 milyong halaga ng NFA rice, ipinagbili sa mga piling millers at traders sa presyo ng P25 per kg.
Samantala, sinabi ng DA na iginigiit ng mga opisyal ng NFA na ang pagbebenta ay sumunod sa tamang pamamaraan at hayagang itinanggi ang anumang iregularidad. (Daris Jose)
SUGATAN ang 50-anyos na lalaki ang matapos tarakan sa leeg ng hindi kilalang suspek nang tumanggi ang biktima sa alok ng isang babae na makipagtalik sa kanya sa Malabon City.
Nasa stable na kondisyon habang ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) sanhi ng tinamong saksak sa leeg ang biktimang si alyas “Wilson”, ng M. Blas Brgy. Hulong Duhat.
Sa pinagsamang imbestigasyon nina PSSg Michael Oben at PSSg Bengie Nalogoc, galing sa pakikipag-inuman ang biktima at habang naglalakad sa kahabaan ng M. Naval St., Brgy. Flores pauwi nang lapitan ng isang hindi kilalang babae at inalok umano ng sex dakong ala-1:50 ng madaling araw subalit, tumanggi si ‘Wilson’.
Makalipas ang ilang sandali, bigla na lamang dumating ang isang hindi kilalang lalaki at walang sabi-sabing tinarakan sa leeg ang biktima bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon sakay ng isang bisikleta,
Isinugod naman ng concerned citizen ang biktima sa Ospital ng Malabon at kalaunan ay inilipat sa TMC hospital habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa suspek. (Richard Mesa)
UMABOT na sa higit P357.4 million ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura sa iba’t ibang rehiyon sa bansa dulot ng El Niño phenomenon.
Ito naman ang nabatid mula kay Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Arnel De Mesa kung saan pinakamalaking danyos ito na naitala sa Western Visayas partikular sa Iloilo na aabot sa P127 milyon na sinundan ng Oriental Mindoro na may P56 milyon.
Tinatayang nasa 6,600 ektarya ng mga pananim ang nasira. Nasa 1,100 ektarya dito ay totally damage habang 5,400 ektarya ang partially damage at may tiyansa pang makarekober.
Sinabi pa ni De Mesa na maliit na porsiyento lang ng pananim na palay ang naapektuhan ng tagtuyot.
Kung ikukumpara aniya ang epekto ng strong El Niño ngayong taon sa mga nagdaang tagtuyot partikular noong 1997, hindi naman ito lubhang malala.
Sinabi pa ni De Mesa na maliit na porsiyento lang ng pananim na palay ang naapektuhan ng tagtuyot.
Kung ikukumpara aniya ang epekto ng strong El Niño ngayong taon sa mga nagdaang tagtuyot partikular noong 1997, hindi naman ito lubhang malala.
BONGGA ang interview ni Jennylyn Mercado sa Mega Entertainment dahil ikinuwento ni Jennylyn ang mga artistang nais pa niyang makatrabaho sa isang proyekto, isa na rito ang kapwa niya reyna ng GMA na si Marian Rivera..
Lahad ni Jen, “Hindi ko pa nakakatrabaho si Marian. Hindi naman drama, siguro puwede comedy para iba.”
Nasa bucket list rin ni Jennylyn na makatrabaho sina Alden Richards at si Piolo Pascual.
Samantala, nais ng aktres na muling makasama ang mister niyang si Dennis Trillo 2015 pa niya naging leading man sa ‘My Faithful Husband’ ng GMA.
This time, bet ni Jen na isang horror o suspense project ang ipagkaloob sa kanilang mag-asawa.
At dahil balik-recording si Jennylyn, with her upcoming album para sa kanyang 20th anniversary sa showbiz, may singer na nais maka-collab si Jennylyn, at iyon ay walang iba kundi ang Pop Star Royalty na si Sarah Geronimo!
Sa ngayon ay patuloy na napapanood si Jennylyn sa ‘Love. Die. Repeat.’ sa GMA kasama si Xian Lim.
***
TAWA lamang ang isinagot ni Lianne Valentin nang kumustahin ang lovelife nito, nasa trabaho raw siya nitong nakaraang Valentine’s day.
Natatakot ba siya na magka-lovelife dahil sa kaliwa’t kanang breakup at hiwalayan sa showbiz.
“Parang hindi naman,” at tumawa si Llianne, “ipinagdarasal ko na lang na sana huwag mangyari sa akin,” at muling tumawa ang Kapuso actress.
Nasa-shock raw siya sa mga hiwalayan.
“Siyempre nagugulat din ako, parang siyempre yung ibang couples dun lahat ng tao invested sa relationship nila, relationship goals, inspiration.”
Sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla raw pinaka naapektuhan si Lianne.
Cast member si Lianne sa ‘Apo Hapon (A Love Story)’ movie with JC de Vera and Sakura Akiyoshi, sa direkyon ni Joel Lamangan.
Kasama rin dito sina Perla Bautista, Rico Barrera, Fumiya Sankai, Jim Pebanco, Marcus Madrigal, Elora Españo, Panteen Palanca, at Prince Clemente.
Produced ito ng GK Productions at line produced ni Dennis Evangelista at showing in cienmas March 6.
Napapanood rin si Lianne sa ‘Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis Season 2’ sa GMA tuwing Linggo 7:15 ng gabi kasama sina Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. at Beauty Gonzalez.
(ROMMEL L. GONZALES)
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Australian business leaders na ang Maharlika Investment Fund ay dedikasyon ng kanyang administrasyon para makapangalap ng sapat na pondo para sa mga pangunahing programa.
Sa isinagawang Philippine business forum, sinabi ni Pangulong Marcos na ang overhaul ng “fiscal incentive structures at responsive policies” ng bansa ay may mahalagang papel sa pag po-promote ng partisipasyon ng pribadong sektor.
”Furthermore, there is the establishment of the Maharlika Investment Fund, our sovereign wealth fund that underscores our dedication to financing priority projects and driving socioeconomic impact,” ayon kay Pangulong Marcos.
”The key principle that we have adopted, the very fundamental principle that we have adopted, was to consider the private sector as partners in the development of our— on the transformation and development of our economy,” dagdag na wika nito.
Aniya, prayoridad ng pamahalaan ang pagaanin ang pagnenegosyo dahil naglalayon ito na gawing simple ang pagbabayad ng buwis, I-streamline ang regulasyon at ipakita ang patuloy na suporta para sa negosyo ng gobyerno ng Pilipinas.
Nauna rito, sinabi ni Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual na may kabuuang $1.53 billion investment ang sinelyuhan sa pagitan ng Pilipinas at Australia sa sidelines ng ASEAN-Australia Special Summit.
Ani Pascual, ang kasunduan ay nagpapakita ng patuloy na commitment ng gobyerno ng Pilipinas sa kagalingan at mabungang partnerships ”spanning diverse sectors such as renewable energy, waste-to-energy technology, organic recycling technology, countryside housing initiatives, establishment of data centers, manufacturing of health technology solutions, and digital health services.” (Daris Jose)
NAGPAKITANG gilas sa kanilang performance sa pagsasayaw ang mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang paaralan ng Bayan ng Mandaon, Probinsya ng Masbate habang nakasuot ng kanilang makukulay na mga kasuotan na sumisimbolo sa mga kagamitan at mga pinagkukunang kabuhayan ng mga Mandaonians mula sa karagatan sa ginanap na Pamasayan Festival Street Dance Competition at Ritual Showdown bilang bahagi ng tatlong araw na pagdiriwang ng fiesta ng Munisipalidad ng Mandaon simula March 1 hanggang 3, ngayong taon 2024. (Richard Mesa)
NAG-UWI ng multiple awards ang Public Employment Service Office (PESO) – Valenzuela matapos kilalanin ng Department of Labor and Employment – National Capital Region (DOLE – NCR) bilang Best Performing PESO sa NCR 2023 sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian.
Nakamit ng PESO-Valenzuela ang tatlong core function awards na Best in Referral and Placement, Best in Labor Market Information at Best in Career Guidance and Employment Coaching.
Ang Labor Market Information Award ay isang pagkilala sa epektibong pagpapakalat ng impormasyon ng departamento, kabilang ang client-specific information, education, communication tools to employers at future workers tungkol sa mga kalagayan sa merkado ng future workers sa pamamagitan ng trabaho, mga in-demand na posisyon, at mga kakulangan sa kasanayan.
Sa kabilang banda, ang Referral and Placement plaque ay para sa pagkakaloob ng mga serbisyo sa lungsod na nagpapadali sa trabaho, tulad ng job fairs at partnerships sa business sector, habang ang Career Guidance and Employment Coaching award ay para sa pagbibigay sa mga tao ng foundational knowledge sa pangunahing impormasyon sa labor market na magagamit ng mga naghahanap ng trabaho.
Maliban sa nakamit na mga pagkilala, ang PESO-Valenzuela ay nahigitan pa ang mga kalapit na lungsod nito sa NCR sa pambihirang pagganap nito sa pagpapadala ng mataas na bilang ng mga mag-aaral upang magtrabaho kasama ang kanilang mga kasosyo mula sa pribadong sector.
Alinsunod dito, binigyan sila ng isang espesyal na citation, na humakot ng isa pang tropeo para sa Efficient Special for Employment of Students with the Private Sector—na nagbabawal sa malawak na pagsisikap ng lokal na pamahalaan sa pagtugon sa problema sa kawalan ng trabaho sa lungsod.
Pinuri naman ni Mayor Wes si Ms. Josephine Osea, Valenzuela PESO Manager, na nakatanggap din ng espesyal na pagkilala sa pagkakaroon ng Public Employment Service National Certificate IV, at kauna-unahang certified PESO Manager na nagkaroon ng naturang sertipiko sa NCR. (Richard Mesa)
SUPER sweet ng birthday message ni Cong. Arjo Atayde sa kanyang asawa na si Maine Mendoza na nag-celebrate ng ika-29 na kaarawan last Sunday, March 3, 2024.
Sa kanyang Instagram, in-upload ni Arjo ang nakakikilig na photos nila ni Maine, kasama nga ang super sweet birthday message sa kanyang wifey.
Caption ni Arjo, “Thank you for being the best wife, Mrs. Atayde. Thankful everyday that I was blessed with you. I love you, baba! Happy Birthday.” Na sinagot naman ni Maine ng, “Thank you, baba! Ilysm.”
Last Saturday naman, ginulat ni Arjo si Maine nang bigla itong lumabas sa ‘Eat Bulaga’.
Kitang-kita ang pagkagulat ng actress-TV host, nang apir nga ang asawa, kaya matagumpay ang pa-surprise ng mga Dabarkads para sa kanyang 29th birthday.
Sa segment na ‘Peraphy’ nga ito nangyari, na kung saan si Arjo nga ang naging special celebrity guest.
Si Vic Sotto ang nag-introduce sa kanilang “mystery contestant”.
“Ang maglalaro ngayon ay mula sa pelikulang may forever!” say ni Bossing Vic, sabay labas ni Arjo sa studio “Eat Bulaga” sa TV5.
At paglingon ni Maine, ay gulat na gulat nga itong makita ang asawa.
Agad naman siyang niyakap ni Cong. Arjo, habang nagkunwari itong mahihimatay sa sobrang pagka-shock. Dagdag ni Bossing Vic, “Sorry, sorry! Mali pala yung title. Dapat ang title ‘Your Forever!’”
Mensahe ni Arjo, “Maraming salamat din po, of course, ‘no… Bossing, the whole Eat Bulaga! fam, Tito Sen, Boss Joey, for allowing me to be with my wife today. Maraming salamat po!”
Sagot naman sa kanya ni Maine, “Welcome to Eat Bulaga, Cong!’
Bago kasi ang paglabas ng Arjo ay nagbigay na ito ng kanyang birthday message para kay Maine sa pamamagitan ng isang video greeting.
Sabi ni Arjo, “Hi, Baba. Happy, happy birthday. Surprise. I hope you’re having a great time with the Dabarkads today.
“I hope you enjoy your day. I’ll see you later. Let’s celebrate, my love. I’m just so grateful for you. And thank you for being such a great wife.
“And more blessings to you. I’ll always be right behind you. I love you. Happy, happy birthday!”
Komento naman ng netizens sa nakakikilig na birthday message ni Anjo:
“Sweet, may forever pa din sana for them.”
“God bless and many more years to come.”
“Ang lakas makaganda ng snow sa pictures. must be the way it reflects light? pero promise may effect sya na so flattering,”
“Love the beanie!!!!”
“Genuinely happy talaga si Maine! She is incharge sa mangyayari sa career at personal na buhay.”
“She’s so blessed financially and with so much love from her hubby, family, in-laws, co-workers and friends. Sanaol ganyan kaswerte.”
***
HINDI na paaawat sa round 2 ng kanilang tapatan sina Elias (Ruru Madrid) at Calvin (Jon Lucas) sa Black Rider! Sino kaya ang lalamang? Kaninong buhay ang magtatapos sa pinakamatinding pagtutuos?
Si Calvin, ginawang bihag ang pinakamamahal na ina ni Elias na si Alma (Rio Locsin) at buong pagmamalaking ibinalita sa kanyang ama na si Señor Edgardo (Raymond Bagatsing) na hawak niya ang ina ni Black Rider.
Isang hindi inaasahang pagtatagpo ng dating magkasintahan ang naganap. Parehong nagulat sina Alma at Edgardo nang makita nila ang isa’t isa. Napagtanto ni Alma na ang matulunging lalaking sinasabi sa kanya ni Elias ay walang iba kundi ang ama nito na si Edgardo – ang lalaking inakala niyang patay na. Natuklasan naman ni Edgardo na si Black Rider – ang tinik sa kanyang lalamunan at kalaban ng Golden Scorpion – ay ang kanyang sariling anak na si Elias.
Samantala, trinaydor din ni Calvin ang assassin na si Teresa (Michelle Dee). Nangako ang dalagang maghihiganti ito laban sa kanila.
Sa pagtutuos nina Elias at Calvin, sino tunay na magwawagi? Isisiwalat ba ni Señor Edgardo ang katotohanan kay Elias? Ililigtas ba niya ang Black Rider?
Mas iinit pa ang aksyon gabi-gabi sa pagdating ng mga paa ng alakdan – ang mga ama ng Golden Scorpion boys! Anong panganib sa buhay ni Black Rider ang naghihintay sa patikim ng kanilang bagsik?
Abangan pa sina Paolo Paraiso, DJ Durano, Leandro Baldemor, Lander Vera Perez, at Gerald Madrid sa painit nang painit na pag-arangkada ni Black Rider, 8PM sa GMA Prime at 9:40PM sa GTV.
(ROHN ROMULO)