MARIING itinanggi ng Tsina na hina-harass nito ang Pilipinas sa kabila ng napaulat na agresyon na ginawa nito sa Philippine vessels, kabilang na ang mapanganib na pagmaniobra, araw ng Martes, Marso 5 na nauwi sa banggaan ng mga barko ng magkabilang panig.
“There is no such situation of China ‘harassing’ the Philippines,” ayon kay China’s Foreign Ministry spokesperson Mao Ning.
Gayunman, wala pang 24 oras mula nang sabihin ni Mao ang kanyang pahayag, isang video ang ipinalabas ng Philippine Coast Guard na salungat sa posisyon ni Mao.
Makikita sa video na hinaharang ng China Coast Guard (CCG) vessel ang ruta ng mas maliit na barko ng Philippine counterpart nito.
“Their reckless and illegal actions led to a collision between MRRV-4407 and China Coast Guard 21555 that resulted to minor structural damage to the PCG vessel,” ayon kay PCG spokesman Jay Tarriela sa kanyang X account.
Nauna rito, sa isang panayam kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa Melbourne, hinikayat nito ang Tsina na “stop harassing us.”
“If Beijing would refrain from its harassment, then “there wouldn’t be any news to report” about its aggressive activities,” dagdag na pahayag ni Manalo.
Ang ganting tugon naman ng Tsina ay “the reason behind the recent maritime developments,” na halos nauugnay sa mga aksyon nito sa tubig “is that the Philippines has frequently made provocative moves in the South China Sea, infringing on China’s territorial sovereignty and maritime rights and interests.”
“China has taken necessary measures in accordance with law to defend its own sovereignty, rights and interests,” ayon pa rin kay Mao.
(Daris Jose)