Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
HINDI lamang isang simpleng pagtitipon ang naganap noong Biyernes, Marso 15, 2024 sa Cabalen Restaurant sa West Ave., Quezon City dahil ipinagdiriwang ng Alted Publication ang 38 taon anibersaryo ng pagkakatatag ng People’s Balita kundi isa ring natatanging araw kung saan nagkita-kita at nagtipon-tipon ang mga taong nasa likod ng publication at mga sumusulat sa likod ng mga balita.
Para sa mga reporters, isa itong natatanging araw na nagsasalo-salo at makadaupang-palad kasama ang mga matataas na opisyal ng Alted Publication sa pamumuno ng Presidente na si Alma Torres at ang CEO at Publisher na si Teddy Boy Torres (na kasalukuyang nasa ibang bansa) kundi isa ring pagkilala sa mga ambag ng kanilang mga reporters at photographers nang binigyan sila ng Sertipiko ng Pagkilala.
Sinariwa ni Madam Torres nang sa kanya ipinagkatiwala ang pamamahala ng People’s Balita na tila isang suntok sa buwan kung paano nito pamunuan dahil hindi naman niya ito ‘forte’ subalit sa payo ng ilang kaibigan at sa tulong ng Maykapal ay kanya itong napagtagumpayan na maituturing na isa sa mga ‘nabubuhay’ at matibay na tabloid sa Pilipinas magpahanggang ngayon.
Dumaan din sa malaking pagsubok ang People’s Balita sa panahon ng pandemya kung saan mahigit dalawang taon na mistulang dumapa, subalit dahil sa determinasyon ng Presidente ay patuloy pa rin ang kanyang pamamayagpag.
Isa ring malaking sorpresa sa pagtitipon ang pagdating ng Bise Alkalde ng Maynila na si John Marvin “Yul Servo” Cruz Nieto na dumalo at bumati sa naabot na taon nang pamamayagpag ng People’s Balita at kinilala rin nito ang malayang pamamahayag. Napakalaking karangalan ang pagdalo ni Vice -Mayor dahil alam naming sobrang abala nito sa dami ng schedules pero nagawa nitong puntahan ang nasabing imbitasyon sa lugar ng Quezon City.
Nagbahagi rin ng kanilang karanasan ang PR Consultant at columnist na si Bishop Jesus Basco, General Manager Edward Debaculos, Editor-in-Chief Mary Rose Antazo, Entertainment Editor na si Rohn Rohn Romulo, maging ang dating People’s Balita Editor-in-chief na si Danny Marquez, espesyal na panauhin na sina Terry Bagalso at Zhalir Jaila na naging bahagi ng Atlas Publication at ng pahayagang ito.
Naroon din ang masisipag at magagaling na manunulat na sina Vina De Guzman aka Ara Romero, Richard Mesa, Gene Adsuara, mag-asawang Atty. Ferdinand Sacmar and Lally Sacmar na matagal ng may column na Transport News sa People’s Balita.
Pagkilala rin sa mga masisipag na empleyado sa Editorial at opisina ng Alted Publication na naroroon gaya nina Cecil Baldovino, Carl Dacasin, Paolo Torres, Rovic Botones, Lenlen Nabas, Stephen Ogalesco, Janet Ferrer, Dapne Bacacao, Mary Rose Robleza, Luisa Belanigue at Leo Asurto.
Itinatag ang People’s Balita noong 1986 sa pamumuno ni Don Ramos Roces, ang Atlas Publishing Corp, na bukod sa Peoples Balita ay ito rin ang publisher ng Pilipino, Hiwaga, Tagalog Espesyal, True Ghost, Extra Especial, True Horoscope at iba pang kilalang komiKs sa Pilipinas.
Nailipat ang pagmamay-ari ng Atlas Publication Inc at People’s Balita sa pamilya Socorro Ramos kaya bukod sa nabibili ang diyaryo sa bangketa ay nabibili rin ito sa National Bookstore at opisyal na naging pagmamay-ari ang pahayagang ito sa ilalim ng pamamahala nina Teddy Boy Torres at Alma Torres taong 2013 at ang mga sumunod pang pangyayari ay isa nang kasaysayan. Muli, ang aming pagbati sa People’s Balita ng Maligayang ika-38 taong Anibersaryo! GENE ADSUARA
SA matatag na pangako na pahusayin ang kalidad ng buhay ng bawat Pamilyang Valenzuelano at pagpapanatili ng kalinisan, pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian ang blessing at turnover ceremony ng 25 bagong dump trucks para sa Waste Management Division (WMD) na ginanap sa 3S Center Mapulang Lupa, Lunes ng umaga.
Ang pananaw ni Mayor WES na ibahin ang anyo ng Valenzuela sa isang maunlad at buhay na komunidad ay higit na ipinakita sa pamamagitan ng pagkuha ng mga dump truck na bawat isa ay nagkakahalaga ng P1,973,684.21.
Ang WMB ay nayroon na ngayon 63 dump trucks na makakapaghatid ng mas maagap na mga serbisyo sa pangongolekta ng basura na tumutugon sa mga pangangailangan ng Pamilyang Valenzuelano.
Sa flag-raising ceremony noong March 4 na ginanap sa Action Center, Brgy. Dalandanan, inanunsyo ni Mayor Wes ang pagtaas ng salary, hazard pay at PhilHealth coverage ng mga dump truck driver, paleros, at kamineros dahil para sa kanya, kapakanan ng mga manggagawa ng Valenzuela angn inuuna.
“Tuloy ang Malinis na Valenzuela, Tuloy ang Progreso, yan po ang objective natin. Noong november ay nagturn-over na po tayo ng 38 na dump truks, at ngayon ay ginagamit na po silang lahat. Dadagdagan po natin ng 25 pang dump trucks kaya totalling na tayo ng 63 na bagong dump trucks. Wala na pong rason para hindi ma-pick up ang inyong mga basura. PhP 125 Million po ang inilaan natin dito para po maging mas efficient ang pag-kolekta natin ng basura. Maipagmamayabang po natin na hindi po tayo sumasalalay sa mga kontratista, dahil sa buong Metro Manila, tayo lang po ang nag-ooperate ng sariling waste management office. Ang higit po nating 306 na mga palero, mula ho sa salary na PhP 425.45 ay itinaas na po natin sa daily rate na PhP 522, itinaas din po natin ang kanilang hazard pay mula PhP 46.80 na ngayon ay PhP 63.80 na. Ang mga driver po natin na dating PhP 528.55 ang sweldo ay itinaas na rin po natin sa daily rate na PhP 557.91, ang kanilang hazard pay na PhP 54.08 ay PhP 73.75 na ngayon. Kaya sana ay maging motibasyon at challenge at lalong pagbutihin ang kanilang mga trabaho.” pahayag ng punong lungsod.
May mga bagong CCTV camera naman ang ikakabit sa 36 na lugar para matukoy ang mga taong labag sa batas na nagtatapon ng basura sa mga pampublikong kalye at kalsada bilang bahagi ng proyekto ni Mayor WES na “HuliCam”. (Richard Mesa)
MAINGAY ang panawagan ng ilang grupo ng mga health workers para ilabas na ng Department of Health ang kabayaran sa mga health emergency allowances (HEA) ng healthworkers sa bansa.
Matatandaang noong mga nakaraang buwan ay kabi-kabilang rally ang isinasagawa ng mga grupo ng mga healthworkers upang mabayaran na sila ng DOH sa ilang buwan at taon na pagkakautang nito sa kanila.
“Ang pondo ay nasa inyo na (DOH) mula noong Enero. Ano ang dahilan kung bakit hindi ninyo naibigay ang HEA para sa mga manggagawa sa pribadong ospital?” ayon kay Ronald Richie Ignacio, tagapagsalita ng United Private Hospital Unions of the Philippines (UPHUP).
Ayon sa mga dokumento at datos mula sa Department of Budget and Management (DBM), mahigit P91 billion na ang nailabas nilang pondo sa DOH para mabayaran ang HEA ng mga healthcare workers simula noong 2021.
Noong 2021, naglabas ang DBM ng 12.1 bilyong piso para mabayaran ang HEA, mahigit 28 bilyong piso noong 2022, P31.1 billion noong 2023, at P19.962 billion naman noong 2024.
Ang huling 19-bilyon ay inilabas ng DBM sa DOH noong Enero 1, 2024, maliban pa sa dalawang bilyong pisong nakalagak para sa HEA sa unprogrammed appropriations.
Nakakalungkot anya na sa kabila ng P91-bilyong inilabas na pondo ng DBM, P64-bilyon pa lamang ang naipamimigay ng DOH sa mga healthworkers.
THE fearsome Godzilla and the mighty Kong are back in action as Godzilla x Kong: The New Empire sees the legendary Titans work together to defeat a mysterious new threat that challenges the existence of Hollow Earth and humanity. Filmed for IMAX, see the larger-than-life creatures lead the fight for this world on the big screen.
Watch the trailer here: https://www.youtube.com/watch?
For actors Rebecca Hall and Bryan Tyree Henry, working with director Adam Wingard and his infectious enthusiasm for the film made them feel excitement for Godzilla x Kong: The New Empire, especially for the fans. “I saw brand new stuff every day. It makes a huge difference when your leader is a fan of this kind of universe, and is excited by the discoveries of what could possibly be, what could unfold. I don’t want to spoil anything, but I think the fans are going to be very excited,” Henry, who plays the character Bermie Hayes, explains.
Rebecca Hall, playing the role of Dr. Ilene Andrews in the film, also shares about director Wingard’s attitude towards filming, “You get this belief that he has a sense of what the film’s going to be, but you also get to have a really good time on set, because he has this exuberance that is just intoxicating. He does have an inner 10-year-old, and he’s there all the time watching everything. He directs with that enthusiasm, and you know you’ve done well, because you can hear him chuckling.”
The film also boasts beautiful on-location scenes that took the cast members’ breath away. Rebecca Hall talks about how she channeled her character while filming with the wildlife in the Australian forests. “The wildlife on it is really astonishing. I didn’t think we could get much better than that, and then we went to the Daintree Rainforest, which is one of the oldest rainforests on the planet. I’m a bit of a plant nerd. I really like plants and I do a lot of gardening in my spare time. That makes me sound a little bit tragic, but it’s in keeping with Dr. Ilene Andrews, and it’s the truth. So, when I saw some of these plants in the Daintree Rainforest, I really nerded out,” she shares.
Kaylee Hottle, who’s back as Jia Andrews, shares her excitement about being back in the Monsterverse for Godzilla x Kong: The New Empire. “For me to be back in the Monsterverse, it’s really, really nice to be back. It’s really exciting. Audiences will see even more action and more adventures. On this film, we went to the Daintree Rainforest. There were leeches, crocodiles, snakes, cassowaries. But it was beautiful,” she says.
Tickets are available for pre-order for selected cinemas at www.godzillaxkong.com.ph. Godzilla x Kong: The New Empire opens in Philippine cinemas on Black Saturday, March 30.
About “Godzilla x Kong: The New Empire”
The epic battle continues! Legendary Pictures’ cinematic Monsterverse follows up the explosive showdown of “Godzilla vs. Kong” with an all-new adventure that pits the almighty Kong and the fearsome Godzilla against a colossal undiscovered threat hidden within our world, challenging their very existence—and our own. “Godzilla x Kong: The New Empire” delves further into the histories of these Titans and their origins, as well as the mysteries of Skull Island and beyond, while uncovering the mythic battle that helped forge these extraordinary beings and tied them to humankind forever.
Once again at the helm is director Adam Wingard. The screenplay is by Terry Rossio (“Godzilla vs. Kong” the “Pirates of the Caribbean” series) and Simon Barrett (“You’re Next”) and Jeremy Slater (“Moon Knight”), from a story by Rossio & Wingard & Barrett, based on the character “Godzilla” owned and created by TOHO Co., Ltd. The film is produced by Mary Parent, Alex Garcia, Eric Mcleod, Thomas Tull, Jon Jashni and Brian Rogers. The executive producers are Wingard, Jen Conroy, Jay Ashenfelter, Yoshimitsu Banno, Kenji Okuhira.
The film stars Rebecca Hall (“Godzilla vs. Kong,” The Night House”), Brian Tyree Henry (“Godzilla vs. Kong,” “Bullet Train”), Dan Stevens (“Gaslit,” “Legion,” “Beauty and the Beast”), Kaylee Hottle (“Godzilla vs. Kong”), Alex Ferns (“The Batman,” “Wrath of Man,” “Chernobyl”) and Fala Chen (“Irma Vep,” “Shang Chi and the Legend of the Ten Rings”).
In cinemas March 30, 2024, “Godzilla x Kong: The New Empire” is distributed in the Philippines by Warner Bros. Pictures, a Warner Bros. Discovery company.
Join the conversation using #GodzillaxKong (Photo & Video Credit: “Warner Bros. Pictures”)
(ROHN ROMULO)