• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 19th, 2024

Speaker Romualdez tiwala na maiangat ang NAIA bilang “world-class” standards

Posted on: March 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
NANINIWALA si Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ang paglagda sa P170.6 billion Public Private Partnership concession agreement ay lalong magpapa-angat sa antas ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na maging isang “world-class” standard na paliparan.
Sinabi ni Speaker Romualdez malaking pakinabang sa ekonomiya ng bansa kapag mapapabuti ang mga pasilidad sa loob ng paliparan, magpapalakas din ito sa turismo at maging sa ekonomiya at magpapaigting sa connectivity sa global markets.
Sinamahan ni Speaker Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at Executive Secretary Lucas Bersamin para tunghayan ang paglagda sa PPP agreement nina SMC President at CEO Ramon Ang, Transportation Secretary Jaime Bautista, at Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eric Jose Ines.
Pinuri naman ni Romualdez ang magandang collaborative efforts ng administrasyon ni Pangulong Marcos, Jr. at ng private sector stakeholders sa pagsusulong ng mga mahahalagang proyekto.
Binigyang-diin ni Speaker na ang rehabilitation at operation ng NAIA sa ilalim ng PPP framework ay nagpapakita sa hindi natitinag na commitment ng Pangulong Marcos sa pagtataguyod ng napapanatiling paglago sa transportation infrastructure. (Daris Jose)

PBBM, nilagdaan ang PH Salt Industry Development Act

Posted on: March 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act (RA) 11985 o ang Philippine Salt Industry Development Act na naglalayong palakasin at muling pasiglahin ang industriya ng as in sa Pilipinas.
Sa 23 pahina ng naturang batas na nilagdaan ng Pangulo noong Marso 11, nakasaad dito na ang tamang teknolohiya at pagsasaliksik at sapat na pinansiyal, produksyon, marketing at iba pang support services ay ibibigay sa salt farmers para pasiglahin ang salt industry, matamo ang mataas na produksyon at makamit ang salt-sufficiency at maging susunod na exporter ng asin.
Minamandato rin ng RA 11985 ang pagtatatag ng five-year roadmap na naglalayon na palakasin at gawing modernisado ang industriya ng asin, na nakahanay sa nilalayon at patuloy na implementasyon ng RA 8172, o An Act for Salt Iodization Nationwide.
Bubuo naman ng Salt Council upang masiguro ang pinag-isa at pinagsama-samang implementasyon ng salt roadmap at pabilisin ang modernisasyon at industriyalisasyon ng Philippine salt industry.
Tatayong chairman ng Council ang Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI).
Samantala, ang mga kinatawan mula sa kooperatiba ay pipiliin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) mula sa limang nominado mula sa Luzon at tatlo mula sa Visayas at Mindanao.
Ang Philippine Salt Industry Development Act ay itinala bilang  “priority measure” ng Pangulo sa pamamagitan ng Legislative Executive Development Advisory Council.
Magiging epektibo ito 15 araw matapos ang kompletong publikasyon sa Official Gazette, o sa dalawang pahayagan na may general circulation. (Daris Jose)

Pinag-iisipan kung ano ang magiging timeslot: Show ni LUIS, posibleng makatapat sa pagbabalik sa ere ni WILLIE

Posted on: March 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

FROM an ABS-CBN insider na ayaw magpabanggit ng pangalan ay nalaman naming nakatakdang magbabalik sa ere ang “It’s Your Lucky Day” ni Luis Manzano.

 

 

Nope, hindi raw naman ito ang magiging kapalit ng natsugi sa ere na “Tahanang Pinakamasaya.”

 

 

Nalaman din namin na ang “It’s Showtime” na nga ang makatatapat pa rin ng “Eat Bulaga”.

 

 

Well, ayon pa rin source namin sa pagbabalik sa ere ng programa ni Luis ay maaring makatatapat pa rin nito ang nakatakdang pagbabalik sa ere na ng “Wowowin” ni Willie Revillame.

 

Malamang daw magiging pre-programming o after ng “It’s Showtime “ mapapanood ang “It’s Your Lucky Day” na yun din daw naman ang pinag-iisipan pa rin ni Willie at ng management ng TV5 kung saan mapapanood na raw muli ang “Wowowin”.

 

***

 

SPEAKING of “It’s Showtime“ ang isa sa co-host ni Vice Ganda na si Kim Chiu ay ipinaubaya na lang daw ng aktres at TV host sa Itaas ang anumang kahihinatnan ng personal na buhay niya.

 

 

Sey pa ng aktres wala Na raw naman siyang inaasahan na possible pang mangyari sa buhay niya sa mga darating pang mga taon.

 

 

“Parang ayoko na nang too much expectations on what will happen in the coming months or in the next years to come. “Sa ngayon parang gusto ko nang mag-enjoy, kasi sa totoo lang, sa life natin ngayon, nasa Plano na Ito ni God. “Everything doesn’t happen by chance. It was written already before you were born,” medyo natatawa pero seryosong tugon ni Kim sa tanong sa kanya ni Dra. Vikki Belo na kung ano ang vision ng Kapamilyang aktres ngayon.

 

 

Dagdag pa rin naman ni Kim na kung ano man ang magiging kaganapan sa personal niyang buhay ay kagustuhan lahat daw yun ng Panginoong Diyos.

(JIMI C. ESCALA)

Pinaghandaan ang ‘Under A Piaya Moon’: JEFF, mas lalong magsisipag sa work sa pagwawagi ng Best Actor

Posted on: March 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BAGAMA’T baguhan pa lang, nagpakita na ng husay sa pag-arte ang Sparkada hunk na si Jeff Moses. 

 

 

Kelan lang at nanalo itong best actor sa Puregold CinePanalo Film Festival para sa pelikulang ‘Under A Piaya Moon’.

 

 

“Ito po yung sign na mas lalo ko pa pong pagsisipagan sa trabaho. Since I love my job, I see myself in the industry na tatagal talaga ‘ko kasi kahit maraming workload, kino-consider ko po siya as blessing.

 

 

“Lahat po ng work na dumarating sa ‘kin. Although napapagod ako physically, pero sobrang fulfilled po ako lagi at the end of the day,” sey ni Jeff na kilala bilang si Regan sa top-rating afternoon series ng GMA na ‘Abot-Kamay Na Pangarap.’

 

 

Para sa role niya sa ‘Under A Piaya Moon’, nag-aral daw na magsalita ng Hiligaynon at mag-baking si Jeff.

 

 

Nagpasalamat nga siya sa kanyang acting coaches na sina Ana Feleo at Ann Villegas. Hindi nga raw inakala ni Jeff na matutupad ang mga pangarap niyang maging artista dahil una siyang nakilala sa paggawa ng mga TikTok dance videos.

 

 

“I’m happy kasi sobrang willing po ako matuto and I’m very grateful sa mga taong tumulong sa’kin. Nagpapasalamat po ako sa Panginoon for making this dream come true.

 

 

“Dati di ko po inakala na magiging aktor ako. Nanggaling ako sa isang simpleng probinsiya. I’m proud of my province. Nanggaling ako sa simpleng city lamang, nangangarap na maging aktor.”

 

 

***

 

 

NAG-TURN 40 years old si Paolo Contis last March 15 at sinorpresa siya ng mga kasama niyang Kapuso stars sa mediacon ng ‘Best Time Ever’ sa GMA Annex studio 6.

 

 

“Wala po akong wish. Nais ko lang pong magpasalamat sa suporta ng GMA-7 sa akin. Again, I wanna thank GMA for always supporting me, for always supporting the show,” sey ni Paolo na nagsimula bilang child actor sa pelikula at sa TV show na Ang TV.

 

 

Itinanggi naman ng BBL Gang star na  may tampo daw siya sa GMA Network. Pakana lang daw iyon ng mga nais gumawa ng “content.”

 

 

“May kumalat po na may tampo ako sa GMA. Hindi po ‘yun totoo. Pero pagbigyan na po natin ‘yung mga nagkakalat no’n. Content po nila ‘yon, para po sa kanila ‘yon.

 

 

“I’m very thankful to GMA. They’ve been supporting me during the time na kahit hindi ako kasupo-suporta. So walang dahilan para magtampo ako,” sey ni Paolo na binati rin ng kanyang “best friend” na si Yen Santos via social media.

 

 

***

 

 

SUMAILALIM sa isang double mastectomy ang Hollywood actress na si Olivia Munn pagkatapos siyang ma-diagsnose na may breast cancer.

 

 

Kuwento pa ng X-Men: Apocalypse star: “I was diagnosed with breast cancer. I hope by sharing this it will help others find comfort, inspiration and support on their own journey. The biopsy showed I had Luminal B cancer in both breasts. Luminal B is an aggressive, fast moving cancer. I’m lucky. We caught it with enough time that I had options. I want the same for any woman who might have to face this one day.”

 

 

Bago ang operasyon, dumalo pa si Olivia sa nakaraang Academy Awards ceremony kasama ang partner na si John Mulaney.

 

 

Noong February 2023, nagpa-mammogram ang aktres. She tested negative sa all for of cancer genes, including BRCA, the most well-known breast cancer gene. Pero sa biopsy nakita ang cancer gene.

 

 

“In the past ten months, I have had four surgeries, so many days spent in bed I can’t even count and have learned more about cancer, cancer, treatment and hormones than I ever could have imagined. Surprisingly, I’ve only cried twice. I guess I haven’t felt like there was time to cry.”

(RUEL J. MENDOZA)

Favorite niya ang mga song ni Ice: RONNIE, consistent na mataas ang streams sa mga ni-revive na kanta

Posted on: March 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PANGALAWANG beses nang nagkakatrabaho sina Joem Bascon at Jasmine Curtis-Smith; una ay sa Metro Manila Film Festival entry na Culion noong 2019 at sumunod ay ang GMA teleserye na ‘Asawa Ng Asawa Ko’ na kasalukuyang umeere ngayon kung saan gumaganap sila bilang si Leon at Cristy respectively.

 

 

Pinakaunang serye naman ni Joem sa GMA, guest lamang siya kasi sa Black Rider bago napasama sa Asawa Ng Asawa Ko.

 

 

“Happy,” ang bulalas na reaksyon ni Joem nang kumustahin namin ang pakiramdam na sa wakas, matapos ang mahabang panahon na isa siyang Kapamilya, ay nagtatrabaho siya ngayon sa isang regular na serye sa Kapuso Network.

 

 

“Happy, blessed, kasi alam mo yun, for… ilan na ba, nineteen years na yata akong nagwu-work [sa ABS-CBN], so happy, blessed, nakakapanibago siyempre.

 

 

“Kasi nga first time kong mag-work with GMA pero sobrang saya.

 

 

“Kasi alam mo yun pag tumatanda ka naman at the end of the day, kailangan mo lang naman trabaho. Lalo na iyon nga may family na ako, may anak na kami ni Meme [Meryl Soriano], so I’m happy, na siyempre wala na namang network war ngayon so nabi bigyan na ng chance yung mga from kabila, from ABS, nakaka-work na sila sa GMA.

 

 

“Mga taga-GMA nakaka-work na sa ABS. Ayun, masaya ako na may collaboration na ngayon between the two networks.

 

 

“And happy na may trabaho tayong lahat,” ang nakangiting sinabi pa ni Joem.

 

 

Nasa ‘Asawa Ng Asawa Ko’ rin sina Rayver Cruz as Jordan, Liezel Lopez as Shaira at Martin del Rosario bilang Jeff.

 

 

Sa direksyon ni Ms. Laurice Guillen, at umeere ito weeknights 9:35 pm sa GMA Prime.

 

 

***

 

 

SUKI ni Ice Seguerra si Ronnie Liang dahil paboritong i-revive ni Ronnie ang mga awitin ni Ice.

 

 

Pinakabago sa listahan ang kantang “Para Lang Sa ‘Yo” na orihinal na kinanta ni Ice noong 2007.

 

 

Kuwento ni Ronnie, “It’s a self-produced song.

 

 

“Uso kasi ngayon ay mga ‘hugot’, mga hugot na kanta, tayo naman we just go with the flow, with the trend and based sa mga previous self-produced songs ko mataas ang sales po ng hugot songs especially yung mga inspirational.

 

 

“Ito naman takot siyang umibig pero pinagbigyan na niya ang puso niya na muling umibig nung na-meet niya ‘tong taong ‘to.”

 

 

Lahad pa ni Ronnie, consistent na mataas ang streams ng mga dati niyang ni-record at ni-revive na kanta tulad ng “Pakisabi Na Lang”, “Yakap”, “Akala Mo” at iba pa.

 

 

“Nagmi-millions po yung download and streams.”

 

 

“We offer our music to satisfy our listeners especially yung mga followers ko and yung mga kanta naman usually nagre-reflect siya and nagmi-mirror sa everyday lives natin, sa mga experiences natin, sa mga pinagdadaanan natin.

 

 

“And it just shows that maraming mga kababayan natin ang maraming pinagdadanan sa kanilang mga puso and at least thru my music, nakakatulong.”

 

 

Available na for streaming ang “Para Lang Sa Yo” sa lahat ng digital platforms worldwide.

(ROMMEL L. GONZALES)