Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
MAY exciting na crossover ang character ni Jillian Ward na si Doc Analyn Santos ng ‘Abot-Kamay Na Pangarap’ sa Kapuso actionserye na Black Rider.
For the first time daw ay sasakay ng motorsiklo si Jillian.
“Nakakakaba po kasi ngayon lang ako sumakay ng motor pero siyempre andito naman po ang ating napakagaling na si Ruru Madrid kaya medyo nawala po kaagad ang kaba ko.
Sey naman ni Ruru, “Siyempre kumbaga nakasalalay sa akin ang buhay ni Jillian Ward, kailangan talaga nating ingatan. Dahan-dahan lang and evenually kanina, nag-motor kami, tinry ko ng konting bilisan para at least masanay siya ng konti.”
Ang cameo ni Jillian sa ‘Black Rider’ ay may kinalaman sa paggamot nito kay Elias.
Nag-crossover na rin si Jillian sa ibang Kapuso teleserye tulad ng ‘Royal Blood.’
Naka-set na ring simulan ni Jillian ang movie nila ni Ken Chan ba kukunan sa ibang bansa.
***
PAGKATAPOS magbida sa ‘Hearts On Ice’ noong nakaraang taon, muling mapapanood sa mapaghamong papel si Ashley Ortega sa highly-anticipated GMA Prime epic series na ‘Pulang Araw.’
Ayon sa Sparkle actress, isang magandang opportunity para sa kanya ang mapasama sa isang larger-than-life na teleserye. Pagkakataon din daw ito na maraming matutunan ang mga televiewers sa history ng ating bansa.
“I’m really excited kasi talaga ‘yung Pulang Araw, pinag-isipan talaga ng production. There’s so many things na matutunan , especially mga Pinoy. Kasi, the story is about history,” sey ni Ashley sa event na DITO Telecommunity last April 11 sa One Bonifacio Highstreet Mall in Taguig City.
Isa pa sa ikinatuwa ni Ashley ay ang makasama sa ‘Pulang Araw’ sina Alden Richards, Barbie Forteza, David Licauco, Sanya Lopez at Dennis Trillo.
Last February, kabilang si Ashley sa ni-launch via the all-women powerhouse group na Sparkle 10. Nakasama niya rito sina Faith Da Silva, Rabiya Mateo, Lianne Valentin, Shuvee Etrata, Lexi Gonzales, Angel Guardian, Liezel Lopez, Kate Valdez, and Elle Villanueva.
***
BAGO i-drop ang latest studio album ni Taylor Swift na The Tortured Poets Department on April 19, maglalabas ang Apple Music ng series of playlists tungkol sa heartbreak, denial, anger, bargaining, depression, and acceptance. Meron ding masterclass in Emotional Intelligence ang singer.
Each playlist, with titles like “I Love You, It’s Ruining My Life Songs” and “Old Habits Die Screaming Songs,” ay may story with “unfiltered look at the emotional journey of heartbreak.”
Ayon pa kay Taylor: “This isn’t just about selling records. It’s about connecting on a deeply human level, acknowledging that negative emotions aren’t just normal; they’re necessary.”
(RUEL J. MENDOZA)
AYOS lang raw sa mister niyang si David Rainey kung sa ngayon ay sa kanyang showbiz career muna nakatutok si Glaiza de Castro.
Lahad ni Glaiza, “Eversince naman po nandun siya sa kung ano yung schedule ko kasi very flexible naman yung schedule niya.
“Although ang masaya po dun tinutulungan niya ako na mas mapagaan yung schedule ko, yung hindi niya ako binibigyan ng pressure to, parang, may deadline, walang deadline sa kanya.
“So okay lang naman.”
Napaka-busy ni Glaiza bilang co-owner ng kumpanyang Wide International.
“Kaka-release lang ng Slay Zone, isa sa mga bago naming ilo-launch ay pelikula, under Wide International. Pero bukod po dun meron po tayong ilo-launch na mga restaurants, mga resorts at marami pang iba.
“Excited po ako kasi first quarter pa lang ng 2024 ang dami na kaagad pasabog ng Wide International.
“And I’m so happy to be working with Ken Chan at ngayon nadadagdagan pa so, ang saya kasi parang hindi siya work, para kaming nagkita-kita lang magkakaibigan tapos nagkataon na may trabaho.”
Tila mahirap ang pinasok nila dahil ang Wide International ay hindi lamang nga sa film production kundi pati na rin iba-ibang klase ng negosyo ay sakop nito tulad ng restaurant business at beauty products.
Lahad ni Glaiza, “Opo kaya talagang ano, marami kami,” at natawa si Glaiza. “Marami kami na naka-assign sa kanya-kanyang projects ngayon kasi like katulad nung restaurants, it’s Ken Chan’s ano talaga, forte, idea, baby niya yan.”
May mga non-showbiz na kasosyo nila na may kanya-kanya ring expertise na hawak sa Wide International.
“And then ako naman ang contribution ko is sa entertainment, sa films, sa creatives, ganyan, so excited ako kasi mailalabas ko yung mga gusto kong gawin.
“And ayun na nga po, thru Slay Zone, nagawa ko siya, nasimulan ko siya.”
Busy rin si Glaiza sa ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre’ at ‘Running Man Philippines Season 2.’
***
WALA raw problema kay Hajji Alejandro kung kinakanta ang mga hit songs niya sa mga singing competitions.
“Napakalaking ano nun e, parang napakalaking compliment, it’s like telling you that you’ve done something really good, something right, no?
“Na naka-contribute ka dito sa industriya na ‘to, lalo na… para bang naalaala ko yung first time na narinig ko yung first single ko e, first single ko kasi Tag-Araw, Tag-Ulan, side A, tapos Panakip Butas naman side B, I remembered the first time narinig ko yung Tag-Araw, Tag-Ulan sa radio, natapos kong i-record tapos several weeks later pinatugtog sa radio, talagang nagda-drive ako umiiyak ako talaga, yung feeling na talagang ang sarap, from inside nararamdaman mo, ganun din ang nararamdaman ko pag kinakanta ng ibang tao yung mga awitiin ko.
“Si Rachel ni-revive dalawa dun sa mga hit songs ko before and made it again into another hit, yung Nakapagtataka, kakantahin namin yan as a duet dito sa concert.”
Magkasama ang mag-amang Hajji at Rachel Alejandro sa ‘Awit Ng Panahon: Noon At Ngayon’ musical concert sa April 21, Sunday, 8pm sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City.
Mula sa Pro-Entertainment Production, ang organizer at producer ng concert ay si Spike Bermudez, sa direksyon ni Ferdi Aguas.
KINOKONSIDERA ng Pilipinas na magkaroon ng bilateral free trade agreement (FTA) kasama ang United States (US) ukol sa cyberspace at digital technology.
Sa isang panayam sa Washington DC, sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na ang plano ng Pilipinas na magkaroon ng FTA kasama ang Estados Unidos sa dalawang larangan ay bahagi ng “renewed interest to further enhance trade and economic cooperation” ng dalawang bansa.
“Well, on specific areas… probably in the cyberspace, for instance, or in the digital technology, and of course, there are many other areas that I think we can work with the United States on having this,” ang sinabi ni Romualdez nang tanungin sa posibilidad na FTA kasama ang Estados Unidos.
“As I said, the United States is committed itself into really helping – well, I wouldn’t want to put it helping, but looking at the Philippines as really a major investment hub for many American companies,” aniya pa rin.
Para kay Romualdez, mas masigasig ang Estados Unidos na puntiryahin ang ‘specific sectors’ para sa posibleng FTA.
Sinabi pa ni Romualdez na ang nakatakdang Indo-Pacific Economic Framework for Prosperity (IPEF) meeting na gagawin sa Maynila sa susunod na buwan ay makapagbibigay ng “clearer picture” sa direksyon ng economic setup ng dalawang bansa.
“But the Indo-Pacific Economic Framework, which the United States has initiated, of which we are one of the founding members of that economic framework, is looking at including the entire ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) region,” ang pahayag ni Romualdez.
Winika pa ni Romualdez na susundan pa ng gobyerno ng Pilipinas ang nakalipas na pulong nito kay US Commerce Secretary Gina Raimondo, partikular na sa potential investors na papasok sa bansa.
Idinagdag pa nito na tinitingnan din ng Pilipinas ang kahalintulad na ugnayang pangkalakalan sa Japan.
Samantala, inaasahan naman ng Pilipinas ang USD100 billion na investments sa susunod na lima hanggang sampung taon bilang resulta ng makasaysayang trilateral meeting ni Pangulong Marcos kina US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Washington DC.
Inaasahan din ng Pangulo na makapupulong niya ang mga business leaders sa Estados Unidos sa sidelines ng kanyang trilateral summit kasama sina Biden at Kishida para makapanghikayat ng mas marami pang foreign investments. (Daris Jose)
TINIYAK ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza na makukumpleto na ang 3.2 milyong backlog sa plastic cards ng driver’s license sa loob ng 45-araw.
Ito ay makaraang matanggap na rin ng LTO ang 600,000 pang piraso ng plastic cards na ginagamit sa pag-imprenta ng driver’s license cards.
Aniya, ang paghahatid ng karagdagang plastic cards ay makakatugon sa backlog sa mga plastic-printed driver’s license.
Una dito, ang unang isang milyong piraso ng plastic cards ay naihatid noong Marso 25 matapos alisin ng Court of Appeals ang injunction order sa paghahatid ng natitirang hindi naideliver na plastic cards mula sa kumpanyang Banner Plastic na nanalo sa bidding para sa delivery ng plastic cards noong nakaraang taon.
Isang araw matapos maihatid ang isang milyong piraso ng plastic card, agad na naglabas ang LTO ng schedule ng renewal ng expired na driver’s license upang tuluyang makuha ng mga motorista ang kanilang plastic-printed driver’s license.
Layunin ng renewal schedule na matiyak ang maayos na pagproseso at pamamahagi ng mga plastic-printed plastic card sa lahat ng tanggapan ng LTO sa buong bansa. (Daris Jose)
NAGPAHAYAG nang pagkaalarma si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa patuloy na ulat sa hindi maipaliwanag na presensiya ng mga Chinese workers, businessmen, tourists, at estudyante sa bansa.
Sa ginanap na pagdinig ng ilang komite sa kamara,nanawagan si Barbers at ilang mambabatas sa PNP, PDEA, NBI, Immigration, DFA, PSA, LTO, Philippine Coast Guard at iba pang ahensiya ng gobyerno kaugnay sa nadiskubreng mga isyu kung saan ilang Chinese nationals ang nakakakuha ng Filipino birth certificates, driver’s licenses, UMID cards, passports at maging accreditations at membership sa armed services lalo na sa Philippine Coast Guard.
“The only sure thing right now is that corruption at its worst has eaten us up. This is the only logical explanation. If these Chinese nationals can get all these accreditations and buy our agricultural and private lands, acquire and lease properties and other assets, enroll in our universities on the pretext and cover of exchange student programs, work here without permits, obtain loans from our banks then abscond or leave the country without a trace, then we are drafting our epitaph as a nation. We only have ourselves to blame. The greed for money and power is killing this country. Unless we move now, we will see ourselves controlled by invaders tomorrow”, babala ni Barbers.
Tanong ng mambabatas kung papaano nakakuha ang dayuhan, hindi lang indibidwal kundi grupo ng mga dokumento na para lamang sa mga Pilipino.
Nanawagan naman ito kay Pangulong Bongbong Marcos na pigilan ang nakakatakot na sitwasyon sa pamamagitan ng pagsibak sa ilang incompetent at korup na opisyal at empleyado o suspind ihan agad habang nagsasagawa ng imbestigayon ang Executive Department at kongreso.
“There is no time to spare. This state sponsored “creeping invasion” has been happening for years, not just yesterday. I thought that we only gave away a shoal, I didn’t know that the entire country may also be a subject of an agreement. The Chinese probably misunderstood it when it was verbally made. They probably thought “shore” not shoal”, pagtatapos ni Barbers. (Vina de Guzman)
From [Christ] the whole body, joined and held together by every supporting ligament, grows and builds itself up in love, as each part does its work.
“IT’S COMLICATED.”
Ganito ilarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kanyang relasyon sa pamilya Duterte.
Tinanong kasi ang Pangulo sa Foreign Correspondents Association of the Philippines’ (FOCAP) presidential forum sa Manila Hotel kung ano na ang kalagayan ng kanyang relasyon sa pamilya ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Inamin ng Pangulo na “It is complicated. The one, of course, that I have the most contact with is Inday Sara.”
Aniya, sa kabila ng mga kritisismo na natanggap niya sa pamilya Duterte, nananatili namang maayos ang kanyang relasyon kay Vice President Sara Duterte. Hindi aniya nagbago ang relasyon nila simula pa noong 2022 campaign.
“How we were with each other during the campaign, after the election, up to now, it has not really changed,” ayon sa Chief Executive.
Aniya pa, sa halip na sumakay si Sara Duterte sa mga puna at pambabatikos ng pamilya Duterte laban sa kanya (Pangulong Marcos) ay mas pinili nitong mag-pokus sa trabaho.
“‘No, I’ll just work. Don’t worry about it. I’ll just work and work and work and work.’ That’s her attitude,” aniya pa rin.
Hindi naman kaila sa publiko ang mga sinabi ni dating Pangulong Duterte, mga anak nitong sina Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte at Davao City Mayor Sebastian Duterte laban kay Pangulong Marcos. Naging kritikal kasi ang mga ito kay Pangulong Marcos lalo pa’t nagpahayag ang Pangulo (Marcos) ng posibilidad na pagsama sa International Criminal Court (ICC) na nakatakdang magbigay ng hatol sa madugong giyera ng administrasyong Duterte sa drugs campaign.
Nauna rito, may panibagong banat Pangulong Duterte kay Pangulong Marcos at ito ay makuntento at maging masaya ang huli sa anim na taong termino bilang presidente ng bansa.
Dagdag pa ng dating pangulo na pinatawad at inintindi ng mga Pilipino si Marcos dahil binigyan pa umano ito ng Diyos ng panahon na makapagsilbi sa Pilipinas kahit na hindi naging maganda ang kasaysayan ng pagbaba sa pwesto ng ama nitong si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Naganap ang mga pahayag na ito ng dating pangulo sa ginanap na Defend the Flag Peace Rally sa Tagum City, Davao del Norte nitong Linggo ng gabi.
Pinasaringan din ni Duterte ang planong charter change na balak umanong i-extend ang term limits.
Aniya, hindi kaaya-aya na ang isang tao o ang isang administrasyon ay gagawa ng paraan para tanggalin ang anim na taon at dagdagan ito ng panibagong termino. (Daris Jose)
NAGSAMA-SAMA ang iba’t ibang sektor para sa pormal na pagtatatag at paglulunsad ng bagong partido sa Maynila.
Tinawag ang partido na United Manileños na layon ng isang pagbabago mula sa kasalukuyang nangyayari sa lungsod
Kabilang sa mga sektor na nakiisa sa panawagan ng pagbabago at pagtatag ng bagong partido ang hanay mula sa urban poor, vendor, senior citizens , LGBTQ at mga dating vendors sa Divisoria mall
Ayon kay Captain Niño Magno, founder ng United Manileños, ang kanilang grupo ay binubuo ng mga ordinaryong residente sa lungsod na nananawagan ng pagbabago.
Bagama’t bago palang ang kanilang grupo, umaasa aniya silang lalakas ang kanilang pwersa para magkaroon sila ng boses na maipanawagan ang kanilang mga hinaing.
Nilinaw din ni Magno na walang pulitiko o sinumang personalidad ang nasa likod nila.
Pero aminado siya kung mabibigyan sila ng pagkakataon, handa silang sumuporta sa mapipili nilang kandidato kung sakali.
Ang official launching ng United Manileños ay ginawa kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni dating Manila Congw. at dating Presidential Management Staff Naida Angping. GENE ADSUARA
NANAWAGAN si Senador Risa Hontiveros nitong Lunes sa Philippine National Police (PNP) na bawiin at kanselahin ang lisensya ng mga baril ni pastor Apollo Quiboloy na tinawag ng senadora na isang pugante.
Ginawa ni Hontiveros ang pahayag matapos kumalat online ang mga larawan at video ng kanyang sinasabing private army training with firearms.
“Quiboloy is armed and dangerous.
Buhay na buhay ang mga armadong sundalo niya na handang magpakamatay para sa kanya. The PNP should confiscate these firearms at once,” ani Hontiveros.
Noong nakaraang linggo, sinabi ng PNP sa isang press conference na si Quiboloy, na nakapagrehistro ng hindi bababa sa 19 na baril, ay hindi maaaring ituring na “armed and dangerous” dahil wala siyang dating rekord ng karahasan o rekord ng pagtatrabaho sa mga pribadong armadong grupo.
“The PNP should do better. Alam na ng lahat sa social media na may private army siya, pero bakit parang nagbubulag-bulagan pa sila? Pugante na si Quiboloy kaya huwag na dapat mag-alangan ang PNP na bawiin ang mga armas niya,” ani Hontiveros.
Binigyang-diin din ni Hontiveros na dapat gawin ng PNP ang lahat ng pagsisikap para tuluyang maipit si Quiboloy, lalo na’t nahaharap na sa dalawang warrant of arrest ang pinuno ng Kingdom of Jesus Christ.
“I urge the new PNP chief, PGen Rommel Marbil, to step up. There could be a failure of intelligence if it takes this long to locate Quiboloy’s whereabouts. Dalawang warrants of arrest na ang na-issue pero di pa maaresto. Along with his private army, he is a threat to peace and order in the country,” ani Hontiveros. (Daris Jose)