• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 4th, 2024

Importante ang chemistry at komunikasyon: MARCO, naniniwala sa matagumpay na long distance relationship

Posted on: May 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINDI naniniwala si Marco Gallo na hadlang ang long distance upang maging matagumpay ang isang relasyon.

 

 

Ayon kay Marco, “It doesn’t really matter because the chemistry between two people is more important.

 

 

“As long as you can communicate, Facetime or video call, it doesn’t matter how far they are.”

 

 

Dahil sa makabagong teknolohiya ay madali nang lunasan ang suliranin ng magkalayong lugar ng dalawang taong nagmamahalan.

 

 

“With the advent in technology, there are many ways to connect, so I think it should not be a problem also,” ani Marco.

 

 

Bida sina Marco at Heaven Peralejo sa ‘Men Are From QC, Women Are From Alabang.

 

 

Sa direksyon ni Direk Gino Santos at base sa best-selling book ni Stanley Chi na may kaparehong titulo, napapanood na ito sa mga sinehan.

 

 

***

 

BILANG isang performer ay idolo ni Prince Keino ang SB19 at na-starstruck raw siya noong makita niya ng personal si Daniel Padilla sa hallway ng ABS-CBN.

 

 

Idolo naman niya sa aktingan si Alden Richards.

 

 

First endorsement ni Prince Keino ang Ching’s Fried Noodles at siya rin ang pinakaunang brand ambassador ng nabanggit na produkto.

 

 

“Sobrang saya ko po, ang sarap po sa feeling na may nagtitiwala sa akin na ganito,” ang nakangiting sinabi ni Prince Keino na alaga ni Rams David ng Artist Circle Talent Management.

 

 

Impressive ang na-achieve na ni Prince Keino sa showbiz; naging grand finalist siya sa contest ng Eat Bulaga! na Hype Kang Bata Ka Season 1 noong 2018.

 

 

Naging young Victor Anastacio siya sa ‘The Gift’ ni Alden sa GMA.

 

 

Nakasama siya sa blind audition ng The Voice Kids Season 4.

 

 

“Pero hindi po ako naikutan ng judges.”

 

 

Napasama rin si Prince Keino sa Season 5 ng Team Yey! na ipinalabas sa YeY Channel ng ABS-CBN TVplus na isang educational program para sa mga bata kung saan nakasama ni Prince sina Marco Masa, Xia Vigor, at iba pang child stars.

 

 

“Then after po nun, nag-Dream Maker na po ako sa ABS-CBN, nag-search po sila for Global Pop Group.”

 

 

Umere ito noong 2022 kung saan host sina Ryan Bang at Kim Chiu, sa naturang boy group survival reality show nabuo ang Hori7on na binubuo nina Jeromy Batac, Marcus Cabais, Kyler Chua, Vinci Malizon, Reyster Yton, Kim Ng at Winston Pineda.

 

 

Part na rin siya ng Star Music.

(ROMMEL L. GONZALES)

P5.9-B pinsala naitala sa agri sector dahil sa El Niño – DA

Posted on: May 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SUMAMPA na sa P5.9 billion pesos ang halaga ng pinsala na dulot ng El Niño phenomenon sa sektor ng agrikultura.

 

 

Ayon kay DA ASec. Arnel de Mesa nasa 80, 000 na mga magsasaka ang apektado ng El Niño.

 

 

Pinaka-malaki rito ay ang mga magsasaka ng palay na nasa halos 60, 000.

 

 

Batay sa datos, nasa 58,000 hectares naman ng palayan ang lubhang naapektuhan dahil sa matinding tag-tuyot.

 

 

Samantala, iniulat naman ng DA na umabot na sa P2.18 billion pesos ang naipamahaging ayuda at interventions ng Department of Agriculture at ng iba pang ahensya ng gobyerno sa mga magsasaka na apektado ng tagtuyot.

 

 

Kabilang dito ang rice farmers financial assistance o ang pamamahagi ng 5,000 pesos sa bawat magsasaka na may sinasakang palayan na hindi tataas sa dalawang ektarya.

 

 

Nakapamahagi na rin ng P700 million pesos na halaga ng mga inputs tulad ng pump and engine, P68 million naman ang naipamahagi ng Philippine Crop Insurance Corporation para sa indemnification o insurance claim, at mahigit P10 milyon naman ang naipamahagi ng Agricultural and Credit Policy Coucil para sa Survival at Recovery loan.

 

 

Ang National Irrigation Administration o NIA ay may inilabas na ring 300 million pesos para sa intervention sa mga irigasyon. (Daris Jose)

4 na lalaking lumabag sa ordinansa, kulong sa droga

Posted on: May 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HIMAS-REHAS ang apat na kalalakihan nang makuhanan ng illegal na droga makaraang masita ng mga pulis dahil sa paglabag sa city ordinance sa magkahiwalay na lugar sa Lungsod ng Caloocan.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-12:40 ng madaling araw, nagsasagawa ng anti-crimility patrol ang mga tauhan ng Police Sub-Station 3 sa Palon St., Brgy. 70 nang mapansin nila ang dalawang lalaki na kapwa walang suot na damit habang gumagala sa lugar na malinaw na paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod.

 

 

Nang lapitan nila para isyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) ay tumakbo ang mga suspek kaya hinabol sila ng mga pulis hanggang sa magawang maaresto.

 

 

Nang kapkapan, nakumpiska sa mga suspek ang tig-isang transparent plastic sachet na nagalaman ng aabot 2.55 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P17,340.

 

 

Sa Brgy. 12, nakuhanan naman ng nasa 5.2 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P35,360.00 ang dalawa ring lalaki matapos tangkain takasan ang mga tauhan ng Police Sub-Station 4 nang lapitan nila para isyuhan ng OVR dahil sa paglabag din sa city ordinance makaraang matiyempuhan nila na kapwa rin walang suot na damit habang naglalakad sa Bangayngay Street, alas-12:20 ng madaling araw.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Art 151 of RPC at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Tsina, dedma lang sa concern na agresyon nito laban sa Pinas; pinaratangan ang administrasyong Marcos na may ‘political agenda’ sa sea row

Posted on: May 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DEDMA lang ang Chinese Embassy sa Maynila sa pagpapahayag ng malasakit at pag-aalala ng ilang bansa kaugnay sa agresyon ng Tsina sa Philippine vessels.

 

 

Ang katuwiran ng Embahada, hindi naman nila kinakatawan ang international community at malinaw na kumakampi lamang.

 

 

Dahil dito, sinisi ng Embahada ang administrasyong Marcos para sa mga nangyayari sa katubigan lalo pa’t tila ginagawang ‘frontline’ ng gobyerno ang mga mangingisdang filipino sa maritime dispute at paigtingin ang tensyon.

 

 

Nagpalabas naman ng ilang kalatas ang Embahada matapos na paulanan ng kanilang Coast Guard ng water cannon ang dalawang Philippine ships na nagsasagawa ng food supply mission sa katubigan sa Bajo de Masinloc.

 

 

Binigyang katuwiran ng Embahada ang naging aksyon nito sabay sabing ang mga naturang vessels ay illegal na pumasok sa katubigan na inaangkin at sinasabing pag-aari ng Tsina.

 

 

Sa kabilang dako, mariing kinondena ng maraming bansa kabilang na ang Estados Unidos ang pinakabagong agresyon ng Tsina.

 

 

“Over the past one year, the same batch of countries issued statements on maritime incidents between China and the Philippines,” ayon sa Embahada.

 

 

“Instead of speaking on the true merits of the matter, those statements were intended to take side. Against nearly 200 countries in the world, this batch of countries cannot represent the international community,” dagdag na pahayag ng Embahada.

 

 

Sinabi pa ng Embahada na ang Pilipinas ang siyang nagpo-provoke ng tensiyon, hindi anito kagaya ng nakaraang administrasyon na hinawakan ng maayos ang usapin ng sea dispute.

 

 

Tinuran pa ng Embahada na ang kasalukuyang gobyerno, hindi katulad ng nakalipas ay “crossed the red line in Huangyan Dao,” o ang Scarborough Shoal, at maging ang sinasabing “reneged on its own words on the management of Renai Jiao and unilaterally abandoned the Gentlemen’s Agreement, Internal Understanding and New Model agreed upon by the two sides.”

 

 

Makailang ulit naman na binanggit ng Beijing ang iba’t ibang kasunduan na pinasok ng Maynila sa kanila kaugnay sa West Philippine Sea. Subalit, wala naman itong maipakitang anumang pruweba pa.

 

 

“This is the real cause of maritime incidents that heightened tension in the South China Sea over the past year,” ayon sa Embahada.

 

 

Tinuran pa ng Embahada na ang administrasyong Marcos ay “hustles the fishfolks to the frontline of maritime disputes in the name of humanitarian assistance” para sa kanilang “political agenda.”

 

 

“This is what’s truly sad,”ayon sa Embahada. (Daris Jose)

DOH, hinikayat ang publiko na ” to stay cool, hydrated” sa gitna ng nagpapatuloy na matinding init ng panahon

Posted on: May 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
ANG paghahanap ng mga praktikal na paraan para manatiling “cool at hydrated” ay makatutulong sa publiko habang nagpapatuloy ang mainit na panahon hanggang sa susunod na buwan.
Sa press briefing ng Task Force El Niño, binigyang-diin ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang kahalagahan ng pananatiling “hydrated.”
Kaya nga, mabilis na nagpayo si Herbosa kontra sa makailang ulit na pagligo sa isang araw.
“Hindi ko ma-recommend ‘yan. Mauubos naman yung tubig para sa tubigan, mawawalan tayo ng pagkain. Ang payo ko talaga is to conserve water,” ayon kay Herbosa.
Bilang tip, inirekumenda ni Herbosa ang pagdaragdag ng isang pinch o kurot ng asin sa inuming tubig para itaas ang electrolytes sa katawan at mapigilan ang cramps dahil sa dehydration.
Ang isa pang tip mula sa Kalihim ay regular na magdala ng isang atomizer o spritzer na may tubig para i-spray sa mukha at iba pang bahagi ng katawan para i- hydrate at panatiling ‘cool’ ang balat.
Inulit naman ni Herbosa na ang mga kabataan, may edad na 50 at pataas, mga taong nagta-trabaho sa kalsada at iyong mga kasama sa recreational sports ay “at high risk” na dumanas ng “exposure illnesses” kapag ang heat index ay tumaas sa 50.
Winika nito na ang critical hours sa araw ay mula alas-10 ng umaga hanggang 4 ng hapon kapag ang heat cramps at heat exhaustion ay nangyari na maaaring mauwi sa heat exhaustion at maging ang pagkamatay kapag hindi kaagad nagamot.

John Krasinski turns to family for inspiration for his whimsical adventure comedy movie “IF”

Posted on: May 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

AFTER directing, writing, and co-starring with his wife Emily Blunt in global box-office hits A Quiet Place and A Quiet Place Part II, John Krasinski does a complete 180 turn with IF, a whimsical adventure for the whole family to enjoy. The inspiration— his very own family. “I’ve always wanted to make a movie for them,” he explains.

 

 

Watch Ryan Reynolds talk about John Krasinski’s storytelling here: https://youtu.be/0aZQr2Af7DA

 

 

Krasinski wanted to create something he and Blunt can enjoy with their daughters. “Emily says that the Quiet Place movies are PG-40 for them, so they won’t see those for a long time. During the early days of the pandemic, I got to spend a lot of time around my then-8-year-old and 6-year-old daughters and see the power of their imaginations. But as the pandemic wore on, I started seeing their lights dwindle. They had been so full of energy and excitement, but they were becoming more cautious about everything.”

 

 

As he sought inspiration in how his children’s imaginations grew up with them, the world of IF began to form. Producer Allyson Seeger, who is also Krasinski’s partner in their company, Sunday Night, recalls the beginnings of IF. “John said, ‘What if, instead of making a movie about imagination, we make imagination a character in the movie?’ Adulthood and real life can often temper the imagination right out of you, but the movie explores the question – what if it’s never too late to reconnect with that? To be a kid again, even for a moment,” she says.

 

 

Krasinski also admits to having IFs, or imaginary friends of his own, while growing up. “Our home was very close to a video store and I was allowed to walk there by myself at night. It would take me a half hour to get home, because I would pretend that all these different creatures were after me and I had to hide in my neighbor’s bushes to escape.”

 

 

They started working on this transformative journey centered around a 12-year-old named Bea, who at that age, had to grow up a little too fast. At the precipice of teenhood, ready to leave her childhood behind, she discovers her unique superpower of being able to see everyone’s imaginary friend.

 

 

Krasinski decided to run this idea past a good friend, actor Ryan Reynolds, before putting it into script. “Ryan is, in my opinion, one of the most talented people out there,” says Krasinski. “He knows comedy, he knows drama. We had been talking about doing a film together forever. I explained that I was developing a film about children and their imaginary friends. Would he want to be a part of it? He said, ‘Yes, definitely.’”

 

 

Reynolds believes in Krasinski’s range, and that IF is the next natural step for Krasinski as a filmmaker, saying, “I struggle to think of a writer or director more informed by their own parenthood than John Krasinski. Being a dad and a husband has really cemented his cinematic language. What’s most striking to me is that he can make a movie as scary and provocative as A Quiet Place, yet he can also do something as tender, unexpected and hilarious as IF.”

 

 

At the center of the Quiet Place films and IF is family, and how family handles difficult situations, but with IF, instead of hair raising thrillers, there’s plenty of laughs to be had along with heartfelt moments. “A Quiet Place was a metaphor about parenthood and about how far you’ll go to protect your kids,” producer Seeger says. “I think IF is a movie for kids, parents, for every generation. It’s a coming-of-age story for everyone.”

 

 

IF arrives in Philippine cinemas on May 15.

 

 

About IF

 

 

From writer and director John Krasinski, IF is about a girl who discovers that she can see everyone’s imaginary friends – and what she does with that superpower – as she embarks on a magical adventure to reconnect forgotten IFs with their kids. IF stars Ryan Reynolds, John Krasinski, Cailey Fleming, Fiona Shaw, and the voices of Phoebe Waller-Bridge, Louis Gossett Jr. and Steve Carell alongside many more as the wonderfully unique characters that reflect the incredible power of a child’s imagination.

 

 

Written and directed by John Krasinski, IF is produced by Allyson Seeger, Andrew Form, Ryan Reynolds, John Krasinski

 

 

Cast includes Ryan Reynolds, John Krasinski, Cailey Fleming, Fiona Shaw, Phoebe Waller-Bridge, Louis Gossett Jr., Alan Kim, Liza Colón-Zayas and Steve Carell

 

 

In Philippine cinemas starting May 15, IF is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures. Connect with #IFMovie and tag @paramountpicsph

 

 

(Photo and Video Credit: “Paramount Pictures International”)

 

(ROHN ROMULO)

Sa muling pagsasama sa pelikulang ‘Un/Happy For You’: GERALD, full support sa balik-tambalan nina JOSHUA at JULIA

Posted on: May 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL sa mga naunang pangyayari sa kanyang lovelife ay hanggang maaari ayaw nang ibahagi sa publiko ni Sunshine Cruz ang tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.

 

Matatandaang naging kontrobersyal ang naging hiwalayan last 2022 ng magaling na aktres sa pulitiko na ngayong si Macky Mathay.

 

“After the very public relationship I had with my ex, I’d rather keep quiet na lang tungkol sa aking lovelife,” sey pa ng aktres.

 

Dagdag pa ni Sunshine na hindi pa raw napapanahon na isapubliko niya at ibandera sa lahat ang tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.

 

“I don’t want to talk about it right now. Balato n’yo na lang sa akin. I don’t owe anybody an explanation when it comes to my private life,” makahulugang pa rin ni Sunshine.

 

Samantala, super happy naman si Shine para sa tatlong anak nilang babae ni Cesar Montano.

 

Ayon kay Sunshine ay talagang very proud mommy siya sa mga naabot nina Angelina, Sam at Chesca.

 

“My kids are okay. Si Angelina is in her last year at La Salle, a Dean’s lister and First Honors. Si Sam is in her first year college, also a Dean’s lister with Second Honors. Si Chesca took the exam at Ateneo and got in,” pagkakamalaki pa ng single mom na si Sunshine.

 

Dagdag pahayag pa rin ni Shine ay ini-enjoy na lamang daw niya ang pagiging single mom para sa tatlong anak.

 

“Mag-focus lang talaga. Ako kasi ginawa ko nu’ng nahiwalay ako, nag-focus ako sa trabaho, nag-focus ako sa mga kaibigan na alam ko makakapagbigay advise nang tama sa akin because before you know it ayan na ‘yung anak ko, mag-23 (years old) na si Angelina, so enjoy n’yo lang,” pahayag pa ng premyadong aktres.

 

***

 

SUPORTADO raw ng aktor na si Gerald Anderson ang pagbabalik tambalan ng girlfriend niyang si Julia Barretto at Joshua Garcia.

 

Muling magsasama ang tambalang JoshLia para sa pelikulang ‘Un/Happy For You.’

 

Walang naging problema at full support ang aktor dahil para kanya ay trabaho lamang ang gagawin ni Julia para sa mga tagahanga ng da­ting magkasintahan.

 

2019 nang nagkahiwalay sina Julia at Joshua.

 

“It’s exciting para sa mga fans nila, siyempre ‘di ba? I’m not sure ilang years ago sila huling nagkasama. But I’d been in that situation. Alam ko na marami silang mapapasaya na fans nila,” sey pa ni Gerald sa panayam sa kanya.

 

Siyempre dasal ni Gerald na magiging successful ang bagong pelikula nina Julia at Joshua mula sa Star Cinema.

 

“They are both great actors. So alam natin na magiging quality ‘yung ilalabas nilang proyekto,” pahayag pa rin ni Gerald.

(JIMI C. ESCALA)

Magkikita na lang sila sa korte: CRISTY, nagbigay na ng pahayag sa kasong isinampa ni BEA

Posted on: May 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KAHAPON nang tanghali, ika-3 ng Mayo, sinagot na ni Nanay Cristy Fermin sa kanyang programang “Cristy Ferminute” kasama si Romel Chika sa 92.3 Radyo 5 TRUE FM, ang isinampang reklamo sa kanila ni Bea Alonzo na cyber libel.

 

 

Wala pa raw siyang natatanggap na subpoena kaya hindi niya alam kung ano ang nilalaman ng demanda.

 

 

“Alam ko po may mga hinihintay kayo na tugon ngayong araw na ito dahil kahapon po ay nagsampa si Bea Alonzo ng libelo laban sa inyong lingkod, kay Ogie Diaz at sa iba pa naming mga kasama,” panimula niya.

 

 

“Wala pa po akong detalyadong maibibigay sa inyo dahil wala pa po kaming hawak na impormasyon. Hindi pa po namin alam kung anu-ano ba ang nilalaman ng kanyang sinumpaang salaysay kung bakit siya nagdemanda ng kasong libelo.”

 

 

Pagpapaliwanag pa niya tungkol sa kaso, “Ang libelo po, cyber libel o cyber bullying na tinatawag nila ay kakambal ng aming propesyon. Ito po ay parang dila at ngipin na magkasama. ‘Di po maaring paghiwalayin.”

 

 

“Pero napakalayo pa po ng tatakbuhin ng kasong ito, magpapalitan pa po kami ng aming mga sinumpaang salaysay at ang prosekusyon na po ang magde-desisyon kung sino ba ang nasa tama at kung sino naman ang nasa panig ng mali.”

 

 

Dagdag pa ni Nay Cristy, “Hindi po natin ito mapupuwersa para sa atin ang manghusga kung sino sa panig naming ni Bea Alonzo ang nagkasala, nasa husgado na po ‘yan.

 

 

“Hindi lang po naming matatanggap ni Ogie Diaz ‘yung kanyang kampo sa pagsasabi na ang aming daw pong vlogs ay ginagawa para lamang magkaroon ng mataas na views at pagkakitaan si Bea Alonzo.

 

 

“Ang programa po ni Ogie Diaz, ang kanyang vlog ang ‘Showbiz Now Na’ at maging ito pong ‘Cristy Ferminute’ ay dinisensyo hindi lamang po para kay Bea Alonzo. Ito po ay para ibalita ang lahat ng kuwento positibo man o hindi tungkol sa mga personalidad na tinatawag po nating public figures.

 

 

“At bilang pampublikong pigura po sila ay kami naman po ang nagtatawid ng mga balita tungkol sa kanila hindi po naming maaaring puhunanin si Bea Alonzo lamang para kumita ang aming mga vlogs, mali po iyon.

 

 

“Lahat ng mga kuwento ay ilalatag po namin at depende na lamang po ‘yan sa pagtanggap ng mga personalidad na aming tinatalakay.”

 

 

Dagdag paliwanag pa niya, “Kayo po ay public figures kayo po ay nabubuhay sa loob ng aquarium sabi ko nga at gasgas na ang linya kong ito, kayo po ay mga isda sa loob ng aquarium ang publiko po ay nakatanaw sa inyo bawa’t galaw ninyo, bawat ikot n’yo, marami pong nakatanaw, wala kayong maaring ligtasan.

 

 

“Kaya public figure kayo huwag masyadong balat sibuyas, pero ‘yung karapatan mo Bea Alonzo para magsampa ng kaso laban sa amin ni Ogie Diaz at sa iba pa naming mga kasama ‘yan ay hindi naming hinaharangan.

 

 

“Pero kung ito ang naging dahilan para busalan ninyo ang aming bibig, opinion at malaya naming pamamahayag ay nagkakamali kayo!”

 

 

Panghuli pang pahayag ni Nay Cristy, “Gumawa ka ng maganda Bea Alonzo patuloy kitang papalakpakan, patuloy kitang pupurihin pero kapag ika’y nagkakamali at sablay ang iyong ginagawa sa mata ng publiko at sa aming panlasa, ikaw ay aming papaalalahanan at tatapikin!

 

 

“Sabi nga, kayo ang nagdemanda, ikaw Bea ang nagsampa ng kasong libelo laban sa akin, kay Ogie Diaz at sa aming mga kasama, ano ang ating sinasabi, we will see you in court.”

 

 

Humingi naman ng paumanhin si Nay Cristy dahil hindi siya nakasagot sa lahat ng mga tumatawag at nagpadala ng positibong mensahe tungkol sa demanda. Inilaan daw niya ang araw na yun para kaarawan ng pumanaw na ina at dinalaw ang puntod nito.

 

 

“Kaya maraming salamat sa inyong lahat, sa mga nagtitiwala, nagpapakita ng pagmamahal at suporta. Pakitanggap po ang aking mula sa pusong pagmamahal. Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat,” huling pahayag pa ni Nay Cristy.

(ROHN ROMULO)

Taas-sahod ng manggagawa, tiniyak ng DOLE

Posted on: May 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma na makapagpapatupad ang pamahalaan ng umento sa sahod sa lalong madaling panahon.

 

 

Ang pagtiyak ay ginawa ni Laguesma sa isang panayam sa radyo, kasunod na rin ng kautusan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na repasuhin ang minimum wage rates sa bansa.

 

 

Ayon kay Laguesma, bago sumapit ang unang anibersaryo ng umiiral na wage order ay magpapatupad muli ang mga Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) ng bagong wage order kaya’t hindi aniya ‘false hope’ lang ang pahayag ng pangulo hinggil dito.

 

 

Tiniyak din ni Laguesma, na siya ring chairman ng National Wages and Productivity Commission (NWPC), na bilang tagapaglikha ng polisiya ng RTWPBs ay sisi­guruhin nilang maipatutupad ang direktiba ng pangulo.

 

 

Ipinaliwanag pa ng DOLE chief na base sa kanilang mga dati nang karanasan, kalimitan nang nag-uutos ng panibagong umento sa sahod ang RTWPB matapos marepaso ang kasalukuyang rates.

 

 

Makatutulong naman aniya ang kautusan ng ­pa­ngulo upang mapabilis pa ang proseso ng deli­berasyon at maiwasan ang kawalan ng katiyakan ng paglalabas ng mga bagong wage orders.

 

 

Paglilinaw pa ng kalihim, iba-iba ang petsa ng ­anibersaryo ng mga umiiral na wage rates sa 17 rehiyon sa bansa. (Daris Jose)

Ads May 4, 2024

Posted on: May 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments