• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 8th, 2024

Tatay na pumatay sa anak sa Navotas, himas-rehas

Posted on: May 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HIMAS-REHAS ngayon ang 61-anyos na lalaki matapos mapatay sa saksak ang kanyang sariling anak sa Navotas City.

Sa ulat ni P/MSg. Allan Bangayan kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, alas-3:45 ng Linggo ng hapon nang magkaroon ng pagtatalo ang kinakasama ng biktimang si alyas “Ryan”, 35 at anak na babae ng suspek na si alyas “Nap” sa harap ng kanilang bahay sa Bicol Area, Brgy. Tanza 2.

Kapwa umano umawat sa naturang pagtatalo ang mag-ama hanggang sa pumasok ng kanilang bahay ang suspek.

Gayunman, nang paglabas ng suspek ay armado na ito ng patalim at kaagad tinarakan sa dibdib ang anak bago mabilis na tumakas dala ang ginamit na armas.

Kaagad namang isinugod ang biktima ng kanyang dalawang kapatid na babae sa Navotas City Hospital subalit, idineklarang dead-on-arrival.

Sa ikinasa namang follow-up operation nina P/Lt. Roberto Furuc, Commander ng Navotas Police Sub-Station-1 ay nadakip ang suspek dakong alas-6:05 ng gabi na mahaharap sa kasong Parricide. (Richard Mesa)

Navotas, kinilala si San Jose bilang city patron, protector

Posted on: May 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA kapistahan ng Diocesan Shrine and Parish of San Jose de Navotas, opisyal na kinilala ng Lungsod ng Navotas si San Jose bilang city patron at protector nito.

Nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco at ng city council ang City Ordinance No. 2024-05, na nagdeklara rin ng unang Linggo ng Mayo bilang Pistang Bayan ng Navotas.

Kasabay nito, itinayo ng lungsod ang imahe ni San Jose Glorioso bilang isang cultural heritage treasure sa pamamagitan ng City Ordinance No. 2024-04.

“This marks a significant milestone in our efforts to safeguard our city’s vibrant cultural and religious legacy,” ani Mayor Tiangco.

“Navoteños have already been devotees of San Jose even when Navotas was still a visita of Tondo more than 400 years ago. Designating San Jose as our City Patron and Protector reflects our deep-rooted reverence and unwavering devotion to him,” dagdag niya.

Itinatag ng Archdiocese of Manila ang noo’y bayan ng San Jose de Navotas noong July 1, 1959.

Noong 2021, ang Roman Catholic Bishop ng Caloocan Most. na si Rev. Pablo Virgilio S. David ay idineklara ni San Jose de Navotas bilang diocesan shrine.

Bukod dito, kinilala ng National Historical Commission ang San Jose Parish Church bilang “Simbahan ng Navotas.”

Bago ang declaration ceremony, isang solemn mass ang isinagawa na pinarangalan ni Congressman Toby Tiangco at ng kanyang asawang si Michelle.

Nakiisa rin si Cong. Tiangco kay Bishop David sa paglalahad ng mga plano para sa San Jose Perpetual Adoration Chapel at sa estatwa ni San Jose Glorioso sa patio ng simbahan.

“San Jose, revered as the patron saint of workers, families, and communities, occupies a special place in the hearts of Navotas residents. He inspires us to embody the virtues of humility, diligence, and faithfulness,” pahayag ni Mayor Tiangco. (Richard Mesa)

Ads May 8, 2024

Posted on: May 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LTFRB: Walang katotohanan na magkakaroon ng fare hike dahil sa PUVMP

Posted on: May 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
SINABI ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na walang katotohanan ang mga alegasyon ng grupong Piston at Manilbela na magakakaron ng pagtaas ng pamasahe dahil sa pagpapatupad ng public utility vehicle modernization program (PUVMP) ng pamahalaan.
Binigyan diin ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz III na walang katotohanan na tataas ng hanggang P25 pesos ang pamasahe.
“There is no basis to implement fare hikes for public utility vehicles (PUVs) because several factors, such as inflation and cost of fuel, must be considered before the agency approves a new fare increase,” wika ni Guadiz.
Ayon sa Piston na tataas hanggang P25 ang pamasahe dahil sa financial pressures sa mga operators at drivers na bumili ng modern jeepneys units sa ilalim ng PUVMP.
Samantala, ayon naman sa Department of Transportation (DOTr) na kanilang sasabihan ang operators at drivers na ang kanilang mga prangkisa ay magkakaron ng revocation isa (1) o hanggang dalawang (2) linggo pagkatapos ang deadline na binigay noong April 30.
Pinakikiusapan ng DOTr ang mga unconsolidated operators at drivers na huwag ng magpilit na bumiyahe kahit na tinaggalan na sila ng prangkisa. Ang consolidation ay isang bahagi ng PUVMP.
Inihayag namn ng LTFRB na may 10,000 ng jeepney units ang sa ngayon ay mga colorum na matapos na mabigo ang mga operators at drivers na magkaron ng consolidation bilang isang kooperatiba o korporasyon.
Kung kaya’t ang Mobility advocates ay hinimok si President Ferdinand Marcos, Jr. na dapat ay masiguro na magkakaron ng karampatang units ng pampublikong transportasyon matapos ang gagawing pagpahinto sa mga libo-libong jeepneys sa kanilang operasyon ngayon buwan ng May.
Nagsimula ang programa noong 2017 pa na naglalagyon na palitan ang mga traditional jeepneys ng mga modern jeepneys na dapat ay may Euro 4- compliant na engine upang mabawasan ang polusyon sa bansa. Naglalayon din ang programa mapalitan ang mga jeepney units na hindi roadworthy ayon sa standards ng Land Transportation Office (LTO). LASACMAR

DA, minomonitor ang umuusbong na ‘zoonotic diseases’

Posted on: May 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MINOMONITOR ng Department of Agriculture (DA), pinuno ng Philippine Inter-Agency Committee on Zoonoses (PhilCZ), ang umuusbong na ‘zoonotic diseases o infections” na maaaring kumalat mula sa hayop hanggang sa tao.

Sa isinagawang turnover ceremony ng chairmanship ng PhilCZ mula sa Department of Health (DOH) tungo sa DA, sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Constante Palabrica na kabilang sa mga sakit na pinagtutuunan nila ng pansin ay ang rabies at “highly pathogenic” avian influenza.

Sinabi pa ni Palabrica na naghahanap ang DA ng P20 million hanggang P30 million budget para sa pagbili ng karagdagang anti-rabies vaccine. Aniya, inendorso na ito para sa pirma ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Base sa pinakabagong data ng DOH, may kabuuang 89 human rabies cases, nagresulta ng pagkamatay ng lahat, ang naitala mula January 1 hanggang March 16, 2024.

Nakapagtala ang Soccsksargen ng pinakamataas na bilang ng kaso na 12. Sinundan ito ng Calabarzon at Bicol Region na mayroong tig-11 kaso bawat isa.

Tinatayang 82 ng mga kasong ito ay may kinalaman sa kagat ng aso, limang kaso naman ang kagat ng pusa, habang ang natitira naman ay kagat mula sa ibang hayop.

Kabilang sa kabuuang kaso, tanging isa lamang kaso ang napaulat na ang nakakagat na hayop ay fully vaccinated, 40 kaso naman ang nagsabi na ang hayop ay unvaccinated, habang ang natitirang 48 kaso ay kinasasangkutan ng mga hayop na may “unknown vaccination status.”

Ukol naman sa avian influenza, sinabi ni Palabrica na inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang tatlong kompanya para magpatuloy na I-trial ang vaccine.

“It’s still in process, ‘yung AI na bakuna . We’re just waiting for the results of the trial and from that, we can get an approval from the FDA,” ayon pa rin kay Palabrica.

Maliban sa mga ito, sinabi ni Palabrica na sinusubaybayan niya ang paglitaw ng foot-and-mouth disease at anthrax.

“As of now, merong emerging diseases…and that is the foot-and-mouth disease. The foot-and-mouth disease, as of now, the Philippines is free. Wala tayong bakuna. Hindi naman ito naita-transfer sa tao,” ayon kay Palabrica.

Ang mga kaso ng anthrax sa bansa ay kasalukuyan lamang limitado sa hilagang bahagi ng Luzon. Sinabi pa niya na handa ang DA sakali’t lumagap ang nasabing nakahahawang sakit.

“We have the capability to produce the vaccine for anthrax and we can do immediate action against anthrax,” ang sinabi ni Palabrica.

Buwan ng Marso, sinabi ng DOH na minonitor nito ang anthrax situation sa ibang mga bansa, kahit pa tiniyak ng departamento sa publiko na mayroon lamang na maliit na tsansa na kumalat ang nasabing sakit sa pangkalahatang populasyon. (Daris Jose)

Navotas, kinilala si San Jose bilang city patron, protector

Posted on: May 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA kapistahan ng Diocesan Shrine and Parish of San Jose de Navotas, opisyal na kinilala ng Lungsod ng Navotas si San Jose bilang city patron at protector nito.

Nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco at ng city council ang City Ordinance No. 2024-05, na nagdeklara rin ng unang Linggo ng Mayo bilang Pistang Bayan ng Navotas.

Kasabay nito, itinayo ng lungsod ang imahe ni San Jose Glorioso bilang isang cultural heritage treasure sa pamamagitan ng City Ordinance No. 2024-04.

“This marks a significant milestone in our efforts to safeguard our city’s vibrant cultural and religious legacy,” ani Mayor Tiangco.

“Navoteños have already been devotees of San Jose even when Navotas was still a visita of Tondo more than 400 years ago. Designating San Jose as our City Patron and Protector reflects our deep-rooted reverence and unwavering devotion to him,” dagdag niya.

Itinatag ng Archdiocese of Manila ang noo’y bayan ng San Jose de Navotas noong July 1, 1959.

Noong 2021, ang Roman Catholic Bishop ng Caloocan Most. na si Rev. Pablo Virgilio S. David ay idineklara ni San Jose de Navotas bilang diocesan shrine.

Bukod dito, kinilala ng National Historical Commission ang San Jose Parish Church bilang “Simbahan ng Navotas.”

Bago ang declaration ceremony, isang solemn mass ang isinagawa na pinarangalan ni Congressman Toby Tiangco at ng kanyang asawang si Michelle.

Nakiisa rin si Cong. Tiangco kay Bishop David sa paglalahad ng mga plano para sa San Jose Perpetual Adoration Chapel at sa estatwa ni San Jose Glorioso sa patio ng simbahan.

“San Jose, revered as the patron saint of workers, families, and communities, occupies a special place in the hearts of Navotas residents. He inspires us to embody the virtues of humility, diligence, and faithfulness,” pahayag ni Mayor Tiangco. (Richard Mesa)

Riviera Golf Club and Media Wise strike double gold at the 2024 Gold Quill Awards

Posted on: May 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Media Wise Communications, fresh from its golden wins just last year, has made a triumphant return to the Gold Quill Awards this year with a rare two-gold feat with the coffee-table book Playing the Course: 25 Years of the Riviera Golf Lifestyle. The twin wins, one for publication and another for  design, were announced this month by the International Association of Business Communicators (IABC), the organization that recognizes excellence in strategic communication worldwide via its annual IABC Gold Quill Awards of Excellence and Awards of Merit. Hundreds of entries from around the world vie for the prestigious awards every year. The 2024 IABC Gold Quill Awards saw 378 entries from 17 countries evaluated.

Playing the Course was produced in tandem with the Riviera Golf Club, a top-tier golf club in the Philippines and one of Asia’s best golf destinations. It earned high plaudits from the judges, including: “The book’s content is organized well, using golf metaphor and structure. There is a consistency challenge combining modern lush professional landscape photography with lower-quality historic images. . .” and “It is a beautiful piece of artwork for the eyes (evokes emotions. I would want such a book if I had a coffee table, and if I played golf.)”

Atty. Raul Ilagan  Jr., Chairman of the 25th year anniversary celebration and Riviera Golf  Club  treasurer,  together with Media Wise Communications president and Executive Publisher  Ramoncito Ocampo Cruz, will receive the two Gold Quills at the IABC World Conference on June 25, 2024 in Chicago.

PBBM, sesertipikahan bilang ‘urgent’ ang rice tariffication law

Posted on: May 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Lunes na sesertipikahan niya bilang ‘urgent’ ang panukalang amyendahan ang Republic Act No. 11203 o ang rice tariffication law (RTL) para mas maibaba ang presyo ng bigas sa bansa.

“Yes, I think it justifies the urgent certification,” ang pahayag ng Pangulo sa isang media interview kasunod ng kanyang pagdalo sa 2024 GOOCs’ Day at the Philippine International Convention Center sa Pasay City.

“Ang problema kasi kaya tumataas ang presyo ng bigas dahil ang mga trader ay nagko-compete. Pataasan sila ng presyuhan sa pagbili ng [bigas] at wala tayong control doon,” ayon sa Pangulo.

Aniya pa, maaaring impluwensiyahan o kontrolin ng gobyerno ang presyo ng bigas kung masisimulan ang pag-amyenda sa rice tariffication law partikular na sa pagbili ng palay at pagbebenta ng bigas sa publiko.

Samantala, itinutulak ni House Speaker Martin Romualdez ang pag-amyenda RTL para payagan ang National Food Authority (NFA) na magbenta ng bigas sa merkado.

Ang presyo aniya ay maaaring bumaba ng P10 hanggang P15 o P30 kada kilo kapag na amyendahan na ang RTL, sabay sabing prayoridad ng Pangulo na gawing matatag ang presyo ng bigas.

Isinaisip na ibaba ang presto ng bigas, pinahihintulutan ng RTL ang unlimited entry ng imported rice sa bansa. Pinagbabawalan nito ang NFA na bumili at magbenta ng bigas at ilimita ang mandato ng ahensiya na pangasiwaan ang buffer rice stocks. (Daris Jose)

Kaabang-abang ang special guests sa Season 2: MIGUEL, ipinagmamalaki ang pilot episode ng ’Running Man PH’

Posted on: May 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGMAMALAKI ni Miguel Tanfelix ang pilot episode ng ‘Running Man Philippines Season 2.’

“Proud ako sa naging outcome ng Running Man dahil unang-una, pinaghirapan po namin and pangalawa, masaya po kami noong buong 43 days,” saad ni Miguel.

Happy rin si Miguel dahil may bagong pamilya nabuo na kasama siya; solid at intact pa rin ang ‘Voltes V: Legacy’ family niya ay heto at belong na agad siya sa magandang samahan nila sa ‘Running Man Philippines.’

Muli nga silang nagkakasama ng Voltes team dahil nagpo-promote sila ng rerun nito; muling ipinapalabas sa GMA ang Voltes V gabi-gabi.

“Actually, itong Voltes V, sa simula hanggang ngayon, hindi po nawala yung closeness namin.

“Parang, the other week magkasama lang kami nina Radson (Flores). Kahit walang work, nagha-hang out kami,” kuwento ni Miguel.

Kanino siya ngayon mas close, sa ka-grupo niya sa Voltes V o sa Running Man Philippines?

Lahad ni Miguel, “No comparison e. Pero parehas ko po silang close.”

Ang iba pang runners sa season 2 ng ‘Running Man Philippines’ na nanggaling na rin sa season 1 ay sina Mikael Daez, Glaiza De Castro, Lexi Gonzales, Buboy Villar, Kokoy De Santos at Angel Guardian.

Bongga ang Season 2 dahil special guest sina Sandara Park, Nancy McDonnie at Haha ng Running Man Korea!

Guest rin sina Josh ng SB19, Unis members Gehlee at Elisa, Pinoy athletes Eric “Eruption” Tai and Mark Striegl, award-winning actress Alessandra de Rossi, at Kapuso stars Rochelle Pangilinan, Herlene Budol, Paul Salas, Archie Alemania, Michael Sager, at Bianca Umali, at ang Season 1 Original Pinoy runner na si Ruru Madrid.

Mapapanood na ito tuwing Sabado at Linggo simula May 11, 7:15 pm at May 12 7:50 pm.

***

NAKAKATAWA ang kuwento ng vocalist ng InnerVoices na si Angelo Miguel.

Kasi naman, kung ang ibang guwapong bokalista ng banda ay nahahagisan ng underwear, si Angelo ay may kakaibang karanasan; naabutan na siya ng … feminine napkin!

“Hindi naman gamit, may nakasulat na phone number,” ang natatawa at tila nahihiyang kuwento ni Angelo.

“Wala pang stage nun, as in nasa harap lang siya, and she’s kinda drunk. It’s a party ng isang mayaman sa isang events place.

“Huling set na namin, kumakanta ako, ibinigay niya sa PA namin, yung PA ibinigay sa akin. Nakalagay, call me.

“Iyon ang pinakamatindi, usually, paper.”

Hindi raw niya tinawagan ang teleponong nakasulat sa napkin.

“Hindi ko na namalayan, nawala rin yata yung napkin,” ang natatawang kuwento pa ni Angelo.

Samantala, bata pa si Angelo pero mahusay na siya sa eighties music. Paano siya humuhugot ng naturang genre na hindi pa niya inabot noon?

“Kasi sa eighties naman, kinalakihan ko siya, nineties baby talaga ako pero kinalakihan ko yung eighties music because of my mother and father.

“Every morning yung cassette tape paulit-ulit iyon, iyan yung A-ha, yang Take On Me na yan, Just Got Lucky, tapos iyan Always Something There [To Remind Me], Depeche Mode, Hotdog,” pagbanggit ni Angelo sa mga iconic songs and singers noong eighties.

“So iyon kinalakihan ko yung eighties music so pamilyar na ako sa halos lahat ng famous New Wave music.”

Samantala, ang iba pang miyembro ng InnerVoices ay sina Atty. Rey Bergado [keyboards], Jojo Esparrago [drums/percussion], Rene Tecson (guitar], Ruben Tecson [drums], and Joseph Cruz [keyboards].

May regular gig sila sa Hard Rock Café (Makati), Bar IX (Alabang) 19 East (Sucat), Aromata (Quezon City), at Bar 360 (Newport World Resorts).

(ROMMEL L. GONZALES)