• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 20th, 2024

Humans turn to zombies in the apocalyptic movie “Love You As The World Ends”

Posted on: May 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Love and determination are put to the test in the movie, based on the hit horror-television series co-produced by Nippon TV and Hulu Japan, Love You As The World Ends. The film centers around a group of survivors as they try to stay alive during an apocalyptic zombie outbreak, and maybe even find a cure. Directed by Shintaro Sugawara, who also directed the original series that topped the Hulu charts for 2 consecutive years.

Watch the trailer here: https://youtu.be/vs0cjJXuUz8

Love You As The World Ends follows the journey of survivors Hibiki Mimiya, who had to go through the ordeal of losing his partner Kurumi Ogasawara in the series. Along with a group of men also searching for their loved ones, Hibiki is hellbent on rescuing the only person he has left, his daughter Mirai. Mirai was kidnapped and brought to Utopia, a refuge from the zombies they call Golems. Once a beacon of hope, it’s now dilapidated with the group of researchers working on a cure huddled at the top, away from the masses.

Determined lead Takeuchi Hibiki is played by Takeuchi Ryoma , who is most known for his role as the main character in the Kamen Rider Drive series, Shinnosuke Tomari. Hibiki has infiltrated Utopia and is in search for his daughter Mirai, who was captured as a potential key to create a vaccine against turning into a Golem.

Along with Hibiki, a group of men fighting for their own causes form a reluctant truce to get to the top of Utopia. Among them is Shibasaki Yamato, played by Takahashi Fumiya , who voices Aruto Hiden in Kamen Rider Zero-One. Yamato is determined to reach the love of his life, Hatori Aoi, whose fate up high at the top of  Utopia remains unknown to him.

Watch to see if fate would reunite them with their loved ones as Love You As The World Ends opens in PH cinemas on June 12, an Encore Films film distributed by Warner Bros.
(ROHN ROMULO) 

Ads May 20, 2024

Posted on: May 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Kung todo effort sa season 1 ng ‘Running Man PH’: ANGEL, nag-focus na mag-enjoy at maka-bonding ang mga runners

Posted on: May 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TANONG namin kay Angel Guardian ay kung itinodo ba niya ang effort niya sa mga race sa season 2 ng ‘Running Man Philippines’ dahil siya ang Ultimate Runner sa season 1.“Actually this season po mas focused ako sa… na mag-enjoy ako. Kasi parang last season ang nasa isip ko is parang I play to win.

 

“Pero this season parang I play more to enjoy!“Iyon talaga yung sinet ko sa utak ko na, ‘Siguro okay na yung last season na talagang buhos lahat, buong lakas, lahat-lahat.“Siguro this season, aim… competitive pa rin naman ako pero hindi na… iba na yung mindset ko, mas focused na ako na iyon nga, mag-enjoy, maka-bonding yung mga runners, and makita kaming lahat na nag-e-enjoy, lahat nananalo.“Ayun,” ang pahayag ni Angel.Ang iba pang runners sa season 2 na gaming rin sa season 1 ay sina Glaiza de Castro, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, Buboy Villar at Mikael Daez, at ang pinakabagong runner na si Miguel Tanfelix.Hindi rin naman nangangahulugan na naging “relaxed” na siya sa mga race nila dito sa Season 2, na kahit hindi siya manalo this time ay okay lamang.“No po, kasi parang… iyon yung essence ng Running Man e, kasi alam mo yun, parang every mission we have to give our all.“Para rin sa mga audience, para rin ma-enjoy nila, para rin mag-appear sa screen na, alam mo yun, competitive kami, pero we enjoy.“And we want to show that to people, I want to show that to people.”

 

***

 

HORROR ang ‘Sem Break’ na bagong series ng Viva One, at may sariling horror story sa tunay na buhay si Jerome Ponce.

 

“Ako kasi so many years since bata ako and naniniwala ako sa multo, na ngayon ang paniniwala ko is more on soul, hindi yung mga multo, kaluluwa.

 

“Magkaibang-magkaiba iyon sa akin, yung kaluluwa yung may mga hindi natapos na misyon dito, mga hindi pa nila gustong ano kasi hindi nila matanggap.

 

“Experience-wise yung sa tita ko, kapatid ng dad ko, business kasi namin before is xerox machines, so ang nangyari merong bahay si Papa dati sa Makati.

 

“Hindi pa ako pinapanganak nun.

 

“May salamin sa may hagdanan, sobrang taas talaga, pataas.

 

“Ngayon sabi nila tuwing dadaan sila doon may nakikita silang white lady, legit talaga.

 

“Sabi daw huwag daw gagalawin iyon, hayaan lang. “Ngayon binili agad ng tita ko na iyon sa Papa ko yung bahay, sila na ang tumira dun.

 

“Kaya pala gustong huwag paalisin or binili nila kaagad, suwerte daw yun.”

 

Yumaman raw nang bongga ang tita ni Jerome.

 

Sa ‘Sem Break’ ay co-star nina Jerome at Krissha Viaje sina Aubrey Caraan, Hyacinth Callado, Gab Lagman, Keann Johnson, Dani Zee, Rose Van Ginkel at Felix Roco.

 

May fresh episode tuwing Biyernes, ang ‘Sem Break’ ay sa direksyon ni Roni S. Benaid.

(ROMMEL L. GONZALES)

Umapela sa TikTok sa hanapin ang netizen: HEART, napikon sa komento na ‘wala kasing anak’ kaya maganda

Posted on: May 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINDI naitago ng fashion icon at aktres na si Heart Evangelista ang pagkapikon sa isang netizen na nag-comment sa kanyang TikTok account.

 

 

Nag-comment ang TikTok user ng, “wala kasing anak” sa recent video ni Heart, at hindi nga ito pinalampas ng Kapuso star at sinagot ang naturang komento.

 

 

“Wait lang ha, napipikon ako sa’yo ah,” say ni Heart.

 

 

Dugtong pa niya, “Please comment with your real account, please. So I can address you properly.”

 

 

“But since you didn’t use your real account, I cannot address you properly, and I will not address you properly.

 

 

“My dear, it’s already 2024. I have lost four babies already. Don’t give me this sh*t!”

 

 

Dagdag paliwanag pa ng actress, “So may nag-comment na, you’re only pretty because you don’t have a child.

 

 

“Darling, nag-e-effort po akong magpaganda and I live a very grateful and peaceful life that makes a big difference and every day po akong nag-dederma kaya ako fresh.”

 

 

Agad namang nag-viral ang naturang video na umabot na ng higit 3 million views ng wala pang isang raw.

 

 

May apela rin siya sa TikTok na hanapın ang naturang netizen na nag-post ng rude comment at tawagan si Bungo.

 

 

Marami naman ang naka-relate kay Heart lalo na yung hindi pa nagkaka-anak.

 

 

***

 

 

BALIK-Star Cinema na ang Kapamilya actress na si Kim Chiu.

 

 

Kinumpirma ang good news ni ABS-CBN Films head Kriz Gazmen last Wednesday sa pamamagitan ng kanyang social media post.

 

 

“We’ve been wanting to work together again for years now but timing is everything, and now, it’s finally happening 😭

 

 

“Welcome back to @starcinema, @chinitaprincess!!! I am so proud of your back-to-back successes and can’t wait for this next one! Let’s do thissssss!!! 🎥,” caption ni Gasmen.

 

 

Huling movie ni Kim sa Star Cinema ang 2020 horror movie na “U-Turn”.

 

 

Napapanood naman si Kim hit primetime series “Linlang,” at sa Philippine version ng “What’s Wrong With Secretary Kim” na kung saan pareho niyang kasama si Paulo Avelino na nali-link sa kanya.

 

 

Kasama pa rin si Kim sa “ASAP Natin ‘To,” at isa sa co-hosts ng “It’s Showtime.”

 

(ROHN ROMULO)

Deployment ng China Coast Guard sa WPS, overkill

Posted on: May 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INILARAWAN ng Philippine Coast Guard (PCG) na “overkill” ang deployment ng China  ng ilang China Coast Guard (CCG) at Chinese maritime militia vessels sa Scarborough Shoal (panatag Shoal) sa panahon ng civilian mission na “Atin Ito”.

 

 

Nasa 10 CCG vessels, 10 Chinese maritime militia ships at isang people’s Liberation Army  (PLA) vessel ang namataan sa bisinidad ng Panatag Shoal ng mga awtoridad ng Pilipinas sa kanilang maritime domain awareness flight, sinabi ni Commodore Jay tarriela PCG spokesperson for the West Philippine Sea.

 

 

Ayon kay Tarriela, ito an ang pinakamalaking bilang na naobserbahan ng PCG simula ng kanilang pagbabantay sa  Panatag Shoal na binanggit na ito ay isang civilian mission lamang na ikinababahala ng China.

 

 

“Most  likely it was an overkill on the part of the Chinese Coast guard to deploy uch large number of China Coast Guard because they themselves believe in their own lies…this is the highest so far in Bajo de Masinloc – 10 China Coast Guard  vessels”.

 

 

Sinabi rin ni tarriela na maging ang deployment ng Chinese ships na lumapas sa 50 nautical miles mula sa Scarborough  Shoal ay “hindi normal”.

 

 

Sa pagitan ng Miyerkules ng gabi at Huwebes, hindi bababa a 2 barko ng Chinese Coast guard na may bow number na 4108 at 4203 ang sumusunod sa BRP Bagacay, na nagbunsod ng mga radio challenges. Ang barko ng PCG ay nag-escort sa “ Atin ‘to!” mission. (Daris Jose)

PULONG BALITAAN UKOL SA GAMBLING ADDICTION, SINIMULAN NGAYON SA QUEZON CITY

Posted on: May 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
SINIMULAN ngayon sa Quezon City ang kauna-unahang pulong balitaan para sa adiksyon sa pagsusugal.
Layon ng kumperensya na suriin at talakayin ang epekto ng pagka-adik sa sugal lalo na sa mga pamilya ng mga biktima.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, bahagi na ng kultura ng mga Pilipino ang game of chance o pagsusugal gaya ng sabong, bingo at iba pa at ngayon nga ay maging sa internet.
Ang mahalaga aniya ay matutukan ang aspeto ng mental health ng mga naaadik sa anumang uri ng sugal upang hindi na humantong sa hindi magandang pangyayari gaya ng pagiging bayolente, pagpapatiwakal at upang makaiwas sa utang at kahihiyan.
Sabi pa ni Belmonte, mahalagang tutukan ang epekto ng labis na pagkalulong sa sugal dahil ito ay nakaaapekto sa kalusugang pisikal at psychological ng isang indibidwal, kapag hindi naagapan ay umaabot sa pagka-bankcrupt, pagka-bayolente at maging pagkasira ng pamilya ang labis na pagkahilig sa pagsusugal.
Dinaluhan ng mga dalubhasa sa pyschological community, gambling councilors, mga kinatawan ng mga malalaking casino, kinatawan ng PAGCOR at iba pang stakeholder ang nasabing kumperensya na magtatapos sa 22 ng Mayo. (PAUL JOHN REYES)

FLOOD-CONTROL PROJECTS, handa na para sa LA NIÑA-PBBM

Posted on: May 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko ang kahandaan ng pamahalaan na tugunan ang La Niña.
“The construction of long-term flood control projects is going to deal with La Niña’s challenges  for the government,” ayon kay Pangulong Marcos sa media interview ukol sa paghahanda ng gobyerno para sa nagbabadyang nakapipinsalang weather phenomenon.
Ang alalahanin ay naungkat matapos na maiulat ang pagkaubos ng calamity funds ng local government units (LGUs) dahil sa pagtugon sa napakatagal na dry spell o panahon ng tag-tuyot.
“Naka-ready naman kami, but of course,  the long term, ang talagang solusyon dyan is ‘yung flood control,” ayon sa Pangulo.
“Aayusin natin ‘yung flood control, gagawin nating irrigation, mag-iipon tayo ng tubig para pagka naabutan na naman tayo ng tagtuyot, kagaya ngayon ay mayroon tayong pagkukuhanan ng tubig. There’s no need to do anything special,” ayon sa Chief Executive.
Aniya pa, ginagawa na ng gobyerno ang lahat ng makakaya nito para sa paghahanda sa La Niña na sa pagtataya ay tatama sa bansa sa huling bahagi ng taon.
Samantala, si Pangulong Marcos ay nasa Tacloban City para pangunahan ang pamamahagi ng 5,000 titulo ng lupa sa agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa Eastern Visayas, pagtupad sa kanyang pangako na makapagbigay ng lupang sakahan sa mga magsasaka na walang lupain. (Daris Jose)

Mas nag-concentrate sa hosting at acting: RABIYA, itinangging na-insecure kay FAITH kaya nawala sa ’TiktoClock’

Posted on: May 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGSALITA na si Miss Universe PH 2020 Rabiya Mateo tungkol sa pagkawala niya sa daily variety show ng GMA na ‘TiktoClock.’

 

 

May bulung-bulungan na na-insecure daw ito sa co-hosts na si Faith da Silva. Pero pinabulaanan ito ni Rabiya dahil close sila ni Faith. Mas mag-concentrate daw siya sa pag-host sa mga regional pageants at sa acting.

 

 

“In terms of hosting, yun nga po, with a heavy heart, katatapos lang po ng kontrata ko with TiktoClock. I’m very blessed for that exposure. Ako, I’m so proud of TiktoClock, nami-miss ko na rin po, actually, yung mga co-host ko doon. Pero ganun talaga ang buhay, may mga desisyon, may mga path na nag-e-end. However, sana po in the future, mag-meet ulit kami,” sey ni Rabiya.

 

 

Masayang namang binalita ni Rabiya na may special role siya sa GMA epicserye na ‘Pulang Araw’. Ito ang ikatlong teleserye niya after ‘Royal Blood’ at ‘Makiling’.

 

 

“Hindi ko pa po mase-share ang role ko kasi it’s a surprise. Pero bilang isang Pilipino po, nakaka-proud na somehow feeling ko nabalik din ako sa 1930 era.

 

 

“Ngayon, tina-try ko naman po yung mga heavy drama, iyakan talaga. Siyempre, it takes a lot of practice. Kahit bago ko pa lang siya ginagawa, napamahal na po ako sa kanya. I’m willing to learn. Sana po mabigyan tayo ng role na mabibigyan ko rin ng justice.”

 

 

***

 

 

LOOKING forward si Isko Moreno sa kaniyang showbiz career bilang isang Sparkle artist.

 

 

Kabilang si Yorme sa Signed for Stardom 2024 kasama ang iba pang mga biggest and brightest stars sa GMA Network.

 

 

Kuwento ni Isko sa kaniyang pagtungtong sa stage, una niyang pinasasalamatan ang Panginoon para sa mga biyayang kaniyang natatanggap.

 

 

“I am always grateful to God. Without Him, I am nobody, nowhere today. I always believe in that first and foremost.”

 

 

Dahil balik showbiz na si Isko Moreno pagkatapos niyang pumasok sa politika, nais niyang ibuhos ang kanyang oras sa kaniyang career.

 

 

“This is a way of reinventing myself in showbiz. My first love na industry that gave me an opportunity to better myself in a particular field and it cannot be denied it catapulted to another career, it helped me. Now that I am full time, I am looking forward for more work, of course.”

 

 

Sa kasalukuyan ay napapanood si Isko sa Black Rider. Mapapanood din si Isko Moreno sa nalalapit na Sparkle World Tour.

 

 

“I am happy with Black Rider… ang galing ng Black Rider,” ani Isko.

 

 

Saad pa ni Isko Moreno, “Kakanta raw kami, US and Canada, more or less. Grateful maraming ginagawa at marami pang gagawin,spa I was told by Sparkle.”

 

 

Abangan si Isko “Sparkle Goes to USA” sa August 9 and 10 kasama sina Alden Richards, Rayver Cruz, Julie Anne San Jose, Aiai Delas Alas, Isko Moreno, and Boobay.

 

 

***

 

 

AFTER ng 4 days na pag-perform ni Taylor Swift sa ‘The Eras Tour’ sa Paris, nag-timeout muna ito kasama ang boyfriend na si Travis Kelvce sa Lake Como in Italy.

 

 

Namataan ang dalawa na magkaakbay habang namamasyal sa Lake Como. Nakita rin silang nag-dinner sa isang kilalang restaurant doon.

 

 

Sunod na stopover ng tour ni Taylor ay sa Stockholm, Sweden. Bilang pag-welcome sa Fortnight singer, tinatawag ngayon ang Stockholm na “Swiftholm”.

 

 

Ayon sa Billboard, ang latest hit album ni Taylor na ‘The Tortured Poets Department’ is  “the most-streamed album ever. All 31 tracks on the album had been streamed 891.37 million times. Swift also set a record for most vinyl sales, with 859,000 sold.”

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Pilipinas at Japan, pumirma ng kasunduan para sa 97-meter patrol vessels

Posted on: May 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PUMIRMA ng kasunduan ang Pilipinas at Japan ngayong araw para sa limang 97-meter Multi-Role Response Vessels ng Philippine Coast Guard.

 

 

 

Ayon sa Department of Foreign Affairs, nagkakahalaga ng 64.38 billion yen o halos 24 million pesos ang limang vessels gayundin ang pag-develop ng support facilities.

 

 

 

Ito ay popondohan ng Japanese official development assistance loan sa ilalim ng third phase ng Maritime Safety Capability Improvement Project.

 

 

 

Pinangunahan nina Department of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Japanese Ambassador Endo Kazuya ang pirmahan ng exchange of diplomatic notes para sa naturang proyekto.

 

 

Kabilang din daw sa naturang kasunduan ang pag-develop ng required support facilities para sa PCG na magpapaunlad umano sa kakayahan ng PCG na tumugon sa mga transnational crime.

 

 

 

Ayon kay Manalo, ang kasunduan ay hindi lamang para palakasin ang bilateral relations ng dalawang bansa bagkus ay isang patunay ng unwavering commitment para patatagin ang maritime safety capabilities.

 

 

 

Nauna ng bumili ang PCG ng sampung 44-meter at dalawang 97-meter multi-role response vessels sa Japan.

 

 

 

Kung matatandaan, ang dalawang 97-meter patrol ships na BRP Melchora Aquino at BRP Teresa Magbanua ay ginamit na para mag-patrol sa West Philippine Sea.  (Daris Jose)