• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 4th, 2024

Na-diagnose ng ADHD, dyslexia, PTSD at bipolar: KELVIN, naabuso noong bata pa at hindi makalimutan

Posted on: June 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PASABOG ang rebelasyon ni Kelvin Miranda sa guesting niya sa ‘Toni Talks’ ni Toni Gonzaga!

 

 

 

 

Dito ay inihayag ni Kelvin ang tungkol sa mental health niya.

 

 

 

 

Sinabi ni Kelvin na hindi niya dati inambisyon na maging artista pero sa murang edad ay pinasok niya ang showbiz dahil sa pinansiyal na pangangailangan ng kanilang pamilya.

 

 

 

 

Kahit sa umpisa ay nag-e-enjoy siya sa ginagawa niya bilang artista pero kalaunan ay nadama niya na baka makaapekto sa kanyang mental health ang pagiging celebrity.

 

 

 

 

“Ayoko rin siya minsan parang nakakasira siya sa mental health ko. Kasi sinabi rin na makakasama siya for me dahil sa disorder ko. Iyon din ang pinaka-ayaw ko once na na-trigger na ako, Nagkakaroon ng episodes,” pagtukoy ni Kelvin sa pagkaka-diagnose sa kanya ng pagkakaroon ng with bipolar I, attention deficit hyperactivity disorder (ADHD), mild dyslexia, at post traumatic stress disorder (PTSD).

 

 

 

 

Nagpakonsulta siya matapos makaramdam ng patterns of impulsive behavior, breakdowns at hirap na ihiwalay ang kanyang totoong pagkatao sa mga karakter niya sa harap ng kamera.

 

 

 

 

Nang tanungin ni Toni tungkol sa kanyang PTSD, iniman ni Kelvin na “Naabuso din kasi po ako noong bata ako. Hindi ko alam kung paano ko makakalimutan.”

 

 

 

 

Hindi na nagdetalye si Kevin tungkol dito at sa halip na magpokus sa sakit na nadarama ay hinarap niya ito, niyakap sa pamamagitan ng dasal, meditation, at pag-iwas sa social media kung saan alam niyang hindi siya makakaiwas sa kritisismo.

 

 

 

 

Aniya, “Kahit na anong ginawa mong mabuti, para sa kanila never ka naging mabuting tao. Kahit na marami ka rin sinakripisyo.

 

 

 

“Kasi parang nakikita lang ng tao yung mali, e. Hindi nila nakita yung kung paano ka naging mabuting tao para sa kanila.

 

 

 

 

“Kung ano yung ginawa mo para magawa mo yung bagay na iyon sa kabubuti nila. Hindi nila makikita, hindi nila ma-appreciate, e.

 

 

 

 

“Hindi ko sinasabi na ako yung pinakamabuting tao. Pero hindi ako masamang tao, alam ko po iyon,” matapang na pahayag ni Kelvin.

 

 

 

 

Sa kabila ng mga pangit na karanasan, sa paningin ni Kelvin ay ang mga ito ay bumuo at humubog sa kanya kung sino siya ngayon.

 

 

 

 

Naniniwala siya sa kahalagahan ng bukas at pagpapatuloy sa buhay at huwag mapako sa nakaraan.

 

 

 

 

Ayon nga sa kanya, ang motto niya na “Your present needs your presence,” ay sumasalamin sa kanyang pagkatao sa kasalukuyan.

 

 

 

 

Sa ngayon ay abala si Kelvin sa taping ng fantasy series na ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre’ ng GMA at palabas sa mga sinehan ang ‘Chances Are, You and I’ nila ni Kira Balinger.

 

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Na-enjoy ang bonding nila ni Christophe: GLADYS, nag-hula hoop sa sikat na tourist destinations sa London

Posted on: June 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TUNAY ngang super sikat na ang pares overload queen na si Diwata . Pinagkaguluhan si Diwata ng mga businessman, mga celebrity at iba pa na nasa grand ballroom ng Okada Hotel.

 

 

 

Isa kasi si Diwata sa awardee ng katatapos na Asia Golden Icon awards 2024 naNag-hula hoop siya sa Abbey Road, sa Tower Bridge ng London at sa tapat ng Buckingham Palace. ginanap sa nasabing hotel.

 

 

 

Sa totoo lang from all walks of life ay nagpakuha ng larawan with Diwata including yung mga kilala na rin sa iba’t-ibang larangan na kapwa awardees ng nabanggit na award giving body.

 

 

 

Pinagbigyan naman ni Diwata ang lahat ng gustong magpa-picture sa kanya at sa totoo lang hindi na nakuhang kumain niya dahil sa sunod-sunod na nakapilang magpakuha ng larawan sa kanya.

 

 

 

Bukod kay Diwata present din ang mga binigyan ng parangal na sina Ara Mina, Shergyn Regis, VG Alex Castro, Atty. Lorna Capunan at iba pa.

 

 

 

Ang PMPC president na si Rodel Fernando ang recipient ng Asia’s Iconic Organization in the Phil. Entertainment.

 

 

 

In the absence of Pres. Rodel dahil busy sa hosting job niya sa Marisol Academy, kami nina BOD Mel Navarro at co-PMPC member Blessie Cirera ang tumanggap ng award na binigay ng pinamunuan nina Congw. Marissa Del Mar Magsino at ni Dr. Ybanez.

 

 

 

And in behalf of all the officers and members of PMPC maraming salamat Asia Golden Icon Awards.

 

 

 

***

 

 

 

SUPER hataw hanggang London ang paghu-hula hoop ni Gladys Reyes.

 

 

 

Kasalukuyang nasa London at ilang bahagi ng United Kingdom ang aktres kasama ang panganay na anak na si Christophe Sommereux.

 

 

 

Naimbitahan sila ng ilang mga kababayan natin doon para magpasaya sa ilang Filipino communities.

 

 

 

Si Gladys lang pala ang may Philippine passport, pero lahat ng mga anak nila ni Christopher Roxas ay may French passport, kaya makakaalis daw sila anytime dahil walang visa.

 

 

 

Sa kanyang social media post ay ikinuwento ni Gladys na sobrang happy daw siya sa panganay niyang anak dahil talagang total performer daw ito kapag nahilingang kumanta sa mga kaibigan nila roon.

 

 

 

“Alam mo si Christophe ang na-realize ko sa bonding namin as mag-nanay. Kasi parang two-in-one na, bonding na rin, kasi parang nag-show kami dito sa mga Filipino communities.

 

 

 

“Para siya nga yata ang mini me ko dahil he’s a people person. Tapos parang nagta-transform siya when he performs e. Pag nasa stage na siya, talagang all-out. Nakakatuwa lang kasi nae-enjoy niya ang pag-perform.

 

 

 

“In-enjoy talaga namin ni Christophe dito. Actually, punta kami ng Liverpool, dahil nga alam mo na, gusto niya yung history ng Beatles ganyan,” kuwento pa ni Chic-chic.

 

 

 

Banggit pa ni Gladys na isa rin daw sa na-enjoy niya ay ang pag-iikot nila sa iba’t-ibang tourist destinations ng London at hinataw niya ang galing niya sa paghu-hula hoop.

 

 

 

Nag-hula hoop siya sa Abbey Road, sa Tower Bridge ng London at sa tapat ng Buckingham Palace.

 

 

 

“Naisakatuparan ko rito sa London ang aking magiging ‘Gladys Knight’ yung pagiging concert queen, pero hula hoop concert queen ha?

 

 

 

“Actually, hindi ko na-pack ang aking hulahoop kasi mabigat talaga yung hulahoop. Pero luckily, meron palang naghu-hula hoop dito na mga kababayan natin. So, yun nga, sila nag-provide ng hulahoop ko.

 

 

 

“So, sabi ko talaga, parang isa sa mga wish ko e makapag-hula hoop sa isa sa mga iconic spots sa London, tulad ng Abbey road. Soon, I’ll be posting also sa mismong Tower bridge o tinatawag nilang London bridge sa Pilipinas.

 

 

 

“Pero actually, Tower bridge ang tawag nila dun. Tapos nag-hula hoop din ako habang nasa background ang Buckingham Palace, mga ganun.

 

 

 

“Kasi ano e, advocate tayo of fitness and hulahoop. So, inaano ko…because I wanna promote it a way to exercise and at the same time, masayang gawin,” pagkukuwento pa rin ni Gladys sa radio show ng katotong Gorgy Rula.

 

 

 

Sa susunod na linggo ang balik ni Gladys sa bansa at aayusin na ang dalawang pelikulang gagawin niya.

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Experience the Explosive Action and Unparalleled Chemistry of Will Smith and Martin Lawrence in “Bad Boys: Ride or Die”

Posted on: June 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Will Smith and Martin Lawrence – cinema’s bad boys of action-comedy – are back again in Bad Boys: Ride or Die.

 

 

 

 

 

“It’s magical to see them both together,” says Bilall Fallah, who directs with his partner Adil El Arbi, and are best-known as simply Adil & Bilall. “It’s unbelievable, the chemistry they have. It’s always surprising when you’re behind the monitors directing the scene and they come up with this genius golden humor – you sit back, relax, and see them perform.” When that magic happens, he says, his job is easy. “They’re the best duo on the big screen, and very unique.”

 

 

 

 

 

Smith says that his chemistry with Lawrence comes out of 30 years of respect for each other’s craft. “We both have grown and experienced a lot of life,” he says. “So, when we come together, the amount of respect and care, and concern for each other – it’s the only way to work.”

 

 

 

 

 

In the mid-1990s, Martin Lawrence and Will Smith did not know each other before Lawrence cold-called Smith to see if the star of Fresh Prince of Bel-Air would be interested in teaming with the star of Martin for an R-rated buddy cop movie. Lawrence had the script, and his sister, who was a fan of Fresh Prince, suggested that her brother call Smith. The result was not only one of the great pairings in movie history that changed their lives, but a real-life friendship too. “It’s the best phone call I ever made,” says Lawrence. “We had known of each other’s work, but we’d never met. When we did meet, there was a mutual respect and it was clear we had a connection. Even now, 30 years later, we are close friends. Even when it has been a minute since we’ve seen each other, we know we can always count on each other. Ride or die, for real.”

 

 

 

 

 

“Isn’t that what we all want? Someone we can count on no matter what?” adds Smith. “That’s part of the joy of these movies – bad boys for life is truly for life.”

 

 

 

 

 

Bad Boys: Ride or Die sees Mike Lowrey (Smith) and Marcus Burnett (Lawrence) in the biggest jam they’ve ever faced: when new evidence comes to light implicating the late Captain Howard (Joe Pantoliano) in a lifetime of drug-related crimes, the Bad Boys vow to clear his name… even if it means coming in the crosshairs of the cartel and the cops.

 

 

 

 

 

Adil & Bilall return to the helm of the movie after also directing Bad Boys for Life and notching the franchise’s best reviews from critics and audiences alike. “When we were 19 and studying in Brussels in film school, we were always dreaming of one day being part of Hollywood, and we were always joking that if one day we would be getting the chance to go to Hollywood, we’d want to make a Bad Boys movie – a Bad Boys 3,” Bilall laughs. “But obviously, we never really believed that it would happen up until we got to ask Jerry [Bruckheimer, producer] and Will. And we’re still pinching ourselves. We are fanboys, so it’s still a very surreal feeling.”

 

 

 

 

 

Don’t miss out on explosive action and laugh-out-loud humor Bad Boys style when Bad Boys: Ride or Die, distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International, opens in cinemas June 5. #BadBoys @columbiapicph. (Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”)

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Ipagpapasa-Diyos na lang kung kailan mangyayari: SHERYL, never na tatanggi sa reunion project nila ni ROMNICK

Posted on: June 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISA si Sheryl Cruz sa mga ambassadors ng Skinlandia Dermatology and Plastic Surgery na pag-aari nina Noreen Divina at Juncynth Divina na sumaksi sa ribbon cutting ang blessing para sa grand opening na ginanap last Saturday, June 1 sa SM City, Fairview.
Sila rin ang owner ng Nailandia na ine-endorse ni Marian Rivera na katabi lang ang puwesto sa Skinlandia.
Kapansin-pansin na wala halos make-up si Sheryl nang dumating sa event. Kitang-kita na parang hindi siya tumatanda dahil fresh looking pa rin at halata na maalaga talaga siya sa lalo na sa kanyang face.
Paliwanag niya, “I guess, it’s not because I want to be eternally young or youthful. It’s just that first, alam natin na ito talo ang bread and butter naming mga artist ‘yung buong package namin.
“And the same time, at my age. I Gusto really love to age gracefully.”
Kaya naman perfect siyang mag-endorse ng Skinlandia.
Natanong din siya Sheryl kung open ba siya sa reunion project ng dating siyang ka-loveteam na si Romnick Sarmenta na active pa rin sa TV at movie projects.
Sagot niya, “ako, ever since before, never kong tinanggihan ang reunion project with Romnick.
“Ang sa akin lang, it’s a matter of his time and it’s in God’s time.  Alam ko lahat, excited na magkaroon kami ng reunion.  Sino ba ang hindi?
“Pero that would be up to the one up there kung kailan niya kami pagsasamahin sa isang proyekto.”
Naitanong din kay Sheryl ang naungkat na isyu tungkol sa kanila ni Anjo Yllana. Na-engage pala sila pero hindi nauwi sa kasal dahil nakabuntis ang aktor.
Nagpakatotoo lang daw siya, dahil naitanong sa kanya ni Boy Abunda, at sabi pa niya, “Hindi naman kası ako ‘yun tao na parang I would keep it lalo na kung nangyari naman.”
Okay na okay naman sila ni Anjo at magkaibigan pa rin.
Samantha, ang influencer na si Jess Martinez na tulad ni Sheryl at mina-manage ng Artist Circle ni Rams David, ang napiling face of Skinlandia, na fresh and very promising star.
Open for franchise ang,Skinlandia, tumawag lang, mag-text o mag-Viber na sa 0995 577 0628 0915 106 0888, (02) 8282 4306 at mag-Viber sa 0917 868 8550 para sa mga detalye.
Bukod sa SM City Fairview, may branch din ito sa SM Jazz Residences.

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Sinasabay sa taping ng series na ‘The Bagman’: JUDY ANN, hands-on sa pag-aasikaso ng kantina nila ni RYAN

Posted on: June 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGBAGONG-BIHIS ang Angrydobo sa Taft Avenue na pag-aari ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

 

 

 

May pangalang Cantina Angrydobo, isa na itong high-end pero mura na carinderia o canteen na natatagpuan sa loob ng mga eskuwelahan.

 

 

 

 

At dahil nasa harap lamang ito ng De La Salle University, mas ginawang affordable para sa mga estudyante ang presyo ng mga pagkain sa Cantina Angrydobo.

 

 

 

Mas lalo ring dumami ang food choices na nakalagay sa food trays at mismong ang kostumer ang magtuturo kung ano ang gusto niyang kainin.

 

 

 

Saksi kami kung paanong hands-on na inasikaso nina Juday at Ryan ang reinvention ng Cantina Angrydobo, pati na rin ng mga kasosyo nila na sina Donbee na kuya ni Ryan at Malou sa hipag naman ni Ryan.

 

 

 

Si Juday, lagare sa pag-aayos ng Cantina Angrydobo at sa shoot ng ‘The Bagman’ with Arjo Atayde.

 

 

 

Ang Angrydobo naman sa Alabang ay hindi binago ang set-up mula noong binuksan hanggang sa ngayon.

 

 

 

***

 

 

 

TINUTUPAD naman ni Ai Ai delas Alas yung sinabi niya na kahit nakabase na siya sa Amerika ay uuwi siya sa Pilipinas kapag may project na ibibigay ang GMA.

 

 

 

Muling uuwi sa Pilipinas si Ai Ai para sa taping ng ‘The Clash’ ngayong June.

 

 

 

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa 24 Oras ay nagkuuwento si Ai Ai.

 

 

 

“Ga-graduate ‘yung anak kong bunso, si Andrei. And then after niyan pupunta ako sa Japan dahil may show po ako, June 15 and 16, and then sa August, because of ‘The Clash,’” pagbabahagi Ai Ai.

 

 

 

 

Dagdag pa niya, “Ngayon pa lang nag-aabang na ako kung ano isusuot ko, nag-iisip ako ng mga gimmick ko at tsaka nag-iisip ako kung ano gagawin ko sa mga damit ko.

 

 

 

“Eto na. Game na ulit.”

 

 

 

Habang nasa Pilipinas ay magiging guest rin siya sa mga GMA shows.

 

 

 

“’Yung mga guesting ko inaayos na nila habang nandiyan ako sa Philippines, habang nagte-taping ako ng The Clash. And I hope makapag-guest ako sa ganito, sa ganiyan. Sana makapag-guest ako sa Abot Kamay Na Pangarap.”

 

 

 

Magbubukas rin ng negosyo si Ai Ai na may kinalaman sa skin care products.

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Ads June 4, 2024

Posted on: June 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments